You are on page 1of 11

Learn from home;

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

ARALING PANLIPUNAN 10 MODYUL 5


PANGALAN: ________________________________________________________
BAITANG AT PANGKAT:______________________________________________
Mahalagang Paunawa: Ang mga Gawain sa Pagkatuto ay ibinibigay para sa lahat ng mag-aaral na
kumukuha ng online at offline na klase. Magkaparehong aralin at mga nilalaman ang ibinibigay sa
lahat ng mag-aaral anuman ang paraan ng pagtuturo na napili nila para sa kanilang
pangangailangan sa pagkatuto.
PANUNUMPA NG KARANGALAN
Ako ay nanunumpa na sasagutan ang modyul na ito nang may buong karangalan. Hindi ako
makikisangkot sa anumang gawaing hindi matapat at hindi ko kukunsintihin ang ganitong
pandaraya ng ibang mag-aaral.
_________________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral
I. Mga Impormasyon sa Aralin
A. Petsa ng Pagbibigay ng Gawain: Setyembre 25, 2021
B. Petsa ng Pagsusumite o Pagpapasa: Oktubre 2, 2021
C. Asignatura: Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
D. Kwarter: 1/ Bilang ng Linggo: 5 / Bilang ng Aralin: 5
E. Paksa: Mga Ahensya ng Pamahalaan na nagtutulungan para sa Kaligtasan ng
Mamamayan
F. Kasanayang Pampagkatuto/Layunin sa Pagkatuto:
1. Magagwa kong matukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsable sa
kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.
2. Magagawa kong masuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon
sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.
3. Magagawa kong makabuo ng isang slogan na magpapakita sa kahalagahan ng
pagtutulungan para maging ligtas sa banta ng suliraning pangkapaligiran.

II. Mga Nilalaman:


A. Talakayan sa aralin tungkol sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan na nagtutulungan
para sa kaligtasan ng mamamayan
B. Mga gawain ng mga mag-aaral
C. Pamantayan sa pagmamarka ng gawain

III. Mga Tagubilin o Dapat Gawin para sa Aralin:


A. Gawin ang Pangunahing gawain bago basahin ang aralin.
B. Basahin at unawain ang talakayan tungkol sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan na
nagtutulungan para sa kaligtasan ng mamamayan
C. Maaaring panuorin ang Pre-recorded video na nakapost sa Facebook private group ng
inyong klase.
D. Pagkatapos basahin ang aralin, sagutin ang mga tanong at gawain.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 1 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
E. Itala ang iyong pagtugon sa Real-life Application Challenge. Ito ay sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang slogan na magpapakita sa kahalagahan ng pagtutulungan para maging
ligtas sa banta ng suliraning pangkapaligiran.
F. Tapusin ang lahat ng gawain at ipasa ang gawain bago o sa huling araw ng pagpapasa.
G. Kung may katanungan o nais linawin tungkol sa aralin ay maaaring magpadala ng mensahe
sa inyong guro, maaaring tawagan o paabutan ng mensahe sa pamamagitan ng FB
messenger.
IV. Mga Nilalaman sa Pagkatuto:
A. Panimula

Ang Pilipinas ay isa sa bansang madalas nakararanas ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Bawat kalamidad ay may bantang panganib sa kaligtasan ng bawat indibidwal. Maaring
ang mga bantang ito ay likhang kalikasan o likha mismo ng mga tao. Kung kaya
mahalagang mayroong sapat na kaalaman tungkol sa mga paghahandang
kinakailangan upang maging ligtas sa panahon ng kalamidad. Ang mga ahensya ng
pamahalaan ay may malaking parte sa pagbibigay ng impormasyon at tulong upang
maging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna.

B. Mga Paunang Gawain


1. Paunang Pagsusuri sa Sarili
Kulayan ang kahon na nagpapahiwatig ng iyong nararamdaman sa aralin. Bilugan
ang iyong napili:

Red Warning Mayroon akong kaalaman sa araling ito.

Orange Warning Nais kong madagdagan ang aking kaalaman sa araling ito.

Yellow Warning Kailangan ko ng gabay sa araling ito.

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa iyong nararamdaman sa araling iyong pag-aaralan.


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
2. Pagganyak/Kawili-wiling Gawain – “AHENSYA-do!”
Lagyan ng tsek ang logo ng ahensyang may kinalaman sa kaligtasan ng mamamayan
sa panahon ng kalamidad. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 2 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
Pamprosesong Tanong
Para sa iyo, ano ang kaugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan sa kaligtasan ng mga
mamamayan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Sa iyong pananaw, bakit mahalaga ang kooperasyon sa pagtugon sa sakuna at


kalamidad?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

C. Pagtalakay sa Aralin
UNANG ARAW

I. May mga ahensya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng bawat


mamamayan sa panahon ng kalamidad. Sa Pilipinas, narito ang ilang ahensya na
tutugon sa pangangalaga sa kaligtasan ng bawat isa.

a. PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services


Administration)- isang ahensya na nagbibigay ng real time o sabay sa
kasalukuyang update ng babala ukol sa panahon at bagyo.

Narito ang tsart na nagpapaliwanag ng color-coded na babala ukol sa pag-ulan.


Ito ay pakikipagtulungan ng PAGASA sa mga mamamayan upang magbigay ng
karagdagang impormasyon tungkol sa color-coded warning signal na
magbibigay abiso o babala ukol sa panahon at bagyo:

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 3 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

AWTOMATIKONG GABAY SA PAGSUSPINDE NG KLASE (PAGASA)

YELLOW Rainfall Advisory Signal No. 1 Walang klase ang mga mag-aaral sa sa Kindergarten.

ORANGE Rainfall Advisory Signal No. 2 Walang klase ang mga mag-aaral sa sa
elementarya hanggang sekondarya.

RED Rainfall Advisory Signal No. 3 Walang klase sa lahat ng antas, kasama ang ang
mga nasa kolehiyo/unibersidad.

b. NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council)-


Responsable sa pagtitiyak ng proteksiyon at kapakanan ng mamamayan sa
panahon ng sakuna, kalamidad, at krisis.

Narito ang mga gawain ng NDRRMC:

1. Pagpapabuti ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng DRM sa lokal na


pamahalaan, mga samahan ng mga mamamayan, at mga samahan mula sa
ibang bansa
2. Pagpapalakas ng sistema ng mas maagang babala at paghahanda at
pagsasama pa ng mga peligrosong lugar
3. Pagsasaalang-alang sa DRM sa mga planong local at sektoral na
pagpapaunlad
4. Paghahanda ng mga planong pambansa sa DRM at pagbuo ng mga batas
para mapalakas ang pagpapatupad ng DRM
5. Pagkakaroon ng kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa DRM lalo na sa
pagpigil ng pagdami ng masasalanta
6. Pagpapaunlad ng database at pagpapalaganap ng impormasyon
7. Pagpapakilala sa DRM sa kurikulum ng sekondarya at kolehiyo
8. Pagtatayo ng mga paaralang kakayanin ang mga sakuna
c. Maging handa, labanan ang kalamidad! Narito ang mga paalala mula sa
PAGASA AT NDRRMC

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 4 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

GAWAIN:

A. Panuto: Gamit ang hindi bababa sa tatlong pangungusap, sagutin ang katanungang:

Ano ang kahalagahan ng mga ahensya ng pamahalaan, tulad ng PAGASA at NDRRMC sa


kaligtasan ng mamamayan? Paano ito nakaaapekto sa pamumuhay ng tao?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 5 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
PANGALAWANG ARAW
A. DOST (Department of Science and Technology)- Ito ay kilala rin sa tawag na
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na kinapalolooban ng ahensya ng
PAGASA. Ito ang ahensyang lumikha ng Project NOAH bilang tugon sa isang mas
tiyak, buo at mas mabilis na sistema ng pag-iwas at pagpapagaan ng epekto
ng sakuna.

B. PROJECT NOAH- Ang proyektong ito ay ang paggamit ng mga teknolohiya at


serbisyong pampangangasiwa mula sa DOST. Ito ay sa pamamagitan ng
PAGASA, PHIVOLCS, DOST-ASTI (Advance Science and Technology Institute), UP
National Institute of Geological Sciences at ng UP College of Engineering. Ito ay
para sa Disaster Risk Reduction o pagbawas ng panganib na dulot ng sakuna.
Ang Proyekto ay binubuo ng mga sumusunod:

1. Pagbabahagi ng mga Hydrometeorological Devices tulad ng Automated


Rain Gauge (ARG) at Water Level Monitoring Stations (WLMS), sa mga labis na
nasalantang lugar sa Pilipinas. Ang mga ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng
mas malinaw na larawan ng dami ng tubig na naiipon sa bansa kaugnay ng
pagbaha.
2. Disaster Risk Exposure Assessment for Mitigation Light Detection and Ranging
(DREAM-LIDAR) Project. Layunin ng proyektong ito ang makalikha ng mga
tumpak na datos at mapa ng mga mapanganib na lugar.
3. Pagpapahusay ng Geohazard Mapping gamit ang LIDAR. Sa pamamagitan
ng LIDAR matutukoy ang eksaktong lugar kung saan may panganib ng pagguho
ng lupa o landslide.
4. Coastal Hazards and Storm Surge Assessment and Mitigation (CHASSAM).
Makalilikha ito ng mga wave surge, wave refraction, at coastal circulation model
na makatutulong sa pag-unawa at pagbibigay solusyon sa coastal erosion o
pagguho ng lupa sa baybayin. Ang coastal erosion ay sanhi ng matinding pag-
alon, at pagdaloy ng tubig.
5. Flood Information Network (FloodNET) Project. Ito ay magsisilbing flood center
na magbibigay ng tumpak at maagang impormasyon at babala ukol sa
pagbaha. Lilikha ang proyektong ito ng mga computer model para sa kritikal na
raven basin at automated sa paglilikom ng datos pagmomodelo at paglabas
ng impormasyon.
6. Local Development of Doppler Radar System (LaDDeRS). Nilalayon nitong
paunlarin ang kapasidad ng mga lokalidad sa pagdidisenyo, pagtatayo, at
pagpupundar sa mga subsystem ng Doppler radars. Gamit ang Doppler radars,
kayang obserbahan kahit sa malayo ang mga paggalaw sa ibabaw ng dagat
tulad ng bilis at tindi ng alon, hangin at daloy ng tubig.

7. Landslide Sensors Development Project. Ang proyektong ito ay isang sistema


para sa pag-oobserba at maagang pagbibigay babala sa posibleng pagguho
ng lupa, landslide, slope failure, at debris flow. Isa itong proyektong abot-kaya,
binuo sa lokal at gumagamit ng makinang may sensor.
ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 6 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

8. Weather Hazard Information Project (WHIP). Kasama sa tungkulin ng WHIP ang


paggamit ng samot-saring midya tulad ng telebisyon (DOSTv) at web portal
(http://noah.dost.gov.ph) upang maglabas ng real time o sabay sa
kasalukuyang datos mula sa mga satellite, Doppler Radar, ARG at WLMS).
Binibigyang kakayahan ng proyektong ito ang bawat LGU at komunidad na
maghanda nang husto para sa matinding sakuna at kalamidad. Lalo pa itong
pinaiigting ng:

a. Pagsasagawa ng IEC o Information, Education and Communication


activities
b. Pagpoproseso at maayos na paglalahad ng mga impormasyong wasto,
husto at napapanahon upang magamit ng madla.

Gawain para sa Pangalawang Araw


A. Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap.

1. Layunin nito ang paglikha ng wave surge, wave refraction at coastal circulation model.

2. Ito ay ginagamit upang matukoy ang eksaktong lugar kung saan may panganib ng
landslide.

3. Ito ang proyektong magbibigay ng tumpak at maagang impormasyon at babala ukol sa


pagbaha.

4. Nilalayon nitong paunlarin ang kapasidad ng mga lokalidad sa pagdidisenyo, pagtatayo


at pagpapaandar ng subsystem ng Doppler radars.

5. Ito ay binabahagi sa mga labis na nasalantang lugar sa Pilipinas upang magkaroon ng


mas malinaw na larawan ng dami ng tubig na naiipon sa bansa.

D. Mahalagang Malaman at Matandaan


Mahalagang maunawaan mo na ang pagiging ligtas ng isang komunidad ay
nakasalalay hindi lamang sa mga mamamayan bagkus ay maging sa mga ahensya ng
pamahalaan na siyang nangangasiwa sa kaligtasan ng mga mamamayan. Ang mga
ahensya ang nagbibigay ng sapat at tamang impormasyon upang matugunan ang

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 7 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
panganib na dulot ng kalamidad. Kung kaya napakahalaga na magkaroon ng
kooperasyon, kahandaan at disiplina sa pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran.
E. Talaan ng mga Sanggunian
Learning module araling panlipunan 10 [PDF file]. (2017, April 21).
LM.AP10 4.21.17.pdf

Yutuc, J. (2019, July 4). Handout 5 mga ahensya ng pamahalaan na tumutugon


sa panahon ng kalamidad.
https://www.scribd.com/document/417167538/Handout-5-Mga-Ahensya-Ng-
Pamahalaan-Na-Tumutugon-Sa-Panahon-Ng-Kalamidad

Official Gazette. (2012). Tungkol sa project noah. PAGASA.


https://www.officialgazette.gov.ph/programs/tungkol-sa-project-noah/
V. Pagtataya
A. Sagutan ang mga gawain na nakatala sa answer sheet.
B. Hamon ng Pagsasabuhay – Integrasyon ng Kagandahang Asal at Ika-21 Siglong Kasanayan
C. Pangwakas na Pagsusuri sa Sarili
Kulayan ang kahon na nagpapahiwatig ng iyong nararamdaman sa aralin. Bilugan
ang iyong napili:

Red Warning Mayroon akong kaalaman sa araling ito.

Orange Warning Nais kong madagdagan ang aking kaalaman sa araling ito.

Yellow Warning Kailangan ko ng gabay sa araling ito


Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa iyong nararamdaman sa araling iyong napag-aralan.
_______________________________________________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto


UNANG ARAW
A. Ang gawaing ito ay nangangailangan ng sariling sagot.
PANGALAWANG ARAW
1. CHASSAM 3. FLOODNET PROJECT 5. HYDROMETEOROLOGICAL DEVICES
2. LIDAR 4. LADDERS

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 8 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
PANGALAN: ____________________________________________ NAKUHA: ____________
BAITANG AT SEKSYON: ______________________ PETSA: _____________

ARALING PANLIPUNAN 10 MODYUL 5


WORKSHEET 5

A. PAGTATAYA (C-E-R Table)


I. Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan, pagkatapos ay punan ng tamang tugon
ang C-E-R table.
1. Bakit mahalaga ang konsepto ng pagtutulungan lalo sa panahon ng kalamidad?
CLAIM
(Panukala)
Sumulat ng pahayag na tumutugon sa
tanong.

EVIDENCE
(Ebidensya)
Magbigay ng mga datos o impormasyon
upang masuportahan ang iyong panukalang
sagot. Maaaring isulat sa pamamagitan ng
tala sa halip na pangungusap.
REASONING
(Pangangatwiran)
Ipaliwanag mo kung bakit mo nasabing
sinusuportahan ng iyong ebidensya ang iyong
panukala. Kinakailangang naglalaman ng
makabuluhang ideya ang iyong paliwanag.
2. Ano ang naidudulot ng kalamidad sa mga taong walang disiplina at hindi responsable?
CLAIM
(Panukala)
Sumulat ng pahayag na tumutugon sa
tanong.

EVIDENCE
(Ebidensya)
Magbigay ng mga datos o impormasyon
upang masuportahan ang iyong panukalang
sagot. Maaaring isulat sa pamamagitan ng
tala sa halip na pangungusap.
REASONING
(Pangangatwiran)
Ipaliwanag mo kung bakit mo nasabing
sinusuportahan ng iyong ebidensya ang iyong
panukala. Kinakailangang naglalaman ng
makabuluhang ideya ang iyong paliwanag.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 9 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

B. INTEGRASYON NG KAGANDAHANG ASAL AT IKA-21 SIGLONG KASANAYAN


IBilang isang mamamayan, mahalaga ang tulong na nakukuha natin sa iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaligtasan, ngunit bilang mamamayan,
kinakailangan din na tayo mismo ay makipagtulungan sa pamamagitan ng pagiging
responsible at disiplinado upang maiwasan ang mga bantang panganib. Kaya naman bilang
tugon sa hamon ng pagsasabuhay, kinakailangang makabuo ng isang slogan na
magpapakita sa kahalagahan ng pagtutulungan para maging ligtas sa banta ng suliraning
pangkapaligiran. Ito ay tatayain batay sa mga sumusunod: kaangkupan ng konsepto,
nilalaman at pagkamalikhain.
Ilagay ang iyong gawain sa espasyong inilaan.

C. PAMANTAYAN
Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2) Nangangailangan pa
ng Dagdag na
Pagsasanay (1)
Nilalaman Nagtataglay ng Nagtataglay ng sapat Nagtataglay ng mga Nagtataglay ng maling
komprehensibo at na impormasyon ukol sa pagkukulang sa impormasyon ukol sa
detalyadong impormasyon kahalagahan ng impormasyon ukol sa kahalagahan ng
ukol sa kahalagahan ng pagtutulungan upang kahalagahan ng pagtutulungan upang
pagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan pagtutulungan upang masiguro ang
masiguro ang kaligtasan masiguro ang kaligtasan
kaligtasan
Kaangkupan ng Nagpapakita ng malinaw na Wasto sa paksa ang Hindi gaanong Walang koneksyon sa
konsepto konseptong may kinalaman mga konseptong nakaakma sa konsepto paksa ang mga
sa pagtutulungan ng ipinapakita sa slogan ng pagtutulungan ng konseptong itinala sa
mamamayan at mga mamamayan at mga slogan
ahensya upang masiguro ahensya
ang kaligtasan
Pagkamalikhain Kamangha-mangha at May kaayusan at May kakulangan sa Walang kinalaman ang
kakaiba ang konseptong kumpleto ang disenyong disenyong ginamit sa disenyong ginamit sa
naisip para sa ginawang ginamit sa paggawa ng pagbuo ng slogan paksa at konsepto ng
slogan slogan slogan

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 10 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
D. TSEKLIST PARA SA MATAGUMPAY NA PAGKATUTO
Ang pagkakaroon ng isang maayos na gawain ay mahalaga. Ito ay nakatutulong upang ikaw
ay maging organisado. Ito rin ay nagsisilbing gabay upang malaman mo ang susunod na
hakbang na iyong gagawin. Kaya naman, lagyan mo ng tsek ang angkop na hanay batay sa
iyong matapat na kasagutan.

Mga Gawain Oo Hindi

Nanumpa ako na tatapusin ko ang modyul nang may buong katapatan at kahusayan.

Binasa ko ang mga impormasyon tungkol sa aralin.

Tiniyak ko na ang mga nilalaman at bilang ng pahina ay kumpeto.

Binasa ko ang mga tagubilin na dapat gawin para sa aralin.

Binasa ko ang panimula at sinagutan ang pagganyak/kawili-wiling gawain bago basahin


ang talakayan.

Sinagutan ko ang paunang pagsusuri sa sarili.

Pinag-aralan ko nang mabuti ang talakayan hinggil sa aralin.

Pinanood ko ang video na naka-upload sa Facebook group ng aming klase.

Nagpadala ako ng mensahe sa aking guro upang linawin ang ilang bahagi ng aralin.

Sinagutan ko ang lahat ng pagsasanay at iwinasto ito gamit ang susi sa pagwawasto.

Napalalim ko ang aking pag-unawa sa nilalaman ng aralin dahil sa mga pahayag na


nakasulat sa bahagi ng Mga Dapat Malaman at Matandaan.

Sinagutan ko ang pagtataya at hamon ng pagsasabuhay.

Tinapos ko ng tseklist para sa matagumpay na pagkatuto.

Pinabasa at pinarebyu ko sa aking magulang o tagapangalaga ang modyul na ito at


pinapirmahan ang panunumpa bilang katunayan.

Ito ay nagpapatunay na nabasa at nasuri ko ang mga gawaing natapos at nakumpleto


ng aking anak.
_____________________________
Lagda ng Magulang/Tagapangalaga

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 11 of 11

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahool.com @srlcsofficial

You might also like