You are on page 1of 4

Isang Sulyap sa Puso ng Asya

Bawat taon sa ika-dalawampu’t apat ng Oktubre, ipinagdiriwang ng mga tao sa buong planeta
ang Araw ng United Nations bilang pagkilala sa intergovernmental organization na
nagtataguyod ng karapatang pantao, panlipunang pag unlad, at pandaigdigang kapayapaan.
Ang United Nations Day ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga estudyante
ng pambansang kasuotan o tradisyonal na kasuotan na kumakatawan sa iba't ibang bansa at
pagbibigay ng kaalaman tungkol sa pagkakaiba iba ng kultura sa maraming paaralan sa
Pilipinas. Sa layuning ibahagi ang kaalaman at mga kaugnay na impormasyon tungkol sa iba't
ibang bansa sa asya, ang ika-pitong baitang Integrity ay ipipresenta sa inyo ngayon ang aming
ginawang travel brochure.

Pero bago tayo magsimula, alam mo ba na ang Asya ay nahahati sa limang heograpikal na
rehiyon? Ito ay nahati upang mas madali ang pamamahala nito. Ang naging batayan para sa
paghati ng Asya ay ang lokasyon, pagkain, wika, tradisyon, at paniniwala nito. Ang limang
rehiyon ay:

● Hilagang Silangang Asya


● Timog Asya
● Timog Silangang Asya
● Kanlurang Asya
● Gitnang Asya

Ang impormasyong aming ibabahagi ay maikling summarization ng aming Travel Brochure.

HILAGANG SILANGANG ASYA -


Annyeonghaseyo! Tara na’t mag biyahe patungong Hilagang Silangang Asya! Ang Tsina,
Hapon, Mongolia, Hilagang Korea, Timog Korea, at Taiwan ay kabilang sa mga bansang
maaaring matatagpuan dito.

AGRIKULTURA - Ang pangunahing ani sa Mongolia ay Trigo o tinatawag na Wheat sa ingles.


Ito ay isang landlocked country kung saan pinapaligiran ng bansang Russia at Tsina.
Ginagamit nila ang damuhang paligid sa nagpapastol ng mga hayop. Ang Japan naman ay
isang kapuluan at dahil dito, sagana sila sa mga yamang dagat tulad ng mga isda, seaweeds
at perlas.

EKONOMIYA - Ang Japan ay itinuturing na unang “economic miracle” sa rehiyon na


matapos ang WWII. Gayunpaman, kulang ang mga manggagawa dahil sa mababang
birthrate at dahil mas marami ang populasyon ng matanda kaya dumarami ang pag-employ
ng mga dayuhan. Ang Tsina naman ang nangunguna sa yamang hydropower dahil sa
maunlad na industriya ng bansa.

KULTURA AT PANAHANAN - Sa Timog Korea, Hanok ang tawag sa tradisyonal na bahay ng


mga koreano. Single detached unit o gusaling nagtataglay ng maraming unit sa Japan, na
dapat ay may “New Earthquake Resistance Building Standard” ang mga gusali dahil sa
lindol, na nararanasan dahil nakalagay ang buong bansa sa "Pacific Ring of Fire" . Ang mga
karaniwang koreano, mongols, at tsino naman ay naninirahan sa isang condominium at
apartment.

TIMOG ASYA-
Namaste! shubh dopahar! Ngayon tumungo tayo sa susundo na Rehiyon, tiganan natin ang
kagandahang na naiibibigay ng Timog Asya

Agrikultura - Ang pag sasaka o pagtatanim ang isa sa mga hanap buhay sa Timog Asya
kabilang dito ang mga pinakamatatabang kapatagang samahan sa daigdig. Dahil dito, ang
mga lupaing ito ay tinaguriang " Pusong Lupain ng India" Agricultura din ang pangunahing
hanap buhay ng mga Asyano. Ang Bangladesh ang pangunahing prodyuser ng hilaw na
materyales na JUTE. Ito ay tinaguriang golden fiber.

Ekonomiya - Ang enerhiya ang karaniwang nag umulan sa mga Yamang mineral. Ang India
ang ika-apat sa pinaka malaking prodyuser ng carbon at mayroon ding sapat na suplay ng
petrolyo.
Sa pangkalahatan, ang agricultura at Yamang mineral ng rehiyob ang nagtataguyod ng
ekonomiya ng mga bansa rito.

Panahanan at Kultura - Ang mga panahanan sa Sri Lanka ay gawa simentong kinukulayan
ng puti na pipigi sa pag pasok ng Init. Mga Panahanan sa Maldives ay gawa sa dahon ng
palmer, samantalang ang mga may Kaya naman ay naninirahan sa mga gawa sa dinurog na
koryales.

TIMOG SILANGANG ASYA -


Kumusta! Ngayon naman, patungo tayo sa Timog Silangang Asya. At syempre, bilang Pinoy,
ipinagmamalaki natin ang yaman at ganda ng Pilipinas!

AGRIKULTURA - Cambodia, Malaysia, at Thailand ay mayroong malalawak na taniman ng


goma kung saan matatagpuan ang malawak na rubber plantation. Ipinatupad din sa mga
bansa ng Timog Silangang ang Transmigration policy.

EKONOMIYA - Ang paggawa ng mga kahoy na pang konstruksyon ay bumubuo ng 70% ng


Ekonomiya ng Cambodia. Ang Laos ay matagumpay na sinusuportahan ng industriyang
handicraft. Ang Vietnam ay kasalukuyan kilala sa paggawa ng mga tela, electronics, at
sasakyan.
PANAHANAN AT KULTURA - Ang pagkakaroon ng mga Prefabricated o pinag kabit kabit na
materyales ay karaniwan sa Timog Silangang Asya. Panahanang stilt na nakatayo sa tabing
dagat at nipa hut o bahay kubo ay madalas ding makikita sa rehiyon.

GITNANG ASYA -
Salom! Hayrli kun! O, alam niyo ba kung anong wika iyon? Ito ay Uzbek, mula sa Uzbekistan!
Ngunit, alam niyo rin ba kung saang rehiyon matatagpuan ang Uzbekistan? Tama! Sa Gitnang
Asya.

AGRIKULTURA - Isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa Gitnang Asya ay agrikultura. Dahil


sa klima sa Fergana Triangle ay angkop sa pagsasaka, nagbibigay ito ng mataba at
magandang lupa. Kailangan ng angkop na klima at mga fertilizers upang maging maganda
ang lupa na gagamitin sa agrikultura. Dahil din sa magandang lupa na gagamitin sa
agrikultura, ang Kazakhstan ay ang ika-14 sa pinakamalaking prodyuser ng trigo sa buong
mundo noong 2021.

EKONOMIYA - Ang disyerto ng Kyzyl Kum na matatagpuan sa Uzbekistan ay isa sa mga


pinakamalaki at pinakamalalim na minahan ng ginto. Mayaman din ang rehiyon sa Krudo, Iron
ore, petroleum at mga natural gas. Ang mga hilaw na materyales na ito ay maaari nilang
i-export at ginagamit nila ang buwis para sa pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya.

Panahanan at Kultura - Yurts ang tawag sa paninirahan ng mga rehiyon na mayroong


grassland ngunit ang karaniwang tirahan sa mga pook urban na rehiyon ay modernong
arkitektura.

KANLURANG ASYA-
Salam, günortanız xeyir! At sa wakas, tayo ay nasa huling destinasyon na, ito ay ang Kanlurang
Asya!

AGRIKULTURA- Ang Kanlurang Asya ay matatagpuan sa lupain kung saan maraming suplay
ng tubig. Sila ay madalas naninirahan sa mga baybayin. Tulad ng Armenia, ang Azerbaijan ay
pawang mga magsasaka. Sila ay nakapag-aani rin ng mga prutas, gulay, tabako, at silkworm.

EKONOMIYA - Ang Ekonomiya ng ilang bansa ay nakadepende sa pagluluwas ng langis at


natural gas. Nililinang ng mga bansa ang industriyang turismo upang magpatuloy ang pag
unlad ng ekonomiya kahit maubos na ang mga reserbang langis. Ang bansang kilala bilang
isang bansang "knowledge economy" ay Qatar.

PANAHANAN AT KULTURA- Ang Nomad ay ang mga taong walang permanenteng tirahan o
bahay. Ginagawa nila ito upang ma-pastol ang kanilang inaalagaang livestock.
Mga Suhestiyon sa Pagpapanatili ng Likas Yaman ng Asya
Mahirap isipin na maaaring maubos ang likas na yaman dahil malaki ang role na ginagampanan
nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Gayunpaman, habang tumatagal, ang mga yamang ito
ay unti unting nauubos bunga ng mabilis na paglago ng ekonomiya, paglago ng populasyon, at
urbanisasyon. Tumataas ang pangangailangan sa likas na yaman kasabay ng lumalawak na
populasyon ng Asya. Responsibilidad ng sangkatauhan na alalahanin ang mga paghihirap na
ating kinakaharap at tumugon nang may angkop na pagkilos. Maging ang yaman ng likas na
yaman ng kontinente ay hindi kayang sumabay sa mga mapanirang gawain tulad ng cyanide
fishing, at illegal logging. Ang mga susunod na henerasyon ng mga tao ay maaaring walang
pagkukunan ng yamang likas kung ang mga ito ay hindi na pangalagaan ngayon. Ang ating
likas na yaman ay hindi lamang para sa kasalukuyan, kundi para rin sa kinabukasan. Kaya, ang
mga pamamaraan ng pagbibigay prayoridad sa pagpapanatili ng likas na yaman ay dapat
ipatupad sa isipan ng lahat.

1. Tukuyin kung saan mapupunta ang basurang itinatapon mo.


2. Paggamit ng mga alternatibong pinagkukunan ng enerhiya upang mapatakbo ang
iyong mga gadgets.
3. Mga alternatibong paraan ng transportasyon.
4. Pag-compost.
5. Mag organisa ng mga proyekto para sa komunidad.
6. Magbigay ng edukasyon sa mga tao.
7. Sustainable na mga kasanayan sa pagsasaka.

Sa konklusyon, naging malinaw na ang pagpapanatili ng ating likas na yaman ay lubos na


mahalaga. Tunay ngang bukod sa mga tao kundi pati na rin ang iba pang mga anyo ng buhay
na nakikinabang sa planetang ito ay matatawag itong tahanan. Kailangan nating patuloy na
tandaan na kung paano natin alagaan ang likas na yaman ay babalik sa huli upang makaapekto
sa ating komunidad. Ang likas na yaman ay maaaring maubos sa kalaunan habang ang mga
tao ay mas mabilis na nauubos ang mga ito kaysa sa maaaring ma renew. Dahil tinutupad nito
ang lahat ng ating mga kinakailangan sa araw araw, dapat ay panatilihin natin ito. Kung
aaksyunan natin, mapangalagaan din natin ang Inang Kalikasan para sa kapakanan ng mga
susunod pang henerasyon.

You might also like