You are on page 1of 2

Libagon Academy Foundation Inc.

Brgy. Talisay, Libagon Southern Leyte


Araling Panlipunan 7
S.Y. 2021-2022

Quarter 1
Week 4 & 5

Competencies: Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya.

ANG KAYAMANAN NG ASYA

Mahalaga ang likas na yaman sa pag-unlad ng isang bansa ta sa pamumuhay ng mamamayan nito.

Mga uri ng Likas na Yaman


Sagana ang Asya sa likas na yaman- mga elemento ng daigdigna hindi gawa ng tao ngunit may malaking pakinabang sa kaniyang buhay. Halimbawa ng likas na
yaman ay ang lupa, tubig, mineral, at vegetation.

 Biotic resources – likas na yaman na may buhay o nagmula sa mga buhay na organism.
 Abiotic resources – tawag sa mga material na mula sa di-buhay at inorganikong mga bagay. Halimbawa nito ay ang hangin, tubig, at mga mineral tulad ng
bakal, tanso, ginto, at iba pa.
 Renewable resources – mga bagay at organism na kayang palitan o maparami ng kalikasan sa maiksing panahon lamang.
 Non-renewable resources – likas na yaman na hindi agad mapapalitan o mapaparami ng kalikasan.

(Pakibasa sa pahina 31-36)


Hilagang Asya  Binubuo ng steppe, taiga, at tundra.
 Ang malawak na mga steppe ng Eurasia ay ginagamit bilang pastulan ng mga hayop tulad ng mga tupa, kambing, at
kabayo.
 Mga Troso ang napakikinabangan sa mga lupaing taiga ng Siberia na iniluluwas sa iba’t ibang bansa.
 Pagpapastol ng mga reno naman ang kapakinabangan sa malamig at nagyeyelong tundra ng mga katutubong
pamayanan doon.
 Ilog ng Siberia na Ob at Angara ay tinayuan ng mga hydroelectric dam na naghahatid ng koryente sa mga lungsod
doon.
 Ang Rusya ay may Wild fishery.
 Malaki ang industriya ng pagmimina sa Hilagang Asya.
 Kumtor gold mine sa Kyrgyzstan, isa sa pinakamalaking minahan sa buong mundo.
Silangang Asya  Maunlad ang aquaculture, o ang pagpaparami at pag-aani ng mga isda at iba pang pagkaing-dagat.
 Aquaculture – pagpaparami at pag-aani ng mga isda at iba pang pagkaing-dagat, sa mga bansa sa rehiyong ito.
 Nakatuon ang Hapon sa wild fishery na siyang pinagkukunan ng mga isda.
 Three Gorges dam sa China ang may pinakamalaking kakayahang lumikha ng koryente sa buong mundo.
Timog-Silangang Asya  Sagana sa likas na yaman at may mainam na klima para sa agrikultura.
 Binansagang Coral triangle (katubigan ng Malaysia, Indonesia, at Pilipinas) at mga karatig pulo dahil sa umaaabot ng
limang daang espesye ng korales ang nabubuhay rito at dalawang daang espesye ng isda.
 Pinakamalaking solar power plant sa buong Timog-Silangang Asya ay matatagpuan sa Negros Occidental sa Pilipinas.
Timog Asya  May mga sentro ng pagsasaka na binabagtas ng mga malalaking ilog na nagbibigay ng kinakailangan na patubig para
sa mga bukirin ng palay.
 Sa Sri Lanka matatagpuan ang malalawak na plantasyon ng tsaa.
 India ang pumapangalawa sa buong mundo na may pinakamalaking produksiyon mula sa industriya ng pangisdaan.
 Khewra salt mine, isa sa pinakamatanda at malaking salt mine sa buong mundo.
 Ang India ang pinakamalaking nagluluwas ng sheet mica at ikatlo sa pinakamalaking nagluluwas ng bauxite sa mundo.

Kanlurang Asya  Ang Agrikultura rito ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo at iba pa.
 Pangunahing nagsusuplay ng fossil fuel sa buong mundo.

Mga gawain
“Isulat ang lahat ng sagot sa isang buong papel”

Gawain blg.1 PAG-IISA ISA


5 halimbawa ng Biotic resources.
5 halimbawa ng Abiotic resources.
5 halimbawa ng Renewable resources.
5 halimbawa ng Non-renewable resources.
Gawain blg.2
Lutasin ang Hamon, K1. Pahina 39
Sagot lamang ang isulat.

Ms. Edelyn B. Custinar


09164276707
Araling Panlipunan Teacher
FB Account: Ydeelen BC
“Ang kalikasan ay ating pakaalagaan upang an gating pangangailanagn ay matugunan”

You might also like