Professional Documents
Culture Documents
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing
sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din
sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga
katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga
mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay
maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na
hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana
sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema
ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil
sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga
kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba
pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok
at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.
Kaugaliang Pilipino
Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man
kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga
taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang
nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga
bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang
kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang
kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit
sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang
bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng
iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung
ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na
ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang
pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila
ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.\
Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o
pan
Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang
sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang
kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba,
nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa
pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga
matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito.
Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita
rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.
Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang
mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang
tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila
upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at
iba pang bagay.
Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang
Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa
bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami
pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito.
Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa
pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang
ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa
sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan
at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa
pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang
pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan
tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang
Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng
pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de
gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng
Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa
misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.
Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang
Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga
kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat
Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin
sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay
pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak.
Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.
Ati-atihan
Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa
mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang
mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang
nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng
Santo Niño ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa
kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.
Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino.
Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa
baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo.
Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o
namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang
sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang
prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga
pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang
naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang
ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng
Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng
damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata.
Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si
San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga
produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang
bahay.
Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang
prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa
Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na
kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at
mga akadang kaugnay nito.
Pista ng Peñafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng
Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng
mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na
ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang
lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang
kasko.
Ramadan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing
Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng
okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at
tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng
mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila
sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga
pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon.
Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang
propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng
mga Muslim.
Gaya ng depinisyon ng wika, mahigpit ding nakatali sa tao ang ating pagbibigay-
halaga sa kultura. Sa isang klasikal na pananaw–yaong nanggaling sa sinaunang
Gresya at Roma–ay mas malapit sa pandiwa ang kahulugan nito; “Cultura animi”,
ayon kay Cicero, o ang paglilinang sa kaluluwa.
At katunayan ay popular parin ang ganitong pag-iisip hanggang ngayon. Sa akda
halimbawa ni Matthew Arnold na ‘Culture and Anarchy’ ay tinukoy niya ang kultura:
“…a pursuit of our total perfection by means of getting to know, on all the matters
which most concern us, the best which has been thought and said in the world, and,
through this knowledge, turning a stream of fresh and free thought upon our stock
notions and habits…” (Arnold, 2003). Mapapansin din ang ganitong pag-iisip sa
gamit ng mga terminong “high culture” at “cultured”. Para bagang nagpapahayag ito
ng isang paghihiwalay sa normal na gawain ng tao at sa yaong naglilinang umano
ng kaluluwa.
Tadtad ng problema ang ganitong depinisyon, hindi lamang dahil sa ito ay
komplikado at malabo, kundi dahil na rin sa posibilidad nitong magdulot ng pagkiling
sa isang partikular na grupo. Halimbawa, ang pag-iisip na mas nakatataas ang uri
ng “kulturang” kinikilusan ng mga elite sa lipunan ay isa sa mga malimit na
ginagamit upang bigyang kabuluhan ang ideya ng imperyalismo at elitismo. Ang
ganitong mahigpit na paghahati sa lipunan sa iba’t ibang antas ay nagreresulta sa
masamang pagtrato sa “mababang antas” ng komunidad. Kaya’t mahalagang ating
puspusang tukuyin ang kahulugan ng kultura at ang ugnayan nito sa ating
talastasan at pamumuhay.
Si Edward Tylor (Mula sa Wikimedia)
Sa halip na isipin nating isang gawain ang kultura, maaaring tukuyin ito gamit ang
arkeolohikal na depinisyon. Sa mga sanay ng arkeoloji at kasaysayan, ang kultura
ay may mas materyal atobjective na kahulugan. Ituon ang pansin sa pahayag na ito
mula sa akdang Primitive Culture ng Anthropologist na si Edward B. Tylor: [culture is]
“that complex whole which includes knowledge, belief, art, law, morals, custom, and
any other capabilities and habits acquired by man as a member of society”( 1871).
Samakatwid, sinasabi ni Tylor, gaya ng makikita sa akdang Kultura ng Wika ni
Prospero R. Covar, na maaaring uriin ang mga bagay na ating nalalaman sa
dalawang kategorya: kalikasan at kultura. Ang ganitong pagtutukoy ay mas
malawak, mas simple, at mas neutral kaysa sa dating natalakay.
Bilang paglilinaw, ang kultura ay ang kahit anong produkto o tagatanggap ng gawain
ng tao—ito man ay pisikal na aksyon o pag-iisip, sinasadya o aksidente, mabuti o
masama. Sa pagtutukoy ng kultura, walang kaiba ang pinakalumang tradisyon sa
Instagram. Ang klasikal na obra ay kultura; at gayon din ang isang plakang
nagsasaad: “Bawal umihi dito.” Ang akdang Noli Me Tangere ay kultura, at kultura
din ang “She’s Dating The Gangster” (Gaano man kasakit para sa aking sabihin
y’on).
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng kultura na sa loob ng mahabang panahon
ay tumulong upang hubugin ang ating paraan ng pag-iisip at pagtatalo. Gaya ng
isang martilyo na produkto ng ating pangangailangan ng magandang pamukpok,
ang wika ay kulturang umusbong mula sa ating pangangailangang mas epektibong
makipag-usap sa isa’t isa.
Bilang kultura, ilan sa mahahalagang palagay na maaaring gawin tungkol sa wika
ay:
ang wika ay gawa ng tao at may kabuluhan lamang dahil sa pagbibigay-kahulugan ng
tao;
ang wika ay hinubog at patuloy na hinuhubog ng gawain ng tao;
ang wika ay humuhubog rin sa ibang aspeto ng kultura ng tao;
Walang malaking kaiba ang wika sa ibang aspeto ng kultura ng tao. Ito ay may
kahulugan lamang dahil sa pagpapataw ng tao ng kahulugan dito. Ang bokabularyo,
balarila, at istraktura ng bawat wika ay hindi nakatali sa anumang natural na batas.
Bagkus, ito ay nakadepende sa grupo ng mga taong nagnanais ng wika upang
punan ang isang partikular na pangangailangan.
Ang salitang ‘trono’ ay masasabing kathang-isip lang natin. Hindi gaya ng kuryente o
tubig o pag-iisa, ang kahulugan ng mga titik na bumubuo sa ‘trono’ ay nakadepende
sa pag-iisip ng tao na ito ay upuan ng isang hari o lider. Ang mga pantig at tunog na
bumuo sa salitang ‘trono’ ay iilan lamang sa di-mabilang na serye ng mga tunog na
walang kahulugan sa labas ng ating species—sa labas ng lipunan.
Hindi lamang ito totoo para sa kahulugan ng mga salita; ganito rin ang katangian ng
ibang aspeto ng isang wika—ang syntax, alpabeto, at iba pang aspeto nito ay nabuo
lamang mula sa pagbibigay-kahulugan ng mga gumagamit ng wika. Gaya ng pag-
aaral ng mga lumang paso na nagreresulta sa isang limitado datapwa’t mahalagang
kaalaman ukol sa mga gumawa at gumamit ng pasong iyon, ang pag-aaral ng mga
katangian ng wika ay oportunidad na matuto tungkol sa mga nagsusulat o nagsasalita
ng wikang ito.
Sa akda ni Covar, nagbibigay siya ng isang maikli ngunit madiwarang
pagpapaliwanag ng mga katangian ng pagpapantig at istraktura ng wikang Filipino.
Ipapalagay ko na ang tagapakinig ay may sapat nang kaalaman ukol sa mga gamit
ng pangngalan, pandiwa, panghalip, pang-uri, pang-abay, at iba pang bahagi ng
pananalita. Dahil medyoredundant si Covar sa kanyang pagdidiskurso nito, pag-
usapan nalang natin nang mas maigi kung papaano nakahahanap ng koneksyon sa
wika at kultura.
Halimbawa, kung susuriin ang salitang baranggay, makahahanap ng koneksyon sa
orihinal na kahulugan nito—sa pinanggalingang Austronesian na ‘balangay’—at sa
kahulugan nito ngayon. Ilang libong taon mula ngayon, maaaring suriin din ng mga
historyador at mananaliksik ang wika ng ating panahon upang makakuha ng ideya
tungkol sa ating lipunang ginalawan, sa mga gawain ng tao, lebel ng pamumuhay,
atbp.