You are on page 1of 6

MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W3-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

IKA – APAT NA MARKAHAN/ IKATLONG LINGGO/ UNANG ARAW

A. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa araling ito, inaasahan na malinang mo ang:

13.1 Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad. (EsP8IPIVa-13.1)

Sa markahang ito ay tatalakayin natin ang ilan sa mga isyu sa pakikipagkapwa at isa sa
mga usapin na dapat nating pag-usapan ay ang seksuwalidad ng tao. Ito ay isa sa
mahalagang sangkap ng ating pagkatao, kaya naman pag – usapan na natin. Tara,
samahan mo ko.

B. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO

1) PANIMULA
Bahagi ng ating pagkatao ang seksuwalidad, ito ay natural na dimensyon o aspekto ng tao. Sa
pamamagitan nito, nararanasan at naipapahayag ng tao ang kaniyang sekswal na kalikasan. Kung natatandaan
noong kayo ay nasa ika-pitong baitang, natalakay dito ang mga inaasahang kakayahan at kilos ng isang
nagdadalaga o nagbibinata, ilan sa mga ito ay ang: pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag – ugnayan sa
mga kasing edad, ang pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki at ang
paghahanda para sa pag – aasawa at pagpapamilya. Itong mga kakayahan na ito ay
nangangailangan ng tamang pag – unawa sa tulong ng pagkakaroon ng kamalayan sa
sekswal nilang katangian.
Ano nga ba ang seksuwalidad? Ito ay pagpapahayag ng sarili bilang sekswal na
Image by Clkr-Free-Vector-
Images from Pixabay nilalang, higit pa sa kasarian sapagkat kasama na rito ang kilos, saloobin, at kaisipan
ng isang tao sa kaniyang sekswal na katangian gayundin ang kaniyang oryentasyong sekswal.

Ito rin ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki, ito ay behikulo upang siya ay
maging ganap na tao. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan, sapagkat ang
pagkalalaki at pagkababae ay isang malayang pinili at personal na tungkulin na
gagampanan mo sa iyong buhay.

Ang seksuwalidad din ng tao ang batayan kung paano siya magmamahal at
tutugon sa pagmamahal ng iba. Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang Image by Bingo Naranjo from Pixabay

natatanging bokasyon ng tao bilang tao.

Ang pangangailangan na magkaroon ng malapit na ugnayan sa kapwa na makapagbigay at

makatanggap ng pagmamahal ay bahagi ng proseso upang maging ganap ang pagkalalaki o pagkababae ng
isang tao. Ngunit dapat tandaan na ang proseso na ito ay mahaba at hindi dapat na madaliin.
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W3-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Sa iyong edad, paano mo malalaman kung ang nararamdaman mo ay tunay na pagmamahal o kaya ay
pisikal na pagkaakit lamang? Hindi man usapin ang gulang sa pagmamahal, mahalaga pa din na naisasaalang
– alang ang iyong kahandaan at kakayahang managot sa isang romantikong ugnayan.
Mahalagang maunawaan mo na ang tunay na pagmamahal ay hindi sapat na dahilan upang ipahayag
sa sekswal na paraan ang iyong damdamin. Sapagkat ang tunay na nagmamahal ay
kaya kang igalang, pahalagahan ang iyong dignidad, at kayang disiplinahin ang
kaniyang sarili.
Ang pagkakaroon ng malalim na ugnayan sa kapwa ay hindi minamadali, ito ay
nangangailangan ng paghahanda at pagpapaunlad ng sarili. Kaya sa ngayon, tungkulin Image by Mylene2401 from Pixabay

mo na paghandaan ang pagdating ng tamang tao para sayo upang pagdumating ang tamang panahon ay handa
ka na at kaya mo nang magmahal nang lubos at wagas.

2)PAGLALAPAT
Gamit ang graphic organizer sa ibaba, sagutin ang mga tanong tungkol sa seksuwalidad ng tao.
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W3-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
3)PAGGANAP
Batay sa ating napag – aralan, bigyan natin ng linaw ang ilan sa mga konseptong dati mo ng nalalaman tungkol
sa sekswalidad at pagmamahal. Tukuyin ang mga tama at maling pananaw na iyong nalaman o napagtanto
pagkatapos ng aralin na ito.

SEKSUWALIDAD PAGMAMAHAL

Tamang Pananaw Maling Pananaw Tamang Pananaw Maling Pananaw

Ang pagkababae o pagkalalaki na malayang pinili ay hindi mo taglay lang o katangian, ito ay
tumutukoy sayo bilang ikaw at kung ano pa ang magiging kaganapan mo bilang tao. Kaya nararapat
lang na ihanda ang sarili at linangin pa ang kakayahan magmahal upang pagdating ng tamang
panahon ay wagas at tunay ang maibigay mong pagmamahal.

C. PAGTATAYA
Panuto: Tama o Mali. Basahin mabuti ang mga pahayag at tukuyin kung ito ay tama o mali. Lagyan ng kung

ito ay tama at kung ito naman ay mali.

1. Ang seksuwalidad ay tumutukoy sa seks o kakayahang makipagtalik.
2. Ang seksuwalidad ay batayan kung paano magmamah
3. al ang tao at tutugon sa pagmamahal ng iba.
4. Kung mahal mo ang tao, papayag kang gawin lahat ng gusto nito.
5. Sa iyong edad ngayon ay buo na ang iyong kakayahan makatukoy ng tunay at wagas na pagmamahal.
6. Kinakailangan ihanda ang sarili para sa pagdating ng taong iyong makakaparehas sa buhay o magiging
kabiyak.
D. MGA SANGGUNIAN

• Bognot, R.M. C., et. Al (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral. (1st ed., pp.
355-366. Pasig, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
• Punsalan, T. G., et. Al (2018). Pagpapakatao 8: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao. (pp.
220 – 235). Sampaloc, Manila, Philippines: Rex Book Store Inc.

Inihanda ni:
Bb. Aira M. Rodil
Pres. Corazon “Cory” C. Aquino National High School
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W3-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

IKA – APAT NA MARKAHAN/ IKATLONG LINGGO/ IKALAWANG ARAW

A. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa araling ito, inaasahan na malinang mo ang:

13.2 Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad. (EsP8IPIVa-13.2)

Natukoy na natin noong nakaraang aralin ang kahulugan ng seksuwalidad at ang

kahalagahan nito sa pagpapahayag ng pagmamahal. Ngayon naman ay pag – uusapan
natin, bakit nga ba sinasabi na ito ay isang sensitibong paksa lalo na para sa mga
kabataang katulad mo. Handa ka na? Pag – usapan na natin.

C. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO

1) PANIMULA
Katulad ng napag – usapan natin noong nakaraang aralin, ang seksuwalidad
ay batayan ng tao kung paano siya magmamahal at tutugon sa pagmamahal ng iba.
Normal sa iyong edad ang pagkaakit at ang pagkaranas ng damdaming ito. Ngunit
paano mo malalaman kung ang nararamdaman mo ay tunay na pagmamahal o kaya
ay pisikal na pagkaakit lamang? Hindi man usapin ang gulang sa pagmamahal,
mahalaga pa din na naisasaalang – alang ang iyong kahandaan at kakayahang
managot sa isang romantikong ugnayan.
Image by Dandelion Tea from Pixabay

Ayon sa Banal na si Papa Juan Pablo II, “upang gawing higit na katangi –
tangi, buo at ganap ang pagmamahal kinakailangan nitong magkaroon ng integrasyon ng mga elemento
ng tunay na pagmamahal”. Kabilang sa mga ito ang sex drive o seksuwal na pagnanasa, kilos-loob o will,
mga pandama at emosyon, pakikipagkaibigan at kalinisang puri.

Ang udyok o pagnanasang sekswal ng tao ay isang katotohanang

kailangang kilalanin at tanggapin bilang bukal ng likas na enerhiya at ang enerhiyang
ito ay dapat gamitin upang paglingkuran ang tunay at tapat na pagmamahal. Ngunit
dapat natin maunawaan na ang seksuwal na pagnanasa ay maaaring supilin at hindi
dapat hayaan na mangibabaw sa pagkatao.
Image by Mylene2401 from Pixabay
Tandaan na ang pagmamahal ay pinapaunlad at ipinapahayag, ito ay
dapat pagmumulan ng positibong motibasyon kung saan hinahangad ang kabutihan ng kapwa. Kapag
nagmamahal kinakailangan na magkaroon ka ng pagnanais na mapabuti ang minamahal; mabuti at maganda
dapat ang iniisip mo para sa kaniya.
Ang tunay na pagmamahal ay hindi sapat na dahilan upang ipahayag sa sekswal na paraan ang iyong
damdamin. Sapagkat ang tunay na nagmamahal ay kaya kang igalang, pahalagahan ang iyong dignidad,
at kayang disiplinahin ang kaniyang sarili.

Samantala, ang paghanga o minsan ay itinuturing na puppy love ay maaari ding maging
pundasyon ng isang tunay at wagas na pagmamahalan. Ito ay bunga ng sensuwalidad na pinupukaw ng
mga pandama at damdamin na tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng emosyon. Nararapat lang na
gamitin ang kasiyahan na taglay nito bilang inspirasyon upang mapabuti ang mga gawain, pag -aaral, at
mapaunlad ang sarili.
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W3-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

May mga pagkakataon na inaakala din natin ang interes ay tunay na pagmamahal. Makakakilala ka ng
tao kung saan dadating sa punto na lagi mo siyang iniisip, kakaiba ang pakiramdam mo pagmagkasama kayo.
Ngunit, minsan ang ganitong pakiramdam ay nawawala na lang din bigla dahil may Nakita kang di mo gusto sa
taong ito o kaya naman ay dahil hindi na kayo lagi nagkakasama o nagkikita. May mga sitwasyon din naman na
hindi ka gusto ng taong akala mo ay mahal mo. Kailangan mo tandaan na ang tunay na pagmamahal ay
malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.
Mabigo man sa una o pangalawang pagkakataon, huwag madismaya o malungkot sapagkat ito ay parte
ng proseso ng paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal. Kaya nga habang wala pa ang taong
itinadhanang maging kabiyak mo, ihanda at paunlarin ang sariling pagkatao upang kapag dumating na ang
panahon ay handa ka nang magbigay at makatanggap ng tunay at wagas na pagmamahal.

2)PAGLALAPAT
Narito ang ilan sa mga isyu na kinakaharap sa kasalukuyan na may kinalaman sa seksuwalidad ng tao. Ibahagi
ang iyong opinion tungkol dito.
Pre-marital Sex
Mga isyu at pananaw tungkol dito Ang iyong sariling opinyon
Halimbawa:
• Ang pakikipagtalik ay normal at likas sa tao
• Ang pakikipagtalik ay tama kung pareho ninyo
itong sinang-ayunan.
• Karapatan ng tao maging masaya kaya
walang dapat humadlang sa pakikipagtalik
• Ito ay ekspresyon o pagpapahayg ng
pagmamahal
• Wala dapat ikabahala dito lalo na kung
gumagamit ng mga contraceptives.
Pornograpiya
Mga isyu at pananaw tungkol dito Ang iyong sariling opinyon

Pang-aabusong Seksuwal
Mga isyu at pananaw tungkol dito Ang iyong sariling opinyon

Teenage Pregnancy
Mga isyu at pananaw tungkol dito Ang iyong sariling opinyon
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W3-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

3) PAGGANAP
Ano kaya ang mga maaari mong gawin upang hindi madala o hindi hayaan na mangibabaw ang mga udyok o
seksuwal na pagnanasa sa iyong pagkatao? Isalat ang mga dapat at hindi mo dapat gawin upang
mapamahalaan ng maayos ang paggamit ng iyong seksuwalidad.
Mga Dapat Gawin Mga Dapat Iwasan

C. PAGTATAYA
Mag-isip ng isang isyu tungkol sa seksuwalidad na nais mong bigyan ng pansin at gumawa ng sanaysay tungkol
dito. Ipaliwanag ng buong husay ang isyu na iyong napili at kung bakit kailangan nito mabigyan ng tamang
paglilinaw. Isulat din ang maaaring maging epekto nito sa pagkatao ng isang tao kung sakaling hindi ito
mapamahalaan ng ayos o kaya’y mabigyan agad ng solusyon.
________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________.
D. MGA SANGGUNIAN

• Bognot, R.M. C., et. Al (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral. (1st ed., pp.
355-366. Pasig, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.
• Punsalan, T. G., et. Al (2018). Pagpapakatao 8: Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao. (pp.
220 – 235). Sampaloc, Manila, Philippines: Rex Book Store Inc.

Inihanda ni:
Bb. Aira M. Rodil
Pres. Corazon “Cory” C. Aquino National High School

You might also like