You are on page 1of 25

1

Alim
epiko ng mga Ifugao

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-
sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga
hayop na madaling hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang
kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas na
isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag
maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.

Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay ang mga tao.
Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay
nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang tumaas
ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha.
Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan.

Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni
Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman
nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan
na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao. Dahil sa
malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay.

Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal ni
Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na
babae. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae.
Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang masagana.

Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni Wigan at ni
Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin
ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang
pagsasalat at tuyot.

Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon.


Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang
magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-
aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga
ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.

==============================================================================
======

Hudhud:
Ang Kuwento ni Aliguyon
(Epiko ng mga Ifugao)

Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali, at sa


pananampalataya.
2

Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang mandirigmang Ipugaw


na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan, isa ring mandirigma. Maagang
natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma
ni Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya ay ang
trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag
pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag
inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na
mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan ang mga
makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.

Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng loob. Talagang
inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay
Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang
mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan
ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad
ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng
anak sa kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban
lalo na sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng araw.
Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng
matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit
sa hangin.

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat.
Saksakin mo siya, Dinoyagan!

Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo, ng buwan. Kung
saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga
taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang labanan.
Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa
kanila. Walang natalo.
Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng pagkakaibigan at
pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na
lilimutin na ang alitan ng kanilang ama. Nagdiwang ang lahat.
3

Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa si Aliguyon si


Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni
Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay nang maligaya. Doon
lumaki ang kani-kanilang mga supling.

Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahanng pinanonood ng
mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung sila’y sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma ay
mahusay din sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na agila.

Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal
na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at
pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na sila’y pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang kanilang
kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga
Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga
Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.
==============================================================================
=======
Lam-ang
(Epikong Ilokano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa


pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at
pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga
Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon.
Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng
pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking
lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang
ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa
tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa
laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa
kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si
Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na
nasa sarukang, isang haliging kawayan.
4

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang
matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga
kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming
Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang.
Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang
mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya
ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu.
Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at
nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang


dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang
at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-
ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang
aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang
bahay. Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi
naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya
na kapantay ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni
Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan,


bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga
isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng
pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-
ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-
ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang
bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang
maligaya sa mahabang panahon.
5

==============================================================================
=======

Ibalon
(Epikong Bicolano)

Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño, batay sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na
mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting
na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng
Bikol.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo.
Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya
nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na
tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang
makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang
buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng
tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang
dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga
masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya (ang mga tao ng maayos na
pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at
pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok
na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-
unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot.
Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o
hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na
naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang
pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog.
6

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut,
dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa
pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang
nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon.
Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Matandang kasaysayan ng Ibalon:

Ang panahong nasasaklaw ng matandang kasaysayan ng Kabikulan ay nagsimula noong sinauna


hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa pangunguna ni Juan Salcedo noong 1573. Ibalon o
Ibalnon ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito naunang nakilala ang
lupain ng mga sinaunang bikolano. Ang naging batayan nito ay ang ibal o ibay na siyang kauna-
unahang pangalan ng tangway ng Bikol. Ang ibal ay salitang pinaikli na ang Ibalyo (Bikol) o Ibaylo
(Bisaya) na nangangahulugang maging tawiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa
dakong timog Luzon.

Katangian ng Epikong Ibalon:


Ito ay binubuo ng animnapung saknong na may apat na taludtod ang bawat saknong. Ang sukat
ay labindalawang pantig ang bawat taludtod. Ito ay isinalin ni Fr. Jose Castaño sa Kastila. Ang
kayarian ng epikong Ibalon ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang kahilingan
ni Iling kay Kadugnung na awitin nito ng huli ang mga pangyayaring nagpapakilala sa kabayanihan
ng bayaning si Handyong. Ito ang nilalaman ng unang bahagi na may anim na saknong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga
pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

ILING – isang ibon na laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring turuang bumigkas ng
ilang salita.

KADUGNUNG – mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni Iling ay inawit niya ang


epiko. Siya ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castaño.

*(Batay sa pagsasaliksik ni Ester E. Tuy)


See also the Bilingual (Tagalog-English) version of Ibalon (an epic from Bicol).

Indarapatra at Sulayman
(Epikong Mindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na


pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao.
Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng
Mantapuli.
7

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal.


Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa
mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng
halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay
malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw
ay namatay.

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang
anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo
ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong
ng kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao,
na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa
pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman
ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng
mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang
magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon.
Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang
palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra.


Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang
kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra
ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na
ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman.
Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y
may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si
Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang
magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala


ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang
engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa
sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at
nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na
pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang
dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang
lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay
Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
8

==============================================================================

Lumalindaw
(Ga’dang Epic)

Lumalindaw, the hero of the Ga'dang, was the son of Chief Lumalibac of Nabbobawan and his
wife Caricagwat. He was an extraordinary being. In a few days he grew into a strong young man
with a voice so loud that if he shouted at a flying bird, it would stop instantly in front of him, and
if he shouted at a coconut tree, its fruits would fall.

One day he went on top of a mountain, climbed a tree, and started playing his "ayoding", a
magical musical instrument that could speak words of advice to its master. That day, his ayoding
told him that they should go East, to Manimbawan, to look for a beautiful lady. Accordingly,
Lumalindaw asked his mother to give him his father's magic bolo which sings when it swings and
is so shiny that its brilliance blinds the opponent and thus makes it easy to subdue him. With this
bolo, Lumalindaw went on a raid with his friends and got a head to give to his lady-love. He then
left his mother and, accompanied by his pet birds and monkey, he set out on his search for his
beautiful lady.

While drinking in a stream, Lumalindaw saw reflected on it the face of a beautiful lady. The voice
even provided him with gold to give to the lady. Lumalindaw set out on his journey. The sight of
a rainbow gave him renewed strength.
He reached a house. He asked for a drink of water from the owner, an old woman, who had a
daughter, Menalam. Lumalindaw was able to win the hand of Menalam after a bolo combat with
Menalam's brothers. There was a lavish wedding feast, with the folk of Nabbobawan bringing
everything needed.
The parents of Lumalindaw and the young men and women of Nabbobawan came for the
wedding and were happily received by Menalam's parents, Mabbaniaw and Alottu. For the whole
day and night there was eating, dancing, and drinking. There was also the observance of age-old
customs, such as hanging coins on the shawls of the guests, old folks telling stories, chanting
tales, riddles, and proverbs and giving advice to the newlyweds.

After a few days, Lumalindaw brought his bride home to Nabbobawan. After nine months,
Menalam gave birth to twins, a son and daughter whom they named Yadan and Busilelaw,
meaning "morning star." Menalam, accompanied by Lumalindaw, brought her children to her
home Icawayan at the request of her parents. Lumalindaw had to leave them there and go back
to Nabbobawan to attend to his duties as the protector of his village.
After ten months, Lumalindaw became restless, for he wished to marry again. Upon the advice
of the Voice (in Manimbawan) he went to Iquiladan and there he won the hand of Muwan, after
proving his strength and courage through combat. After nine months, this second wife gave birth
to twins. The boy was named Yadan and the girl Imugan, meaning "charm." After ten months it
became necessary for Lumalindaw to go back to his village to see his mother and his people. He
was joyously welcomed home by his people.
After ten months Lumalindaw became restless; he wanted to marry again. The Voice, upon being
consulted, told him he could court Carinuwan from the river Binalan, if he wished. Passing by a
river, fishes followed him and led him to the cave of Binalan. Here he was welcomed by
Carinuwan, who was a "sirena" of goddess of fishes. When Lumalindaw expressed his love for
her and held her hand, Carinuwan's tail suddenly turned into two feet. She had been turned into
a fish by a powerful goddess and she could only regain her human form if somebody would be
9

willing to marry her. Now the spell was broken and Lumalindaw brought her home to
Nabbobawan. Nine months later she gave birth to a baby boy whom they named Yadan. Later
Carinuwan went back to her home in Binalan.
A few years passed, Lumalindaw became restless again, for he wanted to look for a lady. His
ayoding advised him to go to the underworld in Nadaguingan where a beautiful lady named
Caligayan lived. Lumalindaw had a hard time reaching the place because some dwarfs were
misleading him, but with the help of his pet birds and monkey, he finally reached Nadaguingan.
There he met the tiniest but most beautiful woman he had ever seen. He had to kneel to be able
to talk to her. Caligayan told him to lie down so she could listen to his heartbeat. If his intention
was noble he could see light again; if it was evil, he shall live in darkness forever. When
Lumalindaw lay down he was surprised to see Caligayan become big with her feet on the same
level as his. They stood up and Caligayan was as tall as Lumalindaw. She said that an old woman
had cast a spell on her and the spell could only be broken if anybody should love her. Now the
spell was broken and Lumalindaw brought Caligayan home with him to Nabbobawan. After nine
months, Caligayan gave birth to a boy whom she named Yadan and whom she brought to
Nadaguingan to show to her loved ones, the dwarfs.

One day, as Lumalindaw was coming down the mountain, hundreds of enemies attacked him and
threw him into the river to drown him. Lumalindaw however, was found by a lady taking a bath.
She was Guimbangun of Iculengan. She cured his wounds and took care of him until he got well.
Out of gratitude to her, he married Guimbangun. Lumalindaw brought Guimbangun home with
him to Nabbobawan and they were met with feasting and dancing.
After nine months, Guimbangun gave birth to a boy they named Yadan. She brought him to
Iculengan to show to her parents.
Years passed, Lumalindaw longed to see his children who were now fully grown. His children,
likewise wanted to see their father. They all set out to search for their father – the five sons, all
named Yadan. They met at the crossroads near Nabbobawan.

They rested under a shed by the road. They introduced themselves to each other and found out
that they all had same name and the same father. Each one boasted about his father until finally
they started quarreling. Lumalindaw arrived just in time to stop their fight with his loud voice.
When he learned the cause of the fight, he told them that he was the father they were looking
for and that they were all brothers. Embracing all five, he and his sons proceeded to Icawayan.
Menalam was surprised and happy to see her husband. Lumalindaw sent his sons to fetch their
mothers and sent Yadan of Menalam to fetch their grandmother, Caricagwat, Lumalindaw's
mother. There was a happy reunion and story telling by their grandmother about the past
childhood of their father and their own childhood. The two girls Busilelaw and Imugan met on
the way looking for the same father. Lumalindaw was happy to see his charming daughters and
when the wives met they were all happy to see each other. Menalam surprised them all with her
magic pot which was so small and yet it needed only one grain to feed everybody.
A rainbow appeared in the sky summoning Lumalindaw. They all left for Manimbawan where
there was a waterfall and a pot of gold and where the "Voice" of the Nanolay could be heard.
Lumalindaw gave advice to his children and reminded them to take care of their parents and of
his friends, the monkey and the birds. He embraced them goodbye and he entered the cave
behind the waterfall and was seen no more.
All were sad to be left by their father. The monkey went back and saw the magic bolo in front of
the cave. He got the bolo and gave it to Yadan, the son of Menalam, who became the next one
to use the bolo of Lumalindaw.
10

*The folk epic "Lumalindaw" was collected from the highland Ga’dang of Banahaw, Municipality
of Paracelis, Mountain Province. A relatively short epic with 1,018 lines.
==============================================================================

Agyu : The Ilianon Epic of Mindanao


(of the Manobos of North Cotabato)

Episode 1: The killing of the Moro Datu


In the country of Ayuman lived the heroes Banlak, Agyu, and Kuyasu. In the Ilianon tradition these
men were brothers, being the sons of Pamulaw. Agyu had four sisters, but only Yanbungan and
Ikawangan are mentioned in the epic. Banlak's wife named Mungan was badly afflicted with a
consuming disease.

One of the activities that the Ilianon people engaged in was the gathering of beeswax which they
traded with the Moro, securing from the latter articles and goods that they needed in their daily
lives. Although these goods and articles are not mentioned in the epic, they have been identified
as cloth, blankets, bolos (especially "tabas" which are used in weeding), betel nut and lime
containers, salt, and coconut oil, these things being paid for with beeswax and honey. One day
Agyu sent nine "kamu" or lumps of beeswax to a Moro datu, delivered by Kuyasu and Banlak.
Angered by the small quantity of the payment, the Moro datu hurled the beeswax at Kuyasu,
hurting the latter's foot, which had an ulcer. Kuyasu retaliated by spearing the Moro datu to
death. He must have been left behind, for it was Banlak who hurried to Ayuman to inform Agyu
and the others that Kuyasu had slain the Moro datu.

Episode 2: The battle with the Moros

Agyu predicted that there was going to be a war. Inasmuch as the Moro datu had been killed, it
was better for them to leave their homeland. They went to Ilian mountain where Agyu ordered
the building of a fort on its top. Agyu asked his followers to gather big stones and to cut logs.
Then they built houses and shelters and lived peacefully there. But soon the Moro warriors came
up the Pulangi River and spotted the fort built by the Ilianon. When the Moro invaders tried to
scale the mountain, Agyu ordered the cutting of the rattan that held the logs and loosening them
on the attackers. The result was almost decimation of the enemy. Those who escaped the
slaughter fled.

Episode 3: Agyu leads his people to another country


After this victory, Agyu decided to move to another country. He chose to go to Pinamatun
mountain. They built houses and habitations there once more. He left for Sandawa mountain to
hunt. Lono' tried to cut a path on the side of the mountain, while two women, Yambungan ang
Ikwangan, were left behind swinging on a vine from bank to bank over the stream. Something
was stinging their feet and they shouted for Lono' to come. Lono' found it was a bee and this
enabled him to locate beehives in the hollows of palm trees. Then Agyu came back with a small
wild pig. He asked Banlak to singe it, after which the animal was divided, and the meat and honey
were distributed among the people.
11

Then Agyu remembered Banlak's wife in Ayuman; she had been left behind because of her
afflicton. But Banlak refused to bring her share of the meat and honey, for he had abandoned
her. It was Lono' who volunteered to bring Mungan her share. When he reached Ayuman, he
found out that Mungan was already well. She gave Lono' betel nut and young rice to distribute
to the people. Lono' returned to Pinamatun and told Agyu and the others the news that Mungan
had already recovered and had become a beautiful lady. When Banlak heard that, he wanted to
return to his wife but Agyu reproved him. Then the betel nut and "pinipi" young rice were
distributed.

Episode 4: Agyu and his people return to Ayuman

Because of Mungan's recovery, Agyu decided to return to Ayuman, and this was done with his
people following him. But when they arrived at Ayuman, they found Mungan gone. Agyu then
decided to continue their journey further on until they reached the mouth of Tigyandang, at the
junction of Mudan'udan. They built houses and settled there.

Episode 5: The invasion of Agyu's country and the prowess of Agyu's youngest son
In this country of Tigyandang, Agyu's people were attacked. Agyu's men fought on the seashore
of the bay of Linayagon, but it was a losing battle. When only a few men were left, Agyu's
youngest son, a mere boy, volunteered to fight the enemy single-handed. In four days he
defeated them. The leader of the invaders invited Agyu's young son to go home with him but the
boy refused. When the leader reached home, however, he found the boy already there. The datu
told his wife to call their daughter and for her to dress up. The datu told her to give chew to
Tanagyaw, Agyu's son, and to consider him her husband. Buy'anon invited him to sit on her lap,
but Agyu's son refused, saying he was a mere boy. Then he departed.

Episode 6: Agyu's son saves the country of Baklayon from invaders and gets another marriage
proposal; this time the maiden is persistent, accompanies him to his home and finally succeeds
in marrying him
Tanagyaw reached the country of Baklayon. There was consternation in the place. He learned
that the village was going to be attacked by invaders. He was well received and was offered the
young daughter of the datu in marriage. She came out and offered him chew and asked him to
be her husband, saying he was going to be their savior. He fought the invaders and defeated
them. The datu had a son named Bagsili' who challenged him, but was killed in a man-to-man
combat. The defeated datu took his leave and departed.

Tanagyaw told the people to shout the cry of victory. He went up the house and squatted.
Paniguan, the datu's daughter, proposed marriage to him for saving their country, but Tanagyaw
said that he would help them even if they did not get married. Then he said that he was going
home. He departed, but the girl accompanied him home. Agyu was surprised to see his son
accompanied by a young lady. He asked the maiden who she was; she identified herself but
insisted on marrying Tanagyaw. So the two were married.

Episode 7: Agyu's country is invaded but Tanagyaw successfully repulses the invaders; Tanagyaw
settles in Sunglawon with his wife
After some time, Agyu's country is again endangered by invaders coming from across the sea.
The men fought well but were overwhelmed. A counselor foretold doom. But Tanagyaw reproved
him. He put on his attire that was ten times thick and of nine layers, and picked up his shield and
12

spear which could not be broken. Then he fought the invaders on the seashore. The dead piles
up, mountains and hills of them. The leader of the invaders invited Tanagyaw to his country. But
Tanagyaw said that the leader had been shamed. Upon hearing this, the leader's son fought him,
using a bar of gold. Tanagyaw in turn used his golden cane called Tanigid and with it reduced the
challenger to a pounded mass. The leader returned defeated to his homeland.

When peace had been restored, Agyu assigned the country of Sunglawon to his victorious son
who settled there with his charming wife.

• "Agyu" is a Manobo folk hero, and the epic "Agyu" of northern and central Mindanao is
about him. It is 1,279 lines long and narrates seven distinct episodes in the life of the main
hero, Agyu: (1) the killing of the Moro datu by Kuyasu because of the incident of the
beeswax; (2) the battle with the Moro who attacked them in retaliation for the killing of
their datu; (3) Agyu's leading his people to another country where he found beehives and
Mungan's miraculous healing; (4) his people's return to Ayuman and their discovery that
Mungan has ascended to the skyworld; (5) the invasion of Agyu's country by enemies and
the defeat of the enemy by Agyu's youngest son, a mere boy, who also rejects a proposal
of marriage made by the daughter of the defeated datu; (6) the saving of the country of
Baklayon by Agyu's youngest son and another proposal of marriage to the boy-hero from
the grateful daughter of the datu; her following Agyu to his home and their marriage; (7)
the successful repulsion of invaders by Agyu's youngest son.
========================================================================

Kudaman
(of Palawan)

By the river Tabunganan is a spring, which is the abode of an evil spirit. Tuwan Putli, accompanied
by her cousin Ambaynan, goes there to fish. As they are about to leave, Tuwan Putli sees a river
lobster with golden pincers. Ambaynan waits for her, but Tuwan Putli disappears. There is blood
in her fish basket. Ambaynan goes home and reports the incident.

Tuwan Putli’s father, orders her husband (and son-in-law) Muta-Muta to search for her, but the
man disobeys. Muta-Muta finds help in the person of the Young Man of the Clouds. It is agreed
that if the Young Man of the Clouds can find Tuwan Putli, she will be his. With the help of a
crocodile, the Young Man of the Clouds finds a fragment of Tuwan Putli’s toenail nestled inside a
molar of an old crocodile. The old crocodile had accidentally eaten Tuwan Putli. Retrieving the
nail, he sees Muta-Muta who tells him to bring home the nail fragment. The young man puts the
nail inside the golden chest. In the afternoon, Tuwan Putli’s voice is heard inside the chest,
pleading to be let out. The chest breaks open like a bamboo, filling the house with golden light.
Tuwan Putli emerges and asks for a betel nut. Learning that the young man has recued her, she
consents to live with him.

Soon the Young Man falls in love with the Lady of the Sea-Beings, the wife of Kudaman. The Young
Man wins her love, forcing his wife, Tuwan Putli to leave him. Kudaman decides to bring the Lady
of the Sea-Beings to her father Surutan Tamparan, the Sultan of the Seacoast. On his journey
back aboard Linggisan, the Purple Heron, Kudaman meets Tuwan Putli and offers her a betel nut.
She accepts, and she becomes his "puun" or principal wife. When Surutan Tamparan discovers
that his daughter has left Kudaman for the Young Man of the Clouds, he beheads her at the place
called Scissors of the World. But she emerges from the ordeal lovelier than ever.
13

Muta-Muta, Tuwan Putli’s first husband, and his brother, the Datu of Ligayan, visit Kudaman to
offer a blood compact. Kudaman reminds Muta-Muta that Tuwan Putli is now his wife. Having
become blood brothers, Muta-Muta asks to stay in Kudaman’s place. Kudaman agrees, and he
has a big house built. Kudaman gathers his relatives and friends and offers to host a big feast of
"tabad" rice beer.

Kudaman goes on a journey to look for beautiful garments for Tuwan Putli whom he entrusts to
Muta-Muta. Riding on Linggisan, his pet bird, Kudaman travels for seven years. The Lady of the
Wild Green Pigeon falls in love with him. The attraction is mutual, so Kudaman promises to return
for her. Reaching the house of the Sultan of the Seacoast, Kudaman buys the garments he wants.
His former wife expresses renewed yearning for him and his bird, so she is transported to
Kudaman’s house, where she is welcomed by Tuwan Putli as sister and co-wife. As he has
promised, Kudaman passes by the place of the Lady of the Wild Green Pigeon on his way back.
He asks for betel nut, and she offers him her betel nut container. When she agrees to come with
him, he puts her inside betel container for safekeeping. Tuwan Putli meets him with the news
that the Lady of the Sea-Beings has come. Kudaman shows her what he has brought home: a new
sister.

Kudaman goes on another journey, entrusting the two women to his principal wife. He
encounters the Lady of the Ginnu Tree, who is gripped with admiration for his magnificent bird.
Kudaman obtains her, as he did the Lady of the Wild Green Pigeon, but the Lady of the Ginnu
Tree makes it clear to the other women that she has no desire to win the hero away from them,
and that she has come with him only because she loves his bird.

Having put up his new "kalongbanwa" or big house, Kudaman wishes to offer a celebration in
honor of Ampu, the Master of the Rice. Muta-Muta, Datu Ligayan, and the four "linamin" or ladies
are in agreement. He lays his hands over the mouths of the jars of tabad, and right away, the rice
beer ferments. Muta-Muta and Datu Ligayan play their gongs, for this is the music beloved of the
Master of the Rice, who bestows sweetness and fragrance to the rice beer. Clad in wondrous
garments and ornaments of gold, Kudaman’s four wives dance the "tarok", and they prepare the
betel chew for their guests. The Young Man of the Clouds hears the music from the feast, and he
hastens to join Kudaman. But far away, the dreaded Ilanun also hear the gongs, and they decide
to test the mettle of Kudaman and get his wives. Informed through a dream, Kudaman orders
the gong music to stop. He does not want violence, for it is an affront against Ampu, the Supreme
Master, who is also Nagsalad, the Weaver of the World. He is the picture of calmness as he awaits
the Ilanun’s arrival, chewing betel as he sits. He invites the Ilanun to come to the house, but they
harshly reject the offer.

Muta-Muta loses his restraint and attacks. The Young Man of the Clouds joins him. The leader of
the Ilanun and the Young Man of the Clouds duel in the heavens for seven years. Moved by Young
Man’s spirirt, Kudaman joins the fray. He entrusts to his grieving wives a bouquet of basil flowers
whose wilting or blossoming will signal his state. The ladies plead that Linggasan watch over its
master; the bird itself is anguished over Kudaman’s decision to fight. Up in the clouds, astride of
a ray of sunlight, Kudaman merely observes at first. But when the Young Man of the Clouds falls,
he comes to the Young Man’s rescue and puts the Young Man inside his betel container. Then he
confronts the Ilanun leader, Apo Tugbu. A battle between them lasts for many years, taking them
to several levels of the worlds. Finally Kudaman wins. The Ilanun are wiped out.
14

On their way home, Kudaman and the Young Man of the Clouds pass by the house of
Limbuhanan, the hero’s first cousin. They meet the Lady of the Agoho Tree, Limbuhanan’s wife.
The couple apologize to Kudaman for having gotten married without notifying him. The Young
Man of the Clouds relates the war he and Kudaman have just been through. The Lady of the
Agoho Tree offers to accompany the two back home.

Muta-Muta, Datu Ligayan, and the four wives are overjoyed when Kudaman arrives. The
interrupted feast resumes. A jural discussion is held, regarding harmonious relationship in
marriage, the duties of relatives, and other points of the "adat" or custom law. Among the guest
are the Datu and Lady of the Edge of the World, the Datu and Lady of the Surrounding Worlds,
the Datu and Lady of Median Space, the Chief Judge Pinagsaran and his wife, the Lady of the
Atmosphere. The Sultan of the Seacoast arrives with his seven wives, and he is offered the first
sip of the tabad. The merriment lasts for three days, but no violence or rowdiness occurs.
Kudaman finds himself in a state of stupor. His being is transported, it seems, to another universe,
and the heavens have been cindered by his drunkenness. But he is brought back to
consciousness, and, seeing the face of the Lady of the Hooks, he proposes to marry her. Revived,
Kudaman chews betel and spits at the dead army of the Ilanun. They are resurrected, and they
surrender their weapons as a sign of compact.

Earlier, during the start of the feast, an old conflict over Tuwan Putli between Kudaman and the
Chief Judge Pinagsaran took place. The Lady of the Luray Tree, wife of Pinagsaran, proposed that
Tuwan Putli be cut in two so that the two men could each have half of her. Kudaman takes a
blade and slices her. Each half of her becomes a lovelier Tuwan Putli. The Sultan of the Seacoast
takes his leave, and the others follow suit, but not before everyone has agreed that there must
be another feast in the future.

The rest of the epic contains episodes about Kudaman’s odysseys to distant lands and visitations
of friends and relatives, during which great feasts are held. In one of his drunken revelries, having
gulped down 180 jars of "tabad", Kudaman plummets into the navel of the world and wrestles
with himself. In his drunken state, he meets the Lady of the Young Men, who fans his face to
bring him back to his senses and offers him betel chew. She becomes his fifth wife. Riding his
heron to the ends of the world, Kudaman wins his other wives who are all uniformly described
as falling into a swoon at the sight of his magnificent bird. They are the Lady of the Sandbar, who
leaves her husband to go with the hero; the Lady of the Last Level of the Universe; the Lady of
the Oil of the World; the Lady of the Maiden Space, also married; and the Lady of the Hooks, to
whom he had earlier proposed.

"Kudaman" ends with a final celebration of Kudaman’s marriage to ten women. At the same time,
the Young Man of the Clouds takes the sultan’s seventh daughter in marriage, and the dowry he
gives is a river which begins from the skies and flows beside the Sultan’s house, while "macopa"
tree and a pomelo tree bear fruit the whole year round.

• "Kudaman" is an epic of Palawan. It is dramatization of nature and social life, a validation


of the beliefs, ethics, way of life to Palawan culture. The complete epic is composed of six
songs. It takes seven nights to perform the epic. The first night is used to introduce the
epic; each of the six songs takes a night to perform. The hero Kudaman appears after the
introductory chant.
15

Lumalindaw
Epiko ng Ga'dang

Lumalindaw, the hero of the Ga'dang, was the son of Chief Lumalibac of Nabbobawan and his
wife Caricagwat. He was an extraordinary being. In a few days he grew into a strong young man
with a voice so loud that if he shouted at a flying bird, it would stop instantly in front of him, and
if he shouted at a coconut tree, its fruits would fall.

One day he went on top of a mountain, climbed a tree, and started playing his "ayoding", a
magical musical instrument that could speak words of advice to its master. That day, his ayoding
told him that they should go East, to Manimbawan, to look for a beautiful lady. Accordingly,
Lumalindaw asked his mother to give him his father's magic bolo which sings when it swings and
is so shiny that its brilliance blinds the opponent and thus makes it easy to subdue him. With this
bolo, Lumalindaw went on a raid with his friends and got a head to give to his lady-love. He then
left his mother and, accompanied by his pet birds and monkey, he set out on his search for his
beautiful lady.

While drinking in a stream, Lumalindaw saw reflected on it the face of a beautiful lady. The voice
even provided him with gold to give to the lady. Lumalindaw set out on his journey. The sight of
a rainbow gave him renewed strength.

He reached a house. He asked for a drink of water from the owner, an old woman, who had a
daughter, Menalam. Lumalindaw was able to win the hand of Menalam after a bolo combat with
Menalam's brothers. There was a lavish wedding feast, with the folk of Nabbobawan bringing
everything needed.
The parents of Lumalindaw and the young men and women of Nabbobawan came for the
wedding and were happily received by Menalam's parents, Mabbaniaw and Alottu. For the whole
day and night there was eating, dancing, and drinking. There was also the observance of age-old
customs, such as hanging coins on the shawls of the guests, old folks telling stories, chanting
tales, riddles, and proverbs and giving advice to the newlyweds.
After a few days, Lumalindaw brought his bride home to Nabbobawan. After nine months,
Menalam gave birth to twins, a son and daughter whom they named Yadan and Busilelaw,
meaning "morning star." Menalam, accompanied by Lumalindaw, brought her children to her
home Icawayan at the request of her parents. Lumalindaw had to leave them there and go back
to Nabbobawan to attend to his duties as the protector of his village.

After ten months, Lumalindaw became restless, for he wished to marry again. Upon the advice
of the Voice (in Manimbawan) he went to Iquiladan and there he won the hand of Muwan, after
proving his strength and courage through combat. After nine months, this second wife gave birth
to twins. The boy was named Yadan and the girl Imugan, meaning "charm." After ten months it
became necessary for Lumalindaw to go back to his village to see his mother and his people. He
was joyously welcomed home by his people.
After ten months Lumalindaw became restless; he wanted to marry again. The Voice, upon being
consulted, told him he could court Carinuwan from the river Binalan, if he wished. Passing by a
river, fishes followed him and led him to the cave of Binalan. Here he was welcomed by
Carinuwan, who was a "sirena" of goddess of fishes. When Lumalindaw expressed his love for
her and held her hand, Carinuwan's tail suddenly turned into two feet. She had been turned into
a fish by a powerful goddess and she could only regain her human form if somebody would be
willing to marry her. Now the spell was broken and Lumalindaw brought her home to
Nabbobawan. Nine months later she gave birth to a baby boy whom they named Yadan. Later
Carinuwan went back to her home in Binalan.
16

Bantugan
(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita
sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito,
si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang
sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay
parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay
sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at
ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag
sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin
sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na
mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa
ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din
si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan
ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring
Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang
matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang
pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit
dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y
iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at
buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang
kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa
puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan.
Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang
malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

==============================================================================
The Guman of Dumalinao
(of the Suban-on tribe of Northwestern Mindanao)

The Kingdom of Mount Dliyagn is set in the mountainous regions of the Zamboanga Peninsula,
which is drained by a straight river whose bottom is lined with porcelain and beads of gold, and
whose banks are bordered by flowering plants. Datu Pomb'nwa, his wife Bayslaga, and their
young daughter rule the kingdom. They live in an eight-room mansion with furniture made of
gold. Datu Pomb'nwa and Bayslaga used to have other children, but their daughters drowned in
the river, and their sons, venturing out in search of them, failed to return. The other members of
the household are Sampilakan and Tinayobo.

One day, while Datu Pomb'nwa is making a shield, he hears disturbing sounds from the sea. War
vessels are coming. Tinayobo sounds the magical gong, and as she beats them, the mast and the
outriggers of the invading ships are shattered. After six days, the enemies, sent by three evil
queens, land. They start to scale the mountain to reach the kingdom, but because the mountain
keeps growing taller, it takes the invaders a month and a half to reach the summit.
17

When they reach the royal household, the invaders are met by Tinayobo. They strike her with a
kampilan or blade, but the blow lands on the porch, damaging it. Tinayobo restores it in a flash.
Datu Pomb'nwa and Sampilakan join the fight. After a month, however, two old warriors grow
exhausted, and they fall to the ground. This prompts their daughter, Ba-e ri Dliyag'n, to fight.
Initially, she successfully battles the enemies, but after a month, she bathed in blood. Thinking
her dead, the enemies abandon her.

A young man, Sakandal, told that Dliyagn is under attack, appears to help. He restores the
princess' spirit and beauty. As he goes to the mansion with her, the strength of Datu Pmb'nwa
and Sampilakan is restored. The ba-e's parents take notice of the young man and hope that he
will propose to their daughter someday. The daughter is then given a name, Pailalam ri Bolak, for
she has come of age. She is also given a chewing box. As she chews, her beauty increases. She
then learns about her brothers and sisters.

Meanwhile, Sakandal goes to battle in the kingdom of Tomanong. For days, Pailalam ri Bolak
observes him fight from the mansion's porch. Sakandal meets the chief of the Tomanong. As they
fight with their kampilan, the enemy causes the river to be overrun by fire, but Sakandal drowns
it with flood. After two weeks of fighting, the chief of Tomanong retreats almost lifeless.
Sakandal, too, is exhausted, but Pailalam ri Bolak fans him and restores his strength.

Pailalam ri Bolak receives a message from the maiden of Patola, who is asking whether she should
go with a stranger who has come to Mount Patola. Sakandal takes his ring and gives it to Pailalam
ri Bolak, telling her to knot it in the kerchief and send it to the maiden of Patola. The invaders
arrive ahead of Sakandal's ring. The ring drops and becomes unknotted. Out of the ring comes a
man named Salilayan. He helps defeat the invaders. The kerchief returns to the mansion, and
Sakandal asks Pailalam what else he can do for her. She asks him to lend her his magic powers.
She is given a kerchief with 18 rings knotted to it. She disappears from the spot.

The guman shifts to the kingdom of Pagkatolongon. The kingdom is in the same situation as
Dliyag'n. With no fighting men, the women of the kingdom are inspired to fight. A man named
Madlawe helps them, just as Sakandal has helped Pailalam ri Bolak. The second part, however,
may be said to be more magical than the first. Paillalam ri Bolak reappears to take an important
role. The guman ends with the return of the missing children. A traditional "buklog" or feast is
held to celebrate the union of the two kingdom.

*"Guman" is an epic of the Suban-on tribe who inhabit the highlands of Northwestern Mindanao,
in the teritory that is now partitioned among the three provinces of Misamis
Occidental,Zamboanga del Norte, and Zamboanga del Sur.
18

HINILAWOD
(Epiko ng Panay)
Buod ng Hinilawod
SiKaptanay bathala ng kalangitan at siMagwayenay bathala naman ng karagatan. May anakna
lalaki si Kaptan na ang napangasawa’y anak ni Magwayen.Ang pangasawahan ay nagkaanak ng
apat:Likalibutan,Ladlaw,LibulanatLisaga.Sinulsulan ni Lakalibutan sina Ladlaw at Labulan na
makiisa sa kanya na lusubin ang kalangitanupang siya ang maging hari ng sanlibutan
(universe).Walang pagsidlan ng galit siKaptankaya kanyang pinagpupukol ng kulog ang
magkapatid. Angkatawan niLikalibutanay nagkanluluray at napatapon sa karagatan. Nang
dumating ang ikaapatna kapatid siya’y kinatay at pinagdalawang hati.Nagsisi siKaptansa kanyang
ginawa. Muli niyang binuhay ang kanyang mga apo.SiLadlaway ginawang araw; siLibulanay
ginawang buwan; at sumibol naman ang mga kahoykayLikalibulan(sanlibutan). Ang unang hati ng
katawan niLisagaay naging unang lalaki(Silalak) at ang huling hati ay naging unang babae
(Sibabay).

*Hinilawod:

Adventures of Humadapnon, recounts the story of the exploits of three Sulod nondemigod
brothers, Labaw Donggon, Humadapnon and Dumalapdap of ancient Panay (RegionVI: Western
Visayas). It would take about three days to perform the epic in its original form.Hinilawod has
four episodes:(1)Pangayaw, which tells the story of the first adventure of Labaw
Donggon;(2)Tarangban- recounts the hero's adventure in the underworld;(3)Bihag, which is
about the captivity of Labaw Dungon in the hands of Saragnayan, the lord ofdarkness.(4)Pagbawi-
narrates the story how Labaw Dungon's brothers, Humadapnon and Dumaladap,rescued their
brother from captivity in the underworld.
==============================================================================

Labaw Donggon
(Epikong Bisaya)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki
na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan
na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang
buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae
na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may
kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya.

Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni
Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.
19

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan. Samantala ang
kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang
panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na
Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin
siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni
Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na
napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.

Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya
labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini upang
itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at


pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa
kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni
Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay
Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun
lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa isang
mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita nila na
siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay
silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa pighati.
Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan
nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon
at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada
Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang
magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa na nais niyang
mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at dahil mahal na mahal
nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang
dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw
at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.
20

==============================================================================
Maragtas
(Epikong Bisayas)

Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu.


Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong
kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay.

Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga


pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng
dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang
sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting
na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang
humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at
marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya
si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa
balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni
Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu
Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao.
Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang
ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na
maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal
sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda
ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming
pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang
dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang
lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking
pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang
itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung datu
kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung
matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay
Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang
si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang
21

si Datu Padihinog at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang
apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa
dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita
nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang
naninirahan dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya
kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay,
narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong
iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na
marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung
saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay
nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya,
masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na
gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya
sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang
kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin.
Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang
layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na
tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan
nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng
maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng
Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo
kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan.
Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga
Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo
at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog
ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw
pandigma, ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong
batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang
mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni
Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya
magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay
Maniwantiwan.
22

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay
dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa
dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).

Maragtas
(Epikong Bisayas)
Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga
bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa
na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan.
Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang
dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na
kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel.
Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog
naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel
na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba
pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at
ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela.
Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng
dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-ilog". Isang araw lamang at
umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

==============================================================================
Bidasari
(Epikong Mindanao)

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa


kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang
isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.

Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay
mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda.
Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga
yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang
sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na
babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka
sa ilog.
23

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang
kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.
Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda.
Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari.
Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi
niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na
mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong
na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa
akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito
ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na
saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana.


Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon
pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang
ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y
ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha
niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't
si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka
tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon
niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang
palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya
ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari.
Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan.
Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan
Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan
niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik
nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang
pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at
sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid


niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang
24

kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura.
Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay
magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na
si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang
tunay na prinsesa.

=============================================================================
Darangan
(Epikong Maranao)

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki.
Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang
edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama
na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at
palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong
labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya nang
mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-bayan. Hindi
makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.

Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.

Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng
mga diyos! sabi naman ng isa.

Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na


sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang
nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng
lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na
nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo
nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang
hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe
Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si
Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga
kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan.
25

Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.

Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na
tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang
nagpatunay para sa kanyang kapatid.

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung
paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian.
Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang
ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan
ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang
at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang
nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali
ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.

Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe
Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay
parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang
mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit
ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong
maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na
lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.

Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga nasa
Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan
ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo
lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni G. Frank Lauback. Ang mga
Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na
paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga
Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.

You might also like