You are on page 1of 12

COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa G10


(Cooperative Learning)

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang kahulugan ang Disaster Management at Natutukoy ang


kosepto ng Disaster Management
b. Napapahalagahan ang konsepto ng Disaster Management sa pagbabago
ng panahon sa kasalukuyan.
c. Nakagagawa ng iba’t-ibang gawain na nagpapakita ng Disaster
Management
II. PAKSANG ARALIN

Yunit: I. Mga Isyu at Hamon ng Kapaligiran


Paksa: Ang Disaster Management
Kagamitang Pagtuturo: Mga tulong biswal, task card or guide cards, cartolina
at mga iba’t-ibang larawan.
Kaugnay na Kurikulum: Sociology, Environmental Science, Political Issue.

Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang konsepto ng Disaster


Management sa pagbabago ng panahon sa
kasalukuyan

III. YUGTO NG PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Panalangin

Tumayo ang lahat, pangunahan mo Itungo po natin ang ating mga ulo at
ang panalangin, Jericho damhin ang presensya ng
panginoon... Sa ngalan ng Ama at
Anak at Espirito Santo Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga din po Gg.


Pantaleon...

3. Pagtala ng Pumasok

Bilang sekretarya ng klase iulat mo Ikinagagalak ko pong sabihin na wala


nga kung ang lahat ng iyong mga ka- pong lumiban sa araw na ito.
mag-aral ay pumasok sa araw na ito.
Josie
4. Pagwawasto ng Takdang
Aralin

May takdang aralin ba akong inatas Opo.


sa inyo mga mag-aaral?

Ngayon ay ilabas nyo na at ipasa sa


harapan at ako ng bahala na
magwasto nito.

5. Pagbabalik Aral

Bago tayo dumako sa panibagong


aralin balikan muna natin ang ating
napag-aralan noong nakaraang araw.

Ano ang ating tinalakay noong Konsepto at Konteksto ng migrasyon


nakaraang araw?

Magaling! ano naman ang kahulugan Ito po ay tumutukoy sa proseso sa


ng migrasyon? pag-alis o paglipat mula sa isang
lugar o teritotoryong politikal patungo
sa iba pa maging ito man po ay
pansamantala o permanente.

Mahusay! Ang migrasyon ay


tumutukoy sa paglipat ng tao o hayop
papunta sa isang lugar na mabibigay
sa kanya ng oportunidad o
kapikanabangan.

Ano naman kaya ang dalawang


terminolohiya na ginanagamit sa Ito po ay ang flow at stock , ang flow
disiplinang ito at ipaliwanag? po ay tumutukoy sa dami ng dayuhan
na pumapasok sa isang bansa,
samatalap o ang stock ay tumutukoy
sa bilang ng dayuhan na nainirahan
sa isang bansa.
Mahusay! bigyan nyo sya ng limang.

6. Pagganyak

Ngayon ay lubos nyo ng naintindihan


ang ating nakaraang aralin.

Bago ang lahat papangkatin ko kayo


sa limang grupo

(Papangkatin ng Guro ang klase sa


lima at bibigyan ng gawain).

Bibigyan ko ang bawat grupo ng


picture puzzle sa loob ng dalawang
minuto ay kailangan na matapos ito
at ang bawat grupo ay pipili ng isang
representative na magpapaliwang
kung ano ang ipinahihiwatig ng
larawan ukol sa napagkasunduan ng
bawat grupo.

(Ang mga mag-aaral ay uumpisahan


na ang kanilang gawain)

Unang Ikalawang Ikatlong


Pangkat Pangkat Pangkat

Ika-apat na Ika-limang
Pangkat Pangkat

(ang mga napiling reporter ng bawat grupo


ay iuulat sa harapan kung ano ang
ipinahihiwatig ng larawan)

Base sa mga larawang binuo nyong lahat Ang Disaster management


ano kaya ang ating tatalakayin sa araw na
ito?

Mahusay! Bigyan nyo ng sampong bagsak


ang inyong mga sarili.

B. Panglinang na Gawain
1. Paglalahad

Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay


ang Disaster management at ang
konsepto nito.

Ano nga ba ang Disaster management sa Ang Disaster management po ay


inyong pananaw? pamamahala sa klamidad na nararanasan
sa kasalukuyan at dito po malalaman kung
paano po maiiwasan ang mga disaster o
hazard na mangyayari sa ating
kapaligiran.

Napakahusay! Ang Disaster management


ay tumutukoy sa mga iba’t-ibang gawain
na dinisenyo uang mapanatili ang
kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad at hazard.

2. Pagtatalakay

Alamin na natin ang Disater management


at ang termino o mga konsepto nito.

Basahin nga ng lahat

Ito ay isang dinamikong proseso na


sumasakop sa pamamahala ng (ang mga mag-aaral ay magbabasa)
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi, pamumuno at pagkokontrol.

Bakit kaya mahalaga ang pamamahala sa Para po maiwasan ang anumang sakuna
kalamidad? na maaring makapinsala sa tao.

Magaling! Mahalaga ito sapagkat dito


mababalangkas ang pagpaplano upang
mapaghandaan ang dadating na
kalamidad.

Ngayon ay bumalik na kayo sa dati


ninyong mga kagrupo.

(Ang guro ay mag aatas ng gawain sa


bawat grupo)

Ang bawat grupo ay aatasan kong mag-


ulat sa harapan. bibigyan ko kayo ng
limang minuto upang paghandaan ang
pag-uulat .

(Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng


task card.)
 Unang Pangkat: Hazard
a. Anthropogenic Hazarard o
Human Induced Hazard
b. Natural Hazard
 Ikalawang Pangkat: Disaster
 Ikatlong Pangkat: Vulnerability
 Ika-apat na Pangkat: Risk
 Ika-limang Pangkat: Resilience

Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto upang


paghandaan ang pag-uulat at pipili ang
bawat grupo ng dalawang mag-uulat sa
harapan. Analisahin nyo ang bawat
kontektso na aking ibibigay sapagkat
magtatanong ako base sa konteksto na
naiulat ninyo. Kailangan ang bawat
pangkat ay magtulungan at magkaroon ng
kooperasyon upang masagot ang aking
mga tanong na ibabato ko sa inyo ang
pangkat na hindi makakasagot sa aking
katanungan ang puntos ay mapupunta sa
ibang grupo na makakasagot nito.

(Bibigyan ng sapat na panahon ang mga


mag-aaral)
(Ang mga mag-aaral ay mag-uulat sa
(Ang guro ay magpoproseso ng mga harapan)
katanungan ukol sa nag-ulat)

(Bibigyan ng guro ng mga puntos ang


pangkat na makaksagot sa katanungan)

3. Paglalahat

Ngayon ay lubos nyo ng naintindihan ang


ating aralin. Balikan muli natin ang ating
pinag-aralan.
Ang Disaster management po ay
Ano nga ba ang Disaster management? tumutukoy sa mga iba’t-ibang gawain na
dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan
sa panahon ng sakuna, kalamidad at
hazard.


Napakagaling! bigyan nyo sya ng limang
bagsak!
Hazard, Anthropogenic o Human Hazard,
Isa-isahin mo nga ang mga termino o Natural Hazard, Disaster, Vulnerability,
konseppto na ginagamit dito? Risk at Resilience

Magaling! bigyan nyo sya ng limang


bagsak!

4. Pagpapahalaga

Ano kaya ang kahalagahan ng Disaster Dito po natin malalaman ang mga iba’t-
management sa pagbabago ng panahon ibang pamamaraan kung paano po natin
sa kasalukuyan? mapaghahandaan ang dadating na
kalamidad.
Tama! Bigyan nyo sya ng limang bagsak! …

Ano naman kaya ang iyong magagawa Magkaroon po ng disiplina sa sarili at


upang sa ganoon ay makakatulong tayo makilahok sa mga aktibidad upang may
upang maiwasan ang mga sakuna sa kamalayan sa dadating ng anumang
pagbabago ng panahon sa kasalukuyan? kalamidad.

Magaling! Bigyan nyo sya ng limang …


bagsak!

5. Paglalapat

Ang bawat grupo na aking pinangkat


kanina ay iyan parin ang inyong mga
grupo. ang bawat pangkat ay
magsasagawa ng iba’tibang gawain na
nagpapakita ng disaster management.

Ito ang pamatayan o rubrics sa pagbibigay


ng marka

Pamantayan sa pagbibigay ng marka

Pamantayan Puntos Iskor


Ang mga 5
konsepto ay
tumutugma sa
binigay na
gawain
Organisasyon 5
ng
impormasyon
Nagakita ng 5
pagkamalikhain
sa gawain
Kooperasyon 5
ng grupo
Kabuuan 20

( Ang bawat pangkat ay bibigyan ng task


card)

Unang Pangkat: Gumawa ng dula-dulaan


na nagpapakita ng konsepto ng disaster
management

Ikalawang Pangkat: Gumawa ng talk


show nagapakita ng Disaster Management

Ikatlong Pangkat: Jingle tungkol sa


Disaster management

Ika-apat na Pangkat: Gumawa ng tula at


lapatan ng madamdamin na emosyon ukol
sa pamamahala ng kalamidad

Ika-limang Pangkat: Gumawa ng poster


ukol sa disaster management

Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang


pag-isipan ang naiatas kong gawain

(Ang bawat grupo ay sisimulan na ang


kanilang mga gawain at ipepresenta sa
harapan ng klase)

IV. PAGTATAYA
Test I.
Panuto:Tukuyin ang tamang kasagutan sa bawat bilang. Bilugan Tamang
ang titik ng tamang sagot. kasagutan

1. Ito ay isang dinamikong proseso sa pamamahal ng Test I.


pagpaplano, pag oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, 1. c
pamumuno at pagkontrol. 2. a
a. Risk Management 3. d
b. Hazard Management 4. c
c. Disaster Management 5. a
d. Disaster Risk Reduction
Test II.
2. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at 6. NH
buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. 7. D
a. Risk 8. NH
b. Vulnerability 9. AH
c. Disaster 10. V
d. Resilience

3. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng


kalikasan o gawa ng tao.
a. Natural Hazard
b. Anthropogenic Hazard
c. Vulnerability
d. Hazard

4. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may


mataas na posibilidad na maaapektuhan ng mga hazard.
a) Natural Hazard
b) Anthropogenic Hazard
c) Vulnerability
d) Hazard

5. Ang mga sumusunod ay mga termino o koncepto ng


disaster management, maliban sa:
a. Calamity
b. Vulnerability
c. Resilience
d. Disaster
Test II.
Basahin ang sumusunod na situwasiyon. Tukuyin kung anong
konsepto na may kaugnayan sa Disaster Management ang
inilalarawan. Gamiting batayan sa pagsagot ang sumusunod:

NH – Natural Hazard D - Disaster


AH – Anthropogenic Hazard V – Vulnerability
R- Resilience

_____6. Maagang umuwi ng bahay si Renz mula sa kanilang


paaralan dahil sa paparating na malakas na bagyo.

_____7. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang


buntis na asawa at dalawang taong gulang na anak dahil sa
maruming tubig baha sa kanilang lugar.

_____8. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa


pinsalang dulot ng malakas na lindol na tumama sa kanilang
pamayanan.

_____9. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil


pinadadaan nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa
paggawa ng produkto.

_____10. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng


bawat barangay upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa
panahon ng kalamidad.

V. KASUNDUAN

Magsaliksik at Ibigay ang kahulugan at halimbawa ng mga sumusunod:

1. Globalisasyong pang ekonomiko


2. Globalisasyong teknolohikal
3. Globalisasyong sosyo kultural
4. Globalisasyong politikal
Ang Disaster Management

Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, alam mo ba iyong


gagawin? Kung saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas? kung kanino ka hihingi ng
tulong? Ang sagot sa mga tanong na ito ay ilan lamang sa mga dapat mong malaman
upang maging ligtas ka sa panahon ng kalamidad. Ang pagiging ligtas ng isang
komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na
disaster management.

Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa


pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at
magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Malinaw na sinasabi dito
na hindi lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng
disaster management plan. Kabilang din dito ang mga mamamayan at ang pampribado
at pampublikong sektor.

Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay


tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa
panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito ang mga plano at
hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga
suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.

Kung bibigyang pansin ang dalawang kahulugan, makikitang hindi lamang ang
pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng disaster management,
kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad at
maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga


ginagamit na termino o konsepto. Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin sa Filipino
mula sa Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga
kasama (2008).

1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng


gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay,
ari-arian, at kalikasan.
1.1. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa
mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan gaya ng ipinakikita sa larawan ay
ilan sa mga halimbawa ng anthropogenic hazard.
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng
kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami,
thunderstorms, storm surge, at landslide. Ipinakikita sa kasunod na larawan
ang pagbabalita sa pagdating ng isang malakas na bagyo.

2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at


pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang
disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao
tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard,
vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga
hazard.
3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na
may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at
antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales.

4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng


pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang
kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang
panganib na dulot ng hazard o kalamidad
5. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa
kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga
tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga
mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay
maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.

You might also like