You are on page 1of 6

Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________

Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________

Module Code: Pasay- EsP8-Q2- EsP8PIIa-5.3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Modyul 5: Pakikipagkapwa
Ikalawang Markahan/ Ikalawang Linggo/ Unang Araw

A. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa araling ito ay inaasahan na malinang mo ang sumusunod:
1.1. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang
malinang siya sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at political.
1.2. Ang Birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
1.3 Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa – ang tunay na indikasyon ng
pagmamahal. (EsP8PIIa-5.3)
B. SANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapahalaga Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8, Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Plilipinas (pg. 103-136)
Halika at alamin pa natin ang mga bagay na dapat nating malaman sa
pakikipagkapwa! Tignan nating kung ano ba ang pinakamahalagang dulot sa atin
ng pakikipagkapwa bilang isang panlipunang nilalang.

C. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO


1) PANIMULA
Ayon sa ating unang naging talakayan sa paksang pakikipagkapwa tinalakay natin ang
kahalagahan at ang epekto nito sa atin. Kasama dito ay ang pagtukoy sa kung sino ang ating
kapwa at kung paano sila nakatutulong maimpluwensiyahan ang askpektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, politikal na bagay sa ating lipunang ginagalawan. Isa ring
mahalagang askpekto ay ang pagkakaroon ng diyalogo na siyang nakatutulong upang
maipahayag ang mga pangangailangan natin sa ating kapwa kasama ang pagkunsidera sa tinatawag nating mga
Golde rules na lubos na nakatutulong sa ating pakikipagkapwa.
Isang pang binibigyang pansin ng pakikipagkapwa ay ang kahalagahan ng pagbuo at pagsali sa mga
samahan. Lubos na nakasalalay sa pagkakasundo at pagkakaisa ng iba’t-ibang yunit ng lipunan ang kabutihang
panlahat na kung saan kayang pamahalaan at panatilihing maayos ng mga yunit ang kalayaan at pagkakakilanlan
ng mga ito. Ang mga yunit gaya ng pamilya at samahang pang relihiyon ay agarang tumutugon sa
pangangailangan ng mga tao. Mayroong mga yunit din ang nakatutulong sa pamamagitan ng bolunterismo
kagaya ng Red Cross at iba pang mga pribadong organisasyon. Dahil dito ay nabibigyan ng pansin ang
pagmamahal sa kapwa (charity) at nabibigay ang nararapat nilang matanggap dahil sa birtud ng katarungan
(Justice).
Ang pakikipagkapwa tao ay isa sa mga kalakasan nating mga Pilipino, wika ni Licuanan (1992). Ito ay
naipapakita ng mga Pilipino sa pamamagitan ng malasakit sa mga kapwang nakararanas ng kagipitan. Isa ring
kakayahang makikita sa mga Pilipino ang kakayahang umunawa sa damdaming nadarama ng kanyang kapwa
(empathy) at agad na tinutumbasan ng pagtulong at pakikiramay, bayanihan at pagiging mapagpatuloy
(hospitable) nasa siyang kilalang-kilang katangian ng mga Pilipino na lubos na hinahangaan ng mga ibang lahi.
Tayong mga Pilipino ay lubos na pinapahalagahan ang pagtanaw ng utang na loob kasama ang
kakayahan natin na makiramdam at magtiwala sa ating kapwa. Tayo ay sensitibo sa mga samahang ating
nabubuo at ito ang batayan ng ating kaligayahan at kapanatagan.
Ngunit ang lubos na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay nagdudulot ng kawalang ng malinaw na
paghihiwalay ng mga gawaing mas dapat bigyan ng pansin at ng emosyonal na pakikisangkot.
Mahalagang dapat maunawan natin na sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa ay nakakamit
natin ang tunay na kaganapan ng ating pagkatao. Dito natin mas nakikita na tayo ay itinakdang maglingkod sa
ating kapwa na siyang magbibigay sa atin ng lubos na kaligayanhan at ang tunay na indikasyon ng pagmamahal.

Page 1 of 6
Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________

2) GAWAIN Module Code: Pasay- EsP8-Q2- EsP8PIIa-5.3


A. PANIMULANG GAWAIN
Panuto: Batay sa iyong sailing pagkakaunawa sa pakikipagkapwa ay ipaliwanag ito at ilagay ang
iyong sagot sa kahon sa ibaba.

Pakikipagkapwa: ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. PAGSUSURI
Panuto: Sagutin ang mga katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga para sa iyo ang maging bahagi ng isang samahan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano ang maaari mong gawin upang mapanatili mo ang kabutihang panlahat sa yunit na iyong
kinabibilangan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Bukod sa halimbawang iyong isinagot sa ikalawang aytem, paano mo maipapakita ang
pakikipagkapwa tao mo sa kasalukuyang sitwasyon natin ngayon dulot ng pandemya?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
C. PAGLALAPAT
Panuto: Sinasabi ang pakikipagkapwa ay isa sa mga kalakasan natin bilang isang Pilipino.
Magbigay ng limang dahilan bakit totoo ang pahayag na ito.

No. Mga Dahilan bakit kalakasan ng mga Pilipino ang PAKIKIPAGKAPWA

1.

2.

3.

4.

5.

Page 2 of 6
Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________

D. PAGGANAP Module Code: Pasay- EsP8-Q2- EsP8PIIa-5.3


Panuto: Batay sa ating naging aralin, kailan nag dudulot ng hindi maganda ang lubos na
pagpapahalaga sa ugnayang mayroon tayo sa atin kapwa? Magbigay ng halimbawa nito batay sa
ugnayan mo sa uri ng kapwa na iyong ilalagay sa kaliwang bahagi ng kahon.
Uri ng kapuwa Pagkakataon na nagdudulot ng hindi maganda
ang lubos na pagpapahalaga sa ugnay sa kapwa

E. PAGTATAYA
Panuto: Basahin mabuti ang mga aytem at piliin ang letra ng tamang sagot
1. Hindi nakapag-aral si Marlon ng aralin bago ang kanilang pagsusulit kaya naman ay hiningian
niya ng sagot si Abby na kanyang kaibigan. Ano ang tamang dapat gawin ni Abby?
a. Tulungan si Marlon c. Ipagsawalang bahala nalang si Marlon
b. Isumbong si Marlon sa guro d. Ipaunawa kay Marlon na mali ang ginagawa niya
2. Mahiyain si Carlo na makitungo sa kanyang mga kamag-aral at madalas siyang nakikitang tahimik
lamang. Dahil sa kanyang pagiging mapag-isa ay nahihirapan niyang maintindihan ang mga aralin.
Ano ang mainam na gawin ni Carlo?
a. Mas bigyan ng marami pang oras ang pag-aaral c. Magtungo sa silid aklatan
b. Humingi ng tulong sa guro at sa mga kamag-aral d. Umiwas sa mga kaklase
3. Ang ___________________ ay isa sa mga kalakasan nating mga Pilipino ayon kay Licuanan.
a. Pakikipagkapwa c. Pagiging mapagpatuloy
b. Kakayahang umunawa d. Utang na loob
4. Tayong mga Pilipino ay lubos na pinapahalagahan ang pagtanaw ng ___________ kasama ang
kakayahan natin na makiramdam at magtiwala sa ating kapwa
a. Pagiging mapagpatuloy c. Utang na loob
b. Kakayahang umunawa d. Pakikipagkapwa
5. Sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa ay nakakamit natin ang tunay na ________ ng ating
pagkatao.
a. Kalayaan c. Kaayusan
b. Kaganapan d. Pag-unlad

Inihanda ni: G. KRYSTAN J. SECUSANA


PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

Pangalan: _________________________________________________
Page 3 of 6 Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________
Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________
Module Code: Pasay- EsP8-Q2- EsP8PIIa-5.4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Modyul 5: Pakikipagkapwa
Ikalawang Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

A. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa araling ito ay inaasahan na malinang mo ang sumusunod:
1. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o
pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o pulitikal (EsP8PIIa-5.4)

B. SANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapahalaga Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8, Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Plilipinas (pg. 103-136)

Magaling! Mas may alam ka na sa kahalagahan ng pakikipagkapwa lalo na sa ating


buhay bilang isang panlipunang nilalang. Ngayon naman ay tignan natin kung paano
natin maisasagawan ang mga gawaing tutugon sa pangangailangan ninyo bilang mag-
aral.

C. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO


1) PANIMULA
Sa ating pakikipagkapwa tao ay mahalagang tandaan na ang isang makabuluhan at
mabuting pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nagdudulot ng kaligayahan at kapanatagan.
Ang mga taong mayroong maganda at matibay na samahan ng mga malalapit na tao ay
mayroong mas magandang disposisyon sa buhay kumpara sa mga taong kaunti o di kaya ay
walang matibay na ugnayan sa kapwa. Kung kaya naman makikita sa ating panahon ngayon
na ang mga tao ay bagaman magkakalayo bunga ng ‘social distancing’ ay pinapanatili parin at mas lalong
pinatitibay ang kanilang mga ugyan sa kanilang kapwa. Dahil lahat ng pakikipag-ugnayan ay nangangailangan
na pagtibayin, pagsikapang mabuo, at higit sa lahat ay mapanatiling makabuluhan at mabuti. Ito ay nakasalalay
sa ating kakayahan na ibahagi ang sarili sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa.
Ngunit paano ba natin mapapaunlad ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa lalo na bilang isang
mag-aaral? Mayroong apat na prinsipyo na dapat nating isaalang-alang. Una ay ang Paggalang sa pagiging
indibidwal ng ating kapuwa, tayo bilang isang tao ay may kanya-kanyang katangian at tayo ay bukod-tangi.
Marapat na igalang natin ang pagkatao ng ating kapwa at maging sensitibo dito at tandaan na hindi lahat ng ating
nais at kayang gawin ay kaya rin ng iba.
Pangalawa ay ang Pagpapahayag ng damdamin. Sa pakikipag-ugnayan ay mahalaga na malayang
naipapahayag ng bawat isa ang kanilang nararamdaman sa mapanagutang paraan na hindi nahuhusgahan. Ito
ay mahalaga upang maiwasan ang makabuo ng mga hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkikimkim ng mga
nararamdaman na nagiging sanhi ng agwat sa ugnayan natin sa ating kapwa at sa huli ay nagiging dulot ng
paghihiwalayan. Upang makatulong, maaring simulan ang mga usapan sa isang positibong paraan at ilahad ang
problema sa paraang makahihikayat ng kooperasyon. Isang magandang halimbawa nito ang pagiging aktibo ng
mga kabataan ngayon sa social media. Mahalagang maunawaan ng mga kabataan na bagaman malaya silang
magpahayag ng damdamin ay nararapat din na ilahad sila ito mapanagutang paraan at may pagsasaalang-alang
sa damdamin ng iba.
Pangatlo ay ang Pagtanggap sa kapwa. Mahalaga sa isang ugnayan na may pagtanggap sa pagkatao
ng ating kapwa na hindi hinuhusgahan ang kanyang kalakasan maging at lalo na ang kanyang kahinaan. Hindi
dapat natin husgahan ang tao batay lamang sa ating sariling batayan kung hindi ay dapat na lawakan natin ang
ating isip at maging bukas sa mga bagay-bagay. Isa ring dapat tandaan na ang mapanagutang pagtanggap sa
kapuwa ay kung ikaw ay may pagtanggap sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng iyong pagninilay, mapapaulad mo
ang iyong kamalayan sa sarili na makatutulong din sa iyo na mataggap ang iyong kapwa.
Ang pang-apat ay ang Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa (confidence). Bilang isang
taong binahagiaan ng sensitibo at personal impormasyon ay lubos itong karangalan para sa atin na dapat nating
huwag sirain. Tungkulin mo na ingatan ang mga ito sa pamamagitan ng pag iwas sa pagbabahagi nito sa ibang
tao lalo na sa mga taong maaring magbigay ng maling interpretasyon nito.

Page 4 of 6
Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________

2) GAWAIN Module Code: Pasay- EsP8-Q2- EsP8PIIa-5.4


A. PANIMULANG GAWAINs
Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng prinsipyo ng pagpapaulad ng
pakikipagunayan ang sinasaad at kung sa anong askpekto ito nakatutulong (Intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, o pulitikal)
Pangungusap Uri ng prinsipyo Aspekto
(intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal
1. Pagbibigay ng galang sa guro sa
pamamagitan ng pagpapasa ng mga
gawain sa tamang oras.
2. Pagsusuot ng facemask habang
pumupunta sa mga pamilihan at
mataong lugar.
3. Pagbibigay ng mga makakatulong at
mapanagutang opinyon sa social
media na makakahiyat sa kapwa mag-
aaral na makibahagi sa laban sa Covid
19.

B. PAGSUSURI
Panuto: Sagutin ang mga katanungan.

1. Batay sa gawain sa itaas, ano sa iyong palagay ang prinsipyo ng pagpapaunlad ng


pakikipagkapwa ang dapat na mas bigyang pansin sa panahon ng pandemniya o krisis at bakit?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Bilang bahagi ng lipunan ikaw ay may kakayahang maapektuhan ang buhay ng iyong kapwa sa
aspektong intelektwal, panlipunan pangkabuhayan at pulitikal. Kung ikaw ay tutulong upang
mapabuti ang kalagayan ng lipunan natin ngayon sa ilalim ng “new normal” dahil sa Covid-19,
anong aspekto ang iyong mas bibigyan ng pansin at bakit?
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
C. PAGLALAPAT
Panuto: Magbigay ng gawain na makatutulong sa iyong kapwa batay sa mga aspektong nasa
kaliwang bahagi ng kahon at tukuyin kung anong prinsipyo ng pagpapaunlad ng pakikpag-
ugnayan ang pinagtitibay nito.

Aspekto Mga gawaing makatutulong Prinsipyo

1. Intelektwal

2. Panlipunan

3. Pangkabuhayan

4. Pulitikal

Page 5 of 6
Pangalan: _________________________________________________ Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: _________________________________________ Petsa: ____________________
Module Code: Pasay- EsP8-Q2- EsP8PIIa-5.4
D. PAGGANAP
Panuto: Gumawa ka ng isang proyekto na makatutulong sa iyong kapwa sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal sa iyong paaralan at pamayanan.

Layunin Mga hakbang Maaring Output

C. PAGTATAYA
Panuto: UNAWAIN NG MABUTI ang mga aytem at bilugan ang tamang sagot
1. Anong aspekto ng ating pagkatao ang mas higit na umuunlad sa pamamagitan ng paghahanap
buhay?
a. Panilipunan c. Pulitikal
b. Pangkabuhayan d. Intelektwal

2. Ano ang hindi nakakatulong sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?


a. Kakayahan ng tao sa panlipunang gawain c. Pagitngin sa sarili na mas matalino
b. Pagtugunan ang pangagailangan ng kapwa d. Pakikitungo sa iba ng maayos

3. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng makabuluhang pakikipagkapwa maliban sa ___________.


a. Kakayahan ng taong umunawa c. Higit na paghanga sa mga nakaaangat sa lipunan
b. Pagmamalasakit sa kapwa d. Pakikiramay at pagtulong sa kapwa

4. Ang tamang paraan ng pakikitungo sa kapwa ay ___________________.


a. Nakasalalay sa estado ng tao sa lipunan c. pagbibigay ng dignidad at paggalang sa kapwa
b. Nakasalalay sa kalagayang pang ekonomiya d. Pagnanaisa na mapag-isa

5. Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nagdudulot ng


kaligayahan at ________________.
a. Kaayusan c. Kapanatagan
b. Kaalwanan d. Kagalingan

Inihanda ni: G. KRYSTAN J. SECUSANA


PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

Page 6 of 6

You might also like