You are on page 1of 4

CAMARIN HIGH SCHOOL

SDO- CALOOCAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKATLONG MARKAHAN
LEARNING ACTIVITY SHEET
T.P. 2021-2022

PANGALAN: ____________________________________________PANGKAT: ________________

ARALIN 9
PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Sa araling ito, tatalakayin natin ang tunay na kahulugan ng pagiging mapagpasalamat. Iisa-isahin
natin ang mga biyayang natatanggap mula sa ating kapwa at mauunawaan natin na ang lahat ng ito ay
mga biyaya at pagpapalang mula sa Diyos. Sa mga gawain, ating maibibigay ang mga halimbawa at mga
sitwasyon na maaari nating ipakita ang mga paraan ng pagpapasalamat. At sa huli’y matukoy natin ang
mga paraan kung paano maisasagawa ang mga nararapat na kilos upang tayo ay maging
mapagpasalamat. Inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: “Ano ang kahalagahan ng
pagiging mapagpasalamat? Ano ang kaibahan nito sa Entitlement Mentality?”
Ang PASASALAMAT ay pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa
ng kabutihang loob.
Ang pasasalamat ay isang ugaling Pilipino na naipapakita sa UTANG NA LOOB. Ito ay ang
pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding
pangangailangan. Ngunit minsan, ang utang na loob ay nagagamit ng ilang tao sa maling paraan o pag-
aabuso. Gaya na lang sa panahon ng elesksiyon, may mga kandidato na kusang tumutulong sa mga taong
nangangailangan. Nais ipakita ng mga kandidato na sila ay matulungin, mabait, at nararapat iboto sa
eleksiyon. Bilang pagtanaw ng utang na loob, ihahalal ng mga taong natulungan ang mga kandidato
kahit na hindi karapat-dapat ang mga ito na maging opisyal ng pamahalaan.

MGA KATANGIAN NG TAONG MARUNONG MAGPASALAMAT:


1. Marunong magpahalaga
2. Puno ng biyaya
3. Mapagpakumbaba
4. May positibong pagtingin sa buhay

MGA PARAAN NG PASASALAMAT:


1. Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat
2. Pagpapadala ng liham pasasalamat
3. Pananalangin ng pasasalamat sa araw-araw
4. Paggawa ng kabutihang loob na walang kapalit
5. Pagbibigay ng munti o simpleng regalo
6. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik
Kung ang PASASALAMAT ay isang espesyal na BIRTUD dahil nagampanan mo ang iyong
moral na obligasyon, ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay isang ugali na
nakapagpapababa sa pagkatao.

MGA ANTAS NG KAWALAN NG PASASALAMAT:


1. Hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa
2. Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa
3. Hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap
Ang kawalan ng pasasalamat ay masasalamin sa Entitlement Mentality na isang paniniwala o
pag-iisip na anumang inaasam ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.

MAGANDANG DULOT NG PAGIGING MAPAGPASALAMAT SA KALUSUGAN:


1. Ang paglalaan ng 15 minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan ay
nakadaragdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo ng mga bacteria sa katawan.
2. Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas pokus ang kaisipan at may mababang
pagkakataon ng magkaroon ng depresyon.
3. Ang pagiging mapagpasalamat ay naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
4. Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain ang mga
mapagpasalamat na tao kaysa sa mga hindi.
5. Ang mga benepaktor ng mga donated organs na may saloobing pasasalamat ay mas mabilis
gumaling.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita
ng pasasalamat. EsP8PBIIIa-9.1
2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito. EsP8PBIIIa-9.2
3. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at
malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng DIyos.
Kabaligtaran ito ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay Karapatan
mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.Hindi naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi
gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo. EsP8PBIIIb-9.3
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat. EsP8PBIIIb-9.4

GAWAIN 1: Ang Pinakamahalaga sa Akin


Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu kung saan ang isa (1) ang pinakamahalaga, isulat ang mga
pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na
tanong.

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gabay na Tanong:
1. Sino-sino ang binibigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay?
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
2. Naipapakita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano?
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
3. Mahalaga ba para sa iyo ang maging mapagpasalamat? Bakit?
___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

Gawain 2: Mga Biyayang Natanggap

Panuto: Basahin ang iba’t ibang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang biyayang natanggap mula sa
kabutihang-kaloob at isulat ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
Halimbawa:

Biyayang Natanggap: Tinulungan ka ng iyong kaibigan na magbuhat ng mga aklat.

Paraan ng Pasasalamat: Bibigyan ko siya ng isang liham ng pasasalamat at gagawan


ko rin siya ng kabutihan sa ibang pagkakataon.

1. Biyayang Natanggap: Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang umaga ay

nalanghap mo ang sariwang hangin at binati ka ng masayang huni ng ibon.

Paraan ng Pasasalamat: ______________________________________________________


_________________________________________________________________________________

2. Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong research project sa


Edukasyon sa Pagpapakatao.

Paraan ng Pasasalamat: _______________________________________________


__________________________________________________________________________

3. Natuklasan mong ipinagpaliban ng iyong nanay ang kaniyang check-up sa doktor upang
mabigyan ka ng isang party sa iyong kaarawan.

Paraan ng Pasasalamat: _______________________________________________


__________________________________________________________________________

4. Nakita mo ang isang pulis na tinulungang tumawid ang isang matandang pulubi.

Paraan ng Pasasalamat: _______________________________________________


__________________________________________________________________________

5. Nakatanggap ang iyong pamilya ng isang sakong bigas, gulay at prutas mula sa

inyong barangay dahil sa lockdown hatid ng Pandemyang COVID19.

Paraan ng Pasasalamat: ____________________________________________________


______________________________________________________________________________.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
2. Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapwa?
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3: Pasasalamat
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa pasasalamat. Punan ang tsart sa ibaba batay sa
nabasang mga sitwasyon.

1. Si Mang Tony ay nakikitang palakad-lakad sa daan. Siya pala ay apat na araw nang naglalakad
mula Pangasinan hanggang Maynila. Paminsan-minsan, bumibili siya ng limang pisong kanin
bilang pagkain niya sa buong araw niyang paglalakad. Kahit kulang sa pagkain, nakikita din
siyang nagbabahagi ng kaniyang kanin sa mga taong pulubi. Marami ang naantig sa kaniyang
kabutihang-loob sa kapwa. Para kay Mang Tony, habang kalooban ng Diyos na siya ay
nabubuhay, patuloy pa rin siyang magpapakita ng kabutihan sa mga taong nangangailangan ng
tulong.
2. Si Mateo ay naulila dahil sa isang aksidenteng ikinamatay ng kaniyang mga magulang. Dahil sa
awa ng kaniyang guro at kagustuhang makatapos siya ng pag-aaral, hinanapan siya ng taong maaaring
magpaaral sa kaniya. Isang pari sa kumbento ang nagpaaral sa kanya hanggang siya ay makatapos ng
kolehiyo. Nakapagtrabaho si Mateo sa Amerika ngunit hindi niya makakalimutan ang mga taong
tumulong sa kaniya upang maabot ang mga pangarap. Bumalik siya sa Pilipinas upang pasalamatan ang
kaniyang guro at ang pari na itinuring niyang ikalawang magulang.

3. Si Luis ay isang lumpong bata. Hindi siya nag-aaral dahil sa kahirapan. Pangarap niyang
makapaglakad, makapag-aral, at makapaglaro kasama ang mga kaibigan. Isang araw, isang social
worker ang nakaalam ng kaniyang sitwasyon. Inilapit siya nito sa kakilalang orthopedic surgeon at
nabigyan ng libreng operasyon. Laking tuwa ni Luis nang siya ay makalakad. Bilang pasasalamat sa
social worker, ipinangako niya na gagamitin ang kaniyang buhay nang may pasasalamat at tutulong din
siya sa mga taong nangangailangan.

Pangunahing Sitwasyong Paano Paano Ipinakita ang


Sitwasyon
Tauhan Kinakaharap Nalampasan Birtud ng Pasasalamat
1
2
3

Gabay na Tanong:
1. Paano ipinakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamat sa kabutihang ginawa ng
kapwa?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
2. Paano kung hindi naipakita ang pasasalamat? Ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
3. Nais mo bang isabuhay din ang pagiging mapagpasalamat? Bakit?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
4. Ikaw, paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? Magbigay ng halimbawa.
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

PAGNINILAY:
Panuto: Sumulat ng pagninilay tungkol sa pag-unawa mo sa entitlement mentality.
1. Ano ang implikasyon ng entitlement mentality sa iyong sarili at pamahalaan?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
2. May maganda ba na maidudulot kung palagi mong iniisip ang sariling pakinabang lamang?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
3. Paano nalalabag ng entitlement mentality ang birtud ng pasasalamat?
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

SANGGUNIAN:
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, pahina 227-250
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao, pahina 141-142

You might also like