You are on page 1of 6

Singapore

Pamumuhay
Ang pamumuhay ng Singapore ay nagtataglay ng isang ekonomiya ng merkado (market economy) na
malaya,masagana at may open environment malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang
GDP nito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-export, particular ang sa sektor
ng elektroniko at industriya.

Panitikan
Ang panitikan ng Singapore ay binubuo ng isang koleksyon ng mga akdang pampanitikan sa anuman sa apat na
pangunahing wika ng bansa: English, Malay, Standard Mandarin, at Tamil. Maraming tula, dula, prosa, at
maikling kwento ang galing sa Singapore.

Edukasyon
Ang Singapore ay isa sa mga bansang may pinakamataas na per capita (GDP) sa buong daigdig. Ang kaunlarang
ito sa ekonomiya ay dulot ng kanyang mga iniluluwas na mga produkto na nakabatay sa elektroniks at
manufacturing. Gayundin ang bansang ito ay may mataas na literacy rate. Sa populasyon nitong mahigit apat
na milyon, 93.2% ang nakakabasa at nakakasulat. Matinding kompetisyon ang kaharap ng mga mag-aaral sa
Singapore pagpasok pa lamang sa pamantasan. Ito ay kadahilanang ang pagpasok at pagtatapos sa mga
unibersidad ay nangangailangan ng kaginhawaan sa buhay ng mga mag-aaral. Marahil isang malaking
pagbabago sa sistemang edukasyonal ng Singapore ay ang pagpapahintulot sa mga pamantasan mula sa
United States at Europa na makapagpatayo ng kanilang institusyon sa kanilang bansa.

Kultura
Ito ay sentro ng sining, kultura at mayaman sa aspekto ng teatro at musika. Ang kanilang lutuin ay sadya ring
de-kalidad. Ang mga tao ay nakasanayang maging disiplinado at hindi lumalabag ng batas. Kaya naman isa ang
Singapore sa mga pinakamaunlad na bansa.
Jewel Rose D. Dela Cruz 9 – KINGS
Mrs. Jocelyn Dela Cruz
Pilipinas
Kultura
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon
at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa
kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na
salita galing sa Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristyano, Pagano,
at iba pang local na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon ang mga bayan sa buong bansa ay nagsasagawa
ng malaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga
Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan.
Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi
ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia,
Indonesia, China, at Japan ay may malaking kontribusyon din sa kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at
Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila
at mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa
wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga
Pilipino. Marami sa mga pamahiin , hiniram na salita at pagkain tulad ng Pansit, Siopao,at iba pa ay minana sa
mga mangangalakal sa Tsino. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao
nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Kaugaliang Pilipino
Bayanihan: Nabuo ang bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapit-bahay a nagtutulungan kahit
kalian o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasiraan ng
gulong. Ang mga tambay at mga taong bayan na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit
ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan
ito ng paglilipat ng bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga gamit ay sabay sabay bubuhatin ng mga
kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng mga awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito
ay kabaligtaran ng ugaling Indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay


kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at sa iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang
panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang naninirahan malapit sa kanilang mga
kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili ng pamilya. Kadalasan ang isang bahay sa
Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang
binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at


mabuting pakikitungo sa iba.
Hiya: Ang kaugaliang hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat
kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan: ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang
hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa
kanilang mag-anak. Isang halimbawa ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi sapat ang
kabuhayan niya. Kung ang isa pinahiya sa maraming tao, sila ay nakakaramdam ng hiya at nawawalan ng lakas
ng loob.

Utang na Loob: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga
pagsubok na kaniyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa kaniyang pinanggalingan
ay hindi makararating sa paroroonan.

Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kaniyang dignidad.


Delicadeza: Isang ugali na kailangan na dapat ang isang taoay kumilos sa tama at nasa lugar.
Kailangang ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-anak.

Palabra de Honor: “May isang salita” Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang
mga sinabi nitong mga salita o pangako.

Indonesia
Is a country in Southeast Asia, between the Indian and Pacific oceans. It is the world’s largest island country,
with more than seventeen thousand islands, and 1,904,569 square kilometres (735,358 square miles), the
14th largest by land area and 7th in the combined sea and land area. With over 261 million people, it is the
world’s 4th most popular country as well as the most populous Muslim-majority country. Java the world’s most
populous island is home to more than half of the country’s population. The Sovereign state is a presidential,
constitutional republic with an elected legislature. It has 34 provinces of which five have special status.
Jakarta, the country’s capital is the second most populous urban area in the world. The country shares land
borders with Papua New Guinea, East Timor, and the eastern part of Malaysia. Other neighbouring countries
include Singapore, Vietnam, Philippines, Australia, Palau, and Indian’s Andaman and Nicobar Islands. Despite
it’s large population and densely populated regions, Indonesia has vast areas of wilderness that support a
high level of biodiversity. The country has abundant natural resources like oil and natural gas, coal, tin, copper,
gold, and nickel, while agriculture mainly produces rice, palm oil, tea, coffee, cacao, medicinal plants, spices,
and rubber. China, the United States, Japan, Singapore, and India are Indonesia’s major trading partners.

Kultura
Ang kultura ng Indonesia ay kinuha mula sa iba’t ibang rehiyon. Ngunit sa kabila ng impluwensiya ng mga
dayuhan, may mga tribo padin ang Indonesia na pinananatili ang kanilang kinagisnan tulad ng mga ritwal, mga
paniniwala at mga pangkatutubong kasuotan.
PROYEKTO SA FILIPINO

You might also like