You are on page 1of 2

Nag-isip si Liddum.

Ang kahilingan ng kanyang anak ay taliwas sa nais ng mga


mamamayan ng Mayaoyao.

“Siya ay mamamatay kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili,” pahayag
ng hari. “Mga mamamayan ng Mayaoyao, piliin ninyo ang pinakamahusay nating
mandirigma upang makatunggali ng binatang mula sa Banaue. Ang magwawagi sa
labanan ang siyang magiging asawa ng aking anak.”

Sumang-ayon ang mga mamamayan ng Mayaoyao. Pinili nila ang pinakamagiting nilang
mandirigma upang makalaban ni Wigan. Nagsimula na ang paghaharap ng dalawa.
Mula naman sa Banaue, dumating ang isang daang mandirigma na naghahanap sa anak
ng kanilang hari. Nakita nila si Wigan na nakikipaglaban. Humanda silang maipaghiganti
ito kung sakaling magagapi ito.

Sa kabutihang palad, nanalo si Wigan at naiwasan ang sana’y madugong pagtutuos ng


mga maiidirigma ng Banaue at Mayaoyao.

Isang canao (handaan) ang sumunod. Si Ma-i ang namuno sa sayaw ng kasalan. Tuluy-
tuloy ang pagtunog ng gansa. Umabot ang kasayahan sa loob ng siyam na araw.

Sina Wigan at Ma-i, kasama ang mga mandirigma ng Banaue, ay naglakbay pabalik sa
Banaue. Habang naglalakbay, naisip ni Wigan ang kanyang ama. Matanda na ito at
marahil ay naghihintay na rin itong magkaapo. Ngunit nag-asawa siya nang walang
pahintulot ng ama. Sasang-ayon kaya ito sa kanyang ginawa?

Sa hagdan-hagdang palayan nagtagpo sina Wigan at Ampual. Hinanda na ng binata ang


kanyang sarili.

“Sa simula ng paggawa ng ikawalong baitang ng palayan, iyon ang magiging taon ng
aking pag-aasawa. Ama, narito na si Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao. Ang kanyang
amang si Liddum at mga mamamayan nito ay naging mabait sa pagtanggap sa akin.”

Tiningnan ni Ampual si Ma-i. Hindi man nagsalita ay alam ni Wigan na naunawaan siya
ng ang ama. Habang naglalakad ay nag-iisip si Ampual ng sasabihin niya sa mga
nasasakupan. Masayang sumalubong naman ang lahat. Nagwika ang hari sa mga taga-
Banaue.

“Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makakapiling ko na rin ang ating mga ninuno.
Bago ito mangyari ay nais kong makita ang aking anak na mag-asawa at handa nang
pumalit sa akin. Narito ang dalaga mula sa Mayaoyao. Mga dalaga ng Banaue, piliin
ninyo kung sino sa inyo ang pinakamaganda na maaari nating itapat sa panauhing padala
ni Lumawig. Mula sa dalawa, pipiliin namin ng aking anak kung sino ang higit na
maganda.

Ang mapipili ay mapapangasawa ng aking anak at ang hindi ay mamamatay. Bilang


gantimpala sa magwawagi, ang kanyang karanasan ay magiging alamat sa ating mga
anak.”

Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila kay Ma-i. Nang sila ay
makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na nga ang pinakamaganda sa mga taga-Banaue.

Nagtabi na ang dalawang dalaga. Tunay ngang di-pangkaraniwan ang mga kagandahang
nasa harap ni Wigan ngayon.

Nagtanong si Ampual.

“Ano na nga ba ang pangalan ng dayuhan?”


“Ma-i,” tugon ni Wigan.

“Sumasang-ayon ka ba na si Ma-i ang higit na maganda?”

“Opo,” sagot ni Wigan na nagagalak sa desisyon ng ama.

Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa kasiyahang ito, nagwika si
Ma-i.

“May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue. Hayaan niyong ang dalagang
aking nakatapat ay manatiling buhay nang walang kahihiyan. Ito’y upang ang kanyang
karanasan ay magsilbing alamat ng ating mga anak.”

Pinagbigyan ni Ampual ang kahilingang ito ni Ma-i. Sinimulan na ang ikawalong baitang
ng hagdan-hagdang palayan at naganap muli ang kasalan nina Ma-i at Wigan. Ito ang
naging simula ng kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao na umabot hanggang sa
kasalukuyan.

Aral:

 Ang maayos na pakikipag-usap ay nagdudulot ng kapayapaan. Gulo naman ang


hatid ng hindi pagkakaunawaan.
 Mas maiging piliin ang kapayapaan kaysa karahasan.

You might also like