You are on page 1of 17

7

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 4
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

17
Mga likas na yaman ng asya

Alamin

Sa pagtuklas mo sa mahahalagang kaalaman tungkol sa katangiang


pisikal ng Asya. Atin nang unawain ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran
sa pamamagitan ng paglinang nito tungo sa pagtugon sa kaniyang
pangangailangan. Pero bago yan, alam mo ba ang mga pangunahing likas na
yaman ng mga bansa sa Asya? Ang likas na yaman ng Pilipinas, alam mo ba?
Sa araling ito, atin nang tuklasin ang iba’t ibang likas na yamang taglay ng
bawat bansa sa Asya. Halinat alamin ang halaga ng MGA LIKAS NA YAMAN NG
ASYA sa buhay ng mga Asyano.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nailalarawan ang mga likas na yaman ng Asya

LAYUNIN
 Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng Asya.
 Naibibigay ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa buhay ng mga
Asyano.
 Nasusuri ang mga implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga
Asyano.

Subukin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot at isulat ito sa patlang.
CAVIAR OASIS PAGSASAKA YAMANG GUBAT
KYRGYZSTAN PALAY SAUDI ARABIA YAMANG MINERAL
LIKAS NA YAMAN PAGHAHAYUPAN TELANG SUTLA GINTO

_________1. Tumutukoy sa mga kagubatan, mineral, lupang taniman at katubigan.


_________2. Likas na yaman na partikular sa langis at petrolyo sagana ang rehiyong
Kanlurang Asya.
_________3. Likas na yaman na kung saan sagana ang bansang Pilipinas, Brunei at
Myanmar dahil sa mga iba’t ibang klase ng hayop at puno na
matatagpuan sa mga bansang ito.
_________4. Mahalagang produkto ng rehiyong Timog Asya.
_________5. Ito ang pangunahing produktong panluwas ng rehiyong Hilagang Asya
pagdating sa yamang dagat.
_________6. Ito ang bansa sa rehiyong Hilagang Asya na may pinakamalaking
deposito ng ginto.
_________7. Ito ang bansa sa rehiyong Kanlurang Asya na may pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo sa buong mundo.
_________8. Lugar kung san maaaring magtanim ng trigo at barley ang mga bansa sa
rehiyong Kanlurang Asya.
_________9. Pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan sa mga lugar na
bulubundukin at disyerto sa Iran, Iraq, Syria at Saudi Arabia.
_________10. Pangunahing produkto ng Japan na nangunguna sa industriyalisasyon.

1
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Balikan

Malaki ang bahaging ginagampan ng mga katangiang pisikal ng Asya sa


pamumuhay ng mga Asyano dahil sa idinudulot nitong samu’t saring kapakinabangan.
Ang mga likas na yaman na matatagpuan sa Asya ay isa sa mga patunay ng
pagkakaroon ng interaksyon ng mga Asyano sa kanyang kapaligiran. Ang mga ito ang
nagbibigay kabuhayan sa bawat mamamayan na nagbubunsod sa kabihasnan upang
magpatuloy sa pag-unlad sa kasalukuyan.

Hilagang Asya
GAWAIN 1

Kanlurang Asya Silangang Asya


Magbigay ng
maikling
paglalarawan sa
pisikal na
katangian ng
bawat rehiyon sa
Asya.

Timog Asya Timog-Silangang Asya

Tuklasin

GAWAIN 2: Ang mga sumusunod na larawan ay mga produkto/likas na yaman na


matatagpuan sa Asya. Tukuyin kung anong uri ng likas na yaman ang mga
ito, isulat sa kahon kung YAMANG GUBAT, YAMANG DAGAT, YAMANG LUPA
O YAMANG MINERAL.

1. 2. 3.

4. 5.

2
Mga likas na yaman ng asya

Mahalaga na matukoy at mailarawan mo ang mga likas na yaman ng Asya


upang mas maunawaan mo ang uri ng kabuhayan ng mga taong nakatira rito at kung
paano sila makiangkop at maki-ayon sa kanilang kapaligiran.

Suriin

Gawain 3: Suriin ang dayagram. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Magtala
ng mga pakinabang ng bawat likas na yaman sa isang tao.
PAKINABANG
PAKINABANG:
:

PAKINABANG:
PAKINABANG:

Atin nang tuklasin ang iba’t ibang likas


na yaman na matatagpuan sa mga
rehiyon ng Asya!

May malawak na
damuhan na mainam
na pagpastulan ang
mga alagang hayop
ang HILAGANG ASYA.
Ang mga troso mula sa
Siberia ang tanging
. yamang gubat sa
rehiyong ito.

3
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Tinatayang pinakamalaki sa
mundo ang deposito ng ginto sa
Sa yamang pangisdaan, Kyrgyzstan, samantala ang Tajikistan
produktong panluwas ng rehiyon ay may tatlong uri ng yamang
ng Siberia ay ang caviar (itlog) ng mineral; ang METALIKO tulad ng
mga sturgeon, isang malaking isda GINTO, PANGGATONG tulad ng
na likas sa rehiyon. NATURAL GAS at INDUSTRIYAL na
mineral tulad ng PHOSPHATE.
Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas,
pangalawa ang Russia sa
produksiyon nito at langis.
Samantala isa sa nangunguna sa
produksyon ng ginto sa buong
mundo ang Uzbekistan.

Sa mga lambak-ilog at mabababang burol ng mga bundok may


produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at
barley gayundin ang bulak, gulay tabako, sugar beets, sibuyas,ubas at
mansanas. Sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka
at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.

Ang KANLURANG ASYA ay


sagana sa yamang mineral
partikular na sa langis at petrolyo.
Pinakamalaking tagapagluwas ng
petrolyo sa buong daigdig ang
Saudi Arabia, at malaki rin ang
produksiyon ng langis ng mga
bansang Iran, Iraq, United Arab
Emirates (UAE), Kuwait at Oman.
Karamihan sa mga bansa ng
rehiyong ito ay may natural gas,
tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate at iba pa.

DATES

Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng trigo at barley


sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais,
tabako at mga prutas. Nangunguna ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan
ang Israel. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga
lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.

4
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansa
sa TIMOG ASYA. Palay ang mahalagang
produkto rito bagama’t may mga
patanim din na trigo, jute, tubo at mga
gulay. Pinakamahalagang likas na
yaman sa India ay ang lupa lalo’t higit
ang kapatagan at lambak na
pinagyayaman ng mga ilog Indus,
Ganges, Brahmaputra. Malaki rin ang
reserba ng bakal at karbon sa bansang
ito. Tanyag sa Afghanistan ang
pagtatanim ng opyo bagama’t ito ay
pinagbabawal ng pamahalaan. Ang
kagubatan sa Nepal ay matatagpuan sa
gulod ng bulubunduking Himalayas. Sa
mga baybaying dagat ng Pakistan ay
matatagpuan ang mga gubat bakawan.
Makapal at mayabong ang gubat sa
timog-kanluran ng Sri Lanka na hitik sa
puno ng mahogany at iba pang uri ng
palm. Sa dakong gitna ng pulong ito lalo
na sa matataas na lugar ay makikita ang
mga punog evergreen samantalang
hilaga at silangang bahagi nito ay naroon
OPYO ang mga punong ebony at satinwood.
Malaki ang kapakinabangan ng Indian
Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos nito
ng iba’t ibang yamang dagat. Sa ibang
bahagi ng rehiyon tulad ng Afghanistan
at Bangladesh ay paghahayupan.
Batong apog, bakal, karbon natural gas,
langis, asin at gypsium ay ilan sa
pangunahing yamang mineral ng
rehiyon.

Salat sa yamang mineral ang


Japan bagama’t nangunguna ito
sa industriyalisasyon. Nagtatanim
ito ng punong mulberry upang
maging pagkain ng mga silkworm
kanya nangunguna ito sa
industriya ng telang sutla.

SILKWORM MULBERRY TREE

5
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo


nito. Ang China ay nangunguna sa produksiyon ng palay at ang iba pang
tinatanim ng mga mamamayan dito ay trigo, mais at oats. Mayaman din sa
deposito ng mineral ang Tibet(rehiyon sa China) at North Korea. May 7% karbon,
antimony, magnesium at tungsten ang bansang China. Ang ibang bansa sa
rehiyon nakatuon din sa paghahayupan, ang mga malalaking hayop ay
ginagamit sa paghahanapbuhay. Ang anyong tubig ay nililinang din para sa
kapakinabangan ng mga nakatria rito.

Sa Timog-Silangang Asya, nasa mga lupain ng


Myanmar at Brunei ang malawak na kagubatan.
Tinatayang 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsilbing
panirahan ng mga unggoy, ibon at reptiles. Sa
kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang
pinakamaraming puno ng teak sa buong mundo.

Samantala sa Pilipinas pagdating sa


kagubatan sagana ito sa puno ng palm at
matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal,
lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at
iba’t ibang species ng dapo. Isa rin ang bansa sa
nangunguna sa produksiyon ng langis ng niyog at
kopra. Ang pangunahing yamang mineral ng
bansa ay tanso.

Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia


at ang mahigit 80% ng langis sa Timog-Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang
ito, gayundin ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig. May liquefied gas, tin
bauxite, tanso, bakal, pilak at ginto ang bansang Malaysia.
Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa sa rehiyon
at nililinang para sa hydroelectric power na siya naming pinagkukunan ng kuryente.
Karaniwan naman inaalagaang hayop sa rehiyon ay ang kalabaw, baka,
baboy,manok at kambing. May iba’t ibang pananim din tulad ng mais, bulak,
tabako, kape, trigo, abaka at mga prutas.

6
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

AGRIKULTURA: Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang produktong
panluwas nito ay nagmumula sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain,
mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at makapagluwas ng
mas maraming produkto. Sa paglaki ng produksiyon, ang ilan ay gumagamit ng
mga makabagong makinarya. May ilang mga mamamayan na may maliit na
sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay lamang.

EKONOMIYA: Marami sa PANAHANAN: Sa


mga bansa sa Asya ay patuloy na pagdami ng
papaunlad bunsod sa tao ay patuloy din ang
kasaganaan nito sa likas pagdami ng
na yaman. Ang mga ito nangangailangan ng
ay pinagkukuhanan ng ikabubuhay at
mga materyales na pananahanan nito. Ang
panustos sa kanilang dami ng populasyon sa
mga pagawaan. isang lugar ay
Maging ang maunlad nakabatay sa
na bansa ay dito katangian ng likas na
kumukuha ng mga yaman nito. Isang
hilaw na materyales katotohanan na ang
kung kaya’t halos populasyon ay lumalaki
nauubos ang likas na ngunit ang lupa ay
yaman. Ang mga likas hindi, kung kaya’t ang
na yaman ay iniluluwas ilan ay isinasagawa ang
kasabay nang land conversion, na
paggamit ng mga nagdudulot naman ng
tradisyonal at pagkasira ng tirahan ng
makabagong mga hayop.
teknolohiya upang Gumagamit ang tao ng
mapataas ang antas ng teknolohiya upang
pambansang kita nang baguhin ang
sa gayon ay mapabuti kakayahan ng lupa at
ang pamumuhay ng ng kanilang kapaligiran.
mga mamamayan nito.

7
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Pagpapalalim

GAWAIN 4:Sagutin ang sumusunod na katanungan.


Ano ang mahalagang natutunan mo ukol sa mga likas na yaman ng Asya?

GABAY NA GAWAIN 1

GAWAIN 5: Ang mga sumusunod na larawan ay mga pangunahing likas na


yaman sa Asya. Tukuyin kung saang bansa ang mga ito at isulat ang tamang
sagot.

MGA BANSA SA ASYA PANGUNAHING LIKAS NA YAMAN


1.AFGHANISTAN
2. BRUNEI

3. INDIA

4. IRAQ
5. JAPAN

8
6. KYRGYZSTAN
7. MYANMAR
8. PILIPINAS
9. RUSSIA (SIBERIA)
10. SAUDI ARABIA

GABAY NA TAYAHIN 1

GAWAIN 6: Pumili sa mga sumusunod na paksa na may kinalaman sa


rehiyon sa Asya at likas na yaman nito. Ikaw ay gagawa ng isang sanaysay
tungkol dito. Gawing basehan ang rubric sa pagsulat ng sanaysay.
MGA PAKSA:
1. Ang Langis at Petrolyo na Nagbunsod sa Paglago at Pag-unlad ng
Ekonomiya ng Kanlurang Asya
2. Ambag ng Yamang Kagubatan sa Timog-Silangang Asya
3. Pag-unlad Kabuhayan ng Hilagang Asya Dahil sa Ginto
4. Ang Paghubog ng Agrikultura sa Kabuhayan ng mga Tao sa Timog Asya
5. Ang Kapakinabangan ng Mayamang Depositong Mineral at Yamang
Lupa sa mga Bansa sa Silangang Asya

RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY


KATEGORYA Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang
Inaasahan (5) Inaasahan (4) Nakamit ang ang Inaasahan Napatunaya Marka
Inaasahan (3) (2) n (1)

INTRODUKSYON Nakapanghihik Nakalahad Nakalahad sa Hindi *Hindi nakita


ayat ang saintroduksyon introduksyon ang malinawang sa ginawang
introduksyon. ang pangunahing introduksyon at sanaysay.
Malinaw na pangunahing paksa subalit ang
nakalahad ang paksa hindi sapat ang pangunahing
pangunahing gayundin pagpapaliwana paksa. Hindi rin
paksa gayundin angpanlahat g ukol dito. nakalahad ang
ang panlahat na pagtanaw panlahat na
napagtanaw ukol dito. pagpapaliwan
ukol dito ag ukol dito.

DISKUSYON Makabuluhan Bawat talata May kakulangan Hindi *Hindi


ang bawat ay may sapat sa detalye. nadebelop angkop ang
talata dahil sa na detalye. angmga inilagay sa
husay na pangunahing paksa.
pagpapaliwana ideya.
gat pagtalakay
tungkol sa
paksa
(Tema) Ang kabuuan Karamihan sa Ilan sa nilalaman Walang *Hindi tama
KAISAHAN ng sanaysay ay nilalaman ay ay walang kaugnayan at ang
may kaugnayan may kaugnayan sa kaisahan sa ginawang
at kaisahan kaugnayan sa tema tema sanaysay
tema.

Kabuuan:

9
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

GABAY NA GAWAIN 2

GAWAIN 7: BALITAAN!
Basahin ang balitang nailathala tungkol sa pagsasakripisyo ng kalikasan
bunsod ng industriyalisasyon. Pagkatapos nito ay ipahayag mo ang iyong puna at
saloobin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pamprosesong tanong sa gabay
na tayahin 2.

ASIA’S NATURAL RESOURCES GETTING STRAINED BY DEVELOPMENT


-MAYVELIN U. CARBALLO
THE MANILA TIMES(JUNE 07,2012)
Asia Pacific countries must maintain their natural capital such as forests, biodiversity, freshwater, and coastal and marine
ecosystems to achieve a green economy, according to a joint report by the Asian Development Bank(ADB) and Worldwide
Fund for Nature (WWF).
The report entitled “Ecological Footprint and Investment in Natural Capital in Asia and the Pacific” said that the Asia Pacific
region is consuming more resources than its ecosystems can sustain, threatening the future of the region’s beleaguered
forests, rivers, and oceans as well as the livelihoods of those who depend on them. In the past two decades, the report
noted that the state of ecosystems in the region has been declining because of the activities such as conversion of primary
forests to agricultural land or monoculture plantations; extensive coastal developments and unsustainable exploitation of
marine resources; and conversion of freshwater ecosystem for agricultural use. The joint ADB-WWF study, looks in more
detail at the state of ecosystems in Asia-Pacific and what can be done to sustain them. It focuses on ways of preserving
key large-scale regional ecosystems, including the forests of Borneo, the marine wealth of the Coral Triangle, the Mekong
region’s diverse habitats, and the mountainous Eastern Himalayas.These areas contain some of the region’s most
important natural resources on which millions of people depend for their sustenance and development. Nessim Ahmad,
ADB director for Environment and Safeguards, said that major ecosystems such as the Coral Triangle and the heart of the
Borneo rainforest are vital to the future of Asia-Pacific.”We need large-scale programmatic efforts based on regional
cooperation and local level action to make sure they are sustained for future generations,” Ahmad added.
Per capita drops
Moreover, the report explained that by 2008, the per capita natural resources in these regional ecosystems had shrunk by
about two-thirds compared to 1970. Despite the rich natural capital in the region, the report noted that bio-diversity is in
decline in all types of ecosystems, with the rate of species loss about twice the global average. The report used the Living
Planet Index — one of the more widely used indicators for tracking the state of biodiversity around the world — to
measure changes in the health of ecosystems across the Asia-Pacific. The global index fell by about 30 percent
between 1970 and 2008, while the Indo-Pacific region shows an even greater decline of 64 per-cent in key populations of
species during the same period. Across the region, the gap between the ecological footprint, or human demand for natural
resources, and the environment’s ability to replenish those resources is widening, it added. The report also said that
the challenge for countries of Asia Pacific is to manage their natural sustainability, so that they maintain ecosystems
services such as food, water, timber, pollination of crops and absorption of human waste products like carbon dioxide, to
attain long-term development.
“We need to create mechanisms that make protecting our resources the right economic choice for the communities that
use and depend on them,” said WWF Director General Jim Leape. Investing in the region’s resources pays. It is estimated
that every dollar spent on conservation efforts would yield an economic and social value of ecosystems worth over $100,
it added. On the other hand, ADB said that it places environmentally sustainable growth at the core of its work to help
reduce poverty in the region. It approved a record 59 projects supporting environmental sustainability in 2011, which
amounted to about $7 billion in financing.

GABAY NA TAYAHIN 2

GAWAIN 8: Sagutain ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat ang


mga sagot sa sagutang papel.
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Ano ang suliraning inilahad sa balita? Sino ang direktang apektado ng
nasabing suliranin?
2. Sa inilahad na balita, ano ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong
seryosong suliranin? Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o pagtutol sa
industriyalisasyon at sa paraan ng paggamit ng likas na yaman.
3. Ayon sa may akda ano ang mga posibleng solusyon upang mapigil o
mahinto ang mga inilahad na problema?Anong mga proyekto ang
dapat na isagawa? Sa iyong palagay, possible bang maisakatuparan
ito? Sa papaanong paraan?

10
Mga likas na yaman ng asya

MALAYANG GAWAIN 1
GAWAIN 9: TUKLASIN YAMAN NG ASYA!

Ilista sa talahanayan ang mga likas na yaman na matatagpuan sa bawat


rehiyon sa Asya .
REHIYON SA ASYA YAMANG LUPA YAMANG YAMANG YAMANG
DAGAT KAGUBATAN MINERAL

HILAGANG ASYA

KANLURANG ASYA

TIMOG ASYA

SILANGANG ASYA

TIMOG-SILANGANG
ASYA

MALAYANG TAYAHIN 1
GAWAIN 10: PAMPROSESONG MGA TANONG

Isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Paghambingin ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon. Ano ang mahihinuha
mong nagbunsod sa pagkakaroon ng mga ganitong katangian ng likas na
yaman ng Asya?
2. Anong likas na yaman ang sagana sa Asya? Paano ito nakatulong sa pag-unlad
ng pamumuhay sa mga rehiyon nito?
3. Ano ang masasabi mo sa bansang Japan na bagama’t salat sa ilang anyong
likas na yaman ay maunlad? Ipaliwanag kung paano ito nangyari.

GAWAIN 11: SANHI AT BUNGA! MALAYANG GAWAIN 2

Isulat sa sagutang papel ang sagot.


ANO ANG NAIDUDULOT NG MGA LIKAS NA YAMAN ANO ANG MGA POSIBLENG BUNGA/EPEKTO
SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO SA ASPETONG NG PAGGAMIT NG TAO SA MGA LIKAS NA
AGRIKULTURA, EKONOMIYA AT PANAHANAN? YAMAN?

AGRIKULTURA: AGRIKULTURA:

EKONOMIYA: EKONOMIYA:

PANAHANAN: PANAHANAN:

11
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

MALAYANG TAYAHIN 2
GAWAIN 12: SOLUSYONAN MO!
Magtala ng limang posibleng solusyon na maaaring gawin ng tao upang
hindi tuluyang masira/maubos ang mga likas na yaman. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

SOLUSYON…

1.

2.

3.

4.

5.

Isaisip

GAWAIN 13: TALAHANAYAN NG PAGLALAHAT


Sagutin ang bawat kolum sa iyong kwaderno.

ANG AKING MGA ANG AKING MGA ANG AKING MGA ANG AKING MGA
PANG-UNAWA NATUKLASAN AT KATIBAYAN NA GANAP NA
KAALAMAN SA PAGWAWASTO NAGPAPATUNAY SA NAUUNAWAAN
LIKAS NA YAMAN TUNGKOL SA MGA AKING MGA TUNGKOL SA
NG ASYA LIKAS NAYAMAN NATUKLASAN LIKAS NA YAMAN
NG ASYA TUNGKOL SA LIKAS NG ASYA
NA YAMAN NG
ASYA

12
Mga likas na yaman ng asya

Isagawa

GAWAIN 14: PANATA KO!


Isulat ang iyong panata sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga likas
na yaman ng Asya.

Pagtataya

I. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng kahon


ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.

CAVIAR OASIS PAGSASAKA YAMANG GUBAT


KYRGYZSTAN PALAY SAUDI ARABIA YAMANG MINERAL
LIKAS NA YAMAN PAGHAHAYUPAN TELANG SUTLA GINTO

_________1. Tumutukoy sa mga kagubatan, mineral, lupang taniman at katubigan.


_________2. Likas na yaman na partikular sa langis at petrolyo sagana ang rehiyong
Kanlurang Asya.
_________3. Likas na yaman na kung saan sagana ang bansang Pilipinas, Brunei at
Myanmar dahil sa mga iba’t ibang klase ng hayop at puno na
matatagpuan sa mga bansang ito.
_________4. Mahalagang produkto ng rehiyong Timog Asya.
_________5. Ito ang pangunahing produktong panluwas ng rehiyong Hilagang Asya
pagdating sa yamang dagat.

13
_________6. Ito ang bansa sa rehiyong Hilagang Asya na may pinakamalaking
deposito ng ginto.
_________7. Ito ang bansa sa rehiyong Kanlurang Asya na may pinakamalaking
tagapagluwas ng petrolyo sa buong mundo.
_________8. Lugar kung san maaaring magtanim ng trigo at barley ang mga bansa sa
rehiyong Kanlurang Asya.
_________9. Pangunahing hanapbuhay ng mga naninirahan sa mga lugar na
bulubundukin at disyerto sa Iran, Iraq, Syria at Saudi Arabia.
_________10. Pangunahing produkto ng Japan na nangunguna sa industriyalisasyon.

II. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong Uri ng Likas na yaman may pagkakatulad ang bansang Pilipinas, Brunei at
Myanmar?
a. Yamang Gubat c. Yamang Mineral
b. Yamang Lupa d. Yamang Tubig
2. Bakit mahalagang mapagyaman natin ang yamang likas ng ating rehiyon?
a. dahil ang yamang likas ang tirahan ng habitat.
b. dahil dito na ngangalap ng pagkain ang lahat ng hayop na may buhay
c. dahil ang yamang likas ay biyaya ng poong maykapal
d. dahil sa yamang likas tayo umaasa ng ating pang araw-araw na pamumuhay at
ito ang nagpapaangat din ng ating kita.
3. Sa kabila ng pagiging disyerto ng mga bansa sa Kanlurang Asya, ano ang naging
kontribusyon ng yamang mineral rehiyong ito?
a. Pagtaas ng kita c. Pag-unlad ng lakas-paggawa
b. Pagtaas ng populasyon d. Matinding pagpapatayo ng mga
imprastruktura
4. Sa paggamit ng tao sa mga likas na yaman, Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng suliraning pangkapaligiran?
a. Ang pagkakaroon ng hindi pantay na distribusyon ng produkto.
b. Paglabag sa mga polisiya tungkol sa waste management.
c. Hindi maayos naipapatupad ang mga polisiya ukol sa pagpuputol ng puno.
d. Ang labis na pang-aabuso ng tao sa lupaing kanyang paninirahan bumababa
ang kalidad ng lupain.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng paglobo ng
populasyon sa ating kapaligiran at sa pamumuhay ng mga Asyano?
a. Dahil sa patuloy na pagtaaas ng bilang ng tao nagiging mataas din ang
pangangailangan para sa likas na yaman.
b. Unti-unting nalilinis ang mga basura dahil marami ng tao ang nagkakaisa na
pugsain ang basura na nakakalat.
c. Dahil sa pagdami ng populasyon dumarami din ang species ng hayop na
ninirahan sa mundong ating ginagalawan.
d. Dahil sa pagdami ng populasyon hindi rin maiwasan ang pagdami ng basura
na humahantong sa pagkamatay ng species ng hayop lamang.

MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON


1. MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA
Katangi-tangi ang Asya bilang isang kontinente, sapagkat naririto ang
napakaraming uri ng mga bagay na may buhay na patuloy na dumadaan sa isang
uri ng ugnayan at bumubuo ng kapaligiran at kalikasang siyang nililinang ng tao para
sa kaniyang pamumuhay. Ngunit sa paghahangad ng tao na mas mapaunlad ang

14
kaniyang gawaing pangkabuhayan ay ginagamit niya ang teknolohiya, mga
imbensyon at inobasyon na nagbubunsod sa industriyalisasyon.
ITULOY ANG PAGBABASA SA…
https://aralingpanlipunanphilippines.blogspot.com/2016/05/likas-na-yaman-ng-
asya.html
2. PANOORIN SA YOUTUBE
https://www.youtube.com/watch?v=wv5l6JjMG2U&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoS
dFKVRkXM&index=2&t=126s
https://www.youtube.com/watch?v=Bj6OPNe9Y1A&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoS
dFKVRkXM&index=3
https://www.youtube.com/watch?v=cAuZnSBooIs&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSd
FKVRkXM&index=4
3. Philippine Seas, a documentary by Atom Araullo | Full Episode
mula sa https://www.youtube.com/watch?v=gxqgm-
ruiW8&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=5
4. SANGGUNIAN
ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaiba
Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral
https://www.slideshare.net/MirasolFiel/likas-na-yaman-ng-asya
Google Pictures

Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN:
1. LIKAS NA YAMAN 6. KYRGYZSTAN
2. YAMANG MINERAL 7. SAUDI ARABIA
3. YAMANG GUBAT 8. OASIS
4. PALAY 9. PAGHAHAYUPAN
5. CAVIAR 10. TELANG SUTLA

BALIKAN: GAWAIN 1
Inaasahang iba-iba ang sagot.

TUKLASIN: GAWAIN 2

1. YAMANG LUPA 4. YAMANG DAGAT


2. YAMANG GUBAT 5. YAMANG GUBAT
3. YAMANG MINERAL

MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Susi sa Pagwawasto

ACTIVITY: GAWAIN 3 ENRICHMENT: GAWAIN 4


Inaasahang iba – iba ang Inaasahang iba – iba ang sagot
sagot

15
ENRICHMENT: GAWAIN 5
1. OPYO 6. GINTO
2. IBON, REPTILES, UNGGOY 7. TEAK TREES
3. PALAY 8. LANGIS NG NIYOG
4. DATES 9. STURGEON FISH
5. MULBERRY TREES 10. CRUDE OIL/PETROLEUM

ENRICHMENT: GAWAIN 6, 7, 8 , 9, 10, 11, 12


Inaasahang iba – iba ang sagot

ISAISIP: GAWAIN 13 ISAGAWA: GAWAIN 14


Inaasahang iba – iba ang sagot Inaasahang iba – iba ang sagot

PAGTATAYA: 1
1. LIKAS NA YAMAN 6. KYRGYZSTAN
2. YAMANG MINERAL 7. SAUDI ARABIA
3. YAMANG GUBAT 8. OASIS
4. PALAY 9. PAGHAHAYUPAN
5. CAVIAR 10. TELANG SUTLA
PAGTATAYA: 2
1. A
2. D
3. A
4. D
5. A

16

You might also like