You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools – Valenzuela

Video Lesson Script: Araling Panlipunan 10 (1st Quarter)


MELC: (AP10MHP-Ii-13) Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan
Sub-Skill: (AP10MHP-Ii-13) Napapahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at
kooperasyon sa pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pagkapaligiran
Live Streaming Teacher: Mr. Renie N. Jose

Date of Streaming: November 19, 2020 Date Submitted: October 17, 2020

SCENE ACTION NARRATION

1. Opening/ Greetings
Preliminaries Magandang umaga mga mag-
A. Teacher’s aaral, bago natin simulan ang
Introduction ating aralin sa umagang ito, narito
ang ilan sa mga paalala: Ihanda
ang inyong learning packets na
matatagpuan sa week 7 pahina 1
hanggang 14, sagutang papel at
panulat.

Handa ka na bang matuto? Tara,


simulan na nating ALAMIN,
TUKLASIN at HALUNGKATIN ang
mundo ng Kontemporaryong Isyu.

B. Objectives Ang Paksang ating tatalakayin sa


umagang ito ay tungkol sa:
Community-Based Disaster and
Risk Management Approach

Ang ating layunin sa pagkatuto


ay:
Naisasagawa ang mga angkop na
hakbang ng CBDRRM

Ang ating tiyak na layunin ay:


Nasusuri ang kahalagahan ng
Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management
Approach sa pagtugon sa mga
hamon at suliraning
pangkapaligiran
2. Motivation Magandang buhay! Handa ka
na ba na alamin ang mga
kasalukuyang kalagayan ng ating
kapaligiran, ang mga pagkasira at
pagbabago na nangyari dito, at
ang naging epekto nito sa paglala
ng mga kalamidad?
Upang simulan natin ang
pagtalakay sa ating aralin,
isagawa natin ang gawain na
SURI-LARAWAN.
Ano ang pagkakaiba ng larawan
na inyong nakikita sa pisara?

Tignan ang unang larawan: Ano


kaya ang ipinapahiwatig nito?

https://www.google.com/search?
q=magandang+kalikasan&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7pNOLw7jsAhUO6JQKHVfrA4kQ2-
cCegQIABAA&oq=magandang+kalikasan&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzICCAAyAggAMgIIA
DICCAAyAggAMgYIABAFEB4yBAgAEBgyBAgAEBgyBAgAEBg6BwgjEOoCECc6CAgAELEDEI
MBOgUIABCxA1DGRljsZ2DYamgBcAB4AIABxQSIAcIYkgEHMy0yLjQuMZgBAKABAaoBC2d3c
y13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=img&ei=7EKJX7v-
PI7Q0wTX1o_ICA&bih=657&biw=1366#imgrc=VAf2gzKQy9hazM

Tumpak! Ang larawang ito ay


nagpapakita ng malinis at kaaya-
ayang kapaligiran.

Tignan naman natin ang


ikalawang larawan. Ano kaya ang
ipinapahiwatig nito?

https://www.google.com/search?
q=disaster+na+kapaligiran&tbm=isch&ved=2ahUKEwivhpSXw7jsAhVHapQKHQTSAnYQ2-
cCegQIABAA&oq=disaster+na+kapaligiran&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4
yBAgAEBgyBAgAEBg6BAgjECc6AggAOgYIABAFEB46BwgjEOoCECc6BAgAEEM6BQgAELED
OgoIABCxAxCDARBDOggIABCxAxCDAVDuwAVYuY4GYKaRBmgEcAB4BoAB5QuIActYkgEN
My0yLjIuNS4zLjIuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=img&ei=BUOJX-
_vB8fU0QSEpIuwBw&bih=657&biw=1366#imgrc=3E_JdEhht6Lr-M

Mahusay! Ang larawang ito ay


nagpapakita ng kapaligiran na
nakararanas ng matinding
kapabayaan at pang-aabuso.

Bilang panimula, Ang kapaligiran


ay isa sa pinakamagandang
nilikha ng Maykapal. Ginawa ang
kapaligiran upang magsilbing
pangunahing pinagkukuhanan ng
pagkain, at nagsisilbi din itong
tirahan o di kaya’y pasyalan ng
mga tao.
Kapag ang kapaligiran ay
napabayaan at naabuso, ito ay
magdadala ng matinding panganib
sa lahat ng tao.
Sa panahon na ito, may mga
suliranin at isyu na nararanasan
ang ating kapaligiran na lubhang
nakakaapekto sa ating pang-araw
araw na buhay.
Ang tanong mga mag-aaral:
Kung sakaling magkaroon ng
banta o sakuna na dulot ng ating
kapaligiran, masasabi mo ba na
ikaw ay handa? Anong mga
paghahanda ang mga gagawin
mo? Ito ba ay gawain ng
pamahalaan o ng mamamayan?

Bilang isang mag-aaral


inaasahang maunawaan mo ang
ibat-ibang hamon at isyu na
kinakaharap ng ating kapaligiran
at kung paano ka makakatulong.
Inaasahan din ang pagsasagawa
ng angkop na hakbang sa pagbuo
ng CBDRRM Plan bilang isang
paghahanda sa pagharap ng mga
suliranin ay isyu ng kapaligiran.

Handa kana ba? Tara simulan na


natin!

3. Discussion Sa mga nakaraang pagtalakay,


atin ng nasimulan ang pag-aaral
tungkol sa dalawang approach sa
pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran. Natatandaaan
nyo pa ba ito mga mag-aaral?

Ayon sa natalakay natin ang


unang approach ay ang tinatawag
na DISASTER MANAGEMENT.
Ano nga ba ang Disaster
Management?

Mahusay! Ang Disaster


Management ay isang dinamikong
proseso na sumasakop sa
pamamahala ng pagpapalano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga
kasapi, pamumuno at pagkontrol.

Sinasabi rin na ang Disaster


Management ay tumutukoy sa
ibat-ibang gawain na dinisenyo
upang mapanatili ang kaayusan sa
panahon ng sakuna, kalamidad, at
hazard.

Napag-aralan mo na rin sa ilalim


ng Disaster Management ang mga
termino o konsepto na dapat mong
matandaan. Narito ang mga ito..

Hazard
Disaster
Vulnerabilty
Risk
Resilience

Sa puntong ito, ating tatalakayin


ang isa pang mahalagang
pamamaraan ng aktibong
pakikilahok ng mga mamamayan
kung may mga banta ng hazard at
kalamidad na darating. Ito ay ang
Community-Based Disaster and
Risk Management Approach

Ayon kina Abarquez at Zubair


(2004) ang Community-Based
Disaster Risk Management ay
isang pamamaraan kung saan ang
mga pamayanang may banta ng
hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan. Isinasagawa
ito upang maging handa ang
komunidad at maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at
ari-arian.

Mga mag-aaral, Bakit sinasabing


napakahalaga ng partisipasyon ng
mamamayan sa mga sakunang
paparating?

Sa Community-Based Disaster
Risk Management Approach,
napakahalaga ng partisipasyon ng
mga mamamayan na siyang may
pinakamataas na posibilidad na
makaranas ng mga epekto ng
hazard at kalamidad. Subalit, higit
itong magiging matagumpay kung
aktibo ring makikilahok ang mga
mamamayan na hindi
makararanas ng epekto ng mga
hazard at kalamidad.
Ayon naman kina Shah at Kenji
(2004), ang Community-Based
Disaster and Risk Management
Approach ay isang proseso ng
paghahanda laban sa hazard at
kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao. Binibigyan nito
ng kapangyarihan ang tao na
alamin at suriin ang mga dahilan
at epekto ng hazard at kalamidad
sa kanilang pamayanan. Bukod
dito, mahalaga ring masuri ang
mga istrukturang panlipunan,
pang-ekonomiya, at pampolitika
na maaaring nagpapalubha sa
epekto ng hazard at kalamidad.
Ang kahulugang ito ng CBDRM
Approach ay sang-ayon sa
konsepto ng isyu at hamong
panlipunan na tinalakay sa unang
aralin.

Ngayong batid mo na ang


kahulugan ng Community-Based
Disaster and Risk Management
Approach, atin namang talakayin
kung ano ba ang kahalagahan
nito. Bakit natin kailangang
makilahok at maging aktibong
mamamayan kung may mga banta
ng kalamidad?

Sinasabing isa sa
pinakamahalagang layunin ng
Philippine National Disaster Risk
Reduction and Management
Framework (PDRRMF) ay ang
pagbuo ng disaster-resilient na
mga pamayanan.

Ang CBDRM Approach ay


nakaayon sa konsepto ng bottom-
up approach kung saan ay
nagsisimula sa mga mamamayan
at iba pang sektor ng lipunan ang
mga hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa mga
suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan
sa kanilang pamayanan.

Ito ay taliwas sa top-down


approach. Natatandaan nyo pa ba
mga mag-aaral ang kahulugan ng
Top-Down Approach?
Ang top-down approach sa
disaster management plan ay
tumutukoy sa sitwasyon kung
saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa
sa mas nakatataas na tanggapan
o ahensya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ang National


Disaster Coordinating Council
(NDCC), (na kilala ngayon bilang
National Disaster Risk Reduction
Management Council) ng Pilipinas
ay kasapi sa proyektong
“Partnerships for Disaster
Reduction-Southeast Asia (PDR -
SEA) Phase 4 (2008). Layunin ng
programang ito na maturuan ang
mga lokal na pinuno sa pagbuo ng
Community Based Disaster Risk .

Ngayong nalaman na natin ang


kahalagahan ng Community-
Based Disaster Risk Reduction
Management sa jsang pamayanan
o bansa,

Bilang mag-aaral ng ikasampung


baitang dapat maging ka-bahagi
ka sa mga hakbang sa pagbuo ng
CBDRRM.

Sinasabi na ang unang yugto o


hakbang sa pagbuo ng CBDRRM
ay: DISASTER PREVENTION and
MITIGATION.

Sa bahaging ito ng disaster


management plan, tinataya ang
mga hazard at kakayahan ng
pamayanan sa pagharap sa iba’t
ibang suliraning pangkapaligiran.
Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng
plano upang maging handa ang
isang pamayanan sa panahon ng
sakuna at kalamidad.

Isinasagawa ang Disaster Risk


Assessment kung saan
nakapaloob dito ang Hazard
Assessment, Vulnerability
Assessment, at Risk
Assessment.Tinataya naman ang
kakayahan at kapasidad ng isang
komunidad sa pamamagitan ng
Capacity Assessment.

Mga mag-aaral, Bakit kailangang


mauna ang pagsasagawa ng
pagtataya sa yugto ng Prevention
and Mitigation?

Tumpak! Ito ay dahil kailangang


maunawaan ng mga babalangkas
ng plano kung ano-ano ang mga
hazard, mga risk, at sino at ano
ang maaaring maapektuhan at
masalanta ng kalamidad.

Sa ilalim ng Disaster Prevention


and Mitigation, mahalagang
malaman natin ang tinatawag na
Hazard Assessment. Ano nga ba
ito?

Mahusay! Ang Hazard


Assessment ay tumutukoy sa
pagsusuri sa lawak, sakop, at
pinsala na maaaring danasin ng
isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na
panahon. Sa pagsasagawa ng
hazard assessment, dapat
bigyang pansin ang Pisikal at
Temporal na katangian nito.

Sa unang bahagi, ano ba ang


pisikal na katangian ng hazard?

Magaling! Ang mga sumusunod ay


ang mga pisikal na katangian ng
hazard, nariyan ang:

A. Pagkakakilanlan
B. Katangian
C. Intensity
D. Lawak
E. Saklaw
F. Predictability
G. Manageability

Upang lubusan nating maunawaan


ang mga nabanggit na mga
pisikal na katangian ng hazard,
halina’t isa-isahin natin:
Ngayon batid mo na ang mga
pisikal na katangian ng hazard,
dadako naman tayo sa ikalawang
bahagi nito, ang temporal na
katangian ng hazard.

Ano-ano nga ba ang mga


katangian ng temporal na hazard?

Mahusay! Ang mga ito ay:


Frequency
Duration
Speed of Onset
Forewarning
Force

Upang lubusan nating maunawaan


ang mga ito, halina’t ating pag-
aralan ang mga ito.
Mahusay mga mag-aaral, ngayong
batid mo na ang unang yugto sa
pagbuo ng Community-Based
Disaster Risk Reduction
Management Plan atin naman na
alamin ang ilan pang mga
terminolohiya o konsepto sa
pagbuo ng CBDRRM Plan.

Ang Vulnerability ay isang


konsepto na tumutukoy sa tao,
lugar, at imprastraktura na may
mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.
Ang Vulnerability Assessment ay
tinataya ang kahinaan o
kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o
bumangon mula sa pinsalang
dulot ng hazard.
Samantala, ang Capacity
Assessment naman ay tinataya
ang kakayahan ng komunidad na
harapin ang ibat-ibang uri ng
hazard. Tandaan mga mag-aaral,
mayroong tatlong kategorya ang
vulnerability: ito ay ang Pisikal o
Materyal, Panlipunan, at Pag-
uugali tungkol sa hazard.

Upang mas lalo pa nating


maunawaan ang mga ito, tignan
natin ang mga larawan.

Alin ang mas vulnerable sa


dalawang bahay sa bagyo?

Alin ang mas vulnerable sa lindol?

Marahil, ang inyong sagot ay iisa


lamang, ang unang larawan. Bakit
kaya?

Magaling! Dahil sa materyales na


ginamit sa pagbuo ng bahay o
tahanan ay gawa lamang sa mga
light materials.

Mga mag-aaral sa pamamagitan


ng Vulnerability Capacity
Assessment, masusukat mo ang
kahinaan ng isang komunidad sa
pagharap sa ibat-ibang hazard na
maaaring maranasan sa inyong
mga lugar.

Tara, tunghayan natin ang mga


katangian ng vulnerability at
capacity assessment:

Unang Kategorya:

Pisikal o materyal

Deskripsyon:

Tumutukoy sa mga materyal na


yaman tulad ng suweldo mula sa
trabaho, pera sa bangko at mga
likas na yaman. Ang kawalan o
kakulangan ng mga nabanggit na
pinagkukunang-yaman ay
nangangahulugan na ang isang
komunidad ay vulnerable o
maaaring mapinsala kung ito ay
makararanas ng hazard

Halimbawa:

-Di sapat na kita


-Pagkakaroon ng utang
-Kakulangan ng sapat na
kakayahan at edukasyon
-Kawalan ng pangunahing
serbisyo tulad ng edukasyon,
pangkalusugan,sistema ng
komunikasyon at transportasyon

Ikalawang Kategorya:

Panlipunan

Deskripsyon:

Tumutukoy sa pagiging vulnerable


o kawalan ng kakayahan ng grupo
ng tao sa isang lipunan.
Halimbawa ay mga kabataan, mga
matatanda, mga may kapansanan,
maysakit, at iba pang pangkat na
maaaring maging biktima ng
hazard. Kasama rin dito ang
pagiging vulnerable ng
institusyong panlipunan tulad ng
pamahalaan.
Halimbawa:

Kawalan ng pagkakaisa ng mga


miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan Hindi maayos na
ugnayan sa pagitanng
mamamayan at pamahalaan
Kawalan ng maaayos na sistema
ng pamahalaan tungkol sa
Disaster Management

Ikatlong kategorya:

Pag-uugali tungkol sa hazard

Deskripsyon:

May mga paniniwala at gawi ang


mga mamamayan na
nakahahadlang sa pagiging ligtas
ng isang komunidad. Bunga nito,
nagiging vulnerable ang isang
komunidad.

Halimbawa:

May mga paniniwala at gawi ang


mga mamamayan na
nakahahadlang sa pagiging ligtas
ng isang komunidad. Bunga nito,
nagiging vulnerable ang isang
komunidad.

Sa pag-aaral at pagsasagawa
natin ng Vulnerability Assessment,
kailangang suriin natin ang mga
sumusunod: Elements at Risk,
People at Risk, at Location of
People at Risk.

Halika, isa-isahin natin:

Ano nga ba ang Elements at Risk?

Mahusay! Tumutukoy ang


elements at risk sa tao, hayop,
mga pananim, bahay,
kasangkapan, imprastraktura,
kagamitan para sa transportasyon
at komunikasyon, at pag-uugali.

Ano ang napansin ninyo sa mga


nabanggit na halimbawa ng
elements at risk? Bakit sila na
maituturing na vulnerable?
Tumpak! Halimbawa, may mga
bahay sa pamayanan na
maituturing na vulnerable. Ilan sa
mga dahilan ay ang lokasyon nito,
dahil malapit sila sa anyong-tubig,
nasa paanan ng bundok, nasa
mababang bahagi ng pamayanan,
o kaya ay gawa sa mga
kasangkapang madaling masira
ng bagyo.

Sino ang People at risk?

Magaling! Sa people at risk


naman, tinutukoy dito ang mga
grupo ng tao na maaaring higit na
maapektuhan ng kalamidad.

Mga mag-aaral may naiisip ba


kayong halimbawa ng People at
risk?

Mahusay! Halimbawa, ang mga


buntis ay maituturing na
vulnerable sa panahon ng
kalamidad dahil sa kanilang
kondisyon. Gayundin ang may
mga kapansanan ay maituturing
na vulnerable dahil
nangangailangan sila ng higit na
atensyon sa panahon ng
kalamidad.

Ang mga nabanggit na halimbawa


ay kailangang ikonsidera sa
pagbuo ng warning system,
pagbuo ng evacuation plan at ng
disaster risk reduction and
management plan ng isang
pamayanan.

Samantala, ano naman ang


Location at risk?

Tumpak! Sa usapin naman ng


location at risk, tinutukoy ang
lokasyon o tirahan ng mga taong
natukoy na vulnerable.

Mahusay mga mag-aaral, batid ko


na marami na kayong natutunan
sa araw na ito tungkol sa mga
hakbang sa pagbuo ng
Community-Based Disaster Risk
Reduction Management Plan.
Ngunit hindi pa dito nagtatapos
ang mga yugto o hakbang sa
pagbuo nito, sa susunod nating
pagkikita, ating ipagpapatuloy ang
ikalawa hanggang ikaapat na
bahagi sa pagbuo ng CBDRRM
Plan.

4. Generalization Sum up the important points Bilang pagtatapos, Masasabi natin


of the lesson na napakahalaga ng pagbuo ng
Community Based Disaster Risk
Management Plan. Mahalaga ang
proyektong ito sapagkat binibigyan
nito ng sapat nakaalaman at
hinahasa ang kakayahan ng mga
lokal na pinuno kung paano
maisasama ang CBDRM Plan sa
mga plano at programa ng lokal na
pamahalaan.

Bukod dito, mas masisiguro na


ang mabubuong disaster
management plan ay nakabatay
sa pangangailangan at
kakayahanan ng pamayanan na
harapin ang iba’t ibang hazard at
kalamidad na maaari nilang
maranasan. Sa ganitong paraaan,
mas matutugunan ang katangian
ng Bottom-up Approach.

Ang responsableng paggamit ng


mga tulong-pinansyal ay
kailangan. Mahalagang salik sa
pagpapatuloy ng matagumpay na
bottom-up approach ay ang
pagkilala sa mga pamayanan na
may maayos na pagpapatupad
nito. Ang responsiblidad sa
pagbabago ay nasa kamay ng
mga mamamayang naninirahan sa
pamayanan.

Ang iba’t ibang grupo sa isang


pamayanan ay maaaring may
magkakaibang pananaw sa mga
banta at vulnerabilities na
nararanasan sa kanilang lugar,
Higit sa lahat, ang plano na binuo
kasama ang iba’t ibang sektor ng
lipunan kabilang na ang mga
mamamayan ay mas epektibo sa
patugon ng pangangailangan ng
mga mamamayan.

5. Question and At bilang panghuli, narito ang ilan


Answer sa mga katanungan na maaaring
nating sagutin batay sa ating
paksang tinalakay.
1. Bakit mahalagang mabatid
ng mga mamamayan ang
kanilang pagiging vulnerable
sa mga disaster?

Mahalagang mabatid ng mga


mamamayan ang pagiging
vulnerable sa mga disaster upang
mapaghandaan natin ang mga
sakunang mga darating.

Mahusay ang iyong sagot!

2. Paano mo bibigyan ng
pagkakaiba ang
katangian ng
vulnerability at capacity
assessment?

Sagot:

Kapag sinabing vulnerability


assessment ito ay tumutukoy sa
kahinaan o kakulangan ng isang
komunidad na harapin o
bumangaon mula sa pinsalang
dulot ng hazard. Samatala, ang
capacity assessment naman ay
kakayahan ng komunidad na
harapin ang ibat-ibang uri ng
harard.

Magaling ang iyong kasagutan!

3. Sa papaanong paraan
nakatutulong ang
vulnerability at capacity
assessment sa pagharap
ng suliraning
pangkapaligiran?

Sagot: Sa pamamagitan ng
dalawang assessment, makikita
dito ang kakayahan at pagiging
vulnerable o kawalan ng
kakayahan ng grupo ng tao sa
isang lipunan na harapin ang mga
kalamidad.

4. Ano -ano ang mga dapat


gawin ng mga
mamamayan upang
maging handa sa mga
kalamidad?

Sagot:

-Ihanda ang mga emergency kit

-Alam dapat ang lugar kung saan


lilikas kung matindi ang pagtama
ng kalamidad o sakuna

-Siguraduhing may sapat na


pagkain at tubig kung sakaling
may kakaharaping mga kalamidad
o sakuna

-Kailangang maging kalmado o


mahinahon ang isang tao kung
sakaling may mga sakunang
darating.

Prepared by:

Name: Renie N. Jose

Positon: Master Teacher I

School: Mapulang Lupa National High School

Script Language Validator:

Name: Ma’am Cherry Lou Tolentino


Ma’am Hanna J. Perez
Date of Validation : ________________________

You might also like