You are on page 1of 6

Matanglahi: Mga Kaugalian sa Pag-aasawa sa Ibaan, Batangas

(20 mins-Recording: Zoom and free cam 8 + advertisement)

● Daloy ng Programa at iskrip na dayalogo


1. Program Intro
- Video
- Script
2. Talk Show part 1 (share screen Ibaan kasal culture)
- Script
3. Advertisement (Jabee)
- Advertisement video
4. Talk Show part 2 (share screen Ibaan kasal culture)
- Script
5. Conclusion (Hosts will summarize learnings)
- Script
6. Program Outro
- Video
- Credits
● Host/Interbyuwer (Nakablazer o anumang pormal na kasuotan)
- 2 persons (tagalog peeps) both
- Host 1: Dynn
- Host 2: Althia
● Interbyuwi (pormal na kasuotan)
- 4 persons (taga Ibaan) (2 pairs of couples) couples
- Couple 1: Howard and Kyra
- Couple 2: Sean and Carylle
Script

Dynn: Oh mga kaibigan! Lunes na naman, at oras na para sa isa na namang


“Matanglahi!” Ako si Dynn Ebio…

Althia: At ako naman si Althia Laid at ito ang…

Both: MATANGLAHI!!!

Althia: So Dynn, sino-sino kaya ang makakasama natin ngayon araw?

Dynn: Naku! Nasasabik na nga rin akong makasama sila ngayong araw, tiyak
marami na naman tayong makukuhang panibagong aral galing sa kanila!

Althia: Nakakasabik nga ang pag-uusapan natin ngayon!! Dahil ang ating mga
bisita ay mula sa Ibaan, Bataan pero sila ay nagtatrabaho ngayon sa iba’t-ibang
bahagi ng mundo. At ang mas nakakasabik pa ay dalawang mag-asawa ang
makakasama natin ngayon at ibabahagi nila ang kanilang kaugalian sa pag-
aasawa!

Dynn: Wow! Sabik na akong makilala sila, Althia! Kahit na mag-asawa na sila,
hindi naging hadlang ang pagtatrabaho ng kanilang mga partner sa malalayong
lugar. Sa katunayan, ang unang mag-asawa ay nagtatrabaho sa London,
England at Vancouver, Canada. Habang ang ikalawang mag-asawa ay
nagtatrabaho sa Los Angeles, California at Melbourne, Australia.

Althia: Talaga namang napakalayo ng mga pinagtatrabahuan nila sa isa’t-isa


pero bilib ako sa pagiging matatag nila kahit na sila ay LDR! Sigurado akong
nasasabik na rin ang ating tagapanood partner! Kaya tawagin na natin ang ating
magaganda at poging bisita ngayong araw! *insert names sa couples*

Couples: *on cam*

Both: Magandang araw sa inyo!!! *smile*

Couples: Magandang araw naman sa inyo! Maraming salamat sa pag-imbeta sa


amin. Nagagalak kaming makilala kayo ngayong araw :)

Althia: Salamat din sa pagtanggap ng aming imbetasyon! Alam nating iba-iba


ang ating mga timezone kaya salamat sa paglaan ng inyong oras upang
makapanayam namin kayo! :)

● Q&A portion Part 1:

Dynn: Nang walang pag-aalinlangan pa, simulan na natin ang ating question and
answer portion. Una. Ano ba ang pagtingin niyo sa kasal?

Carylle: Para sa aming mga babae, ito ay isang pangarap. Ngunit sa mga lalaki
ito ay hindi kanais-nais dahil sa kaisipang malaki ang igagastos nito. Ngunit sa
huli, maganda naman ang pakiramdam na makakasama na ang aming mahal sa
buhay.

Althia: Talagang pangarap ng isang babae ang kasal no? Kahit na ito ay simple
lang pero malaki na ang magiging parte nito sa buhay ng isang babae. Pero
alam naman nating lahat na iba-iba ang nakagisnang kultura at kaugalian natin.
Kaya paano ba ang paraan ng pag-aasawa sa inyo?

Howard: May sistema kaming tinatawag na naisanan kung saan ang mga
magulang ng kalalakihan ay namamanhik sa mga magulang ng kababaihan. Ito
ay isang malaking okasyon na mapaloob ng maraming taong kakilala o malapit
sa proseso. Hindi lamang ang mga magulang ang nagsisikap kundi ang mga
kamag-anak at kapatid sa partido ng lalaki na ikakasal ang inaasahang tutulong
sa pagluluto at paglilinis. Walang parte sa pagtutulong ang sinuman sa partido
ng kadalagahan dahil sila ang nanunuyo. Partikular na mga gawain ng mga
lalaking kamag-anak at kapatid sa partido ng lalaki na ikakasal ang pag-iigib.
Ang mga dalagita at dalaga naman ang namamahala sa paghahain at pag-
iistima sa mga bisita. Ang mga may edad ang mga nasa pagluluto at ang iba ang
maghuhugas ng mga pinggan.

Kyra: Sa karagdagan, kasama rin ang kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at


mga kapitbahay. Maging ang mga tagamalayong lugar na nagkataong ninang o
ninong ng ikakasal ay kailangang dumalo o magpapunta ng kanilang kinatawan.
Gayunman, hindi sila uuwing mabigat ang loob sapagkat tiyak namang ang
kahon ng alaala ay nasa kanilang bahay bago pa man ang kasalan.

Dynn: Wow! Naparami naman ng preparasyon. Tunay na lahat na taong malapit


sa ikakasal ay parte talaga sa paghahanda. Nasaliksikan ko rin na mahaba raw
ang pamamaisan. Paano ba yun?

Sean: Ang pamamaisan ay hindi natatapos sa isang araw lamang. Ito ay tulad ng
pagpanhik sa hagdan na may mga baitang. Patubigan ang unang hakbang. Ang
mga kamag-anak ng lalaki at pupunta sa bahay ng mga pinsan ng babae upang
punuin ng tubig ang kanilang tapayan. Ilang araw matapos ang patubigan,
isusunod naman ang bulungan. Sa hakbang na ito ay pupunta sa bahay ng
babae ang mga magulang ng lalaki na may dalang malaking isdang tambakol.
Pag-uusapan na nila ang mga magiging ninong at ninang at mga abay sa kasal,
at petsa ng kasal at pati na ang ihahanda sa araw ng kasal. Ngayon din itatakda
ang halaga ng pamaraka. Ang ibig sabihin ng pamaraka ay ang perang ipambibili
ng gagamitin ng babaing ikakasal. Lahat ng bagay, tungkol sa gagamitin ng
babae, ay kailangang gastusan ng lalaki.

Carylle: Ang pagluluto naman ay sisimulan sa ante-disperas (ikalawang araw


bago ang kasal). Sa araw na ito ipadadala ang mga kahon ng mga alaala sa mga
ninong at ninang sa binyag, kumpil at kasal ng mga ikakasal. Sa bakuran ng
nobya ay magtatayo pa sila ng sibi, na siyang magiging lugar ng kainan sa
bisperas at araw ng kasal. May mga yerong sadyang pinauupahan para sa
ganitong layunin kaya hindi na sila kailangang bumili. Sa gabi, matapos
maghapunan ang mga bisita, ang mga bangko ay iaayos nang pabilog sa harap
ng bahay ng babaing ikakasal. Ang kabinataan at kadalagahan naman ay
magsisiupo sa naturang bangko upang pasimulan ang pasayaw.

Althia: Magbreak muna tayo at panuorin ang isang patalastas sa ating sponsor.

● Advertisement: video
● Q&A portion Part 2:

Althia: Nakakaaliw naman ang patalastas no? Hahaha! Nang walang pag-
aalinlangan, ipagpatuloy na natin ang usapan tungkol sa proseso ng
pamamaisan.

Kyra: Matapos ang sabitan, isusunod naman ang paghiling ng mga awitin sa
mga kamaganak at kaibigan upang bigyang-aliw ang mga nagtitipon at upang
mapanatiling gising ang mga tagaroon sa buong magdamag. Sa umaga ng
kasal, ang lahat ay sa bahay ng babae mag-aalmusal. Mula doon ay tutuloy sa
simbahan para sa panrelihiyong seremonya. Pagbalik sa bahay, ang sasakyan
ng mga bagong kasal ay sasalubungin ng mga paputok. Sasabuyan sila ng bigas
at bulaklak sa puno ng hagdanan. Bago naman pumasok sa mismong
kabahayan, may mag-aalay ng kalamay at inumin. Susubuan ng lalaki ang
babae at gayundin ang gagawin ng babae. Pagkainom ng tubig ng lalaki ay saka
pa lamang iinom ang babae. Pagpasok nila sa kabahayan, lahat ng naroroong
matatanda ay pagmamanuhan ng mag-asawa.

Howard: Sa dapit unang makatutuntong ang babae sa bahay ng kanyang


biyenan. Suot ang damit pangkasal, pangungunahan ng mag-asawa at ng mga
magulang ng lalaki ang munting parada mula sa bahay ng babae patungo sa
bahay ng lalaki. Bitbit nila ang kasangkapang ginamit, sunong ang mga talyasing
pinaglutuan at kipkip ang balutan ng mga basahang ginamit sa buong panahon
ng pamamaisan. Bilang huling hakbang, ang babae ay magbibihis na ng damit
pangkasal. Ang pagbibihis ay sa bahay ng lalaki ginagawa upang ipahayag na
ang lahat ng angkin ng babae ay ipinaiilalim na niya. Dito aktuwal na nagtatapos
ang pamamaisan.

Althia: Napakabongga naman ng pamamaisan! Maraming tao ang kasangkot at


napakarami ng handa! Nandito na tayo sa huling tanong. Mayroon bang mga
paniniwala na sinasama sa preparasyon?

Kyra: Mayroong parte na magsasabitan ng pera ang kani-kanilang partido. Dito


ay magpaparamihan ng maisasabit ang dalawang partido at di umano, ang
halaga ng naisabit ang siyang batayan ng pagkagusto sa nobya o nobyo ng
magiging biyenan nito. Kaya kung marami ang isinabit ng partido ng kalalakihan,
sadyang gusto nila ang naturang nobya para sa kanilang binata. Meron ding
pagsasabuyan ng bigas at bulaklak. Magpapakiramdaman kung sino ang unang
tatapak sa baitang sapagkat may pamahiin kami na kung sino ang mauna ay
siya ang mananaig sa disposisyon kapag sila ay nagsasama na. Pagpasok nila
sa kabahayan, lahat ng naroroong matatanda ay pagmamanuhan ng mag-asawa
bilang paghingi ng bendisyon. Mayroon ding pagsasaboy ng togeng nakababad
sa alak. Ginagawa ito upang maging masagana ang kabuhayan. Pagpasok
naman sa kabahayan ay sasalampak sila sa nakalatag na puting kumot. Ang
mag-asawa ay palilibutan ng mga kapatid ng lalaki upang hindi sila sugurin ng
hipag sa mga darating na araw. Titiklupin din nila ang inilatag na kumot bilang
simula sa kanyang pakikipamuhay sa kanyang mga biyenan.
Dynn: Napakaganda naman ng mga paniniwala no?

Althia: Oo nga, ako ay nabighani.

Dynn: Meron pa bang mga karagdagang tanong Althia?

Althia: Hmmm.. Ah, napag-isipan ko lang. Ano ba ang wika na iyong ginagamit?

Carylle: Tagalog pa rin ang gamit na wika ng mga Batangueño. May


pekyularidad din ito depende sa komunidad na gumagamit.

Dynn: Ano pa ba ang gusto n’yong ibahagi tungkol sa kaugalian ng inyong pag-
aasawa bilang mga tao sa Ibaan, Batangas?

Sean: Para sa akin, masasabi ko na ang kasal ay isa sa mga nagpapabago ng


isang tao. Napagtanto ko rin na meron talaga kaming natatanging kultura at
kaugalian sa pag-aasawa sa Batangas. Hindi man ito kagaya ng sa iba, ito
naman ang nag-uugnay sa amin.

Althia: Kakaiba talaga ang ating mga kaibigang taga Ibaan, Batangas, Dynn no?

Dynn: Oo nga, ngunit may mga pagkakatulad naman katulad ng pagkakaroon ng


kasunduan sa dalawang pamilya. Talagang konektado sa pagiging Pilipino pa rin
ang pagpapahalaga sa pamilya, at iba pa.

Dynn: Tapos na ang ating talk show tungkol sa kaugalian sa pag-aasawa sa


Ibaan, Batangas. Muli, ako si Dynn Ebio…

Althia: At ako naman si Althia Laid at ito ang…

Both: MATANGLAHI!!!

-credits-

You might also like