You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

BAITANG 10, LINGGO 8

DIGNIDAD NG TAO

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Sa nakaraang linggo nalaman mo ang kahulugan ng dignidad. Naunawaan mo


rin kung paanong ang kahirapan ay lumalabag sa dignidad ng mga mahihirap at
indigenous people. Subalit mahalaga din na malaman, maunawaan at mapatunayan
natin kung ano ang batayan ng dignidad ng tao.
Sa linggong ito ay ipagpapatuloy natin ang ating pagtalakay sa ating paksa
tungkol sa dignidad. Kapit na, tayo’y aarangkada na!

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS

4.3 (EsP10MP-Ig-4.3) Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa


kaniyang pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis
niya sa Diyos (may isip at kalooban).

III. MGA GAWAIN

GAWAIN 1

Get’s Ko ‘To!

Panuto: Batay sa iyong pag-unawa, magbigay ng mga patunay tungkol sa pahayag


sa loob ng kahon.

“Ang tao ay nilikha ng Diyos na katangi-tangi. Siya ay kakaiba sa lahat


ng nilikha sa mundo. Siya ay nilikha ng Diyos na kawangis Niya.”

1
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 15
Mga patunay:
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________

Pagsusuri:
1. Sa iyong palagay, ano ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilalang?
Pangatwiranan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa mga patunay na binanggit mo sa gawain, pumili ng isa at ipaliwanang.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

GAWAIN 2

Alam Na Dis!

Buoin ang pahayag sa loob ng balumbon gamit ang mga salita sa loob ng ulap.

tao anyo
gulang
dignidad
paggalang
pagpapahalaga
kapwa
panghabambuhay

Ang dignidad ay nagangahulugang pagiging karapat-


dapat ng ______sa______________ at _________
mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, ano man ang
kanyang_______, ______, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may ___________.
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay
______________. Habang ang tao ay nabubuhay
kailangang pahalagahan at igalang ang pansariling
dignidad at dignidad ng _________.

2
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 15
Pagsusuri

1. Batay sa iyong nabuong pahayag, bakit mahalaga ang iyong dignidad bilang tao?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano ang patunay na nakabatay ang iyong dignidad sa pagiging bukod-tangi at sa
pagkakawangis mo sa Diyos?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Paano mo maiaangat ang iyong sariling dignidad? Magbigay ng limang kasagutan.
(Hal.: Sa paraan ng iyong pananamit)
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Kumusta na? mas nagiging malinaw na ba sa iyo ang konseptong


ating tinatalakay? Halina at patuloy nating tuklasin ang malalim na
batayan ng ating Dignidad.

IV. PAGPAPALALIM

Nakabatay ang Dignidad ng Tao sa Kaniyang Pagkabukod-Tangi


at sa Pagkakawangis Niya sa Diyos

1. Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kaniyang pagkabukod-tangi.


▪ May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung
ihahalintulad sa ibang nilikha.
▪ Ang pag-iral ng tao ay hindi nauulit sa kasaysayan. Samakatuwid, ang
kaniyang pag-iral ay hindi maihahalintulad sa pag-iral ng ibang nilalang
sapagkat siya ay natatangi. Walang tao sa mundo na magkahalintulad o
magkapareho sa lahat ng aspeto sa kanilang buhay.
▪ Mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng
konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya.
▪ May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit
ang isip. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang mga kakayahang ito katulad
sa mga bata, ang pagiging bukod-tangi ng tao ang mabigat na dahilan ng
kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.

3
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 15
2. Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa pagkakawangis niya sa Diyos.
▪ Ang pagkakalikha sa tao ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na
ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos. Binigyan
ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili, gumusto at gumawa.
▪ Ang tao ay nilalang Diyos na may isip at kalooban kung saan mayroon siyang
likas na inklinasyon na piliing gawin ang mabuti at iwasan ang masama at ibigin
ang sarili tulad ng pag-ibig sa kapwa – ito ang batayan ng dignidad ng tao.
▪ Ang dignidad ng tao ay hindi nakasalalay sa kalagayan sa buhay ng tao:
mayaman ka man o mahirap/katutubo sapagkat ang tao ay nilikha na kawangis
ng Panginoon .
▪ Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anuman
ang kaniyang anyo, gulang at antas ng kalinangan at kakayahan ay may
dignidad. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay
panghabambuhay. Habang ang tao ay nabubuhay kailangang pahalagahan at
igalang ang pansariling dignidad at dignidad ng kapwa.
▪ Ayon kay Papa Juan Pablo II, “May karapatan kayong mamuhay at
pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong dangal bilang tao; at kasabay nito,
may karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring
paraan...”
▪ Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang
hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
▪ Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
pantay-pantay ang lahat.
▪ Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng
pagtingin sa bawat tao na kawangis ng Diyos – may isip at kalooban.
Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong
kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.
▪ Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo upang
makapiling ang Diyos.

Paano mo pinapahalagahan ang dignidad ng iyong kapwa?

V. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Mga Katanungan
Deskripsyon Iskor/Puntos
Naipahayag nang malinaw ang ideya,
saloobin at pananaw patungkol sa mga 5 puntos
katanungan.

4
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 15
Hindi gaanong binigyang-diin at linaw
4 puntos
ang ideya, saloobin at pananaw.
Kulang sa pagpapaliwanag, hindi
3 puntos
nasaklaw ang hinhinging ideya.
May paliwanag ngunit malayo sa
2 puntos
konseptong hinihingi.
Walang naibigay na paliwanag.
1 puntos

V. SANGGUNIAN

● Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Kagamitan ng Mag-aaral). 2013. pp. 165-


167.
● DLP in Edukasyon sa Pagpapakatao 10, 1st Quarter

Inihanda ni: JERONE EDISON M. LORENTE

5
RO_Edukasyon sa Pagpapakatao_Grade 10_Q1_LP 15

You might also like