You are on page 1of 5

Ano ang Epiko?

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko.
Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.

Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na


pangyayari.

Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at
kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa
anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara
sa mga Kanluraning epiko.

Katangian ng Epiko

Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao


 Mga inuulit na salita o parirala
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan
(halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang
nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay
maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

Halimbawa ng Epiko

Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng epiko ng Pilipinas.


Epiko ng Luzon

 Biag ni Lam-ang (Ilocos)


 Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
Epiko ng Visayas

 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon (Panay)
 Labaw Donggon (Bisayas)
 Maragtas (Bisayas)
Epiko ng Mindanao

 Bantugan
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan
 Ulod
Buod ng Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa


pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at
pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga
Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon.
Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng
pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti
niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya.
Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit
din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang tangabaran,
at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng
kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod
ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na
nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa
paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang,
isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang
matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga
kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya’t dumating ang maraming
Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang.
Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang
mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang
mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu.
Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon
ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang


dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at
mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang
sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni
Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay.
Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman
tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay
ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan,


bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga
isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating
na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang.
Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng
mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.

Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang
bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya
sa mahabang panahon.
BUOD (SUMMARY) OF BIAG NI LAM-ANG

Don Juan and his wife Namongan lived in Nalbuan, now part of La Union in the northern part of the Philippines. They
had a son named Lam-ang. Before Lam-ang was born, Don Juan went to the mountains in order to punish a group of
their Igorot enemies. While he was away, his son Lam-ang was born. It took four people to help Namongan give birth. As
soon as the baby boy popped out, he spoke and asked that he be given the name Lam-ang. He also chose his godparents
and asked where his father was.

After nine months of waiting for his father to return, Lam-ang decided he would go look for him. Namongan thought
Lam-ang was up to the challenge but she was sad to let him go. During his exhausting journey, he decided to rest for
awhile. He fell asleep and had a dream about his father’s head being stuck on a pole by the Igorot. Lam-ang was furious
when he learned what had happened to his father. He rushed to their village and killed them all, except for one whom
he let go so that he could tell other people about Lam-ang’s greatness.

Upon returning to Nalbuan in triumph, he was bathed by women in the Amburayan river. All the fish died because of the
dirt and odor from Lam-ang’s body.

There was a young woman named Ines Kannoyan whom Lam-ang wanted to woo. She lived in Calanutian and he
brought along his white rooster and gray dog to visit her. On the way, Lam-ang met his enemy Sumarang, another suitor
of Ines whom he fought and readily defeated.

Lam-ang found the house of Ines surrounded by many suitors all of whom were trying to catch her attention. He had
his rooster crow, which caused a nearby house to fall. This made Ines look out. He had his dog bark and in an instant the
fallen house rose up again. The girl’s parents witnessed this and called for him. The rooster expressed the love of Lam-
ang. The parents agreed to a marriage with their daughter if Lam-ang would give them a dowry valued at double their
wealth. Lam-ang had no problem fulfilling this condition and he and Ines were married.

It was a tradition to have a newly married man swim in the river for the rarang fish. Unfortunately, Lam-ang dove
straight into the mouth of the water monster Berkakan. Ines had Marcos get his bones, which she covered with a piece
of cloth. His rooster crowed and his dog barked and slowly the bones started to move. Back alive, Lam-ang and his wife
lived happily ever after with his white rooster and gray dog.

You might also like