Professional Documents
Culture Documents
Yunit 1
Siquijor, Cebu, Barotac Nuevo sa Iloilo …………………………………………………p.5
Pagsusulit………………………………………………………………………………..p.34-36
Susing-sagot………………………………………………………………………………...p.36
KERAE…………………………………………………………………………………….p.37-38
Yunit 2
Aklan, Tribung Sulod, Tribung Tagbauna ……………………………………………...p.39
Pagsusulit ………………………………………………………………………………..p.47-48
Susing-sagot………………………………………………………………………………...p.49
KERAE………………………………………………………………………………………...p.50
Yunit 3
B’laan, Mandaya, Bukidnon……………………………………………………………..p.51
3.1 Ang mga B’laan…………………………………………………………………...p.52-55
KERAE…...………………………………………………………………………………..p.75-85
Yunit 4
Ilang kasanayang kultural (Bukidnon), Mansaka, Mamanwa…………………..p. 86
Pagsusulit ……………………………………..…………………………………….…..p.97-98
Susing-sagot…………..……………………………...…………………………………….p.99
KERAE………………………………………………………...………………….……p.101-102
Yunit 5
Meranaw, Zamboanga, Dapitan………………………………………………………p.102
Susing Sagot……………………………………………………………………………….p.117
KERAE………………………………………………………………………………….p.118-119
KERAE………………………………………………………………………………….p.121-122
YUNIT 1
Siquijor, Cebu, Barotac
Nuevo sa Iloilo
Pangkat 1
2.1 ANG ISLA NG SIQUIJOR: KALIGIRANG KASAYSAYAN AT ILANG IMPORMASYON
SA PANINGIN NG MGA MANANAMBAL (SITTIE JOBAISAH ALI)
● Ayon kay Tikos (Siquijor Today, 1999), ang isla ng Siquijor ay nadiskubre ni
Esteban Rodriguez sa ekspedisyon ni Legazpi noong 1565.
● Noong 1854 hanggang 1892, nasa ilalim ito ng pamamahala ng Bohol.
● Noong 1892, naging probinsya ito ng Negros Oriental.
● Naging ganap na probinsya ang Siquijor noong Setyembre 17,1971 sa
pamamagitan ng Republic Act No. 6393.
● Sa ngayon, bahagi ito ng Rehiyon 7 kasama ng Dumaguete, Bohol,
Negros Oriental, at Cebu
● May anim na bayan ang isla ng Siquijor:
■ Enrique Villanueva
● Binubuo ng labing-apat (14) na barangay.
● Sa tabi ng dagat ng bayang ito ay makikita ang Bohol.
● May sukat na 3,125 hektarya
● May sampung (10) kilometro mula sa bayan ng Larena.
● Ipinagdiriwang ang piyesta tuwing ika-16 ng Hulyo na
ang pangunahing patron ay ang Our Lady of Mt.
Carmel.
■ Larena
● Binubuo ng 23 na barangay.
● May kabuuang hektarya ng 5,026 hektarya
● Ang sentro ng komersyo sa Isla ng Siquijor
● Dito makikita ang daungan o pantalan ng mga bapor.
● Ang distansya mula sa Maria ay 11 kilometro, 12
kilometro ang layo mula sa bayan ng Enrique, 11
kilometrong layo mula sa bayan ng Siquijor.
● Si Saint Vincent de Ferrer ang kanilang patron,
kapistahan ay tuwing ika-3 ng Mayo.
■ Maria
● 5,135 hektaryang sukat ng lupain
● Binubuo ng 22 barangay.
● Salagdoong Beach – pinagmamalaki ng Isla ng Siquijor
- ay makikita dito.
● May layong 11 kilometro mula sa bayan ng Maria, 10
kilometro mula sa Enrique, 11 kilometro mula sa Lazi.
● Ang kanilang pangunahing patron ay ang Our Lady of
Divine Providence na ang ng piyesta ay tuwing ika-24
ng Mayo.
■ Lazi
● Binubuo ng 18 na barangay.
● May 6,362 hektarya.
● Ang pantalan ng Lazi ay dinadaungan ng mga barko
mula sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, at ng mga
galing sa Mindanao.
● Ang layo nito mula sa bayan ng San Juan ay 19 na
kilometro.
● Ang piyesta ni San Isidro Labrador ay tuwing ika-16 ng
Mayo.
■ Siquijor
● May pinakamaraming barangay; 42 na barangay.
● 6,408 na hektarya nag lawak nito.
● May layo na 11 kilometro mula sa bayan ng Larena, 7
kilometro mula San Juan.
● Si St. Francis de Assissi ang kanilang pangunahing
patron na ang piyesta ay tuwing ika-4 ng Oktubre.
■ San Juan
● Umaabot sa 11,371 ang naninirahan sa bayan ng San
Juan, ang karamihan ay mga ninuno buhat sa
nasabing bayan.
● Si Saint Aurelius Agustin of Hippo ang kanilang
pangunahing patron na ang piyesta ay tuwing ika-21
ng Oktubre.
● Ang ugali ng mga Siquijodnon batay sa mga mananaliksik ay:
■ Masisipag
■ Mababait
■ Matulungin
■ Mapagkakatiwalaan
■ May malasakit sa kapwa Siquijodnon at maging sa mga
taong buhat sa iba’t-ibang lugar.
■ Mapapansin na kilala nila ang isa’t-isa kahit nasa ibang
panig ng lugar ng Isla ng Siquijor.
■ Masasabing maaasahan sila sa panahon ng
pangangailangan.
● Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa
isla ng Siquijor.
Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may puson ang
habak na galing sa “kupo” o sa unggoy para hindi mahirapan sa
panganganak.
Kamatayan (SITTIE JOBAISAH ALI)
● May mga pinaniniwalaan din ang mga mananambal sa tuwing may
namatay.
● Ang kanilang mga sinusunod ay isang palatandaan ng lubos na
paggalang sa mga sumakabilang buhay.
● Sina Sopio Sumalpong, Tirso Sumondong, at Juan Ponce ay may parehong
kaugaliang pinaniniwalaan tungkol sa kamatayan. Ang mga ito ay:
1. Kung may namatay ay dadasalan ito ng siyam na araw at
apatnapung araw ang pagrorosaryo.
4. Babasagan ng baso ang ilalim ng ataul para wala ng susunod na
mamamatay.
5. Hindi dapat na tinutulugan ang patay dahil hindi maganda sa
pag-alala sa kanya.
6. Hindi maaaring kumanta, manood ng telebisyon, at makinig sa
radyo.
7. Kapag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin
nalang ang ikatlong araw bago maglinis.
Paglilibing (SITTIE JOBAISAH ALI)
● Ayon kay Conchita Sayre may mga paniniwala din sila sa paglilibing gaya
ng:
1. Daraan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatayan
upang hindi sunod-sunod ang mamamatay sa pamilya.
2. Ang mga natunaw na kandila sa simula ng lamay hanggang sa
katapusan ay ipasok sa nitso upang malayo sa kamatayan ang
pamilya ng namatay.
● May kasabihan na “Madaling bumuo ng punla, mahirap magpalaki ng
bunga.”
● Hindi madaling humubog ng anak. Ito ang karaniwang naririnig sa mga
magulang pero isang malaking karangalan ito sakanila na lumaki ang
anak sa tamang landas.
● Hindi maiiwasan na may sinusunod na kultural praktis ang mga interbyuwi
kaugnay sa paghubog ng isang anak. Ilan dito ang mga sumusunod.
1. Kailangan ilagay sa may pintuan ang pusod ng bata upang lumaki
siyang hindi mahiyain.
2. Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi
lumaking malikot.
● Ang mga grupo ng mananambal o albularyo sa Isla ng Siquijor ay may
kabuuang bilang na mahigit sa 1,000 miyembro, ngunit 110 lamang sa
kanila ang naniniwala sa Diyos. Samakatwid, ang nalalabing bilang ay
nahahaluan na ng ibang paniniwala. (Tirso Sumondong)
● Ayon kay Tirso Sumondong, ang sumusunod ay tradisyong sinusunod sa
panggagamot:
● Ayon naman kina Maxima Supol at Conchita Sayre, ginagawa ng mga
manggagamot ang mga sumusunod tuwing nanggagamot:
3. Hindi dinadala sa loob ng simbahan ang lumay dahil nawawalan ito
ng kapangyarihan.
● Hindi kaila sa atin ang pag-usbong ng mga makabagong pamamaraan
sa panggagamot.
● Bagaman sa kasalukuyan ay marami nang kagamitang teknolohikal sa
panggagamot, may naniniwala pa ring mga Siquijodnon sa tradisyunal
na paraan ng gamutan.
● Mas mainam pa rin sa kanila ang mga inireresetang halamang gamot ng
mga albularyo (mananambal) dahil sa kabisaan at kapuruhan (natural at
walang halong kemikal) ng mga ito.
Pamahiin (SITTIE JOBAISAH ALI)
1. Pag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang
ikakasal dahil may mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng
tatlong araw bago umalis.
2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang may kasal, suklayan at
painumin ng bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti.
3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang
bagong kasal para maayos ang kanilang buhay mag-asawa.
4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang
mamalayang may magnanakaw na papasok sa bahay.
● Ayon kay Generosa Balos, may mga paniniwala sila at seremonya na
kadalasang isinasagawa sa pagtatanim at pag-aani.
● Ang pagsunod nila dito ay nagbubunga ng masaganang saging, mais, at
kamote.
● Narito ang kanyang mga pahayag:
1. Kung magtatanim ng saging, dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng
malaki, magpakabusog, kumain ng marami at huwag tumingala para
magkabunga ng malaki at hindi matayog ang bunga nito.
2. Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang
ani ay matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa puso
upang hindi magalit ang mga diwata at para mabigyan ng
masaganang ani.
3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng tabako,
tuba, at tubig dahil may pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para
gawing pintos. Magpintos ka ng dalawa. Manalangin, pagkatapos ay
ilagay sa baul ang mga pintos.
4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay.
Gumapang habang nagtatanim at sabayan ng pagdarasal upang sinlaki
ng tuhod ang magiging bunga nito.
● McMillan Encyclopedia: ang mahika ay sistema ng mga paniniwala at
kaugalian na naniniwalang nakokontrol ng tao ang likas at supernatural
na puwersang nakaapekto sa kanyang buhay.
● Grolier Dictionary: isa itong sining na pinaniniwalaang nakokontrol at
nakakamanipula ng mga lihim na pwersa ng kalikasan sa pamamagitan
ng ritwal at mahiwagang paraan.
- Pagputol nitong lubid, pero pareho pa rin ang haba nito. Sa
paraang ito ay magdarasal ako ng Latin.
- Sa aking pagsasalita ng Latin, gagalaw itong mga anino na nasa
likod ng tela dahil sa aking mga kamay.
Aswang (LOUELLA ACUT)
● Sopio Sumalpong: ang mga kasunod ay paniniwala ng mga Siquijodnon
sa panggagayuma sa panliligaw:
1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din ang babae
sa lalaki.
2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae, ang
mga pinaghalong sangkap nito ay iba’t-ibang uri ng bulaklak, ugat
ng kahoy, lalo na ang matitinik. Ang mga mababango ang siyang
kinahihiligan ng mga babae.
3. Ang mga lumay ay kinukuha sa punongkahoy na kakikitaan ng
alitaptap. Dahil may nagmamay-aring espiritu, ito’y espesyal kaya
kaunti lamang ang kinukuhang bahagi ng puno.
4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at
tiklupin. Ipalo it ng tatlong beses sa lalaki na hindi niya
namamalayan para madaling mapaibig.
5. Ang pinakamatang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat.
● Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumami ang iyong
suki, ilagay ang lumay sa iyong pitaka.
● Naniniwala ang mga Siquijodnon na kung kukuha ng eksam, ilagay lang
sa panyo o bulsa ang lumay para hindi makalimutan ang pinag-aralan.
● Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumami ang iyong
suki, ilagay ang lumay sa iyong pitaka.
2.2 SULYAP SA KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG CEBU (LOUELLA ACUT)
● Republika ng Pilipinas: binubuo ng humigit-kumulang sa 7,000 pulo na
nahahati sa tatlong malalaking bahagi. (Luzon, Visayas, Mindanao).
● Cebu: Subwan ang umiral na wika na kahawig ng wikang ginagamit ng
mga karatig-pook nito tuland ng Bohol, Negros, Suiqijor, atbp.
● Cebuano: mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa Pilipinas bago
dumating ang mga Kastila.
○ Sa kanila nakita ang unang lakas na pagtatanggol ng kanilang
karapatan laban sa panlulupig ng mga dayuhan.
○ Lapu-Lapu: kilalang bantog na bayani sa kanyang matagumpay
na pakikihamok sa mga Kastila; sa kanang dugo nananalaytay ang
dugo ng unang kayumangging sagisag ng katapangan.
● Ika-14 ng Abril 1521: Sa dalampasigan ng Cebu unang naganap ang
pagdaraos ng unang misa ng mga Kristyano na naging tampok ang
pagkabinyag kay Raha Humabon kasama ang kanyang mga sakop at
mandirigma.
○ Matapos ang misa’y isang kurus ang itinirik bilang sagisag ng
pagyakap na ito sa Kristyanismo ng 800 Pilipino.
○ Ang mga Pilipinong ito na kinabibilangan ng mga Cebuan ang
siyang kauna-unahang matatawag na Kristyano sa kapuluan ng
Pilipinas.
● Raha Humabon at ang kanyang asawa: Unang Pilipinong hari’t reyna na
nataguriang Kristiyano.
○ Howard Lee Nostrand: Ayon sa kanya sa “Describing and Teching
the Socio-Cultural Content of a Foreign Language and Literature”,
matapos magkaroon ng hapunan ay bininyagan ang reyna sa
isang pananampalatayang Katoliko at ipinakita sa kanya ang
imahen ng Birheng Maria na kupkop nito ang sanggol na si Hesus at
isang krus.
○ Sa pagkakataong ito, nabakas sa kanyang mga mata ang luhang
nagpapatunay ng kanyang bukal sa pusong pagtanggap sa
Kristiyanismo.
○ Tinawag siyang Juana bilang alaala sina ng Emperador ng Europa.
● Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumami ang iyong
suki, ilagay ang lumay sa iyong pitaka.
● Taong 1565: Sa pamumuno ng anak ni Humabon na si Tupaz, natagpuan
nila ang pook na karapat-dapat na maging pinakamalakas na kuta ng
mga Kastila at katatagpuan ng maraming pagkain sa dalampasigan ng
Cebu.
○ Legaspi: sa kanyang pamumuno ay itinayo ang kauna-unahang
simbahan na pinangalanang Ciudad del Santisimo Nombre de
Jesus sa karangalan ng banal na pangalan ni Hesus.
○ Ito ang ginawang patron ng Lungsod ng Cebu sa pamamalakad
ng mga paring Agustino.
● Siyudad ng Cebu: mula sa pagkakatuklas nito noong 1565, ito ang
itinuturing na pinakamatandang siyudad ng Pilipinas.
1. Ang Monogamya
- Ikinararangal ng mga Cebuano ang kanilang pagiging binyagan.
- Minamahalaga nila ang pagkakaroon ng banal na krus na itinirik sa
lupain ng Cebu noong ika-14 ng Abril, 1521.
- Dahilan sa pagyakap na ito sa Kristiyanismo kung kaya maging sa
kanilang pag-uugali at kultura’y umusbong at umiral ang
monogamy.
- Sa mga tunay na Kristiyano, mahalaga at lubos nilang iginagalang
ang Sagradong Bagong Testamento ng Banal na Aklat na mahigpit
na nagbabawal sa pagkakaroon ng maraming asawa
samantalang buhay ang unang asawa.
2. Ang ligal na paghihiwalay
- Para sa mga Cebuano’y dalisay at mahalaga ang kasabihan sa
Banal na Aklat na ang isang babae’t isang lalaking pinagisampuso
sa harap ng Panginoon ay hindi maaaring maghiwalay sa ano
mang kadahilanan maliban sa kamatayan.
- Ang kasal ay itinituring na isang walang hangganang
pagkakaugnay ng dalawang kaululuwang pinag-isa sa harap ng
Diyos.
- Ang pag-iisampusong ito ay ginagawa ng isang pari sa simbahan.
3. Ang tinatawag na Bugay:
- Katumbas sa tinatawag na dowry.
● Ang mga sumusunod ay siyang kalimitang hinihingi ng mga magulang ng
nobya sa magulang ng nobyo:
○ Isang mesang espesyal na nauukol sa mga kaluluwa ng kanilang
mga ninuno na malaon nang pumanaw;
○ Isang buo o kumpletong kagamitan at damit pangkasal;
○ Gastos sa handa at kasal.
4. Ang pagbibigay-handog:
- Ang mga pagbibigay-handog sa kasal ay naging kagawian na ng
mga kamag-anak, bisita, at kaibigan na dumadalo.
Ang mga dalaga’t binata sa ppok na ito ay nararapat na dumaan muna sa
sumusunod bago magpakasal:
Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal (LOUELLA ACUT)
● Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis habang
ang araw ng kasal ay hinihintay.
● Hindi pwedeng isukat o isuot ng nobya ang kanyang damit pangkasal
hanggang hindi pa sumasapit ang takdang oras ng kasal.
● Pagkatapos ng kasal at habang papaalis na sa simbahan ang ikinasal,
kailangang hagdan at unang makahakbang paalist sa altar, kailangang
mauna ang isa sa kanila.
○ Ang mga Cebuano’y may paniniwala na ang unang
makakahakbang ang siyang dominante o masusunod sa lahat ng
bagay sa kanilang tahanan at sa kanilang pamumuhay.
● Ang bigas, asin, at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na
mauna sa kanilang bahay bago dumating ang ikinasal.
● Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kailangang
painumin ng isang basong tubig sa iisang baso ang bagong kasal upang
sila’y laging magkakaunawaan; sa hirap man o ginhawa ay laging
magkakapiling.
● Ang suklay ay kailangang isuklay sa buhok ng bagong kasal nang
makailang-ulit upang ito’y magkaroon din ng mahusay na pagsusunuran
at maayos na pamumuhay.
● Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahan
upang maging masagana at maligaya ang kanilang pagsasama
habang buhay.
● Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa
kasal ay nagtataboy ng kamalasan sa buhay mag-asawa.
● Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kailangang hindi muna umalisn
ng bahay nang sa gayon ay maging maligaya ang kanilang pagsasama
at hindi sila maghihiwalay kailan man.
Panuto: Basahin ang mga tanong at piliin ang tamang sagot sa mga
pagpipilian.
8. Tuwing ikalawang Sabado ng Enero idinaraos ito sa San Joaquin, Iloilo. Ito
ang siyang pagsisimula sa masiglang panahon ng mga kasayahan sa
Kanlurang Bisaya.
a. Dinagyang
b. Kapistahan ng Nuestra Senora de la Candelaria sa Jaro.
c. Pasungay
d. Paraw Regatta
Susing sagot:
1. D
2. C
3. A
4. A
5. A
6. A
7. B
8. C
9. A
10. C
11. A
12. A
13. A
14. B
15. A
PANGKAT 1: KERAE
FIL 67 - NF3
Konteksto
Eksperyens
Hindi kami nahirapang gumawa ng pagtatala dahil nagamit namin ang teknolohiya
para makagawa ng awtput. Hinati namin ang mga dapat gawan ng tala sa limang
miyembro para mas mapadali ang gawain at para may partisipasyon ang lahat ng
kasapi sa aming grupo. Marami kaming natuklasang bagong kaalaman tungkol sa
mga lugar na nabanggit. Marami ring mga bagong salita ang aming nakita at nabasa.
Ang iba ay tumatak dahil ito ay bago talaga sa aming mga pandinig. Mahirap man
ang pangkatang gawain, dahil sa nagtulungan kami ay napadali ito. Masaya naman
kami sa resulta ng aming gawain.
Repleksyon
Kaming lahat ay pawang wala o limitado lamang ang kaalaman tungkol sa mga lugar
na nabanggit sa parte namin para sa pagtatala na gawain. Hindi namin sukat akalain
na ayaman din sa kultura ang mga lugar sa Visayas at katangi-tangi pa ang
karamihan dito. Dahil sa pagtatalang ito, napag-isip isip namin na kailangan talaga
ang pagkilala sa mga iba’t-ibang grupo sa ating bansa para maiwasan ang
pagkakaroon ng alitan o hindi pagkakaintindihan kung sakaling makaharap man
namin ang mga taong mula sa mga grupong ito dahil sa kawalan ng impormasyon
tungkol sa kanilang kultura. Katulad nga ng sinabi nila na kung gusto mong respetuhin
ka ng iba ay matuto ka ding rumespeto sa kanila. At para sa amin, ang respeto ay
maipapakita mo kung sapat ang kaalaman mo tungkol sa pinanggalingan ng isang
tao at sa paraan ng pag-intindi mo sa kaibahan ninyong dalawa. Kaya naniniwala
kami na ang pagtuklas sa mga impormasyon tungkol sa mga tao sa bawat sulok ng
Pilipinas, pati sa buong mundo, ay importante at nararapat lamang na gawin nating
lahat.
Aksyon
Ebalwasyon
Pangkat 2
Filipino-67
Pangkat 2 – BSN-2F
➢ 2.4: Ang sining at kultura ng Aklan (Banza & Cubillas)
• Ati-atihan ay isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng
mga aklanon
• Ginaganap taon-taon tuwing buwan ng Enero sa bayan ng Kalibo,
Ibajay, Batan, Makatao, at Altayas.
• Ang pinakamasaya sa lahat ng pagdiriwang ay ang ginaganap sa kalibo
tuwing ikalawang linggo pagkatapos ng pista ng tatlong hari.
• Dalawang linggo palang bago sumapit ang pista marami ng
nagsisimula maglibot sa kalye sa pamamagitan ng tugtug at kalabog
ng walang laman na lata, kaldero, botelya, tambol, at iba.
• Masayang umiindak at pagsayaw-sayaw habang sumisigaw ng “Viva
kay Senyor Santo Niño” o “Hala bira, puwera pasma”
• Ati-ati ay nagnangahulugan na “gaya ng mga ati” ang maiitim na mga
unang tao ng Panay.
• Malaya ang bawat isa sa pagpili niya ng maging gustong kaayusan o
kasuotan.
• Habang sumisigaw ng “Viva kay Senyor Santo Niño” ang iba naman ay
sumasagot ng “Viva”
• Ang pagdiriwang ay nagiging kompleto kapag nakapasok na sa
simbahan at makahalik sa imahen ng Santo Niño sa altar at mahaplos
• Pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang prusisyon na
karaniwang nagsisimula sa ika-5 ng hapon sa huling araw ng
pagdiriwang.
• Karamihan ay nagdadala ng sulo mula simbahan hanggang sa malibot
ang bayan
• Pagkatapos ay babalik sa simbahan kung saan humahalik muna sila sa
Santo Niño bago umuwi
• Kailan nag simula ang Ati-atihan?
✓ Unang Bersion:
- Bago dumating ang Kastila mayroong iba’t ibang tribo ng mga
Ati na naninirahan sa Aklan. Nagkasundo na mamuhay nang
matahimik at ipinagdiwang ito. Ang pagdiriwang na ito ang
ginaganap taun-taon upang gayahin ang mga Ati,
nagpapahid ang mga nais makipagdiwang ng itim
- Padating ng Kastila ang pagdiriwang ay naayon sa pista ng
Santo Nino kaya nagkaroon ng banal na kahulugan. Ati o maiitin
na unang tao Malay o Maray ibig sabihin ay Malaynon
- Ngayon, ang tawag sa pagdiriwang ay Ati-Atihan
✓ Ikalawang Bersion:
- Tungkol sa kampana ng Madianos na natanggap ng kura
paroko galing sa isang napakagandang babaesa tabing dagat
- Ang kampana ay putting-puti at napakalaki (20 lalaki ang
nagbuhat)
- Isang batong simbahan ang ipinatayo para paglagyan nito
- Isang magandang babae na may dala-dalang Sto. Nino ang
nagpakita sa mamamayan at nagpayo na magpahid sila ng
itom na uling sa kanilang mukha at katawan.
- Isang datung nainggit at itinapon ang kampana sa ilog, mula
noon ang ilog ng Aklan ay palaging bumabaha at maraming
nasisirang pananim.
- Sto. Nino o Ati-Atihan ang tawag sa taun-taung isang banal na
seremonya.
✓ Ikatlong Bersyon:
- Nanggaling sa isang paring matagal nang kura-paruko ng
Ibajay.
- Nagmula raw ang Santo Nino Ati-Atihan sa pamamagitan ng
isang milagro.
- Kapilyang Casia ang kapeyang pinagkunan ng imahe ng Sto
Nino
- Ayon sa mga mananalaysay: “Ang Ati-Atihan ay nagsimula
noong ika-13 siglo, nagkaroon ng pagdiriwang dahil sa pagkabili
ng mga datung taga-Borneo sa isla ng Panay sa mga Negrito
nito, pinamumunuan ni Haring Marikudo.”
- Mula noon, ipinagdiriwang nilang palagi ang Ati-atihan tuwing
sasapit ang panahon ng tag-ani.
- Nagpapahid ng uling sa mukha ang mga taga-Borneo upang
magkapareho sila ng mga kaibigan nilang Negrito.
- Nang Dumating ang mga Kastila: “Ipininag-utos ng
enkomendero ng Aklan na si Don Antonio Flores, na ang pista ng
bayan ay gaganapin sa araw ng Sto. Nino, ang patron ng mga
Kastila.”
- Mula noon, ang Ati-Atihan ay ipinagdiriwang na tuwing
ikalawang lingo pagkatapos ng pista ng Tatlong hari.
✓ Isang maikling kasaysayan ng Aklan
- Nagsimula noong ika-13 siglo nang dumating ang isang
pangkat ng mga sultan na galing sa Borneo
- Ang pangkat ay binubuo nina Raha Sumakwil, Bankaaya,
Paiburong, at Datu Puti ang pinakapuno
- Binili ang Panay sa Hari ng mga Ati na si Haring Marikudo
- Sa pamamagitan ng isang gintong salakot at isang gintong
kuwintas
- Isang konpederasyon ang binua at tinatawag nilang
“Katilingban ni Madyaas”
- Binubuo ng tatlong lalawigan, Irong-Irong (ngayon ay Iloilo),
hamtik (Antique), Aklan (Aklan) sa pamumuno ni Raha
Sumakwel
- Ang pinakapuno ng lalawigan ng Aklan ay si Raha Bankaaya
- Ginawa na kabesera ang Madyaos (Ngayon ay Marianos,
Numancia).
- Noong 1213, ang lalawigan ng aklan ay maayos na binuo
- Ito ang anak niyang mga lalaki na si Datu Paiburong, Datu
Balinganga, Balinsosa, at Dagu-ob
- Si dagu-ob ay natatag sng kaniyang sariling pamahalaan sa
Capiz
- Nang namatay si Dagu-ob pinalitan ito ni Hagnaya
- Ang nagsipalit naman sa kanya ay datu na namuno sa Capiz si
Dinagandan
- Kung saan iniurong niya ang kanyan pamahalaan sa Aklan sa
bayan ng Batan.
1. Batay dito na kaung inilipat ang Tagbanua mula sa region IV (luzon) at naging bahagi ng
Region VI (visayas)?
a. EO 429
b. EO 422
c. EO 492
d. EO 433
2. Ito ay napabibilang sa pinaunang naninirahan sa isla ng Palawan at san aka paligid na
isla nito?
a. Tribung Aklanon
b. Tribung Ifugao
c. Tribung Tagbanua
d. Igorot
3. Ito ay paniniwala ng mga katawagang Tagbanua?
a. Nangangahulugang “people of the world” dahil sa “banua” na
nangangahulugang world o mundo.
b. Nangangahulugang “people from our place” mula sa banua na
nangangahulugang land o place.
c. Nangangahulugang “people from the inland” dahil sa banua na
nangangahulugang countryside o inland.
d. Lahat ng nabanggit
4. iba’t ibang instrumento na ginagamit sa pagsamba at sosyal na pagtitipon ng mga tribung
Tagbanua? Alin ang hindi kasama sa mga pagpipilian.
a. Arudin
b. Kulintang
c. Tiring
d. Babandil
5. Isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga Aklanon?
a. Ati-atihan
b. Mascara
c. Kalibo
d. Batan
6. Ang salitang Ati-Ati ay nangangahulugang?
a. Gaya ng mga atin
b. Gaya ng mga ate
c. Gaya ng mga ati
d. Gaya ng mga itim
7. Ang isa sa mga bersyon ay nagsasaad nab ago dumating ang mga kastila sa ating bansa
ay?
a. Mayroong iba’t ibang tribo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan.
b. Mayroong tatlong tribo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan.
c. Mayroong isang tirbo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan.
d. Wala sa mga pag-pipilian
8. Naging totoo ang hulang ito sa bayan ng Aklan?
a. Bumaha ang ilog ng Aklan dahil itinapon ang kampana sa dagat.
b. Naging mayaman sa ani ang Aklan
c. Mas Lumakas ang pananampalataya ng mga Aklanon
d. Isa sa mga pari ay nagging datu
9. Kailan dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan ang mga babae’t lalaki na
puno ng tatu ang mga katawan?
a. 1678
b. 1960
c. 1668
d. 1975
10. Ang imahe ng batang Jesus ay kilala bilang __ sa Pilipinas?
a. El Diablo
b. El Capitan
c. El elostrado
d. El Filibusterismo
11. Nagpapakita ng bukod tanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsya ng Leyte?
a. Kasadyaan Festival of Festives
b. Kasadyaan Festival of Festival
c. Kasadyaan Festival of Visayas
d. Kasadyaan Festival of Capitana
12. Ang kahulugan ng Kasadyaan sa diayalektong Bisaya ay?
a. Kalayaan at Kamatayan
b. Kakayahan at Kalakasan
c. Kamulatan at Kagalingan
d. Katuwaan at Kasiyahan
13. Itong tribo na ito ay matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz?
a. Tribung Igurut
b. Tribung Sulod
c. Tribung Aklanon
d. Tribung Tagbanua
14. Aling kombinasyon ng diyalektong ginagamit ng mga tribung (tamang sagot sa 13.)?
a. Kiniray-a at Hiligaynon
b. Hiligaynon at Bisaya
c. Tagalog at Kiniray-a
d. Bisaya at Tagalog
15. Isang etnikong grupo mula sa Indonesia na lumipat mula sa Mainland Asia at nanirahan
sa mga bundok ng Panay nang ilang dantaon?
a. Tribung Mundo
b. Tribung Sulod
c. Tribung Aklanon
d. Tribung Tagbanua
Mga Susing Sagot:
1. A.
2. C.
3. D.
4. B.
5. A.
6. C.
7. A.
8. A.
9. C.
10. B.
11. B.
12. D.
13. B.
14. A.
15. A.
Banza, Datu-Ramos, Cubillas, Carlos, Danseco PANGKAT 2
BSN2-NF
FILIPINO KERAE
Konteksto
Aming natuklasan ang kagandahan ng kultura ng mga taga Leyte at Samar na kung
saan ay ginaganap ang kapistahan ng Pintados. Ang mga Pintados ay ang mga babae’t lalaki
nap uno ng tatu ang mga katawan. Tinawag silang mga Pintados ng mga Espanyol noong
dumating sila sa Visayas na kung saan ay nagandahan sila sa Nakita nilang mga taong punong-
puno ng tatu sa katawan. Ginaganap ang kapistahan ng Pintados sa pamamagitan ng mga
drama at sayaw sa makulay na paraan na nagtatagal ng isang buwan.
Eksperyens
Hindi paman kami nakadalo sa pistang nasabi ay mapapansin naming na laganap na
ang pagtatu mulang unang panahon pa lamang. Kung ikukumpara natin, magkaiba ang mga
tatung nilalagay ng mga pintados kesa mga nakikita nating mga tatu ngayon. Ang pagtatu sa
kanila noon ay nagpapakita ng kagandahan, katapangan, at estado sa buhay. Kung
magpapatatu ka noon ay kaylangan mo pang Manalo sa ilang mga labanan upang deserb mo
talaga ang tatu na iyon. Sa ating panahon ay hindi na kaylangan ang ano pang pagsubok upang
magka-tatu.
Repleksyon
Halos lahat sa mga taong nakasalimuha ng ibang tao na may tatu ang iniisip ay isa itong
adik, masama, o madumi sa katawan. Kahit sa trabaho ay may mga trabahuan na binabawal
ang mga tatu. Hindi kailanman nagdidikta kung ano ang itsura ng tao sa kanyang ugali. Katulad
nalang ng mga Pintados na ang pagtatatu ay nagsisimbolo ng tapang, ganda, at estado ng
buhay. Sa kanilang paningin ay mas kaakit-akit ang may tatu sa katawan bagamat ito na ay
parte na sa kanilang kultura.
Aksyon
Hindi dapat natin dinidikta ang kaugalian ng isang tao sa kaniyang panglabas na itsura
katulad nalang ng pananamit at katulad nalang din ng tatu. Hindi natin matututunan kung ano
ang totoong ugali ng tao sa pamamagitan lamang ng pagtanaw sa panlabas na anyo. Dapat
ito ay nirerespeto dahil hindi ito isang bagay na bago pa lamang sa ating kultura. Ito ay
nakasanayan na sa panahon pa lang ng ating mga sinaunang kinagisnan.
Ebalwasyon
Karapat-dapat na panatilihin at mahalaga ding ipagpatuloy ang pagrespeto sa mga
ibang kultura/pangkat. Itong pagka-unique ang nagbibigay pagkakakilanlan sa kanilang grupo
na kung saan binibigyan nila ng importansya. Mabuting maipanatili ang pagkakakilanlan na
ito sa mga sumusunod pang henerasyon upang hindi maibaliwala ang nakasanayan ng kultura
na mula pa sa mga sinaunang panahon.
YUNIT 3
B'laan, Mandaya,
Bukidnon
Pangkat 3
Carylle Del Rosario
Mindanao
Ang Mga Lumads Sa Mindanao
3.1. ANG MGA B’LAAN
-ni Nelia Orpiano-Du
B’laan
- sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian na dumating at
naninirahan sa Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan
- ang unang gumamit ng Bangka bilang paraan ng kanilang
transportasyon patungong Pilipinas
- may pagkakatulad sa Sistema ng ponemang patinig ng mga B’laan at
ng mga Javanese sa Java; pareho silang may pitong ponemang patinig
- mas gugustuhin ng mga B’laan na tawagin silang B’laan kaysa Bilaan
dahil para sa kanila ang pagbigkas nito na Bilaan ay nangangahulugan
ng kawalang galang at kabastusan (Bilaan ay nangangahulugang
―malandi‖ o ―kalandian‖)
- ang terminong B’laan ay tumutukoy sa mga miyembro ng etnikong grupo
na noon ay tinatawag na Bira-an, Bara-an, Blaan o Bilaan (ang Bila ay
nangangahulugang kaibigan)
- mga tao sa bundok; nakatira sa matataas na bahagi sa mga
bulubundukin sa North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands, may ilan
ding nakatira sa palibot ng Lake Buluan, at ang ilan naman ay
naninirahan malapit sa mga dalampasigan ng Davao
Politikal
Bago dumating ang mga Kristiyano, ang politikal na teritoryo ng B’laan ay
nahahati sa maliit na baryo. Ang pamayanan ng B’laan ay
pinangungunahan ng datu o village chief na tinatawag na fulung (wise).
● fulong - ang pinakamatanda at pinakamaalam sa baryo na
itinuturing na maykaya sa buhay dahil sa pagkakaroon ng ginto,
alipin, at iba pang kultural na kagamitan
- hindi dumadaan sa pormal na pagpili. Hindi rin siya
humihingi ng mga bagay-bagay bilang pagkilala sa kanya
ngunit maaaring magbigay ang mga tao tanda ng kanilang
paggalang sa kanya
- ang may kayang fulung ay maaaring mag-asawa ng higit sa
isa hanggang kaya niyang suportahan
- itinuturing siyang pinuno, tagapagsanggalang,
tagapamagitan, at tagapagbigay ng solusyon sa mga
suliranin
- sa tradisyonal na sistema, ang kapangyarihan ng fulong ay
ekstensibo. Siya ang itinuturing na pinuno sa isang lugar. Siya
ay awtoridad sa pagpapatupad ng batas at hustisya at
nakikipag-ugnayan siya sa iba pang fulong
- sa kasalukuyan, ang fulong ay hindi na nagpapataw ng
parusa sa kanyang kapwa B’laan maliban na lamang sa
miyembro ng kanyang pamilya at sumusunod na ang mga
B’laan sa batas na ipinapatupad sa Pilipinas
Buhay ng mga B’laan
- ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan ay pagkakaingin, inigo
sakanilang wika
- may dalawang magkasalungat na paliwanag tungkol sa relasyon sa lupa
ng mga B’laan:
1. Kaingin - resulta ng paraan ng pamumuhay ng B’laan na
palipat-lipat ng lugar na iniisip nilang hindi kailangan ng
permanenteng lupa para sa kabuhayan
2. Dahil sa kalikasan ng kaingin, napipilitang lumipat ng
lokasyon ang mga B’laan at babalik sila kung maayos na
ang lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon. Palay
at mais ang unang itinatanim pagkatapos ay kamote at iba
pang pananim.
Pagdating ng mga Kristiyano
- ay nagbunsod sa pag-iwan ng mga B’laan sa kanilang minanang lupa;
ang lupa ay inangkin na ng mga mandarayuhang pamilya
- ang pagkakaingin ay itinigil na ng karamihan sa mga B’laan; karamihan
ay naging tenant o nangungupahan na lamang at ang iba naman ay
naging katulong ng mga Kristiyano
Paniwala
- naniniwala sa pagkakaroon ng pinakadakila na kinikilala nilang D’wata
(God). Siya ang itinuturing na Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana
(earth) at lahat ng bagay sa daigdig
- may tinagurian din silang L’nilong (fairies) na mas mababa sa D’wata
- ang kalikasan ay ipinagkatiwala upang pangalagaan
- ang L’nilong ay hindi manlilikha sapagkat tanging ang D’wata lamang
ang (creator o manlilikha)
- bilang Snalig (tagapangalaga), sila’y karaniwang tinatawag na M’ fun
Mahin (owner of the sea), M’ fun D’lag (owner of the forest). Ibig sabihin,
ang Panginoon ang manlilikha, ang mga L’nilong (fairies) ang
tagapangalaga at ang mga tao ang gagamit nito upang
mapakinabangan.
- hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan tulad ng hangin, lupa, tubig,
gubat, at iba pa. Para sa kanila ang lupa ay likha ng Panginoon at hindi
maaaring ariin ng sinumang nilalang. Maaari itong gamitin sa tamang
paraan upang mapakinabangan. Kung hindi, sisirain ni M’ fun Tana ang
lupa sa pamamagitan ng lindol o pagguho at pagkawasak ng lupa.
Kaya’t sasakahin ng mga B’laan ang lupa sa loob ng isang taon
- may pagtatanim ng palay na tumatagal ng limang buwan (Mayo-
Oktubre) at pagtatanim ng kamote sa susunod na limang buwan
(Nobyembre-Marso); pagkatapos nito ibabalik ng mga B’laan ang lupa
sa komunidad at lilipat ng ibang lokasyon upang isagawa ulit ang
pagtatanim
- ang ibang B’laan ay naimpluwensiyahan ng Kristiyanismo. May mga
tinanggap ang Kristiyanismo na karamihan ay protestante na bahagi ng
Christian Missionary Alliance Church of the Philippines (CAMACOP), United
Church of Christ of the Philippines (UCCP), United Methodist Church at iba
pa. Ang ilan naman ay Katoliko. Tinatayang 40 % ng mga B’laan ay
naging Kristiyano.
Bahay ng mga B’laan
- ang bahay ng mga B’laan ay may taas na anim hanggang sampung
pulgada mula sa lupa at may hagdan na binubuo ng tatlong baytang
- ang haligi ng bahay ay yari sa ipil-ipil o gemilina
- ang dingding ay yari sa kawayan at kogon naman ang ginamit na pang-
atip
- may isang kuwarto lamang ang bahay ng mga B’laan
- iisa ang nagsisilbing kusina at sala nito
- nakasabit sa mga dingding ang mga sandata na gawa sa kahoy tulad
ng espada, kutsilyo, itak, at iba pa
- ang silong ng bahay ay nagsisilbing kulungan ng mga alagang hayop
tulad ng manok, pato, at kambing
Kasuotan
- ayon kay Javier (1998), parehong nagsusuot ng tela na yari sa abakang
kasuotang pantaas ang mga B’laang babae at lalake
- ang mga blusa ng mga babae ay napapalamutian ng mga makikinang
na mga materyales tulad ng mga beads at mga butones
- ang mg dyaket ng mga lalaki ay di gaanong burdado.
MGA SAGUTIN:
1. Ano ang terminong tumutukoy sa mga miyembro ng etnikong grupo na
noon ay tinatawag na Bira-an, Bara-an, Blaan o Bilaan?
Sagot: B’laan
2. Ano ang tawag sa pinakamatanda at pinakamaalam sa baryo na
itinuturing na maykaya sa buhay dahil sa pagkakaroon ng ginto, alipin, at
iba pang kultural na kagamitan?
Sagot: fulong
3. Sino ang itinuturi nilang Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana (earth)
at lahat ng bagay sa daigdig?
Sagot: D’wata (God o Panginoon)
4. Ano ang ipinagkatiwala sa kanila upang pangalagaan?
Sagot: kalikasan
5. Anong parte ng kanilang bahay ang nagsisilbing kulungan ng mga
alagang hayop tulad ng manok, pato, at kambing?
Sagot: silong ng bahay
Dynn Ebio
Ang Mandaya
● Isang tribo ng Davao Oriental
● Makikita sila sa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga, Brgy. Pichon, Davao
Oriental
● Marami nang pagbabago sa tribung ito sa kasalukuyan ngunit nananatili
pa rin ang kanilang katutubong pamamaraan sa Brgy Pichon
● Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang ―man‖ (tao) at ―daya‖ (
itaas na bahagi ng ilog)
● Tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the Uplands
● Karaniwang naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Southern
Mindanao na matatagpuan sa Davao del Norte, Compostela Valley
province, Agusan del Sur, at Davao Oriental
● Sa Davao Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga
Mandaya
Ang Sangab
● Matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng Davao
Oriental, sa munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon
● Mula sa poblasyon ng Caraga ay may apatnapung (40) kilometro ang
layo at may isang libo at dalawang daan (1,200) na talampakan ang
taas mula sa dagat
● Mahirap ang pagpunta dito dahil sa malayo at lubak-lubak ang daan
● Mahal ang pamasahe o bayad sa motorsiklo na tinatawag na habal-
habal; umaabot sa halagang isang libo (1,000) ang bayad nito
● Motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahero para makarating
lamang sa tuktok ng Sangab
● Minsan, kung may maraming produktong abaka, mais, at mga gulay na
ibebenta sa bayan ay hinahakot ito ng sadam na isang uri ng sasakyan
tulad ng dump truck
● Dito, lubos na napapanatili ang kasuotan nilang Mandaya, gayundin ang
paghahabi nito na tinatawag nilang dagmay (a woven cloth made of
abaka)
● Ang Sityo ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga
sasakyan, malayo sa polusyon, at walang gulo
● Ang mga taong naninirahan dito ay nasa kanilang sakahan upang
magtrabaho
○ Lunes hanggang Sabado ng umaga ang inuukol nila sa
pagtatrabaho sa bukirin
○ Tuwing Sabado ng hapon naman, sila ay umuuwi sa kanilang mga
tahanan upang paghandaan ang misang dadaluhan sa araw ng
Linggo
● Walang sinumang makapapasok sa Sangab kung walang pahintulot ang
kanilang tinaguriang tribal chieftain
MGA SAGUTIN:
1. Ano ang ibig sabihin sa katagang Mandaya sa Ingles?
Sagot: Inhabitants of the Uplands
2. Ano ang sasakyang pampasahero na makarating sa tuktok ng Sangab?
Sagot: Motorsiklo na Habal-habal
3. Kanino dapat humingi ng pahintulot upang makapapasok sa Sangab?
Sagot: Tribal chieftain
4. Ano ang tawag sa mga taong nagsusumikap sa pagpapaalala sa mga
kabataang produkto ng bagong henerasyon at kung ano ang
katanggap-tanggap sa lipunan ng mga Mandaya?
Sagot: Mangkatadong
5. Ano ang tawag ng mga Mandaya sa kanilang Dios?
Sagot: Magbabaya
Kyra Famacion
Pagpapakasal at Pag-aasawa
● (Ayon sa mga naging impormante) Ang pag-aasawa ay isang paraan
lamang upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang.
● Ang mga magulang ang nag-uusap para sa kanilang mga anak, at kahit
sa panliligaw din ay kasama rin sila
● Sa mga babae naman, pinapaburan nila ito kung siya ay gimbubayan.
● Gimbubayan
- babae na alam at marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki,
gaya ng pangangaso.
● Walang pagkilala o pagtiyak sa taon kung kailan mag-aasawa ang isang
babae o lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito
ay pwede na.
● Ang gustong mag-asawa ay madiditermina lamang kung:
1. Ang mga lalaki ay marunong ng mangaso, magtayo ng bahay,
magsaka ng sakahan, at iba pa
2. Ang mga babae marunong nang magluto, magtanim, at gumawa
ng iba pang gawain sa bahay.
● Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake
ay hindi biro at kailangan itong sumunod sa mga hakbang:
1. Pagdali-dali – ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa
bahay ng babae.
2. Pagatud-atod – isang bahagi ng pamamanhikan na ang lalaki ay
magdadala ng mga pagkain sa bahay ng babae.
3. Pagkagon – dadalhin na ng lalaki ang kanyang mga magulang
upang ipakilala sa pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito
ay kailangan nang pagusapan ang sukat (dowry) ng babae.
4. Pagtawas – tumutulong na sa mga gawain ang lalaki sa pamilya
ng babae.
5. Pagbutang ng sukat – susubukin ang kakayahan ng lalaki ng
pamilya ng babae.
6. Pag-ol’lonan – ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo
(remembrance) na sasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng
dalawang panig.
7. Pagtutuonan – ito ang panahon ng kasalan. Isa itong seremonya
na lahat ng tao sa pamayanan ay imbitado.
8. Pagdudul’logan – pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa
kanilang bahay at iiwan ang babae sa mga magulang. Makalipas
ang tatlong (3) araw, pwede na silang magsiping sa bahay ng
babae sa isang gabi lamang. Mayroon na namang kainan na
ihahanda para sa mga kaibigan na hindi nakadalo sa
pagtutuonan (kasal).
9. Pagdadal’laan – ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung
saan ang babae ay dadalhin na sa bahay ng lalaki.
Panganganak
● Sa pagbubuntis, ang Mandayang babae ay:
1. Palaging hinahaplasan o pinapahiran ng mga herbal na gamot.
Pagdating ng ikalimang buwan ay hinihilot ng manghihilot.
2. Ang mananabang ay
- gumagamit ng mga tagal’lumo (mga bagay-bagay o
halaman na pinagsama-sama/pinaghalu-halo para
panggamot).
- Hinihilot ang tiyan para mapabuti ang lagay ng bata sa lolob
ng tiyan at para pagdating ng kanyang kapanganakan ay
hindi na siya mahihirapan.
- Pagsapit ng ikasiyam na buwan o panahon na ng kanyang
panganganak, siya ay nagmomonitor hanggang sa isilang
na ang sanggol.
- May mga palatandaan ang mga mananabang kung ang
sanggol ay babae o lalaki. Kung hindi makikita sa porma ng
tiyan at sa katawan ng ina, malalaman din nila ito sa
posisyon ng bata sa tiyan. Hindi katulad ng mga tao sa
patag na sila’y gumagamit ng ultra sound para malaman
kung lalaki o babae ang nasa loob ng tiyan ng babae.
● Sa panahon g panganganak, ang buntis ay
1. Hinahaplasan ng tagal’lumo para pampadulas upang mapadali
ang paglabas ng bata.
2. Sa pagsilang ng bata ay agad puputulan ng pusod, lilinisan,
payuyukuin, at pipikpikin o kaya’y kukurutin para umiyak na
palatandaang buhay ang bata. Ang gamit sa pagputol ng pusod
ay lais— gawa sa kawayan na matulis ang gilid at nagsisilbing
kutsilyo.
● Pagkatapos ng panganganak:
1. Ang mananabang ay bibigyan ng mga gamit o di kaya’y pera o
hayop bilang pasasalamat.
2. Pagkalipas ng tatlong araw, ang ina at sanggol ay pwede nang
maligo. Ang tubig panligo na gagamitin ay nilalagyan ng sagbong
(gabon) o kaya’y dahon ng kalamansi. Naniniwala sila na bukod sa
mabango ang sagbong ay pangontra din ito sa panuhot (gas
pain) na nararamdaman. Ang pusod ng sanggol naman,
pagkatapos maligo, ay pinipigaan ng marguso (dahon ng
ampalaya).
3. Ang ina ay hindi pwedeng magbuhat ng mga mabibigat na
bagay para hindi ito mabinat.
4. Sa ikatlong araw, ang pamilya ay maghahanda na para sa
gagawing bunong.
● Bunong
- isang ritwal para sa bagong silang na sanggol
- Sa kasalukuyan, ito ay sinasabi nila na isang binyag para sa
sanggol.
- magkakaroon din ng seremonya. Lahat ng mga kapitbahay at
mga kaibigan ay inaanyayahan upang saksihan ang gagawing
pagbunong.
- Isang espesyal na panauhin ang mananabang (local midwife na
tumutulong sa panganganak) na tanda ng pasasalamat.
- ang bata ay ipapakita at ipapakilala sa mga taong dumalo.
Maghahanda ng masasarap na pagkain.
- ginagawa ang pagbibigay ng mga bagay-bagay o regalo ng
mga dumating sa paniniwalang mapadadali ang paglaki at
malalayo sa sakit ang sanggol.
Pagdidiriwang ng Kaarawan
● Pagdidiriwang ng kaarawan
- Hindi sinusunod
- Noong unang panahon, kapag may ipinanganak na sanggol, ang
ama ay agad magtatanim ng punongkahoy sa kanilang bakuran
para maging kasabay ito sa paglaki ng kanyang anak. Ang
punongkahoy na itinanim ay magsisilbing tanda rin ng edad ng
sanggol.
MGA SAGUTIN:
1. Ano ang tawag sa mga babae na alam at marunong gumawa ng mga
gawain ng lalaki, gaya ng pangangaso?
Sagot: Gimbubayan
2. Ito ang tawag kung ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa
bahay ng babae.
Sagot: Pagdali-dali
3. Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan ang babae ay
dadalhin na sa bahay ng lalaki.
Sagot: Pagdadal’laan
4. Ano ang tawag sa mga bagay-bagay o halaman na pinagsama-
sama/pinaghalu-halo para panggamot?
Sagot: Tagal’lumo
5. Ano ang tawag sa ritwal para sa bagong silang na sanggol?
Sagot: Bunong
Sean Go
Pananampalataya
● May ritwal na ginagawa ang mga Mandaya bilang paraan ng
kanilang pasasalamat at paghingi ng kapatawaran sa mga
nagawang kasalanan kay Magbabaya (God).
● Ito ay kailangan upang suyuin ang masasamang espiritu upang
hindi manggulo sa mga tao. Pinaniniwalaan din ng mga Mandaya
na habang nabubuhay pa ang tao dito sa donya (sanlibutan) ay
maraming mga manudyaay (tukso) ang maaaring maganap kaya
kinakausap at humihingi sila ng tulong sa mga ispiritu. Ngunit ito’y
hindi nangangahulugang kanila na itong sinasamba.
● Ang Mandaya ay lubusang naniniwala na ang lahat ng bagay ay
talagang may nagmamay-ari kaya, dapat lamang magbigay-
galang o respeto gayundin ang pagpaalam sa mga espiritu na
naninirahan tulad ng nasa punongkahoy o di kaya’y sa ibang
lugar.
Gamot
● Sinasabi ng mga katutubong Mandaya, na ang kagubatan ay
nagsisilbi nilang palengke at parmasiya sapagkat dito sila
kumukuha ng kanilang pang-araw-araw na pagkain at gamot.
Kung ang gubat ay mawawala sa kanilang buhay, para na ring
nawawala ang kanilang kabuhayan, gayundin ang kanilang
kultura.
Paniniwala sa Sakit
● Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang may masasamang
espiritu na sumanib, dumapo o di kaya’y nakialam sa katawan nito.
Marahil, dahil hindi niya nirespeto o di kaya’y nakaligtaan niyang
magpaalam sa mga naninirahang espiritu sa lugar na kanyang
napuntahan. Kung ang lugar na iyon ay bawal puntahan,
kailangang tandaan at huwag talagang puntahan o lapitan
upang walang masamang mangyari.
Pampaganda
● Para sa tribong Mandaya, ang kagandahan ay makikita sa ugali
lalung-lalo na kapag ang babaeng Mandaya ay byagid o
byabagid (ang ngipin nito ay pinutulan). Ang mga babae ay
dapat kompleto sa gamit, mula sa byatataan (embroidered
blouse), linangaw (necklaces), balikog (earrings), pamul’lang (set
of bracelet), kurbata (breast cover made of beads) at iba pa.
● Ang mga sangkap na kanilang ginagamit sa pagpapaganda ay
kinukuha lamang nila sa mga halaman at bulaklak na tumutubo sa
kagubatan. Ito ay kanilang dinudurog, pinipiga at ipinapahid sa
kanilang mga mukha upang pumuti at mawala ang taghiyawat.
Pagluluto
● Ang pagluluto ng Mandaya ay di-pangkaraniwan. Ang lahat ay
niluluto sa kawayan. Kung bigas ang lulutuin ito ay tinatawag na
yumbol’l. Gamit ang kawayan ay babalutin ito ng dahon ng
halamang bagikik. Ang karne, pasayan, kasili, at iba pang ulam na
niluluto sa kawayan ay tinatawag na lul’lut. Kung ang isda o karne
ay iihawin ay tinatawag itong sinugba. Kung ito naman ay binalot
ng dahon ng saging at iihawin, ito naman ay tinatawag na bungos.
Napakasarap nito kapag kompleto ng katutubong mga sangkap
kagaya ng dul’law, kabuwayna, sibuling, luya, kalabo at tanglad.
Ang mga sangkap na ito ay gamit din na mga gamot nila.
Ilang Pamahiin
a. Ang pagputol ng puno ng balite ay napakadelikado sapagkat bahay raw ito
ng mga engkanto o aswang. Kung gagalawin ito ninuman sila’y magkakasakit.
b. Kung may namatay, kailangang maglagay ng apoy sa ibaba ng bahay para
hindi lapitan o makain ng aswang ang patay.
c. Kapag ang isang babae ay buntis, kailangang mayroon siyang dalang suwa
(bawang) lalung-lalo na sa kanyang kwarto upang hindi malapitan ng aswang.
Pinaniniwalaan na ang mga sanggol ay paboritong putahe ng aswang.
d. Upang hindi mahirapan sa panganganak ang isang buntis ay hahakbangan
siya ng kanyang biyenang babae nang pitong (7) ulit upang ang sanggol ay
madaling lumabas.
e. Hindi rin pwedeng kumain ng ―buguk‖ o hindi napisang itlog dahil ito raw ay
nakakatamad.
f. Ang mga dalagang babae ay hindi dapat kumain ng tiwi (buntot) ng manok
upang hindi ito maglalandi o magakiwot-kiwot (kekembot-kembot).
g. Ang mga dalaga o buntis na babae ay bawal kumain ng magkadikit na
pagkain gaya ng saging, upang hindi magdoble ang kanilang asawa o kaya’y
upang hindi rin magkadikit ang magiging mga anak.
Mga Taboo
○ Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga ipinagbabawal ng
katutubong
● Mandaya:
1. Bawal pagtawanan ang mga nakikitang hayop na nagtatalik baka
kumulog at kumidlat.
2. Bawal makipag-asawa ng kapamilya baka ang anak ay maging
abnormal.
3. Bawal tumawa kapag may kulog at kidlat at baka ikaw ay kainin ng
kidlat.
Konsepto sa Oras
● Ang mga Mandaya ay may kakaibang konsepto o sinusunod na
oras. Ito ay naiihayag lamang sa pagmamasid sa araw, mga bituin
at sa nakapaligid na mga hayop. Ito talaga ang nagsisilbi nilang
orasan. Halimbawa, kung ang araw ay nakasentro sa gitna ng
bahay, tanghali na. Kung maririnig ang unang tilaok ng manok
(rooster) sa madaling araw, ito ay nangangahulugang ala una
(1:00am) na ng umaga. Kapag nagpapalitan na ng mga tunog
ang inahing manok, ito ay nangangahulugang alas-3 na ng
madaling araw.
● Ang ibong kal’law naman ay nagtatakda rin sa kanila ng oras. Ito
ay humuhuni maya’t maya na may interbal na tigtatlumpung
minuto kaya nasusundan nila ang oras sa buong araw.
MGA SAGUTIN:
1. Naniniwala ang Mandaya na kung may namatay, ito ay kinuha na ni?
Sagot: Ibol’l
2. Anong termino na ang ngipin ay pinutulan?
Sagot: byagid o byabagid
3. Ano ang nagsisilbi nilang palengke at parmasiya?
Sagot: Gubat
4. Ang asawa ng namatayan ay maglimbo (magtatalukbong ng dagmay)
sa loob ng ilang araw?
Sagot: PIto (7)
5. Sa Pinaniniwalaan ng Mandaya bakit may lindol?
Sagot: Lumilindol sapagkat ang kasiling nasa ilalim ng lupa ay
gumagalaw dahil maaaring nasasaktan ang bahagi ng katawan nito o di
kaya’y sobrang nainitan o nalamigan.
Althia Laid
MGA SAGUTIN:
1. Ang kauna-unahang Kaamulan Festival na ginanap noong
Sagot: Mayo 15, 1974.
Konteksto
Eksperyens
Repleksyon
Aksyon
Ebalwasyon
Konteksto
Esperyens
Marami akong bagong natunan sa paksang ito. Naaliw din ako sa aking
pagbasa lalo na tungkol sa mga paniniwala at gawi ng mga Mandaya. Marami
talagang barayti ng kultura at wika sa Pilipinas. Nakatulong din ang pagtatala
para lubos kong maunawaan ang mga depinisyon, konspeto, at paliwanag.
Dahil dito, mas madali kong maisaisip at mapag-aralan ang modyul.
Repleksyon
Aksyon
Ebalwasyon
Konteksto
Eksperyens
Repleksyon
Aksyon
Konteksto
Eksperyens
Repleksyon
Aksyon
Matagal nang pinapanatili ng Meranaw's ang kanilang kultura. Para sa
akin, dapat iyon ang kaso kahit na hindi tayo mga Meranaw. Dapat nating
gawin ito upang mapanatili ang pinagmulan at ang ating tradisyunal na
pamumuhay hindi para sa atin lamang ngunit para sa mga susunod na
henerasyon ng ating bansa.
Ebalwasyon
Konteksto
Eksperyens
Repleksyon
Aksyon
Konteksto
Eksperyens
Repleksyon
Aksyon
Tulad ng nalalaman natin ang bawat aktibidad ay isang makabuluhang
seremonya na sumasalamin sa kayamanan at pagkakaiba-iba ng kulturang
Bukidnon. Mabuti na mas mapanatili ang mga kultura, paniniwala at tradisyon,
kasama ang mga valyu at sa kung ano pa ba ang mga bagay na natutunan
ng mga mamamayan sa lipunan mula sa kani-kanilang mga ninuno. At mas
maganda sana kapag ito ay mapanatili at maibahagi sa mga susunod na
angkan.
Ebalwasyon
Pangkat 4
Ilang kasanayang kultural (Bukidnon) Mansaka, Mamanwa
(Maribao at Nagac)
● Higaunon
○ “People of the wilderness”
● Matigsalug
○ Mga tao galing sa Tigwa-Salug, San Fernando
○ “Mga tao sa ilog ng Salug”
○ Lalaki:
■ Maikling-masikip na pantalon hanggang tuhod
■ Tinuping turbante o telang pamugong sa ulo na may butyl o
beads na may buhok ng kambing o kabayo
○ 146,500 ang populasyon.
● Talaandig
○ Isandaang libo (100,000) ang populasyon
○ Nakatira sa barangay at munisipalidad ng Bundok Kitanglad
○ Magbabaya – Diyos
■ Naniniwala na ito ang pumoprotekta sa kanilang kalikasan na
makikita sa sosyal, pulitikal, at pangkabuhayan na aspekto ng
kanilang buhay
○ “We gather soil of different colors and use white glue as paint binder”
○ Soil painting
■ Kabataang magpinta at nananalo ang mga ito sa paligsahang
rehiyunal at nasyunal na naging daan ng pag-angat ng kanilang
kabuhayan
● Tigwa/Tigwahanon
○ Watak-watak sa buong munisipalidad ng San Fernando hanggang
Davao Del Norte
○ Guwa o scattered sa ingles at mula sa ilog tigwa kung saan sila nakatira
○ Bilang ng Tigwahanon ng Agusan Del Norte, Bukidnon, Agusan Del sur at
Misamis Oriental ay umaabot ng 36,128.
● Umayamnon
○ Nakatira sa iIog ng Umaran sa Probinsya ng Bukidnon.
○ Kilala dahil mahinhin, matatag kung magdesisyon, at eksperto sa gubat.
○ Katamtamang kulay ng balat at tangkad, prominenteng panga at buto
sa dakong itaas ng pisngi o cheekbone.
○ Gumagawa sila ng mga:
■ Butyl o beadworks bilang palamuti sa katawan
● Ginakit at inaboy o kwintas
● Suning o handbag ng lalaki
● Binuklad o pulseras.
○ 101,906 ang populasyon.
Ilang mga Kasanayang Kultural (Miñoza)
● Pangampo
○ Isang taunang ritwal na nangyayari tuwing buwan ng Enero na
pumapaloob sa pagdarasal para sa kanilang Diyos na si Magbabaya
○ Pinepreserba at pinoprotektahan ang pitong (7) pinakaimportanteng
bagay sa mundo: lupa, tubig, punong kahoy, apoy, hangin, tunog, at
paniniwala at tradisyon
● Panagulilay
○ Nagaganap tuwing buwan ng Marso at humihingi kay Magbabaya ng
ulan para sa kanilang lupang sakahan
■ Salangsang ay isang sermonya rin sa paghingi ng pahintulot kay
Magbabaya na magtatanim ng iba’t ibang halamang pagkain
■ Pang-ibabasok ay pagsamba bago at pagkatapos magtanim.
Nangangailangan ng tatlong manok na kulay puti, pula, at dilaw
■ Panangga o proteksyon sa kanilang tanim na tinatawag na
layag-layag.
■ Talabugta ay taunan ginagwa. Nagpapasalamat din sa lupang
puno ng kasaganaan. Ginagawa nila ito kung sila ay nagtatanim
● Lagong
○ Isang pasasalamat sa mga biyayang dumating mula kay Magbabaya
○ Gumagawa sila ng tula o musikang tunog bilang mainit na pagtanggap
sa mga kagalang-galang na bisita
● Samayaan
○ Isang ritwal ng buong lugar bilang pasasalamat sa isang buong taong
kapayapaan at matiwasay na lipunan
○ Nangyayari ito sa buwan ng Oktubre o katapusan ng taon
● Pangapar
○ Isang pagtitipon ng lahat ng mga manggagamot upang maitaboy ang
mga pinagmulan ng sakit at karamdaman
○ Nangyayari ito kung may epidemya o mabilis na pagkalat ng
nakakahawang sakit
Mga Katutubong Instrumento (Miñoza)
● Agong
○ Ginagamit bilang pantawag sa lahat ng mga miyembro upang
magpulong
○ Tinutugtog ito sa pamamagitan ng paghampas sa tuktok nito gamit ng
isang patpat.
○ Ginagamit din ito ng mga Muslim tulad ng mga Maranao,
Maguindanao, o Tausug
● Tambol
○ Gawa sa hungkag na kahoy
○ Ginagamit ito tuwing may festival at tinutugtog ito sa pamamagitan ng
paghampas sa dulo ng patpat na pantambol
● Bantola
○ Gawa sa kawayan na may makahilerang linyang butas sa gitna na may
isang istring
○ Ang saluray ay isang instrumentong tulad nito ngunit may walong
kwerdas na siyang nakalilikha ng tunog
● Kutyapi o Kudyapi
○ Ito ay parang gitara na may mahabang leeg at may isa o dalawang
kwerdas
○ Kinakaskas ito upang tumaginting ang tunog na nililikha nito
○ Ang kudlong ay tulad nito ngunit mas malaki ang katawan nito at
mahaba rin ang leeg na katulad din ng gitara
● Kuratong
○ Pinatugtog ito kung may binatang na dumating sa kanilang lipunan
○ Ito ay gawa sa buko ng kawayan na may hugis rektanggulo sa dulo
○ Ang haba nito ang nagpapalakas ng tunog na nabubuo sa
pamamagitan ng patpat
● Palala
○ Plawta ng Bukidnon
○ Ito ay may walong butas na tinatakpan kung pinatutugtog sa
pamamagitan ng pag-ihip sa dulo ng kawayan
● Kubing
○ Mahaba’t makitid at manipis na piraso ng kawayan
○ Ito ay may maliit na butas sa gitna na may iba’t ibang tono ng tunog
○ Ang tagining ng tunog nito ay nagmula sa pag-ihip ng instrumentong ito
● Talapak
○ Isang kalahating hiwa ng kawayan at isa pang pirasong manipis na
kawayan na pinagkalatog upang makalikha ng tunog na halos
magkahawig sa tunog ng palakpak ng kamay
○ Ginagamit ito kung nagtatanim ang mga magsasaka
● Lantoy
○ Gawa rin sa kawayan na may tatlong butas
○ Tinatawag din itong badtek
○ Kinopya rin ito sa instrumentong pulendag na mas malaki sa lantoy
ngunit may tig-aapat na butas sa itaas at ibabang bahagi
● Lebpad
○ Isang uri rin ng tambol ngunit gawa ito sa manipis na kahoy
Etnikong Awitin (Miñoza)
● Limbay
○ Patulang awitin na pagpapahayag ng mang-aawit ng kanyang Hinaing
at damdamin
● Sala
○ Nagpapahiwatig ng panliligaw
● Nanangaon
○ Awiting puro lamang sa aliwan
○ Inaawit tuwing gabi o nagbabalat ng mais, naghahabi ng banig at
naglilinis ng ratan
● Basahan
○ Pagbigkas sa mga salawikain o kasabihan ang Bukidnon
○ Ginaganap tuwing may paligsahan upang malaman kung sino ang
magaling
● Idangdang
○ Awiting nagbabalik-tanaw sa mahahalagang pangyayari sa kanilang
kasaysayan
● Kaligaon
○ Awiting tumatawag ng mga diwata
○ Dapat malumanay at malagintong ang boses ng umaawit upang
maging epektibo ang awiting ito
○ Inaawit tuwing kaligaan at mga kababaihan ang kadalasang umaawit
nito sabay ang pagsasayaw ng dugso
● Antoka
○ Pagtutunggaling berso tungkol sa halaga o presyo ng dowry ng anak
na babae
Ilan sa Mga Etnikong Sayaw (Miñoza)
● Binanog
○ Tipikal na sayaw ng tribung Talaandig na ginagaya ang galaw ng isang
ibong kilala sa tawag na banog
● Tinambol
○ Kalalakihan at kababaihan ng Talaandig bilang pag-aaliw at pag-aalay
sa kanilang Diyos na si Magbabaya
● Saut
○ Sinasayaw ng mga lalaki lamang ay nagpapakita ng pagiging eksperto
sa iba’t ibang estilo at sining ng pakikipaglaban
● Sayaw pagadugsa
○ Ang paggaya ng paglalakbay ng isang mangangaso
● Inagong
○ Sayaw pang-aliw kung may pagtitipon at piyesta
● Talupak
○ Ipinapakita ang kanilang pamamalakad at paraan ng pagtatanim,
pag-aani at pagpapahangin ng palay
● Tinagpi
○ Paggaya sa pagtatanim ng palay
● Bubudsil
○ May hawak na poste o haligi bilang pandurog ng butil ng palay
● Dugso
○ Isang ritwal na sayaw ng kababaihan tuwing may selebrasyong
panrelihiyon
● Pinagkabula
○ Pagsasayaw ng mag-isa o solo
● Binalanak
○ Sosyal na sayaw
Mga Etnikong Damit at Kagamitan (Miñoza)
● Datu or lider ng tribu
○ Nakasuot ng pang-itaas na may mahabang manggas, may kuwelyo at
mahaba ring pantalong.
○ Marami ang kulay pula, itim, o asul at may palamuting pinaghalo ang
kulay pula, itim, asul, dilaw, berde at puti.
○ Disenyo ay tinatawag na: Linabian, Ginontingan at Kinabuka.
■ Linabian – ginupit na pira-piraso sa tuwid na tabas ng tela na
naglalaman ng maraming kulay at idedesenyo sa harap ng polo,
blusa, palda at pantalon sa dulo ng manggas.
■ Ginontingan – may zigzag na disenyo at inilalagay sa mga gilid
nito.
■ Kinabuka – paggugupit ng pira-pirasong parisukat na tela at
katulad ng linabian at ginontingan, ito ay tinatahi na gamit ang
kamay laman.
○ Solang-solang
■ Disenyo tulad ng Ginontingan na may hugis korona ng
pinakamataas na datu o pari
■ Gawa ito sa butyl o bead na nakadikit sa tela at buhok ng hayop
tulad ng kambing o kabayo.
○ Tangkulo
■ Espesyal na tela na ginupit na may hugis na tatsulok, nilalagyan
ng bead, butones, o tipay at buhok ng hayop
■ Ito ay laging ginagamit o dinadala ng datu at dito inilalagay ang
kanyang kamama o mama(betel nut at lime), pabango, at iba
pa.
○ Salibulan
■ Maliit na kahon na gawa sa ginto pilak o bronse.
○ Iba pang kagamitan ng Datu:
■ Sangi - matulis na kutsilyo nakakurba na may espesyal na
artistikong sakuban nakadikit
■ Bari/Bolo, kalasag o taming, bangkaw o kalawit, baliug o kuwintas
■ Panutod - tattoo. Itim na tintang nasa ibat ibang parte ng
katawan ng Datu
● Bae o asawa ng isang Datu
○ Imahen ng bulaklak o linsong tela
○ Meron din silang linabian, ginontingan at kinabukang disenyo ang damit
○ Patadyong
■ Saya o palda na maaaring may guhit o simple lamang
■ Kulay pula, asul, o puting kulay
○ Panika
■ Isinusuot tuwing may festival
■ Himaymay na sinulid o yarn
■ Ang materyal ay galing sa patpat ng kawayan at balahibo ng
manok
○ Benoong
■ Isang lasong disenyo ng pinong tela
■ Dekorasyon kung may pagtitipon at espesyal na okasyon
■ Simbolo ito ng pagrespeto sa asawa ng kanilang datu
○ Balaring
■ Kuwentas na gawa sa sinulid at butyl (mga bead)
■ Kapulan na maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse at
nilalagyan ng mga personal na gamit tulad ng mama at iba pa
○ Lebad
■ maliit na buslo mula sa rattan na may bead, butones at buhok ng
hayop na inilalagay sa gilid nito
● Songol - pulang sinturon
● Tacus - pulseras sa bukong-bukong (anklet) na yari sa bead
● Senibod - yari sa kahoy
● Sonong - buslo ng babae at bukala sa pulseras
3.4 Ang Mga Mansaka (Mah)
● Isang etnikong grupo na matatagpuan sa Rehiyon XI
- Davao del Norte at Compostela Valley
● Mansaka = umakyat
- “The first people to ascent to the mountain or go upstream”/ mga taong
unang umakyat sa bundok
● May malaking bahagi ng ancestral domain sa ComVal Province at Davao del
Norte
- Hindi sila subgroup o subtribe ng Mandaya
● Ikinabubuhay (sinaunang Mansaka)
- Pagsasaka; pangangaso ng mga ibon, baboy ramo, usa, atbp. Hayop;
at pangingisda (dapat silang mangisda sa kanilang teritoryo lamang)
- Ibinahagi nila sa kanilang kasamahan ang mga nahuhuli
● Mahilig sa paggawa ng dagmay o damit (abaka at iba-ibang disenyo),
basket, palayok, at brasswares (pandekorasyon at gamit sa bahay)
- Natatanging kulay sa damit: asul, dilaw, puti, itim, at pula
*** pula = ito ay para lamang sa mga datu, bagani at anak na lalaki ng
datu
***asul, dilaw, at puti = para sa mga babae; kahit anak ng datu.
● Balyan o Ritual practitioner
- May mga gawain at pag-uutos na sinusunod ng mga Mansaka (lao na
sa panggagamot at pagsasagawa ng ritwal)
- Malaking bahagi sa panahon ng pagtatanim at pag-aani
- Upang itaboy ang masamang espiritu at peste
- Magbabaya = Pinaniniwalaan nila na Diyos
- Panggagamot = nakuha nila sa gubat at sapa
● Naniniwala sa mga espiritung nakatira sa kagubatan
**lalo na sa puno ng balite
● Pagsasaya
- Panahon ng pag-aani, pagpapakasal, pagbibinyag, pagpapatuli,
pagpapasalamat sa masaganang ani, atbp.
● Katutubong sayaw, awit, mga instrumentong pangmusika (kahawig din sa
instrumento ng ibang tribu pero iba sa katawagan, gamit, at sa paraan ng
pagpapatugtog)
● Pagsusuot ng mga palamuti sa katawan; may mga pagkakaiba kung
pambabae o panlalaki
- Balyog (kuwintas) = masa malaki ang para lalaki kaysa sa babae
= isinusuot kapag may okasyon; sagrado ito sa kanila
= datu, bagani, at baylan ang gumagamit nito
araw-araw
● Kapag may namatay na Mansaka
- Pinaglalamayan ng dalawang gabi at sa pangatlong araw ang
kanyang libing.
- Hindi rin ginagalaw ang kanyang paboritong pagkain o inumin ng
namatay ayon sa tagal ng pangako nila sa kanya kung hanggang
kailan na hindi ito gagalawin
- Iniwasan din ang mag-ingay tuwing dumadalaw sa puntod ng namatay
- Ang bahay kung saan namatay ang Mansaka ay sinusunog o
tinatanggalan ng dingding
- Nililinis ang lugar at lumilipat sila sa bagong tirahan---dahil sa
paniniwalang hindi na mabuti ang bahay kapag namatayan
● Pag-aasawa
- Pinaghahandaan at isinasaayos
- Iba’t ibang yugto tungo sa paglagay sa tahimik
> tagna o pag-alam, mangusip o panunuyo, manubay o
pagpapaabot, at mamungad o mamanhikan
> malaman kung magkano ang gagastusin ng lalaki sa kasal
- May dalawang pagpipilian ang lalaki upang mapangasawa ang
babae:
1. Tumitira siya sa bahay ng babae upang manilbihan nang sa ganoon
wala na siyang dowry na ibibigay sa pamilya ng babae
2. Hindi muna siya makakaakyat sa bahay ng babae kapag hindi siya
makapagbibigay ng halaga o bagay na tinatawag “saud sang
gatas ng ina” o “sahud sa gatas ng inahan”
- (ibibigay ng lalalki) Baboy para sa kasal at perang pambayad sa lahat
ng kamag-anak ng babae
- Tinutumbasan din daw ito ng babae
3.5 Ang Mga Mamanwa (Olarita)
● Mga taong bundok na maiitim, pandak, kulot ang buhok at sarat ang ilong na
may maiitim na mata
● Mga Aeta sa Mindanao
● Naninirahan sa hilagang-silangan na mga probinsya ng Surigao at Agusan
● Gumagamit ng kanilang diyalekto kung nakikipag-usap sa kapwa Mamanwa
● Nakapagsasalita rin sila ng wika ng mga taga ibang bayan
● Aeta, Ayta, Agta (Ata), Ate, Ita
○ Galing sa salitang-ugat na “it”, ibig sabihin ay “maitim” sa Tagalog, at
“itumon” sa Cebuano
● Mamanwa
○ First forest dwellers
○ Galing sa salitang “man” (first) “banwa” (forest)
● Kongking
○ Bantog na tawag sa mga Mamanwa dahil sa kulot nilang buhok
○ Galing sa salitang “conquista”, ibig sabihin ay “the conquered ones”
● Sumusunod sa mga yapak ng unang tao sa Pilipinas na dumating mula sa
mga lugar ng Asia 50,000 taon na ang nakalipas
● Sila ang pinakamatandang pangkat na naninirahan sa Pilipinas at
pinangalawahan ng mga Aeta sa Luzon
● Mga lagalag (nomadic): naghahanap ng makakain sa bawat lugar na
kanilang napupuntahan kaya wala silang permanenteng tahanan
● Kumukuha sila ng mga orkidya, nuts, ratan, at pulot upang ibenta sa bayan
● May mga kagamitan sila para manghuli ng mga usa, baboy ramo, unggoy, at
malaking ibon
Pananampalataya at Ilang Gawain
● Ikalabimpitong siglo: isang Agustinong Misyonaryo ang sumulat na ang mga
Mamanwa ay walang ideya tungkol sa relihiyon at sibilisadong kaugalian
● Magbabaya
○ Pinaniniwalaan ng mga Mamanwa na pinakamataas
● Pagdidiwatahan
○ Pananalangin nila tuwing kabilugan ng buwan
○ Isang uri ng panalangin ng buong komunidad na pinangungunahan ng
tambayon
○ Naniniwala sila na ang buwan o ang araw ay tahanan ng manililikha
nila
● Moon- Prayer
○ Isang dasal na pasalita na may kasamang tugtog at sayaw ng mga
katutubo
○ Magsisimula sa pagpapakita ng buwan at magtatapos sa kadiliman ng
gabi ang pagdarasal
Agrikultural na Paniniwala at Gawain
● Ang mga Mamanwa ay walang bahay, taniman at kahit mga kasangkapan
● Mayroon lamang silang pana at busog at ilang makapal na lansetang
ginagamit sa panghuhuli ng mga isda at hayop sa lupa
● May pansamantalang bahay sila na gawa sa kahoy at mga dahon
● Nag-aagrikultura sila ngunit dahil sa mga lagalag sila kung kaya naiiwan din
ang kanilang pananim
Pag-aasawa
● Karaniwan sa mga mag-asawa ay labintatlo hanggang labing-anim na taong
gulang lamang
● Monogamous o isa lamang ang asawa dahil hindi nila kayang buhayin ang
maraming asawa
● Hindi sila nag-aasawa ng kamag-anak
● Minsan, ang mga magulang ang nag-aayos ng kanilang pag-aasawa
● Pamadje
○ Ang lalaki ay humihingi ng tulong sa mga magulang niya upang
mapuntahan ang tahanan ng babae
● Bogay o Bride’s price
○ Ito ay hinihingi ng mga magulang ng babae sa pamamagitan ng
kawali, kaldero, gong, bolo, pera, at iba pa
● Ang Seremonya
○ Ang dalawang ikakasal ay uupo sa sahig na malapit sa isa’t isa na may
kaharap na isang pinggan na puno ng bigas
○ Kukuha sila ng bigas, hahawakan iyon at ang kabilang kamay ng lalaki
ay hahawak sa kabilang kamay ng babae at sasabihin ng baranggay
kapitan sa sila ay mag-asawa na
● Kombite
○ Ang pagkatapos ng kasal
Tungkol sa Ilang Paniniwala sa Kamatayan
● Takot silang mamatay
● Kung may namatay sa kanila, ipinalilibing kaagad
● Hindi sila mag-iingay o iiyak dahil baka magalit daw sa kanila ang mga
engkanto
● Habang inililibing ang kamag-anak nilang namatay, ang iba naman ay
naghahanda para sa paglisan sa lugar na iyon
● Ilang paniniwala:
○ Pagbasag ng pinggan sa kabaong upang mapahinto ang susunod na
kamatayan o walang susunod sa kanilang mamamatay
○ Hindi kailangang magpaalam ang mga bisita kung aalis na para sa
katahimikan ng namatay
○ Hindi magwawalis ng sahig kung may patay pa sa bahay para
maiiwasan ang sunod-sunod na pagkamatay
○ Pagtangon
■ Ang mga nagbabantay ay hindi matutulog dahil maaaring
dumating ang masamang kaluluwa at palitan ang patay
Balik-aral na Pagsusulit
Topic: Ilang kasanayang kultural (Bukidnon) Mansaka, Mamanwa
1. Ito ay may zigzag na disenyo at inilalagay sa gilid ng damit ng Datu o Bae.
a. Ginontingan
b. Solang-solang
c. Linabian
2. Ito ay isang sayaw ng mga lalaki dahil nagpapakita ito ng pagiging eksperto sa
iba’t ibang estilo at sining ng pakikipaglaban.
a. Tinambol
b. Inagong
c. Saut
3. (Enumeration) Ayon sa kulturang pangampo, ano ang pitong (7)
pinakaimportanteng bagay sa mundo?
4. Ito ay hinihingi ng mga magulang ng babae sa pamamagitan ng kawali, kaldero,
gong, bolo, pera, at iba pa.
a. Bride’s price
b. Pamadje
c. Seremonya
5. Ilang gulang ang karaniwan sa pag-aasawa ng mga Mamanwa?
a. Labing walong hanggang dalawampu’t tatlo
b. Labintatlo hanggang labing-anim
c. Labindalawa hanggang dalawampu
6. Sila ay naniniwala sa mga espiritung nakatira sa kagubatan.
a. Mamanwa
b. Panika
c. Mansaka
7. Ano ang kahulugan ng Mansaka bilang mga umakyat?
a. hindi sila subgroup o subtribe ng Mandaya
b. mga taong unang umakyat sa bundok
c. mahilig sa paggawa ng dagmay o damit
8. May mga gawain at pag-uutos na sinusunod ng mga Mansaka.
a. Baylan
b. Datu
c. Tangkulo
9. (Tama/Mali) Ang kulay asul, dilaw, at puti ay para lamang sa mga datu, bagani at
anak ng datu. Ang kulay pula ay para sa mga babae.
10. Sila ang pinakamatandang pangkat na naninirahan sa Pilipinas?
a. Mamanwa
b. Aeta
c. Mansaka
11. Bakit tinawag na lagalag ang mga Mamanwa?
a. Dahil sila ay mga taong bundok na maiitim, pandak, kulot ang buhok at sarat
ang ilong na may maiitim na mata
b. Dahil takot silang mamatay
c. Dahil naghahanap sila ng makakain sa bawat lugar na kanilang
napupuntahan kaya wala silang permanenteng tahanan
12. (Tama/Mali) Naniniwala ang mga Mamanwa na ang buwan lamang ang
tahanan ng manlilikha nila
Susing Sagot
1. A
2. C
3. Lupa, tubig, punong kahoy, apoy, hangin, tunog, at paniniwala at tradisyon
4. A
5. B
6. C
7. B
8. A
9. Mali - Ang kulay asul, dilaw, at puti ay para sa mga babae at ang kulay pula
ay para sa mga datu, bagani, at anak ng datu.
10. A
11. C
12. Mali - Naniniwala sila na ang buwan o ang araw ay tahanan ng manlilikha nila
Repleksyon
Konteksto
Sa linggong ito ay naatasan kaming maghanda ng isang pangkatang
pagtatala at balik aral na pagsusulit para sa paksa namin. Ang paksa sa tala ng
grupo namin ay ang “Ilang kasanayang kultural (Bukidnon) Mansaka, Mamanwa”.
May ilang kasanayang kultural sa Bukidnon tulad ng pangampo, pangulilay,
pangapar, samayaan at lagong. Marami din mga instrumentong pangmusika sila,
ang agong ang pinaka madalas na ginagamit nila, at gumagamit sila ng anumang
iba pang mga karaniwang instrumentong etniko. Sa paggamit ng mga
instrumentong ito, marami silang mga awitin at sayaw din. Sa paggamit ng mga
instrumentong ito, marami silang mga kanta at sayaw din. Ang Mansaka na
matatagpuan sa Compostela Valley ng Region XI, ay marami din similar na aspeto
ng kultural. Natatangi sila bilang ang mga taong unang umakyat sa bundok.
Partikular sila sa kanilang damit at palamuti sa katawan. Ang Mamanwa ay ang
mga Aeta sa Mindanao. Sila ang pinakamatandang pangkat na naninirahan sa
Pilipinas at pinangalawahan ng mga Aeta sa Luzon. Ang kahulugan ng ngalan nila
ay First forest dwellers, ang mga agrikultural na paniniwala nila ay totoo sa kanilang
pangalan.
Eksperyens
Nakakatuwang malaman ang mga kultura sa Bukidnon at ang mga
pangkatang etniko dito, katulad ng mga Mansaka at Mamanwa. Meron
makabuluhang kahulugan ang Mansaka sa kanilang isinusuot. Karamihan sa mga
kahulugan na partikular sa kasarian, tulad sa mga kulay ng damit at ang kalakihan
ng kuwintas na suot nila. Kamangha-mangha naman ang gawain ng mga
Mamanwa dahil kahit wala silang bahay, taniman, o kahit mga kasangkapan
nabubuhay pa rin sila kahit gumagamit lang sila ng mga pana at busog o ilang
makapal na lansetang panggamit sa panghuhuli ng mga isda at mga hayop sa
lupa. Ngunit nakakagulat at nakapanibago naman dahil natatangi ang kanilang
paraan lalo na ang karaniwang taong gulang sa pag-aasawa nila na kung saan
napakabata pa dahil ang mga mag-asawa ng Mamanwa ay nasa labintatlo
hanggang labing-anim na taong gulang.
Repleksyon
Matapos basahin ang teksto tungkol sa mga kultura at grupo sa Bukidnon,
mabuti naman kung paano nila napapanatili ang napakaraming kanilang mga
kasanayan. Ang mga sayaw, instrumento, at damit ay may malaking kahulugan sa
kanila sapagkat bahagi ito ng kanilang pagkakakilanlan. Sa paglilimi tungkol sa
kanilang mga kahulugan mga ito, halimbawa ang mga sayaw, ang mga ito ay higit
sa isang sistema para sa kanila ngunit pati na rin ang kanilang paraan ng
pamumuhay.
Aksyon
Batay sa repleksyon namin, ang angkop na aksyon na aming gagawin ay
bigyan ito ng kahalagahan at kabuluhan dahil ito ang kanilang paraan ng
pamumuhay at pagkakakilanlan. Ano mang gawain nila o mga paniniwala, ito ang
ikasasaya para sa kanila. Kahit na nakakapanibago o natatangi para sa amin, ay
dapat itong respetuhin at ipagmalaki dahil sila ay nabibilang din sa ating bansa na
nabubuhay sa isang simpleng buhay na labis na kamangha-mangha.
Ebalwasyon
Batay sa aming paggawa ng pagtatala sa ilang kasanayang kultural
(Bukidnon) sa mga Mansaka at Mamanwa, nakabuo kami ng ebalwasyon na isa
natatanging kultura na nabibilang sa bansang Pilipinas. Ginagawa nila ang kanilang
makakaya upang mabuhay gamit lang ng mga simpleng bagay. May mga
pagkakakilanlan sila na nakakamangha dahil dito sila naiiba sa ibang kultura na
napakahalaga para sa kanila ang mga kahulugan nito.
YUNIT 5
Meranaw,
Zamboanga, Dapitan
Pangkat 5
FIL 67 PAGTATALA
PANGKAT 5 - RAGPALA, RAVACIO, ROMOROSA, SAMOYA, SIO
PAGES 181-199
Aralin 4: Wika at Kultura ng Ilang mga Muslim sa Mindanao
4.1 Ang mga Meranaw
● Ang mga Meranaw ay mga Muslim na naninirahan sa Lanao na nasa
kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking
lawa sa Pilipinas.
● Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Meranaw ayon kay Casa
Alonto (1974) sa kanyang Perspective on Maranao Society:
○ Teorya 1: batay sa epiko ng mga Meranaw na Bantugan o
Darangan. Sinasabing ang mga unang naninirahan sa Lanao ay
pinangunahan ng isang nagngangalang “Butuanun Kalinan” na
buhat sa dakong Silangan na tinatawag na Bombaran.
○ Teorya 2: Ang migrasyon ay patungo sa Katimugang MIndanao, sa
dakong Iranon. Ang mga Iranon na natagpuan nang naninirahan
sa kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng mga bagong dating.
● Pinangalan ni Pangulong Manuel Luis Quezon ng “maliit na Baguio ng
timog” ang Lanao.
● Mayo 2, 1959 - Nahati sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ang Lanao sa
paglabas ng Batas Republika 2228. Ang punong-lalawigan ay Marawi at
Iligan.
● Ang Lanao del Sur ang pamayanan ng mga Meranaw na may
populasyon na 455,507 sa taong 1970. Malamig ito kaya tinawag na belt
ng bagyo.
● Pagsasaka ang kanilang pangunahing pangkabuhayan. Bigas ang
pangunahing pagkain. Sa prutas, maipagmamalaki nila ang kanilang
marang at durian na hindi matatagpuan sa Luzon.
● Mga produktong pangkalakal:
○ Ang hinahabing banig at malong ng mga Meranaw ay
nakakatawag ng pansin hindi lang sa lokal na pamilihan, kundi sa
pandaigdig din.
○ Ang bras na ginagawa sa Tugaya. Ang mga ito’y binubuo ng mga
gong, sarimanok, kulintang, lalagyan ng buyo, lalagyan ng alahas,
malalaking hugis na paso na may adornong tinatawag na okil na
disenyo.
● Nahahati sa tatlong uri ang mga Meranaw: artistokrasya, malalaya, at
alipin.
○ Artistokrasya - kilala sa katawagang Malaibangsa na binubuo ng
mga dugong bughaw tulad ng sultan at mayayamang datu.
○ Malalaya - tinatawag ding Freeman. Ang mga magsasaka at
manggagawa ang tinatawag na Pegawid.
○ Alipin - tinatawag silang Bisaya’y. Nawawala sa kasalukuyan
bagama’t nasa kamalayan pa rin ang tungkol sa mga istatus.
● Hindi maaaring mapangasawa ng nasa isang uri ang nasa kabilang uri.
● Adat at taritib (kaugalian at tradisyon) - nakapag-uugnay sa lahat ng
Meranaw. Halimbawa ay ang mahigpit na pagsunod sa magulang at
kaugalian tungkol sa pag-aasawa at paglilibing.
● Naniniwala silang maaaring mag-asawa ng higit sa isa ang lalaki basta’t
kaya niya at may pahintulot sa unang asawa. Ito ay istatus simbol
sapagkat ang pagkakaroon ng maraming asawa ay nangangahulugang
siya ay may kaya. Ang unang asawa ang tagapangulo ng ibang asawa.
● Maaaring deborsyuhin ng lalaki ang babae pero hindi maaaring
debursyuhin ng babae ang lalaki kung walang matibay na batayan.
Kapag ang babae ang makikipagdiborsyo ang bigay-kaya ay
kailangang isauli, ngunit kapag ang lalaki ang nakipagdiborsyo hindi
kailangang isauli.
● Maratabat o amor propio - katangian ng mga Meranaw. Kailangang
pangalagaan nila ang dangal ng kanilang lipi o angkan sa mata ng
lipunan. Ang antas ng maratabat ay batas sa istatus ng lipunan. Ang
mga nasa itaas na uri ay magtatanggol nito nang husto kaysa sa mga
sumusunod na antas.
Mga Pamahiing Meranaw
Tungkol sa Panaginip
Panaginip Kahulugan
Walang damit ang isang tao na kilala Siya ay magkakasakit ng malubha at
o kaibigan mo mahirap gamutin
Pangyayari Kahulugan
Kapag hindi mo nakita ang mukha Huwag kang tumuloy sa lakad dahil
mo sa ginto kung may pupuntahan may masamang mangyayari sa iyo
ka
Mga tanong:
1. A
2. C
3. C
4. C
5. B
6. A
7. A
8. C
9. D
10. B
11. C
12. D
13. A
14. B
15. D
FIL 67 KERAE
PANGKAT 5 - RAGPALA, RAVACIO, ROMOROSA, SAMOYA, SIO
KONTEKSTO
Sa aming pangkat, ibabahagi namin ang isang magandang at napakakomprehensibong
talakayan tungkol sa wika at kultura ng ilang mga muslim sa Mindanao. Alam namin natin na
ang iba’t-ibang pangkat ay may sariling kultura at wika na tiyak na ito ay natatangi at naiiba sa
iba’t-ibang kultura at wika na nakikita natin. Sa talakayang ito, lubos na makikilala ng iba kung
ano talaga ang meron sa wika at kultura ng ilang muslim at bakit ito’y mahalaga na matutunan
nating lahat.
EKSPERYENS
Napalawak lalo ang aming kaalaman tungkol sa wika at kultura ng mga muslim sa
Mindanao. Akala namin na yung mga nakikita namin ay yun na yung kultura nila, pero may mas
marami pa talaga kaming hindi nalalaman tungkol sakanila. At dahil dito, nalaman din namin na
dahil sakanila madaming pang-araw-araw na pangangailangan ang nagawa nila para sa
mamamayan. Maliban sariling wika nila na magkaiba sa atin, may mga paniniwala o kultura din
ang mga muslim na ginagawa din sa iba.
REPLEKSYON
Sa mga ginawang gawain ukol sa mga iba’t ibang kultura dito sa Mindanao, napagtanto
namin kung gaano ka importante na malaman ang kasaykasayan ng bawat lugar upang
maalam kung bakit natin ito papahalagahan at ipag-yaman ang kulturang kinabibilangan. Dito
sa Mindanao, may mga Muslim, Kristiyano at iba pang mga relihiyon na matatagpuan. Maliban
sa pagkakaiba ng kultura at relihiyon o paniniwala, napagtanto din namin ang halaga ng
pagiging magalang sa mga kaibahan ng bawat isa. Hindi dapat gawing hadlang ang pagkakaiba
ng bawat isa kundi gawin itong paraan upang mas lalong mapag-yaman ang kultura ng mga
Pilipino.
AKSYON
Katulad ng ibang mga pangkat sa ating bansa, ang mga Meranaw ay may kanilang
natatanging kultura at wika na nararapat nating igalang at pahalagahan. Hindi dapat natin sila
bigyan ng hindi pantay na pagtrato o “discriminate” dahil sila ay mga Muslim. Kadalasan sa
pananaw ng mga taong hindi taga-Lanao ay magulo at hindi ligtas ang lalawigan ng Lanao dahil
sa mga Muslim na naninirahan dito. Subalit, hindi naman talaga ito ang totoong kondisyon ng
lugar. Sa katunayan, ang mga Muslim at Kristiyan sa Lanao ay may mabuting ugnayan sa isa’t
isa.
EBALWASYON
Talaga marami kaming nalaman at natutunan sa kabantang ito. Wala tayong karapatan
na mag hukom sa mga muslim dahil sila rin ay kapwang pilipino. Magandang kabanatang ito
para sa mga kapwa pilipino dahil pangkariniwan rin ito sa bansa natin. Tungkol naman sa
pagtrabaho, hinati namin ang mga nagawa namin at nagtutulungan rin kami sa actibidad na ito.
Matagumpay lahat ang nagawa namin dahil kami lahat ay nagtutulungan sa isa’t isa lamang.
REPLEKSYON
Visayas at Mindanao
Pangkat 6
Telow, Torion, Torre, Vallecer, Waga, Yongco February 15, 2021
2 - NF (Pangkat 6) FIL 67
Eksperyens
Repleksyon
Ang ginawa ng grupo namin na ika anim na pangkat ay kami ang nag
tipon ng mga output ng iba’t ibang mga grupo ng klase. Ginawan din namin
ng cover page ang pangkabuohang output. Bukod pa sa roon, ang grupo din
namin ang gumawa ng talaan ng nilalaman para sa pangkabuohang output.
Ebalwasyon