Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 5
ANG EKO-PANITIKAN SA EKOKRITISISMO
Pangkalahatang Ideya:
Mabigyang kahulugan ang alamat at pabula, at masuri ito batay sa
kaugnayan nito sa kalikasan at makapagsagawa ng iba’t ibang aktibidad na may
kaugnayan sa nasuring eko-alamat at eko-pabula.
Mga Layunin:
Sa pamamagitan ng talakay sa bahagi ng modyul na ito, ang mga
istudyante ay inaasahang:
1. Mabigyang kahulugan ang alamat at pabula;
2. Masuri ang mga alamat at pabula na may kaugnayan sa kalikasan; at
3. Makapagsagawa ng iba’t ibang aktibidad na may kaugnayan sa eko-
alamat at eko-pabula.
Mga Kagamitan:
• Na-download na Modyul
• Mga ilang kuwento sa Eko-Alamat at Eko-Pabula
• Gadget (Selpon, Laptop, Tablet—LOAD)
• Papel, ballpen, Lapis, Pangkulay
• Aplikasyong Pang-edukasyon (Google(Drive,meet,Moodle(LMS),
Facebook(Fbgroup), Messenger(GroupChat), Youtube
• Institusyonal na E-mail (personal)
Aralin sa Pagkatuto:
Ang Eko-Alamat
Ang alamat ay nagpapahayag ng kasaysayan ng mga tao. Ang mga daigdig
na ginagalawan ng mga tao sa kasalukuyan ay ang tagpuan ng mga alamat. Ito
ay nagaganap sa isang tiyak na lugar at nakapag-uugnay sa nakaraan at sa
kasalukuyan (Semorlan et al. 2014). Ito ay maaaring nagpapasalin-salin sa iba’t
ibang bibig mula sa isang henerasyon tungo sa susunod pang henerasyon.
Ang alamat ay maituturing ding mga salaysay ng mga pangyayaring
kahanga-hanga na nagpasalin-salin lamang mula sa mga naunang henerasyon at
pinaniniwalaang sa kadahilanang may pinagbabatayang kasaysayan (Webster,
(1969). Ang diwa nito ay itinuturing na makasaysayan sapagkat ito ay nauukol sa
isang bagay, pook, at mga pangyayaring nagtataglay ng kabuuhang historikal. Ang
pinakalayunin naman nito ayon kay Lydia Fer Gonzales (1982), ay upang
magunita ang mga pangyayaring may kinalaman sa mga panahong lumipas. Ang
alamat ay nagaganap sa isang tiyak na lugar at pinag-uugnay nito ang nakaraan
at kasalukuyan.
Salaysay ito tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, at tao. Taglay
ng salaysay na ito ang paglalarawan tungkol sa pagbuo ng bagay, lugar at tao
kaya nagpapaliwanag ito sa mga salik at sangkap tungkol sa pinagmulan. Ito ay
ginagamit ng mga ninuno upang ipaliwanag at talakayin ang mga likas-mundo na
nasa kanilang palibot.
Sa panitikang ito, inaabot nito ang isip ng mga mambabasa sa mga alamat
na mayroon ang isang pangkat na iniuugnay sa usapin o isyung pangkalikan.
PAGSASANAY 1
Talon ng Motong
Mula sa pananaliksik ni Fe Bermiso
Sa simula, nilikha ni Kabunian ang mundo ngunit kanya ring sinira ito at ang
mga tao dahil sa labis nilang pagkamakasalanan. Samantalang si Montalog ang
diyos na nagtuturo ng lahat ng kaugalian at paniniwala ng mga Ifugao ay nakapag-
asawa kay Montinig isang diyosa sa kanilang pagsasama ay isinilang sina Bugan
at Wigan na may taglay na pambihirang kapangyarihan Hindi lamang ordinaryong
kapangyarihan kundi higit pa rito dahil ginagabayan sila ng mga diyos at diyosa.
Si Montalog ay nasa langit Dumungaw siya sa lupa at nakita niya na ang
dalawang anak ay hubad. Kaya inihulog niya ang mga tanim at ibang mga
punongkahoy na naging mga hibla, Sinabihan niya sina Sugan at Wigan na
kukunin ang mga hibla at habiln upang maging damit isang bahag (G-string) ang
kay Wigan at tapis naman para kay Bugan. Sa simula, si Bugan ay humabi ng tela
na wala man lamang disenyo. Subalit may nakita siyang magagandang kulay at
disenyo mula sa kanyang panaginip kaya humabi siya ng bago na may disenyo at
kulay ito ngayon ang mga damit ng mga babae sa Ifugao.
Samantala, si Wigan naman ay abala sa paghahanda sa kaingin upang
gawing taniman ng palay. Pumili siya ng mga bato na maayos upang maging tukod
sa gagawin niyang hagdang-lupa (terraces). Masaya silang nagsama at hanggang
nagkaroon sila ng una nilang supling.
Isang araw habang pinapasuso ni Bugan ang kanyang anak ay naitapon
nito ang kanyang gatas sa lupa Nang biglang may tumubo sa natapunan ng gatas
isang magandang halaman na may masarap na bunga. Tinikman at kinain ni
Wigan ang bunga ng halaman dala ang paniniwalang ito ay bunga ng gatas ni
Bugan Ang halaman na tinutukoy ay ang palay at ito ang kauna-unahang palay.
Pagkatapos ng maraming taon, si Lidum (Lichum) isang makapangyarihang
nilalang ay dumungaw rin sa mundo, Naghanap siya ng mapagpahingahan na
lugar at napili niyang mamalagi sa tuktok ng bundok. Habang hinahagod ng tingin
ang mundo nakita niya si Wigan na abalang naghahanda ng taniman ng mga
palay.
Habang pinagmamasdan ni Lidum si Wigan, nasabi niya, "O si Wigan ay
naghahanda na naman ng isa pang taniman ng palay pagkatapos niyang
mabigkas ito biglang nakaramdam si Wigan ng pagod at pangamba at dali-dali
itong umuwi sa bahay. Tinawag niya si Hinumbian at buong pagtatakang itinanong
kung bakit na lamang siya naging balisa at pagod ang katawan pagkatapos
magbungkal ng lupa at magtanim ng palay? Ang sabi ni Hinumbian, "Mas
makabubuting hanapin mo ang isa pang diyos na makapagsasabi kung bakit ka
nagkaganyan."
Pinuntahan naman niya si Kabunian at itinanong kung bakit na lamang siya
nakaramdam ng pagod pagkatapos ng pagtatanim ng palay "Ikokonsulta ko ang
iyong katanungan sa taong magbubukid (hand man)" ang sagot ni Kabunian sa
kanya. At natuklasan ni Kabunian na si Lidum pala ang nakaaalam ng
nararamdaman ni Wigan.
"Nakita ka ni Lidum", ang pagpapatuloy nito "at ayon kay Lidum lagi ka
niyang nakikitang nagsasaka sa iyong palayan, lagi kang nagtatanim at nag-aani
subalit wala kang isa man lang na ginawang paghahandog sa amin na iyong mga
diyos Ang paliwanag nito sa kanya Kaya inutusan ni Kabunian si Hinumbian upang
bumaba sa lupa at sabihan si Wigan na mag-aalay ng sakripisyo para sa kanyang
mga diyos
PAGSASANAY 5
Kay Bai and Bong Bai were neighbors. One day, Kay Bai washed her kumot
and albong in the river. All of a sudden. Her clothes were washed down river by
the heavy current. She went after them by following the course of the riverbank.
They were her only clothes. Soon she found her clothes hanging on the fence of
Lamsungfu.
"Fiu flabi, Ye Bong". Kay Bai greeted the woman. At this time the sun had
already passed the zenith and Kay Bai was hungry.
"I think you are hungry,"Lamsungfu said. "Come and eat some of my boiled
camotes."
"No, thank you. The sun will hide behind the mountains very soon and my
house is very far. I just came to get my "albong" and "kumot" which were washed
away by the flood. They are on your fence, replied Kay Bai
Lamsungfu said, "Get your clothes now and hurry. When you pass that tree,
at the same time pointing to a betel palm in her yard, pick the young nuts and take
them with you."
She tucked her clothes under her arm and held the betel nuts in her palms.
Just as the sun was about to hide behind the mountains, she noticed that a
handsome young man was following her. She walked faster. Suddenly she
became afraid.
But the man was very kind. "Lamsungfu told me to bring you home. It is not
safe to walk alone."
"Why chosen to accompany me?"said Kay Bai.
"Because you picked the young nuts," replied the man.
So Kay Bai and the young, handsome man reached the house. Seeing that
she was alone in her house, the young man married Kay Bai the following day.
Bong Bai learned how Kay Bai got a handsome husband. She promised to
see Lamsungfu.
In the next morning, Bong Bai went to the river and washed her "kumot" and
"albong". She got angry because the flood did not come at once. She uttered
words. Suddenly there was a lightning and thunder. The clouds became very dark
and it started to rain. She was happy because the flood came at last. But the flood
did not wash her clothes away. So she took a very long stick and pushed her
clothes downriver. She succeeded in hitching them to Lamsungfu's fence.
She went to Lamsungfu's yard and demanded that she be allowed to see
the woman. She did not know that she was already talking to Lamsungfu herself.
"What can I do for you?" Lamsungfu asked.
"I'm very hungry. I smell roasted meat. Can I come in and eat,"
The sun was beginning to set when Bong Bai finished eating. She forgot all
about her clothes.
"Please send somebody to accompany me home. It's getting dark and I'm
afraid," Bong Bai finally said. She did not even thank Lamsungfu for the roasted
meat.
"Somebody will join you when you get to the forest. Be sure to get some
nuts from that tree. It was the same tree from which Kay Bai picked the young nuts.
It was already very dark when Bong Bai reached the tree so she was not
ableto choose the kind of nuts she killed. She just filled her hands with the nuts.
She continued her journey. Then she heard somebody's footsteps behind her. She
was thrilled. She walked very slowly so the one following her could catch up.
When she looked back, she saw a very old man who was bent because of
his age.
"Why are you here, Old man? It's late and you should be in your house."
"I followed you because I am to become your husband. The old nuts mean
you want me for a husband."
Bong Bai had to marry the old man. If Kay Bai lived happily, Bong Bai lived
miserably.
PAGSASANAY 6
Ang Alamat ng Matubig na Bahagi ng Agusan
PABULA
Salaysay o kuwento ito na ang pangunahing tauhan ay mga hayop. Bahagi
ito ng kuwentong-bayan na madalas ay ibinabahagi sa mga bata para aliwin at
magbigay ng aral. Ang mga hayop na pangunahing tauhan ditto ay nagtataglay ng
simbolo sa mga katangian at ugali ng tao. Ayon kina Arrogante, Dizon, Maglagui,
at Fregil (1991), Halimbawa sa mga katangian ng mga hayop na kumakatawan sa
pag-uugali ng mga tao ay ang ahas para sa pagiging taksil; unggoy na
naglalarawan ng isang taong tuso; pagong na nagsasabi tungkol sa pagiging
makupad; pagiging matiyaga naman ang imahe ng kalabaw; palaka para sa taong
mayabang at marami pang iba (p.89)
Sinasabi na ang pangangaral ng pabula sa pamamagitan ng paggamit ng
mga hayop bilang metapora ng katangian ng tao ay paraan upang maiwasan na
makasakit ng damdamin. Ito ay paraan para hindi lumabas na pinagalitan ang
pinagkuwentuhan nito bagkus isang pangangaral lamang. Sa ganitong pananaw,
ang pabula bilang anyo ng eko-panitikan ay magagamit rin bilang tauhan ay
magsisilbing katangian ng kalikasan na magsalita at magpahayag ng mga
angyayari tungkol sa kaugnay sa kalagayan ng kalikasan, kapaligiran, at higit sa
lahat ng ating mundo.
PAGSASANAY 1
Si Ubal at si Baw
(Pabula ng mga Maguindanaon)
Dumilim na talaga ang paligid. Naiyak na mang siya dahil wala nang
makakita sa kanya.
"Kaibigang Paruparo anong nangyari sa iyo?" ang tawag sa kanya ni
Alitaptap na napadaan sa kinalalagyan niya.
"Di po ako makalipad kaibigang Alitaptap. Nabali po ang aking mga pakpak
nang pinaglaruan ako ng batang lalaki kanina. Naghahanap po ako ng nektar
kanina nang mahuli ng batang lalaki rito ang paliwanag ng paruparo.
"Nanghihina na po ako. Maawa ka tulungan mo po ako ang pagsusumamo
niya.
"O sige kaibigan, huwag kang mag-alala tutulungan kita. Maghintay ka
lamang ng ilang sandali at tatawagin ko muna ang aking ibang mga kasama para
ika'y mabuhay namin at maialis diyan sa kinalalagyan mo." ang wika ng Alitaptap.
"Salamat po Panginoon ko! at ipinadala mo sina Alitaptap at ibang mga
kasama para ako'y tulungan".
"Marami pong salamat kaibigang Alitaptap" Ang masayang
pagpapasalamat niya sa kaibigang tumulong.
"Walang anuman kaibigan. Ang mahalaga'y nailigtas ka sa kapahamakan.
O sige ligtas ka na rito at magpahinga ka't ang mga pakpak mo'y maging maayos
na bukas," ang sabi ni Alitaptap.
Lumalalim na ang gabi at mahimbing siyang natulog.
Napagtanto niya kung sino ang tunay na mga kaibigan at ang kaibigan ay
nasusubukan sa panahon ng kagipitan.
"Salamat sa iyo Bathala" ang muli niyang sambit.
PAGSASANAY 4
Pagong at Elepante
(Pabula ng mga Manobo)
Noong unang panahon, may isang Pagong na naninirahan sa may ilog. May
butas ang gilid ng kanyang bahay sa dako ng kanyang buntot. Ang kanyang
gustong gawin ay ang makipagkaibigan sa Elepante na isang malaking hayop.
Napakalaking hayop na Elepante. Isang araw ay naisipan itong hamunin ni
Pagong. "Ih!, Layuk magsukatan tayo kung sino sa ating dalawa ang mas
malakas?", hamon ng Pagong sa Elepante.
"Ano ang gagawin natin?".
"Maghilahan tayo ng lubid. May kasunduan tayo. Kung mahila kita papunta
sa dagat talo ka, kung mahila mo ako papunta sa lupa, talo ako, wika ni Pagong.
"Ah! Kasinungalingan iyang plano mo. Alam mo namang hindi mo ako
matatalo dahil malaki ang aking katawan at kung ihambing ang lakas mo sa akin
ay wala yang binatbat". "Ah! Hindi, kailangang magsukatan tayo ng lakas" At
tinanggap ng Elepante ang hamon ng Pagong. "Sige, kumuha ka ng mga lubid
doon sa Sabandar, utos ng Pagong sa Elepante. Kumuha ng lubid ang Elepante
sa Sabandar. Matigas na uri ng lubid ang kanyang kinuha. Tinalian ng mahigpit
ang katawan ng Elepante at kalahati nito ay dinala sa dagat. "Diyan ka lang
Elepante at ako ay dito sa tubig", wika ng Pagong.
Ang ginawa ng Pagong ay lumapit sa Pating. "Kuwan, Layuk, magsukatan
tayo kung sino ang mas malakas sa ating dalawa at para masukat mo rin kung
hanggang saan ang iyong lakas", wika ng Pagong sa Pating.
"Ano ang gagawin natin?", usisa ng malaking Pating sa Pagong.
"Maghilahan tayo ng lubid. Itatali ko sa iyong katawan ang lubid na ito at
ang dulo nito ay itatali ko sa butas ng aking katawan papunta roon sa lupa. Pero
may kasunduan tayo. Kung mahila kita papunta sa lupa, talo ka. At kung mahila
mo ako papunta sa tubig ay talo ako". "Ah!
Hindi makaya ng iyong katawan ang aking lakas.
Wala ngang ibang magdaan dito, ikaw pa kaya na pagong lang, walang
kuwenta, pagmamalaki ng Pating
"Ih! Huwag muna, subukin muna natin kung sino sa ating dalawa ang
mahihila papunta sa lupa
"Ih! Kuwan, sige Pagong, talian mo ang aking katawan. Itinali ng Pagong
ang lubid sa katawan at ilong ng Pating. "Ano man ang maging hudyat na simula
na ng labanan? Baka dayain mo lang ako, sabi ng Pating.
"Uuguyin ko ang lubid, tapos magsimula ka nang humila, paliwanag ng
Pagong.
Nagtago ang Pagong sa likod ng bato. Maya maya ay nauugoy na ang
lubid. Ang Pating sa dagat ay handa na at ang Elepante sa lupa ay handa na rin.
Inuyog ng Pagong ang lubid bilang tanda na sisimulan na ang hilahan. Dahil sa
sobrang lakas ng Pating ay muntik nang mahila papunta sa tubig ang Elepante. At
dahil din sa lakas ng Elepante ay malapit na ring mahila ang Pating papunta sa
lupa. "Aw!
Magkakaubusan tayo ng lakas nito, wika ng Pating at Elepante sa sarili.
Gumanti sa paghila ang Elepante at muntik nang mahila ang Pating papunta sa
lupa. "Ih! Malakas pala ito, wika ng Pating na nagsusumikap makabawi. At ang
Elepante ay malapit na rin sa dagat. "Ah! Grabe pala itong si Layok, napakalakas
pala nito, akala ko pa naman ay ako lang ang malakas".
Naghilahan sila ng lubid mula umaga hanggang sa hapon. Sa palagiang
pagkadikit ng lubid sa bato na parehong hinihila nina Pating at Elepante ay
nagasgas ito na naging dahilan ng pagkaputol nito. "Ah! Wala pa lang natalo sa
amin dahil hindi ako nahila papunta sa tubig, hindi rin natangay papunta sa lupa,
wika ng Elepante.
Lumapit ang pagong sa Elepante. "Tingnan mo Layok".
"Malakas ka pala Pagong, tingnan mo ang lupa pinalalim yan ng aking paa
dahil sa pagpigil na hindi mo ako mahila papunta sa dagat", wika ng Elepante
"lyan nga Layuk, magsumikap ka. Umalis ang Pagong at pinuntahan naman
ang Pating.
"Layuk, ano ang nangyari?"
"Ih, Ih! Tanda ng aking pagsisikap, nakaabot na sa tabing dagat ang aking
ilong. Malaki nga ang katawan ko pero”
"Kung hindi lang naputol ang lubid Layuk, mahihila talaga kita papunta sa
lupa at baka ngayon ay naroon ka na".
"Oo nga Layuk, kanina grabe talaga ang pagsisikap ko na makabawi, sige
maging magkaibigan nalang tayo tutal pareho naman pala tayong malakas wika
ng Pating sa Pagong.
Bumalik na naman ang Pagong sa lupa. "Layuk, ngayon mo nalaman ang
aking galing, dahil kung hindi lang naputol ang lubid ay nahila na kita papunta sa
dagat”.
"Ih, Ih! Layuk huwag na nating ulitin ito, para tayong mga bata sa gawaing
ito. maaari man tayong maligo sa dagat na hindi natin tahanan.
"Ah! Layuk, kung hindi lang talaga naputol ang lubid, patay ka na sa dagat".
"Oo nga", sagot ng Elepante. At dito nagwakas ang sukatan sa lakas.
PAGSASANAY 5
Ang Haring Kuliglig at ang Leon
(Pabula ng Kabisayaan)
Ebalwasyon:
Pagsasanay A:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod base sa mga panitikang
nabasa.
1. Bana
2. Amotong
3. Gakit
4. Tagapagtanggol
5. Makipagtunggali
6. Pagguho
7. Nagtatampisaw
8. Nagkabuno
9. Liblib
10. Kapatagan
Pagsasanay B. Sanaysay
Sagutin ang bawat bilang sa loob ng lima (5) hanggang sampung (10)
pangungusap base sa nabasa at pagsasaliksik sa mga panitikang nailatag sa
modyul na ito.
1. Paano ipinakita ni Wigan ang paggalang sa kanyang mga Diyos? Ilahad.
2. Makatarungan bang mag-alay sa mga Diyos bilang pagpupugay sa
kanila?
10. Sa pabulang ang karera nina pagong at talangka. Sa inyong sariling lugar
o tirahan, may isang lugar ba na halos magkasintulad sa lugar na
pinagdarausan sa kuwento? Kung mayroon? Ano-ano ang mga ito?
13. Anong salawikainang maaari mong ilapat sa pabula nina kuliglig at leon?
Ipaliwanag
Pagsasanay C.
Salungguhitan sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang nakasulat
nang pahilis sa bawat pangungusap sa ibaba.
1. Sina Baw at Potli ay bubukod (hihiwalay, aalis, tatalon) mula sa dating
bahay.
2. Malawak na ang natanimang pinitak (ani, lugar, palay) ni Baw.
3. Pagbubungkal sa lupa (paghahanda sa lupang pagtataniman, paglalagay
ng lupa, paghahawan ng lupa) ang unang ipinagawa ni datu sa dalawang
manugang.
4. Itinuturing siyang bansot (marumi, mabaho, pandak) ng kaniyang kaibigan.
5. Isang napakagarang mansion ang tumambad (dumating, tumuntong,
nakita) ng kanilang mga mata.
6. Hindi tumitinag (tumigil, umalis, humupa) ang kalooban ni Potli nang hindi
pa makita ang kanyang bana.
7. Hindi niya mapigilan ang pagtangis (pagdalamhati, paghiyaw, pag-iyak)
dahil sa akalang patay na ang asawa.
8. Isang dampab (mansyon, espasyo, bahay-kubo) ang pinagkasyahan ng
mag-asawa.
9. Nagbalatkayo (naghahambog, nagpakumbaba, nagkunwari) siya sa
kanyang pagdating.
10. Naulinigan (nabasa, napansin, narinig) niya ang paparating na mga kawal.
Mga Sanggunian:
Dizon, R.B. (2018). Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. MUTYA
Publishing House. Inc.
Mga Litrato:
Alamat ng Motong
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.flickr.com%2Fphotos%2Fnccaofficial%2F18068120704%2
Fplayer%2F2ddb3da4a2&psig=AOvVaw2FRUJTTs46kLwemAZ3pKlk&ust=1623656368449000&source=image
s&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPDUoMONlPECFQAAAAAdAAAAABAJ
Tudow
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.storyboardthat.com%2Fes%2Fstoryboards%2Fe15668c7%
2Feko-
alamat&psig=AOvVaw0YHiLrMetcQ2ghnFkRQ4BF&ust=1623657705375000&source=images&cd=vfe&ved=0C
AIQjRxqFwoTCOD_s7ySlPECFQAAAAAdAAAAABAD
Alamat ng Chocolate Hills
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fmgakwentongalamatsapilipinas.blogspot.com%2F2018%2F09%2
Fang-alamat-ng-chocolate-hills-version-
2.html&psig=AOvVaw1CRhD7wK1x3syPNOBhMdwO&ust=1623657828555000&source=images&cd=vfe&ved=
0CAIQjRxqFwoTCJjl6fWSlPECFQAAAAAdAAAAABAD
Ang Paglikha
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3De2CuMLqWawA&psig=A
OvVaw3cDjTNYU_ggHlJ-
_4l4vv0&ust=1623657880095000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIiWuZOTlPECFQAAAAAdA
AAAABAD
Kai Bai at Bong Bai
Ang alamat na matubig na bahagi ng agusan
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fphilippineculturaleducation.com.ph%2Filog-
agusan%2F&psig=AOvVaw3qy1uP1CRt-
8VTA5yB0vpd&ust=1623658037779000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIDxldaTlPECFQAAA
AAdAAAAABAD
Pinagmulan ng Talacogon
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fphilnews.ph%2Flotto-results%2Fswertres-
1511%2Fpage%2F64%2F&psig=AOvVaw3vfnh1jV9jR1d44KleXw7Q&ust=1623658100274000&source=images
&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOCUxoSUlPECFQAAAAAdAAAAABAD
Si Ubal at si Baw
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3Dp0wYRCUAyqU&psig=A
OvVaw31F4zg40uSCmSLi-
CVdY1u&ust=1623658165554000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMirjpWUlPECFQAAAAAdA
AAAABAP