You are on page 1of 3

Pangalan: ____________________________________ Bilang at Pangkat: ______________

Guro: __________________________________________ Puntos: ________________

Aralin : Kuwarter 1 Linggo 7 LAS 1
Pamagat ng Gawain: DIGNIDAD
Layunin : Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.
Sanggunian : SLM ESP 10, MELC, (EsP10MP-Ig-4.1)
Manunulat : Janelle A. Peque

Dignidad
Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus,
ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao
sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kaniyang
gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad.
May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang
nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng
konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang
hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang
kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan ng
kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan. Dahil sa dignidad,
lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-
pantay ang lahat. Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong
kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.Mapangangalagaan ang tunay na
dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay
ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo upang makapiling ang Diyos.

Gawain 1:
Panuto: Ipaliwanag ang mga gabay na tanong:

1. Ano nga ba ang kahulugan ng dignidad ng bawat tao?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Saan nagmumula ang dignidad ng tao? Saan ito nakabatay?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Paano isasabuhay ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pangalan: ____________________________________ Bilang at Pangkat: ______________
Asignatura: EsP 10 Guro: __________________________ Puntos: ________________
Aralin : Kuwarter 1 Linggo 7 LAS 2
Pamagat ng Gawain: DIGNIDAD
Layunin : Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga
mahihirap at indigenous groups.
Sanggunian : SLM ESP 10, MELC, (EsP10MP-If-4.2)
Manunulat : Janelle A. Peque

Bawat tao ay may dignidad anuman ang kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi,
edukasyon at relihiyon. Ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging
pantay at magkapareho nilang tao. Mulat ka na rin sa mga kasabihan ng mga Gintong aral
na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo,” ayon kay Confucius o
kaya ang positibong pagka wika ni Hesukristo na, “Gawin mo sa kapwa ang ibig mong
gawin nila sa iyo.” Inalam mo ba kung bakit? Bakit kailangan mong igalang ang ibang tao?
Masasabi mo na bang mahal mo ang iyong kapwa pagkatapos mong napag-aralan ang
paksang Dignidad ng Tao?
Madalas sinasabi na ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kaniyang mga nagawa sa
buhay. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng iyong pagtulong sa paglutas ng mga suliranin
sa pamilya, pamayanan o sa mundo, o kaya naman sa pamamagitan ng pagmamalasakit
mo sa kapwa lalong lalo na sa mga mahihirap.

Gawain 1: Dignidad Mo, Paunlarin Mo!

Panuto: Basahinat suriin ang talata ukol sa Programang 4P’s. Sagutin ang mga gabay na
tanong at isulat ang iyong mga sagot sa patlang.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa
pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-
pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at
edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng mga
pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal.
Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na
naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo

Gabay na tanong:
1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit ginawa ito na programa ng
pamahalaan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano-ano ang tungkulin ng pamahalaan para sa mga mamamayan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga Karapatang pantao ang natutugunan ng programang ito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Bakit ang pagpapatupad ng batas na ito ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng dignidad
ng tao?
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Pangalan:__________________________________Baitang /Pangkat:________
Asignatura” EsP 10 Guro:_____________________Puntos:________
_________________________________________________________________________
Aralin: : Kwarter 1 Linggo 7 LAS 3
Pamagat ng Gawain :DINIDAD
Layunin : Nakapaglalahad ng sariling pahayag sa pagpapahalaga sa
Dignidad
Sanggunian : SLM EsP 10,MELC
Manunulat : Janelle A. Peque
______________________________________________________________________________

Activity Sheet
Rubric: Batayan sa pagwawasto,4 ang pinamataas na marka at 1 ang pinakamababa.
4- malinaw ngunit simle ang ginamit na salita
3- masyadong mahaba at maligoy ang ginawang pagpapahayag
2- may kakulangan sa ginawang pagpapahayag
1- Hindi malinaw ang nilalaman ng pahayag

Gumawa ng isang sanaysay, gawan din ito ng sariling titulo.Ikwento ang iyong
sariling karanasan kung saan nagpapakita na ang iyong dignidad ay iyong
napahalagahan.

___________________________________________________

You might also like