You are on page 1of 3

NAME: Baitang: Baitang 8, Matulungin

Subject: Filipino 8
Sumulat ng pananaliksik tungkol sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.
Alamin ang kultura, pamhalaan, hanapbuhay, relihiyon, at mga produkto nito.

“TIMOG-SILANGANG ASYA”
Ang mga bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya ay Brunei,
Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Vietnam,
Thailand, at East Timor. Ang Timog-Silangang Asya ay kabilang sa rehiyong
tinatawag na “Ring of Fire” na kung saan ay madalas nagaganap ang paggalaw
ng lupa at pagputok ng mga bulkan. Hitik sa bulkan ang mga lugar na ito at
maaring magdulot ng paglindol dahil sa kanilang pagsabog. Karaniwang mainit
ang panahon sa ilang bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya dahil sa
tuwiran itong nasisikatan ng araw. Ang Timog-Silangang Asya ay matatagpuan
sa ekwador.

“KULTURA SA TIMOG-SILANGANG ASYA”


May iba’t ibang kultura ang ipinapakita sa Timog-Silangang Asya mula sa
iba’t ibang bansang sakop nito. Sa bansang Indonesia, ang kanilang kultura ay
nagmula sa iba’t ibang mga rehiyon gayundin sa mga dayuhang bans ana
nanakop rito subalit, may ibang bahagi pa rin ng kanilang kultura ang nanatili at
hindi maimpluwensiyahan. Isa sa mga napanatili nilang kultura ay ang mga
pangunahing gawain ng mga tribo. Ang mga tribo sa Indonesia ay patuloy pa rin
sa mga nakagisnang mga ritwal, mga paniniwala, at ang kanilang pagkatutunong
kasuotan. Ang kultura naman sa Laos ay naimpluwensiyahan ng Theravada
Buddhism n amula sa India at mula rin sa China. Ang tradisyonal na kasuotan
nila ay tinatawag na Xout Lao na pwedeng isuot ng mga babae, lalaki, at mga
bata. Ang mga kultura naman ng Malaysia ay batay sa paniniwala na Malaki ang
papel na kanilang ginagampanan sa mundo. Ang kanilang kultura ay may
malaking pagkakahawig sa teoryang Eksistensyalismo. Ang paniniwalang ito ay
tinatawag nilang Baitang ng buhay na binubuo ng apat na bahagi. Ang bawat
baiting ay may simbolong kalakip at tiyak na pinagdadaanan ng bawat Muslim o
Malay. Ang pangunahing kultura ng bansang Myanmar ay ang Buddist at Bamar.
Ang Bamar ay naimpluwensiyahan ng kultura ng mga karatig bansa ng Myanmar.
Sa bansang Pilipinas naman, bayanihan ay isa sa mga klturang nakagisnan ng
mga Pilipino. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga mamamayang kahit
saan at kahit kalian. Pagkakabuklod-buklod ng mga-anak ay isa rin sa mga
kultura ng mga Pilipino. Kadalasang malalapit sa mag-anak at iba pang kamag-
anak ang isa’t isa. Isa rin sa mga kultura ng Pilipino ang pakikisama. Ito ay ang
kaugaliang Pilipino na nagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting
pakikitungo sa iba. Ang kultura sa Bansang Singapore ay may kulturang
pinagsamang pang-Silangan at pang-Kanluran, ito ay ang mga; iba’t ibang lahi,
sari-saring paniniwala, kakaibang batas, at modernong pamumuhay. At ang
kultura sa Thailang ay kakaiba kumpara sa mga bansang kabilang sa Timog-
Silangan. Ito ay pinaghalong kulturang India, China, Khmer, at Kanluranin. Ang
pagbati sa pamamagitan ng pagngiti ay isang mahalagang simbolo ng kanilang
kultura.
Makikita na ang bawat bansa sa Timog-Silangang Asya ay
naiimpluwensiyahan o naimpluwensiyahan ng kanilang mga relehiyon o ng ibang
mga bansa.

“PAMAHALAAN SA TIMOG-SILANGANG ASYA”


Ang bawat bansa sa Timog-Silangang Asya ay may iba’t ibang paraan ng
pamamahala sa kanilang bansa. Kagaya ng mga bansang Cambodia, Thailand, at
Brunei na ang paraan ng kanilang pamamahala ay Monarkiya Kabesera. Sa mga
bansang Indonesia, Pilipinas, Vietnam, at Myanmar naman ay pamamahalang
Rebublika. Sa bansang Laos ay Komunista.

“HANAPBUHAY SA TIMOG-SILANGANG ASYA”


Ang pangunahing hanapbuhay sa mga bansang nakapaloob sa Timog-
Silangang Asya ay galing sa mga likas na yaman dahil sa pagkakaroon nito ng
yaman sa mga natural resources.
Kagaya sa Bansang Cambodia, na ang kanilang pangunahing hanapbuhay
ay pangingisda at pagsasaka. Ang bansang Indonesia ay mayroong malalaging
kagubatang tropical kaya ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay
pangangaso, pagsasaka, pangingisda, at pagkakaingin. Ang bansang Laos
naman ay isang madundok na bansa kung kaya’t ang pangunahing hanapbuhay
doon ay pagtatanim at pagmmina. Ang bansang Malaysia ay sagana sa yamang
tubig kaya isa sa kanilang pangunahing hanapbuhay ay ang pangingisda. Ang
bansang Myanmar ay mayroong halos two-third (2/3) sa lupain agriculture o
agrikultura kaya ang pangunahing nanapbuhay ng mga nakatira doon ay
pagtatanim. Mayaman din ang bansang Myanmar sa mineral. Ang bansang
Pilipinas ay sagana sa yamang lupa at yamang tubig, kung kaya’t ang
pangunahaing hahapbuhay ay pagsasaka, pag-aalaga ng hayop, at pangingisda.
Ang bansang Singapore, ang pangunahing pamumuhay ng mga nakatira sa
bansang ito ay komunikasyon at kalakalan sapagkat hindi mayaman sa likas na
yaman ang bansang ito. Ang bansang Vietnam naman ay pagsasaka ang
pangunahing hanapbuhay. At ang bansang Thailand ay sagana rin sa likas na
yaman. Kalakalan, pagsasaka, at pagluluwas ng goma ang kanilang pangunahing
hanapbuhay.

“RELIHIYON SA TIMOG-SILANGANG ASYA”


Maraming relihiyon ang makikita sa Timog-Silangang Asya, subalit
mayroon lamang na anim na relihiyon na mas prebalante. Ito ang mga
sumusunod; Hinduism, Islam, Buddhism, Animism, Christianism, Confucianism.

“MGA PRODUKTO SA TIMOG-SILANGANG ASYA”


Maraming mga produkto ang mayroon sa Timog-Silangang Asya na
nanggagaling mula sa iba’t ibang bansa na sakop nito. Ang mga produkto na
meron ang bansang Camodia ay palay, papel, tela, at jute. Ang bansang Laos ay
may mga produktong mais, kape, bulak, tsaa, prutas, tabako, paggawa ng
palayok, leathercraft, at silverware. Ang bansang Malaysia ay may produktong
palay at nagproproduksyon din sila ng lata. Ang bansang Myanmar ay may
produktong mga bigas, ruby, sapphire, at jade. Ang bansang Pilipinas naman ay
mayroong mga produktong bigas at mga isda. Ang bansang Vietnam ay may
pangunahing produkto, ito ay ang palay. At sa bansang Thailand naman ay may
produktong palay at mga goma.
Dahil sa mayamang lupa ng rehiyon, ang Timog-Silangang asya ay
malawak sa sakahan. Palay ang pangunahing produkto ng ilan sa mga bansa
dito. Sa katunayan, dalwa sa pangunahing tagapagluwas sa Asya at sa buong
mundo ay ang Thailand at Myanmar.

You might also like