You are on page 1of 11

7

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 8
Ang Komposisyon Ng Populasyon At
Kahalagahan Ng Yamang-Tao
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Alamin

Ikaw ay nakapaglakbay na sa kalakhang Asya. Natuklasan mo ang


katangiang pisikal at mga yamang likas nito sa bawat rehiyon. Ang susunod na
iyong susuriin ay ang mga taong naninirahan dito. Ano ba ang katangian, wika at
kultura ng mga asyano. Bilang Pilipino, may pagkakatulad ba ang katangian,
kultura at wika sa ibang mga asyano? Halina’t tuklasin ang mga iba’t-ibang
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng pangkat etnolingguwistiko
 Natutukoy ang iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa Asya
 Napaghahambing ang mga iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa Asya.

Subukin
A. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
____ 1. Wikang non-tonal language A. Cham at Khmer
____ 2. Mga taong naninirahan sa Asya B. Austro-Asiatic
____ 3. Pangunahing gamit sa C. Lowlander
pakikipagtalastasan. D. Uplander
____ 4. Nabibilang ang mga Pilipino at E. Hilagang-Asya
Indonesisan F. Etnisidad
____ 5. Rehiyon sa Asya namamalagi ang G. Wika
mga Eskimo H. Tonal
____ 6. Pangkat ng mga tao na may I. Etnolingguwistiko
magkaparehong wika, kultura at etnisidad. J. Asyano
____ 7. Naninirahan sa mataas na lugar o K. Pilipinas
kabundukan
____ 8. Kategorya ng wika na kung saan ang
kahulugan ng salita ay nagbabago batay sat
ono ng pagkabigkas.
____ 9. Mistulang kamg-anakan
____ 10. Naninirahan sa kapatagan o babay
dagat.

1
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

B. Sagutin ang tanong ng may tatlo hanggang limang pangungusap.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga


asyano?

Balikan

Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang


ekolohikal ng Asya. Ang tao sa asya o mga asyano ay may malaking
ginagampanan sa pananatili ng balance. Ang interaksyon at pag-angkop ng tao
sa kaniyang kapaligiran ay nakakatulong upangg makabuo at mapaunlad ang
isang uri ng pamumuhay na naaayon sa kanyang kultura at kabihasnan.

GAWAIN 1: Magbigay ng tatlong (3) kapakinabangan ng tao mula sa


kapaligiran. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________

Tuklasin

GAWAIN 2: Unawain ang pag-uusap ng dalawa sa ibaba. Sagutin ang mga


pamprosesong tanong sa sagutang papel.
Napag-isipan mo na ba kung saan lalawigan o rehiyon sa Pilipinas
nagmula ang iyong pamilya? Ano ang dialektong iyong ginagamit? Ikaw ba ay
Tagalog, Ilokano, Bicolano? Tunghayan mo ang pag - uusap ng dalawang bata.
At sagutan ang mga tanong.

Talaga? Mahilig
kayo sa mga
Alam mo ba pagkaing may
ang pamilya ko gata? Ang mga
ay nagmula sa ninuno ko
Albay? naman ay
Bicolano ang nagmula sa
mga ninuno ko. Ilocos. Mahilig
kami sa gulay at
bagoong.

2
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa


sagutang papel.

1. Ano ang paksang pinag-uusapan ng dalawang bata?


2. Ano ang mga pangkat etnolinggwistikong sa Pilipinas na nabanggit sa
usapan?
3. Bukod sa nabanggit ano pa ang mga pangkat etnolinggwistiko sa
bansa?

Suriin

Gawain 3: Suriin ang dayagram. Ipaliwanag ang gusto nitong


ipahiwatig. Isulat ang sagot sa sagutang papel

PANGKAT
Wika Kultura Etnisidad ETNOLINGGUWISTIKO

Pagtuunan ng pansin ang babasahin sa ibaba at sagutin ang mga gawain.

PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA ASYA


Asyano ang mga taong naninirahan sa Asya. Nakikilala din sila batay sa bansang
pinagmulan gaya ng Pilipino nagmula sa Pilipinas, Japanese mula Japan, Vietnamese
mula sa Vietnam. Maari ding kilalanin ang mga Asyano batay sa pangkat
etnolinggwistikong kinabibilangan. Ang pangkat etnolinggwistiko ay tumutukoy sa
pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika ,kultura at
etnisidad.
Ang wika ang isa sa batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Ito ay may
dalawang kategorya ang Tonal – kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap
ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito. Gaya ng wikang Chinese, Burmese,
Vietnamese. Ang ikalawang kategorya ay ang stress o non tonal language – ang
pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan
ng salita at pangungusap nito. Ang wikang Cham at Khmer sa Cambodia ay ilan sa
mga halimbawa nito.
Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang
kapwa. Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin,
napapaunlad niya ang kanyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng
pakikipagtalastasan.
Sinasabing pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura ng mga
etnolinggwistiko. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Kung nais
mong suriin ang kultura at kasaysayan ng isang lahi ,kinakailangan pag-aralan mo ang
wika nito.

3
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Samantala , isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga tao ay ang


etnisidad. Ang etnisidad ay mistulang kamag-anakan . Kapag ang isang tao ay
kinilala ng isang pangkat etnolinggwistiko bilang kasapi dahil sa pagkakapareho
ng kanilang pinagmulan itinuturing nila ang isa’t isa bilang malayong kamag-
anakan.

*Hango sa Kabihasnang Asyano, Vibal Publishing House Inc. pahina 61 -63

Pagpapalalim

GAWAIN 4: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa pagsuri mo ng


babasahin sa itaas.
1. Ano ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng etnolinggwistiko?
2. Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat
etnolinggwistiko?
3. Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya? Paghambingin at magbigay
ng halimbawa.
4. Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat
etnolinggwistiko?
5. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan
ng mga Asyano?

KARAGDAGANG KALAMAN

Maaari ding kilalanin ang mga pangkat etniko batay sa kanilang


panirahan. Tinuring na uplander ang mga naninirahan sa mataas na lugar o
kabundukan gaya ng Mangyan at Dumagat sa Pilipinas, Karen at Hmong sa
Thailand at lowlander naman ang naninirahan sa kapatagan at baybay
dagat gaya ng ethnic Lao ng Lao PDR, Kinh o Viet sa Vietnman. Sa Pilipinas
ano mang pangkat etniko ang naninirahan sa kapatagan na alam mo
?Kabilang ka ba sa kanila? Karaniwan ang mga pangkat etniko na asa
kapatagan ang mas marami ang bilang, sila din ang may maunlad na
pamumuhay. Ang sentro ng pamahalaan, edukasyon ,komersyo at iba ay
matatagpuan dito. Samantalang ang mga naninirahan sa kabundukan
pakaunti ang bilang, sinisikap na mapanatili ang kanilang kultura sa kabila
ng kakapusan sa mga pangunahing pangangailangan at hamon ng
makabagong panahon.

Anumang batayan ang gamitin sa pagkilala sa mga Asyano ang


mahalagang tandaan sa kabila ng pagkakaiba – iba ng wika, etnisidad at
kultura ang dapat manaiig sa bawat Asyano ay PAGKAKAISA.

4
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Pagyamanin GABAY NA GAWAIN

GAWAIN 5 A: Batay sa iyong binasa, ano ang iyong sariling pakahulugan sa


salitang Etnolingguwistiko?

GAWAIN 5 B: Sagutain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang pinagkaiba ng Tonal sa Non-tonal languages? Magbigay ng
mga halimbawa.
2. Paano nakakatulong ang iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa
pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?
3. Sa kabila ng pagkakaibba-iba ng wika, etnisidad at kultura ng mga
asyano, bakit mahalaga ang pagkakaisa?

KARAGDAGANG IMPORMASYON

MALAYANG GAWAIN

GAWAIN 6: Pumili ng isang PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO sa bawat rehiyon.


Magsaliksik tungkol sa mga napiling pangkat. Kopyahin at kompletuhin ang
talahayanan sa ibaba.

PANGKAT REHIYON SA KATANAGIAN WIKA KULTURA


ETNOLINGGUWISTIKO ASYA

5
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

MALAYANG GAWAIN

GAWAIN 7: Suriin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang nilalaman ng “framework agreement” ng gobyerno at Moro


Islamic Liberation Front (MILF)?
2. Paano ito nakatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao?
3. Sa kasunduang ito napangalagaan ba ang pagkakakilanlan o identity ng
mga Muslim bilang isang pangkat etnolinggwistiko? Patunayan.
4. Bakit mahalagang panatilihin ang kapayapaan sa Mindanao?
Makakaapekto ba ito sa mga pangkat etnolinggwistiko na naninirahan sa
mga nabanggit na lugar? Patunayan.

6
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

MALAYANG TAYAHIN

GAWAIN 8: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. Kopyahin sa sagutang


papel ang talahayanan.

MAHAHALAGANG SALITA KAHULUGAN

1. Wika

2. Kultura

3. Etnisidad

4. Tonal

5. Lowlander

GAWAIN 9: Ipaliwanag ang mga sumusunod na may tatlo hanggang limang


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

2. Sa kabila ng pagkakaiba
1. Sinasalamin ng – iba ng wika, etnisidad
Wika ang Kultura at kultura ang dapat
ng isang bansa. manaiig sa bawat
Asyano ay PAGKAKAISA.

Isaisip

GAWAIN 10: Think-Pair-Share. Sagutan ang talahayanan sa ibaba. Kopyahin sa


sagutang papel.

ANO ANG AKING ANO ANG ANO ANG INIISIP ANO ANG
KATANUNGAN? NAIBAHAGI KO? NA KAPAREHA NAPAGKASUNDUANG
KO? IDEYA?

7
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Isagawa

GAWAIN 11: Sa talahanayan, isulat mo sa unang hanay ang mga gawain na


iyong isinagawa at sinagutan. Ang iyong mga natutunan naman ang iyong
ilalagay sa ikalawang hanay .Sa pinakahuling hanay isulat mo kung paano mo
magagamit sa pang- araw – araw na buhay ang mga ito.

MGA GAWAIN MGA NATUTUHAN PAANO ITO MAGAGAMIT

Pagtataya

Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad
na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko B. Etnolingguwistiko C. Katutubo D. Nomad
2. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may
magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
A. Etnisidad C. Pangkat Etnolinggwistiko
B. Pangkat Etniko D. Wika
3. Ito ang ginagamit na batayan sa pagpapangkat ng tao sa Asya na may
dalawang kategorya, ang tonal at non-tonal.
A. Etnisidad B. Kultura C. Tradisyon D. Wika
4. Alin sa mga sumusunod na pangkat etnolinggwistiko ang hindi kabilang sa
Silangang Asya?
A. Arab B. Hapones C. Korean D. Sino-Tibetan
5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na
“Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi ”?
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

8
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Piliin ang titik sa hanay B na tinutukoy ng mga bilang sa


hany A.

HANAY A HANAY B
____ 1. Mga taong naninirahan sa Asya A. Cham at Khmer
____ 2. Pangkat ng mga tao na may magkaparehong B. Austro-Asiatic
wika, kultura at etnisidad. C. Lowlander
D. Uplander
____ 3. Kategorya ng wika na kung saan ang kahulugan E. Hilagang-Asya
ng salita ay nagbabago batay sat ono ng pagkabigkas. F. Etnisidad
G. Wika
____ 4. Pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan. H. Tonal
____ 5. Mistulang kamg-anakan I. Etnolingguwistiko
J. Asyano
____ 6. Rehiyon sa Asya namamalagi ang mga Eskimo K. Pilipinas

____ 7. Naninirahan sa mataas na lugar o kabundukan


____ 8. Naninirahan sa kapatagan o babay dagat.
____ 9. Nabibilang ang mga Pilipino at Indonesisan
____ 10. Wikang non-tonal language

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON


1. MGA PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO SA ASYA
Ang mga Asyano ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko.
Tumutukoy ang pangkat etnolingguwistiko sa mga pangkat na nabuo batay
sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura.
Nakabatay sa etnisidad at wika ang pagbuo ng mga pangkat
etnolingguwistiko…
ITULOY ANG PAGBABASA SA…
https://aralingpanlipunanphilippines.blogspot.com/2016/05/mga-pangkat-etnolingguwistiko-
sa-asya.html
2. PANOORIN SA YOUTUBE https://www.youtube.com/watch?v=3G_bKSNGjIg
3. Pangkat Etnikong Pilipino: Kapampangan mula sa
https://itsmorefuninpampanga.wordpress.com/kapampangan/
4. SANGGUNIAN
ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral
http://www.slideshare.net/jaredram55
Google Pictures

9
PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO

Susi sa Pagwawasto

BALIKAN Gawain 1
SUBUKIN NATIN MAARI KA BANG MAGBIGAY NG
A. MATCHING TYPE TATLONG (3) KAPAKINABANGAN NG
1. A 6. I TAO MULA SA KAPALIGIRAN?
2. J 7. D
3. G 8. H - Inaasahang iba-iba ang sagot.
4. B 9. F
5. E 10. C
TUKLASIN Gawain 2
B. Inaasahang iba-iba ang sagot. 1. Pinagmulan/ Pangkat/ Etniko
2. Bicolano at Ilocano
3. Inaasahang iba-iba ang sagot.
SURIIN Gawain 3
- Inaasahang iba-iba ang sagot.
PAGPAPALALIM Gawain 4
1. Wika at Etnisidad
2. Pagkakapareho ng wika,
etnisidad at kultura
3. Tonal at Stress o Non Tonal
GAWAIN 5 A: Inaasahang iba-iba
Languages
ang sagot
4. Dahil sinasalamin nito ang
GAWAIN 5 B: Inaasahang iba-iba
kultura ng isang bansa.
ang sagot
5. Inaasahang iba-iba ang
sagot.

GAWAIN 6: Pumili ng isang PANGKAT ETNOLINGGUWISTIKO sa bawat rehiyon.


Magsaliksik tungkol sa mga napiling pangkat. Kopyahin at kompletuhin ang
talahayanan sa ibaba.
- Inaasahang iba-iba ang sagot

GAWAIN 8-11: Inaasahang iba-iba ang sagot

TAYAHIN
A. MULTIPLE CHOICE B. MATCHING TYPE
1. B 1. J 6. E
2. C 2. I 7. D
3. D 3. H 8. C
4. D 4. G 9. B
5. D 5. F 10. A

10

You might also like