You are on page 1of 4

CAMARIN HIGH SCHOOL

SDO- CALOOCAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKALAWANG MARKAHAN
T.P. 2021-2022

PANGALAN: ____________________________________________PANGKAT: ________________

ARALIN 5:
ANG PAKIKIPAGKAPWA

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Ang aralin na ito ay tumatalakay sa kalikasan ng tao – ang pagiging isang panlipunang
nilalang. Ang tao ay may pangangailangang makipag-ugnayan sa iba, hinahanap-hanap niya ang
pagkakaroon ng makakasama at ang mapabilang sa isang pangkat. Hindi lahat ng iyong karanasan
sa paghahanap ng taong makakasundo mo ay naging madali o maganda, hindi ba? Nakasalalay sa
iyo ang lawak at lalim ng iyong pakikipag-ugnayan sa iba. Mahalagang maunawaan mo na kailangan
natin ang ating kapwa upang mabuhay at magkaroon ng kahulugan ang ating buhay. Sa
pamamagitan ng ating kapwa ay nabubuo ang ating pagkatao. Nalilinang sa atin ang mga sumusunod
na aspekto;
1. Aspektong Intelektwal- ang karagdagang kaalaman, kakayahan, pagpapaunlad ng kakayahang
mag-isip nang mapanuri, maging malikhain at mangatwiran.
2. Aspektong Pangkabuhayan- ang kaalaman at kakayahang matugunan ang pangangailangan ng
sarili at ng kapwa.
3. Aspektong Pampolitikal- ang kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng
makatao at makatarungang lipunan.
4. Apektong Panlipunan- ang kaalaman at kakayahang makapaglingkod sa kapwa ng walang
hinihintay na kapalit.
Ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay may kalakip na respeto at pagmamahal. Ang
birtud ng katarungan at pagmamahal ay siyang nagpapatatag ng pakikipagkapwa. Higit na
magtatagumpay ka sa iyong layuning mapaunlad ang antas ng iyong pakikipagkapwa upang
magkaroon ng isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa iba kung maipamamalas mo
ang mga inaasahang kasanayang pampagkatuto sa araling ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

 Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa. EsP8Plla-5.1
 Nasusuri ang mga impluwensiya ng kaniyang kapwa sa kaniya sa aspektong intelektuwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. EsP8Plla-5.2
 Nahihinuha: a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa
kaniyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektuwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at political; b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity)
ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa; at c. Ang pagiging ganap niyang tao ay
matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng pagmamahal. EsP8Plla-
5.3
 Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan
sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o
pulitikal. EsP8Plla-5.4

GAWAIN 1: “SAKAY NA”

Panuto: Marami kang taong nakakasalamuha sa iyong buhay. Sinu-sino ang mga taong itinuturing
mong kapwa? Isulat mo ang mga ito sa mga kasama mo sa dyip.
Pamprosesong tanong:
1. Batay sa iyong kasagutan, Ano ang bahaging ginagampanan ng mga itinuturing mong kapwa sa
iyong buhay?
_________________________________________________________________________________

2. Gaano kahalaga ang ating kapwa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Kaya mo bang mabuhay ng wala ang iyong kapwa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

GAWAIN 2: “DAHIL SA IYO, AKO AY NAGING AKO”

Panuto: Suriin ang iyong sarili. Isa-isahin ang mga pagbabagong naranasan mo sa bawat aspekto.
Tukuyin ang mga taong nakatulong sa iyo sa paghubog at pagpapalago ng mga aspektong ito. Punan
ang bawat hanay.

ASPEKTO Napaunlad ko ang kakayahan Ito ay dahil sa tulong ni..

ko na…

Intelektwal
(Ito ay kakayahang mag-isip
nang mapanuri, malikhain at
mangatwiran)

Pangkabuhayan
(Ang kaalaman at kakayahang
matugunan ang mga
pangangailangan ng sarili at ng
kapwa.)

Politikal
(Ang kaalaman at kakayahang
makibahagi sa pagbuo at
pagtamo ng makatao at
makatarungan lipunan.)

Panlipunan
(Ang kaalaman at kakayahang
makapaglingkod sa kapwa ng
walang hinihintay na kapalit.)

Pamprosesong Tanong:
1. Makakaya mo bang mapaunlad ang mga aspekto na ito ng iyong pagkatao kung wala ang iyong
kapwa? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagtulong ng iyong kapwa sa paghubog at pag-unlad ng iyong pagkatao?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ano ang maaring mangyari sa iyo kung hindi mo matutuhang makipag-ugnayan ng maayos sa
iyong kapwa?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong o makapaglingkod sa mga taong tumulong sa iyo?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
GAWAIN 3: “KILOS KO, ITATALA KO!”
Panuto: Sa pamamagitan ng diagram sa ibaba, Isulat ang mga maaari mong gawin bilang iyong
pagtugon sa pangangailangan ng iyong pamilya, kapwa mag-aaral o komunidad sa aspektong
intelektwal, pangkabuhayan, panlipunan at pampolitikal

INTELEKTWA PANGKABUHAYA
L N

AKING
GAGAWIN
PANLIPUNAN PAMPOLITIKA
L

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao ang natutugunan at nalilinang dahil sa pakikipagkapwa?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Anong mga birtud ang napauunlad sa tuwing natutugunan natin ang pangangailangan ng kapwa sa
ating paligid?Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Paanong nakatutulong ang pakikipagkapwa upang makamit ang kaganapan bilang isang tao?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

PAGNINILAY:
Basahin at unawain ang pahayag. Isulat sa mga guhit ang iyong pagkaunawa tungkol sa
binasang pahayag.

“Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Siya ay namumuhay sa tulong ng kapwa at siya ay
namumuhay rin para sa kapwa. Sa pamamagitan ng kanyang pakikipagkapwa, napauunlad niya
ang kanyang pagkatao at natutugunan hindi lamang ang kanyang sariling pangangailangan kundi
pati ang kanyang kapwa.”

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

SANGGUNIAN:
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, pahina 114-128
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Batayang Aklat, pahina 70-81
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao, pahina 135-136

You might also like