You are on page 1of 5

Learn from home;

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

ARALING PANLIPUNAN 10 MODYUL


15
Mahalagang Paunawa: Ang mga Gawain sa Pagkatuto ay ibinibigay para sa lahat ng mag-aaral na kumukuha ng online
at offline na klase. Magkaparehong aralin at mga nilalaman ang ibinibigay sa lahat ng mag-aaral anuman ang paraan ng
pagtuturo na napili nila para sa kanilang pangangailangan sa pagkatuto.
PANUNUMPA NG KARANGALAN
Ako ay nanunumpa na sasagutan ang modyul na ito nang may buong karangalan. Hindi ako makikisangkot sa anumang
gawaing hindi matapat at hindi ko kukunsintihin ang ganitong pandaraya ng ibang mag-aaral.

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral


I. Mga Impormasyon sa Aralin
A. Petsa ng Pagbibigay ng Gawain: Disyembre 11, 2021
B. Petsa ng Pagsusumite o Pagpapasa: Disyembre 18, 2021
C. Asignatura: Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
D. Kwarter: 2/ Bilang ng Linggo: 15 / Bilang ng Aralin: 15
E. Paksa: Globalisasyon
F. Kasanayang Pampagkatuto/Layunin sa Pagkatuto:
Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay makabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung
pang -ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

II. Mga Nilalaman:


A. GRAPS Performance Task Statement
B. Halimbawa ng proyekto
C. Pamantayan sa pagmamarka ng mga gawain

III. Mga Tagubilin o Dapat Gawin para sa Aralin:


A. Basahin at intindihing mabuti ang GRASPS Performance Task Statement.
B. Magbigay ng oras upang basahin at intindihin ang pamantayan sa pagmamarka ng mga gawain para sa maayos na
kalalabasan ng proyekto.
C. Tiyakin na magagawa ang gawaing inatas para sa asignaturang ito.
D. Isusumite ang gagawing proyekto kasama ng modyul na ito.
E. Kung may katanungan o nais linawin tungkol sa gawain ay maaaring magpadala ng mensahe sa inyong guro.

IV. Performance Task Title: PILIPINO AKO!

GOAL: Maghanap ng isang post o larawan sa social media na magpapaigting sa kamalayan ng bawat
mamamayang Pilipino, partikular ang mga kabataan sa kung paano nakaaapekto ang kultura ng mga dayuhan
sa pamumuhay ng bawat kabataan at sa ekonomiya ng bansa.

ROLE: Entrepreneur, Social Advocate


ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL.
Page 1 of 4

(044) 806 00 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


04
Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

AUDIENCE: Mga mamamayan ng Pilipinas partikular ang mga kabataang Pilipino

SITUATION: Ayon sa We are Social (2019), masasabing halos kalahati ng isang araw ng mga Pilipino ay
ginugugol sa social media. Maraming Pilipino ang gumagamit sa social media bilang daan ng
pakikipagtransaksyon o komunikasyon sa iba’t ibang panig ng mundo, ngunit sa kabilang banda, sa
pamamagitan din ng pagtutok sa social media ay naiimpluwensyahan tayo ng kultura ng ibang bansa, na
kalimitan ay nagiging problema sa usapin ng ekonomiya.

PRODUCT: Pagsusuring papel na naglalaman ng mga larawan o screenshots ng mga post na may kaugnayan
sa impluwensya ng kultura ng mga dayuhan na nagpapawala sa identidad ng pagiging makabayan. Sa bawat
problemang masusuri, ay kinakailangang mabigyan ng paliwanag. Ang larawan/screenshot ay maaring i-print
o ipasa sa guro sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

STANDARDS: Ang pagsusuring papel ay tatayain batay sa: nilalaman, organisasyon, at paghihikayat.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG GAWAIN:


100 90 70 50 Kabuu- Naku-
Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2) Nangangailangan pa ang hang
ng Dagdag na Puntos Puntos
Pagsasanay (1)
Nilalaman Nagtataglay ng Nagtataglay Nagtataglay Nagtataglay ng 40
komprehensibo ng sapat na ng mga maling
at detalyadong impormasyon pagkukulang impormasyon ukol
impormasyon ukol sa na sa impluwensya ng
ukol sa impluwensya impormasyon kultura ng ibang
impluwensya ng ng kultura ng ukol sa dayuhan sa
kultura ng ibang ibang impluwensya pamumuhay ng
dayuhan sa dayuhan sa ng kultura ng Pilipino at
pamumuhay ng pamumuhay ibang ekonomiya ng
Pilipino at ng Pilipino at dayuhan sa bansa
ekonomiya ng ekonomiya pamumuhay
bansa ng bansa ng Pilipino at
ekonomiya ng
bansa
Organisasyon Maayos, Detalyado Detalyado ang Hindi maunawaan 40
detalyado at ang daloy ng kaisipan ngunit at hindi maayos
madaling mga kaisipan may ang pagsasaayos
maunawaan at kaguluhan sa ng mga
ang daloy ng impormasyon pagkakalahad ipormasyong
mga kaisipan at na nailahad ng mga inilahad.
impormasyong sa detalye .
nailahad. pagsusuring
papel.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL.
Page 2 of 4

(044) 806 00 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


04
Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
Paghihikayat Nakahihikayat at Gumamit ng Simple at Hindi nakahihikayat 20
kawili-wili ang nakahihikaya t limitado ang ang mga salitang
lahat ng mga na salita. mga salita. ginamit.
salitang ginamit.
TOTAL

V. Sample Output

PALIWANAG: Base sa aking nasuri, makikita ang pagtangkilik ng


maraming Pilipino sa palabas ng ibang bansa. Kung mapapansin, mas
nakikilala na ang gawa ng dayuhan kaysa sa gawa ng mga Pilipino, at
mas kilala na rin ultimo ng mga bata ang mga sikat na personalidad ng
ibang bansa kaysa ang mga sikat na personalidad sa Pilipinas. Sa
ganitong sitwasyon ay mas nagiging malaki ang kita ng ibang bansa
kumpara sa kita ng Pilipinas, at masasabi natin na ang impluwensyang
ito ay magpapakita ng problema sa usapin ng ekonomiya ng bansa.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL.
Page 3 of 4

(044) 806 00 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


04
Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

ESPASYO PARA SA GAWAIN NG MAG-AARAL

IDIKIT ANG
LARAWAN

PALIWANAG:
Kung makikita sa larawan ito ay isang palabas na nagmula sa bansang Japan at
ito ay hindi pa naipapalabas ngunit ang dami na agad nagaantay dito ang
karamihan pa dito ay mga Pilipino, at kapag ito ay naipalabas na madaming
pilipinong tao ang manonood dito na siyang makakatulong na mapataas ang
ekonomiya ng bansang Japan at hindi an gating ekonomiya dahil imbis na
suportahan nila ang ating palabas ay mas sinosoportahan nila ang gawa ng ibang
bansa.

Ito ay nagpapatunay na nabasa at nasuri ko ang mga gawaing natapos at nakumpleto ng aking anak.

Lagda ng Magulang/Tagapangalaga

(044) 806 00 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


04
Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101
ANGPoblacion Rizal, Santa Rosa,PAGGAMIT
HINDI AWTORISADONG Nueva EcijaAT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL.
Page 4 of 4

(044) 806 00 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


04

You might also like