You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _________________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ______________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan - Ikatlong Linggo
Entitlement Mentality Masasalamin ang Kawalan ng Pasasalamat

I. Panimula
Ang pasasalamat ay isang napakahalaga at espesyal na birtud ng
mga Pilipino. Madalas nasasalamin ito sa pagtanaw ng utang na loob.
Nagkakaroon ng utang na loob sa tuwing ginawan ang tao ng kabutihan
ng kapuwa. Subalit may mga pagkakataong ang espesyal na birtud na ito
ay hindi nagagampanan dahil marami ang nagtataglay ng kawalan ng
pasasalamat o ingratitude. Ito ay nakapagpapababa ng pagkatao ng isang
indibidwal dahil nagpapakita ito ng masamang ugali. Ang kawalan ng
pasasalamat ay maaaring masalamin sa tinatawag na Entitlement Mentality.
May napagsabihan ka na ba ng salitang “salamat”? O di kaya’y may
nakapagsabi na ba ng “salamat” sa iyo? Ano ang pakiramdam?
Napakasarap hindi ba? Ang pasasalamat kahit sa mumunting paraan ay
nakapagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan ng loob.
Maliban dito, may mga napatunayang mga pag-aaral na ang
pagsasabuhay ng pasasalamat ay nakapagdudulot ng mabuting benepisyo
sa tao. Ano nga ba ang nagagawa ng pagiging mapagpasalamat?
II. Kasanayang Pampagkatuto
Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala
na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong
pagkatao ay nagmula sa kapuwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos
Ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa ay ginagawa nang buong-puso.
Kabaligtaran ito ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na
anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin. Hindi naglalayong bayaran o palitan ng kabutihan ng kapuwa kundi
gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo.

Koda: EsP8PBIIIb-9.3
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matatalakay na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bagay ng iyong pagkatao
ay mula sa kapuwa at sa Diyos;
2. makapagbibigay ng halimbawa ng entitlement mentality;
3. makagagawa ng pagninilay na nagpapakita ng pasasalamat at
entitlement mentality; at
4. makasusulat ng repleksyon batay sa mga quotations tungkol sa
pasasalamat.

IV. Pagtalakay
Ang pagsasabuhay ng pasasalamat ay napakagandang birtud na
dapat gawin ng isang tao. Kung naipapakita ito, madali para sa isang tao
ang maging mapagpakumbaba at makuntento sa mga bagay na mayroon
siya. Isa sa mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba.
Kapag ang tao ay mapagpakumbaba, kikilalanin niya ang tulong ng ibang
tao na may malaking impluwensiya sa kaniyang buhay. Mahalagang
nakapagpapasalamat ang tao sa iba’t ibang tulong at suporta mula sa
kaniyang kapuwa at higit sa lahat sa Diyos na nagbigay ng lahat ng
mayroon ito. Mahalagang laging isapuso at isaisip ang katagang “ No man is
an island”.
Ang taong mapagpasalamat, bagamat maraming dagok ang
dumating sa buhay ay hindi nawawalan ng pag-asa sapagkat alam nilang
may maawaing Diyos na patuloy ang paggabay. Samakatuwid, dahil sa
pasasalamat, nahuhubog ang emosyonal at ispirituwal na pagkatao ng
isang indibidwal. Natututo ang tao na tumugon sa mga pagpapalang
natatanggap mula sa kapuwa at higit sa lahat sa Diyos.
Ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat ay masasalamin sa
entitlement mentality. Ito ay paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng
isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin. Iniisip niya
na kailangang ibigay ang kaniyang karapatan kahit walang katumbas na
tungkulin o gampanin. Isang malinaw na paglalarawan sa paniniwalang ito
ay ang kawalan ng pasasalamat ng mga anak sa magulang sa kabila ng
sakripisyo ng mga ito na mapa-aral at maibigay ang maayos na edukasyon
para sa kanila sapagkat ikinakatuwiran nila na karapatan naman nila ito na
kailangang ibigay. Imbes na unahin ang mga bagay upang sila ay matuto
ay inuuna pa ang paglilibang at paglalaro ng mga online games. Isa pang
halimbawa nito ay ang hindi pasasalamat sa mga frontliners na bayani
ngayong panahon ng pandemya dahil ito raw ay obligasyon nila at
binabayaran sila.

2
Marami pang mga halimbawa ng entitlement mentality ang ating
nasasaksihan hindi lamang namamalayan, maging ang pamahalaan ay
hindi naging ligtas dito, iniaasa ng maraming tao ang pagsustento sa kanila
ng pamahalaan sa kanilang pang-araw-araw na panggastos.
Ang pasasalamat ay isang moral na obligasyon. Kapag nakatanggap
ng tulong o kabutihan mula sa kapuwa at higit sa lahat sa Diyos ay
kailangang suklian ito ng taos-pusong pasasalamat sa kahit ano mang
pamamaraan. Sapagkat ibang kaligayahan ang naidudulot nito hindi
lamang sa taong gumawa ng kabutihan kundi sa iyong sarili mismo na
nakatanggap ng tulong.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa
tao ang pasasalamat? (ni Sonja Lyubommirsky)
1. Nagtataguyod ito sa tao upang namnamin ang mga positibong
karanasan sa buhay.
2. Nagpapataas ng halaga sa sarili.
3. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang
karanasan.
4. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.
5. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapuwa, pinapalakas ang
mga kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang mga bagong
ugnayan.
6. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
7. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
8. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal na
bagay o sa kasiyahan.
Tunay ngang iba ang naidudulot ng pasasalamat sa buhay ng tao.
Nakatutulong ito nang malaki upang mabago ang ugali at pananaw sa
buhay ng isang indibidwal. Kung maisasabuhay ang pasasalamat hindi
malayong maisasabuhay rin ang iba pang pagpapahalaga at birtud
kagaya ng paggalang, pagmamahal, pagpapakumbaba, katapatan,
pananagutan at iba pa.

V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1. Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang mga sitwasyon ay
nagpapakita ng pasasalamat at EM naman kung ito ay entitlement
mentality.
__________1. Naglalaro ng online game si Rico habang nag-oonline class.
__________2. Nagsusuot ng facemask at face shield si Karen kapag lalabas
siya ng bahay.

3
__________3. Nagalit si Ria sa kaniyang nanay dahil hindi niya nabili ang
cellphone na inihabilin nito.
__________4. Nginitian ni Roy ang drayber ng dyip na kaniyang sinakyan dahil
nakarating siya sa lugar na kaniyang pinuntahan nang ligtas.
__________5. Nag-aaral nang mabuti si Patrick upang makamit ang kaniyang
pinapangarap na maging engineer.
A.2. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang mga
pahayag at MALI naman kung hindi wasto.
___________1. Sumasang-ayon sa negatibong emosyon ang pasasalamat.
___________2. Ang pasasalamat ay isang moral na obligasyon ng isang
indibidwal.
___________3. Masasalamin ang kawalan ng pasasalamat sa entitlement
mentality.
___________4. Nagiging mapagpakumbaba at kuntento sa buhay ang isang
taong mapagpasalamat.
___________5. Ang taong mapagpasalamat ay marunong tumingin sa mga
positibong bahagi ng buhay.
Gawain 2: Gawaing Pagganap
B.1. Panuto: Pagnilayan ang iyong mga naging karanasan nitong mga
nakaraang araw. Sumulat ng mga sitwasyong nagpakita ka ng pasasalamat
at ng entitlement mentality. Pagkatapos, isulat ang posibleng epekto nito sa
sarili at kapuwa.
Sitwasyon Epekto sa Sarili Epekto sa Kapuwa
Binilhan ako ni ate ng Naging mapagmalaki Inisip ni ate na ako ay
bagong sapatos at at hindi marunong isang ingrata.
damit subalit hindi ako tumanaw ng utang na
nakapagpasalamat. loob.

4
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
(5- Napakahusay 3 – Mahusay 2 – Nangangailangan ng Pag-unlad)

PAMANTAYAN PUNTOS

1. Kumpleto ang mga isinulat na sitwasyon.


2. Tumpak ang mga isinulat na epekto sa sarili at kapuwa.
3. Makabuluhan ang mga nilalaman ng bawat hanay.
Kabuoang Puntos =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

B.2 Panuto: Pumili ng isa sa mga quotations sa ibaba at sumulat ng repleksyon


batay sa iyong napili.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

5
RUBRIK PARA SA GAWAIN
(5- Napakahusay 3 – Mahusay 2 – Nangangailangan ng Pag-unlad)

PAMANTAYAN PUNTOS

1. Malinaw ang pagkakalahad ng repleksyon.


2. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa
repleksyon.
Nakuhang Puntos =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay
karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.
A. Gratia
B. Ingratitude
C. Entitlement Mentality
2. Ano ang halimbawa ng entitlement mentality?
A. Hindi pag-aaral nang mabuti ng mga anak
B. Pagbibigay ng pasasalamat sa mga frontliners
C. Pagsasabi ng salamat sa taong tumulong sa iyo
3. Alin ang tanda ng taong mapagpasalamat?
A. Pagsasabi ng salamat kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban
B. Sa kabila ng tulong na natatanggap ni Mona ay nananatiling
mapagmalaki ito
C. Si Rose ay kuntento sa buhay sa kabila ng mga simpleng
natatanggap niya mula sa kaniyang kapuwa at sa Diyos
4. Paano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagtulong na naghihintay ng kapalit
B. Pagsasabi ng salamat kahit napipilitan lamang
C. Pagpapahalaga sa mga kabutihang natatanggap mula sa iba
5. Ano ang dulot ng entitlement mentality?
A. Nakapagpapababa ng pagkatao
B. Nakapagpapataas ng halaga sa sarili
C. Nakatutulong upang maging mapagpakumbaba

6
VII. Pangwakas
Panuto: Bumuo ka ng isang konsepto batay sa natutuhan mo. Kumpletuhin
ang talata sa tulong ng mga pagpipiliang salita sa kahon sa ibaba.

pagkatao
kapuwa

mapagpasalamat
entitlement mentality
Diyos

Ang taong (1)______________________ ay punung-puno ng biyaya.


Anomang biyayang natatanggap sa (2)_____________________ at
(3)_____________________ ay dapat na ipagpasalamat. Kabaligtaran naman
nito ay ang (4) _____________________ na isang paniniwala na anomang
inaasam ng tao ay karapatan niya na kailangang bigyan ng dagliang
pansin. Ito ay nakapagpapababa ng (5)_____________________ .

VIII. Sanggunian
Department of Education. 2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong
Baitang (Modyul para sa Mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department
of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd - IMCS).
Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa ( Edukasyon sa Pagpapahalaga II). 2008.
Gabay Eskwela Publishing House at ni Zenaida V. Rallama. Karuahatan,
Valenzuela City
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.
Website:
https://philnews.ph/2021/06/10/ano-ang-entitlement-mentality-kahulugan-at-
halimbawa-nito/

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain #1 – A.1 Gawain #1 – A.2

P 5.
TAMA 5.
P 4.
TAMA 4.
EM 3.
TAMA 3.
P 2.
TAMA 2.
EM 1.
MALI 1.

7
Pagsusulit Pangwakas
A 5. PAGKATAO 5.
C 4. ENTITLEMENT MENTALITY 4.
C 3. DIYOS 3.
A 2. KAPUWA 2.
MAPAGPASALAMAT 1.
C 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Evelyn A. Ramos
Patnugot: Evelyn A. Ramos
Tagapagsuri ng Nilalaman: Carmela M. Santos
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Amelia T. Biag
Grupo ng Tagapaglinang: Mariolito G. Magcalas, PhD
Normita C. Quiambao

You might also like