You are on page 1of 3

KULTURANG POPULAR- Ayon sa aklat ni Rolando B.

Tolentino na pinamagatang Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi/Kaliluhay Siyang Nanghahari, ito ating buhay. Ang
bawat nadagdag ating buhay ay kinapapalooban ng kulturang popular. Mula sa ating kinakain, iniinom,isinusuot, ginagamit, pinapanood at hanggang sa mga bagay na
nagbibigay-dama at paghuhulma ng isip. Kung saan at paano ito iniluwal ay dahil umusbong na teknolohiya.

LAYUNIN AT KAPANGYARIHAN NG KULTURANG POPULAR. May taglay na kapangyarihan ang kulturang popular. Layunin nito na makaimpluwensya sa desisyon,
paraan ng pag-iisip,at gawi ng tao. Sa maikling paliwanag, ang epektong hinahatak nito sa tao ay isang pagbabagong kultural na umaayon sa kung ano ang nais itulak o
ipasunod ang kapitalista o negosyante. Kumokonsumo ang tao sa panahon ng postmodernism ng anomang produkto hindi dahil sa kaniyang pangangailangan dahil isa
itong simbolo ng kanyang kalagayan, pamumuhay at reputasyon. Nagiging tulay ang wika upang magkaroon ng kapangyarihan ang lahat ng napapanood at nababasa.

KATANGIAN NG KULTURANG POPULAR. Naiuugnay ang kulturang popular sa mga panitikang popular. Ganon man, malawak ang paksa ng kulturang popular
samantalang ang panitikang popular ay limitado na sa iilang panahon at lugar. Bagamat nagbabago ang kanilang tema, tumatawid ang impluwensya ng kulturang popular
mula sa isang lugar hanggang sa buong daigdig.Ayon kay Tolentino (2001), may limang katangian ang kulturang popular:
1.Ginagawa para kumita ng pera. Hal. Pagdami ng mga fastfoods, pag-ere ng mga patalastas, mga resort, travel tours at online shopping.
2. Ito ay transgresibo sa mga kategorya. Hal. Ang Probinsyano ni Coco Martin ay maaaring basahin sa usaping political, at maaari din itong pagpyestahan ng mga
kababaihan dahil sa kakisigan ni Coco Martin sa kanyang pagganap.
3.Ito ay ipinalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya. Paggamit ng cellphone na nagiging malaking pangangailangan kung bakit konektado sa lahat. Midya ang
pangunahing daluyan ng teknolohiya kagaya ng mga pahayagan at iba pang print media.
4. Ito ay pumapailanlang sa paniniwala ng sado-masokismo. Sinabi ni Tolentino na ang material na realidad ng mamamayan ay parating salat sa pamantayan ng ideyal.
Walang katapusan at tila lagging alumpihit ang mga kagustuhan ng tao dahil lagi itong nakakakita ng bago at naiiba sa lipunan.
5. Ito ay nanggagaling sa sentro. “ito ang uso ngayon” Ang salitang uso ang dahilan kung bakit may kulturang popular.

ELEMENTO NG KULTURANG POPULAR


1. Pelikula a. Pagsulat ng Iskrip b. Rebyu ng Telreserye
2. Panitikan a. textual b. flash fiction c. fliptop
3. Isports
4. Awit

MGA SULATIN SA ANYONG PATULA NG KULTURANG POPULAR


1. FLIPTOP – Madalas ihambing ang fliptop sa balagtasan ni Francisco Baltazar. Ang fliptop ay isang rap na dinala ng Kanlurang Aprika sa Pilipinas samantalang ang
Balagtasan ay tubong Tagalog na kinilala noong 1924. Ang fliptop ay galling sa pangalan ng kompanyang Flip Top Kru, isang grupo na unang nagtanghal ng fliptop sa
Pilipinas noong 2010 sa tunggalian ng mga emcee na sina Fuego, Protégé, Datu at Cameltoe.
Mga Katangian ng fliptop bilang isang tula:.
a. May tema itong sinusunod nakalimitang tungkol sa isang pampolitika, panlipunan at ilang napapanahong isyu.
b. May talinghaga na maituturing na pampalasa ang paggamit ng tayutay o idyoma na nagpapadalisay ng sagutan
c. Ang tugmaan sa dulo ng mga linya ang nagpapadulas ng bigkas
d. Maaaring may sukat o malayang taludturan ang nabubuong linya na nakatutulong upang makabuo ng kakaibang ritmo kung bibigkasin.
e. May sindak ang mga salita na siyang magpapataas ng dating ng mga linyang bibitawan.
2. Textula - Isa sa mga makatang kinilala sa pagsulat ng textual ay si Frank G. Rivera. Textula ang tawag dahil isinusulat ang tula sa pamamagitan ng text messaging.
Cellphone ang instrument upang isilang ang napapanahong tulang ito. Maikli lamang ito at may katangian ng tanaga na may apat na taludtod, pitong pantig sa bawat
taludtod, at may tugmaan na maaaring gumagamit ng (1)a-a-a-a (2) a-b-a-b (3) a-a-b-b. Maaari din namang walang sukat at tugma at humigit sa isang saknong.
3. Pick-up Line – Maiikli lamang ito kung ikukumpara sa iba pang anyo ng tula. Kadalasang umaabot sa isa hanggang dalawang linya lamang ang haba nito. May kakaibang
kilig, kiliti at talino ang sambit ng mga pick-up line dahil sa hangaring makapagbukas ng isang usapa.
4. Novelty Song - Sumikat ang novelty song dahil mayroon itong naiibang lengguaheng nagbibigay ng hindi lang iisang kahulugan. Ang pagbasa sa nilalaman ng ganitong
awitin ay tinitingnan sa pagbanggit ng mga salita na tila may lahok ng palaisipan. Hinahatak ng mga novelty song ang taong tumawa habang pinakikinggan ito subalit
malaking katanungan ang tunay na ugat ng pinagtatawanan.

MGA SULATIN SA ANYONG KUWENTO NG KULTURANG POPULAR


1. Dagli o flash fiction - Mabilis isulat at basahin ang dagli dahil kwento itong kadalasang binubuo ng 200 hanggang 400 salita. Isa itong akdang isinilang sa dahon ng
panitikan bilang Dagling Tagalog, at pinag-ugatan ng mga maikling kwento sa kasalukuyan. Humina ang popularidad ng dagli kasabay ng paghina ng mga pahayagan. Ang
walang pormang kwento ay nahugisan nang sumibol ang mas kilalang maikling kwento.
Sa isinagawang rebuy ni Rolandpo Tolentino at Aristotle J. Atienza sa “Ang Dagling tagalog: 1903-1936,” malinaw na malaki ang naging papel ng pagsulat tungkol sa mga
usaping panlipunan noong mga taong 1900 sa bansa ng mga taong nagtatago sa ibang pangalan o pseudonym. Nang mabuhay ang dagli sa kasalukuyan, kapansin-pansin
na ito sa mga istus o post sa facebook at blogspot, hanggang maging tampok na sa patimpalak.

Gabay sa Pagsulat ng Dagli:


1. Plano- Balangkasin ang isusulat sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na – Ano ba ang aking ikukwento? Saan ba ito magaganap? Sinp-sino ang magiging bahagi ng
aking kwento:. Magkaroon lamang ng isa o limitadong tauhan na magiging tagapagdala ng kwento? Kailan ba ito nangyayari? Paano ba ito ikukwento? Ano ang tema?
Bakit koi to ikukwento?
2. Hamon ng mga salita at pangyayari. Iwasan ang maligoy na mga salita at pangyayari. Dapat matipid ang mga salita subalit sapat upang maglarawan at magkukwento.
Isa hanggang dalawang pangungusap ang maaaring ilaan para sa pagbubukas ng kwento at sasakop ng pinakamaramning pangungusap
ang gitnang bahagi.
3. Iparamdam at ipaalam. Malaking obligasyon ng manunulat ang maipaabot sa mambabasa ang damdamin at mensahe ng kwento.

PAGLIKHA NG MGA SULATIN SA PAMAMAGITAN NG SOCIAL MEDIA


Kahulugan at kahagalagahan ng Mass Media- Ang media ay isang mundong kasalukuyang pinaiikot ng teknolohiya at mga nakalimbag na babasahin. Dito naririnig ang
paboritong awitinm napapanood atng paboritong programa at nababasa ang mga balita sa pahayagan. Malaki ang papel na ginagampanan ng media sa paghubog ng ugali,
moralidad, kultura , politika at namamayaning kapangyarihan ng isang bayan.

ANG PAPEL NG WIKA SA MEDIA – Walang silbi ang telebisyon, pahayagan at internet kung walang wikang aggamitin. Hindi nila kayang hubugin ang media ang kultura
kung walang wika.. Walang kapangyarihan ang media sa lahat ng aspekto kung walang mensaheng ipapadala.

SOCIAL MEDIA - Ito ay isang interaksyong nagaganap sa bawat tao sa pagkakataong nakikipag-ugnayan na siya sa pamamagitan ng internet. Tinatawag din itong social
networking dahil sa kapasidad ng mga social networking site kagaya ng Facebook, Twitter at Instagram na maging espasyo ng komunikasyon. Ang iba pang social media ay
mga bookmarking site, social news, at mga media sharing site. Ginagamit ang mga social media na ito upang tumanggap at maghatid ng mga impormasyon sa
pamamagitan ng web. Ang pagiging interaktibong platform ng iba’t ibang site ang nagbibigay daan sa mga gumagamit nito na magsulat, magpahayag, lumikha,
makipagtalakayan at makipag-ugnayan sa mas malawak na koneksyon para sa mga usaping pang-institusyon, pangnegosyo at pangpropesyonal. Kadalasang ginagamit
ang bookmarking site sa pag-iimbak at pag-aayos ng mga kaugnay na link ng mga online source at website. Natatangi sa uring ito ng social media ang kakayahan na
gumamit ng mga tag ng mga link para mas madaling pagsasaliksik sa ano mang oras at maibahagi rin ang link sa iba pang follower. Ang media sharing site naman ay isa sa
paraan ng mga tao upang maibahagi ng mga uri ng material o impormasyon gaya ng larawan o video. Maaaring gumawa rito ng mga profilena pagbibigay ng mga
dokumento kasabay ng opsyonal na pagbibigay ng mga komento. Ang mga halimbawa ng media sharing site ay You Tube, iCloud, SkyDive at iba pa.

ANG PAGSULAT NG BLOG Bago pa nauso ang online blogging,nagtatala na sa mga dyornal ang mga tao tungkol sa personal na kaisipan, karanasan, obserbasyon at
saloobin tungkol sa mga bagay-bagay. Ngayon, aktibong ginagamit sa larangan ng pagsulat o paggawa ng blog ang mga site gaya ng Tumbler, WordOress, at Blogspot.
Ang pagiging open source ng ganitong mga site ay nagiging dahilan upang maging bukas para sa komunidad ang pagsulat. Nagiging daan ang blog upang makapagsulat
ang sinumang indibidwal ng mga personal na sanaysay, malikhaing akda, balita, mga teknikal na sulatin hanggang sa politika na paksa. Blogger ang tawag sa sinomang
nagsusulat at siyang nagmamay-ari ng isang online account upang makapagsulat. Tinatawag na post entry ang bawat isinusulat ng isang blogger sa kanyang account.
Makikita na ang pangunahing nilalaman ng blog ay ang mga artikulong nakasulat sa kronolohikal na paraan. Pinakabago ang nasa itaas. Kung minsan nakaayos ang
artikulo ayon sa kategorya. Ang archive ay para sa mga lumang artikulong naisusulat.
IBA’T IBANG URI NG MASS MEDIA
Mass Media
Pangmasang media, pangmadlang media, o mass media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang pinakamakapangyarihang
institusyon sa ating lipunan.
Ang media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkulin ay maging tagapagbantay, tagamasid, taga-
ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.
Ang mass media ay isa ring malaking industriya. Kasama sa sangay ng mass media
•Ang pahayagan, radyo, at telebisyon. Sa sarbey na ginawa ng TNS Digital Life (2012) , ipinakita na marami pa ring Filipino ang nanonood ng telebisyon at nakikinig ng
radyo. Ang internet ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas.
•Samakatuwid, isa itong malaking negosyo. Kumikita ito sa tulong at sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang mga patalastas sa telebisyon o radyo ay ginagawa ng mga
advertising agency para sa mga multinasyonal na kompanya o negosyong nangangailangan ng publisidad para mabili ang kanilang mga produkto o serbisyo. Nagbabayad
ang mga kompanyang ito para isingit o ilagay sa mga pahayagan, Internet blog at website, at programang pantelebisyon o panradyo ang mga patalastas tungkol sa kanilang
produkto o serbisyo.
Nakapaloob ang mass media sa siklo ng produksiyon, distribusyon at pagkonsumo ng menshe, produkto, at serbisyo sa lipunanang ating ginagalawan. Nililikha tayo ng mass
media kung kaya’t totoo ang sinabi ni Marshall McLuhan na ang midyum ang mismong mensahe. Ang midyum o mass media na kinokonsumo natin ang nagtatakda ng ating
pag-iral sa lipunan
Mahirap nang mahiwalay sa telebisyon, radyo, Internet, o cellphone lalo kung nasa siyudad tayo. Kung kaya’t tulad ng kaalaman, mensahe, o impormasyon, hinuhubog na
tayo mismo ng mass media.
1. Radyo – Ang Media ng Masa
•Ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higi 6000 ang mga estasyon ng radyo (BBC News, 2014).
•Pinakamurang kasangkapan sa bahay kumpara sa telebisyon o ibang media gadget
•Maaaring gamitin sa mga baryo na wala pang elektrisidad
•Sa resulta ng sarbey noong 2012 ng TNS Digital Life, umabot sa 36% ng populasyon sa Pilipinas ang nakikinig ng radyo, at 45% ng Internet, at 89% na tumatangkilik sa
telebisyon.
•Noong 1960, namayagpag ang radyo bilang numero unong mass media ng mga Pilipino
•Ang radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at serbisyong publiko sa mga tao.
•Mas mabilis din ang dating ng mga balita at pagbabalita kumpara sa telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan ng radio
Sitwasyong Pangwika sa Radyo Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nagungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng estasyon ng radyo sa AM at FM ay gumagamit ng
Filipino at iba’t ibang barayti nito.May mga programa rin tulad ng Morning Rush na gumagamit ng Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng
Filipino. May mga estasyon sa probinsyang may programang gumagamit ng rehiyunal na wika.

2. PAHAYAGAN- Pangunahing layunin ng pahayagan ang makapagbigay at makapaghatid ng impormasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga balita. Anyo ito ng
sulatin na naglalatag ng katotohanan at hindi batay sa opinyon ng manunulat. Tinutugunan ng balita ang mga pangunahing impormasyon sa pamamagitan ng pagsagot ng
ano, sino, bakit, at paano.
Sitwasyong Pangwika sa Dyaryo. Sa mga dyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People’s Journal
at Tempo na nakasulat sa wikang Ingles. Mas pormal ang wikang ginagamit sa broadsheet kaysa tabloid. Sa tabloid, nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na
headline na naglalayong makaakit sa mambabasa at ang nilalaman ay karaniwang sensyanal at litaw sa mga ito ang barayti ng wika.

3. MAGASIN - isang peryodikal na inilalathala upang magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng mga artikulo at lathalain. Naglalaman ng pantaong interes na
kalimitang nakasulat sa impormal na estilo at nagtataglay ng m,ga elementong piksyon. Sa nilalaman, nagtataglay ang magasin ng mga larawan o imahe ng patalastas. Ang
mga kontribyutor ay karaniwang nasa larangan ng paksa.

4. TELEBISYON - Ito ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite
connection ay lalong dumami ang mga manonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa. Ang wikang Filipino ang nagungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa
tulad ng wika ng teleserye, mga pangtanghaling palabas, magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality tv , mga programang pang showbiz, at
programang edukasyon.Isa ang teoryang media system dependency(MSD) na nagbibigay-diin at salik sa pagitan ng indibwal at sosyolohikal na aspekto.Sinusuportahan din
ng teoryang ito ang pananaw na ang epekto ng mensahe sa persepsyon ng manonood ay daan upang mahikayat ang manonood na tangkilikin ang isang layunin.

ANG PANONOOD NG TELESERYE Ang teleserye ay isang palabas na paputol-putol na napapanood sa telebisyon. Tinatawag din itong soap opera na kinagigiliwan ng
maraming Pilipino dahil nag-iiwan ng kasabikan sa manonood tuwing matatapos ang 30 minuto o isang oras na palabas. Sinasalamin nito ang kulturang Pilipino hindi
lamang ng tema kundi sa daloy ng mga kwento tungkol sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng iba’t ibang klase ng tao.

REBYU NG TELESERYE – Ito ay ang pagbibigay-puna sa nakikita, naririnig at nalalaman.


BATAYAN SA PAGREREBYU NG TELESERYE
1. Ang realidad ng pangayayri sa palabas at ang realidad ng manonood. 2. Ang pagkakahawig ng kultura ng palabas sa katutubong kultura ng manonood. 3. Kakaiba at
hindi pangkaraniwan ang ikot ng mga pangyayari. 4. Ang husay ng pagganap ng mga tauhan at pagtakas ng mga manonood sa kanilang realidad. 5. Ang wika ng
pagsasalin.

MGA ELEMENTONG DAPAT ALAMIN SA PAGSULAT NG ISANG REBYU


1. Buod
2. Balangkas: a. Paano inayos o hinanay ang mga pangyayari? b. Kakikitaan lamang ba ito ng paulit-ulit na daloy? C. Nagtataglay ba ito ng kakaibang ayos lalong
nagpasabik sa manonood?
3. Tema : a Ano ang pinakapaksa ng kwento? B. makatotohan ba ang pinag-usapan sa kwento? C. Anong isyung panl;ipunan,suliraning political, at ibang napapanahong
pangyayari ang makikita sa kwento?
4. Tauhan: a. Sino-sino ang mga bida at kontrabida sa kwento? B. Paano sila inilarawan sa kwento? C. Makakatohanan ba ang pagganap?
5. Tagpuan/Panahon: Angkop ba ang lugar na pinagganapan? B. Paano nakatulong ang ginagamit na mga lugar upang lumutang ang tema ng teleserye?
6. Layunin ng akda: a. Ano ang nais ipamulat ng kwento? B. Ano-anong pagpapahalaga ang matatagpuan sa kwento? C. Makatarungan ba ang mga pangyayari sa nais
iparating ng akda?
7. Mungkahi: a. Ano-ano ang maaaring imungkahi upang mapabuti ang palabas? Paano pa kaya ito tatangkilikin ng mga manonood at makapagbigay ng malalim na
pagpapahalaga sa dating buhay ng isang Pilipino?

Panonood Bilang Pagbasa, Pagkatuto, at Pagkonsumo


•Ang panonood ay ikalimang kasanayang pangwika.
• Ito ang proseso ng pagbasa, pagkuha at pag-unawa ng mensahe mula sa palabasa.
•Isang uri ng pagbasa ang panonood dahi sa halip na tekstong naklimbag, ang tekstong audio-visual ang binibigyang-kahulugan at inuunawa ng manonood.
•Maaari ring basahin ang visual; kung ito’y susuriin o bibigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng kritika at teorya tulad ng ginagawa sa panunuring pansining sa guhit,
larawan, eskultura, disenyo, at arkitektura. Subalit ang mga visual na nabanggit ay hindi gumagalaw.

Mga Uri ng Palabas


A. Tanghalan/ Teatro - Ang panonood ay maaaaring panonood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga tauhan, diyalogo/monologo; may iskoring o musika; may
tunggalian; tagpuan; at wakas. Ang palabas ay kuwentong napapanood sa pagtatanghal sa teatro.
B. Pelikula - Ito ay tinatawag ring motion picture o mga larawang gumagalaw. Ayon sa mga iskolar, magkarugtong ang kasaysayan ng teatro at pelikula. Iisa ang kwento,
nagkakaiba lang sa midyum ng palabas: teatro ang sa pagtatanghal, sinehan ang sa pelikula. Napapanood natin ang pelikula sa pinilakang-tabing sa loob ng mga sinehan
C. Telebisyon - Ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon ang palabas.
Iba’t ibang uri ng palabas sa telebisyon:
1.Palabas ayon sa kuwento gaya ng teleserye, komediserye, telenovela, pelikula sa telebisyon, at iba pa,
2. Balita tungkol sa paligid, sa pamahalaan, sa mga artista, serbisyo-publiko at mga dokumentaryo.
3. Variety show tuwing tanghali at kung lInggo
4. Reality TV show o reality TV gameshow
D. You Tube - dahil sa makabagong teknolohiya ng internet, maaari na ring manood ng mga palabas sa YouTube(http://youtube.com) . Ang mga personal na video ng mga
tao’y maaaring i-upload sa Internet sa pamamagitan ng YouTube o maaari ring sa inag video site. Maaari ring mag-upload sa Facebook at at iba pang social networkingsite
E. Internet - mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking na batay sa pakahulugan ng The Free Dictionary.com(2015) ay kilala rin bilang malawakang
daluyan ng impormasyon (information superhighway) at World wide Web. Ang internet ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makatatapat dito .
F. BLOG - Ito ay galing sa dalawang salita, web at log. Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na mituturing naman na isang blog dahil sa tema at mga
nilalaman nito-maaaring mga salita o teksto, litrato, video, link, o kung ano man ang naisin ng mga blogger. Blogger ang tawag sa tao o grupong nangangalaga ,
nagpapatakbo at nagsisimula ng isang blog.

Mga Uri ng Blog


•Fashion Blog – ito ang isa sa mga pinaksikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago
sa mundo ng fashion o pnanamir. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy, at Liz Uy sa mga nagpapatakbo ng ganitong blog.
•Personal Blog – marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay. Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o
magbahagi lang ng mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano ay pwede.
•News blog – ang nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Isa na sa mga
mapagkakatiwalaang blogger mula sa ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maaari ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng
balita ukol sa kalusugan, isports, at teknolohiya.
•Humor blog – naglalayon ang mga blog na it na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga mambabasa. Aganda ang may ganitong uri ng blog upang mas
lumabas ang haling ng blogger na makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa, pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa mga humor blogger
dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa katotohanan gamit ng kanilang alam na paraan.
•Photo blog – ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographics. Naging malaking parte na ng buhay ng kabataan ang mga photo
blog. Isa na marahil sa pinakasikat na pinagkukuhanan at pinagmumulan ng nasabing blog ang Tumblr, hindi man katulad ng ibang mga blog site, maganda
pa rin ang Tumblr dahil bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita ang talento ng mga makabagong kabataan sa paggawa ng iba’t ibang litrato na
karaniwan ay naglalaman ng mga mensahe.
•Food blog – ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o
kakaibang mga pagkain.
•Vlog- ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay,
eksperimento, o kung anumang personal na Gawain
•Educational blog – nakatutulong ang mga ganitong blog uang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga aralni na hindi nila maintindihan sa paaralan.
Napakarami na ng mga blogger na may mabubuting pudo upang ipaliwanag nang malinaw ang mga aralin. Kabilang na rito ang blig site na
AccountingCoach.co

Etikal na Pamantayan ng mga blogger(salin ni Danilo Arao)


 •Maging Tapat at walang Kinikilingan - Ang mga blogger ay dapat na maging tapat at walang kinikilingan sa pangangalap, pag-uulat, at pagsusuri
ng impormasyon.
 •Hindi nagbabago ang nilalaman ng mga larawan nang hindi inaamin ang mga ito sa publiko. Anumang pagpapaganda ng larawan ay katanggap-
tanggap lang kung ito ay para sa teknikal na kalinawan (technical clarity). Ang mga montage at ilustrasyong binubuo ng mga larawan ay dapat na
may kaukulang titulo.
 •Hindi maglalabas ng impormasyong hindi totoo– at kung maglalabas ng impormasyng hindi beripikado, maging malinaw na may pagdududa rito
 •Nalalaman ang pagkakaiba –iba ng pagtataguyod ng isyu, pagbibigay ng komentaryo, at simpleng paglalahad ng datos. Kahit ang pagsulat ng
pagtataguyod ng isang isyu at pagbibigay ng komentaryo ay dapat na hindi nagbibigay ng maling impormasyon o konteksto.
 Inihihiwalay ang pagbibigay ng datos at komentaryo sa mga patalastas at hindi mag-blog sa paraang hindi makita ang kaibahan ng dalawa.
 Ang mga etikal na blogger ay nagbibigay-galang sa mga taong pinagkukunan ng impormasyon.
 •Gumamit ng espesyal na sensibilidad kung tinatalakay ang mga isyung may kinalaman sa mga bata o kumukuha ng impormasyon mula sa mga
taong walang karanasan;
 •Maging sensitibo kung humihiling ng panayam o kumukuha ng larawan ng mga taong apektado ng trahedya o nagdadalamhati. Magpakita ng
pag-iintindi sa mga taong maaaring sobrang maapektuhan ng anumang nilalaman ng•Kinikilalang pangangalap o pag-uulat ng impormasyon ay
maaaring magresulta sa pinsala o pagkabalisa. Ang pagkuha ng impormasyon ay hindi lisensya para maging arogante;
 •Kinikilala na ang mga pribadong indibidwal ay may mas malaking karapatang huwag magbigay ng impormasyon tungkol sa kanila kumpara sa
mga opisyal ng gobyernoo iba pang nagnanais ng kapangyarihan, impluwensya , o atensyon . Tanging ang malaking pangangailangan ng publiko
para sa impormasyon ang nagbibigay-dahilan para panghimasukan ang pribadong buhay ng isang tao;
 •Magpakita ng kagandahang-asal. Iwasan ang pagpatol sa kagila-gilalas na pampublikong pag-uusyoso. Maging maingat sa pagbibigay ng tunay
na pangalan ng mga batang suspek sa krimen, mga biktima ng panggagahasa at iab pang katulad na krimen, at iba pang mga suspek ng krimen
bago ang pormal na paghahain ng kaso.
 •Magkaroon ng pananagutan
 1.Aminin ang anumang kamalian at mabilis na iwasto ang mga ito.
 2.Ipaliwanag ang misyon ng bawat weblog at hikayatin ang publiko sa palitan ng kuro-kuro hinggil sa nilalaman nito at asal ng mga blogger;
 3. ibunyag ang mga nagtutunggaling interes, pagiging miyembro ng anumang organisasyon, mga aktibidad, at personal na adyenda;
 4. hindi pinapaboran ang mga naglalagay ng patalastas sa blog at iba pang grupo at nilalabanan ang anumang pamimilit na baguhin ang
nilalaman ng blog para maging pabor sa kanila. Pero kung sakaling gagawin ito, ibunyag ito nang buo sa mga mambabasa.
 5. Maging maingat sa mga taong nais magbigay ng impormasyong kapalit ng ilang pabor. Kung tatanggapin ang kanilang impormasyon,
kailangang ilahad ang mga nasabing pabor.
 6. Ilantad ang mga hindi etikal na gawi ng iba pang blogger; at
 7. Sumusunod sa parehong mataas na pamantayang itinatakda para sa iba.

You might also like