You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 3 – MELC 1
Paghahambing ng Binasang Teksto sa
Iba Pang Teksto Batay sa Paksa, Layon,
Tono, Pananaw, Paraan ng Pagkakasulat,
Pagbuo ng Salita, Talata at Pangungusap

REGION VI-KANLURANG VISAYAS

Filipino 8

i
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 1
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda
ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Judy Grace B. Encinas


Editor : Gemma B. Obsiana
Tagasuri : Catherine D. Diaz
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr.
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

iii
Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan: Grado at Seksiyon:

Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Paghahambing ng Binasang Teksto sa Iba Pang Teksto Batay sa Paksa,


Layon, Tono, Pananaw, Paraan ng Pagkakasulat, Pagbuo ng Salita, Talata
at Pangungusap

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa,
layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo
ng talata at pagbuo ng pangungusap. (F8PB-llla-c-29)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pagbabago ng panitikan. Mula sa
panitikan bago dumating ang mga Kastila patungo sa kontemporaryong panitikan,
malaki ang tungkulin na ginampanan ng teknolohiya. Ito ang nagpabago sa bihis ng
Panitikang Pilipino. Mula sa mga paksain, patungo sa pagbuo ng mga salita at wikang
ginamit, ang bagong anyo ng panitikan ay mas kinagiliwan ng madla lalo na ng
kabataan.

Halina’t ating paghambingin ang mga babasahing teksto mula sa iba’t ibang anyo
ng Kontemparyong Panitikan nang malaman mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga ito batay sa paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng
salita, pagbuo ng talata at pagbuo ng pangungusap.

III.Mga Sanggunian
A. Aklat at Iba Pang Sanggunian

Enrijo, Willita A., et al.(Unang Edisyon, 2013). Panitikang Pilipino, Filipino 8


pahina 128-138

Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 174

IV.Mga Gawain

1. Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol Tabloid at Komiks na


matatagpuan sa pahina 130-131, at 134-135 ng Panitikang Pilipino: Filipino
Modyul para sa mga Mag-aaral.

1
Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa


pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong
mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan naang kinawiwilihan ng kabataan na mga
babasahin gaya ng komiks at magasin ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa
tradisyonal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan,
at kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.

1. Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-
araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay
nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang
isang uri ng printmedia, ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa “Sanib-Isip” (http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid
.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil saabot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin
sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV
at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang
mga nilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura, o 'di kaya'y
magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng
mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay
pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi
katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay
masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong
sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating
bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng
magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay may 21 na national daily tabloid at apat lang naman sa weekly
tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag nang isama ang mga diyaryo na wala sa
merkado na kaya lang nakakapagpatuloy ay dahil sa pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang
tabloid ay konektado rin sa broadsheet at mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo
pa ang hawak na diyaryo. Mapapansing marami sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang
nagtatampok ng mga istoryang ukol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ng
kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila ang libido ng tao para
lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga tabloid dahil sa ganitong
kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut tabloid nasagad sa kalaswaan!

Magasin

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.


Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging
paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago paman ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya
at nagiging dahilan din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga
nobela.

2
Bunsod ng mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng
Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang
magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin
na tinatangkilik sa bansa:

1. FHM (For Him Magazine)


- Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan –
Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito ay nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura, at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting maybahay.
4. Yes!
- Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno
ng mga nakaw-atensiyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat
na artista sa bansa.
5. Metro
- Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy
- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng
mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7.Men’s Health –
Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol samga isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental
na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ngmaraming
kalalakihan.
8.T3
- Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at
gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget
.9. Entrepreneur –
Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo
sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagama’t
palagiang paksa ng katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng
anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga
artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Para sa dagdag na kaalaman, pumunta lang sa
https://www.academia.edu/33726922/Panitikang_Pilipino_Filipino_Modyul_ng_Mag_aaral

3
2. Pagsasanay/Aktibidad

Panuto: Ihambing ang binasang teksto tungkol sa Tabloid, sa isa pang teksto
tungkol sa Komiks sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa
ibaba. Ang ibang sagot ay ibinigay na para maging gabay mo. Kopyahin ito sa
iyong sagutang papel.

“Tabloid: Isang Pagsusuri” “Komiks”


Layon nagbibigay kaalaman
Paksa
Tono mapangutya
Pananaw Ikatlong panauhan
Sa Pagkakasulat Patalata at gumamit ng mga
teknikal na salita
Pagbuo ng Salita (magbigay ng dalawang
halimbawa batay sa teksto)

payak- industriya
tambalan- binibigyang-diin
Inulit-buhay na buhay
Maylapi- bumebenta
Pagbuo ng Talata Magkakaugnay ang
ang kaisipan ng mga
pangungusap
Pagbuo ng
Pangungusap

3. Mga Batayang Tanong

1. Alin ang mas nagustuhan mong anyo ng Kontemporaryong Panitikan?


Bakit?
2. Sa iyong palagay sino ang mas higit na tatangkilik sa mga tabloid? Sa
mga komiks? Bakit?

4. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubric

A. Organisasyon ng mga ideya 5 puntos


B. Kawastuan ng mga kaisipan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
KABUOAN 15 PUNTOS
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang Di Mahusay
4- Mahusay 2- Di Mahusay

V.Repleksiyon
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag ng iyong mga natutuhan sa aralin.
Isulat sa iyong sagutang papel.

Ang natutuhan ko sa aralin ay

4
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like