You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 8
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 1 Activity No. : 1


Competency: : Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig AP8HSK-Ie-5

Objective : Nakapagbibigay ng sariling kahulugan sa salitang wika.


Napaliliwanag ang kahalagahan ng wika sa pag-aaral ng heograpiyang
pantao.

Topic : Heograpiyang Pantao (Wika)


Materials :
Reference : Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 31-32
Copyrights : For Classroom Use Only

Concept Notes:
Ang saklaw sa pag-aral ng heograpiyang pantao ay siyang ipinapakita sa dayagram sa ibaba.

lahi Wika
Heograpiyang
Pantao
Pangkat etniko relihiyon

Wika
 Kaluluwa ng isang kultura
 Nagbibigay ng pagkakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat
 7, 105 buhay na wika at nakapaloob ito sa language family o mga wikang
magkakaugnay-ugnay at may iisang pinag-ugatan
 136 language family sa buong daigdig
 Mga Pangunahing Pamilya ng wika sa Daigdig:
Afro-Asiatic Indo-Eropean
Austronesian, Niger-Congo
Sino-Tibetan
 Ang wika ng Pilipinas ay bahagi ng pamilya ng wika ng Austronesian

Activity 1

1. Para sa inyo, ano ang wika?


2. Bakit mahalaga ang wika sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 8
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 2 Activity No. : 2


Competency: : Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan
sa daigdig AP8HSK-Ie-5

Objective : Nailalahad ang kahalagahan ng relihiyon sa pag-aaral sa heorapiyang


pantao at sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Topic : Heograpiyang Pantao (Relihiyon)


Materials :
Reference : Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 33
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:
Relihiyon
 Kalipunan ng mga paniniwal at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos
 Religare – ibig sabihin buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito at ito rin
ang salitang pinagmulan ng relihiyon
 Naging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay
 Sa kasalukuyan may organisado at sistematikong mga doktrina
 Malaki ang bahaging ginampanan sa buhay ng tao
 Salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian at pagkasawi ng maraming buhay ng tao
 Dahilan ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura

Activity 1

1. Bakit mahalaga ang relihiyon sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?


2. Gaano kahalaga ang iyong pananampalataya sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay lalo sa
panahon ng pandemic?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 8
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 3 Activity No. : 3


Competency: : Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig AP8HSK-Ie-5

Objective : Nakikilala ang ibat ibang lahi sa daigdig.


Napahahalagahan ang lahi ng bawat mamamayan sa daigidig.

Topic : Heograpiyang Pantao (Lahi)


Materials :
Reference : Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 33-37
Copyrights : For Classroom Use Only
Concept Notes:
Lahi
 Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal
na katangian ng pangkat
 Dalawang salik na nagsisilbing dahilan ng pagkakaiba-iba ng lahi: genetic drift at klima
 Tatlo ang mga pangunahing lahi ng tao na ibinatay nila ang kanilang pag-uuri sa kulay ng balat
 Caucasoid- maputi
 Mongoloid -dilaw. sangay ng Mongoloid ang kayumangging kulay ng balat ng mga Malayo
 Negroid – maitim
Mga lahing pangheograpiya
1. African -maiitim, pinong kulot ang buhok at makakapal ang mga labi
2. American Indian o Amerindian - maputla o matingkad na kayumanggi ang kulay ng balat. unat at
maitim ang buhok. May kaugnayan sa mga Asyano
1. Asyano - katamtaman ang taas, manilaw-nilaw o maputlang kayumanggi ang balat, unat ang
buhok at payatin
2. Australian o Australoid -mapuputi o maiitim, mabalahibo at malalaki ang mga ngipin
3. European o Caucasoid --- Europe, America, Gitnang Silangan at bahaging hilaga ng Disyerto ng
Sahara; pinakamaputi sa lahat ng mga lahi. Matataas at unat ang buhok
4. Indian (Timog Asya) - mapuputi ang mga nasa hilaga at maitim ang mga nasa timog. Matataas
kaysa sa mga karaniwang Asyano
5. Melanesian o Melanesian Papuan - New Guinea, Solomon Islands, at New Britain
- kasing-itim ng mga African. Pinong kulot ang kanilang buhok
6. Micronesian - Marianas, Carolines, Marshalls at Gilberts
- maliliit at maitim. Pinong kulot ang kanilang buhok
7. Polynesian - (Pacific Islands) - matataas, matataba at mapuputi

Activity 1
1. Ano-ano ang tatlong pangunahing lahi sa daigdig?
2. May kamag-anak ka na na bumisita sa inyong lugar na ang Tatay ay isang black American at itoy
tinutukso ng iyong mga kapitbahay. Bilang pagpapahalaga sa kanyang lahi, paano mo siya
ipagtatanggol at bakit?

You might also like