You are on page 1of 8

Petsa: October 10-12, 2023

K to 12 Basic Education Curriculum


BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
KONTEMPORARYONG ISYU
Unang Markahan

Baitang (Grade level): Grade 10


Pangkat: STE (Tuesday) October 10, 2023 – 02:50pm to 03:40pm
MABINI (Tuesday) October 10, 2023 – 04:00pm to 04:50pm
DAGOHOY (Tuesday) October 10, 2023 – 04:50pm to 05:40pm
SCP Avellana (Thursday) October 12, 2023 – 02:00pm to 02:50pm
Oras: 50 minutes per section
MGA PAMANTAYAN:
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa: Ang mga mag-aaral ay:
mga sanhi at implikasyon ng mga hamong Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon
pangkapaligiran upang maging bahagi ng sa hamong pangkapaligiran tungo sa
pagtugon na makapagpapabuti sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.
pamumuhay ng tao.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: (Learning Competencies)
Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran.

I. MGA TIYAK NA LAYUNIN (Objectives):

1. Nabibigyang kahulugan ang Disaster Management at natutukoy ang mga


termino o konseptong kaugnay nito.
2. Napapahalagahan ang mga termino o konsepto ng Disaster Management
bilang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
3. Nakagagawa ng iba’t ibang paraan na nagpapakita ng karagdagang solusyon
na makakatulong sa Disaster Management.

II. NILALAMAN (Content/Learning Task):

a. Paksa: Aralin 2: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong


Pangkapaligiran
1. Disaster Management
b. Kagamitan: Laptop, Projector/LED TV, Mga Larawan, DLP
c. Sanggunian: Learning material, pp. 82-89
Teacher Guide, pp. 91-92

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (Mananalangin)
__________, pangunahan mo ang ating
panimulang panalangin sa araw na ito.
“Amen!”
2. Pagbati
Isang makasaysayang araw mga mag- aaral
ng baiting sampu! “Isang makasaysayang araw din po,
Ma’am Abby!”
3. Pagtatala ng lumiban sa klase
__________, mangyaring itala mo sa ating
talaan ang mga lumiban sa araw na ito at (Magtatala ng lumiban sa araw ng
mga naririto ngayon. talakayan.)
4. Pagwawasto ng takdang aralin
Ipasa na lahat ng inyong inihandang mga (Ipapasa ang mga inihandang takdang
takdang aralin aralin.)

5. Balik Aral
Ngayon, tayo ay magbalik tanaw sa mga
paksang ating napag-aralan sa nakaraaang
aralin. Natatandaan ninyo pa ba ang ating “Opo, patungkol po ito sa Pagkasira ng
nakaraang tinalakay? Likas na Yaman at Climate Change.”

Mahusay! Ngayon, kayo ay malugod kong (Makikinig at makikibahagi sa mga atas ng


inaanyayahan na makilahok sa ating gawain. guro.)

Gawain 1: “Anong Say-Slogan Mo?”


Panuto: Base sa ipinagawa na slogan, pumili
ng mga mag-aaral upang ipresenta sa harap
ng klase ang kanilang mga nilikhang slogan.

Ayan, tunay ngang mahuhusay ang mga mag- “1,2,3! Ahhhhh, Ang Galing!”
aaral ng 10-_____! At dahil dyan, bigyan ninyo
ang inyong mga sarili ng “Ahh, Ang Galing! Clap”

6. Pagganyak
Bago tayo pormal na dumako sa ating
talakayan, magkakaroon muna tayo ng isang
pangkatang gawain.

Gawain 2: “Picture Puzzle”


Panuto: Bibigyan ang bawat pangkat ng (Ang bawat mag-aaral ay magpapangkat at
picture puzzle, sa loob ng dalawang minuto sasagutin ng mga mag-aaral ang
ay kailangang na matapos ito at ang bawat inihandang pangkatang gawain ng guro.)
pangkat ay pipili ng isang representatib na
magpapaliwanag kung ano ang ipinahihiwatig
ng larawan ukol sa napagkasunduan ng
bawat pangkat.

1. 2. (Ang mga reporter ng bawat pangkaat ay


iuulat sa harapan kung ano ang
ipinahihiwatig ng mga larawan.)

3. 4.
B. PAGLALAHAD:

(Bahagyang susukatin ng guro ang nalalaman ng


mga mag aaral patungkol sa paksa.)

Batay sa mga larawang binuo nyong lahat, ano “Ma’am, ang talakayin po para sa araw na
kaya ang ating talakayin sa araw na ito? ito ay patungkol po sa Disaster
Management.”
Magaling! Ngayon dahil tapos na tayo sa
paksang patungkol na sa Pagkasira ng Likas na
Yaman at Climate Change, ang atin naming
pokus ngayon ay patungkol sa Disaster
Management at ang konsepto nito.

Ano nga ba ang Disaster Management sa inyong “Ang Disaster Management po ay


pananaw? pamamahala sa kalamidad na nararanasan
sa kasalukuyan at dito po malalaman kung
paano po maiiwasan ang mga disaster o
hazard na mangyayari sa ating
kapaligiran.”

Nakahusay! Ang Disaster Management ay


tumutukoy sa mga iba’t-ibang gawain na
dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa
panahon ng sakuna, kalamidad at hazard.

C. PAGTATALAKAY:

Bilang pormal na pagsisimula sa ating talakayan,


ihanda ninyo ang inyong mga sarili, ilabas ang
inyong mga kagamitan sa pag-aaral at sisimulan
na natin ang ating talakayan.

Ngayon klas, ang ating pag-aaralan ay Ang


Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga
Hamong Pangkapaligiran na patungkol sa
Disaster Management.

Alamin na natin ang Disaster Management at


ang termino o mga konsepto nito.

Ngayon klas, ano ang pumapasok sa inyong mga “Sakuna, Kalamidad, Panganib”
isipan kapag nadidinig ninyo ang salitang
“Disaster”?

Kapag naman “Management”? “Pamamahala, Pagsasaayos, Pag-


oorganisa”

Basahin nga ng lahat. (Ang mga mag-aaral ay magbabasa.)

“Ito ay isang dinamikong proseso na


sumasakop sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi, pamumuno at pagkokontrol.”

Bakit kaya mahalaga ang pamamahala sa “Para po maiwasan ang anumang sakuna
kalamidad? na maaaring makapinsala sa tao.”

Magaling! Mahalaga ito sapagkat dito


mabalangkas ang pagpaplano upang
mapaghandaan ang dadating na kalamidad.

Para mas mapalalim pa ang pag-unawa ninyo sa


ating paksang aralin, bibigyan ko kayo ng (Magpapangkat-pangkat ang mga mag-
pangkatang gawain. aaral.)

Ngayon kayo ay may grupo na, tayo’y


magsimula na. Ako ay may hawak na piraso ng
mga papel, kailangan nyong pumili ng isang (Ang mga mag-aaral na representatib sa
representatib na pupunta dito sa unahan at bawat grupo ay pupunta sa harapan
bumunot ng paksang inyong iuulat. upang bumunot ng paksang iuulat.)

Gawain 3: “Disaster Report”


Panuto: Bawat grupo ay bibigyan ko ng tekstong
babasahin na may kaugnayan sa inyong paksang
napili. Sa loob ng limang minuto, kinakailangang
maibigay ng bawat grupo ang hinihinging
impormasyon sa pinaghandaang pag-uulat.

Ano ang nabunot ng unang pangkat?


“Ang amin pong nabunot ay patungkol sa
Hazard; (a) nthropogenic Hazard o
Human Induced Hazard, at (b) Natural
Hazard.”
Ano naman ang nabunot ng ikalawang pangkat?
“Ang amin pong nabunot ay patungkol sa
Disaster at Vulnerability.”
Para naman sa ikatlong pangkat?
“Ang amin pong nabunot ay patungkol sa
Risk; (a) Human Risk, at (b) Structural
Risk.”
At sa huling pangkat?
“Ang amin pong nabunot ay patungkol sa
Resilience”
Analisahin nyo ang bawat konteksto na aking
ibibigay sapagkaat magtatanong ako base saa
konteksto na naiulat nyo. Kailangang ang bawat
pangkat ay magtulungan at magkaroon ng
kooperaasyon upang masagot ang aking mga
tanong na ibabato ko sa inyo, ang pangkat na
hindi makakasagot sa aking katanungan ay
mapupunta ang puntos sa ibang grupo na (Sa pamamagitan ng Disaster Report,
makakasagot nito. iuulat ng mga mag-aaral ang mga paksang
nabunot nila sa harap ng klase.)
Ang inyong limang minuto ay tapos na.

(Ang guro ay magpoproseso ng mga katanungan


ukol sa nag-ulat.)

(Bibigyan ng guro ng mga puntos ang pangkat na


makakasagot sa katanungan.)

Paglalahad sa nakuhang marka ng bawat Marka ng Unang Pangkat -


pangkat. Marka ng Ikalawang Pangkat -
Marka ng Ikatlong Pangkat –
Marka ng Ika-apat na Pangkat -
Maaari ninyo bang ilahad muli ang ibig sabihin
ng Disaster Management? “Ito po ay tumutukoy sa mga iba’t-ibang
gawain na dinisenyo upang mapanatili ang
kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad at hazard.”
Napakagaling! Ngayon, isa-isahin naman ang
mga termino o konsepto na ginagamit dito? “Hazard, Human Hazard, Natural Hazard,
Disaster, Vulnerability, Risk at Resilience.”
Naintindihan ninyo na ba ito, klas?
“Opo, Ma’am!”
Magaling! Mayroon ba kayong mga katanungan
o kaya’y nais magbahagi ng kanilang natutunan (Ang ilan sa mga mag-aaral ay
sa araw na ito? magtatanong o magbabahagi ng kanilang
natutunan.)
D. PAGLALAHAT

Ngayon alam na natin ang Disaster Management


at mga konsepto nito, atin namang susubukin
ang talas ng inyong pag-iisip sa pamamagitan ng
ating mga gawain.

Ang bawat isa ay maglabas ng ½ crosswise para


sa pagsasagot ng ating gawain. (Ang bawat isa ay maglalabas ng ½
crosswise at sisimulan ng sagutin ang
Gawain 4: “Situational Analysis” nakatakdang gawain.)
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon. Tukuyin kung anong konsepto na
may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and
Management ang inilalarawan. Gamiting
batayan sa pagsagot ang sumusunod:

1.

Maagang umuwi ng bahay si Beth mula sa


kanilang paaralan dahil sa paparating na
malakas na bagyo.
1. NH
2. Nangangamba si Rom na magkasakit ang
kaniyang buntis na asawa at dalawang taong
gulang na anak dahil sa maruming tubig baha
2. V
sa kanilang lugar.
3. Isa ang pamilya ni Digong sa mga nakaligtas
mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol
na tumama sa kanilang pamayanan.
3. D
4. Ipinasara ni Sec. Sara ang isang
establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog
ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa
paggawa ng produkto.
4. AH
5. Nakipagpulong si Mayor Arthur sa mga
kinatawan ng bawat barangay upang
magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa
panahon ng kalamidad.
5. R
E. PAGLALAPAT:
Gawain 5: “Disas-Tula”
Panuto: Kaugnay ng paksa na ating
tinalakay,gumawa ang bawat pangkat ng isang (Ang bawat pangkat ng mag-aaral ay
tula at lapatan ng madamdamin na emosyon maghahanda para sa pangkatang gawain.)
ukol sa pamamahala sa kalamidad.
Pamantayan sa pagmamarka ng tula.
Pamantayan Diskripsiyon Pun
tos
Nilalaman Nagpapakita ng lawak at 40
lalim ng mga salita o
parirala para mabigyang
nakakamanghang mensahe
ang paksa.
Pagkamalikh Nagpapamalas ng kakaiba 20
ain o katangi-tanging estilo sa
paggamit ng mga salita.
Mensahe Ang mensaheng dala ng 20
tula ay nakakaantig
damdamin at nakakadala
ng pagnanasa na ipamahagi
ang tula.
Balarila May wastong pag gamit ng 20
wika, bantas, baybay at
tugma ang ginawang tula.
100
(Ang bawat pangkat ng mag-aaral ay
F. PAGSASABUHAY maghahanda na sa pag gawa ng kanilang
tula.)
1. Ibigay ang kahalagahan ng Disaster
Management sa pagbabago ng panahon sa
kasalukuyan?
2. Paano ka makakatulong upang maiwasan
ang mga sakuna sa pagbabago ng panahon
as kasalukuyan?

IV. EBALWASYON

Panuto: Tukuyin ang tamang kasagutan sa


bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong ½ crosswise. (Ang bawat isa ay maglalabas ng ½
crosswise at sisimulan ng sagutin ang
1. Ito ay isang dinamikong proseso sa nakatakdang gawain.)
pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at
pagkontrol.
a. Risk Management
b. Hazard Management
c. Disaster Management
d. Disaster Risk Reduction 1. C. Disaster Management
2. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa
tao, ari-arian at buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad.
a. Risk
b. Vulnerability
c. Disaster
d. Resilience 2. A. Risk
3. Ito ay tumutukoy sa mga bant ana maaaring
dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
a. Natural Hazard
b. Anthropogenic Hazard
c. Vulnerability
d. Hazard 3. D. Hazard
4. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar at
imprastruktura na may mataas na posibilidad
na maapektuhan ng mga hazard.
a. Natural Hazard
b. Anthropogenic Hazard
c. Vulnerability 4. C. Vulnerability
d. Hazard
5. Ang mga sumusunod ay mga termino o
konsepto ng disaster management, maliban
sa:
a. Calamity
b. Vulnerability
c. Resilience 5. A. Calamity
d. Disaster

V. TAKDANG ARALIN
(Ang bawat mag-aaral ay magpapalitan ng
Pag aralan ang dalawang approach sa pagtugon papel para sa pagwawasto.)
sa mga hamong pangkapaaligiran. Isulat ang
kahulugan at halimabawa ng mga ito sa inyong
kwaderno.
(Isusulat ng mga mag-aaral ang takdang
aralin.)

Inihanda ni:

ABBYGAILE DEDASI MANGAHAS


Pre-Service Teacher, Araling Panlipunan 10

Iwinasto ni:

NELSON R. GALICIA, MEM


Teacher III, Guro AP 10 PFNHS

Binigyan Pansin ni:

ELORDE P. DACO, EdD.


Head Teacher III

Inaprobahan ni:

JAEZ DC. CAMPANO, Phd.


Principal III
REFLECTION
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% na pagtataya.
80% sa pagtataya. _____Mabini _____Dagohoy _____STE _____SCP
B. Bilang ng mag-aaral na Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng gawain para sa
nangangailangan ng iba pang gawain remediation.
para sa remediation. _____Mabini _____Dagohoy _____STE _____SCP
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng _____Oo _____Hindi
mag-aaral na nakaunawa sa aaralin. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
_____Mabini _____Dagohoy _____STE _____SCP
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
sa remediation. _____Mabini _____Dagohoy _____STE _____SCP
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na masosolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Ano-anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho sa maaari kong
maibahagi sa aking mga kasamahan?
H. Iba pang nais pagnilayan sa pagtuturo
ng aralin.

You might also like