You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Kontemporaryong Isyu
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay;
a. Nailalarawan ang kalagayan pangkapaliiran ng Pilipinas.
b. Naiisa-isa ang mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas.
c. Nakakapagpahayag ng sariling kaisipan sa mga isyung pangkapaligiran.
II. Nilalaman
a. Paksa: Suliraning Pangkapaligiran
b. Kagamitan: Ppt, Pictures, Laptop, TV, Speaker, Video, Charts, Graphic Organizer
c. Sanggunian: TG, pahina sa LM 35-53, LR Portal
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pamamahala sa silid aralan
4. Pagtala ng Liban
5. Balitaan
6. Balik aral

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Picture Analysis: Magtatanong ang guro kung ano ang nakikita ng mga mag-aaral
sa larawan.

C. Pagtatalakay
1. Aktibiti
Video Analysis: Magpapakita ng music video (pamagat ay Kapaligiran ng Asin) ang
guro, ipakikinig at ipakakanta ito sa mga mag-aaral.
2. Analisis
Magbibigay ang guro ng mga pamprosesong tanong mula sa bidyo;

- Ano ang ipinapahiwatig ng bidyo?


- Ano ang inyong naging damdamin mo sa panonood ng bidyo? Bakit?
- Ano-ano ang mga isyung pangkapaligiran ang pinakita sa bidyo na kasalukuyang
kinakaharap din ng inyong komunidad? Tukuyin sa pamamagitan ng mga
sumusunod na larawan.

3. Abstraksyon
Think-pair Share: Mag-iisip ang mga mag aaral ng mga sanhi ng mga sumusunod na
suliraning pangkapaligiran na kanilang tinukoy.
Sa inyong palagay, bakit nararanasan natin ang mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran)?

Sanhi ng mga Suliraning Pangkapaligiran

Polusyon Deforestation Pagmimina Pagbaha

4. Aplikasyon

Hahatiin ng guro ang klase sa (4) apat na pangkat. Bawat pangkat ay inaasahang

maipakita ang mga aktibidad ng tao na nakakaapekto sa ating kapligiran at kalakip nito ay

ang paglalahad ng mga solusyon sa suliraning ito na kinakaharap.

Pangkat I – Role Play Pangkat III - Commercial

Pangkat II – Awitin Pangkat IV - Tula

Pagkamalikhain 8
Nilalaman 7
Presentasyon 10
Kooperasyon 5
Total 30 pts.
IV. Pagtataya
I. Panuto: Tukuyin ang mga suliraning pangkapaligiran na tinutukoy sa mga sumusunod.
___________ 1. Pagkaubos ng mga punong kahoy sa gubat.
___________ 2. Isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa.
___________ 3. Ang pagiging marumi ng kapaligiran.
___________ 4. Labis na pag apaw ng tubig o paglawak ng tubig sa natatakpan ng lupa.
___________ 5. Kawalan ng pamnatayan sa pagtatapon at pangangasiwa ng mga basura.

V. Takdang Aralin
Ang mag-aaral ay magsasaliksik ng mga hamong pangkapaligiran ng kanilang komunidad at
solusyong isingawa para dito.

VI. Puna
____ sa ____ na mga mag-aaral ang nakaaabot sa antas ng pagkatuto.

Rizza Joy S. Esplana


Aplikante

You might also like