You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 10 (3 hours/week)
September 14, 2020 (1:00-4:00)

First Quarter
Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

Week- 4
Lesson-4
Lesson 4: Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

a. Ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran

Teacher: Joniel P.
Galindo
SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-10
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga Hamong Pangkapaligiran upang maging bahagi ng
pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay
ng tao.

Pangunahing Pang-unawa: Mahalagang maging mulat tayo sa mga kontemporaryong isyu sa ating lipunan, sa bansa, at sa
buong mundo.

Pangunahing Tanong: Paano natin matimbang ang mga pahayag tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa ating bansa at sa
buong mundo?

I. LEARNING COMPETENCY
 Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Layunin:
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:
 malalaman ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mamamayan
 nasusuri ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng panganib.
 naipapahayag ang Values Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO
 nakakukuha ng hindi bababa sa 75% na kasanayan
Sariling Layunin: magagawa kong … ________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT


Lesson 4 : Mga Isyung Pangkapaligiran at pang-ekonomiya

a. Ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran

Materials:
LIP

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. (Kayaman Kontemporaryong Isyu page 1-15)
https://www.youtube.com/watch?v=wSa9tvIzp48 – Mga paalala tuwing may baha
https://www.youtube.com/watch?v=R2LxqjgLBko – Mga paalala tuwing may lindol
https://www.youtube.com/watch?v=UzR0Rt3i4kc – Mga paalala tuwing ay tsunami
III. LESON PRESENTATION

Concept Map ng Aralin


Gawain 1: Ating damhin at alalahanin

Panuto; Pagmasdan ang larawan sa ibaba, ito ay isang halimbawa ng epekto ng sakuna na kong saan
humantong sa pagkawala ng maraming buhay. Pagkatpos tignan ang mga larawan, sagutin ang
mga Pamprosesong tanong.

BAGYONG SENDONG

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong nararamdaman habang ikaw ay naka tutok sa mga larawan? Bakit?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya nagyayari ito sa ating lipunan o pamayanan?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Panimula
Nakararanas ang Pilipinas ng iba't ibang uri ng kalamidad gaya ng pagbagyo, pagbaha, abnormal na pagtaas ng tubig
(storm surge), paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, El Niño, at La Niña.
May mga kagawaran/ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mga mamamayan tulad ng:
 Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),
 Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
 National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC),
 Department of Transportation and Communications (DOTC),
 Department of Science and Technology (DOST),
 Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),
 Philippine Coast Guard (PCG),
 Philippine Information Agency (PIA),
 National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at
 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang
kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.

Sa panahon ng kalamidad, maging kalmado at alerto. Manatiling may alam at laging handa sa mga nangyayari sa paligid. Laging
tumutok o makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno.

Suliraning Pangkapaligiran
 Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari, kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng
kapaligiran at sa balanseng ekolohikal. Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan omaagapan sapagkat
sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.
Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya at ng hindi mapigilang pag-unlad ng
ekonomiya, patuloy na nasisira ang biodiversity o ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na
bumubuo sa kalikasan.
Mga Paghahandang Nararapat Gawin kung may Puputok na Bulkan

Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng lahat ng bulkan sa Pilipinas. Ito
ang nagbibigay ng mga babala kung may napapansin silang kakaibang aktibidad sa paligid o sa ilalim ng bulkan. Kapag naglabas na
ng babala ang PHIVOLCS, dapat itong sundin. Kung pinalilikas, lumikas na.

Sa paglikas, magdala lamang ng mahahalagang kagamitan. Huwag kalimutang magdala ng tubig, flashlight, at radyo. Kung kakayanin
pa, isama ang mga alagang hayop. Sundin ang lahat ng paalala at babala ng mga kinauukulan upang hindi malagay sa panganib ang
buhay.

 Kahit pa tapos na ang pagputok ng bulkan ay maaari pa rin itong sundan ng mahihinang pagsabog pati na rin ng paglindol. Huwag
piliting bumalik sa lugar hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan.

Paghahanda para sa El Niño at La Niña


Hindi gaya ng ibang natural na kalamidad gaya ng pagbagyo, paglindol, o pagputok ng bulkan, mas nababantayan at
napaghahandaan ang pagdating ng El Niño at La Niña at mas malilimitahan ang pinsalang maaari idulot.

Bago pa tumama ang El Niño sa bansa, dapat tiyak na ng pamahalaan na ang mga tao ay handa na sa lahat ng negatibong
maaaring idulot ng penomenong ito.
Gayundin, dapat seryosong nakikiisa at nakikibahagi ang mga tao sa paglaban sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig.

Dapat planuhin at ihanda na ng mga magsasaka ang kanilang mga sakahan.


Halimbawa, iakma ang mga pananim sa abnormal na panahon at gawan ng paraan upang tumagal ang patubig kung sakaling lumala pa
ang sitwasyon.

Sa lahat, dapat laging may baong tubig at pamaypay kung lalabas ng bahay. Magsuot ng preskong kasuotan. Ugaliin ang
regular na pag-inom ng tubig.

Para sa La Niña, dapat malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng
pagbaha.Dapat laging alerto ang mga tao sa maaaring idulot ng pagbagyo, malakas na pag-ulan, at pagbaha.

Disiplina at Kooperasyon sa Panahon ng Kalamidad

Sa kasalukyan, maraming seminar na isinasagawa ang gobyerno at mga nongovernmental organization (NGO) upang
magbigay-kaalaman kung paano maging handa sa mga paparating na kalamidad.
Dahil sa mga karanasan, marami tayong napupulot na aral kung paano maiiwasan o malilimitahan ang mga pinsala.

Naging mas alerto ang mga kagawaran at ahensiya. Marami na ring mga nongovernmental organization ang tumutulong sa
paghahanda.
Ngunit lahat ng adhikain ng gobyerno, maging ng mga NGO ay hindi magiging matagumpay kung hindi makikipagtulungan ang mga
mamamayan.

Mahalaga ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan bago, tuwing, at pagkatapos ng kalamidad upang mapanatili ang
kaligtasan at mapadali ang pagpapatupad ng mga plano.
Sa disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan, maraming buhay at ari -arian ang maaaring mailigtas.

Mga Paraan ng Paglaban sa mga Epekto ng Climate Change

 Bukod sa mga programa, polisiya, at patakarang ipinapatupad ng mga pamahalaan at ng mga pandaigdigang samahan, ang bawat
isa ay makatutulong din sa paglaban sa mga epekto ng climate change sa sariling kaparaanan.

 Upang mabawasan ang carbon footprints o mga bakas na ambag sa nakapipinsalang carbon emissions, tayo ay maaaring gumamit
ng compact fluorescents bulbs, renewable energy sources (tulad ng hangin, sikat ng araw, tubig), at ang paghugot sa naka-plug na
linya ng TV, computer, at iba pang electronics kapag hindi naman ginagamit.

 Ang pagre-recyle ng mga papel, karton, salamin, at metal, at ang paggamit ng reusable o recyclable packaging ay mas mainam.
Makababawas ang mga ito sa basurang dati ay inilalagak sa landfills na nagpapakawala ng methane (masamang gas).

 Nakababawas din sa paggamit ng gasolinang nagpapainit sa kapaligiran ang paglalakad, pagbibisikleta, pagka-carpooling, pagsakay
sa tren, at iba pang katulad nito.

Mga Hakbang ng Pamahalaan sa Pagharap sa mga Suliranin ng Pagmimina


Dahil sa di-mabubuting epekto ng pagmimina, nagpatulad ng mga batas para maiwasan ang mga ito.

Philippine Mining Act

 Naisabatas ito noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina
kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito.

 Ipinatutupad ito upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.

 Layunin din ng batas na ito na bigyan ng makatuwirang kadahilanan ang pagmimina para mapalago ang kalagayan ng bansa nang
hindi naisasakripisyo ang kapaligiran at karapatan ng mga apektadong pamayanan.

Executive Order No. 79

 Ito ay ipinatutupad upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at
makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina.

 Layunin nitong maitaas ang revenue ng gobyerno mula sa pagmimina, mapabuti ang mga pamantayang pangkapaligiran, maglahad
ng kabuang pambansa at panlokal na batas ukol sa pagmimina.

 Nakasaad rin dito na pagmumultahin ang sinumang lumabag sa mga pamantayan ng batas.

Philippine Mineral Resources Act of 2012

 Ang batas na ito na ay naglalayong aregluhin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit
ng mga mineral resources.

 Naglalayon din itong siguraduhin ang pantay-pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga
katutubo, at sa mga lokal na komunidad.

Gawain 2: Sakuna? Ano ang mga paghahanda mo?

Panuto: Sa nakaraang gawain, sinukat at layong pukawin ang iyong damdamin upang sagayon bilang isang
mamamayan ay nararapat na iyong bigyang pansin ang mga pangyayari sa kapaligiran na nagdudulot ng mga sakuna, sa
gawing bilng # 2 malalaman mo ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbangin upang mas
maiwasan ang mga pagkamatay dulot ng mga sakunang pangkapaligiran.
Mga paghahandang dapat gawin sa mga sakunang tulad ng nasa ibaba
Mga Sakuna Mga paghahandang dapat gawin
1. Pagputok ng bulkan

2. Pagmimina

3. El Nino, El Nina

4. Climate Change
Gawain 3: REFLECTION ATING
DAMHIN!
Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutan ito ayon sa iyong nalalaman at na intindihan sa paksa, gawing gabay ang rubrics para sa
pagmamarka.

1. Sa iyong palagay, tama baa ng iyong ginawang aksiyon sa naganap na kalamidad? Bakit?

2. Bakit may mga pagkakataon na Malaki ang pinsalang dulaot ng kalamidad sa buhay at ari-arian?

3. Paano maging handa ang isang lugar sa pagharap sa isang kalamidad?

You might also like