Professional Documents
Culture Documents
Mga Aralin
Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan
- Pahayagan (Tabloid)
- Magasin
- Komiks
Antas ng Wika
Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-
araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago
matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang
pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi
na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa
kaniyang blog sa “Sanib-Isip” (http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid.
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na
rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay di naman
naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin
sa mambabasa ang mga nilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit
nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura, o di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa
diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang
ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target
readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang
tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira
lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa
itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa
masamang balita?
a. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa broadsheet?
2. Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga bahagi o pahina
nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay kung bakit inilagay ang bahaging iyon
at kung ano ang inaasahan nitong mambabasa
Magasin
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito,
naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang
panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang
Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng
mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan din ng kanilang pagtitipon upang mabasa
lamang lalo na ang mga nobela.
Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo
ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng
teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagama’t palaging paksang katatawanan
ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan
ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
A comic is a graphic medium in which words and pictures are used to convey a narrative or
story. Comics can contain dialogue because it consists of one or more images, which can
illustrate or compare text differences to make a deeper impact. Although comics have always
been a topic of humor, historically, the scope of this form of art has expanded to include all
genres, allowing artists to explore their own expression.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super
karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks,
maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin
bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula rito, nagsulputan na ang
mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong
1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan
nito ang kalidad at hitsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks
sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sina Alfredo
Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, at iba pa. Pagkatapos ng Batas Militar muling namuhunan ang
industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena
Patron, at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal
lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng
paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa
na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang
buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga
ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, world-class ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining
at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga
komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip
Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof.
Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay
sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para
makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”
Ang mga nabanggit na anyo ng kontemporaryong panitikan ay gumagamit ng iba’t ibang antas
ng wika. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay
may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan, at Teknikal. Samantala
ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal, at balbal.
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang balbal
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga
panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal,
obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa
ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo
ayon sa mga panuntunang gramatikal.
Language used in serious publications, such as books, academic or technical, and essays in
schools. It is impersonal, objective, exact, and specific. It uses vocabulary more complex than it
is used in everyday conversation. It also uses sentences composed according to grammatical
rules.
2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo
nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong
kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa
tamang paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga
diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga
wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa
nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na
karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang
anyo nito upang maiakma sa paggamit.
Language used by most people every day. Its vocabulary is simple and its sentences are short.
It embraces the conversational tone and the use of the pronouns "I" and "you." It is not strict in
the proper use of din-rin, daw-raw, little-little, etc. Articles and columns in newspapers that seem
to communicate only with the reader often use informal languages. These are also the
languages used in writing to friends. An example of this is the slang word referring to a term or
phrase coined or borrowed in another language commonly used by those with low status in life.
If it is borrowed, its form is changed to suit its use.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga antas ng wika, gawin ang sumusunod:
Magasin
Tabloid
Komiks
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Batay sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika, bumuo ng isang
literary folio ng klase na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay.
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng folio.
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin
sa lipunang ginagalawan)