You are on page 1of 16

BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

ae)

Tinitiyak ma anomang mayroon ang tao ngayon sa kanyang


kapaligiran na hindi bahagi ng natural na kapaligiran ay bunga ng pagnanais
ng tao na mapadali ang paraan ng kanyang pamumuhay. Pangunahing
tunguhin ng mga tao na magkaroon ng mabilis na pagbabago sa karaniwan
nilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtatama o ‘di man ay pagdaragdag
ng mga bagay na lalong magpapagaan sa kanilang pamumuhay.

Sa gayon mahalagang maunawaan ng bawat isa na hindi natatamo ng


tao sa isang iglap lamang ang lahat ng ito. Nagkakaroon muna ng pansariling
pagsusuri ang isa sa kanyang pamumuhay at bubuo ng katanungang, “Paano
ko ba mababago ito?”

Batay sa nabuong katanungan sa isip ng tao, gagawa siya ng isang


pagkilos na magbibigay ng katugunan sa kanyang suliranin. Dito pumapasok
ang konsepto ng pananaliksik.

mga
Sa pangkalahatan, maituturing na hindi malalim ang kabatiran ng
tao sa konsepto ng pananaliksik liban sa mga nasa akademya (mga mag-aaral
at edukador) sa kasalukuyan. ;

ang lalim
Sa bahaging ito ng aklat ay ipauunawa sa bawat mambabasa
at Kahalagahan ng pananaliksik sa lipunan. Sa panimulang bahagi ay
mabibigyang-linaw ang basikong konsepto sa larangan ng
‘Utlyaking
Pananaliksik, ang pagbibigay-kahulugan dito; at dagdag pa ay tatalakayin rin
ang mga uri nito, gayundin ang kahalagahan ng pagsasaliksik.
Kahulugan ng Pananaliksik
Ano nga ba ang pananaliksik? Ang pananaliksik ay isang Organisady
at sistematikong pamamaraan sa paghahanap ng katugunan sa mp,
katanungan.

’ Maituturing na sistematiko ang pananaliksik sa kadahilanang may


isang tiyak na hanay ng mga hakbangin ang kailangang isagawa whe ito ay
maisakatuparan. May ilang mga bagay sa proseso. ng pananaliksik ng
kinakailangang laging isinasagawa upang matamo ang higit na angkop na
resulta.

Organisado rin ang pananaliksik sapagkat sumusunod ito sa


balangkas o metodolohiya. Isang planadong gawain at hindi basta-bastang
isinasagawa. Ito ay nakatutok at limitado lamang sa ispesipikong saklaw ng
pananaliksik.

Ang paghahanap ng katugunan ay ang katapusan ng lahat ng


pananaliksik. Ito man ay katugunan sa haypotesis o kahit na kasagutan $a
simpleng katanungan lamang. Ang mga tugong negatibo na natutuklasan
ng
mananaliksik ay mabuting oportunidad upang maipakita ang kahalagahan
ng
pananaliksik. Sa ganitong mga pagkakataon ay higit na magiging
mahalaga
ang mga mungkahing inihahain ng mananaliksik upang
mapabuti ang
pagseserbisyo o kaya ay mapahusay ang produkto.

Ang mga katanungan ang sentro ng pananaliksik. Kung walang


katanungan, anomang matutuklasan ay walang bisa sapagkat walang
Pinaglalaanang tanong na dapat Sagutin. Ang pana
naliksik ay nakatutok sa
mahahalagang katanungan na kapupulutan ng
kapakinabangan. Ang mga
katanungan ang nagbibigay ng pokus, dir
eksyon, patutunguhan at kabuluhan
Sa isang pana naliksik.

Ayon naman kay Kerlinger (2000)


, ang pananaliksik ay isang
sistematiko, Kontrolado, empirikal
at kritikal Na pag-iimbestiga
walang katiyakang pananaw na ng mga
nauukol sa iniisip na Goa
penomena. natural na
sa pagpapakahulugan naman ni Webster (1997af it i j
oad na Ppag-aaral at pag-ii O ay Isang maingat,
matiko at makaagham iimbestiga sa ilang sangay ng
yarunungan.
pisenyo at Lapit sa Pananaliksik

Ayon kay Neuman (1999), may banggaan sa mga komunidad ng


xaalaman sa usapin ng metodolohiya sa pananaliksik panlipunan dahil sa
higit na pagkilala ng mga iskolar sa pamamayani ng likas na agham (natural
science) lalo na noong panahon ng pagtuklas sa kaalaman ng tao. Kaya us
mga pag-aaral na tumutukoy sa tao, tulad ng agham panlipunan ay

tinaguriang soft science at ang itinuturing na lehitimong agham ay ang likas


na agham tulad ng biology at chemistry na nakaugat sa pamamayagpag ng
kilusang positibista noong yugto ng rebolusyong industriyal sa daigdig na

nagbigay naman ng landas para sa mabilis na inobasyon sa teknolohiya.

Noong panahon ng pagtuklas, lumaganap ang matinding paniniwala


ng mga iskolar na tanging sa kuwantitatibong pananaliksik matatamo ang
pinakabalidong datos na may mataas na _kalidad (Guba at Lincola 1994).
d
: Ayon sa antropologong si James Clifford (1986) ang mga katangian o kalida
na tinanggal mula sa agham ay isinakatutubo sa kategorya ng literatura. Kung
ipopook natin ito sa usapin ng disenyo,Ktkuwalitatibo_ laban sa kuwantitatibo,
higit na naglalatag ng
laging mayroong banggaan dahil sa | usapin ng alin ang
katotohanan. Sa kabila_nito, dapat mainti ndihan_n:na may _magkaibang
sir aa ee a)

tinatahak sa ‘pagtuklas ng kaalaman ang magkaibang disenyo 1 a an hindi i dapat


Ne

ito ng iba’t 1ba ibang 8 katangian ng mga 2 disip! se. a at


Sie
agban ggainain sapagkatka usap innna RS aerrag eta
= ae a
| aes

erya ng paksang pinag-aaralan. Kapwa esensyal ang dalawa sa pagtuklas ng


ME stn cee aS
ere
aioe seeeaeee rie

mga kaalamang
CO oa
panlipunang
——
nag-uugat sa mga penomenong umiiral sa

bawat espasyo at panahon.


wor .

Ang kuwantitatibong ae wit ay: obhektibo na masusukat


malilikom ang datos gamit ang mga kasangkapan tulad sa estadistika,
Napakahalaga rito ang panukatang gagamitin sa proseso ng pananaliksik na
ong
binubuo bago ang pangangalap sa datos. Deduktibo ang Proses
nito ay
pinagdadaanan sa pagbuo ng disenyo dahil ang pangunahing layunin
kal na
matiyak at malinaw na makalap ang mga detalye ng empiri
panlipunang daigdig at maipahayag ang mga natuklasan sa ‘dimibagiias ng
numero. yor c wal? ite YN oh Gg
Ang kuwalitatibong pag-aaral atan ay subhektibo na masusukat
sa pamamagitan ng mga alternatibo sa numero tulad ng simbolo, imahen,
salita, deskrispsyon at iba pang maaaring representasyon ng_ isang
penomenon. Induktibo ang proseso sa_pag-aaral na ito dahil nalilikha at
nasusukat ang mga konsepto kasabay ng pangangalap ng datos. Nakatuon ito
sa isang masusing obserbasyon, pagsusuri at paglalarawan sa mga
nabubuong balangkas ng mga datos. — rontiescinamaestee
Soc

Mula sa pag-aaral ni Newman (1999) maaaring makita ang


pagkakaiba ng mga disenyong ito sa proseso:

Kuwalitatibo ; Kuwantitatibo

A i Theory (Deduction)

Patterns Hypotheses

at : NG
‘Observations/
(Induction). data
NY ees sai Sa pag-aaral ng Filipino bilang disiplina na
pindi lamang ito a Isang erya, tulad ng nakasanayang pagtingin
“qito na puro tungkol EES sa gramatika 0 salita ang pinag-aaralan. Sa
xasalukuyan, marami nang pag-aaral sa Filipino ang tumatahak sa iba’t ibang
gisiplina tulad ng araling kultural. Sa puntong ito, kung pagtutuunan ang pag-
garal Ng kultura, mahalagang maunawaan ang kabuluhan ng pagsusulat na
pinigyang-diin ni James Clifford (1986) sa kanyang introduksyon sa aklat na
Writing Culture na pinamagatang Patial Truth, Ang pag-aaral_ng kultura ay
hindi basta. matutumbasan ng numero o masusukat gamit ang mga metodo sa_
;uwantitatibo, dahil para kay Clifford ang kultura ay hindi siyentipikong
objek o bagay sapagkat ito ay nilikha ng kasaysayan. Sa punto de bistang
etnograpikong metodo sa pag-aaral ng kultura, napakahalaga-ng pagsusulat _
na etnograpiko na| siyang makatutugon Sa-mga puwang o gap tungkol sa
katotohanan. Gayunman, hindi nito itinatakda kung ano ang totoo na dapat
paniwalaan, sa halip nagbibigay ito ng mga posibilidad tungo sa pagbuo pang
muli ng samu’t saring kahulugan tungkol sa kultura.

-
Usapin ito ng emic (insider/loob), ang-kultura_o lipunang _pinag
bitbit na teorya.
aaralan; at ng etic (outsider/labas), ang mananaliksik na may
maiiwasan_ang
Sa etnograpikong pamamaraan sa pag-aaral ng kultura, hindi
paglabas ng sariling pagtingin na naimpluwensyahan ng dala-dalang
may potensyal din
kaalaman at kultura ng mananaliksik. Sa kabilang banda,
kaalamang umiiral sa
tayo bilang mananaliksik, na pumaloob sa kultura at
k (subject/other)
komunidad na kinalulugaran ng respondente 0 kalaho
na representasyon ng kanilang
upang makalap ang mga likas na datos
liksik, batid natin kung
kultura, Sa ganitong kaso, marapat na bilang manana
na hindi naisasaalang-alang ang
saan at paano ilulugar ang sarili
ng pag-aaral. Sabi ni Clifford (1986), “sa etnograpiya,
obhektibidad
g
-Nakakasalamuha natin ang iba (others) sa pag-wugnay sa sarili,, haban
s). Ang pagtuklas sa iba
nailulugar o nakikita natin ang sarili bilang iba (other
rapikong teksto.” Ang
(others) ay pagbuo rin ng sarili, at paglikha ng etnog g ang
hindi laman
‘unay na mahalaga sa pananaliksik ay nababago nito
lipunan, kun’di higit ang sarili.
kakaayos 0 pag-aangkop
-Isang g magand i awa tung kol sa P ag
magandang halimb k of the North ni Robert
"8 emic at etic ay ang dokumentaryong Nanoo
Flaherty (1913) kung saan pinlano ng mananaliksik na gumawa ng Pelikul,
subalit dahil sa nadatnan niyang kultura, nabago ito, kaya ginawang
dokumentaryo. Sa dokumentaryong ito, ipinakita ang pamamaraan Sa
pangingisda at ang paraan ng pamumuhay ng mga eskimo. Naapektuhan ng
emic ang dala-dalang etic ng lumikha ng dokyu na ito kaya nabago ang
kanyang orihinal na layunin.

Sa disertasyon naman ni Christine Muyco tungkol sa Panay,


natuklasan niya ang metodo ng mga tao doon na_tinatawag na
Suguidanon/Sugid na pagkukuwento, sa paraang patula. Hindi rin inaasahan
ang pagkakatuklas na ito na kusang lumabas sa panahon ng pagiging bahagi
sa komunidad ng mananaliksik.
t

Ang pag-unawa sa kung paano maisasaayos at magiging


makatotohanan ang kahulugan ng mga datos na nakalap, lalo na sa pag-aaral
ng kultura gamit ang etnograpiyang pamamaraan, ay masasagot ng
pagtatagpo ng emic(loob) at etic (labas) na kinapopookan ng mananaliksik.
Nasa pagsulat ng kultura ang pagsagot sa kung alin at ano ang katotohanan,
na hindi naman din matutugunan ng tiyak na kasagutan, kun’di ng, isané
parsyal na katotohanan lamang dahil palaging may mga puwang o gap "4
kailangang pag-aralan. Sabi pa ni Clifford (1986), ang subhektibidad
mananaliksik/manunulat ay hiwalay mula sa obhektibidad na batayan "6
teksto. Ang personal na boses ng manaphialiksik/manunulat ay maaaring
matunghayan lamang bilang isang estilo, subalit isang tinig ng katotohanan-
Katangian ng Pananaliksik

Ayon sa ilang manunulat na binanggit sa aklat ni Alipio M. Garcia


(2005) na isinalin ni Sagun, upang maituring na mahusay ang pananaliksik ay
kailangang tinataglay nito ang pitong pangunahing katangian:

1. Ang layunin ng pag-aaral o ang suliranin ay kinakailangang malinaw


na nabigyang-kahulugan at tiyakang naipaliwanag at kung maaari ay
walang pagkakamali; . Taree kano, Pega % (ydir

2. Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay dapat na maingat at


detalyadong nailahad upang magamit ng mga susunod na
mananaliksik;

3. Ang paraan ng pananaliksik ay kailangang maingat na plinano upang


humantong sa obhektibong resulta; - an

4. Kinakailangang mailahad ng mananaliksik nang buong katapatan ang


kahinaan sa bahagi ng pamamaraan na maaaring makaapekto sa
pananaliksik;

5. Ang pag-aanalisa ng mga datos ay kinakailangang sapat upang


maipakita ang kahalagahan nito; sa kabilang banda dapat na angkop
‘ang ginamit na metodolohiya sa pagsusuri nito;
6. Dapat na naiuugnay ang kongklusyon sa ipinapakitang datos ng
pananaliksik;

7. Mapagkakatiwalaan ang pananaliksik kung ito ay batay sa karanasap


ng mananaliksik na nagtataglay ng magandang reputasyon at may
integridad.

Matapat nating masasabi na ang pananaliksik ay isang gawaing


nagpapaunlad ng ating kaalaman at karunungan, samakatuwid mahalaga na
ang anomang gawaing pananaliksik ay kakikitaan ng disiplina, integridad at
kapakinabangan hindi lang ng iilan kun’di lalo’t higit ng nakararami. Ang
ubod/sentro ng lahat ng klase ng pananaliksik ay nakaangkla sa
pagpapatining ng karanasan na nagbubunga ng pag-unlad. Dahil dito,
makabuluhan lamang na ang lahat ng uri ng pananaliksik ay ‘di nagtataglay
ng personal na ganansyao kapakinabangan ng mananaliksik (personal na
interes), mga bayas (biases) at nakatuon sa obhektibong pananaw sa buhay
at katotohanan. Maipakikita ang ganito kung ang pananaliksik ay nagtataglay
ng mga sumusunod:

1. Relayabiliti (Reliability) tekakeke Me

Ang relayabiliti ay ang pagkakaroon ng_ parehas_ na


~ resulta/kinalabasan sa mga pagkakataon na ang isang pananaliksik ay
inuulit, gamit ang parehong metodo/pamamaraan, instrumentasyon para sa
parehas na populasyon. Halimbawa sa isang salid-aralan, na sama-sama ang
mga fast learner at slow learner, maipakikita ng resulta ng pananaliksik ang
korelasyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga grado (mas
tumataas ang marka ng mga slow learner kapag sinasama sa mga fast
learner). Kung ang parehas na kalagayan (experiment set-up) ay totoo sa
lahat ng seksyon; masasabing katanggap-tanggap ang relayabiliti ng
pananaliksik. Tandaan na sa pagsasagawa nito ay gumamit ang mananaliksik
ng konstant na pamamaraan, metodo at instrumentasyon. Habang
dumarami/tumataas ang antas ng pagkakatulad o pagkakaulit ng
kinalabasan ng isang pananaliksik, mas lalong tumataas ang relayabiliti nito.
Ito ay isang katangian na mahirap sykatin a
hg may katiyakan
gapagkat maraming salik ng gawaing pananaliksik an 8 dapat isaalang-alang
xatulad ng oras/panahon, neal at gawi ng mga respondente, at maging ang
<ikolohikal, sosyal at sonomikal na salik. Subalit sa kasalukuyang panahon
ay maaari nang gumamit ng iba’t ibang kagamitan/metodo para
makapagbigay ng katanggap-tanggap na pagtataya (acceptable estimate) para
sukatin ang relayabiliti ng isang gawaing pananaliksik.

2. Baliditi (Validity) “4”

Ito ang kalakasan ng resulta ng pananaliksik, ng asamsyon


(assumption) o proposisyon para masabi kung ito ay tama o mali. Tinutukoy
ng baliditi ang kaangkupan ng isang pananaliksik. Ang baliditi ng
instumentasyong ginamit sa pananalikik ay tumutukoy sa kaangkupan ng
kagamitang pampananaliksik para sagutin ang suliranin ng pananaliksik o
kung gaano katiyak sinusukat ang mga kagamitang pampananaliksik ang
suliranin. Sinasabi ng iba na ang relayabiliti at baliditi ay magkaugnay at
magkasintimbang ngunit higit na mahalaga ang baliditi kaysa sa relayabiliti.
Kung walang baliditi ay mauuwi sa wala o mawawalan ng direksyon ang
gawaing pananaliksik. Upang hindi maligaw, mahalagang bigyang-
pakahulugan ang konseptong nais pag-aralan/saliksikin upang maiwasan
ang pagkukulang ng instrumentasyon. Halimbawa, kung tayo ay gumagawa
ng pananaliksik ukol sa “Sosyal na Pagsusuri sa Buhay ng mga Batang nasa
Bahay Ampunan”, mas magiging makabuluhan ang baliditi ng pananaliksik
na gagamit ng pamamaraang interbyu kaysa talatanungan para sa mga
respondente upang higit na magiging personal ang karanasan at pagkuha ng
datos,

3. Akyurasi (Accuracy) < Mate

Tumutukoy ito sa antas ng pagkakaugnay-ugnay ng pamamaraang


Pampananaliksik, mga kagamitan at intrumentasyon. -Sinusukat din ng
akyurasi kung ang kagamitang pampananaliksik ay pinili at ginamit sa
Pinakamabisang kaparaanan, at kung ang metodo at disenyo ng pananaliksik
ay umaakma sa suliranin o hindi, Halimbawa, kung mangangalap ng datos sa.
‘M8a respondente na mula sa transgender na populasyon, ngunit hindi naman
makikiisa ang mga respondente, hindi makabubuti na gumamit
talatanungan (questionnaires) na ibibigay na lamang sa respondente, Maaay,
kasing ang pagsagot nila sa mga tanong ay may halong bayas o kun’di Man
baka hindi na nila ibalik ang mga talatanungan. Higit na magiging Mabis,
kung gagamit ng pamamaraang paobserba/pasubaybay. Samakatuwid, an
pagpili ng angkop na kagamitang parnpananaliksik ay magtataas ng antag ne
akyurasi ng gawaing pananaliksik.

4, May Kredibilidad(Credible)
Conn)
May kredibilidad ang isang pananaliksik na gumamit ng
pinakamabuting hanguan ng impormasyon at gumagamit ng pinakamabisang
pamamaraang pampananaliksik. Kung tayo ay gagamit ng mga
impormasyong second-hand bunga ng kung ano mang kadahilanan, ang
kredibilidad ng pananaliksik ay naisaalang-alang. Ang mga second-hand na
impormasyon ay namanipula na ng ibang tao na maaaring magpababa ng
antas ng baliditi. Maaari namang gumamit ng ilang porsiyento ng second-
hand na impormasyon kung wala talagang mapagkukunan. Hanggat maaari
ay gawin ang lahat ng paraan upang makakuha ng first hand na
impormasyon. Dapatisasaalang-alang ang kredibilidad hindi lang ng
gagawing pananaliksik kun’di pati na_ rin ang kredibilidad bilang
mananaliksik.

5. Panlahat (Generalizability)
as ywey
Ito ang katangian ng pananaliksik na kung saan ang kinalaba
san ng
pananaliksik ay maaaring gamitin sa mas malaking bilang
ng populasyon.
Kapag ang isang mananaliksik ay nagsagawa ng isang pag-aaral, kumukuha
ito ng populasyon, at mula dito ay kukuha siya ng bahagi ng
populasyong ito
na siyang gagamitin sa pananaliksik. Sa maliit na bahaging
ito, ang anomang
kalalabasan ay kakatawan sa kabuoang populasyon.
Kung ang kalalabasa?
mula sa maliit na bahagi ng populasyon ay magagamit sa anomang
bahagi 98
buong populasyon, ang resulta ay masasabi nating generalizable.
Halimbaw4
sa pagkuha ng respondente mula sa kolehiyo ng pagtutuos (accountancy)"4
may kabuuang populasyon na dalawanlibo’t limangdaan (2500), hindi
magiging makatotohanan na kunin ang 80 porsiyento ng kabuong bilang
"8
i ag-aaral mula sa kolehiyo, sapagkat hindi Sasapat ang panahong pugugulin
sa dami ng kakausapin. Samantala kung kukuha tayo ng ba dkowa
pahagi/bilang ng populasyon na kakatawan para sa buong kolehiyo (unang
jimang seksyon), ang anomang kalalabasan mula sa populasyong ito ay
maaaring kumatawan sa pangkalahatan ng mga mag-aaral ng kolehiyo ng
pagtutuos.

6. Emperikal(Empirical) on, /

Emperikal ang pananaliksik na cn nang maingat at maagham.


Ang bawat hakbang ng pananaliksik ay sinusubok para sa kanilang akyurasi
at nakabatay sa totoong karanasan. Ang pananaliksik na quantitative ay higit
‘na madaling patunayan kaysa sa qualitative na pananaliksik. Ang huli ay
punong-puno ng biases at mas madalas ang pagkakamali rito. Halimbawa,
kung magsasagawa ng pananaliksik sa paksang “Pangunahing Kolehiyo na
Nais Pasukan ng mga Mag-aaral na Magtatapos sa Bonifacio High School",
na
gamit ang maagham na pamamaraan, madaling makuha ang mga pisikal
paaralan
datos (lugar, anong kurso, paano nalaman ang impormasyon ukol sa
ning ating
at iba pa) at madali rin itong masusukat batay na rin sa sulira
Mataas
mabubuo. Sa kabilang banda, sa paksang “Kabisaan ng Kurikulum ng
na Paaralang Bonifacio v.s. sa St. Andrew: Isang Komparatibong Pag-aaral.”
Mangangailangan ng
May kahirapang sukatin ang konsepto ng “kabisaan”.
na ideya.
espesyal na pamamaraan para mapalutang ang nais

7. Sistematiko (Systematic)

Walang pananaliksi k ang maaaring isagawa nang biglaan o basta-


basta) May mga panuto/pamamaraan na kailangang isagawa. Bawal ang
"short cut” sa gawaing pananaliksik. Ang mga pamamaraang ito ay sinubok
at naaangkop para’ gamitin sa gawaing pananaliksik.
Na nang panahon
ang bawat pananaliksik ay dapat na sumunod sa
Samakatuwid,
Sistematikong kaparaanan ng pag-aaral ng datos.
8. Kontrolado (Contralled) _

Sa totoong buhay, maraming salik ang maaaring makaapekto Sa


kinalalabasan ng isang pag-aaral. May mga bagay sa gawaing pananaliksi,
na maaaring hadlangan ng mananaliksik para maapektuhan ang maaaring
kalabasan o resulta. Sa pure science research, madaling kontrolin ang mga
baryabol tulad ng lakas, bilang, at iba pa, sapagkat ang pananaliksik ay
ginagawa sa loob ng laboratoryo pero ibang-iba ang resulta ng mga
pananaliksik na social science dahil sa kalagayan ng kalikasan ang
pananaliksik na kadalasang isinasagawa.

Katangian ng Mananaliksik

Napakalaking responsibilidad ng pananaliksik. Kaakibat ng


responsibilidad na ito ang mga gawaing dapat na maisakatuparan ng isang
mananaliksik. Kaalinsabay nito, nararapat na taglayin ng isang mananaliksik
ang mga sumusunod na katangian upang mapagkatiwalaan ang kanyang
pananaliksik:

M asipag at matiyaga
an A Litiko
N_ Agsusuri
M A_ ymalawak na pang-unawa__
N_aglalahad ng katotohanan
m A _ ytakotsa Diyos —
Mayba L = anseng pananaw
ma I Ngat
K_ ontrolado ang pagkilos
may S _. apatnakakayahang pisikal
h I nditakot na magkamali
Nakapo K_ ussa tagumpay ng pananaliksik

Etika ng Mananaliksik

Sa lahat ng antas ng buhay at pamumuhay ng tao, may mga gabay na


prinsipyo at paniniwala sa siyang pangunahing batayan upang manatili sa
amang daan. Hindi magiging tao ang tao kun’di maipaghihiwalay
vadahilanan ang
ng pagkilos. mula sa irasyunal na gawain. Ang gawaing
ananaliksik ay tanging ginagawa ng mga tao kaya naman marapat lamang
na ito ay gabayan ng etika na magiging talang gabay para patul
oy na
papain Se karunungan na magiging instrumento sa Pagsulong at pag-
ng sangkatauhan.
unlad

> Katapatan. Panatilihin ang katapatan sa lahat ng ugnayang


pampananaliksik. Maging matapat sa pag-uulat ng mga datos at
kinalabasan ng pananaliksik, metodo at pamamaraang
pampananaliksik, at maging sa paglalathala. Huwag gumawa ng mga
maling datos o magbago ng datos (falsify information). Ang mabuting
mananaliksik ay hindi nandaraya ng publiko. A

» Obhektibo. Iwasan ang pagkiling o pagkatig sa personal na interes.


Huwag paibabawin ang makasariling pananaw na siyang magiging
dahilan para maapektuhan ang gawaing pananaliksik. Hanggat
maaari, tingnan ang gawaing pananaliksik nang may pagpapahalaga
sa katotohanan batay sa datos na nakalap at hindi tinitingnan ang
personal na damdamin at pananaw.

>» May Integridad. Igalang ang sariling salita. Kumilos nang may
katapatan at panatilihin ang matuwid na pag-iisip at pagkilos. Gawin
ang~gawaing pananaliksik sa tawag ng pagtulong sa kapwa at
paggalugad ng katotohanan para maunawaan ang karunungan na nais
malaman.at maunawaan.

> Pagiging Maingat. Iwasan ang mga pagkakamaling hindi sinasadya


at pagkilos nang pabaya. Maging maingat at mapanuri sa gawaing
ginagampanan at sa gawain ng iyong mga kapwa mananaliksik.
Panatilihin ang kasinupan ng mga tala (records) ng gawain tulad ng
Pangangalap ng datos, disenyong pampananaliksik at maging ang mga
liham pangkomunikasyong ipinalalabas.“Ang gawaing pananaliksik ay
nakatuon sa mga datos na nakalap. Ang pagiging masinop sa mga ito
ay magbibigay ng ibayong kredibilidad na siyang magpapataas naman
sa baliditi ng gawaing pampananaliksik.
> Openness. Maging bukas sa pagbabahagi ng mga datos, resulta, ideya
kagamitan at pinagkukunan. Maging handa sa mga puna (kristisismo)
at bagong ideya. Tandaan na ang malalaman mula sa gawaing
pananaliksik ay bahagi lamang ng mas malaking karunungan. Ang
pagiging bukas sa iba ay magbubukas din ng pintuan ng oportunidag
para sa lalong higit na paglago ng kaalaman at karunungan. May mga
maaaring maunawaan sa ganang sarili lamang, at kung
kaalamang
gayon ay mangangailangan ng ibang tao para ibigay ang karunungan
na hinahanap. Humandang maging bukas sa mga puna at kritisismo,

> Igalang ang Intelektuwal na Kakanyahan (intellectual property).


{May mga nauna ng gumawa ng gawaing pananaliksik. Makatwiran
lamang na bigyang-respeto ang mga taong unang nakaisip ng ideya,
disenyo, pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginagamit. Bigyan
ng kaukulang pagkilala ang mga tao na nakatulong sa ginagawang
pananaliksik. Banggitin ang mga reperensyang ginamit at
pinagkunan. Huwag na huwag mag-plagiarize.

>» Kompidensiyalidad. Ang gawaing pananaliksik ay usapin ng


pagtitiwala. Laging proteksyunan ang mga pinagkukunan ng datos,
(resources), mga liham pangkomunikasyong ginamit, mga _ tala
(records) na nakuha mula sa iba’t ibang institusyon at lalo’t higit ang
impormasyon ng mga_respondente. Ang anomang uri ng
impormasyong ipinagkatiwala ay kailangang manatiling lihim para sa
/ seguridad ng lahat.. May mga impormasyong para sa publiko at
lihim.
impormasy dapat na manatiling
lg heap ong
>-Sosyal na Gampanin. Sa _pagsasagawa ng pananaliksik,
responsibilidad_ ang makapagbigay ng
kamalay. ang pansosyal na
kagalingan. Iwasan na magpunla ng impormas
y. Ong nagdudulot ng
kalituhan at kaguluhan ‘na_ hindi kinakailanga n sa isinasagawang
pananaliksik. Gamitin
ang gawaing pananali ksik
higit na kabutihan para sa lahat na para isulong ang
magbub
makabuluhan, gayundin unga ng pagbabagong
upang lalong makatulo
ng sa kapwa.
= s s s = z “Se

> Huwag magdidiskrimina (non-discrimination).Huwag magsagawa ng


pananaliksik na magbubunga ng diskriminasyon sa kapwa. Ituring na
magkakapantay bilang tao ang bawat tao - maputi, maitim; pandak,
matangkad; bakla, tomboy; atbp. Ang diskriminasyon ay lilikha ng ‘di
mabuting ugnayan at makasisira sa makataong ugnayan na nais
palakasin at payabungin ng gawaing pananaliksik.

A nag a
Patatilihin at pag-ibayuhin ang propesyonal na
ingarr Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral. /Gumawa ng
hakbangin na magsusulong sa propesyunal na paglago para lalong
maunawaan ang agham sa kabuuan nito. Sinasabing ang pag-aaral ay
walang katapusan. Hindi nagtatapos ang gawaing pananaliksik kapag
nakapaglathala na. Makatwiran na patuloy na makipagkolabora
(collaborate) sa ibang tao o institusyon upang patuloy na mapaunlad
pang lalo ang kaalaman sa iba’t ibang disiplina at larangan.

we Bigyang-Proteksyon ang Pagkato. Sa pananaliksik kung saan tao


ang pangunahing respondente, mahalaga na mapanatili ang dignidad ~
at dangal bilang tao. Iwasang bigyan ng taguring gaya ng “creature” o
“scavenger” ang respondente na magbababa sa moralidad ng pagiging
tao. Bigyang-halaga ang pagbibigay proteksiyon sa nararamdaman at
iniisip. Maging ang kalagayang panlipunam ay dapat ding bigyang-
pansin upang maiwasang makasakit ng pagkatao.
K id syon sa Pagpili ng Paksa ap "

Matapos na magkaroon ng mga pangunahing hanguan sa pagbuo ng


paksang pampananaliksik, mayroon ding dapat bigyan ng konsiderasyon
upang umangkop ang mga paksang pipiliin.

Una. Kasapatan ng datos. Pangangailangan sa pagbuo ng


pananaliksik
ang kasapatan sa datos. Isa sa mahalagang dapat na mapaglaanan ng mga
kongkretong impormasyon ay ang teoretikal na bahagi at ang literatura
hinggil sa paksang pipiliin.

Ikalawa. Limitasyon ng Panahon, Kinakailanga


n din ang pagtuon ng
mananaliksik sa panahong takda lamang upang isakatuparan ang
pananaliksik. Ang hindi matamang
pagtuon sa panahon ay maaaring
makaapekto sa iba pang dapat na ikonsidera
Sa pananaliksik.

Ikatlo. Kakayahang Pinansiyal. Maaaring maging


suliranin sa pananaliksik Ppangunahing
ang pinansyal na aspeto kapag
napaghandaan o napagtuunan ng pansin. ito ay hindi
K ung sapat lamang
pinansyal na ob ang nakalaang
ligasyon sa 50’ araw dapat na
Matapos ito sa nabanggit di
panahon. ng

Ikaapat. Kabuluhan ng paksa. Bilan


& Mananaliksik, Na
na kasama sa ating mga obligasyon na rarapat lamang
bi 8yang-tuon ang
isasagawang pananaliksik. Dapat na m ai kapakinabangan
pakita ang kapaki ng
hindi lamang para sa sarili gayundin na ba ng an nito
sa li punan sa kabuua
n.

You might also like