You are on page 1of 12

7

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 5
ANG MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Alamin

Naranasan mon a bang manghuli ng tutubi sa daan o kaya sa malawak


na damuhan? Napagmasdan mo ba ang isang paruparo habang ito ay
lumilipad o papalit-palit sa mga bulaklak? Naririnig mo pa ba ang mga huni ng
ibon sa labas ng bintana mo? O baka naman puro mobile legends o game app
nalang sa cellphone ang inaatupag mo maghapon at hindi mo man lang
mabigyan ng halaga ang mga nasa paligid mo? Tama ba?
Ngayon sa araling ito ating bibigyan pansin ang mga katangi-tangi anyo
ng lahat ng may buhay na bumubuo sa natural na kalikasan ito ang biodiversity
ng Asya.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya

LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng biodiversity.
 Natutukoy ang mga dahilan ng pagkawala ng biodiversity sa Asya.
 Nakapagmumungkahi ng mga paraan o hakbanging upang mapigilan ang
pagkawala ng biodiversity sa Asya.

Subukin

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
___1. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw A. BIODIVERSITY
ng dagat. B. DEFORESTATION
___2. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala C. DESERTIFICATION
D. ECOLOGICAL BALANCE
ng umaagos na tubig sa isang lugar.
E. GLOBAL CLIMATE
___3. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. CHANGE
___4. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang F. HABITAT
tuyo o lubhang tuyo. G. HINTERLANDS
___5. Pagiging maalat ng tubig. H. OZONE LAYER
I. RED TIDE
___6. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na
J. SALINIZATION
may buhay at ang kanilang kapaligiran. K. SILTATION
___7. Pagkaubos at pagkawala ng mga punungkahoy sa
mga gubat.
___8. Malayo sa mga urbanisadong lugar.
___9. Ito ay ang pagbabago o pagtaas ng katamtamang
temperature.
___10. Nangangalaga sa mga bagay na may buhay mula
sa masamang epekto ng radiation.

1
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Balikan

Katangi-tangi ang mga likas na yaman sa mga rehiyon ng Asya. May rehiyon
na maraming yamang mineral habang ang iba ay may matabang lupa na
angkop sa pagtatanim. Mayroon naman natatabunan ng makakapal na
kagubatan. At ang iba a mayaman sa pagkain dagat. Lahat ng mga likas na
yaman ay nakakapagbigay pakinabang sa mga tao na nagiging daan upang
magkaroon ng ugnayan ang tao sa kanyang kapaligiran.

GAWAIN 1: Bumuo ng informative retrieval chart tungkol sa mga pangunahing likas na


yaman sa Asya. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

REHIYON BANSA PANGUNAHING LIKAS NA


YAMAN
HILAGANG ASYA
TIMOG ASYA
KANLURANG ASYA
SILANGANG ASYA
TIMOG-SILANGANG
ASYA

Tuklasin
MAGKAUGNAY
– JOEY AYALA
Lupa, laot, langit ay magkaugnay
Hayop, halaman, tao ay magkaugnay
GAWAIN 2: Basahin o
CHORUS
awitin ang “ Makaugnay” Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
ni Joey Ayala. Pagkatapos Magkaugnay ang lahat

suriin ang nilalaman nito sa Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay


Sa gitna ng kalawakan
pamamagitan ng Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay
pagsagot sa mga Sa halaman, sa hayop at sa atin

sumusunod na tanong. CHORUS


Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat
1. Aling bahagi ng awit
ang pumukaw nang iisang pinagmulan
iisang hantungan ng ating lahi
lubos sa iyong Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito
pansin?Bakit? Sa lupa, sa laot at sa langit

CHORUS
2. Ano ang mensaheng Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat
nais ipabatid ng
awit? Lupa, laot, langit ay magkaugnay
Hayop, halaman, tao ay magkaugnay

CHORUS
Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat

2
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Suriin
Gawain 3: Suriin at tukuyin ang mga sumusunod na larawan. Pagkatapos ay pag-
ugnayin ang mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

3.

2.

Pagtuunan ng pansin ang babasahin sa ibaba at sagutin ang mga gawain.

ANO ANG BIODIVERSITY???


Ano ang biodiversity? Ang bio(buhay) diversity(pagkakaiba-iba) – ay tumutukoy
sa pagkakaiba-iba at katangi-tangi ng bawat organismong matatagpuan sa ating
daigdig. Kinakatawan nito ang lahat ng may buhay gaya ng hayop, halaman, fungi at
mga microorganism. Saklaw din ng biodiversity ang tinatawag na ecosystem gaya ng
kagubatan, kabundukan, ilog, karagatan at maging ang mga kapaligirang gawa ng
tao tulad ng mga bukirin o sakahan. Ang ecosystem ay binubuo ng kombinasyon at
ugnayan ng mga buhay na organism at mga di-buhay na bagay sa paligid tulad ng
lupa, tubig, sikat ng araw, klima at iba pa. Susing usapin ang kombinasyon at ugnyan
nito sa pananatili ng biodiversity. Ibig sabihin ang pagkawala o pagkasira ng isang
bahagi ay maaaring magdulot ng pagkawala o pagkasira ng isa o higit pang bahagi.
Ito din ay tinatawag na web of life o sapot ng buhay kung saan nakasalalay ang
timbangan ng kalikasan. Mahalaga ang pangangalaga sa biodiversity. Ito ang
nagtitiyak na meron tayong mapagkukunan ng pagkain, panggatong, tela, hilaw na
materyales para sa gamot, masisilungan at marami pang batayang pangangailangan.
Ang biodiversity ang nagtatanggol sa atin laban sa baha, tagtuyot at pagguho ng
lupa. At nagtityak na meron tayong sariwang hangin na malalanghap. Sa biodiversity
nakasalalay ang seguridad at kabuhayan natin bilang tao.
*https://www.youtube.com/watch?v=Z5clNWbRp6I&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=2

3
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Pagpapalalim

GAWAIN 4: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa pagsuri mo sa iyong


binasa tungkol sa biodiversity.
1. Ano-ano ang kumakatawan sa biodiversity?
2. Ano ang bumubuo sa ecosystem?
3. Bakit mahalaga ang pangangalaga sa biodiversity?

KARAGDAGANG KALAMAN
Ang Biodiversity ng Asya at ang Pagkawala Nito
Habang ang mga bansa sa Asya ay patuloy na papunta sa
kaunlaran, kasabay din nito ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at
pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya at
ang patuloy na paglaki ng populasyon. Ang mga bansang Asyano ay
humaharap sa masalimuot na interaksyon ng mga isyung panlipunan,
politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan ay ang
pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng
bawat bansa ay mahalaga upang makapagbalangkas at
makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.
Ang Asya bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo at
itinuturing ng pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit salungat nito,
ang Asya mismo ang pinakamabilis na nakapagtala ng pagkawala ng
biodiversity.
Mga Dahilan ng Pagkawala ng Biodiversity sa Asya
1. POLUSYON – ang pagiging kontaminado ng kapaligiran. Halimbawa
ay ang radioactive waste ang pagkalat nito ay maaaring magdulot
ng malaking pinsala sa biodiversity ng isang lugar.
2. INDUSTRIAL WASTE – ang pagkalat ng dumi sa kapaligiran na mula sa
iba’t ibang pabrika at mga pagmimina ay nakakapagdulot din ng
pagkasira sa natural na kapaligiran.
3. OIL SPILLS – pagtaas ng mga deposito ng langis sa karagatan na
maaaring sanhi ng aksidente sa tankers o paglubog ng malalaking
barko na may dala ng mga langis na inaangkat sa ibang bansa. Dahil
higit na magaan ang langis kumpara sa tubig, karamihan sa mga ito
ay palutang-lutang lang sa dagat na itinutulak naman ng hangin
papuntang baybayin. At ang pangyayaring ito ay maaaring
magdulot ng pagkamatay ng mga isda sa dagat.
4. BASURA – pagtapon ng basura kung saan-saan.

4
5. LAND CONVERSION – pagpapatag ng mga mabundok o maburol
na lugar upang mabigyan-daan sa mga proyektong
pangkabahayan.
6.PAGKASIRA NG KAGUBATAN O DEFORESTATION – pagkawala o
pagkaubos ng mga punongkahoy sa kagubatan.
7.GLOBAL CLIMATE CHANGE – pagbabago ng pandaigdigang klima
na maaaring dulot ng likas na pagbabago o ng mga gawain ng
tao.

TALASALITAAN:
a. Desertification – pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang
tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa
permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito
tulad ng ilang bahagi ng China, Jordan, Iraq, Syria, Lebanon, Yeman,
India at Pakistan.
b. Salinization – lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay
inaanod ng tubig papunta sa lupa. Nagaganap ito kapag mali ang
proseso ng irigasyon, sa paligid ng mga estuary at gayundin sa mga
lugar na mababa ang balon ng tubig. Unti-unting nanunuot ang
tubig-alat kapag bumababa ang water level gaya ng nararanasan
sa bansang Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa
kanilang mga ilog.
c. Habitat – tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang
unang apektado ng land conversion.
d. Hinterlands – malalayo sa mga urbanisadong lugar na pinagkukunan
ng mga hilaw na materyales ng mga lungsod na humahantong sa
pagkasaid ng likas na yaman nito.
e. Ecological Balance – balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay
na may buhay at ng kanilang kapaligiran.
f. Deforestation – walang habas na pagputol ng mga puno na
humahantong sa pagkaubos at pagkawala ng mga kagubatan. Isa
sa mga problemang nararanasan ng Asya sa kasalukuyan.
g. Siltation – parami at padagdag na deposito ng banlik na umaagos sa
tubig sa isang lugar.
h. Red Tide – sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng
dagat.
i. Ozone Layer – isang suson sa stratosphere na naglalaman ng
maraming konsentrasyon ng ozone. Ito ang nagpoprotekta sa mga
tao, halaman at hayop mula sa epekto ng radiation na dulot ng
ultraviolet rays.

*ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaiba


Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral pahina 46-47
*https://www.youtube.com/watch?v=O26pErP3ldk&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=6

5
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

GABAY NA TAYAHIN 1

GAWAIN 5: Ilarawan ang Biodiversity ng Asya. Ibigay ang mga impormasyon na


hinihingi sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang aking sariling kahulugan ng Mga halimbawa ng Biodiversity sa


Biodiversity…. Asya….

Ang Biodiversity
Ang kahalagahan ng Mga Dahilan ng pagkawala
Biodiversity sa mga Asyano sa Asya ng Biodiversity sa Asya

GABAY NA TAYAHIN 1

GAWAIN 6 : Ibigay ang sariling kahulugan ng mga sumusunod na salita. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

MAHAHALAGANG SALITA KAHULUGAN


DESERTIFICATION
SALINIZATION
HABITAT
HINTERLANDS
ECOLOGICAL BALANCE
DEFORESTATION
SILTATION
RED TIDE
GLOBAL CLIMATE CHANGE
OZONE LAYER

GABAY NA GAWAIN 2

GAWAIN 7: Iguhit ang Asya bilang isang ”GLOBAL BIODIVERSITY”

6
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

GABAY NA TAYAHIN 2

GAWAIN 8 : Batay sa iyong binasa tungkol sa Biodiversity ng Asya at ang


Pagkawala nito. Bigyan ng solusyon ang mga dahilan/sanhi ng pagkawala ng
Biodiversity sa Asya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

DAHILAN/SANHI NG PAGKAWALA NG SOLUSYON


BIODIVERSITY SA ASYA
POLUSYON
INDUSTRIAL WASTE
OIL SPILLS
BASURA
LAND CONVERSION
PAGKASIRA NG KAGUBATAN
GLOBAL CLIMATE CHANGE

KARAGDAGANG IMPORMASYON
ANG PILIPINAS BILANG ISA SA PINAKAMAYAMANG BIODIVERSITY SA ASYA
Matatagpuan sa Pilipinas ang 2/3 ng biodiversity o humigit kumulang na 70%-80%
ng lahat ng uri ng hayop at halaman sa buong daigdig. Kumpara sa ibang lugar na
nakakaranas ng matinding init o lamig, ang klimang tropikal ng bansa ay mainam para
sa pagyabong ng iba’t ibang organismo. Humigit kumulang na dalawampung libong
uri ng hayop at halaman na sa Pilipinas lang matatagpuan. Mga endemic o
katutubong species sa Pilipinas:
• Mahigit 100 species ng mammal
• Mahigit 180 species ng ibon
• Mahigit 111 species ng amphibians
• Mahigit 270 species ng reptiles
• 70% ng nakatalang insekto sa buong mundo
Kaya kabilang ang Pilipinas sa 17 Mega-Biodiversity Country. Ang karagatang
pumapalibot sa Pilipinas ay may pinakasaganang yaman dagat sa buong mundo dahil
bahagi ito ng tinatawag na CORAL TRIANGLE, ito ang sentro ng marine biodiversity sa
daigdig. Kabilang sa yamang dagat ng Pilipinas ang mga coral reefs, sea grass bed,
sea weeds, bakawan, beach forest, pangisdaan at marine mammals.
Sentro din ang Pilipinas bilang Agricultural Biodiversity, matatagpuan dito ang
iba’t ibang uri ng bigas, niyog, munggo at gabi. Ito din ang pinagmulan ng iba’t ibang
uri ng saging sa rehiyong Timog-Silangang Asya.
Samantala, ang kagubatan o “forest ecosystem” ng bansa ay gumaganap ng
mahalagang papel sa konserbasyon ng lupa, tubig at iba pang pangunahing
ecological services. Ang kahalagahan ng “Forest Ecosystem” sa bansa ay ang mga
sumusunod:
• Pinagmumulan ng malinis na hangin, tubig at pagkain
• Proteksyon laban sa baha
• Buffer zone laban sa bagyo at soil erosion.
Direktang sinusuportahan nito ang mahigit 30% ng populasyon. Dito din nakasandig
ang pamumuhay at kultura ng 10-15 milyong mga katutubong mamamayan.
Subalit sa kabila ng lahat ng yamang ito, itinuturing din ang Pilipinas na global
biodiversity hot spot o lugar kung saan mataas ang probablilidad ng species extinction
o pagkawala ng buhay. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 1,000 hanggang 10,000 beses
ang bilis ng species extinction kumpara sa tinatawag na natural extinction rate sa

7
buong mundo. Sa Pilipinas nasa 640 species ang nanganganib na mawala ng tuluyan.
Mahigit kalahati ng matatandang kagubatanang naglaho na. Sa nagdaang siglo
aabot sa 300,000 hektarya ng bakawan sa buong bansa ang nasira habang tinatayang
5% nalang ng mga coral reefs sa bansa ang buhay.
Ang patuloy na pagsasamantala ng tao sa likas na yaman ang sanhi ng unti-
unting pagkawala ng biodiversity, pinapalala pa ito ng patuloy na pagdami ng
populasyon at climate change. Kapag hindi natin pinigilan ang pagkawala ng
biodiversity baka wala na pagkuhanan ng pangangailangan ang mga sumusunod na
henerasyon.
Tungkulin ng lahat na pangalagaan ang biodiversity at bilang mamamayan ay
may maiaambag tayo kung atin isasabuhay ang tinatawag na “sustainable lifestyle”
• Isagawa ang 3R’s (reduce, reuse, recycle)
• Ingatan at muling payabungin ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng
hindi paggamit ng mapanirang paraan ng pangingisda at pag-iwas sa
paggamit ng nakakalason na kemikal sa pagsasaka.
• Pagtatanim ng mga puno
• Paglilinis ng kapaligiran
• Pagpapalaganap ng mga katutubong halaman at hayop
Pagtulungan natin ang conservation ng biodiversity sa ating mga lugar. Sa ating mga
kamay nakasalalay ang kinabukasan ng ating daigdig. Sa pamamagitan nito hindi
lang natin naililigtas ang inang kalikasan kundi tinitiyak din natin na may masaganang
kinabukasan ang susunod na henerasyon.

MALAYANG GAWAIN 1

GAWAIN 9: Gamit ang handprint. Magtala ng limang mahahalagang


impormasyon na iyong natutunan batay sa iyong nabasa.

MALAYANG TAYAHIN 1

GAWAIN 10: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang kahalagahan ng pagiging klimang tropikal ng Pilipinas sa biodiversity
nito?
2. Bakit mahalaga ang “forest ecosystem” ng Pilipinas?
3. Bakit tinuturing na isa sa pinakamayang biodiversity sa Asya ang Pilipinas?

8
MALAYANG GAWAIN 2

GAWAIN 11: Itala ang mga katangiang taglay ng Pilipinas bilang isa sa
pinakamayamang biodiversity sa Asya.

Yamang Dagat: Yamang Lupa:

Yamang Kagubatan:

Isaisip

GAWAIN 12: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag.

Ang biodiversity ng Asya ay……..


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________

Ang pagkawala ng biodiversity ng Asya ay ang mga sumusunod na


dahilan….._________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_________________________

9
Isagawa

GAWAIN 13: Magtala ng iyong sariling paraan pangangalaga sa biodiversity ng


Pilipinas.

ANG AKING PARAAN NG PANGANGALAGA SA BIODIVERSITY NG PILIPINAS

Pagtataya

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
___1. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa A. BIODIVERSITY
ibabaw ng dagat. B. DEFORESTATION
C. DESERTIFICATION
___2. Parami at padagdag na deposito ng banlik na D. ECOLOGICAL BALANCE
dala ng umaagos na tubig sa isang lugar. E. GLOBAL CLIMATE
___3. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga CHANGE
bagay. F. HABITAT
___4. Pagkasira ng lupain sa mga rehiyong G. HINTERLANDS
H. OZONE LAYER
bahagyang tuyo o lubhang tuyo. I. RED TIDE
___5. Pagiging maalat ng tubig. J. SALINIZATION
___6. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga K. SILTATION
bagay na may buhay at ang kanilang
kapaligiran.
___7. Pagkaubos at pagkawala ng mga
punungkahoy sa mga gubat.
___8. Malayo sa mga urbanisadong lugar.
___9. Ito ay ang pagbabago o pagtaas ng
katamtamang temperature.
___10. Nangangalaga sa mga bagay na may
buhay mula sa masamang epekto ng
radiation.

10
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON


1. Electronic References:
https://www.slideshare.net/jannenerio/ang-biodiversity-ng-asya
http://markcastel03.blogspot.com/2014/07/normal-0-false-false-false-en-us-x-none.html
2. PANOORIN SA YOUTUBE
https://www.youtube.com/watch?v=Z5clNWbRp6I&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkX
M&index=2
https://www.youtube.com/watch?v=O26pErP3ldk&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM
&index=6
https://www.youtube.com/watch?v=2F2KzjTzi9Q&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM
&index=8
https://www.youtube.com/watch?v=XS7zgDSwkB8&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkX
M&index=7
3. SANGGUNIAN
ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral
Google Pictures

Susi sa Pagwawasto ENRICHMENT Gawain 5, 6, 7,8, 9


Inaasahang iba-iba ang sagot.

SUBUKIN NATIN BALIKAN Gawain 1


1. I 6. D at TUKLASIN ENRICHMENT Gawain 10
2. K 7. B Gawain 2 1. Mainam sa pagyabong ng
3. F 8. G - Inaasahang iba-iba iba’t ibang organism
4. C 9. E ang sagot. 2. *Pinagmumulan ng malinis
5. J 10. H na hangin, tubig at pagkain
*Proteksyon laban sa baha
ACTIVITY (SURIIN) Gawain 3 *Buffer zone ng bagyo at soil
TUKUYIN erosion
1. MGA ASYANO 3. Inaasahang iba-iba ang
2. BAGAY NA MAY BUHAY sagot
3. KONTINENTE NG ASYA
PAG-UUGNAy
Inaasahang iba-iba ang sagot ENRICHMENT
Gawain 11
Inaasahang iba-iba
ENRICHMENT Gawain 4 ang sagot
PAGTATAYA
1. LAHAT NG MAY BUHAY 1. I 6. D
2. KAGUBATAN, 2. K 7. B
KABUNDUKAN, ILOG, ISAISIP Gawain 12 3. F 8. G
KARAGATAN, MGA Inaasahang iba-iba 4. C 9. E
KAPALIGIRANG GAWA ang sagot 5. J 10. H
NG TAO ISAGAWA Gawain 13
3. Inaasahang iba-iba Inaasahang iba-iba
ang sagot ang sagot

11

You might also like