You are on page 1of 28

Alpabetong Filipino

Ang makabagong alpabetong Filipino (o mas kilalá bílang alpabetong Filipino) ay


ang alpabeto ng wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas at isa sa mga opisyal na wika ng
bansa kasáma ang Ingles.
 Ang modernong alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik kabílang ang 26 titik ng payak ng
alpabetong Latino ng ISO, ang Ññ ng wikang Kastila at ang NGngwikang Tagalog.
 Ito ay isang wikang Awstronesyo. Sa ngayon, ang makabagong alpabetong Filipino ay
maaaring gamítin bílang alpabeto ng mga katutubong wika sa Pilipinas kasáma na ang
wikang Tsabakano, isang kreyol gáling sa wikang Kastila.
Noong taong 2014, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabas ng bagong patnubay para
sa ortograpiya na sasagot sa mga dáting suliranin ukol sa kung papaano ikakatawan ang
mga tunog sa mga pilîng wika at diyalekto sa Pilipinas.

KATINIG - Ang ABAKADA o ang lumang alpabeto ng mga unang bahagi ng ika-20 siglo ay may
mas kaunting katinig. Sa kalagitnaan ng siglong ito ay nadagdagan at kalayunang nabawasan. Sa
paglabas ng Ortograpiyang Pambansa noong 2014, ang dáting 8 titik na hindi pa naidagdag ay sa
ngayong pinangalanang opisyal. Ito ay ang mga C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ito ay isang malaking hakbang
na idagdag ang mga titik na ito upang gawing modernisado ang sistemang panulat na ito at upang
mapangalagaan ang mga katutubong wika sa Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay
napakaimportante dahil ang mga tunog na ito ay matatagpuan sa mga wika tulad ng Ifugaw at Ivatan.

PATINIG - Bago ang panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, karamihan sa mga wika
sa Pilipinas ay tatlong patínig /a/ /i/, at /u/. Maraming naidagdag nga mga salita ang mga Kastila at
naidagdag ang /e/ at /o/ sa kalayunan. Bagaman, kahit sa kasalukuyan ang /i/ at /e/ at ang /u/ at /o/
ay naiipagpalit-palit.
TULDIK - Mula sa paggawa ng ABAKADA, ipinakilala na ni Lope K. Santos ang mga tuldik. Ito ay
ang mga Pahilis (´), Paiwà (`), at Pakupyâ (^) na nilalagay sa ibabaw ng mga patinig. Ang tuldik na
pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, ang tuldik na paiwa (`), ay sumisimbolo sa impit na tunog
at ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog at diin.
Noong 2015 ang KWF ay nagpakila sa Patuldók na E, Ëë. Ito ay sumisimbolo sa tunog-schwa na
matatagpuan sa maraming katutubong wika sa Pilipinas. Ang isa sa mga ito ay ang Mëranaw, na
dáting binabaybay na Maranaw at Meranaw.
Ito ang mga halimbawa ng mga bagong titik:

Salita Wika Ibig-sabihin

alifuffug Itawes ipuipu

safot Ibaloy sapot ng gagamba

falendag Tinuray plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan


Salita Wika Ibig-sabihin

feyu Kalinga pipa na yari sa bukawe o sa tambo

jambangán Tausug halaman

Tausug, Mëranaw
masjid tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
from Arabic

julúp Tausug masamáng ugali

avid Ivatan kagandahan

pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang


vakul Ivatan
pananggalang sa ulan at init ng araw.

kuvat Ibaloy digma

vuyu Ibanag bulalakaw

vulan Ibanag buwan

kazzing Itawes kambing

zigattu Ibanag silángan


Ang bagong alpabeto ay binubuo ng dalawangpu’t walong (28) letra
Bahagi ng pananalita
 Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang
panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging
panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at
morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.

 Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag
na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang
mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-
ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong
1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang
saligan ng wikang pambansa.
 Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na
ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa
Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina
Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung
bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:

 A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
 1. Mga nominal
 a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
 b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.

 2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng
mga salita
 3. Mga panuring (mga modifier)
 a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
 b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri
at kapwa nito pang-abay

 B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
 1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
 a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
 b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
 c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

 2. Mga Pananda (Markers)
 a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
 b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno)
at panaguri
 Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding
damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit
bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
 Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita
bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng
mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-
abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

Tayutay
Ang artikulo na ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Hulyo 2008)
Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi m
nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal.

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o
paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
Mga uri ng tayutay
1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito
ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at
iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
3. Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
'PERSONIFICATION' sa Ingles.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
5. Pag-uulit
◦ Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
◦ Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
◦ Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
◦ Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
◦ Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
◦ Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o
parirala na binanggit sa hulihan.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng
isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan.
7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
8. Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong
nakakasakit ng damdamin.
9. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
10. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao,
na ginagamit ang pang-uri.
11. Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
12. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa
pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
13. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-
pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
PANITIKAN– ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Uri ng Panitikan
1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang
imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa.
2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay,
awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

Halimbawa ng Panitikan
1.) Alamat
 2.) Bugtong
3.) Salawikain o Sawikain
 4.) Epiko
5.) Pasyon
 6.) Talumpati
7.) Tula
 8.) Tayutay
9.) Parabula
 10.) Palaisipan

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:


1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) – pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang
binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Mga akdang tuluyan :

1. Tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng


pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

a. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga
tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan
.
b. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango
sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay
kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at
kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-
aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong
aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at
puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
h. sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng
may-akda.

i. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango
sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng


pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o
kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito

l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o bansa.


Panitikan
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang
saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may
anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis,
may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating
pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at
mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. [2] Ito ang isang
dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang
isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang

Mga uri ng Panitikan


Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon (Ingles: fiction) at
ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat
ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila
ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para
sa kanilang mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.[1]
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba
pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na
maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakaka-
engganiyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang
mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]
Iba't - Ibang Uri ng Teksto:
argumentatibo
deskriptibo
ekspositori o impormatibo
naratibo
persuweysib
prosidyural
reperensyal

1. Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng kuro - kuro, pananaw, paniniwala ukol sa


isang isyung mahalaga o maselan. Ito ay naglalayon na hikayatin ang mga mambabasa
na tanggapin ang argumentong inilalahad sa pamamagitan ng pangangatwiran at
patunayan ang mga katotohanang ipinahahayag nito.
Mga Halimbawa:
Sa kabila ng kagandahan ng Pilipinas, nakatago ang sandamakmak na problema. Una na rito
ang kahirapan na dulot ng kawalan ng hanapbuhay at malaking populasyon.
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga
bagay na natutunan sa paaralan.

2. Ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan at karaniwang naglalaman ng mga


impormasyon ukol sa katangian ng bagay, lugar, pangyayari, at tao.
Mga Halimbawa:
Ang matipid na ngiti ay bahagya lamang ng labi ang pagkipot.
Ang pag ngiti ay nakatutulong upang pagaanin ang damdamin ng iba.

3. Ang tekstong ekspositori o impormatibo ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa


isang bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ito ay batay sa katotohanan at kadalasang nasa
tonong obhektibo na sumasagot sa tanong na ano, bakit, paano, saan, at sino.
Mga Halimbawa:
Sanhi: kaguluhan sa pamahalaan Bunga: patayan
Ang pilosopiya ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa
karunungan.

4. Ang tekstong naratibo ay nasa anyong pasalaysay na tila nagkukwento ukol sa isang
tiyak na pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay kabatiran at kawilihan sa mga
mambabasa.
Mga Halimbawa:
Talambuhay ni Rizal
Ang Alamat ng Lanzones
5. Ang tekstong persuweysib ay naglalayong humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig.
Ito ay karaniwang ginagamit sa radio at telebisyon. Ito ay ginagamitan ng mga salitang
nakagaganyak upang maging kapani paniwala.
Mga Halimbawa:
Patalastas sa radio at telebisyon
Talumpati ng mga kandidato tuwing kamapanya bago ang eleksyon

6. Ang tekstong prosidyural ay nagpapakita ng pagkakasunod sunod ng mga hakbang,


pahayag, o pangyayari. Ito ay karaniwang tumutugon sa tanong na paano.
Mga Halimbawa:
Pagsasaing:
Magtakal ng bigas at ilgaya sa kaldero ayon sa tamang dami.
Hugasan ang bigas ng dalawang ulit.
Isalang sa kalan ang kaldero at hintayin na maluto.
Ihain habang mainit.
Paggawa ng Basket
:
Gamit ang lumang dyaryo o magasin, gumawa ng strips ng dyaryo o magasin na magiging
pangunahing materyales ng basket.
Tiyakin na ang bawat strips ay may katamtamang kapal upang tumayo ng maayos ang basket.
Gamit ang labindalawang strips ng dyaryo o magasin, ihilera ito ng pahiga ng pa krus sa bawat
isa hanggang makabuo ng sapat na pang ilalim para sa basket na bubuuin.
Gamit ang kapirasong karton, gumupit ng kasing lapad ng isang strip ng dyaryo o magasin.
Pagdikitin ang dalawang dulo ng katon upang makabuo ng bilog na magiging ilalim ng basket.
Ilala ng salit salit ang mga strips na nakapalibot o nakapalibot sa pinagdugtong na karton
hanggang sa maporma ang basket.
Ipagpatuloy ang pag lala hanggang sa dulo ng mga strips ng dyaryo o magasin.
Gumupit mula ng karton na kasing sukat ng strips at pagdugtungin muli ang dalawang dulo
nito.
Gamitin itong pampatigas sa itaas na bahagi ng basket at idikit sa dulo ng mga strips upang
maisara ang mga dulo ng basket.

7. Ang tekstong reperensyal ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga


inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak
at inilalahad.
Mga Halimbawa:
Kobak, Roger et al. “Adapting to the Changing Needs of Adolescents: Parenting Practices
and Challenges to Sensitive Attunement.” Current Opinion in Psychology, Vol. 15 (2017): 137-
142. doi:10.1016/j.copsyc.2017.02.018.
Ryan, Rachael et al. “Parenting and Child Mental Health.” London Journal of Primary Care, Vol.
9, 6 86-94. 10 Aug. 2017, doi:10.1080/17571472.2017.1361630..
Ibat Ibang Uri ng Teksto
Mga Ibat Ibang Uri ng Teksto

1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng
sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan
ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editoryal

3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.


Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay


Halimbawa: mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na
ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-
sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad
ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.

7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga
tanong na paano at kailan.
8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-
aanalays ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga
inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at
inilalahad.
Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito

Mga teoryang pampanitikan— Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba’t ibang paliwanag ang iba’t ibang mga
kritiko at makata patungkol sa mga nasabing mga teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin ko baka
magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan patungkol sa mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga
pahayag sa mga teorya ng panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang pampantikan
1. Klasismo– Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE
BOX, POSPORO.
2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang
sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin
sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo
sa mga ideya
4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang
bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
5. Feminismo– ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o
akda.
6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam…
7. Formalism – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal
na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang:
nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..
8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa
kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni
Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing
dito na mababang uri.
9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga
ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding
mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!
11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong
dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay
ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan
ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga
bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at
kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan.
12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga
naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at
mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay
ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping
lakas.
13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang
pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at
sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong
nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya
14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat
o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay
tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring
nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na
akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa
mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
15. kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

You might also like