You are on page 1of 3

Learn from home;

St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

ARALING PANLIPUNAN 10 MODYUL 30


Q4 MASTERY TEST 2
NAME: ___________________________________________________ DATE: _____________________
GRADE & SECTION: ___________________________________ SCORE: _______/40

PANUNUMPA NG KARANGALAN
Ako ay nanunumpa na sasagutan ang modyul na ito nang may buong karangalan. Hindi ako
makikisangkot sa anumang gawaing hindi matapat at hindi ko kukunsintihin ang ganitong
pandaraya ng ibang mag-aaral.
_________________________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

GENERAL INSTRUCTIONS: Basahing mabuti ang bawat panuto. Huwag kalimutang magdasal bago
ang gawain.
PART 1: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.
_____1. Si Karla ay nagbigay ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyo. Ang katangiang ito ay
nagpapakita ng pagiging:
a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa
_____2. Ang isang manggagawa ay hindi nag-aaksaya ng mga likas na yaman. Ang katangiang ito
ay nagpapakita ng pagiging:
a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa
_____3. Si Ben ay laging sumusunod sa batas na ipinatutupad. Ang katangiang ito ay nagpapakita
ng pagiging:
a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa

_____4. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ang pahayag na ito ay
nagpapakita ng pagiging:
a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa

_____5. Ang konsepto ng global citizenship ay nakapaloob sa anong katangian:


a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa

_____6. Binibigyang-diin ng katangiang ito ang pananaig ng batas sa anumang sitwasyon.


a. Responsiveness b. Transparency c. Rule of Law d. Consensus Orientation

_____7. Nakatuon ang katangiang ito sa pagkakaroon ng malaya at tapat na palitan ng


impormasyon sa pagitan ng namumuno at pinamumunuan.
a. Responsiveness b. Transparency c. Rule of Law d. Consensus Orientation

_____8. Inilalarawan ng katangiang ito ang kahandaan ng lahat ng sektor na gampanan ang mga
gawain.
a. Responsiveness b. Transparency c. Rule of Law d. Consensus Orientation

_____9. Inilalahad sa katangiang ito na dapat kinikilala, pinakikinggan, at isinasaalang-alang ang


interes, opinyon, at pananaw ng iba.
a. Responsiveness b. Transparency c. Rule of Law d. Consensus Orientation

_____10. Nakatuon ang katangiang ito sa maayos at epektibong paggamit ng yaman ng bansa.
a. Equity b. Accountability c. Effectiveness and Efficiency d. Consensus Orientation

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 1 of 3

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija
_____11. Ang katangiang ito ay nagbibigay-diin sa pananagutan ng bawat sektor ng lipunan sa
anumang resulta ng desisyong nagawa.
a. Equity b. Accountability c. Effectiveness and Efficiency d. Consensus Orientation

_____12. Nagbibigay-diin ang katangiang ito sa ideyang ang lahat ay dapat na mabigyan ng
pagkakataon na mapaunlad o mapanatiling maayos ang pamumuhay.
a. Equity b. Accountability c. Effectiveness and Efficiency d. Consensus Orientation

_____13. Si Bella ay nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Ang katangiang ito ay:


a. Matulungin sa kapwa b. Kumpiyansa sa Sarili c. Produktibo d. Makatao

_____14. Dapat ang mamamayan ay handang ipagtanggol ang estado. Ang katangiang ito ay
nagpapakita ng pagiging:
a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa

_____15. Dapat ang mamamayan ay tapat sa Republika ng Pilipinas. Ang katangiang ito ay
nagpapakita ng pagiging:
a. Makatao b. Makabayan c. Produktibo d. Matulungin sa kapwa

PART 2: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Pagkatapos ay ibigay ang konseptong hinihingi sa
bawat bilang.
______________________16. Salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan ng sinaunang Roma
______________________17. Sinasabing pinagmulan ng salitang “civique” na ginamit pantukoy sa
isang mamamayang nakapagbuwis ng buhay para sa kanyang
kapwa
______________________18. Tumutukoy sa kolektibong gawain tungo sa paglutas ng anumang
isyung pampulitiko
______________________19. Tumutukoy sa kaisipan na ang bawat isa ay may tungkulin at
pananagutan na tumulong sa kapwa
______________________20. Tumutukoy sa mga organisasyong ang pangunahing pokus ay
kagalingang panlipunan
______________________21. Tumutukoy sa pamamahala na kakikitaan ng pakikilahok ng mga
mamamayan at ng iba’t ibang sektor at organisasyon ng lipunan
______________________22. Tumutukoy sa uri ng pamamahalang nakabatay ang anumang
desisyon sa kooperasyon at pagsang-ayon ng lahat ng mga sektor
ng lipunan
______________________23. Isang mahalagang patunay sa papel ng bahaging ginagampanan
ng mga voluntary organizations

______________________24. Nakapaloob sa pananaw na ito ang paniniwala na ang pagboto ang


itinuturing na pinakamataas na antas ng pulitikal na pakikilahok

PART 3: Isulat sa patlang ang “Tama” kung ang pahayag ay tama at PALITAN ANG SALITANG MAY
SALUNGGUHIT ng tamang kaisipan kung ang pahayag ay mali.

______________________25-26. “Ang sa iba’y ginawa mo, siya ring gagawin sa iyo” ay isang pahayag
na nagpapakita ng pagiging makabayan.

______________________27-28. Ang Civic Awareness ay tumutukoy sa kolektibong gawain tungo sa


paglutas ng anumang isyung pampulitiko.

______________________29-30. Ginagamit ang salitang sibiko sa kasalukuyan upang pormal na tukuyin


ang mga mamamayang bumubuo sa lipunan.

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 2 of 3

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial


Learn from home;
St. Rose of Lima Catholic School, Inc. Grow in faith
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT S.Y. 2021-2022
3101 Poblacion Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija

______________________31-32. Ang paggamit ng lahat ng yaman (resources) nang ganap at walang


pag-aaksaya ay isang katangian ng pagiging makatao.

______________________33-34. Ang pulitikal na pakikilahok ay tumutukoy sa pakikiisa o pagsali ng


mamamayan sa pampubllikong gawaing inulunsad ng pamahalaan.

______________________35-36. Ang pagsunod sa Saligang Batas at iba pang batas ng Pilipinas ay


pagpapakita ng pagiging isang makabayan.

______________________37-38. Nahahanay ang mga sectoral group ng kababaihan, kabataan,


magsasaka at mangingisda sa People’s Organization.

______________________39-40. Ang mga maaaring makaboto sa bansa ay ang mga may edad 18
taong gulang pababa.

Ito ay pagpapatunay na nabasa at nasuri ko ang mga


gawaing natapos at nakumpleto ng aking anak.

_____________________________
Lagda ng Magulang/Tagapangalaga

ANG HINDI AWTORISADONG PAGGAMIT AT PAGKOPYA NG LEARNING MODULE NA ITO AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL .
Page 3 of 3

(044) 806 00 04 srlcs_educ@yahoo.com @srlcsofficial

You might also like