You are on page 1of 1

Ang kwentong ito ay patungkol sa magkasintahang sina Wigan at Bugan na nagmula sa

dalawang pangkat ng mga igorot: Banaue at Mayaoyao na kung saan may matinding alitan
namamayani sa pangkat na ito. Habang nagawi si Wigan sa talon mula sa kanyang pangangaso
ay nakit niya ang isang dalagang naliligo at dahil sa kagandahan nito ay naakit ito. Ngunit dahil
dayo lamang ang dalaga ay walang Karapatan ito maligo sa kanilang teritoryo at dahil dito ay
tangkang patayin ni Wigan ang dalaga. Ngunit pinigilan siya ng isang ahas na nakilala rin ni
Wigan. Siya’y si Lumawig,Diyos ng Kalangitan. Imbis ituloy ang balak ay inihatid niya pauwi ang
dalaga. Nalaman niya ang pangalan nito ay si Ma-I mula sa Mayaoyao ang pangkat na kanilang
kalaban. Sa kanilang paglalakbay ay nabuo ang kanilang pag-iibigan at ng nakarating na sila sa
Mayaoyao ay dinakip si Wigan. Nagmamakaawa ang dalaga sa kanyang ama na huwag patayin
si Wigan na taliwas sa mga mamamayan ng Mayaoyao. Kaya hinamon ng hari ng Mayaoyao si
Wigan na makipagdigma ito sa pinakamalakas na mandirigma sa pangkat na ito at ang
mananalo ay mapapangasawa si Ma-i. Maya mayay dumating ang mga kawal mula sa Banaue at
nasaksihan ang pakikipagdiigma ni Wigan. Nagwagi si Wigan at naipakasal siya kay Ma-i. Isang
canao ang dinaraos na nagtagal ng siyam na araw. Kasama ng mga kawal at sina Wigan at Ma-I
ay umuwi sila patungong Banaue. Nag-iisip si Wigan kung anong maari niyang isabi sa kanyang
mamamayan ngunit malugod naman silang tinanggap. Nagwika ang hari ng Banaue na malapit
na itong mamamatay at gusto niyang masaksihan ang mapangasawa ng anak nito na si Wigan at
pumalit sa kanyang trono. Kaya isang tagisan ang ginanap sa pagitan ni Ma-I at ang
pinakamagandang dalaga sa Banaue. Ang parusa ng hindi mapipili ay kamatayan. Sa huli ay
pinili ni Wigan si Ma-I at nakiusap si Ma-I sa hari kung sana’y hwag patayin ang babaeng
nakalaban nito. Pinagbigyan siya ng hari. Naganap muli ang kasalan sa pagitan ng
magkasintahan. AT doon nagsimula ang pagkakayos ng dalawang pangkat hanggang sa
kasalukuyan.

You might also like