You are on page 1of 18

Ang Kuwento ni Aliguyon

(Epiko ng mga Ifugao)

Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali, at sa


pananampalataya.

Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang mandirigmang


Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan, isa ring
mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang ama. Ang
unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang
unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata
rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na matining
na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang
laruan ng kanyang kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na
mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan ang mga
makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.

Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng


loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na
niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon,
nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni
Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki
nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa
pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban
lalo na sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng
araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng
matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit
sa hangin.

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging
sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan!

Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo, ng


buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-
talon sa mga taniman.
Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang
labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng pakuluan ng sibat. Walang
nasugatan sa kanila. Walang natalo.

Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng pagkakaibigan at


pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon
na lilimutin na ang alitan ng kanilang ama. Nagdiwang ang lahat.

Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa si Aliguyon si


Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni
Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay nang maligaya. Doon
lumaki ang kani-kanilang mga supling.

Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahanng pinanonood ng
mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung sila’y sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma
ay mahusay din sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na
agila.

Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal
na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at
pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang
kanilang kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan
ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng
Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.
Alim

(Epikong Ifugao)

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-
sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga
hayop na medaling hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang
kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroon na ang bigas na
isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag
maliban sa dalawang bundok: ang bundok ng Amuyaw at ang bundok ng Kalawitan.
Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay ang mga tao.
Humukay ang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay
nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan. Umapaw ang mga ilog. Tumaas nang tumaas
ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha.
Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan.
Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni
Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan.
Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay
si Wigan na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao.
Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay.
Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal ni
Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na
babae. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae.
Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay sila ng masagana.
Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni Wigan at ni
Bugan si Makunangan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin
ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang
pagsasalat at tuyot.
Subalit nagalit si Makunangan sa ginawa nilang pagpatay at paghandog ng buhay ni Igon.
Isinumpa niya ang mga anak nila Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwalay-hiwalay ang
magkakapatid- sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-
aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga
ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.
Ibalon

(an epic from Bicol)


Bilingual (Tagalog-English) version

Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang
pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang
kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang
kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa
gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa
susunod na pag-aani.

Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na
walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-
araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.

Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang
mata ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.

Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.

Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan.
Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha
ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.

Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at
matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.

Baltog was a young man who was strong, kind and very handsome. He was the son of
Handiong, the chieftain of their village. One day, his father talked to him about their miserable
plight in the land of Samar. They had many enemies who would come every now and then and
destroy their crops and kill their animals. Their people were dying of hunger because of lack of
food. What was left to them was not enough to see them through another harvest season.

Our people are tired of fighting, son, his father said. They want a peaceful life with no hunger
lingering around. Our animals are getting fewer in number each day. If this situation continues
unabated, we will all die of hunger.

What do you want me to do, father? Baltog asked. His father looked at him straight in the
eyes. Then he held his shoulders.

Find a place where our people can live peacefully and contentedly.
Baltog’s eyes wandered around. He saw their people’s miserable houses. He saw hunger and
starvation in every child’s faces. He saw resignation in very mother and father’s faces. He too
felt sad.

I am too old for the job so I’m putting it on your shoulder. You are young, strong and brave. I
know you can do it. For me and for our people.

Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang
maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na
siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar
kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang
malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang
lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng
baybaying bayan ng Kabikulan.

Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon
na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion.
Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang
lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay
maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot.

Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.

Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may
pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng
isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya
ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-
manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at
pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang
matitirahan.

Handiong gave his blessing to Baltog. Baltog sailed out that night in a small boat that would
take him to a place called Kabikulan. He had heard so much about the place and he thought it
would be good if he could find a place there where he and his people could live for the rest of
their lives. Out in the great sea, Baltog encountered a strong wind and huge waves that
destroyed his boat. He had to swim and he almost drowned before he safely reached the shore
off the coastal town of Kabikulan.

He begun wandering in Kabikulan, reaching as far as the land of Aslon and Inalon which had
jurisdiction over the plain surrounded by the mountains of Asog, Masaragam, Isarog and
Lignion. He found Ibalon a perfect place for him and his people. The soil was fertile and was
suitable for root crops, rice and vegetables. It was also very ideal for their animals. It was like a
land of milk and honey.

I want to have this place for me and my people, Baltog said to himself.
Baltog said it too soon. Because there lived in the mountains surrounding Ibalon several
crocodiles that had wings and could fly, wild boar that was as big as an elephant and a snake
with a head of a woman. But Baltog was decided to have Ibalon for their settlement area and so
he fought the crocodiles and the boars with all his might. With his strength and skill in hand-to-
hand combat, he was able to subdue all crocodiles and boar, killing them and cutting them into
pieces. However, the snake with a woman’s head was able to escape and left the mountain for
another home.

Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila
nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang
Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang
mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay
gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang
ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

Then he went home and told hid father about the land he had found for them. Wasting no time,
Baltog and his father and all their people left Samar for Ibalon, their new home. Once settled
Handiong and Balog taught their people several home industries to make a living. In no time,
their lives changed for the better. They tilled the soil and it gave them bountiful harvest. In that
land, hunger and starvation became for them, a thing of the past.
Lam-ang

(an Iloko epic)


Bilingual (Tagalog-English) version

May isang mag-asawa na nagngangalang Juan at Namongan ay nakatira sa malayong baryo ng


Nalbuan. Isang araw iniwan ni Don Juan ang kanyang buntis na asawa at pumunta sa
kabundukan upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Habang papunta sila sa
kabundukan ay ipinanganak ni Namongan ang isang batang lalaki. Kakaiba ang sanggol sa iba
sapagkat pagkasilang pa lamang ay nakapagsasalita na ito. Gusto niyang pangalanan siyang
Lam-ang. Siya na rin mismo ang pumili ng kanyang mga ninong nang siya ay binyagan.

Nasaan ang aking ama? isang araw ay tinanong ni Lam-ang ang kanyang ina na si Namongan.

Nasa kabundukan siya upang ayusin ang di pagkakaunawaan sa isang grupo ng Igorot doon, sabi
ng kanyang ina.

Nalungkot si Lam-ang. Hindi pa niya nakikita ang kanyang ama buhat ng siya ay isinilang at
nasasabik na siyang makita ito.

Matatagalan kaya ang kanyang pagbalik?

Hindi ko alam, malungkot na sagot ng kanyang ina na si Namongan na nasasabik din itong
makita. Ni hindi ko man lamang alam kung buhay pa siya.

Isang araw ay nanaginip si Lam-ang. Sa kanyang panaginip ay nakita niya ang kanyang ama na
walang awang pinatay ng isang grupo ng Igorot. Lubos siyang namuhi nang siya ay
nagising. Nagpasya siya na sundan ang ama sa kabundukan. Siyam na buwang gulang siya
noon. Nang marating niya ang pamayanan ng mga Igorot, nakita niya na nagsasayawan ng mga
ito paikot sa ulo ng kanyang ama na nakatusok sa isang kawayan. Sa kanyang galit ay kinalaban
at pinatay niya ang lahat ng Igorot, kasama ang kanilang pinuno na pinahirapan muna bago
pinatay.

A couple named Don Juan and Namongan lived in a faraway barrio of Nalbuan. One day, Don
Juan left his pregnant wife and went to the mountain to punish a group of Igorots. While he was
in the mountain, Namongan gave birth to a baby boy. The baby was different from other babies
because upon birth he could already speak. He wanted his name to be Lam-ang. And he was the
one who chosed his godfather when he was baptized.

Where is my father? Lam-ang asked his mother Namongan one day.

He is in the mountain to settle his feud with a group of Igorots there, said his mother.
Lam-ang felt sad. He hadn't seen his father since he was born and he was terribly longing to see
him.

Would it be long before he comes back?

I don't know, answered his lonely mother Namongan who was also terribly missing her
husband. I don't even know if he is still alive.

One day, Lam-ang had an unusual dream. In his dream, he saw how his father was mercilessly
killed by a group of Igorots. He was seething with anger when he woke up. He decided to
follow his father to the mountain. He was then nine months old, when he reached the Igorot's
village, he saw them dancing around the head of his father that was on top of a thin bamboo
pole. In his rage, he fought all the Igorots and slew them all, including the leader of the group
whom he tortured first before he killed.

Sa kanyang pag-uwi sa Nalbuan ay napadaan siya sa ilog ng Amburayan. Doon ay naligo siya sa
tulong ng kanyang mga kaibigang babae na pinupunasan ang kanyang katawan upang maalis ang
mga dumi at dugo, ngunit ito'y nakapatay sa lahat ng nabubuhay na hayop sa ilog. Nang siya ay
nasa hustong gulang na upang mag-asawa ay may nakilala siyang isang magandang babae, si
Ines Kannoyan at umibig siya rito. Pumunta siya sa bahay nila Ines upang umakyat ng ligaw
kasama ang kanyang puting tandang at ang kanyang paboritong aso. Nang makarating siya sa
bahay ay nainis siya sa dami ng naunang manliligaw sa kanya.

Inutusan niyang tumilaok ang kanyang tandang at sinunod naman siya nito. Noon din ay
gumuho ang bahay nila Ines at nangamatay ang lahat ng kanyang manliligaw. At inutusan
naman niyang tumahol ang kanyang aso at tumahol nga ito. Mabilis na bumalik sa dati ang
gumuhong bahay. Lumabas si Ines at ang kanyang mga magulang upang salubungin
siya. Ipinaramdam ng tandang ang pagmamahal ni Lam-ang kay Ines Kannoyan.

Ang aking panginoon na si Lam-ang ay iniibig ka at gusto ka niyang pakasalan, sabi ng puting
tandang kay Ines sa lenggwaheng naiintindihan niya.

Pakakasalan kita kung matutumbasan mo ang aming kayamanan, sagot ni Ines Kannoyan.

Ang pagsubok na ibinigay ni Ines ay hindi nakapagpahina kay Lam-ang. Umuwi siya kaagad at
bumalik kasama ang isang malaking bangka na puno ng ginto, hinigitan nito ang halaga ng
kayamanan nila Ines. Ikinasal sila at namuhay ng masaya.

On his way home to Nalbuan, he passed by the Amburayan River. There he took a bath with his
lady friends scrubbing his body of dirt and blood that eventually killed all the living creatures in
the river. When he was old enough to marry, he heard of the beautiful Ines Kannoyan and fell in
love with her. He went to Ines' place to court her taking with him his white rooster and his
favorite dog. When he arrived at her house, he was annoyed to see Ines' many suitors in front of
the house.
He asked his rooster to crow and the rooster did. At once, Ines' house crumbled to the ground
killing all her suitors. Then he asked his dog to bark and the dog did. The crumbled house stood
again at once. Ines and her parents went out of the house to meet him. The white rooster
expressed Lam-ang's feelings for Ines Kannoyan.

My master, Lam-ang, loves you very much and he wants to marry you, the white rooster said to
Ines in the language she clearly understood.

I'll marry you if your wealth could equal our riches, answered Ines Kannoyan.

Ines' challenge to him did not dampen Lam-ang's spirit. He went home at once and came back
with a big boat full of gold, the value of which surpassed Ines' family's wealth. Then they were
married and they lived happily.

Lumipas ang mga taon at dumating ang pagkakataon ni Lam-ang na humuli ng isda na tinatawag
na rarang. Ito ay isang obligasyon ng bawat may asawang lalaki sa kanilang komunidad upang
manghuli ng rarang. Ngunit nararamdaman ni Lam-ang na mapapatay siya ng isang berkahan,
(isang uri ng isda na kabilang sa pamilya ng mga pating) kapag pumalaot na siya upang
manghuli ng "rarang". Ngunit kailangan niyang tuparin ang kanyang tungkulin at isang gabi ay
pumalaot siya sa karagatan. Napatay siya ng berkahan tulad ng kanyang inaasahan.

Tumangis si Ines sa kalungkutan. Umisip ang kanyang puting tandang ng paraan upang
buhaying muli si Lam-ang. Umarkila si Ines Kannoyan ng mga maninisid upang hanapin ang
mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat. Madaling nahanap ng mga maninisid ang lahat ng mga
buto at pinagsama-sama ni Ines ang mga ito. Kasama ang puting tandang at ang paboritong aso
ni Lam-ang ay namanata siya gabi-gabi hanggang sa isang araw ay nabuhay si Lam-ang. At
mula noon ay namuhay sila ng masaya.

Years passed and came Lam-ang's turn to catch a fish known as rarang. It was an obligation of
every married man in the community to catch a rarang. Lam-ang, however, felt that he would be
killed by a berkahan (a kind of fish that belonged to the shark family) once he set out to catch a
"rarang". But he had to do his duty and one night, he sailed out to the sea. He was killed by a
berkahan as he had foreseen.

Ines wept in sorrow. Lam-ang's white rooster thought of a way to bring Lam-ang back to life
again. Ines Kannoyan paid a deep-sea diver to locate all the bones of Lam-ang under the
sea. The diver found all the bones very easily and Ines put them together. Then, together with
Lam-ang's white rooster and favorite dog, she held prayer vigils every night, until one day, Lam-
ang came back to life. And they lived happily ever after.
Labaw Donggon

(a Visayan epic)
Bilingual (Tagalog-English) version

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na


lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang
Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita
niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay
nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa


Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya
na may kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya.

Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni
Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan. Samantala


ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang
panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na
Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na
hanapin siya.

Labaw Dongon was the son of Anggoy Alunsina and Buyung Paubari. He was a very handsome
young man who fell in love with Abyang Ginbitinan. He showered Anggoy Matang-ayon, the
mother of Abyang Ginbitinan with precious gifts so she would let him marry Abyang. They
invited the whole town to their wedding. Not long after that, Labaw fell in love again with
another beautiful woman named Anggoy Doronoon. He courted her and soon they were married.

Then again, Labaw fell in love for the third time with another woman named Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata. But the woman was married to Buyung Saragnayan, who, like him, had a
magical power.

Kill me first before you can have my wife, Buyung Saragnayan told him.

I'm ready to fight you, Labaw answered Saragnayan.


They fought each other for years using their strange magical powers but Labaw could not kill
Saragnayan. It seemed that Saragnayan's power was stronger than Labaw's.

Labaw was overpowered and he was tied and detained at the pigpen of Saragnayan. Meanwhile,
his wives, Abyang Ginbitinan and Anggoy Doronoon gave birth to their first borns. Abyang
named her son Asu Mangga and Anggoy Doronoon called her son Buyung Baranugun. These
two sons of Labaw wanted to see him and they decided to find him.

Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni


Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na
napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.

Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya
labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini
upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at


pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa
kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni
Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay
Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si
Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun
sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita
nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni
Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

With the help of Buyung Baranugun's crystal ball, they learned that Labaw was taken prisoner of
Saragnayan. The two brothers successfully freed their father who was so old and his body was
entirely covered with long hair.

You should find out first the secret of Saragnayan's power before you fight him! Labaw told his
two sons.

Yes, father, replied Baranugun. I will send Taghuy and Duwindi to Abyang Alunsini to ask her
of the secret of Saragnayan's power.

Baranugun leraned from Abyang that Saragnayan's breath was being kept and taken cared of by a
wild boar in the mountain. He and Asu Mangga went to the mountain and slew the boar. They
ate the heart of the animal that was the life of Saragnayan.

Saragnayan suddenly felt weak. He knew what had happened. He bade goodbye to
Nagmalitong Yawa. He was now ready to confront the two sons of Labaw. It was only
Baranugun who faced him in bloody fight. He was slain by Baranugun in a hand-to-hand
combat. After the fight, Baranugun and Asu Mangga looked for their father. They found him
crammed inside a net of Saragnayan. He was afraid of the brothers of Saragnayan. Baranugun
killed them all and freed Labaw from the net.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa


pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-
iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si
Buyung Humadapnon at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal
kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang
dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang
mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na
mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at
pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-
masaya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

When Abyang Ginbitinan and Anggoy Doronoon saw Labaw, they wept in sorrow. They found
out that Labaw could no longer hear and use his mental faculties. They bathe him, cloth him and
fed him. They took care of him. Meanwhile, Buyung Humadapnon and Buyung Dumalapdap,
brothers-in-law of Anggoy Ginbitinan married Burigadang Pada Sinaklang Bulawan and
Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon respectively. The two women were the beautiful
sisters of Nagmalitong Yawa.

When Labaw Donggon learned of the marriage, he told his two wives that he wanted to marry
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

I want to have another baby boy! declared Labaw Donggon.

Abyang Gingibitan and Anggoy Doronoon were shocked to hear his request but because they
loved Labaw so much, they gave in to his wish. Labaw laid down on the floor and the two
women jumped over him, bringing back his strength and sharpness of mind. Labaw cried out in
joy and his voice reverberated over the land.
Maragtas

(Epikong Bisayas)
Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na
datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong
kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay.

Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga


pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng
dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng
masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang
magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang
palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa
at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu
Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni
Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni
Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at
Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si
Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na
mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong
lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na
mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda
ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng
maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang
kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan
nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang
malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni
Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung
datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung
matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay
Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-
asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang
mag-asawang si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si
Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at
Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot
sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa
paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng
Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay
nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay,
narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong
iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na
marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung
saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo
ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay
masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag
na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga
Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang
kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga
panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang
kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni
Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung
papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng
maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng
Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si
Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si
Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati
ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman
ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang
mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki
naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at
gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni
Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na
ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan,
kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas
niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa
baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik
siya sa dating pook pagsapit ng buwan Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang
pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling
(Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-
bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang
mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa
na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa
Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang
kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu
Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu
Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila
ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang
pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti
tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si
Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at
ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu
Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng
Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-
ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
`Darangan

(an epic of Maranao)


Bilingual (Tagalog-English) version

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na
lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa
murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama
na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at
palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong
labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya nang
mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-bayan. Hindi
makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.

Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.

Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng
mga diyos! sabi naman ng isa.

Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.

There was a king in a faraway kingdom in Mindanao who had two sons. The elder was Prince
Madali and the younger one was Prince Bantugan. At a very early age, Prince Bantugan had
shown superior qualities over his elder brother Prince Madali. Their tutors would always tell
their father that Prince Bantugan was very intelligent. He was a fast learner, even in the use of
sword and bow and arrow. And he possessed such great strength that he could subdue three to
five men in a hand-to-hand combat.

The first indication that he would soon be a formidable soldier was seen when he single-
handedly killed a big and ferocious crocodile that had killed several villagers. The villagers
could not believe their eyes after the very short struggle.

He is so strong! an old man blurted out upon seeing the dead crocodile.

How could a man so young as he is can kill a killer crocodile? He must be possessed by the
gods! another villager said in awe.

Come on, let's thank the prince for killing the beast! the chieftain of the place said to all the
villagers.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na
sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang
nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng
lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na
nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo
nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang
hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe
Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si
Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga
kaaway! sabi ng isang matandang babae sa pamilihan.

Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.

Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na
tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo
ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.

As years passed, Prince Bantugan reached to his manhood, he became the kingdom's number one
soldier. He always led their soldiers to the battlefield. And he always triumphed over their
kingdom's enemies. His name became a word of the mouth among the soldiers of the
neighboring kingdoms. Soon no kingdom ever dared to conquer or make war with their
kingdom. No one would want to fight him. Peace and progress reigned in their kingdom
because they had gained the respect and recognition of their neighbors.

When their father died of old age, his elder brother, Prince Madali was named the new
king. There were silent protests among the ranks and their people. They wanted Prince
Bantugan to be the new king. Even the ordinary people were one in saying that Prince Bantugan
was the better choice between the two princes.

Prince Bantugan is brave and strong. He can really protect us from our enemies! an old woman
in the marketplace said to her listeners.

I agree with you, an old man answered.

This did not bother Prince Bantugan. He knew that his brother was the legal heir to the throne
because Prince Madali was the first sibling. He even vouched for his brother.

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung
paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa
kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang
magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa
pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang
matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang
nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali
ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.

Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe
Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay
parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang
mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit
ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka
makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang
prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan
habambuhay.

My brother deserves to be our new king because he had studied how to run the government, he
told his fellow soldiers and the ministers of the kingdom. He knows how to deal with foreign
relations. And he has several good ideas on how we can improve the life of everyone!

The ministers and the soldiers just nodded in agreement. However, a rift ensued between Prince
Bantugan and King Madali. Because Prince Bantugan was not only brave and strong but very
handsome too, several beautiful and young women in the kingdom fell in love for him, even the
women whom his brother, King Madali, wanted for himself, surrendered themselves under
Prince Bantugan's charm. Enraged and envious, King Madali proclaimed an order.

I don't want anybody talking to my brother, Prince Bantugan. Anyone who is seen talking to him
will be put in jail or be punished severely.

Prince Bantugan felt sad at his brother's order. He found himself like a person with
communicable disease. Everyone was staying away from him, even his women. Even the
people he loved. No one wanted to talk to him for fear of being jailed or severely punished by
the king. Unable to contain his grief, he decided one day to leave the kingdom and settled to a
faraway land where he spent the rest of his life.

You might also like