You are on page 1of 87

PAGHANDAAN!!!

Ika-4 Pandaigdigang Komperensya ng Filipino Bilang

ENERO 3-5, 2014 Wikang Global

2nd Week of January 2014 UNIVERSITY OF HAWAIIManoa, Honolulu, Hawaii, USA


www.filipinoglobalconferenc e.com

Maligayang Bati sa Ika-3 Pandaigdigang Komperensiya ng Filipino Bilang Wikang Global!

GLOCAFIL
(GLOBAL COUNCIL FOR THE ADVANCEMENT OF FILIPINO LANGUAGE AND CULTURE) Pandaigdigang Sanggunian sa Pagsulong ng Wika at Kulturang Filipino

Misyon at Bisyon
Misyon ng Sangguniang maging isang pandaigdigang alyansa ng mga indibidwal at samahang kumakatig sa Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas batay sa mandato ng Saligang Batas noong 1987. Itinutuon ng Sanggunian ang gawain sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng wikang pambansa sa kagalingang pangkabuhayan, pampulitika, panlipunan at pangkultura ng mga mamamayan ng Pilipinas saanmang pook sila naroon. Hangad din ng Sanggunian mapaunlad ang pagtuturo at pagkatuto ng wika at kulturang Filipino upang maging panlaang kaalaman sa Pilipinas, Estados Unidos at sa mga bansang tinatahanan ng mga mamamayan ng Pilipinas. GLOCAFIL o Sanggunian ang magiging pandaigdigang tinig ng mga samahan at indibidwal na kumakatawan sa pagtuturo at pagkatuto sa lahat ng antas (elementarya, sekondarya at kolehiyo) at sa mga organisasyon at institusyong naglalayong mapalaganap ang paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan at disiplina. Isinusulong din ng Sanggunian ang paggamit ng Filipino sa teknolohiya (lalo na sa mga kompyuter at internet) at sa ibang behikulo ng pag-uunawaang kros-kultural, komunikasyon at edukasyong pangwika. Binubuo ng Sanggunian ang mekanismong internasyonal na kikilos sa pagpapalakas ng mga propesyon sa wikang Filipino (kabilang na pagtuturo, pananaliksik, paghahanda ng mga materyal sa pagtuturo, pagsasaling-wika, pamahayagan at pagsusulat ng panitikan) sa paghikayat sa mga kasaping indibidwal at samaham na kumilos tungo sa pagpapalaganap, pagpapanatili at preserbasyon ng wikang Filipino. Itutuon ng Sanggunian ang lahat ng makakaya sa pagtatayo ng pandaigdigang arkitektura ng wikang Filipino at ang kultura nito, upang madaling matamo ang mga yamang-kaalaman nito ng mga ibig matuto ng wika, mga programang pangwika, mga organisasyong propesyonal at pangkomunidad sa Estados Unidos, Pilipinas at saanmang bahagi ng daigdig.

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING

MENSAHE

Nakikiisa po ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o NCCA sa Pandaigdigang Komperensiya at Worksyap sa Filipino sa temang Ang Filipino bilang Wikang Global: Ibat Ibang Isyu at Hamon sa Siglo 21.

Sa harap ng ating iisang mithiin na mapalaganap ang wikang Filipino at ang pagtuturo nito, naniniwala kami na ang pagtitipong ito ay isang mahalagang pagkakataon upang mas mapayabong ang ating kaalaman sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagbabahaginan. Isa rin itong paraan upang makamit natin bilang isang bansa ang bisyon ng NCCA na Ang kulturang Pilipino ay bukal ng pambansang at pandaigdigan kagalingan.

Malugod naming binabati ang lahat ng nanguna para sa katuparan ng adhikaing ito ang Global Consortium for the Advancement of the Filipino Language and Culture (GLOCAFIL), ang Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), ang University of Hawaii Filipino and Philippine Literature Program (UH-FPLP), at ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Gayundin, taos-pusong pasasalamat at pagbati sa lahat ng mga dumalo.

Mabuhay po kayong lahat!!!

PROF. FELIPE M. DE LEON, JR. Tagapangulo


Republic of the Philippines Office of the President

NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS


633 General Luna Street, Intramuros 1002 Manila / Tel. 527-2192 to 98 / Fax 527-2191 & 94 / e-mail: info@ncca.gov.ph. / website: www.ncca.gov.ph

Global Council for the Advancement of the Filipino Language and Culture (GLOCAFIL)

Maligayang bati sa sambayanang Pilipino sa pagdaraos ng Ikatlong Pandaigdigang Komperensiya ng Filipino Bilang Wikang Global! Makahulugan at makabuluhan ang kapulungang ito. Hindi lamang wikang Filipino ang itinatanghal dito, isinusulong din nito ang samutsaring karunungan, karanasan at kaisipang sinaliksik ng maraming guro, estudyante, manunulat at apisyonado ng Filipino. May mga bumuo ng teorya, lumikha ng mga bagong pananaw at nagpanukala ng pagbabagong-tanaw sa mga tradisyong ipinasada sa daang elektroniko o inihain gamit ang ibat ibang teoryang silanganin o kanluranin. Nakatutuwang mabatid na nagmumula sa mga gumagamit ng wika ang iskolarsyip na ito. Katunayang intelelekwalisado na ang wika at samakatwid, naghuhulma ng bagong kaakuhan sa sambayanang Filipino. Nabanggit ko ang isyu ng kaakuhan sa liwanag ng nakaraang imbestigasyon ng Senado na humantong sa impeachment ng Punong Mahistrado Renado Corona nitong nakaraang ilang buwan. Sa kauna-unahang pagkakataon, naging dominante ang paggamit ng Filipino sa pagdinig sa kaso at tuwiran at di-tuwirang ikinasangkot ng mamamayan sa mga seryosong usapin. Walang pumaksa nito sa kasalukuyang komperensiya ngunit natitiyak kong magkakaroon ng ganitong mga panayam sa ikaapat na komperensiya sa 2014. Itinatag ang komperensiya noong 2008 upang iharap sa nooy pamahalaang yumuyurak sa Filipino sa ngalan ng kaginhawahang pinansiyal na pangako ng pagtatrabaho sa abrod. Ninasa naming itanghal ang pagkaglobal ng pambansang wika upang hindi ito balewalain. At ngayon, pinatunayan ng Senado ang kahalagahan ng Filipino sa pagkakaisa upang mapalayas sa hukuman ang tiwaling punong mahistrado. Palakpakan natin ang tagumpay na ito, at ipagpatuloy natin ang pagpapatunay na hindi dapat ipagwalambahala o yurakan ang wikang pambansa. Mabuhay ang Filipino!

Ruth Elynia Mabanglo Tagapagtatag, GLOCAFIL

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino


s/p De La Salle University Taft Avenue, Maynila 1004

Pagbati sa Global Consortium for the Advancement of Filipino Language and Culture (Glocafil) sa pagsusulong ng 3rd International Conference on Filipino as a Global Language sa Pilipinas! Isang karangalan para sa Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) na maging katuwang sa pagsasakatuparan ng ganitong internasyonal na pagkilos pangwika at kultural. Hindi madali ang pagpaplano, implementasyon at ebalwasyon ng isang asambleya ng mga iskolar, mananaliksik, edukador, administrador, alagad ng sining at kultura, manunulat at nagmamahal sa wikang tatak ng pagkakaisa at identidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos sa tulong ng teknolohiya at harapang ugnayan ng mga implementor, isang kagalakang naging bahagi ng komperensiyang tumalakay sa Mga Isyu at Hamon ng Siglo 21 sa Wika at Kulturang Filipino. Tunay na napapanahon ang usaping pangwika na kaugnay ng bagong pinaiiral na kurikulum sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa pakikiagapay at pagharap sa kompetisyong global. Magandang pagkakataon ding magkaroon ng mayamang kaalaman sa istatus ng wikang Filipino bilang asignatura at midyum ng komunikasyon sa labas ng ating bansa, at harapin kung anong adbokasi ang maisusulong upang mabigyang puwang ito sa pag-aaral at pagpapayaman ng kultura. Sa mga larawang ipininta sa atin ng mga presenter, plenary speaker at tagapagpatakbo ng workshop, mga makabuluhang pagkilos ang inaasahan at hinaharap natin. Higit na pinainit ang interes natin sa larangan ng edukasyong pangwika, at Pilipinolohiya at araling tutok sa Pilipinas. Taos puso ang pasasalamat natin sa mga naging instrumento sa katuparan ng mga layuning inilatag ng ating komperensiya. Naway patuloy ang pagsisikap natin sa pagpapayaman ng Filipino sa mga sektor sa sambayang Pilipino bagamat sa tingin ng iba ay nasa limbo ang wikang pambansa sa pagpapalakas ng mga wikang panrehiyon at inang wika (mother tongues) na iniintelektwalisa na rin. Samantala, inaasahang ang global na Filipino, sa pagkilos ng mga nagmamalasakit sa wika at kulturang atin, ay nagtatamo ng prestihiyo at popularidad sa pagtawid sa mundo na walang hangganan. Hanggang sa susunod na internasyonal na komperensya sa wikang global na nag-ugat sa ating lupain. Mabuhay at patuloy na dumami ang mga bayani ng wika at kultura!

Teresita F. Fortunato, Ph.D. Pangulo, PSLLF

Unang Sesyong Plenari

(Agosto 3, 2012 1:30 3:00) Paksa: Kasalukuyang Kalagayan ng Filipino sa Pilipinas Mga Ispiker
Br. Armin Luistro - Kasalukuyang Kalihim ng Edukasyon si Br. Luistro at bahagi ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III. Isa siyang Lasallian Brother at naging pangulo ng De La Salle University at De La Salle Philippines. Nagtapos si Br. Luistro ng Master of Arts sa larangan ng Religious Education sa De La Salle University-Manila. Iginawad noong 1997 ng De La Salle Brother ng Pilipinas kay Br. Luistro ang posisyon na Brother Visitor na kilala rin sa katawagang Brother Provincial. Kasama rin siya sa mga nagtatag ng Universitas Katolik De La Salle o De La Salle Manado noong taong 2000.

Dr. Catherine Q. Castaeda - Nagtapos ng kanyang Ph.D. si Dr. Castaeda sa University of the Philippines sa larangan ng Anthropology at mayroong Diploma in International Nutrition (with honors) mula sa Netherlands. Siya ang kasalukuyang pinuno ng Commission on Higher Education (CHED) - National Capital Region. Bilang Director IV, naatasan siyang pangasiwaan ang pagpapatupad ng mga plano, patakaran, at pamantayan ng CHED sa lahat ng mga Higher Education Institutions (HEIs) kabilang ang pagmomonitor at ebalwasyon sa perpormans ng 325 na HEIs sa National Capital Region. Naging director din siya ng Office of Programs and Standard at Office of Student Services para sa higher education. Dati siyang kaugnay ng Department of Science and Technology bilang Science II ng Scientific Career System. Nagsagawa siya ng qualitative research kung saan nakapagpalathala siya ng 30 saliksik sa nutrition education at anthropology. Professor at lecturer siya sa edukasyon, nutrisyon at antropolohiya sa mga kilalang unibersidad sa Manila. Miyembro rin siya ng Board of Directors ng apat na institusyon, director-in charge ng faculty development program sa science at engineering, at advocacy specialist sa midya sa development issues in nutrition. Dahil sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa pagpapahusay ng kurikulum sa nutrisyon at dietetics, iginawad sa kanya ang parangal na "Professional of the Year" ng Philippine Regulations Commission noong 2008.

Dr. Isagani Cruz - Manunulat, kolumnista, kritiko, mandudula, guro at mangingibig ng Wikang Filipino; dating undersecretary ng Departamento ng Edukasyon, kasalukuyang pangulo ng The Manila Times College at Governor ng National Book Development Board. Naging professor at visiting fellow siya sa iba't ibang unibersidad sa Pilipinas, Estados Unidos, Iran, Japan, Taiwan, at United Kingdom, kabilang ang University of Oxford. Kabilang si Dr. Cruz sa Hall of Fame ng Don Carlos Palanca Memorial Awards sa Panitikan at isa sa mga Outstanding na Filipino (TOFIL) ng taong 2010. Umani rin siya ng parangal mula sa Southeast Asian Writers (SEAWRITE). Curriculum Adviser din siya ng Steering Committee para sa K to 12 na programa ng pamahalaan at manunulat para sa Philippine Star. Nagtapos si Dr. Cruz ng kanyang Ph.D. sa Unibersidad ng Maryland sa larangan ng English.

Dr. Mary Grace Ampil-Tirona - Undersecretary at Executive Director ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), isang ahensya sa ilalim ng Pangulo ng Pilipinas na may

mandatong pangalagaan at paunlarin ang ang kapakanan ng mga migranteng Pilipino. Bago siya nalagay sa CFO, dati siyang Commissioner for Women ng National Commission on the Role of Filipino Women sa administrayon ng dating pangulong Fidel V. Ramos. Dati rin siyang Chief of Staff ng Asian Institute of Management at miyembro ng kaguruan ng History Department, Japanese Studies Program at Assistant to the President ng Ateneo de Manila University. Nagtapos si Dr. Ampil-Tirona ng Master of Arts in Asian Studies sa Unibersidad ng Hawai`i bilang iskolar ng East West Center. Pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas para kumuha ng Ph.D. sa Philippine History at Sociology. Awtor siya ng Empowering Woman - the Helena Benitez Story at The PCI Bank Story - Money in the Bank.

Pangalawang Sesyong Plenari

(Agosto 4, 2012 10:40 12:30) Paksa: Istatus at Hamon sa Wikang Filipino sa Labas ng Pilipinas Mga Ispiker

Dr. Robert Bley-Vroman - Dekano ng College of Languages, Linguistics, and Literature sa Unibersidad ng Hawai`i-Manoa. Nagtapos siya ng kanyang Ph.D. sa Unibersidad ng Washington sa larangan ng Linguistics. Sa Hawai`i, nanungkulan siya bilang Chair ng Department of Second Languages Studies at Director ng Second Language Teaching and Curriculum Center. Siya ang kauna-unahang Director ng National Foreign Language Resource Center. Nagturo din siya sa Romania at Universitatea din Cluj (English at applied linguistics), University of Texas sa Austin (linguistics), at sa University of Michigan kung saan naging Director siya ng Courses for the English Language Institute. Naging Project Manager din siya ng interstate consortium SEARCH Group (Sacramento) para sa national project on criminal justice terminology (Federal Law Enforcement Assistance Administration). Nalathala ang kanyang mga saliksik sa mga jornal ng Language Learning, TESOL Quarterly, Linguistic Analysis, Linguistic Inquiry, Second Language Research, at Studies in Second Language Acquisition. Nag-edit din siya ng mga koleksyon. Pinakaimpluwensyal na papel niya ang "The Logical Problem of Foreign Language Learning" at "The Comparative Fallacy in Interlanguage Studies" Dr. Vicente L. Rafael - Nagtapos ng kanyang Ph.D. sa Cornell University sa larangan ng Kasaysayan, kasalukuyang propesor siya ng Department of History sa University of Washington, Seattle. Nagturo rin siya sa iba't ibang unibersidad kabilang ang University of California-San Diego, University of Hawai`i-Manoa, Cornell University, at Ateneo de Manila University. Kabilang ang mga sumusunod sa kanyang maraming publikasyon: The Promise of the Foreign: Nationalism and the Technics of Translation in the Spanish Philippines, Firipin Rekishi-kenkyu to Shokuminchi Gensetsu (Philippine Historiography and Colonial Discourse); at White Love and Other Events in Filipino History. Naging editor siya ng Figures of Criminality in Indonesia, the Philippines and Colonial Vietnam; Discrepant Histories: Translocal Essays in Filipino Cultures. Naging kilala siya sa Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society Under Early Spanish Rule. Kabilang sa maraming parangal na tinanggap niya ang Distinguished Visiting Scholar, Haverford College, 2011; Nida Institute Professor (Misano Adriatico, Italy), 2008; Solomon Katz Distinguished Lecturer, University of Washington., 2007; Grant Goodman Prize, Philippine Studies Group, Association for Asian Studies (This is a lifetime achievement award in Philippine Studies), 2006. Naanyayahan siyang maging Resident Fellow sa Center for the Study of Advanced Behavioral Sciences, Stanford University.

Dr. Teresita V. Ramos - Professor Emeritus ng Programa ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Department of Indo-Pacific Language and Literature sa Unibersidad ng Hawai`i. Nagtapos siya ng kanyang Ph.D. sa Unibersidad ng Hawai`i sa larangan ng Linguistics. Sa Hawai'i, naging instrumento siya sa pagkakatatag ng Filipino at Ilocano Programs. Ang Filipino and Philippine Literature Program ang pinakamalaking program ng Filipino at panitikang ng Pilipinas sa Estados Unidos. Napagtagumpayan din niyang maitatag ang BA sa Filipino Language and Literature. Ito ang kaunaunahang institusyong nagkakaloob ng digri sa Filipino sa labas ng Pilipinas. Isa pang maipagmamalaki ng Programa ang pagkatatag niya ng Advanced Filipino Program (AFAP) na nagdadala ng mga estudyanteng Amerikano sa Pilipinas upang mag-aral ng pinaunlad na antas ng kasanayan sa Filipino. Pinopondohan ng Federal Department of Education ang Programang ito sa tulong ng Fulbright Hays at Title Six. Maraming prestihiyosong karangalang tinamo si Dr. Ramos. Kabilang na rito ang 2008 Presidential Awards for Filipino who have shown excellence and distinction in their profession, na gawad ng Pangulo ng Pilipinas; ang 2009 Outstanding Award in Academic Leadership ng University of the Philippines Centennial Award; ang 2005 Outstanding Tagalog Language Educator Award, at 2003 Lifetime Distinguished Achievement Award by the National Organization of the University of the Philippines in America.

10:15 12:15) Paksa: Ang Tungkulin ng Media sa Pagpapalaganap ng Wikang Filipino bilang Pambansa/Global na Wika Ispiker
Dr. Nicanor G. Tiongson - Iskolar, kritiko, at manunulat. Professor Emeritus si Dr. Tiongson ng University of the Philippines Film Institute of the College of Mass Communication. Nagtapos siya ng kanyang Ph.D. sa Unibersidad ng Pilipinas sa larangan ng Philippine Studies (Philippine Literature and Theatre). Nagturo siya sa iba't ibang unibersidad kabilang na ang Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Hawai`i at Manoa, Osaka University of Foreign Studies, at University of California-Berkeley. Naging research fellow siya sa Center for Southeast Asian studies sa Kyoto University, Japan Foundation. Dati siyang artistic director ng Cultural Center of the Philippines at chair ng Movie and Television Review and Classification Board. Siya ang editor-in-chief ng CCP Encyclopedia of Philippine Art. Awtor siya ng mga pinarangalang aklat na Sinakulo, Komedya at Sarsuwela. Awtor din siya ng Women of Malolos, Salvador F. Bernal: Designing the Stage at The Cinema of Manuel Conde. Editor siya ng Urian Anthology I, II, at III. Tumanggap siya ng mga parangal mula sa Manila Critics Circle Awards, National Book Development Board Awards, Gawad Chanselor of UP Diliman, UP Alumni Association Professional Achievement Award, Gawad CCP para sa Sining, CCP Centennial Honor for the Arts.

Pangatlong Sesyong Plenari (Agosto 5, 2012

Worksyap 1: Task-Based Language Teaching


Dr. Cynthia Ning - Kasalukuyang Kawaksing Direktor ng Center for Chinese Studies ng Unibersidad ng Hawai'i sa Manoa (UHM) si Dr. Cynthia Ning. US Director din siya ng

Confucius Institute Language Training Center sa UHM. Siya rin and direktor at tagapagtatag ng Sentro ng Pagsasanay nito na tinatawag na STARTALK. Multi-milyon ang pondo ng STARTALK para sa Summer Chinese Language Camp at Teacher Training Institute na nagmula sa Ministri ng Edukasyon sa People's Republic of China at National Resource Center for East Asian Studies. Si Dr. Ning ang principal investigator nito. Kabilang sa mga aklat na isinulat niya ang Encounters: Chinese Language and Culture, isang multimidya na koleksyon para sa beginning at intermediate Chinese, Say it in Mandarin, 24 na sampung minutong palabas pagtuturo ng elementary Chinese sa grade 3-5; Exploring in Chinese: A Second Year Curriculum (2 bolyum) at Communicating in Chinese: A First-year Curriculum; Chinese Language Video Lessons, at iba pa. Sertipikadong Tester ng Chinese Oral Proficiency (OPI) ng American Council for the Teaching of Foreign Languages (ACTFL) si Dr. Ning. Pinaglingkuran niya ang Chinese Language Education Association ng Hawaii bilang pangulo noong 1983-86 at ang Chinese Language Teachers Association bilang executive director, bilang pangulo at bilang tagapangulo ng isang komperensiya.

Worksyap 2: Pagsulat ng Tula


Dr. Michael M. Coroza - Kasalukuyang Associate Professor sa Kagawaran ng Filipino, Paaralan ng Humanidades ng Pamantasang Ateneo de Manila, nagtuturo siya ng mga kurso sa Panitikan, Malikhaing Pagsulat, at Pagsasaling Pampanitikan sa gradwado at digradwadong paaralan. Premyadong makata, mambabalagtas, at mananaysay, nakamit niya noong 2007 ang Southeast Asia Writers Award (SEAWRITE AWARD) mula sa maharlikang pamilya ng Thailand. Noong 2011, gumanap siya bilang in-country director ng Advanced Filipino Abroad Program (AFAP) na taunang itinataguyod ng Departamento ng Edukasyon ng Estados Unidos, Fulbright Foundation, at ng University of Hawaii at Manoa. Siya ang kasalukuyang Kalihim Pangkalahatan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) at may lingguhang kolum siya tungkol sa wika at panitikan sa magasing Liwayway. Phillip Y. Kimpo Jr. - Kasalukuyang pangulo ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), nagtapos siya ng kursong Computer Science sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2006. Naging fellow siya sa Silliman Writers Workshop (Dumaguete), UST National Writers Workshop (Maynila), UP National Writers Workshop (Baguio), at IYAS Writers Workshop (Bacolod). Naglilingkod siya ngayon bilang manunulat at mananaliksik sa Philippine Veterans Affairs Office ng Department of National Defense. Katuwang na awtor siya ng The Freedom Fighters of Northern Luzon: An Untold Story (2010). Siya ang tagapaglathala at katuwang na editor ng Madyaas: Journal of Aklanon Literature. Sa kaniyang mahusay na pamumuno, nakamit ng LIRA ang Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) Award noong 2011. Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) - Itinatag noong ika-15 ng Disyembre 1985, ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ang maituturing na pinakamatanda at pinakamatagumpay na pambansang samahan ng mga makata sa wikang Filipino sa kasalukuyan. Taunang nagdaraos ito ng palihan sa pagsulat ng tula nang may pagdiriin sa kasaysayan at tradisyon ng Panulaang Filipino para sa masusugid na matuto sa pamamatnubay ng tagapagtatag nito na si Dr. Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Kasapi ng LIRA ang ilan sa mga kinikilalang batikang makata sa kasalukuyan tulad nina Rebecca T. Aonuevo, Roberto T. Aonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Ariel Dim. Borlongan, Michael M. Coroza, Jerry A. Gracio, Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr., Nicolas B. Pichay, Edgar Calabia Samar, Louie Jon Sanchez, John Enrico C. Torralba, at Enrique S. Villasis. Sa suporta ng National Commission for Culture and the Arts, inililibot ng LIRA sa buong kapuluan ang proyektong Sining ng Tugma at Sukat, isang libreng panayam at

palihan sa pagsulat ng mga tradisyonal na anyo ng tula para sa mga guro sa sekundarya at kolehiyo. Noong 2011, tinanggap nito ang karangalang maging isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) Award mula sa pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Worksyap 3: Edukasyong Pang-utak at Wikang Filipino


Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo - Pasimuno ng Pandaigdigang Komperensiya ng Filipino Bilang Global at tagapagtatag ng Global Council for the Advancement of Filipino Language and Culture si Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo. Bago pumalaot sa usapin ng wika, kilala siya bilang makata, mandudula, mananaling-wika na nagwagi ng maraming premyo at pagkilala. Siya ang kauna-unahang babaing makata na nagwagi ng Hall of Fame sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Nagwagi na rin siya sa Cultural Center of the Philippines para sa pagsulat ng isang epiko noong 1998; at naging Makata ng Taon sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1994. Kinilala bilang isang feminista, itinuturing na ang panulaan niya ang tagapaghawan ng landas para magkaroon ng "kakanyahang sarili" ang tinig ng mga makatang babae sa Pilipinas. Siya ang unang tumula ng mga kalagayan ng babae sa diaspora kung kaya maraming pag-aaral sa Amerika tungkol sa tula niya ang ginawa ng ilang Pilipinong culture studies specialist sa Estados Unidos. Lumipat siya sa Hawaii noong 1990 hanggang magkaroon ng tenure at maitaas bilang full professor sa Unibersidad ng Hawai'i sa Manoa. Naging koordineytor siya ng Filipino and Philippine Literature Progran sa Departamento ng mga Wika at Literaturang Indo-Pacifico sa Unibersidad ng Hawaii mula noong 1999 hanggang katapusan ng 2011. Sa larangan ng wika, napatunayan ang liderato niya sa pagiging pangulo ng HALT (Hawaii Association of Language Teachers) at COTSEAL (Council of Teachers of Southeast Asian Languages). Sa larangan ng pagtuturo, tumanggap siya ng Excellence Award for Meritorious Teaching mula sa Pangulo ng Pamantasan noong 1996 at binigyan naman ng HALT Excellence in Teaching Award noong 2004. Sa Pilipinas, nabigyan na siya ng gawad-parangal ng Komisyon sa Wikang Filipino, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, Wika ng Kultura at Agham at ng Pamantasang De La Salle.

Iskedyul ng Programa
Unang Araw - Agosto 3, 2012

Kasalukuyang Kalagayan ng Filipino sa Pilipinas


Oras
7:30 - 9:00 9:00 - 10:00 10:00 12:00 Pagpapatala Pambukas na Palatuntunan : Pambungad na Pananalita; Oryentasyon Worksyap 1: Worksyap 2: Worksyap 3: Task-based Language Teaching Pagsulat ng Tula Edukasyon Pang-utak at Wikang Filipino (Dr. Cynthia Ning) (LIRA: Michael Coroza, Phillip Kimpo, Jr.) (Dr. Ruth Elynia Mabanglo) Tanghalian Unang Sesyong Plenari: Talakayang Panel Kasalukuyang Kalagayan ng Filipino sa Pilipinas Br. Armin Luistro; Dr. Catherine Castaeda; Dr. Isagani Cruz; Dr. Dr. Mary Grace Ampil-Tirona Mga Sesyong Paralel Silid Asia: Filipino Para sa mga Bata: Isang Pantag-araw ng Programang Nagpapayaman ng Wika at Kultura Tagapangulo ng Panel: Imelda Gasmen Tagapanayam: Lester John Hael at Radiant Cordero Filipino sa Amerika Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Atilio V. Alicio (Eksaminasyong C-Set ng California) 2.) Ivy Dulay (Ang Wikang Filipino sa US) Silid Europe: Bisa ng Filipino sa Pagtuturo/Pagpapalaganap ng Wika Indibidwal na Presentasyon: 1) Eros Atalia (Mentalese at Prominence...), 2) Bro. Jose Arnold Alferez (Bisa ng Filipino sa Pagtuturo ng Pilosopiya), 3) Dr. Emmanuel Gonzales (Assessment ng Programa sa Pagtuturo ng Filipino para sa mga Dayuhang Mag-aaral) Silid Australasia: Patakarang Pangwika Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Elizabeth Anacleto-Joson (Kalagayang Pangwika sa mga Institusyong Pang-edukasyon...), 2) Dr. Bonifacio T. Cunanan (Ekolohiya ng Wika...), 3) Crizel Pascual Sicat (Neoliberal na Patakarang Pangwika...), 4) Jayson Empaynado (Larawan ng Ugaling Pilipinong at Ang Bisa...) Silid Antarctica: Estratehiya sa Pagtuturo Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Rogelio Gawahan (Sampung Larong...Pangklasrum...), 2) Jayson Petras (Hamon at Estratehiya sa Pagtuturo...), 3) Ermilyn Perez Ramos (Tradisyunal na Pamamaraan at Instruksyong Modyular....) Silid Africa: Pagtataya at Pagtuturo Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Marilou Saong at Amelia Punzalan (Effects of Language in Learning College Organic Chemistry), 2) Dr. Norbert Calinggan Lartec (Pagtataya sa Antas ng Pagunawa...), 3) Dr. Godfrey Montera (Pagtataya sa Saloobin ng Guro...) 4.) Paolo Ven Paculan (Perspektibang Atenista sa Wikang Filipino) 5:15 - 6:15 Sesyong Poster

12:00 - 1:30 1:30 - 3:00 3:15 - 5:15

Pangalawang Araw - Agosto 4, 2012

Istatus at Hamon sa Wikang Filipino sa Labas ng Pilipinas


Oras
8:00 - 8:20 8:30 - 10:30

Kaganapan
Mga Patalastas Mga Sesyong Paralel Silid Asia: Samut saring Paksa Indibidwal na Presentasyon: 1) Ralph Vincent Regalado (Developing Supplementary Online Materials for an Advanced Level Textbook in Fillipino as a Second Language), 2) Honeylet Dumoran (The Case of Repackaging Information for Children) 3) Dr. Maria Ainyle Ephraimmee M. Orara (AWIT: Mabisang Gamit) Silid Africa: Filipino sa Japan Tagapangulo ng Panel: Dr. Galileo Zafra (Bisa ng Philippine Studies Program...), 1) Julian Santiago (Pagbuo ng Ideyal...), 2) Dr. Masanao Oue (Pagpapahusay ng Pagtuturo...) Silid Europe: Samut saring Paksa Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Fe Aldave-Yap (Bibliya at Panitikan ng Kabataan), 2) Dr. Nina Christina Lazaro-Zamora (Pagsusuri ng Implementasyon ng GEC...), 3) Ronald Verzo at Aidel Paul Belamide (Pwersang Umiiral sa Milyu at Ugnayang Pang-organisasyon...) Silid Australasia: Ideolohiya at Midyang Popular Tagapangulo ng Panel: Rachelle Joy Rodriguez (Imported Kilig...), 1) Wennielyn Fajilan (Pagwiwika Para sa Batang Pinoy...), 2) Rosemarie Roque Omnes (Pagsibol ng Sineng Bayan) Silid Antarctica: Filipino sa Malaysia Tagapangulo ng Panel: Dr. Maria Khristina Manueli (Filipino BilangWikang Dayuhan sa Malaysia), 1) Dr. Francisco Dumanig (Testing Language Proficiency and Retention), 2) Rodney Jubilado

10:40 - 12:30

Pangalawang Sesyong Plenari: Talakayang Panel Istatus at Hamon sa Wikang Filipino sa Labas ng Pilipinas Dr. Robert Bley-Vroman, Dr. Teresita Ramos, Dr. Vicente Rafael "Filipino at the University of Hawaii" "The Filipino Language Beyond Hawaii" "Tagalog and the Filipinization of Filipino-Americans" Tanghalian Mga Sesyong Paralel Silid Asia: Usaping Kasarian Indibidwal na Presentasyon: 1) Moreal Nagarit Camba (Babae, Pagkababae at ...), 2) Efren Domingo (Ang Paghahanap sa Huling Prinsesa...), 3) Joseph Gayares (Babae Ako!: Isang Pagtanaw....) 4) Dr. Imelda Pineda-De Castro (Konstruksyon ng Dyender sa Salin ng mga tula ni....) Silid Africa: Filipino at Globalisasyon Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Purificacion de Lima (Kaisipang Nasyon sa Global Filipino), 2) Dr. Ma. Crisanta Flores (Wikang Filipino sa Panahon ng Internalisasyon), 3) Dr. Christian George Francisco (Siyentipikong Pagbuo ng Disksyonaryong Bilinggwal...) Silid Europe: Samut saring Estilo Para sa Panitikan at Filipino Indibidwal na Presentasyon: 1) David Michael M. San Juan (Awitalakay: Estilong Kahulugan, Kasaysayan....), 2) Jonathan Vergara Geronimo (Panitikang Nagmamadali sa Siglong Robotiko....)

12:30 - 1:30 1:40 - 3:40

3) Noel Christian A. Moratilla (Discourse and Dissent: Testimonial Narratives...) Silid Australasia: Pahayagan at Iba Pang Midya Indibidwal na Presentasyon: 1) Niel R. Feliciano (Popular na Salitang Balbal sa Ulo ng mga Balita), 2) Dr. Marvin R. Reyes (Mula Sining ng Pakikipagtalastasan Tungong Sining ng PakikipagCHATan), 3) Vasil Agong Victoria (Filipino sa Pagsulat ng Iba't Ibang Anunsyo), 4) Leo L. Cantillang (Pagsusuri sa Pamamahayag Pampaaralan....) Silid Antarctica: Migrasyon, Wika at Kaakuhan Tagapangulo ng Panel: Dr. Michiyo Yoneno-Reyes, 1) Megumi Hara, 2) Nozomi Tanaka (JapaneseFilipino youths as an emerging category of language acquisition) 3:50 - 5:00 5:30 - 7:00 Global Council on Filipino as a Global Language: Round Table Discussion Programang Kultural (sa pangunguna ng LIRA; panauhing pandangal: Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario

Pangatlong Araw - Agosto 5, 2012

Ang Tungkulin ng Media sa Pagpapalaganap ng Wikang Filipino bilang Pambansa/Global na Wika


Oras
8:00 - 8:20 8:30 - 10:30 Ilang Patalastas Mga Sesyong Paralel Silid Asia: Linggwistika at Sosyo-Linggwistika Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Maria Fe Gannaban (Kaso ng Kunwari at Siya), 2) Frieda Marie Bonus Adeva (Aspek sa Sebwano...), 3) Voltaire M. Villanueva (Panimulang Pag-Aral sa Varayti ng Tagalog-Pateros sa Domeyn ng Balutan) Silid Africa: Dekada '70: Ilang Pagtanaw Tagapangulo ng Panel: Joyce Ramano (Fragmented Spirits....), 1) Karl Christian Alcover (Footprints of Subversion...), 2) Ian Joseph Lagua (Beyond Gender Boundaries...) Silid Europe: Filipino sa Antas Tersiyarya/Gradwado Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Pamela Constantino (Programa ng Panggradwadong Diploma ng NCCA...), 2) Dr. Amur M. Mayor (Pananaw ng Guro Hinggil sa Kanyang...) 3) Dr. Nenita Domingo (Kagamitang Pampagtuturo para sa Panimulang Filipino) Silid Australasia: Pagsasaling-Wika Indibidwal na Presentasyon: 1) Dr. Ester Rada (Pagtutumbas sa Filipino ng mga Termino...), 2) Leonora Yambao (Pagsasalin sa Filipino ng Nobelang...), 3) Honeylet Dumoran (Pinoy-Phrased: Shifts at Norms sa Pagsasalin...) Silid Antarctica: Eupemismo at Alusyong Sekswal sa Wika Tagapangulo ng Panel: Dr. Ruth Elynia S. Mabanglo, 1) Dr. Teresita Fortunato (Pag-uulat ng Katotohanan sa mga Balitang...), 2) Ruth Elynia Mabanglo (Alusyong Sekswal Gamit ang Pagkain...), 3) Mary Grace Gonzales (Sex Semantics sa Radyong Popular...) 10:45 - 12:45 12:45 - 1:45 1:45 - 3:45 3:45 - 4:00 4:00 - 5:30 Pangatlong Sesyong Plenari: Talakayang Panel Ang Tungkulin ng Media sa Pagpapalaganap ng Wikang Filipino bilang Pambansa/Global na Wika Dr. Nicanor Tiongson Tanghalian Diskusyon at Paghahanda ng mga Resolusyon Meryenda Pangwakas na Palatuntunan: Paghaharap/Pagpili ng mga resolusyon

Abstracts
1. Frieda Marie Bonus Adeva Filipino Language Lecturer, Language Centre, University of Brunei Darussalam, Tungku Link, Gadong, Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam frieda.adeva@ubd.edu.bn Aspek sa Sebwano, Filipino at Bahasa Melayu Marami nang naisagawang pag-aaral tungkol sa functional typology ng mga wikang kagaya sa Pilipinas at sa mga wikang Austronesian ngunit kaunti pa lang ang tungkol sa mga aspekto ng mga pandiwa. Kabilang sa mga pag-aaral na ito ang mga isinagawa nina Shibatani (1988) at Payne (1994) na masusi at ekstensibong pinagaralan ang mga gamit ng fokus o voice affix sa Tagalog ngunit kung paano ipinapahayag sa semantikong konsepto ng oras o panahon ay hindi pa masusing napag-aaralan. Layon ng papel na ito na magbigay ng malawakang paliwanag sa mga gamit ng mga aspectual affix sa Sebwano at Filipino at kung paano ito ipinapahayag sa Bahasa Melayu. Ang mga aspectual affix ng mga tipo ng wikang kagaya sa Pilipinas ay ipinapahayag sa pamamagitan ng paglalapi at/o reduplikasyon ng mga bahagi ng panlapi o ng salitang ugat samantalang sa Bahasa Melayu naman ay gumagamit ng mga ekspresyon ng panahon upang ipahayag ang aspekto. Ang datos na ginamit sa pag-aaral na ito ay mula sa mga kontekstong naratibo. Sa pagtuturo naman ng wika para sa mga banyaga, ang pagkokomparang ito ng Sebwano at Filipino sa Bahasa Melayu ay makakatulong sa mga guro ng Filipino na maintindihan kung paanong nakaaapekto ang L1 sa pagkatuto ng Filipino ng mga taal na Brunayan. Kalakip na rin sa pag-aaral na ito ang malawakan at malalimang pagpapaliwanag ng ibat ibang semantik at diskurso-pragmatikong gamit ng mga aspketo sa Sebwano, Filipino at Bahasa Melayu gayundin ang mga aplikasyon at implikasyon nito sa pagtuturo ng Filipino sa mga Brunayan. Aspect in Cebuano, Filipino and Bahasa Melayu There has been a lot of studies done in functional typological research for Philippine-type languages and Austronesian languages as a whole but not much has been said about Verbal Aspect. The works of Shibatani (1988) and Payne (1994) explored and analyzed extensively the functions of focus/voice affixes in Tagalog but how these focus affixes are expressed in the semantic concept of time reference has not yet been fully analyzed and explained. This paper aims to describe and analyze the aspectual functions of the aspectual affixes in Cebuano and Filipino and how it is expressed in Bahasa Melayu. The Philippine-type aspect is indicated by means of affixation and/reduplication of some parts of the affix or of the root while Bahasa Melayu use time expressions to indicate aspect. The data used in this study were taken from contexts in narratives. In foreign language teaching, this comparison with Bahasa Melayu would help teachers of Filipino language understand how the Bruneians native language (L1) affects their acquisition of Filipino and its influence to their learning. In line with this, the different semantic and discourse-pragmatic functions of Cebuano, Filipino and Bahasa Melayu verbal aspects will be thoroughly discussed and its applications and implications to teaching Filipino to Bruneians.

2. Br. Jose Arnold L. Alferez, OCDS

Faculty member / Graduate Student Notre Dame University 9600 Cotabato City arnold_ndu@yahoo.com Bisa ng Filipino bilang Wikang Panturo sa Pilosopiya Malaki ang naitutulong ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa akademikong gawain ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang bisa ng Filipino bilang wikang panturo sa Pilosopiya. Ang quasi-experimental na pamamaraan ang ginagamit sa pag-aaral na ito. Ipinamudmod sa dalawang pangkat ang talatanungan sa pre-test bago sinimulan ang pagtuturo sa dalawang yunit na aralin sa asignaturang Pilosopiya ng Tao. Pagkatapos na ituro ang dalawang yunit na aralin ay agad ipinamudmod ang talatanungan na post-test sa dalawang pangkat. Ang pangunahing natuklasan sa pananaliksik ay ang mga sumusunod: (a) ang pangkat ng Filipino ay nakakuha ng mas mataas na marka kaysa pangkat ng Ingles; (b) maraming mag-aaral ang nakikilahok sa talakayan kung Filipino ang wikang panturo; (c) nahihirapan ang mga mag-aaral na sumagot sa mga tanong kapag Ingles ang gamit sa klasrum, mas madali para sa kanila na sumagot sa Filipino. Lumitaw sa pag-aaral na ang Filipino at Ingles ay kapwa maaaring gamiting panturo sa Pilosopiya subalit higit na mabisang wikang panturo ang Filipino; may kaugnayan ang wikang panturo sa pagkatuto, pag-unawa at sa markang natamo ng mga mag-aaral. Filipino sa Medium of Instruction in Philosophy The use of the Filipino language as medium of instruction affects the leaning process in any academic endeavor. This study aims to find out the effect of the use of Filipino as medium of instruction in Philosophy. The quasi-experimental method was used as design of the study. A pre-test was administered to the experimental and to the control group before teaching the subject using Filipino in the control group and English in the experimental group. The following were the major findings of the study: (a) The group taught using Filipino got higher grades than those taught in English; (b) More students participated in class discussions when Filipino was used as medium of instruction; (c) It was difficult for students to answer questions in English. It was easier for them to understand when asked in Filipino. The results show that both English and Filipino may be used as medium of instruction but Filipino is more effective in the teaching of Philosoph and there is significant relationship between the use of Filipino as medium of instruction and the teaching of Philosophy, understanding of the lessons and the academic performance of the students as measured by their grades in the Philosophy subject.

3. Dr. Atilio V. Alicio Lecturer in Filipino, University of California San Diego (UCSD) and San Diego State University (SDSU)

alicio@ling.ucsd.edu aalicio@mail.sdsu.edu California Subject Examinations for Teachers (CSET): Filipino Alinsunod sa No Child Left Behind (NCBL) Federal Act, ang mga guro sa California ay dapat may kredensiyal para silay maituring na `lubos na kuwalipikado at nang makatanggap ng pondo mula sa pamahalaan. Sa kasamaang-palad, walang eksamen sa California para magkaroon ng kredensiyal sa pagtuturo ng Filipino. Bunga ng matagumpay na paglo-lobby, ang California Commission on Teacher Credentialing (CCTC) ay bumuo ng California Examinations for Teachers (CSET): Filipino. Noong 2005, sa suporta ng mga tagapagtaguyod ng wika, mga lider ng samahan at institusyong propesyonal at ng komunidad ng mga Pilipino, naaprubahan at pinagtibay ang Assembly Bill 420 (CSET:Filipino). Tatalakayin sa presentasyong ito ang domains ng CSET:Filipino para magkaroon ng kredensiyal ang mga magiging guro sa pamamagitan ng pagpasa nila nitong eksamen. Ipapahayag din ang lahat ng paghahandang ginawa para sa unang CSET:Filipino na ibinigay noong Nobyembre 2006, pati na rin ang mga sumunod pang pagrerebyung isinagawa ng Council for Teaching Filipino Language and Culture (CTFLC) sa pakikipag-ugnayan sa Language Acquisition Research Center, San Diego State University (LARC-SDSU). Ibabahagi rin ang online review materials na matatagpuan sa CTFLC Website: http://www.ctflc.org.

California Subject Examinations for Teachers (CSET): Filipino Under the No Child Left Behind (NCBL) Federal Act, California teachers must be credentialed to be considered highly qualified in order to receive certain federal funds. Unfortunately, California did not have an examination for teachers to earn this credential for Filipino instruction. After a successful lobby, the California Commission on Teacher Credentialing (CCTC) developed a California Subject Examinations for Teachers (CSET): Filipino. In 2005, with the support of language advocates, political leaders, professional organizations and institutions, and the Filipino community, Assembly Bill 420 (CSET:Filipino) was enacted.
This paper will present the domains of CSET:Filipino for prospective teachers who are required to meet qualifications for credentialing by taking the examination. It will also report on the preparations for the first CSET:Filipino administered in November 2006 and the succeeding review sessions organized by the Council for Teaching Filipino Language and Culture (CTFLC), in collaboration with the Language Acquisition Resource Center of San Diego State University (LARC-SDSU). The developed online review materials found in the CTFLC Website: http://www.ctflc.org, will likewise be shared.

4. Dr. Elizabeth Anacleto-Joson Director, Extension Services, Bataan Peninsula State University, Capitol Drive, City of Balanga, Bataan 2100, Philippines

eajoson1105@gmail.com Kalagayang Pangwika sa mga Institusyong Pang-Edukasyon sa mga Piling Kolehiyo at Unibersidad ng Estado sa Gitnang Luzon Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng mga salik na may tuwirang kaugnayan sa antas ng paggamit ng wikang Filipino sa sampung (10) Kolehiyo at Unibersidad ng Estado sa Gitnang Luzon, taong panuruan 20052006. Ang mga respondent ng pag-aaral ay mga administrador at guro.

Natuklasan sa pag-aaral na may kaugnayan sa antas ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at bilang midyum ng pakikipagtalastasan ng mga administrador at guro ang tagal sa serbisyo at antas ng kamalayan ng mga administrador sa mga patakarang ipinatutupad ng CHED. Iminumungkahi ang mga sumusunod: patuloy na pag-aaral ng mga guro upang makaangkop ang kanilang kaalaman sa mga kalakaran; maglunsad ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at CHED ng kampanya tulad ng mga seminar at symposium sa mga patakarang ipinapatupad; suriing muli ang Patakaran sa Edukasyong Bilingwal ng 1987 at CHED Memo No.4 s. 1997 na nagtatakda ng mga kursong maaaring ituro sa Filipino at Ingles; patuloy na mag-aral ang mga administrador upang magkaroon ng kaalaman sa mga pagbabago sa mga patakarang ipatutupad; pagkakaroon ng monitoring sa mga SUCs hinggil sa lawak at antas ng implementasyon mga Patakaran ng CHEd; magtatag ng isang sentro ng linangan ng wika sa Gitnang Luzon upang patuloy na malinang ang Filipino; at bumuo mga katulad na pag-aaral sa ibat bang rehiyon at iba pang mga institusyon.

Status of Implementation of Filipino Language Policies Among Selected State Universities and Colleges (SUCs) in Central Luzon This research presents the various factors that affect the level of implementation of Filipino Language policies in ten (10) State Universities and Colleges (SUCs) in Central Luzon, during AY 2005-2006. The respondents of the study include administrators and teachers.

The study revealed that the length in service of administrators and their level of knowledge of language policies of the Commission on Higher Education shows significant relationship with level of implementation of policies. It is recommended that the following be implemented: teachers should pursue professional studies to adapt to the ever-changing language policies and to get them up-to-date in teaching Filipino; the Commission on Higher Education (CHED) and the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) should conduct seminars and symposia on its policies; review the 1987 Philippine Bilingual Education Policy (BEP) and the CHED Memo No. 4 s. 1997 that set college courses that can be taught in both Filipino and English;school administrators should pursue professional studies to expand knowledge on changes and trends in language policies; implement monitoring measures on the level of implementation of policies,establish a regional Filipino language center to serve as a partner of CHEd in the advancement of Filipino. Similar research should also be conducted to identify similarities and differences in the implementation of Filipino Language policies in various regions and HEIs in the country.

5. Eros S. Atalia Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas proletaburgesya@yahoo.com Ang Mentalese at Prominence ng Wikang Filipino Para sa Higit na Pag-unawa sa Pangmalas sa Daigdig ng mga Filipino Sa panahong dumaraan ang tao sa daigdig, dahil sa mga puwersang pangkalikasan, natututuhan niyang gamitin ang kanyang utak at sa kalaunan ay ang ibat ibang sangkap at bahagi ng katawan upang makapagsalita (Martinich, A.P. 2008.) Dahil makikita nga sa wika ang gawi at pag-uugali ng mga mamamayan (Fairclough 2001), maiuugnay ang wika sa paraan ng pag-iisip at pagbubuo ng konsepto ng mga grupo ng tao tungo sa kanilang pangmalas sa daigdig (Anderson, 1990). Sinasabi ni Greenberg(1968) na sa tindi ng pangangailangan ng tao na mabuhay at makiayon sa kanyang kapaligiran, napipilitan siyang makisalamuha sa kanyang kapwa. Resulta nito, kinakailangan ng wika upang magkaroon ng komon na katawagan sa komon na mga bagay. Ang pagtingin ng tao sa sarili at sa kinabibilangan niyang mundo ay katumbas ng kanyang pangmalas sa daigdig o (worldview). Ito ang ubod ng kalinangan ng bawat pamayanan. Wika ang pinakamalapit na hanguan ng mga patunay na kumakatawan sa paraan ng pangmalas ng mga tao sa daigdig. Nananahan kasi sa wika ang kabuuang karanasan, kahulugan at identidad ng mga nagsasalita nito. Kaya naman, ang Wikang Filipino, sa pamamagitan ng mentalese at prominence ay kakikitaan ng bukal ng kaalaman upang mahibo ang pangmalas sa daigdig ng mga mamayang pinagtitiyap at pinagbubuklod ng mga komon na kahulugan (common sense), komon na identidad at komon na karanasan. Mentalese and Prominence of the Filipino Language for Better Understanding of the Filipino World-View Man, throughout the course of history, has learned to adapt in order to survive in an environment that basically eliminates the unfit; and with the use of intelligence and of his natural facilities, he managed to utilize the benefits of speech capacity (Martinich, A.P. 2008). Since it has been scientifically observed that language has played a role in the expression of societal norms (Fairclough 2001), it can be academically established that a conceptual inter-relation exists between languages and the world-views (weltanschauungen) of cultural groups (Anderson, 1990). As explained by Greenberg (1968), the need for communal defense against the natural enemies of man has spurred the necessity for the use of common names for things and concepts giving way for the multifarious development of languages. When language is thus interspersed with ones worldview constituting his framework by which his perceptions are organized a linguistic paradigm is produced which serves as the expression of his and his groups reality. Based on this, it can be averred that language functions as the source of this cultural world-view, wherein experience, meaning and identity can be understood and interpreted.

This paper would then critically review the implications of the Filipino mentalese and prominence to his cultural world-view in order to establish a pro-active understanding of his unique sensitivities, common identity and lived-experience.

6. Moreal Nagarit Camba Tagapangulo, Departamento ng Filipino, University of Asia and the Pacific moreal.camba@uap.asia/micmic_ph@yahoo.com Babae, Pagkababae, at Kababaihan: Ang Pagtanggal ng Sapi (Usaping Kasarian-Kayarian ng Wika at Panitikang Tagalog) Binibigyang-diin ng papel na ito ang sinaunang paraan ng panggagamot ng mga Katalonan, ang pagtawas, sa kasalukuyang pagpapakahulugan sa salitang Babae at ng dalawa pang anyo nito: Pagkababae at Kababaihan, sa wika at panitikang Tagalog na matagal nang sinapian ng Espiritu ng Ama (Bana, Kuya, Tiyo, Lolo, atbp). Gamit ang Maly na Mata ng isang Pilipinang Feminista, muling babalikan ang mga kahulugan na ibinibigay ng ilang diksyonaryo sa bansa, ang Diksyonaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, ang Diksyonaryo ng Wikang Filipino Sentinyal Edisyon (1998) ng Komisyon ng Wikang Filipino, at ang UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ni Virgilio Almario, ng tatlong salitang nabanggit. Dagdag pa rito ang pagbabalik-aral sa mga naunang pag-aaral / listahan / antolohiya / timpalak pampanitikan --- ang mundo ng wika na mundo rin dati ng mga Katalunan. Bahagi ng papel na ito ang mismong panggagamot, ang pagtanggal ng sapi, upang mabalik sa kamay ng mga Katalonan, ng Kababaihan, ang sariling ka-AKO-han, sa mundo ng wika at panitikan. Woman, Womanhood and Women: Wiping Out the Colonized Soul: (An Issue of Gender-Structure of Language and Tagalog Literature) This papel utilizes pagtawas, the pre-colonial way of curing, employed by the Katalonan, in knowing the current definition of Babae, and its two other forms: Pagkababae and Kababaihan, in the Tagalog language and literature which has long been possessed by the Fathers (Husband, Uncle, Grandfather and others) Spirit. Using the Conscious Lens of a Feminist Filipina, the writer will revisit the definition of the mentioned three words in Jose Villa Panganibans Diksyonaryong Pilipino (1973), Diksyonaryo ng Wikang Filipino Sentinyal Edisyon (1998) of the Komisyon ng Wikang Filipino, and UP Diksiyonaryong Filipino (2001) by Virgilio Almario. Moreover, the researcher will also revisit early studies / lists / anthologies / contests related to the world of literature --- also the Katalonans realm. Part of this study is the process of exorcism to allow the Katalonans, the Kababaihan, to redeem their (own) identity (ka-AKO-han), in the sphere of language and literature

7. Leo L. Cantillang Language Researcher II, Komisyon sa Wikang Filipino Sangay ng Impormasyon at Publikasyon leo_cantillang@yahoo.com Pagsusuri sa Pamamahayag Pampaaralan: Batayan sa Pagbuo ng Pamantayan sa Pagpapaunlad ng mga Pahayagan Ang gawain sa pahayagan ay isang gawaing mahirap upang maging mahusay. Kayat mahalagangmahalaga na matapos maisaayos ang lahat ng pahina, matirada ito at bago makarating ang pahayagan sa mambabasa ay dapat suriin ito upang lalong mapagbuti ang mga susunod pang isyu at madulutan ang mga mambabasa ng kasiyahan at kapakinabangan. Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na masusing suriin ang mga nagwaging pahayagang pampaaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Maynila sa antas sekondarya batay sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na pahayagan. Naging batayan ng mananaliksik sa pagpili ng mga naturang paaralan sa antas sekondarya ay ang kanilang mga lathala sa taong 2008-2010 na nagwagi sa Secondary Press Conference. Gumamit ang mananaliksik ng mga pamantayan sa pagsusuri mula sa teoryang scholastic journalism nina Inglis at Hack. Ang pamantayan sa pagsusuri na inihanda ng mananaliksik ang ginamit na panukat sa nilalaman ng pahayagang pampaaralan kaugnay sa mga prinsipal at guro ng paaralan, mga miyembro ng patnugutan, mga mag-aaral at komunidad. Nakakuha rin ang mananaliksik ng mga mahahalagang impormasyon mula sa pakikipanayam sa mga gurong nakapagturo ng pamamahayag pampaaralan at sa mga tagapayo nito. Gayundin sa mga nakalimbag at di nakalimbag na manuskrito tulad ng aklat, magasin, pamplet at iba pang babasahing matatagpuan sa ibat ibang aklatan sa Lungsod ng Maynila. Ang mga pahayagang pampaaralan mula sa mga pampublikong pampaaralan sa antas sekondarya ng Dibisyon ng Lungsod ng Maynila sa loob ng tatlong taon ay tinipon ng mananaliksik. Pagkatapos likumin, basahin at suriin ay inalam ang mga mungkahing hakbang/ paraan sa pagpapaunlad pa ng mga pahayagang pampaaralan. Analysis on School Journalism: The Basic Standards for the Development of Campus Newspaper Newspaper work entails hard work to achieve perfection. Thus, it is of utmost importance that every page is carefully examined to ensure that the news brought to the readers is worth reading for. This study aims to set the basic guidelines in determining the proper evaluation of campus newspapers. Likewise, this study is intended to help the various schools, its editorial board and advisers to set the basic standards for further development of their newspaper. The scope of this analysis has been delimited to the winning school newspapers in the Division of Manila during the Secondary Press Conference from year 2008 to 2010. Published and unpublished manuscripts, books, pamphlets, magazines and other related information materials are taken into consideration in this study. Moreover, to ensure the precise evaluation of the aforementioned newspapers, the researcher used the theory of scholastic journalism of Inglis and Hack and obtained the necessary data for this study through interviews among teachers on campus journalism and advisers within the Division of the City of Manila.

8. Dr. Pamela C. Constantino Professor, Department of Filipino and Philippine Literature University of the Philippines, Diliman, Quezon City kerotjus@yahoo.com Wika at Kultura sa Silabus: Ang Gradwadong Programang Diploma sa Edukasyong Pangkultura ng NCCA at ilang HEI - Pagbawi sa Nabago/Nawalang Kultura ng mga Pilipino Matagal na panahon nang nalublob at nasabak sa banyagang kaalaman at karanasan ang mga Pilipino dala ng kolonyal na karanasan ng bansa, una sa kamay ng mga Kastila, at sumunod ng mga Amerikano. Ang pangyayaring ito ay lubos na nagpabago sa atityud, kilos, pagpapahalaga, at pag-iisip ng mga mamamayan. Sa kabila ng mga pagkilos, adbokasya, at pagtataguyod ng mga indibidwal, institusyon, at organisasyon upang mabago ang oryentasyon/pananaw/kalakarang ito sa pamamagitan ng edukasyon, nagpatuloy ang pag-iral ng makakanluraning kaisipan sa lipunan, na lalo pang pinalala ng mga pangyayari, bagay at kaisipang global na mabilis na nagpabago sa buhay at kultura ng mga Pilipino. Isang realidad ito na di maiiwasan ng sinumang tao o anumang bansa. Bilang isang humanistang lapit sa globalisasyon kung saan ang mga pinahihina nito (globalisasyon) ay pinalalakas at itinataguyod, itinatag ng NCCA at mga kaugnay na unibersidad ang Gradwadong Diploma sa Edukasyong Kultural sa mga guro sa elementarya at hayskul. Tinutungo ng Programa ang madebelop sa mga gurong kalahok ang sensibilidad, respeto, pag-unawa, at sapat na kaalaman, kakayahan, at kultural na oryentasyon upang maipasok at maiugnay nila ang mga ito sa mga asignaturang kanilang itinuturo, gaya ng math, siyensiya, musika, wika, araling panlipunan, atbp. Layunin ng papel na masuri ang kahalagahan ng Proyekto mula sa perspektibang kultural at edukasyonal. Language And Culture in the Syllabus: The Graduate Diploma Program in Cultural Education of the NCCA and some HEIs towards reclaiming the abated/lost/altered culture/s of the Filipinos The Filipinos have been immersed and enmeshed in western knowledge and experiences because of the countrys colonial past, first with the Spaniards and later with the Americans. This actuality has greatly affected their attitudes, values, behavior and thinking. Despite the individual, institutional, and organizational actions, advocacies and leaderships that were initiated in order to change or reverse this orientation/outlook/trend through education, western thinking continues to dominate Philippine society, especially now that global happenings, icons, even concepts, seem to penetrate swiftly into the lives and culture/s of the people. It is a reality that peoples and countries could not easily get away with. As a humanist approach to globalization, wherein elements mostly affected by this phenomenon are advanced, strengthened and promoted, the National Commission on Culture and the Arts (NCCA) and its conduit Higher Education Institutions initiated the Graduate Diploma in Cultural Education Program for elementary and High School teachers.

The Program seeks to develop in the participants the sensibilities, respect, understanding, and enough knowledge, skills and cultural orientation in order that they can incorporate and integrate these into the curriculum and the subjects they teach, like math, science, music, languages, the social sciences, and others. The paper aims to analyze the importance of the Project from the cultural and educational perspectives. 9. Dr. Bonifacio T. Cunanan College of Arts and Letters, Bulacan State University btc.947@gmail.com Ang Ekolohiya ng Wika at Ang Pagbalangkas ng Patakarang Pangwika sa Institusyon ng Higit na Nakatataas na Edukasyong nasa Kalagayang Multilinggwal Sa panahong postkolonyal at ng globalisasyon, ang pagpaplanong pangwika sa Pilipinaskaakibat ng pagtuklas at paggiit ng pambansang pagkakakilanlan, (muling) pagbalangkas ng kinagisnang kalinangan, at modernisasyon ng wikaay napapanahon at makabuluhan. Magkagayon man, mula sa pagkakatatag nito noong 1904, bilang paaralang primarya at ngayon bilang isang institusyon ng higit na nakakataas na edukasyon, ang Bulacan State University (BulSU) ay nananatiling walang malinaw at opisyal na dokumento hinggil sa determinasyon at implimentasyon ng isang patakarang pangwika para sa buong unibersidad. May 30,873 estudyante at 565 fakulti (noong taong akademiko 2011) na nasa limang kampus nito, na ang sangay sa Malolos ang pangunahin, ang BulSU ay sentro sa paggamit ng English (pangalawang wika), Filipino (pambansang wika), Tagalog (wikang panrehiyon), at Kapampangan (wikang gamit ng kakaunti ngunit patuloy na dumaraming estudyanteng galing ng Pampanga). Sa ganitong pananaw, nais ilahad sa papel na ito sa pamamagitan ng mga makatotohanang datos at mga bagong pagkaunawa kung paanong ang nasabing apat na wika ay umiiral nang sabay-sabay sa isang kalagayang multilinggwal. Tatalakayin din sa papel na ito ang mga saklaw, estado, lawak ng gamit, pagkagamitin, at pananaw sa apat na wika bilang batayan sa pagbalangkas ng isang patakarang pangwika para sa nabanggit na unibersidad. Ang nasabing patakaran ang magmumungkahi ng paggamit ng Filipino hindi lang sa pagtuturo ng literatura kundi bilang wikang gagamitin para sa disiplinang nauukol sa teknolohiya at pangkaalaman. Language Ecology and Language Policy Formulation in an Institution of Higher Learning in a Multilingual Setting In a postcolonial era and age of globalization, language planning in the Philippinesas an inevitable corollary of search and assertion for national identity, cultural (re)construction, and language modernization continues to be very timely and relevant. Yet, having been in existence since 1904, from a primary school to an institution of higher learning, Bulacan State University (BulSU) remains wanting to have a definitive and official document on the determination and implementation of a university-wide language policy. As a point of convergence to its 30,873 students and 565 faculty members (during the academic year 2011) spread over its five campuses, with the main in the City of Malolos, BulSU serves as the hub to the co-existence of English (the second language), Filipino (the National Language), Tagalog (the regional language), and Kapampangan (the language of a relatively smaller but steadily increasing number of students from Pampanga). In this perspective, this paper aims to draw some empirical data and offer fresh insights how the four languages co-exist, simultaneously operate, and compete in a multilingual setting. Also, it intends to document the domains, status, extent of use, functionality, and attitude to the four languages to provide database in drafting a university-wide language policy. The proposed policy will initiate the use of Filipino not only as a tool for teaching literature but as a medium of instruction across the curriculum especially in technology- and knowledge-based disciplines. The

initiative aims to contribute to the national effort on the intellectualization, modernization, and globalization of Filipino.

10. Dr. Purificacion G. De Lima Dean/Professor, University of the Philippines - Baguio pgdelima@yahoo.com Kaisipang Nasyon sa Global Filipino Sa kanyang akdang Imagined Communities (2003), inihalintulad ni Benedict Anderson ang nasyonalismo ng mga Filipino sa tugaygay ng paghahanap sa aboriginal Eden (166) makalipas ang isang siglo na ngayon. Ang tanong niya sa dating Filipinong mag-aaral niya na si Patricio N. Abinales: How could a country with so many gifted, so many nice people, end up in such a mess (xxvi). Walang duda, ito ang kaparehong katanungan ng maraming Pilipino ngayon. Para sa mga masidhing nasyonalista na katulad ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario, ang nasyonalismo, o nation-ness (termino ni Anderson), ay maliwanag na nakapaloob sa wikang pambansa. Sinasabi ni Almario (2009,174) na hindi maihihiwalay halimbawa ang ating kawalan ng pagkakaisa sa kawalan din natin ng malaganap at kinikilalang wikang pambansa. Pagkakaisa at isang matibay na pambansang wikang aydentidadPaano nga ba ito makakamit sa ating lipunan ngayon? Gamit ang dalawang pamamaraan ng interbensyon ni Widdowson (2000, sa Davies at Alder 2004)ang linguistics applied (L-A) at applied linguistics (A-L)ang papel na ito ay magpapakita ng isang siyentipiko at sistematikong deskripsyon ng kung paano makakamit ang kaisipang Global Filipino (L-A), at kung paanong ang kaisipang ito ay itinuturing na pangunahing core value tungo sa inaasam na Filipino nation-ness (A-L), habang minumuni-muni ang mga suliraning sosyal ng bansang Filipinas, lalong-lalo na yaong ang wika ang siyang pangunahing sanhi. Imagining Nation-ness in Global Filipino In his most cited work, Imagined Communities (2003), Benedict Anderson assesses Filipino nationalism as for a century now, on the trail of an aboriginal Eden (166). So he asks, in an email response to a former student, Patricio N. Abinales: How could a country with so many gifted, so many nice people, end up in such a mess? (xxxvi). Without any doubt, the same question hangs over the heads of many Filipinos. Among staunch nationalists, the likes of National Artist for Literature Virgilio Almario, for example, nationalism, or nation-ness (Andersons terminology), conspicuously manifests in a national language. Almario (2009, 174) claims, We cannot separate, for example, our lack of unity from our lack also of a widespread and fully recognized national language.. Unity and a well-entrenched national language identityhow may these be realized in Philippine society today? Using Widdowsons (2000, in Davies and Alder 2004) two modes of interventionlinguistics applied (L-A) and applied linguistics (A-L) this paper will attempt at a scientific and systematic description of what is imagined as Global Filipino (L-A), and how this Global Filipino entity is perceived as a prime core value to Filipino nation-ness (A-L), in contemplation of Philippine social problems, specifically those in which language is the primordial determiner.

11. Nenita Pambid Domingo Academic Year Lecturer, Asian Languages and Cultures Department, University of California, Los Angeles 290 Royce Hall Los Angeles, California 90095-1540 bundokbanahaw@gmail.com Teaching Materials for Introductory Filipino Ang libro at workbuk na Elementary Tagalog ay magagamit kapwa ng mga mag-aaral ng banyagang wika at ng mga Pilipinong isinilang sa ibang kultura. Ang sakop at pagkakasunod-sunod ng mga leksiyon ayon sa tema at balarila ay sistematikong isinaayos upang matulungan ang kapwa mag-aaral na matuto ng wika at kalinangan sa pinakamasinop at mabilis na paraan. Ang mga tema ay di naiiba sa ibang mga aklat ukol sa pag-aaral ng wika sapagkat ang karanasan ng sangkatauhan ay unibersal: Sarili, Pamilya, Mga Gawain, Tahanan, Kalusugan, Pagkain, Paglalakbay, at Kulturang Pilipino. Kada yunit ay may tatlong leksiyon, na may kabuuang bilang na 24: Unang Araw ng Klase, Pagpapakilala, Mga Gusto at Ayaw, Ang Pamilya Ko, Paglalarawan ng mga Miyembro ng Pamilya, Pag-uusap tungkol sa Pamilya, Mga Gawain sa Araw-araw, Mga Libangan, Pamimili, Ang Aking Bahay, Ang Paborito Kong Lugar, Ang Bayan Ko, Ibat ibang Sakit, Pagpunta sa Doktor, Ibat ibang Lunas, Sa Palengke, Pagkain sa Labas, Pagluluto, Bakasyon, Mga Pista, Ibat ibang Lugar sa Pilipinas, Mga Alamat, Sine at Telebisyon, at Musia at Sayaw. Bawat yunit ay pinangungunahan ng isang maikling sanaysay at bawat leksiyon ay may sumusunod na mga bahagi: Overview, Objectives, Vocabulary, Dialogue, tatlong Dialogue Comprehension Activities, Grammar, Examining Form, at Practice sa Speaking, Reading, Writing, at Listening. Maingat at masusi ang pagsusuri ng estruktura ng wikang Tagalog/Filipino na may maraming tsart at hanayan na naghihimay ng ibat ibang hugis ng pangungusap na Tagalog/Filipino at ayos ng salita. May workbuk na kaagapay ang libro na nagbibigay ng mas maraming pagsasanay upang mapatatag at magamit ng mag-aaral ang mga bokabularyo at tuntuning pambalarila na natutuhan sa teksbuk. Bawat leksiyon ay may 10 aktibidad upang mahasa ang mag-aaral sa batayang kaalaman sa wikang Filipino/Tagalog. Ang teksbuk at workbuk ay kapwa may CD para sa pagsasanay sa pakikinig ng mga mag-aaral. The book and workbook Elementary Tagalog can be used for both foreign language learners and heritage learners. The scope and sequence of the lessons-- both thematically and grammatically-- are carefully designed to enable both types of learners to learn and apprehend the language and culture in the most efficient and fastest way based on the authors experience in teaching Introductory Filipino. The themes are the same as with all language books covering the following topics as human experience and concerns are the same across cultures: Self, Family, Activities, Home, Health, Food, Travel, and Filipino Culture. Each unit has three lessons each, totalling 24 lessons in all: First Day of Class, Introductions, Likes and Dislikes, My Family, Describing Members of the Family, Talking About Family, Daily Activities, Hobbies, Shopping, My House, My Favorite Place, My Town, Various Diseases, Going to the Doctor, Various Remedies, At the Market, Eating Out, Cooking, Vacation, Fiestas, Different Places in the Philippines, Legends, Movies and Television, and Music and Dance. A short essay in English introduces each Unit and each lesson in the unit has the following sections: Overview of the Lesson, Objectives, Vocabulary, Dialogue, three Dialogue Comprehension Activities, Grammar, Examining Form, and Practice in Speaking, Reading, Writing, and Listening. The novelty of the book is in the careful and thoughtful analysis of Tagalog/Filipino language structure with numerous charts and tables detailing the different shapes of Tagalog/Filipino sentences and word order. The

text has an accompanying workbook to give more practice to students and to enable them to apply and reinforce the grammar rules and vocabulary learned in the text book. Each lesson has ten activities to help the learner master the basics of the language. Both text and workbook have accompanying CDs for honing listening skills of the students. 12. Efren J. Domingo De La Salle-College of Saint Benilde, Assumption College-San Lorenzo and Global City Innovative College efj_domingo@yahoo.com Ang Paghahanap sa Huling Prinsesa: Ang Dahilan sa Pagkawala ng Pagbibinukot sa Bayan ng Tapaz, Capiz Itinuturing na huling prinsesa sa malalayo at mabubundok na lugar sa Tapaz, Capiz, ang pinakamaganda at pinakamaputi na inihahalintulad sa diwata o diyosa, sila ang mga Binukot. Ang babae ng kasaysayang bihirang napag-uukulang pansin, ang dalaga ngunit sa itinakdang panahon ay ipakakasal. Ang mga binukot ang nagdadala ng kasikatan at karangalan sa kanyang pamilya kaya minarapat na mamuhay nang malaprinsesa kabilang na ang pagkakaroon ng mga tagapagsilbi at hindi paggawa ng mabibigat na gawain. Sa sariling kuwarto, kanyang ginugugol ang bawat araw sa pananahi, pagbuburda at higit sa lahat ang pag-aaral, pagmememorya at pagbigkas ng kanilang makasaysayang epiko. Dahil sa mga gawaing ito, itinuturing na isa sa pinakamahusay na tagapagbigkas (chanter) ng kanilang epiko ang binukot. Sa kabuuan ang binukot ay nangangahulugang itago, hindi ipakita, nakakulong lamang sa isang silid at sa oras ng kanyang kasal lamang masisilayan kaalinsabay ng pagkaputol sa kanyang gawain at pananagutan bilang binukot. Sa kabila ng angking kariktan, kapangyarihan at kasikatan ng binukot, maraming pamilya at anak ang hindi na sumunod sa kultura ng pagbibinukot. Ibabahagi sa papel na ito ang naging paglalakbay, pakikipamuhay at pag-unawa ng mananaliksik upang matahak ang mga dahilan sa pagtanggi na maisalin sa batang babae ng Tapaz, Capiz ang isang mahabang tradisyon ng kanilang kultura at kasaysayan. Ipakikita rin ang karanasan at uri ng pamumuhay sa kabundukan ng Tapaz na nagbunsod sa desisyong hindi pagtanggap at pagpapatuloy sa tradisyon ng pagbibinukot. Ang pagbibinukot ay masasabing patay na sa lugar ng Tapaz, Capiz ngunit buhay pa ang mga huling prinsesa ng kani-kanilang lugar na inaawit na lamang ang kanilang mga epiko sa tahanan habang nag-iisa. In Search of the Last Princess: The Reason Behind the Loss of the Pagbibinukot Tradition in Tapaz, Capiz The Binukot, usually compared to fairies and nymphs because of their beauty and complexion, are considered the last princesses of the far, remote mountainous place of Tapaz, Capiz. These women of history, who don't usually spend time on the spotlight of historians and cultural scholars, are virgins but are betrothed at the right time. Since they are believed to bring fame and honor to their families, they are treated as princesses; hence they have their own servants and are exempted from doing difficult chores. In their own rooms, binukots spend every single day sewing, doing intricate stitching and most importantly studying, memorizing and reciting their historical epic. With these activities, the binukots are considered one of the best chanters in their communities. In general, binukots live in isolation and cannot be seen by anyone; they spend solitary confinement inside their room until the day of their wedding, which puts an end to all their duties and responsibilities as binukots. Despite the binukots' beauty, power, and fame, many families and their children choose not to follow the culture of becoming a binukot. This paper shares the researchers exploration, immersion and understanding to arrive at the reasons why the younger generation of women in Tapaz, Capiz are hesitant to follow this long and rich tradition of their cultural and historical ancestry. This study also shows the experiences and way of life in the

mountains of Tapaz that resulted in the decline and cessation ofthe binukot tradition. It can be said that the pagbibinukot tradition in Tapaz, Capiz is already dead. However, there are still a few living binukots in certain areas, who sing their epic in their homes when they are alone. 13. Ivy Dulay Graduate Student, M.A. in Education Dual Language Development, California State University Long Beach ivy.dulay@gmail.com Marunong Ka bang Mag-Filipino? The Filipino Language in the US Ang diaspora ng Filipino sa Amerika ay nagtataglay ng mayamang kasaysayan na kapwa maymasasaya at malulungkot na karanasan. Ang patuloy na dumaraming henerasyon ng mga Pilipino-Amerikano ay humaharap sa mga pagsubok at pagkakataon na mapanatili ang pagkilala sa pamanang kultura sa lipunang kinabibilangan. Isang halimbawa nito ay kung tinatanong ang isang Pilipino-Amerikano kung marunong siyang magsalita ng lenggwahe ng kanyang magulang. Ang tugon ay naipapakita sa mga isyu ng kahusayan sa pagsasalita ng lenggwahe at pagkilala sa kultura. Ang papel na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilang nakakaapekto sa kagustuhan at hadlang sa pagkatuto at pagdebelop sa paggamit ng wikang Filipino. Layunin din ng papel na ito na ipakita ang ibat ibang kalagayan at sitwasyon na nakakaapekto sa pangkalahatang pag-unlad ng wikang Filipino sa Amerika. Bilang pag unawa sa papel ng isang indibidwal na pangangalaga sa wika, layunin kong matugunan ang mga sumusunod na katanungan: Paano napapanatili ng isang Filipino ang paggamit ng pinagmulang wika sa Amerika? Ano-ano ang mga pagsubok sa isang pamilya na nagpapalaki ng isang batang gumagamit ng bilingwal o multilingwal na wika? Ano ang magagawa natin upang makatulong sa pagpapaunlad ng Filipino bilang global na wika? Can You Speak Filipino? The Filipino Language in the US The Filipino diaspora to the United States possesses a rich history of both celebratory and painful assimilation experiences. Ongoing generations of Filipino-Americans are faced with both challenges and opportunities in preserving their heritage culture within the mainstream society. A common example includes Filipino-Americans being asked if they know how to speak their parents heritage language(s). Their response to the anticipated question raises the issue of language fluency and cultural identity. This paper will explore the factors affecting an individuals desire or resistance to learn, maintain, or develop the Filipino language. This paper will address the various situational contexts affecting the overall development of Filipino in the United States. Looking beyond the individuals role in language maintenance, I will discuss the following questions: How can a Filipino maintain their heritage language in America? What challenges exist for a family raising a bilingual/biliterate or multilingual/multiliterate child? What can we do to help advance Filipino as a global language?

14. Honeylet E. Dumoran Assistant Professor, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology honeyletdumoran@yahoo.com Pinoy-Phrased: Ang mga Shift at Norm ng Pagsasalin ng mga Audiovisual Texts sa Pilipinas Ang pagkakaroon ng mga shift ay isang pangkaraniwang pangyayari sa pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga pagbabagong gramatikal at semantik na makikita sa isang salin. Ang mga isinaling audiovisual texts tulad ng pelikula, dokumentaryo o dulang pantelebisyon, ay di maiiwasang magkaroon ng mga shift bunsod ng mga pagkakaiba sa dalawang wika at kulturang kasangkot sa pagsasalin. Bukod dito, malaking impluwensiya din ang paraan o mode ng pagsasalin: dubbing, subtitling o voiced-over. Naihahayag ng mga shift ng isang salin ang mga kaugalian o norm ng isang kultura ukol sa pagsasalin, na nagsasalamin din ng mga kaugalian at katangian ng pinagsasalinang kultura mismo. Gamit ang isang orihinal na metodolohiya, sinusuri ng papel na ito ang mga shifts at norms ng pagsasalin ng mga audiovisual texts sa kontekstong Pilipino. Ipinapakilala rin ng pag-aaral na ito ang mga terminong maaaring gamiting pantawag sa mga shift at norm. Pinoy-Phrased: A Study on Philippine Audiovisual Translation Shifts and Norms Shifts are a common occurrence in translations. They are the linguistic changes in the translated text or the deviations from the original text that are treated as results of the constraints imposed or the allowances afforded by both the text and the recipient culture. The audiovisual text, particularly, hosts a set of these varied constraints and allowances (i.e. translation options), which are available during the translation process. The shifts reveal the regular choices made in the translation and in turn, reveal the norms which have been in operation during the translation process. Norms are translation trends which are reflective of the recipient cultures own norms and general values. This paper presents a roster of these shifts and norms. It sheds light on the treatment of audiovisual materials as voiced-over, subtitled and dubbed translations in the Philippine context. This paper also introduces the terms used to label these occurrences. For instance, the term Filtering is introduced to refer to the norm which necessitates the shift involved in the translation of the English expletive Son of a bitch! to the harmless and acceptable expression Naku naman!(trans. Oh, come on). The term Zero Transeme Shift is introduced to refer to a shift that occurs when a concept or idea, which has been left out or added, does not have a linguistic realization at the level of the transeme.

Pagsasalin Para sa Un-Equivalent Effect: Ang Kaso ng Pag-iiba ng Pagtanggap sa Saling Pambata Ayon kay Eugene Nida sa kanyang mga pag-aaral tungkol sa pagsasalin, ang isa sa mga katangian ng isang mahusay na salin ay ang tinatawag niyang Principle of Equivalent Effect. Binibigyang kahalagahan ng prinsipyong ito ang magkatulad na pagtanggap ng audience sa pinagmulang wika at sa pinagsasalinang wika. Ito ay dapat makamit, ayon kay Nida, habang matapat na inihahatid ang mensahe ng orihinal na teksto. Ipinapakita ng papel na ito na bagamat kinikilalang isa sa pinakamahahalagang bagay sa pagsasalin ng audiovisual text ang pagtamo ng Equivalent Effect, para sa pagsasaling pambata, mahalaga rin ang paglikha ng epektong hindi katumbas ng orihinal. Sinusuri ng papel na ito ang isang kaso ng pagsasalin ng isang dokumentaryong pantelebisyon, ang March of the Penguins, na isinalin sa Filipino na Penguin, Penguin, Paano ka Ginawa? Hindi tulad ng orihinal na dokumentaryong Ingles na ginawa para sa lahat ng manonood, ang salin sa Filipino ay sinadya para sa mga bata. Dahil dito, makikita ang mga pagkakaiba mula sa isang seryosong dokumentaryong Ingles tungo sa isang malakuwentong salin. Gamit ang isang orihinal na metodolohiya para sa pagsusuri ng mga translated films, tinatalakay ng papel na ito kung papaanong naiiba ng salin sa Filipino ang pagtanggap ng mga batang manonood, habang matapat pa ring inihahahatid nito ang diwa at layunin ng orihinal. Translating for Un-Equivalent Effect: The Case of Repackaging Information for Children Eugene Nida, in his work on Bible translation and in theorizing on the characteristics of a good translation, defined what he called the Principle of Equivalent Effect, which underscores the importance of eliciting from the target language audience a response which is similar to that of the source language audience. This must be achieved, according to Nida, while faithfully delivering the message of the source text (ST). This paper presents the idea that while the same regard to the importance of equivalent effect is assigned to the translation of audiovisual texts, in the case of translating for children, equal importance is also given, in certain situations, to the creation of a dissimilar effect. This paper examines such a case in the translation of an information-laden film, the documentary March of the Penguins, which was translated to Filipino with the title Penguin, Penguin, Paano ka Ginawa? (Penguin, Penguin, How were You Made?). Unlike the English ST which catered to a widely heterogeneous audience, the Filipino translation specifically targeted children, and was tailored for their reception. The film, therefore, lost some of the straightforwardness characteristic of documentary films and was reshaped into a tale told by a storyteller. Using an original methodology designed for the analysis of translated film, this study examines the changes made in the translated text to accommodate the shift in the target audience. This paper focuses on the repackaging of information to achieve, interestingly, un-equivalent effects in the target audience, while faithfully delivering the films message and purpose.

15. Jomar Empaynado Senior Language Researcher, Information and Publication Division, Komisyon sa Wikang Filipino jomarisipempaynado@yahoo.com Kagawiang Pangwika ng Mga Estudyanteng Pilipino: Muling Pagbisita sa Implementasyon ng Patakarang Pangwika Tugon sa kahingian ng modernisasyon sa ika-siglo at bilang batayan at sukatan ng katatagang political ng bansa, nakita ng mga bansang papaunlad na kailangang lutasin ang kanilang mga suliraning pangwika. Kailangang magpasiya kung aling [mga] wika ang marapat gamitin sa edukasyon, tunguhing pangkalakalan, at ugnayang pampamahalaan. Totoo ito sa Pilipinas dahil pinagtatalunan pa rin ang bias ng Filipino at English bilang wikang panturo. Ang mga debate sa kung anong wika ang pinakaangkop sa pagtuturo at pagkatuto sa ibat ibang lawak pangnilalaman, na kadalasang Filipino at English lamang, ang nagbigay-daan sa pagsusulong ng Patakarang Edukasyong Multilinggwal na batay sa Katutubong Wika (MTB-MLE). Dahil dito, kailangan ang ibayong pananaliksik hinggil sa language behavior ng mga Pilipinong mag-aaral na pangunahing clientele/stakeholder ng ganitong reporma, at hindi puro eksperimentasyon lamang, Tinatangka ng papel na ito na mailarawan ang kagawiang pangwika ng mga Pilipinong mag-aaral batay sa kanilang kaalaman, saloobin, at motibasyon hinggil sa implementasyon ng patakarang pangwika, lalo sa mga isyu sa midyum ng pagtuturo batay sa mga patakarang inilatag nina Sibayan at Segovia (1980), Pascasio (1980), Villacorte (1990), Ferma (1988), Casanova (1989), at Espiritu (2004). Language Behavior Sketch of Filipino Students: An Approach in Revisiting Language Policy Implementation in Education Fonacier-Bernabe (1978) posited that in order to meet the demands of modernization in the twentieth century, and to effect a measure of political stability within the country, developing nations found it necessary to solve their language problems. They had to make a decisive choice as to the language(s) to be used in schools, business, and government. This is true in the Philippines where there is still continuing debate on the effectiveness of English and Filipino as medium of instruction. Now that there is shift to Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), there is need to assess the language behavior sketch of Filipino students based on their knowledge, attitude, and motivation towards the implementation of the language policy, specifically on the issue of medium of instruction. This paper addresses the need for assessing students cognition on language use in benchmarking standards in crafting language policy laid down in the previous works of Sibayan at Segovia (1980), Pascasio (1980), Villacorte (1990), Ferma (1988), Casanova (1989), and Espiritu (2004).

16. Niel R. Feliciano Professor, De La Salle Health Sciences Institute niel_feliciano@yahoo.com/ niel.ruiz.feliciano@gmail.com Mga Popular na Salitang Balbal sa Headlines ng Balitang Tabloid Ang tabloid ay isa sa mabisang kasangkapan sa paghahatid ng balita at pagbubukas ng kamalayan o ideya sa mga napapanahong isyu para sa mga mambabasa. Animo isa itong magnet na patuloy na nang- aakit at nanghihikayat na gamitin ang salitang balbal sa headlines ng balita. Nilayon ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod: 1) nakilala ang popular, mas popular, at pinakapopular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid; 2) natukoy ang mga katangian at anyo ng mga salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid. Ang unang ambag ng risertser sa isinagawang pananaliksik ay ang kamalayan ng mga guro at estudyante sa wastong paggamit ng salitang balbal. Ikalawa, maging wasto sa pagpili at maging angkop sa paggamit ng salitang balbal sa pamamahayag at pagsusulat ng balita na gagampanan ng mga kolumnista, mamamahayag, at brodkaster. Ikatlo, ang pagsusuri at pagpapaliwanag sa mga pagbabago o pagkakamali sa paggamit ng salitang balbal sa print media at broadcast media ng mga eksperto sa wika kagaya ng mga lingwistiko, sosyolingwistiko, at manunulat. Isang deskriptibong pananaliksik ang pamaraan na ginamit ng risertser. Nagtipon ng labingwalong (18) arawang tabloid na Tagalog na matatagpuan sa sirkulasyon ng Metro Manila at sa bansang Pilipinas sa loob ng dalawang buwan mula Hulyo 1 hanggang Agosto 31, 2009. The Popular Slang Words in the News Headlines Tabloid is one of the effective tools in delivering news and transmitting consciousness or ideas of latest issues for the readers. It is just like a magnet that attract or persuade people to use the slang words in news headline. The aims of the study were the following: 1) recognize the popular, more popular and the most popular slang words in the headlines of different tabloid; and 2) determine the features and forms of slang words in the different headlines of tabloid. The expected relevant contributions of the study are the following: teachers and students will be made conscious of the proper usage of the slang words, the cognizant use of appropriate term in broadcasting and writing news by the columnists, anchormen, and broadcaster in radio, newspaper, television, computers etc. furthermore , the study analyzed and explained the changes or mistakes regarding the usage of slang words in both print media and broadcast media by the language experts like linguist, sociolinguist, and writers. The study utilized the descriptive method of research. The researcher gathered eighteen (18) different types of daily Tagalog tabloids found in Metro Manila and entire Philippines from July 1 until August 31, 2009.

17. Dr. Ma. Crisanta N. Flores Associate Professor, De La Salle University Manila marotflores@gmail.com Wikang Global sa Panahon ng Internasyonalisasyon Ang pagsusulat at pagtuturo ng wikang Filipino ay itinuturing na isang praktis na inilulugar lamang sa lokal o pambansang arena. Ibig sabihin, hindi maaring gamitin ang wikang Filipino sa labas ng bansa bilang wika ng akademya, komunikasyon o pakikipagtalastasan. Nananatiling mababa at inferior ang pagtingin sa wikang Filipino kung ihambing sa Ingles na kinikilalang international lingua franca. Sa katunayan, ang penomenon ng globalisasyon ay tinitignan bilang tagapagtaguyod ng wikang Ingles at kung ganooy pagsasantabi ng mga wikang pambansa at bernakular. Taliwas sa pagtantong ito, tatalakayin ng papel ang isang epekto ng globalisasyon kung saan maaring maitaguyod ang wikang Filipino bilang isang wikang Global. Nakatuon sa 3 usapin ang papel: a. ang mapansaklaw o homogenizing effect ng globalisasyon (bilang westernization/ Englishization/ Americanization/ Mcdonaldization) vs preserbasyon ng national languages/local o vernacular languages (endangered languages) b. green politics (politics which defend global linguistic diversity for mother-tongue rights)/ multilingualism vs Englishization c. pagtuturo ng wika ay pagtuturo ng kultura: mga posibilidad at problema sa cross-linguistic/ cross-cultural exchange Ipapakita sa papel ang pagtuturo at paggamit ng Wikang Filipino sa mga banyagang unibersidad na may programang pangwika, patunay sa mataas na pagpapahalaga rito ng mga akademiko mula Asya, Amerika at Europa, salungat sa pagmamaliit sa Filipino bilang wika ng lansangan at palengke. Pinapatunayan lamang na ang Wikang Filipino ay Wikang Global. A Global Language in an Age of Internationalization Writing and teaching in the Filipino language is traditionally perceived as a praxis that takes place only in the locale or in the national arena. Filipino language cannot thus be used outside of the country as an academic language, a language for global communication and engagement. Pitted against the dominant English language which is the international lingua franca, Filipino language remains inferior and parochial. In fact, globalization as a phenomenon raised the status of English language as hegemonic and homogenizing which peripheralized national and vernacular languages all over the world. Taking on a different perspective, this paper shall discuss the other effect of globalization, where paradoxically, Filipino language as a national language of a remote Pacific Islands, manage to become a Global Language. This paper shall focus on the following issues:
a. the homogenizing effect of globalization (as westernization/ Englishization/ Americanization/ mcDonaldization) vs preservation of national/local or vernacular languages (endangered languages) b. green politics (politics which defend global linguistic diversity for mother-tongue rights) / multilingualism vs Englishization c. Teaching language is teaching culture: problems and possibilities in cross-linguistic/ cross-cultural exchange

The paper shall identify foreign universities abroad where Filipino language is being taught as part of their language programs. From Asia, America to Europe, teaching the Filipino language is already an indication of a deep appreciation of our language and culture and an affirmation of its use as an academic language. Thus,

contrary to the notion of Filipino language as merely a language of the streets and market, Filipino language is indeed a Global language. 18. Dr. Teresita F. Fortunato Associate Professorial Lecturer, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila fortunatot@dlsu.edu.ph; tessfortune@yahoo.com Pag-uulat ng Katotohanan sa mga Balitang Tabloid sa Filipino Gamit ang Wikang Eupemistiko Bawat praktisyoner ng media ay may pangakong isiwalat ang katotohanan sa ano mang kondisyon o sitwasyon. Ang mga tabloid sa Filipino ay siyang behikulo sa pagpapalaganap ng balita sa loob at labas ng bansa. Sa liwanag ng sosyolinggwistiks, susuriin ng kasalukuyang papel ang paggamit ng lenggwaheng eupemistik sa pagsasalaysay ng mga balitang nakakaapekto sa pagpapalaganap ng paraan kung paano ang pagsisiwalat ng katotohanan sa sambayang Pilipino. Sa pag-uulat ng mga balita na may uring soft, hard at deep, na nalathala sa tatlong (3) kontemporaryong tabloid gamit ang pambansang lingua franca, ang Balita, Pilipino Star Nayon at Pang-Masa, nakakolekta ang kasalukuyang mananaliksik ng 13 tema/paksa na may kabuuang 700 termino at ekspresyong eupemistik. Sinuri at tinalakay kung paanong ang mga partikular na salita at ekspresyon ay ginagamit na doublespeak o pagpapanggap para gawing maganda ang anyo ng isang pangit o masamang bagay at gawing positibo ang isang negatibong bagay at maging kahali-halina ang isang nakayayamot na tingnang bagay o pangyayari. O ginagamit ba ang eupemismo para iangat ang kalagayan ng isang tao o sitwasyon at paraan ba ito upang maipahayag ang mahirap ihatid na mensahe sa diretsahang pananalita? Maikokonsidera ba itong panlilinlang? Bakit hindi maging tuwiran ang paghahayag ng katotohanan sa pagbabalita sa mga tabloid? Reporting the Truth in Filipino Tabloid News Using Euphemistic Language Every media practitioner has sworn to tell the truth whatever the condition or situation might be. The tabloids in Filipino, the national lingua franca, are vehicles in which news are spread in and out of the country. In the light of sociolinguistics, this paper analyzes the use of euphemistic language in the narration of news affecting the ways truth is disseminated to the Filipino people. In reporting the news, categorized as soft, hard and deep, in three (3) contemporary respectable tabloids, namely, Balita, Pilipino Star Ngayon and PangMasa, the researcher gathered 13 themes/topics with 700 euphemistic terms and expressions. These were analyzed and discussed how particular words and expressions are used as doublespeak to make the negative appear positive, and make the person alluded to appear kind or soft-hearted. Or is euphemism used to lift the status of person or situation and express ideas which are difficult to say directly? Can this be considered deceitful? Why cant the media be straightforward in telling the truth?

19. Dr. Christian George C. Francisco Faculty, De La Salle University-Dasmarias cgcfrancisco@yahoo.com Siyentipikong Proseso sa Pagbuo ng Diksyonaryong Bilinggwal: Hakbang sa Globalisasyon ng Wikang Filipino Ang paglakas ng produksiyon ng mga diksyonaryong bilinggwal sa Pilipinas ay isang manipestasyon na patuloy at aktibo ang pagdebelop ng mga pananaliksik sa wikang Filipino. Masasabing ang ganitong antas ng kasiglahan ang basehan ng mga iskolar sa pagsasabi na ang Filipino ay may kakayahang maglobalisa. Pangkalahatang layunin ng papel na ito na makabuo ng isang prototipo at siyentipikong proseso kaugnay sa pagbuo ng diksyonaryong bilinggwal. Upang maisagawa ito, nangalap ng mga pananaliksik hinggil sa mga lathala at di lathalang diksyonaryong bilinggwal; 2) sinuri ang mga prosesong ginamit sa mga nakalap na pagaaral; at 3) nagbuo ng panlahat na siyentipikong proseso tungo sa pagbuo ng diksyonaryong bilinggwal na magagamit sa paggoglobalisa ng wikang Filipino sa mga makapangyarihang domain. Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptibong uri ng pananaliksik na ayon kay Fraenkel at Wallen (2008) ay sumusukat at umaalam sa isang penomenong nagaganap sa isang bagay o sitwasyon. Tinunton ang mga piling malalaking unibersidad at mga sentrong pangwika tungo sa matalinong pagtatala, pagsisiyasat, at paghuhusga sa mga datos. Ambag ng pag-aaral na ito ay ang prototipong proseso sa pagbuo ng diksyonaryong bilinggwal na magsisilbing gabay at pamantayan sa sinumang magnanais magsagawa ng pag-aaral sa leksikograpiya. Napatunayan sa ginawang pag-aaral na lubos na masigla ang larangan ng leksikograpiya sa bansa lalo na sa pagbuo ng mga diksyonaryong bilinggwal. Makikita ito sa pagpasok ng ikadalawampung siglo kung saan ibat ibang domain sa Humanidades na ang may mga naisagawang pag-aaral.
Scientific Process in Making a Bilingual Dictionary: A Step in Globalizing the Filipino Language

Dictionary making in the Philippines is a progressive area managed and handled by major universities and language centers in the country. With this, scholars conclude that Filipino language is trying to position itself in the globalized world. This paper aims to produce a prototype and scientific process in making a bilingual dictionary. To accomplish this, the following weere undertaken: 1) gathered published and unpublished researches on bilingual dictionary making; 2) to analyzed the processes used in the researches; and 3) created a scientific process in making a bilingual dictionary that can be used by local lexicographers to aid in the globalization of the Filipino language. The study used the descriptive type of research proposed by Fraenkel and Wallen (2008). According to them, said method aids to measuring and identifying the phenomenon that occurs in a particular situation. Gathered in this study are the lexicographic researches found in major universities and language centers in the Philippines applying intelligent judgment and critical analysis. Its contribution is the process developed by the researcher in making a bilingual dictionary. It was found out that lexicography in the Philippines is a very active discipline in the Philippines as can be seen in many published bilingual dictionaries focusing on major domains of interest.

20. Dr. Maria Fe E. Gannaban Position and Affiliation: Assistant Professor; Technological University of the Philippines-Taguig Campus mariafegannaban@yahoo.com Kaso ng Kunwari at Siya Tulad ng ibang wikang buhay, hindi naiiba ang wikang Filipino sa iba pang wikang ginagamit ng tao sa ibat ibang panig ng mundo sa mga pagbabagong nagaganap- sa usapin man ng makrolinggwistiks o mikrolinggwistiks. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang pagsusuri sa kalakaran o signal na nagaganap sa wikang Filipino. Partikular na sinuri ay ang pagtalakay sa gamit ng siya hindi lamang bilang panghalip panao kundi bilang pantukoy rin sa bagay o pangyayari. Gayundin, isa pang signal ang nakita sa pagbabago ng gamit ng wikang Filipino sa ngayon lalo na sa mga kabataan at mag-aaral, ang gamit ng kunwari o kunyari bilang pamalit sa salitang halimbawa. Ang mga nailahad na usapin tungkol sa halimbawa-kunwari/kunyari at siya ay ilan lamang sa masusing obserbasyon sa pasulat at pasalitang nakaharap ng mananaliksik na tila isang linggwistikong penomenon (ginamit ni Ople) o kalakaran at signal (ginamit ni Espiritu) na patuloy ang pag-igpaw nito sa ating gramatika. Inilahad at dinalumat ang mga kaso ng kunwari/kunyari at siya na tahasang maituturing na isa lamang sa mga kalakaran at signal sa gramatikang Filipino sa kasalukuyan. The Case of Kunwari and Siya Filipino is no different from other existing languages used in other parts of the world. Just like other languages, Filipino undergoes changes in both aspects of macro linguistics and micro linguistics. This paper is an attempt to scrutinize the signal of change and presently occurring transformations in Filipino language. Particularly, this paper focuses on the analysis of the uses of siya its notional grammatical function as a personal pronoun and as a pronoun that is used to refer to things, events, etc. Another sign of change happening in Filipino language, especially in terms of the usage of students and people of todays generation, is the use of the words kunwari or kunyari as substitute to the word halimbawa. The said issues of modification in the words halimbawa-kunwari/kunyari and siya are just some examples of the keen observations in written and spoken Filipino language that seem to be linguistic phenomenon (according to Ople) or present occurrences and signals (according to Espiritu) that are continuously affecting the Filipino language. The cases of the use of kunwari/kunyari and siya were analyzed and presented though they were just two of the many present occurrences and signals of change in Filipino language in the present time.

21. Imelda Gasmen Instructor, University of Hawai`i at Manoa igasmen@hawaii.edu Radiant Cordero Student, University of Hawai`i at Manoa radiant.cordero@gmail.com Filipino para sa mga Bata: Isang Pantag-araw na Programang Pagpapalago ng Wika at Kultura Batay sa pinakabagong tala ng U.S. Census, sinasabing ang mga Pilipino ang pinakamalaking grupong etniko sa estado ng Hawaii. Datapwat, wala pa ring mga programang pangwika at pangkultura na angkop sa mga bata at kabataan upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Pilipinas, ang kanyang mayamang kultura at ibat ibang wika. Ang Filipino para sa mga Bata: Isang Pantag-araw na Programang Pagpapalago ng Wika at Kultura ay sinimulan noong 2005 sa Filipino Community Center sa Waipahu, Hawaii bilang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad na naaangkop sa ganitong programang pangkultura. Ang programang ito ay inuukol sa mga kabataang nasa elementarya [5 hanggang 12 taong gulang]; masasabi ring ito ay first of its kind o unang-una sa komunidad ng mga Pilipino sa Hawaii, at dinisenyo sa estilo ng pagpapakita ng pangkalahatang kabuuan ng mayamang kulturang Pilipino at pambasang wika na ginagamitan ng ibat ibang interactive na aktibidad tulad ng pagkukuwento, paggawa ng iba-ibang bagay gaya ng sipa o kaya halo-halo, paglalaro, pagsayaw at pag-awit. Ang mga nagtuturo ay pawang boluntaryo lamang na dati o kasalukuyang mga mag-aaral ng Programang Filipino at Panitikang Filipino sa Unibersidad ng Hawaii sa Manoa, katulong din ang mga estudyanteng sekondarya sa Hawaii. Higit-kumulang 20-30 na mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya ang nagiging kasali ng programa tuwing bakasyon (summer-time) mula nang itoy unang sinimulan. Bibigyang pansin ng presentasyon ang mga ibat ibang pamamaraan na ginagamait ng programa. Tatalakayin na rin ang mga suliranin at ang landas na maaaring tahakin ng programa sa hinaharap na limang taon. Pagkatapos ng presentasyon ay ang pagpapalabas ng isang maikling bidyo ng programa. Filipino for Kids: A Language and Cultural Enrichment Summer Program The latest U.S. Census shows that Filipinos now comprise the largest ethnic group in the state of Hawaii. However, there has not been a language or cultural program for the youth and children to learn about the Philippines, its rich culture and many languages. Filipino for Kids: A Language and Cultural Enrichment Summer Program was launched in the summer of 2005 at the Filipino Community Center in Waipahu, Hawaii to respond to the community need for such a cultural program. This enrichment program for elementary-age children [between 5 to 12 years old], the first of its kind in a community setting in Hawaii, was designed to provide an overview of the rich Philippine culture and the national language in a variety of interactive activities such as storytelling, make-your-own activities [such as halo-halo and sipa], games, dances and songs. Facilitated by volunteers (who are either alumni or current students of the UH Filipino and Philippine Literature Program and/or high school students), the program has drawn participants between 20-30 elementary / middle school students from all over the island every summer since its inception. The presentation will highlight several resources & lessons/activities that have been used for the program. It will likewise discuss several challenges and directions the rogram envisions within the next five years. Following the presentation is a short video of the program.

22. Dr. Rogelio L. Gawahan Chairperson, Filipino Department, Xavier University-Ateneo de Cagayan, Cagayan de Oro City rgawahan26@yahoo.com Sampung Larong Pangklasrum bilang mga Allternatibong Lapit sa Pagtuturo ng Filipino Nakatuon ang papel sa mga piling larong pangklasrum na magagamit bilang alternatibong lapit sa pagtuturo ng Filipino. Dalawa ang bahagi ng papel. Una, pagtalakay sa mga batayang prinsipyong angkla sa mga teorya ng pagtuturo at mga konsepto sa kabuluhan ng paggamit ng mga laro sa pagtuturo batay sa Flanders System of Interaction Analysis at ang Systems Theory ni Zwaenepoel, sitwasyong pangklasrum sa Filipino kabilang ang guro, mag-aaral at kurso, at dalawang kritikal na elementong bumubuo sa klasrum bilang Sabsistema. Ikalawa, pagtalakay sa mga piling laro na nasubok nang gamitin at pagpapakitang-turo sa paggamit ng mga ito. Napapaloob ang konsepto ng mga karanasang pangklasrum. Ang laro bilang karanasan salig sa Hagdan ng Karanasan ni Dale (1959) at mga karagdagang input, lunsaran at lapit alinsunod sa mga konsepto ng halaga sa paggamit ng laro sa pagtuturo sagnay ang kultura ng paglalaro bilang panlinang na gawain. Pinakalaman nito ang paglalahad ng mga larong pangklasrum kung saan tatalakayin ang bawat pamamaraan saka isasagawa ang pakitang-turo. Sa kalahatan, ang papel ay batay sa pansariling karanasan at tagumpay sa paggamit ng laro sa klasrum bilang guro. Bunga ito ng pananaliksik, pagmamasid, pakikipag-ugnayan, mga community building na eksposyur at malikhaing kaparaanan sa pagtuturo ng Filipino sa rehiyon kung saan ang Filipino ay hindi pangunahing wika ng mga mag-aaral at guro. 10 Classroom Games as Alternative Teaching Approach in Filipino The paper focuses on selected classroom games that can be used as alternative teaching approach in Filipino. The paper is divided in two parts. First, discussion on basic principles anchored on theories in teaching and concepts on the value of using games based on Flanders System of Interaction Analysis and the Systems Theory of Zwaenepoel; Filipino classroom situations that includes teacher, students, and course; and two critical elements that composed classroom as a sub-system. Second, discussion of selected games that had been tested in classes and finally, demonstration teaching using such games will take place in this part. It comprises concepts on classroom experiences. Games as an experience is anchored on Dales (1959) Cone of Experience and additional inputs, springboard and approach related to the concept on the value of using games in teaching, and the culture of games as part of classroom activity. Major content on this part is presentation of classroom games where games mechanics will be discussed, followed by a demonstration teaching. Generally, the paper is based on personal experience and success in using games as a teacher in Filipino. These are products of research, observation, community building exposures and creative approach in teaching in region where Filipino is not the first language of students and teachers.

23. Joseph D. Gayares Faculty, St. Stephens High School ancientmind18@yahoo.com Babae Ako! Isang Pagtanaw sa Pagkababae mula sa mga Piling Maikling Kuwento ng Kababaihang Manunulat Ang papel na ito ay umiikot sa paksa ng sekswalidad lalo na sa usapin ng feminismo. Isang matagal nang usapin sa sosyolohiya ang diskriminasyon laban sa kababaihan kung saan ang ibat ibang grupo ng kababaihan ay nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan sa aspekto ng ekonomiya, politika, at kalagayang panlipunan. Layunin ng papel na ito na magamit ang literatura sang-ayon na rin sa paniniwala ng mga feminista na ang literatura ay isang mabisang paraan upang mapalawak ang kamalayan ng mga kababaihan sa mga kaapihan at di makatarungang pagtingin sa imahe ng kababaihan sa gitna ng patriyarkal na lipunan. Nais din ipakita ng papel na ito ang pagbasa bilang isang babae ay isang mainam na balangkas upang maipakita ang pagsibol ng kamalayan ng isang babae upang magkaroon ng mataas na pagpapahalaga sa kanyang sarili. Dagdag pa rito ay ang pagtugon sa kasalukuyang kalagayan ng literatura sa Pilipinas kung saan ipinapalagay ng mga feminista na nananatiling nasa ilalim ng gahum ng mga kalalakihan, patunay dito ang mas maraming bilang ng mga kalalakihan na tumatanggap ng mga parangal sa larangan ng pagsulat. Gamit ang balangkas ni Thelma Kintanar sa kanyang The Writer and Her Roots, babasahin kung paano ipinakita ang positibo at mapagpalayang imahe ng kababaihan sa mga maikling kuwento ng tatlong premyadong manunulat: Nang Sumapit sa Gulang si Marietta ni Liwayway Arceo, Gatas ni Lualhati Bautista, at Pilipina sa Alemania ni Genoveva Edroza Matute. Inaasahan na ang papel na ito ay magmumulat sa mga kababaihan na pahalagahan ang kanilang mga sarili at magkaroon ng positibong imahe tungkol sa kanilang sarili gayundin ang pagdagdag ng mga literatura kung saan kinikilala ang pagkapantaypantay ng babae at lalaki sa usapin ng pagsusulat. Babae Ako! Womanhood from the Perpspective of Selected Short Stories This paper tackles the issue of sexuality especially feminism. Discrimination against women has been a long standing struggle of feminists movement in the area of economic, political, and social equality. This paper aims to use literature as an effective tool in instilling consciousness among women regarding the oppression and inequalities they experience in the midst of a patriarchal society. Also, this paper aims to show how the feminist literary criticism of Reading as a Woman is a good framework for understanding literary works on how women can be enlightened and empowered. In addition, this paper is a response to the clamor of feminists in our country about the hegemony of men in the literary field as seen by the number of male writers who often garner literary awards as compared to women. Using the literary criticism of Thelma Kintanar in her book The Writer and Her Roots, this paper will read the short stories of three renowned women writers in our country: Nang Sumapit sa Gulang si Marietta by Liwayway Arceo, Gatas by Lualhati Bautista, and Pilipina sa Alemania ni Genoveva Edroza Matute. It is expected that the reading of these three short stories will instill a sense of pride among women as individuals worthy of respect and equal treatment by society and will enlightened them to assert their rights to develop themselves.

24. Jonathan Vergara Geronimo Instructor, University of Santo Tomas jvg_rebo_red@yahoo.com Panitikang Nagmamadali sa Siglong Robotiko: Ang Pedagohikal na Potensiyal ng Mga Tulang Dagli Tipikal na suliraning idinaraing ng mga guro sa Filipino sa kasalukuyan ang katamaran sa pagbabasa at kawalan ng pagpapahalaga sa pambansang panitikan ng mga mag-aaral. Nakaugat sa namamayaning kalakarang robotiko at sistemang mekanikal na ipinalalaganap sa ilalim ng neoliberalistang globalisasyon ang katamaran at kawalang-pagtangkilik na ito sa pambansang kultura. Samantala, nananatiling bahagi ng kurikulum sa antas sekundarya at maging ng antas tersyarya ang panitikan kaya't may pangangailangang tugunan ang lumalalang suliraning ito. Ipinakikilala ng papel na ito ang umuusbong na makabagong porma ng panitikan - ang mga panitikang dagli - bilang lunsaran sa pagpapatampok ng pedagohikal na potensiyal. Pokus ng pag-aaral na ito ang mga tulang dagli ng mga bagong manunulat na may barayti ng paksang makaaangkop sa layunin ng holistikong pananaw ng pagtuturo at dulog sa kritisismong pampanitikan. Ilalapat ng pananaliksik na ito ang mga Kuwadradong Konseptuwal sa Pagtuturo ng Panitikan ni Dr. Florentino Hornedo isang maka-Pilipinong oryentasyon ng kritisismong pampanitikan na gagamitin sa pagsusuri at kontektswalisasyon ng mga akdang dagli na magagamit sa pagtuturo ng panitikan. Literature in a Hurry in the Robotic Century: The Pedagogical Potential of Flash Poetry The students seeming laziness in and lack of appreciation for reading is one of the typical problems that contemporary Filipino teachers encounter. Such laziness and disinterest for the national culture can be traced to the dominant robotic and mechanical system that is promoted under the banner of neoliberal globalization. Meanwhile, literature remains a part of the secondary and tertiary level curriculum thus theres a need to confront this worsening problem. This paper will introduce the fledgling modern form of literature flash literature as a springboard for emphasizing its pedagogical potentials. This study will focus on flash poetry written by new writers whose variety of works suit the objective of implementing a holistic perspective in teaching and arriving at a suitable approach to literary criticism. This research will apply Dr. Florentino Hornedos Conceptual Square in Teaching Literature a pro-Filipino orientation in literary criticism that will be utilized in analyzing and contextualizing the selected flash literature that are appropriate for teaching literature.

25. Dr. Emmanuel Signo Gonzales

Faculty, Far Eastern University-Manila manpoltaz@yahoo.com Assessment ng Programa sa Pagtuturo ng Filipino para sa mga Dayuhang Mag-aaral ng FEU: Isang Basehan sa Paggawa ng Limang Taong Plano Ang konsepto ni Cohen (1994) ang ginamit bilang pankalahatang batayang konseptwal ng pag-aaral na ito, Assesment ng programa sa pagtuturo ng Filipino para sa mga dayuhang mag-aaral ng FEU: Isang basehan sa paggawa ng limang taong plano. Pangunahing layunin ng assesment ng programa na matugon ang mga kasalukuyang pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral. Mahalaga ang riserts na ito upang magsilbing basehan sa idedevelop na programa sa wika. Ang riserts ay gumamit ng paraang triangulation na binubuo ng mahigit sa isa at ibat ibang estratehiya sa riserts para sa assesment ng programa. Batay sa ginawang assesment sa kasalukuyang programa natuklasan na may mga bahagi ng programa ay may kahinaan at kalakasan na nangangailangan ng pagbabago upang umangkop at maging sapat na sapat sa mga kasalukuyang pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral ng FEU. Assessment of Program in Teaching Filipino for Foreign Students in FEU: A Basis on Making the Five Year Development Plan The research uses the concept of Cohen (1994) as conceptual framework on these, Assessment of Program in Teaching Filipino for Foreign Students in FEU: A basis on making the Five Year Development Plan. The primary objective of this research is to answer the present needs of the foreign students in learning Filipino as foreign language. The research is very important because this will serve as basis for making the five year development plan on language (Filipino) program. The research use triangulation composed of different strategies on program assessment. Base on the assessment study there are some parts of the program that needs to change, revise and improve so that it can answer the present needs of the foreign students of FEU in learning Filipino.

26. Mary Grace H. Gonzales

Faculty, De La Salle University Dasmarias gonzales.marge@yahoo.com Sex Semantics sa Radyong Popular: Makabagong Wikang Pangmidya Patuloy na dumarami ang mga estasyon ng radyo sa Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng masa, partikular ang pampalipas-oras at paglilibang. Kaakibat ng pagtaas ng popularidad ng radyong popular sa bansa ang pag-usbong ng mga makabagong salitang pangmidya, mga rehistrong nauunawaan ng mga taga-midya, partikular ang mga disc jockeys sa radyo, at ng mga pangkaraniwang mamamayang tagapakinig. Layunin ng papel na ito na maipakita ang mga bahagi ng pahayag ng mga DJ ng radyo at ng mga taong tumatawag sa kanilang programa, na magpapatunay ng pagkakaroon ng Sex Semantics sa mga radyong popular, maisa-isa ang mga temang nabuo at kahulugan ng mga pahayag, at masuri ang ginagampanang papel ng mga pahayag na may temang seksuwal sa paggamit ng Wikang Filipino (WF) sa midya. Matapos ang ginawang pagsusuri ng diskurso, napatunayan sa pamamagitan ng mga bahagi ng pahayag o extracts na nagtataglay ng sex semantics ang mga programang panggabi sa mga estasyon sa radyong popular. Mula sa mga natuklasang kahulugan, natuklasan rin ang mga natatanging karakter ng mga pahayag na gamit ng mga Pilipinong DJ sa mga piling estasyong pangmasa. Sex Semantics in Popular Radio: Modern Media Language More and more radio stations in the Philippines have been adapting the masa format in order to meet the needs of the masses, especially the common peoples need for leisure and entertainment. As the fame of these masa stations on popular radio continues to increase, there is also an emergence of a modern media language, a new register of the media, particularly of the radio disc jockeys, and of the populace as their listeners. This paper aims to show the discourse extracts from radio conversations of DJs and callers that prove the presence of Sex Semantics on popular radio; to enumerate the themes formed and meanings of the extracts; and to analyze the role that these sexually thematic extracts play in the media usage of the Filipino language. After the analysis made, the presence of sexually thematic extracts on the discourse on evening radio programs has been established, and from the meanings discovered, the unique character of Filipino sex semantics used by radio DJs is also revealed.

27. Megumi Hara

PhD Candidate, Osaka University akosimegu11@gmail.com Raissa Ocaya* MA Candidate, University of the Philippines Diliman raissa_ocaya@yahoo.com Nozomi Tanaka PhD Student, University of Hawaii nozomit@hawaii.edu Michiyo Yoneno-Reyes** Associate Professor, University of the Philippines Diliman michiyoreyes@hotmail.com * Her paper to be read by her representative **Chairperson of the panel Migrasyon, Wika at Kaakuhan ng mga Kabataang Hapon-Pilipino Tinatantiyang nasa may 100,000 hanggang 200,000 ang bilang ng mga batang naging bunga ng mga pagsasamang Hapon at Filipino, mula pa noong 1980s. Tinatantiya rin na may humigit-kumulang 45,000 HaponFilipino, na ang ninuno ay mga migranteng Hapon sa Pilipinas bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na kasulukuyang naninirahan sa bansa. Mula pa noong dekada nobenta, dahil bahagyang dinagdagan ng bansang Hapon ang kanilang pakahulugan ng Hapon (hal. Immigration Control Act 1990, Nationality Law 2009), at kinilala naman ng Pilipinas ang pagkakaroon ng dalawang nasyonalidad, maraming desendyente ng Hapon sa Pilipinas, kasama ang kanilang pamilya, ay lumipat na sa bansang Hapon. Kasalukuyang dumarami rin ang bilang ng mga migranteng menor de edad, at silay madalas na palipat-lipat sa dalawang bansa. Ang panel na ito ay nakatutok sa pagkamit ng wika (language acquisition) ng kabataang may dalawang pamanang kulturang bansang Hapon, at ng Pilipinas (kabataang Hapon-Filipino). Ang pagkamit-wika dito ay binibigyan ng malawak na pakahulugan, sa loob ng balangkas ng linggwistiks at pag-aaral ng migrasyon. Tinatanong nito kung papaano ang pagkamit o hindi pagkamit ng kabataang Hapon- Filipino ng wika, ang mga kondisyong nakapalibot dito, ang lalim ng pagkatuto ng wika, at ang epekto ng kanilang pagkamit ng wika sa pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan o identity. Nilalayon din ng panel na ito ang pag-unawa sa nagbabagong mga kondisyon ng migrasyon, at ang lumilitaw na mga pagsubok ng pagkamit ng una, pangalawa, at pamanang wika sa mga Hapon-Filipino, bilang pagtugon sa nagbabagong polisiya ng migrasyon ng dalawang bansa, at sa ibat-ibang kalagayan ng globalisasyon. Migration, Language, and Identity of Transnational Japanese-Filipino Youths Sub-Topic for Panel Member : Filipino Language in the Diaspora: Issues and Challenges It is estimated that approximately 100,000 to 200,000 children were born out of Japanese and Filipino unions since the 1980s. It is also estimated that approximately 45,000 Japanese-Filipino descendants of preWWII Japanese migrants to the Philippines, live in the country. Since the 1990s, as Japanese policy has slightly augmented the definition of Japanese (e.g. Immigration Control Act 1990, Nationality Law 2009) and as the Philippines came to recognize the dual nationalities, more Japanese descendants and their family members have migrated from the Philippines to Japan. Resultantly, increasing number of minors migrate today and they often shuttle between the two countries.

This panel focuses on the language acquisition of youths with two heritages-- of Japan, and of the Philippines (Japanese-Filipino youths)- broadly defined in the framework of linguistics and migration studies at large. It asks how Japanese-Filipino youths do or do not acquire what language/s, under what conditions, to what extent, and how such language acquisition influences their identity formation. This panel aims to understand the changing conditions of migration, and the ensuing challenges of first language, second language, and heritage-language acquisition among Japanese-Filipino youths, in response to the changing migration policies of the two countries, and to the various conditions of globalization.

28. Norbert Calinggan Lartec Associate Professor I, College of Teacher Education, University of the Cordilleras nclartec@yahoo.com

Pagtataya sa Antas ng Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo Tungo sa Mabisang Pagtuturo ng Filipino Isang malubhang suliraning kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyan ang mababang pag-unawa sa pagbasa at pagkawala ng pagkagiliw ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Nararapat kung gayon na maikintal ng guro sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa pagbasa at malinang ang kanilang mga kasanayan sa maunawang pagbasa. Isa ito sa mga makrong kasanayang dapat malinang sa kanila na magiging kasangkapan nila sa pag-aaral at sa buhay. Kaugnay nito, mahalagang magsagawa ang guro ng pagtataya sa pag-unawa ng mga mag-aaral upang matukoy ang kanilang antas ng pag-unawa at mga kahirapan sa pagbasa. Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral ay matukoy ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral ng Filipino 2 sa apat na paraan ng pagpapahayag at maihambing ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral ayon sa uri ng teksto, kurso, kasarian, at antas ng edukasyong natamo ng mga magulang. Ginamitan ito ng standardized test sa maunawang pagbasa na ipinasagot sa mga mag-aaral ng Filipino 2 sa ibat ibang kolehiyo ng University of the Cordilleras. Ang kanilang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay naihambing ayon sa mga baryabol na natukoy. Natuklasan sa pag-aaral na katamtaman ang kabuuang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa apat na paraan ng pagpapahayag. Lumabas din na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral ayon sa uri ng teksto, kolehiyong kinabibilangan, at antas ng edukasyong natamo ng tatay ngunit walang makabuluhang pagkakaiba ayon sa kasarian at antas ng edukasyong natamo ng nanay. Assessing Reading Proficiency of College Students: Towards more Effective Teaching of Filipino A serious problem confronting teachers at present is the poor reading skills of students compounded by their lack of interest in reading. Hence, it is necessary for teachers to instill interest in reading and develop reading skills among students.Reading is among the four macro skills that must be developed among students for them to succeed in their studies and in life in general. It is then important for the teacher to conduct an assessment to identify students reading comprehension level and difficulties. Specifically, the main objectives of the study are to identify the reading comprehension level among Filipino 2 students in the four types of discourse and to compare their level of comprehension according to the type of texts, course, gender, and educational attainment of parents. The study used astandardizedreading comprehension test which was given to Filipino 2 students in the different colleges of University of the Cordilleras .Their level of reading comprehension was alsocompared according to the identified variables. Results showed that the overall reading comprehension level of the students in the four types of texts was average. It was also revealed that there was a significant difference in the reading comprehension level among students according to the type of discourse/texts, course, and educational attainment of their father. However, there was no significant difference in the reading comprehension level according to gender and educational attainment of their mother.

29. Dr. Nina Christina Lazaro-Zamora Assistant Professor I, Marikina Polytechnic College ninachristina_lazaro@yahoo.com

Pagsusuri ng Implementasyon ng GEC Filipino sa Ilang LCU sa Metro Manila :Tungo sa Pagbuo ng Disenyo ng Ebalwasyon sa Pagpaplanong Pangwika sa Edukasyon Ang GEC CHED Memo # 59 s. 1996 ay ang pagrerebisa ng kurikulum upang makaagapay sa pagbabago. Dahil sa kaliwat kanang pag-usbong ng mga LCU sa Metro Manila, lumaki rin ang kinakaharap na suliranin ngayon ng CHED sa pagmomonitor ng implementasyon ng GEC- Filipino sa ilang LCU sa Metro Manila. Layunin din nito na makabuo ng disenyo ng ebalwasyon sa pagpaplanong pangwika sa edukasyon. Kinakailangang makapagsagawa rin ng isang monitoring tungkol sa pagpapatupad ng nasabing kurikulum Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, nilalayon ang mga sumusunod: 1. Matalakay ang proseso ng patakarang pangwika na magiging batayan ng pagsusuri at ebalwasyon ng implementasyon ng GEC- Filipino sa ilang LCU sa Metro Manila. 2. Matukoy ang mga salik na nakaimpluwensiya sa implementasyon ng isang patakarang pangwika sa edukasyon tulad ng GEC- Filipino sa ilang LCU sa Metro Manila. 3. Mailarawan ang lawak at pamamaraan ng implementasyon ng GEC- Filipino sa ilang LCU sa Metro Manila. 4. Mabakas ang mga problema na kinaharap sa implementasyon ng GEC- Filipino sa ilang LCU sa Metro Manila 5. Masuri ang ilang mga teorya ng ebalwasyon sa kurikulum 6. Makapagmungkahi ng angkop na disenyo sa pagsasagawa ng isang ebalwasyon sa pagpaplanong pangwika sa edukasyon para sa LCU. An Analysis of the GEC-Filipino Implementation in LCU in Metro Manila: Towards the Creation of an Evaluation Design on Langauge Planning in Education The GEC-CHED Memo # 59 s. 1996 is a revision of the the curriculum because of the changes in the world. Local Colleges and Universities (LCU) in Metro Manila have grown rapidly; hence, the CHEd encountered enormous problems in monitoring the implementation of the GEC-Filipino in each college and university. This is the primary reason why the researcher conducted a study regarding an analysis of the GECFilipino implementation in some LCU in Metro Manila. The aim of this study is to create an evaluation design on the language planning in education. There is also a need to conduct monitoring regarding the implementation of the curriculum to find out the LCUs reasons for not implementing the GEC-Filipino and how it became successful in their experiences. In the course of this study, Its aims are as follows: (1) discuss the process of the language system in language planning which will become the basis of the analysis and evaluation of the implementation of the system of the GEC-Filipino in some LCUs in Metro Manila; (2) point out the factors that can influence the implementation of the GEC-Filipino in some LCUs in Metro Manila; (3) describe the extent and method of the implementation of the GEC-Filipino in some LCUs in Metro Manila; (4) trace the problems encountered in the implementation of GEC-Filipino in some LCUs in Metro Manila; (5) analyze the theories in evaluating curriculum; (6) suggest an appropriate design in conducting an evaluation of the planning for language in education for the LCU.

30. Dr. Ruth Elynia Mabanglo Professor, University of Hawai`i-Manoa mabanglo@hawaii.edu With Dr. Teresita Fortunato

Eupemismo ng mga Alusyong Sekswal sa mga Kontemporaryong Awiting Filipino: Ilang Obserbasyon Isa sa mga behikulo ng aliw ang mga awit. Nahuhumaling ang mga Pilipinong isakay sa awit ang anumang karanasan, kaalaman, obserbasyon at birong nauugnay sa seks. Sa presentasyong ito, ipakikita kung paanong ginagamit ng mga Pilipino ang pagkain bilang eupemismo sa pagtukoy sa bagay o karanasang may kaugnayan sa seks. Sa tulong ng mga halimbawa, gagalugarin ang malapit ng kaugnayan ng pagkain at sekswalidad, susuriin ang mga dahilan ng paggamit ng eupemismo, at aalamin ang mga bisa nito sa lipunan. Titignan ding ang nabuong stereotype mula panahong pre-prekolonyal hanggang sa kasalukuyan. Euphemisms of Sexual Allusions in Contemporary Filipino Songs: Some Observations Songs are vehicles of entertainment. Filipinos love to use songs in discussing their sexual experiences, knowledge, observations and jokes. This presentation will show how Filipinos use food as euphemism in alluding to items or experiences related to sex. Through examples, the researcher will explore the relationship between food and sexuality, analyze the reasons for using euphemism, and their effects to society. It will also look into the stereotypes created by these euphemisms from pre-colonial period to the present. ******************************************************************************************

PAGHANDAAN!!!
Ika-4 Pandaigdigang Komperensya ng Filipino Bilang Wikang Global 2nd Week of January 2014 UNIVERSITY OF HAWAII-Manoa, www.filipinoglobalconference.com
31. Maria Khristina S. Manueli Theologische Hochschule Reutlingen gurupintar@yahoo.com Francisco Perlas Dumanig

ENERO 3-5, 2014

Honolulu, Hawaii, USA

University of Malaya fdumanig@yahoo.com Rodney C. Jubilado University of Malaya rcjubilado@yahoo.com Ang Filipino bilang Dayuhang Wika sa Malaysia: Pagtaya sa Kahusayan ng mga Estudyante Ang Filipino ay isa sa mga wikang Austronesian na madalas pag-aralan. Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga ika-2/3ng henerasyon ng mga Filipinong naninirahan sa buong mundo, naging isa sa mga malawak na ginagamit na wika ng may halos 22 milyon ang Filipino, bilang una o ikalawang wika. Sa Timog-Silangang Asya, may humigit-kumulang na 1.6 milyong Filipino na nagtratrabaho sa mga karatig-bansa, dahilan para maging isa sa mga popular na wikang banyaga ang Filipino sa buong rehiyon. Itinuturo ang Filipino bilang isa sa mga required na wika sa Southeast Asian at Asian studies na programa sa ilang mga unibersidad sa TSA. Sa Malaysia, itinuturo ang Filipino bilang elektiv at pangunahing wika sa Unibersidad ng Malaya, gayundin sa Royal Malaysian Navy. Gayunpaman, maraming estudyante ang nahihirapan sa sistema ng verb at ergatibo-absolutibong estruktura ng mga pangungusap nito. Nilalayon ng papel na ito na siyasatin ang pagbubuo ng mga ergatiboabsolutibo, possessive, at eksistensyal na pangungusap ng mga estudyanteng Malay gamit ang kanilang mga sulatin habang ikinokompara ito sa kanilang katutubong wika, ang Malay. Ang paralelismo sa pagitan ng magkapatid na wika ay makakatulong upang makita ang mga problematiko o madaling kunstruksiyon para sa mga estudyante. Titingnan din ang progreso ng kanilang proficiency mula una hanggang ikatlong antas sa pamamagitan ng pagtest ng kanilang vocabulary retention at language proficiency na ginawa ayon sa kanilang antas. Makakatulong ang resulta ng pag-aaral na ito sa pagdevelop ng nararapat na mga materyal sa pagtuturo upang mas madaling matutunan at mapag-aralan ang Filipino. Filipino as a Foreign Language in Malaysia: Testing Students Language Proficiency and Retention Filipino is one of the widely studied and learned languages among the Austronesian languages. The growing number of second-/third generation Filipinos living around the world have made it as one of the widely spoken languages, with 22 million speaking it eitheras first or second language. In Southeast Asia (SEA), there are about 1.6 million Filipinos working overseas, making Filipino one of the widely spoken (foreign) languages in the region. The Filipino language is offered as one of the required languages in Southeast Asian and Asian studies programs in some Southeast Asian universities. In Malaysia, Filipino is offered as an elective and major language at the University of Malaya, as well as a service language at the Royal Malaysian Navy. However, many students and language learners alike, struggle with the languages complex verb system and ergative-absolutive sentence structure. This paper aims to examine how Malaysian students construct absolutive-ergative sentence constructions, possessive sentences, and existential sentences using their written works in comparison to their native language, Malay. The parallelisms between the two sister-languages will help identify areas that students find difficult or easy to construct. The study will check the progress of the students language proficiency from the first to the third level by testing their vocabulary retention and giving them a language proficiency test specifically designed for each level. The findings of the study will be useful to develop appropriate teaching materials to help students and other language learners acquire the language easier and faster. 32. Dr. Amur M. Mayor Assistant Professor 1, University of Santo Tomas doc_amayor@yahoo.com

Doon o Dito, Ganoon o Ganito: Isang Paggalugad sa Pananaw ng Guro Hinggil sa Kanyang Papel sa Pagtuturo ng Akademikong Wikang Filipino sa Antas Tersyarya Ang papel na ito ay isang tangkang paggalugad sa persepsiyon ng mga guro hinggil sa kanilang gampanin bilang mga tagapahulma ng kahusayan sa akademikong wikang Filipino sa mga mag-aaral sa antas tersyarya. Sa bisa ng mandato ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) na maisulong ang kahusayan sa akademikong wika ng mga mag-aaral na ito, nakita ang pangangailangang matuklasan at mataya ang kaalaman ng mga guro hinggil sa kanilang mga tiyak na tungkulin upang matamo ang layuning ito ng nasabing ahensya. Gumamit ang pag-aaral na ito ng pamaraang penomolohikal. At sa pamamagitan ng mga panayam at sarbey sa mga guro ay lumitaw ang apat na kinikilalang tungkulin ng mga gurong-kalahok: pragmatiko, idealistiko, sentimental at personal. Bagamat totoo na ang mga tungkuling ito ay pinaninindigan ng mga kalahok na mabisang pamamaraan nila, hindi maikakaila na hindi nito nasasapol ang mga pamamaraang kinakailangan upang malinang ang akademikong wika ng mga mag-aaral. Doon o Dito, Ganoon o Ganito: Exploring the Teachers Perception of their Role in Teaching Filipino in the Tertiary Level This paper is an attempt to explore the perceptions of the teachers as to their role in developing the proficiency of tertiary level students in Filipino academic language based on the Commission on Higher Educations thrust in promoting Filipino as an academic language, there exists a need to explore and assess the teachers knowledge of their specific roles in attaining this purpose. In order to answer this, the study used the phenomological approach where selected Filipino teachers were interviewed and surveyed as to their roles and approaches in teaching Filipino 1 in the tertiary level. Results showed that there are four existing roles as perceived by the respondents: pragmatic, idealistic, sentimental and personal. Despite the fact that these roles are time-tested as the respondents claimed, it cannot also be denied that there exist an unsubstantial knowledge of the concepts and strategies of academic language teaching.

33. Dr. Godfrey G. Montera Associate Professor V, Department of Languages and Literature College of Arts and Sciences, University of San Carlos-Cebu City freymon1980@gmail.com

Pagtataya sa mga Saloobin ng mga Instruktor at Mag-aaral na Cebuano sa Epekto ng Pagtuturo ng Wikang Filipino Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang alamin ang tunay na saloobin ng mga instruktor at mag-aaral na Cebuano, na sa kabilang dako ay tutukoy sa mga suliraning nakasasagabal ukol sa pagtuturo ng wikang Filipino. Hindi maitatanggi na ang mga di Tagalog ay nahihirapan kahirapan sa pag-unawa at paggamit ng Filipino dahil karaniwang sa paaralan lamang ito natutuhan lalo na sa mga lalawigan. Sa katunayan, higit na ginagamit ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino sa mga paaralan sa halos lahat ng asignatura. Samakatuwid, sa kasalukuyang kalakaran madaling naipahahayag ang kanilang damdamin at kaisipan sa wikang Ingles, liban pa sa pangangailangan ng pagkatuto sa wikang Filipino. Ang mananaliksik ay tubong Cebu kayat lalong nagkaroon ng interes na mahikayat ang kapwa Cebuano sa pagtangkilik sa wikang pambansa sa pamamagitan ng pag-aaral na ito. Kung ito ay maisasakatuparan, matutuklasan ng mga mag-aaral na Cebuano na ang pag-aaral at pagkatuto sa wikang pambansa ay may malaking kapakipakinabangan sa kanilang buhay. Sa huli, hindi lamang mga Cebuano kundi lahat ng rehiyon sa bansa ang inaasahang tutulong sa pagpapaunlad ng wika. Ngayon at sa darating pang mga panahon, makikita natin ang kongkretong kontribusyon ng mga wika sa Pilipinas sa pagpapaunlad ng Filipino at magagamit sa mga rehiyon ang isang mabulas na wikang Filipino na naimpluwensiyahan ang kanilang rehiyonal na wika. Assessment of the Attitudes of Cebuano Instructors and Students on the Effect of Teaching the Filipino Language This research is conducted to identify the real attitudes of Cebuano instructors and students, who, on the other hand, will determine the problems that hinder in teaching the Filipino language. The topic is chosen to help in looking for steps to find a solution to the problem of teaching the Filipino language in the universities and colleges of Cebu. It can not be denied that non-Tagalog speaking communities have difficulty understanding and using the Filipino language and usually they only learn it from school. Actually, English is used more widely than Filipino in schools in almost all subject areas. Therefore, in the long run, they can better express their feelings and ideas in English aside from the need to learn Filipino better. The researcher is a native of Cebu so he is greatly interested to encourage his fellow Cebuano to use the national language through this study. If this will be realized, the Cebuano students will discover that studying and learning our national language has an immense significance to their lives. In the end, not only Cebuanos but also all the regions of our country will be able to help in enriching our language. Now and in the forthcoming years, we can see the concrete contribution of the languages of the Philippines in enriching the Filipino language and enhanced Filipino language influencing the various regional languages will be used by the different regions.

34. Noel Christian A. Moratilla Professor, St. Scholasticas College /Graduate Student, UP Diliman nomorat@yahoo.com Diskurso at Pagtutol: Naratibong Testimonyal sa Silid-Aralang Pangwika

Ang mga naratibong testimonyal o testimoniomga sulat, talaarawan, o maiikling kathambuhay na isinulat ng mga indibidwal mula sa mga grupong subaltern tungkol sa kanilang mga karanasan ng opresyon at marginalizationay itinuturing na mga estratehiya rin ng paglaban. Liban sa pagiging kategoryang pampanitikan na sumasalungat sa kategorisasyon ng tradisyonal na literatura, ang mga testimonio ay instrumento para sa pakikibakang epistemic at politikal. Kinakatawan ng mga naratibong ito ang maliliit na kuwentong karaniwan nang isinasantabi sa kanonikal na karunungan, at binibigyang-diin ang mga kabiguan ng moderniti na lumikha ng mas marami pang demokratikong espasyo sa kabila ng ipinamamaraling kaunlaran. Sa kontekstong ito, maituturing ang mga testimonio bilang halimbawa ng tinatawag nina Henry Girioux at Peter McLaren na kontranaratibo yamang hinahamon ng mga ito ang nakapangyayaring diskurso ng lipunan, kasama na ang disikurso ng paaralan. Argumento ng papel na ito na ang mga testimonio ay maaaring gamitin sa erya ng kritikal na pedagohiya at literasi, partikular na sa pag-aaral ng Filipino ayon sa dalawang pangunahing kadahilanan. Una, ang paggamit na ito ng testimonio ay tugon sa inirerekomendang paggamit ng awtektikong materyales at pamamaraan para sa pagtuturo at pag-aaral ng wika. Ikalawa, halimbawa ang mga testimonio ng alternatibong praxis upang magdebelop ng kritikal at mapagpalayang aktitud sa panig ng mga guro at mag-aaral. Anupat umaayon ang testimonio sa dalumat ng edukasyong mapagpalaya, na ayon kay Paulo Freire ay nakaangkla sa kakayahang basahin ang salita at ang mundo (reading the word and the world). Discourse and Dissent: Testimonial Narratives in the Language Classroom Testimonial narratives or testimonios i.e., letters, diary entries, memories, histories written by members of subaltern groups which deal with individual and collective experiences of otherness and oppressionare now being treated as strategies of empowerment and resistance. Aside from eluding the traditional and constricting categorizations of mainstream literature, testimonios have also served as an effective tool for epistemic and political dissent. For one, such narratives underscore the "little stories which suffer a usual oversight in canonical knowledge, while also exposing the failings of modernity to ensure more democratic spaces for progress. Within this context, testimonios exemplify what critical scholars Henry Giroux and Peter McLaren have called counternarratives for challenging hegemonic assumptions that characterize most of mainstream academia. It is the argument of this exploratory paper that testimonial narratives may be employed in the domain of critical pedagogy/literacy particularly (but certainly not exclusively) in Filipino language and literature classes on at least two accounts. First, such employment may also be viewed as a response to the call for the adoption of more authentic teaching-learning materials and processes. Second, the use of such noncanonical texts may be constitutive of more demotic teaching practices aimed not only to widen the range of representations but also to develop critical and liberative attitudes among teachers and learners. As grassroots literature that rubs against the grain of canonical/mainstream literature and as a means by which peripheralized groups could give voice to social marginality, testimonial writings hew closely to Paulo Freires notion of emancipative and empowering educationone that enables mentors and pupils to read the word and the world.

35. Jayson D. Petras Assistant Professor, University of the Philipines-Diliman Affiliate Faculty, UP Open University jaysonpetras_upd@yahoo.com

Hamon at Estratehiya sa Pagtuturo sa Wikang Filipino sa Open and Distance Learning : Kaso ng UP Open University Nahaharap tayo sa mabilis na pagbabago ng mundo. Dulot ng napakatuling takbo ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT), kakabit nito ang tila pagbomba sa ating kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e-Commerce, e-Government, knowledge-based society, knowledge-based economy, information society, paperless society, information economy, attention economy at iba pang techno-terms (Librero, 2008). Ang nasabing panahon ng ICT ay nagresulta ng pagbabago maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong patunay nito ay ang pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open University (UPOU), isa sa mga nagsasariling yunit ng sistemang Unibersidad ng Pilipinas na nagsimula noong 1995. Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa Open and Distance Learning (ODL), susuriin sa papel na ito ang ibat ibang salik sa pagtuturo sa Filipino kaugnay ng partikular ang mga isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang layunin, ipaliliwanag sa papel ang kabuuang sistema ng ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas, partikular sa UPOU. Ilalahad din sa pag-aaral ang katangian ng mga magaaral ng UPOU kaalinsabay ng inaasahang katangian ng isang ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tuntungan ng pananaliksik ang ugnayang akademiko sa distance education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin ang epektibong pagbubuo ng mga gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang Filipino sa ODL at ang paggamit ng software na Moodle. Challenges and Strategies in Teaching using Filipino Language in Open and Distance Learning: The Case of UP Open University We are faced with the challenges of a fast changing world. An effect of the fast paced period of Information and Communication Technologies (ICT) is when our consciousness and society appear to be bombarded with terms such as e-Learning, e-Commerce, e-Government, knowledge-based society, knowledgebased economy, information society, paperless society, information economy, attention economy and many other techno-terms (Librero, 2008). The age of ICT has resulted to the changes in the system of teaching and learning of the Filipino language. One proof of this is a course taught/handled in the Filipino language in the University of the Philippines Open University (UPOU), which is one of the autonomous UP units that started in 1995. Based on the personal experience of the researcher and related literature on Open and Distance Learning (ODL), this paper analyzes the different factors relative to the teaching of the Filipino language, particularly on the issues/concerns of the students, teaching strategies, and the use of the Internet as a primary tool of interaction. To address this objective, this paper explains the entire system of ODL and how it is contextualized in the Philippines, specifically in the case of UPOU. It also presents the profile of UPOU students together with the expected traits/qualifications of an ODL teacher. As a guide, this study employs the framework done by Moore (1989) on the academic interactions in distance education. From these information, the research highlights/emphasizes/recommends effective methods in teaching and learning of Filipino in ODL and the use of the Moodle software. 36. Dr. Imelda Pineda-De Castro Research Associate, Research Cluster on Culture, Education And Social Issues, University of Santo Tomas meldz86@yahoo.com/ ipdecastro@mnl.ust.edu.ph

Ang Papel ng Kasarian sa Pagsasalin ng Piling mga Tula ni Ophelia Alcantara-Dimalanta Tinatalakay sa papel na ito ang ibat ibang mga suliranin na nagkakatagpo, bumabangga at nagpapaliwanag ng mga kaugnay na kahulugan ng pagsasalin ng mga tula ni Ophelia Alcantara-Dimalanta, bantog na makata, manunuri at akademista. Ang mga piling tula ay mula sa nakasanayang niyang Ingles tungo sa Filipino. Ang layunin ng saliksik na ito ay suriin ang papel na ginagampanan ng kasarian sa pagsasalin, sapagkat ang nagsalin kay Dimalanta ay kalalakihan. Hindi mahihiwalay si Dimalanta sa kanyang mga paksa bilang babae. Ang resulta ng dagundong ng pagsasalin hindi lamang umaalingawngaw sa pag-unawa kay Dimalanta sa ilalim ng bagong mga kalinawagan; kundi pati na rin ang kapangyarihang taglay ng kasarian sa larangan ng literatura ng Pilipinas.Tinatalakay rin ng papel na ito ang politika sa larangan ng pagsasalin ng kasarian, kapanalig na rito ang mga kahilerang suliranin kung paano ang kultura, pananaw at pansariling katangian ay nababago sa paglipat mula sa isang wika tungo sa ibang wika, na hindi maiiwasang iangkop sa kakaibang balarila ng naitalang salita. The Construction of Gender Translation in the Selected Poems of Ophelia Alcantara-Dimalanta This paper explores the diverse issues which crisscross, collide, and reflect the context of translating the poems of Ophelia Alcantara-Dimalanta, famed Filipino poet, critic, and academician. The selected poems are from the original English of her oeuvre to the native Filipino. In particular, the study investigates the privileged role of gender in the translation, considering that the translations were done by her male contemporaries. Dimalanta's treatment of poetic subjects is inseparable from the poet's identity as woman. The resulting echoes of translation resound not only in understanding Dimalanta's poetics under new lights; but also on the power dynamics of gender in the whole of Philippine letters. As much as it is a study of the politics of gender translation, it also treats the parallel issue of how culture, perspective, and personal identity gets changed and reconfigured in the transition from one medium to another, inevitably adapting to the unique conventions of the transcribed tongue.

37. Dr. Ester T. Rada Chair, Filipino Dept. San Beda College- Manila etor3s@gmail.com Isang Pag-aaral sa Pagtutumbas sa Filipino ng mga Termino sa Teksbuk sa Araling Panlipunan: Tungo sa Pagbuo ng Manwal ng Estilo

Ang nilalaman ng pag-aaral ay may dalawang pangunahing bahagi: una, deskripsiyon ng paraan ng pagtutumbas ng mga termino at ikalawa, paglalahad ng mga suliranin at isyu kaugnay sa pagtutumbas ng mga termino at mungkahing solusyon sa mga ito. Sinimulan ang pag-aaral sa pagbuo ng korpus ng mga termino na naging basehan ng talatanungan na pinasagutan sa mga editor at manunulat. Pagkatapos, inihanay ang mga terminong ito ayon sa batayan ng pagtutumbas na ginawa ng mananaliksik. Lumalabas sa pag-aaral na sa kabuuan ang tumbasang angkat ang higit na gamitin na may 41.63 bahagdan sa mga piniling termino. Ibig sabihin, mas malawakan ang pang-hihiram sa Ingles o sa anupamang orihinal na wika na palasak nang ginagamit. Sinundan ito ng tumbasang leksikal na nagtala ng 33.68 bahagdan. Pinaniniwalaang kung may nakatala nang tumbasan sa diksyonaryo, maaari na itong gamitin. Ang tumbasang kontekstwal naman ay may 12.24 bahagdan samantalang ang tumbasang di tiyak ay nagtala ng 8.30 bahagdan. Iilan lamang ang gumagamit ng mga tumbasang tinatawag na syokoy dahil hindi malinaw kung saan ipinadron ang salita o ang etimolohiya ng salitang ginamit sa pagtutumbas ngunit naging palasak na ang paggamit. Ang hindi gamitin ay ang tumbasang berbal na may 4.01 bahagdan. Batay sa nalikom na mga datos, napag-alamang dapat magkaroon ng pamantayan sa pagtutumbas ng mga salita gaya ng: panghihiram sa wikang Ingles at Espaol; paggamit ng katumbas sa Filipino, ang Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas; at pagsasaalang-alang sa simplisidad at ekonomiya, praktikalidad at episyensi ng wika. A Study on Filipino Translation Styles in Social Studies Textbooks: Towards the Formulation of a Filipino Manual of Style The presentation of the paper is composed of two main parts: first, description of translation styles and second, enumeration of translation problems and issues and its proposed solutions. The study starts off with the corpus of terminologies which serves as the basis of questionnaire that was administered to publication writers and editors. Then, these terminologies were listed according to categories/styles formulated by the researcher. Study shows that most editors and writers used direct translation style which registers 41.63% based on statistics. They prefer to translate technical words in its original foreign form as widely accepted/understood. Next preferred style is lexical translation as prescribed by most of the dictionaries. It is believed that a dictionary is a reliable reference. Contextual translation registered third as widely used style with 12.24%. This style is limited to register or field of study of particular technical words. Some editors and writers patronize uncharted translated words which account for 8.30% based on statistics. This is so, because of the political correctness or these are already considered bywords even these may be linguistically incorrect. Lastly, a few of the respondents used literal translation with 4.01% on statistics. On problems and issues, there is a need for standardization of rules on translation of English and Spanish among other foreign words and when to use Filipino, Tagalog and other Philippine languages. Also, rules on simplicity, economy, practicality and efficiency of language should be clearly defined.

38. Joyce Camille Ramano Dekada 70 Panel Chair, Student, University of Hawaii at Manoa jcramano@hawaii.edu Kawalang kapangyarihan at Pakikibaka ng mga Kabataan noong Dekada 70

Sa papel na ito, tinatalakay ang buhay ng magkakapatid na Bartolome at ang kanilang pagkatawan sa mga boses ng mga kabataan noong dekada 70. Ang panitikan, pelikula, at musika ang pinakapangkaraniwang uri ng sining na humubog sa ating mga paniniwala at nag-udyok sa karamihan na umaksiyon ayon sa kanilang paniniwala. Dahil maimpluwensiya ang sining, ginamit ito ng mga tao noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas sa pagpapalaganap ng kani-kanilang mga layunin. Sa mga huling taon ng Martial Law, inilathala ni Lualhati Bautista ang Dekada 70; ang mga malupit na katotohanan ng panahong iyon ay ating maaaninag mula sa buhay ng mga Bartolome. Ginamit ang The Reflection Model ni George Lukacs sa paghahambing ng mga tauhan sa nobela at sa mga kabataan ng dekada 70. Si Jules, ang estudyanteng aktibista, na isa sa mga nanguna sa pakikibaka para sa hustisya. Si Gani, ang maka-Amerika, na nagtrabaho para sa U.S. Navy para sa oportunidad na umunlad. Si Em, ang boses ng protesta, na nagsulat tungkol sa mga katiwalian ng panahon. Si Jason, ang sugatan sa digmaan, na naging biktima ng labanan sa pagitan ng mga aktibista at administrasyon ni Marcos. Si Bingo, ang kabataang walang-imik, na hindi tumulong sa mga nanawagan. Noong 2002, isinapelikula ni Direktor Chito Rono ang nobela upang palawakin ang saklaw ng impluwensiya nito sa madla. Sa pagbuhay ng kuwento ng Martial Law sa diwa ng kabataang Pilipino ngayon, sila ay binabalaan na ang kanilang mga aksiyon (o kakulangan nito) ay may epekto sa kapakanan ng ating bansa. Fragmented Spirits: The Disempowerment and Struggle of Filipino Youth in Dekada 70 The paper argues that the stories of the Bartolome boys echo the voices of Filipino youth in the 70s. Literature, film, and music are the most accessible art forms that have shaped our beliefs, and spurred us into action. Since art is an indirect way of influencing people, they have been employed during the time of Martial Law in the Philippines to further the cause of various groups of people. Towards the end of Martial Law, Lualhati Bautistas Dekada 70 was published; the novel showed the realities of the time through the lives of the Bartolomes, a middle class family. Ramano uses George Lukacs The Reflection Model to draw out the parallels between the characters and the 70s youth. Jules, the student activist, was in the frontline in the fight for justice. Gani, the Pro-American, joined the U.S. Navy for better opportunities. Em, the voice of protest, wrote about the injustices of the time. Jason, the casualty of war, was the victim that was caught between the crossfire. Bingo, the apathetic youth, turned a cold shoulder to a person in need. In 2002, Director Chito Rono adapted the novel into film to spread the message of the novel to a wider and younger audience. In reintroducing the story of Martial Law to todays Filipino youth, they are being forewarned that their actions (or lack thereof) affect the welfare of our country.

39. Karl Christian Alcover Student, University of Hawaii at Manoa karlchri@hawaii.edu Bakas ng Subersiyon: Martial Law at Dekada 70

Tatalakayin ng papel ang kaisipan na ang Martial Law bilang positibong puwersa ng lipunan ay idea ng naghaharing uri at ipapakita kung papaano isiniwalat ng pelikulang Dekada 70 ang epekto ng Martial Law sa Pilipinas noong dekada 70 sa ilalim nang pamahalaang Marcos. Layunin nito na maipaliwanag kung papaano binago ng sining, sa anyo ng pelikula, ang kamalayaan ng mga mamamayan gamit ang mensaheng dala nito, at kung papaano nagbigay ang pelikula ng tamang kamalayan hinggil sa Martial Law. Magbibigay rin ng pananaw ukol sa pelikula at sa kahalagahan nito sa lipunang Pilipino. Nakapaloob sa papel ang maikling kasaysayan bilang buod ng mga pangyayari sa panahon ng Martial Law. Gagamitin ang tatsulok na ilustrasyong panlipunan ni Karl Marx upang ilarawan ang estruktura ng lipunang Pilipino sa panahong ito, at gagamitin din ang teorya ni Georg Lukacs sa pagsusuri sa pelikula. Sa tulong ng teorya, makakamit ng pinaghahariang uri ang katotohanan at mauunawaan ang pang-aaping dulot ng naghaharing uri. Sa pamamagitan ng pelikula, naliliwanagan ang pinaghahariang uri na mapang-api at palalo ang mga kaisipang pinaiiral sa lipunan ng mga may kapangyarihan. Kung kaya, nag-uudyok ito ng pakikipaglaban ng mamamayan tungo sa katarungan. Footprints of Subversion: Martial Law and Dekada 70 This paper explores the idea that Martial Law as a positive force of society is but a ruling class idea, and discusses how the film Dekada 70 exposes the effect of Martial Law in the Philippines during 1970s under Marcos Regime. It aims to provide an explanation on how art, in the form of a film, changed the masses awareness through its message and how the film gave Filipinos the right consciousness about Martial Law. The paper also provides insights on the film and its significance to Philippine society. The paper includes a brief historical background to provide an overview of the events during the Martial Law period, using Karl Marxs pyramidal illustration of society to illustrate the Philippine social structure during this period and Georg Lukacs theory to analyze the film. Lukacs theory provides that moment of truth to the people that they start to realize the oppression brought by the ruling ideas. Through the film, people become enlightened that the prevailing ideas are oppressive and self-serving to the ruling class. Thus, the masses are prompted to fight for justice.

40. Ian Joseph Lagua University of Hawaii at Manoa ijlagua@hawaii.edu

Pagtawid sa Hangganan ng Kasarian: Si Amanda Bartolome bilang Larawan ng Kababaihang Pilipino noong Dekada 70 Tatalakayin sa papel ang paglalakbay ng pangunahing tauhan tungo sa pansariling kapangyarihan at lakas. Sa Pilipinas noong dekada 70, ikinakahon ang kababaihan sa pagiging masunurin, at mababa ang turing sa kanila sa lipunan. Ayon sa Sexual Politics ni Kate Millet, patriarchy subordinates the female to the male or treats the female as an inferior male. Power is exerted directly or indirectly in civil and domestic life to constrain women. We cannot separate questions of gender stereotyping from their material conditions in history. Nangangahulugan ito na hindi lamang sa pangkulturang pagbabago uusbong ang kalayaan. Nararapat ding magbago ang sosyopolitikal na kalagayan at ang kamalayan ng mga tao upang tunay na mabali o maigpawan ang limitasyon ng kasarian. Sa pagsusuri sa tauhan ni Amanda Bartolome, may malinaw na hatian sa pagitan ng babae at lalaki. Layunin ng papel na ito ang magbigay ng kuro-kuro sa paraan ng paghubog sa kamalayan ng kababaihan ng patriyarkal na ideolohiyang nagpapalaganap sa isteryotayp ng malalakas na lalaki at mahihina at masunuring babae. Upang maigpawan ang hatiang ito, nararapat munang tanggaping may di makatarungang hatian. Sa ganitong paraan lamang makakamit ang tunay na kalayaan sa patriyarkal na estruktura ng lipunang Pilipino. Beyond Gender Boundaries: Amanda Bartolome as a Portrait of Filipino Women in Dekada 70 This paper explores the main characters journey towards personal empowerment. In the Philippines during the 1970s, the behaviors and expectations of women were undeniably subordinate and submissive roles. In Kate Millets book Sexual Politics, she states, patriarchy subordinates the female to the male or treats the female as an inferior male. Power is exerted directly or indirectly in civil and domestic life to constrain women. We cannot separate questions of gender stereotyping from their material conditions in history. This means that liberation will not come merely from changes in culture. Changes in socio-political conditions are needed or changes in consciences to genuinely break or go beyond gender boundaries. In McFarlands analysis of the character Amanda Bartolome from the film Dekada 70, there is a clear and defined gender boundary. This paper is intended to provide an insight about women that have been brainwashed by this type of patriarchal ideology, which produces stereotypes of strong men and feeble subordinate women. To cross this divide between the sexes, this boundary must first be recognized. Only then can a crossover occur to attain true liberation from the patriarchal structure of Filipino society during the 1970s.

41. Dr. Maria Ainyle Ephraimmee M. Orara Assistant Professor, St. Louis University dainyle@yahoo.com AWIT: Mabisang Gamit sa Pagtuturo ng Filipino bilang Pangalawang Wika

Karamihan ng mga mag-aaral ng Filipino bilang pangalawang wika ay pawang mga tersyaryang antas. Marami ang mga dayuhan mula sa Korea, Japan, Amerika at China na kailangang makakuha ng 9 yunit ng Filipino bago sila makapagtapos ng pag-aaral sa ating bansa. Marami rin naman ang mga Filipinong dayuhan sa sariling wika dahil nag-aral sa international schools o sa mga pribadong paaralan. Ang mga ganitong mag-aaral ang nangangailangan ng mabisang pag-aaral ng Filipino bilang pangalawang wika. Patutunayan ng pag-aaral na ito na ang mabisang estratehiya sa pag-aaral ng wika at kulturang Filipino sa mga dayuhan sa wika ay ang awit. Nagtataglay ito ng tono, bigkas, pagkakasunod-sunod ng pangyayari o kuwento, may enumerasyon at higit sa lahat ay punumpuno ng damdamin. Patutunayan ng pananaliksik na ito na ang lahat ng katangiang iyan na taglay ng awit ay kailangan sa mabisang pag-aaral ng pangalawang wika. SONGS: Effective Use in Teaching Filipino as a Second Language Majority of students of Filipino as a second language are in the tertiary level. Many of them are foreign citizens from Korea, Japan, America and China who need to take up 9 units of Filipino as a prequisite for graduation. There are also a number of Filipino citizens who lack fluency in Filipino because they study in international schools or private schools where the main language of instruction is English. These students need to be taught as second language learners. This study will prove that songs are effective tools in teaching Filipino language and culture to second language learners. Songs encompass tone, pronounciation, narrative or chronological order of events, enumeration, and most importantly, emotions. This research will prove that songs encompass such content which are needed in effective second language acquisition.

42. Paolo Ven Bulaon Paculan Subject Area Coordinator, Ateneo de Manila High School serpao@gmail.com Perspektibang Atenista sa Wikang Filipino: Ang Sitwasyon sa Ateneo de Manila High School

Hindi na nila alam ang kahulugan ng puro at hardin. Hindi na nila memoryado ang Lupang Hinirang. Bagsak sila sa mga lumang pagsusulit. Nagbago na sila. Ito lamang ang kongklusyong maaaring marating ng guro ng Filipino sa Mataas na Paaralan tungkol sa kaniyang mga estudyante. Ngunit gaano kalaki ang pagbabago? Saan ito nanggaling? At ano ang epekto nito sa kanilang pagpapahalaga sa kanilang wika at sa pagtuturo nito? Upang masagot nang bahagya ang tanong na ito, nagsagawa ang Asignaturang Filipino ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila ng isang survey sa 280 mag-aaral sa Unang Taon, 200 sa Ikalawang Taon, 207 sa Ikatlong Taon, at 544 sa Ikaapat na Taon. Ilan sa mga nalaman sa pamamagitan ng survey ay ang sumusunod: pinakanakikita ng mga estudyante ang halaga ng pagbigkas sa Filipino; pinakaayaw naman nila ang Pagbabasa ng mga Tekstong Filipino; nawiwili sila sa pagbabasa, pagsusulat, at pagtatanghal ng Dulang Filipino; sa bahay at sa paaralan nila pinakanakaeengkuwentro ang Filipino; matindi ang pagsang-ayon nilang mahal nila ang Pilipinas. Ipinapakita ng pagsasaliksik na mahalagang makipag-ugnayan sa magulang upang madagdagan ang engkuwentro ng estudyante sa wikang Filipino; balikan ang silabo at tiyaking masusundo nito ang mga estudyanteng nasa tila mas malayo nang lugar; at pag-isipan kung paano gagamitin ang matinding pagkamakabayan ng mag-aaral upang gawin din silang matatas sa wikang nagbubuklod dapat sa bayang ito. Atenean Perspective on the Filipino Language: Ateneo de Manila High Schools Case They dont know the words puro and hardin anymore. They havent memorized the Lupang Hinirang. They get failing marks in recycled tests. Theyve changed. This is the only conclusion that a Filipino teacher in High School can come to about her students. But how big is the change? Where did it come from? And what effect does it have on their appreciation of their language and how it is taught? To begin to answer this question, the Filipino Subject Area of the Ateneo de Manila High School administered a survey to 280 First Year students, 200 in Second Year, 207 in Third Year, and 544 in 4th Year. Some insights from the survey are as follows: the students appreciate the study of speaking in Filipino the most; they dislike reading Filipino texts the most; they like reading, writing, and performing Filipino stage plays; they encounter Filipino the most at home and in school; they strongly agree that they love the Philippines. The study shows the value of asking the parents help to increase the students exposure to Filipino evaluating the Filipino language syllabi to ensure that students are fetched from a place that seems farther than expected; and thinking of ways to use the students nationalism to make them proficient in the language that should unite the country they love.

43. Ermilyn Perez Ramos Instructor, Saint Louis University School of Teacher Education Filipino Department ermilyn.ramos@yahoo.com Tradisyonal na Pamamaraan at Instruksiyong Modyular sa Pagtuturo ng Filipino: Isang Komparatibong Pagsusuri

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa paghahambing sa antas ng kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral sa College of Accountancy and Commerce ng Saint Louis University gamit ang instruksiyong modyular at ang tradisyonal na pamamaraan. Ito ay tugon sa pagtuklas ng makabagong estratehiya sa pagtuturo na mas makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ginamit ang deskriptibo at eksperimental na pamamaraan sa pananaliksik. Deskriptibo dahil inilarawan ang antas ng kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral at eksperimental sapagkat sinubukang tingnan kung alin ang mabisang pamamaraan sa pagtuturo ng Filipino 2 sa antas tersyarya. Pareho ang mga pagsusulit na naibigay sa mga mag-aaral na sumailalim sa paraang instruksiyong modyular at tradisyonal na pamamaraan kaya ang mga datos na nalikom ay nailathala at nailarawan sa pamamagitan ng mean, T-test at F-test. Lumabas na mas mataas ang mean score ng mga mag-aaral na sumailalim sa instruksiyong modyular kompara sa tradisyonal na pamamaraan at natuklasang may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral ayon sa kasarian ngunit walang makabuluhang pagkakaiba naman ayon sa pangkat etniko at natuklasang nahirapan ang mga mag-aaral sa mga gawaing aplikasyon. The focus of this study is to prove the effectiveness of the modular instruction as a strategy in teaching Filipino subject at Saint Louis University particular in the College of Accountancy and Commerce. The researcher compared two methods in teaching, namely the modular instruction and the lecture method. The said study is to answer the needs of creating new strategies of teaching that can help in the learning of the students. Descriptive-experimental method was used in order to describe the level of learning of the students and tested on what method was more effective in teaching Filipino 2 in tertiary level. T-test and f-test were used to analyze the data. The result shows that the students who underwent modular instruction got higher mean score than the students who were taught by the researcher-instructor using the lecture method. There was a significant difference on the level of the performance of the students according to gender but none according to ethnic group. Also, the students had difficulty in application activities.

44. Ralph Vincent Regalado Instructor/Graduate Student, De La Salle University-Manila rv.regalado@gmail.com Online Materials para sa Teksbuk sa Filipino bilang Pangalawang Wika

Dahil sa moderno at makabagong teknolohiya, ang mga materyales ngayon sa pag-aaral ay ginagawang software applications. Ang pagbabagong ito ay para masuportahan at mahikayat ang mga mag-aaral na nakasanayan at nakahiligan na ang mga bagong teknolohiya. Ang mga teknolohiya tulad ng web, mobile phones at tablets ay ginagawang midyum sa pag-aaral. Ang ilan sa mga teknolohiyang ito ay ginagamit upang suportahan ang mga libro at iba pang mga materyales sa silid-aralan dahil ito'y nakapagbibigay ng bagong karanasan sa pagaaral hindi lamang sa mga estudyante ngunit pati na rin sa mga guro. Ang papel na ito ay naglalayong ipresenta ang Bahaghari, isang media website na ginawa upang bigyang suporta ang mga mag-aaral ng librong "Bahaghari: Readings in Advanced Filipino" aklat na gawa ni Dr. Ruth Elynia Mabanglo. Developing Supplementary Online Materials for an Advanced Level Textbook in Filipino as a Second Language Due to the advancement of technology, learning materials nowadays are transforming from paperbacks into software applications. This migration is to support the new generation of students who are inclined with the new technologies. Web, mobile device and tablets are now being used as a tool to support learning beyond the classroom. Some of these technologies support printed materials and other resources in the classroom as they bring new user experience not only to the students but also to the teachers. This paper presents Bahaghari, a media website created to support the Bahaghari: Readings in Advanced Filipino textbook authored by Dr. Ruth Elynia Mabanglo.

45. Dr. Marvin R. Reyes Faculty/Prefect of Student Discipline, San Beda College (Mendiola, Manila) marvin_r_reyes@yahoo.com

Mula sa Sining ng Pakikipagtalastasan Hanggang sa Sining ng PakikipagCHAT-an: Paano Sasalubungin ng Wikang Filipino ang mga Wika at Imahen ng Facebook at Twitter? Nasa kasagsagan tayo ngayon ng pagharap sa katotohanan na nag-e-evolve na ang iba pang dimensiyon ng wika sa pamamagitan ng mga tinatawag na social networking sites. Dahil sa mga pagbabago ng panahon at pagunlad ng teknolohiya, nakikipagsabayan ang wikang Filipino kung paano pumapasok ito sa mga pagbabagong ito. Ilan lamang ang Facebook at Twitter sa mga social networking sites bilang mga outlet ng pagpapahayag ng mga iniisip, nararamdaman at naisasaloob. Dahil sa ganitong networking sites, nagagamit na rin ang layunin ng isang wika, lalo na ng wikang Filipino na pumasok sa ganitong makabago at alternatibong paraan ng komunikasyon. Subalit, tulad ng pagsabay sa post moderniti, ano ang espasyo ng wikang Filipino sa ganitong global at high-tech na paraan ng komunikasyon? Nagagamit ito subalit hanggang saan at gaano ka-epektibo? Sa bilis ng demand ng isang lipunang sosyo-linggwal, paano kaya matutumbasan ng wikang Filipino ang pag-evolve ng mga wika, maging ng mga imahen ng mga social networking sites? Bibigyang-linaw sa papel na ito kung paano makipagsabayan ang wikang Filipino sa pagbabago ng mga wika sa kasalukuyan sa agos ng post moderrniti at progreso ng teknolohiya. From Communication Arts to the Art of On-Line Chatting: How do Filipino Language will meet the Language and Images of Facebook and Twitter? We are now in the midst of facing the truth that the dimensions of language have been evolving all throughout and this time through the so-called social networking sites. Because of the fast phase changes in time as well as the progress of technology, Filipino language still pursuant not to left behind and trying to cope up with these changes. Facebook and Twitter are just two of the newest means of expressing the thoughts, feelings and insights of any individual. Because of these networking sites, the main usage of language, specifically Filipino language has adapted the newest and alternative way of communicating. But in the presence of post modernity, where is the space of Filipino language especially that we are in this global and high tech means of communication? It can be used by now, yes but up to what extent and how effective it is? In a very demanding socio-lingual society, how can Filipino language meets the expectation of the languages and images of these social networking sites? This paper will try to clarify how can Filipino language deal with the changes of languages in the flow of post modernity and in a high form of technology.

46. PANEL PRESENTATION Ideolohiya at Midyang Popular: Pagsisiyasat sa Kulturang Pilipino sa Larangan ng Romance Novel Translations, Tagalized Cartoons at Indie Films Rachelle Joy M. Rodriguez Part time Instructor, La Salle College Antipolo & STI College Marikina

Graduate Student, DFPP, CAL, University of the Philippines-Diliman rachellejoy@gmail.com Imported Kilig: Pagsusuri sa Pagsasalin ng Precious Hearts Romances ng Harlequin Romance Novels Nangunguna sa industriya ng romance novels sa bansa ang Precious Hearts Romances (PHR). Noong dekada 90, pinasok ng PHR ang pagsasa-Filipino ng romance novels ng Harlequin, isang internasyonal na kompanya ng romance novels at womans fiction. Ngunit dahil hindi tinangkilik ng mga mambabasa nito ang mga kuwentong may sensibilidad na banyaga o makakanluran, itinigil ng PHR ang pagsasalin. Makalipas ang halos dalawampung taon, sa muling pagsabak ng PHR sa pagsasalin, ibibilin na nito sa mga tagasalin ang akulturasyon, na siyang bubuo ng natatanging dalumat at danas ng romansa na umaayon sa kultura ng kilig ng mga Pilipina/o. Gamit ang formulaic romance writing bilang gabay, malalagom ang pagsasalin ng PHR para sa mga nobelang Harlequin sa limang punto: una, pagpapalit ng tagpuan, mga pangalan at ilang pangyayari; ikalawa, pagpapaikli ng buong salin; ikatlo, pagpapanatili sa wikang Ingles ng mga salita/bahaging may paglalarawan sa mga maseselang bagay; ikaapat, pagtatanggal ng detalyadong narasyon ng mga pagtatalik; at ikalima, paggamit ng Ingles na pamagat. Sumusunod ang mga saling nobela ng PHR sa laganap na kultura ng adaptasyon sa bansa sa kasalukuyan, tulad ng mga Pilipinong bersiyon ang Mexican telenovelas at Korean romantic series. (Nai)ibang kilig ang hatid ng Harlequin translations. Imported ang kilig ngunit wala naman talagang bago at (nai)iba kundi pag-uulit at perpetuwasyon lamang ng mga elementong ipapatangkilik ng mga negosyante sa mga mamimili. Isang patotoo ang Harlequin translations na kahit ang tradisyon at/o proseso ng pagsasalin ay pumapaloob pa rin sa usapin ng kita at mga ideolohiya, na ang siyang magtatakda ng patuloy na pag-iral at kinabukasan ng pagsasalin ng English romance novels sa wikang Filipino. Imported Kilig: An Analysis of the Precious Hearts Romances Translationsof Harlequin Romance Novels Precious Hearts Romances (PHR) is the leading company in the romance novel industry in the Philippines. In the 90s, PHR ventured in Filipinizing the romance novels of Harlequin, an international company of romance novels and womens fiction. But since its avid readers did not patronize stories with foreign or western sensibilities, PHR stopped the translations. Almost twenty years after, in PHRs second attempt in translation, it will instruct its translators to use acculturation, that would form the distinctive theory and experience of romance that adheres to the culture of kilig (loosely translated as romance) of Filipino(/a)s. Using the formulaic romance writing as guide, PHRs translation practices of Harlequin novels can be summarized into five points: first, the alteration and/or modification of the setting and/or places, names at some events; second, the abridgement of the whole translation; third, the retention the original English text that describe delicate, usually sexual, matters; fourth, the deletion detailed narrations of sexual acts; and fifth, the use of an English title. The translated novels of PHR follow the prevailing culture of adaptation in the country today, like the Filipino versions of Mexican telenovelas at Korean romantic series. Harlequin translations offer a different/unique brand of romance. Romance is imported; wherein Filipino readers get a glimpse of the culture or romance/romancing of other countries. But it is already known that in the discourse of popular culture and cultural studies, there really is not new and different/unique but only repetition at perpetuation of elements that businesses would make their consumers patronize. Harlequin translations is an affirmation that even the tradition and/or process of translation exists within the realm of capital and ideologies, that would define the existence and future of translations of English romance novels into Filipino language. Wennielyn F. Fajilan Instructor 2, Filipino Dept. Faculty of Engineering, University of Santo Tomas

Graduate Student, DFPP, CAL, University of the Philippines-Diliman wenniefajilan@gmail.com Pagwiwika para sa Batang Pinoy: Isang Panunuri sa Pagsasaling Pambata sa Tagalized Cartoons Biswal na literasi ang pangunahing anyo ng literasi sa kasalukuyan, na ang kaalaman ay dumadaloy sa ibat ibang anyo ng biswal na midya tulad ng Internet, telebisyon at pelikula. Kung kaya, ang midya lalo na ang telebisyon ay itinuturing na isa sa pangunahing bukal ng kaalaman kundi man tuwirang tagapagturo sa mga kabataang babad sa biswal na kultura. Mula noong dekada 90, naging popular na palabas para sa mga bata ang mga Tagalized Cartoons gaya ng Peter Pan, Sarah: Ang Munting Prinsesa, A Dog of Flanders pati ang mga anime tulad ng Sailormoon, Doraemon, Slamdunk, Ghostfighter at iba pa. Sa pamamagitan ng dubbing sa Filipino naabot ng mga banyagang palabas ang mga batang manonood. Layunin ng papel na himayin ang mga pangunahing teknik sa pagsasalin na isinasagawa sa mga Tagalized cartoons upang matimbang ang hayag at di-hayag na mga pananaw-pambata sa mga tekstong ito. Ideolohikal ang pagsasalin. Isa itong malay na paglikha para sa isang tiyak na uri ng mambabasa. Tuwiran at di uwirang nililikha sa Tagalized cartoons ang mga ideolohiyang pambata. Mahihinuha ito sa diyalogong nalilikha ng pagsasalin ng mga pasalitang pahayag kaugnay ng mga elementong biswal ng palabas. Bibigyangtuon din ng papel ang anyo at halagahan ng kulturang pambatang nalilikha ng mga Tagalized cartoons. Magbubukas ito ng kritikal na pagsipat sa mga anyo ng ideolohiyang pambata na sabayang pinapalaganap at nagsasantabi sa iba pang anyo ng ideolohiya sa lipunang Pilipino. Kaugnay nito, higit na kailangang tingnan, timbangin at suriin kung paanong ang pagsasaling pambata ay hindi na lamang pagsasaling-wika kundi isa ring pagsasaling-lahi at pagsasaling-kultura. Speaking for the Filipino Child: An Analysis of Translations for Children in Tagalized Cartoons Visual literacy is the major form of literacy today where knowledge flows through different forms of visual media like the Internet, television and film. Thus, media, especially the television, is considered as one of the major sources of information, if not a teacher to the youth highly immersed in visual culture. Since the 1990s, Tagalized cartoons like Peter Pan, Sarah: Ang Munting Prinsesa, A Dog of Flanders and anime programs such as Sailormoon, Doraemon, Slamdunk, Ghostfighter, etc. have become popular shows for children. With the aid of dubbing in Filipino, these shows were able to reach the child audience. The paper aims to study the major translation techniques employed in the Tagalized cartoons in order to evaluate the explicit and implied views on children. Translation is ideological. It is a conscious act of creating for certain type of readers. Tagalized cartoons directly and indirectly creates ideologies on childhood. These ideologies are implied in the dialogue between the dubbed text and the visual images. The paper will also discuss the characteristics of the culture for children that the text creates. This paves way for a critical study of the forms of ideologies on children that these texts propagate while at the same time discriminate against other forms of ideologies in Philippine society. In connection with this, there is a need to read, evaluate and analyze as to how translations for children transcend translation of language and become translation of culture. Rosemarie Omnes Roque Instructor 2, DAC, CAS, University of the Philippines-Manila Graduate Student, DFPP, CAL, University of the Philippinrd-Diliman rosemarieroque@gmail.com

Pagsibol ng Sineng Bayan: Pagsusuri sa Piling Likha ng Politikal na Kolektibong Pampelikulang AsiaVisions Sa nakalipas na dekada, tinatayang 70-80% ng nililikhang pelikula sa bansa ay itinuturing na pelikulang independiyente/indie (Cinemalaya 2010). Kaya't tila naituturing nang mainstream ang mga indie. Ngunit sa maagang yugto pa lamang, may pagpuna na sa mainstreaming ng mga pelikulang indie, partikular sa pagpasok ng mga ito sa mga komersiyal na sinehan at pagdiin sa manonood na makapagbabayad ng tiket ng sine. Malayo na ito sa panuntunan ng indie bilang pelikulang alternatibo -- hindi nakukupot sa komersiyal na filmmaking at umiiral sa labas nito. Sa ganitong pagkakataon, napapanahon nang ipatampok ang mga pelikulang indie na sa kaibuturan, ayon kay L. Tiongson (1986), ay dapat hindi para sa tubo, para sa purong libangan, o para sa pagpapalaganap ng ilusyon. Isang tampok ang AsiaVisions Media Foundation (AVMF) na itinatag noong maagang bahagi ng dekada '80. Bahagi ang grupo sa ilang indie filmmaker na nagdala ng kamulatang panlipunan at nakaikha ng Sineng Bayan para ilantad ang mga katotohanan na sinikil ng noo'y midya at organisasyong maka-Marcos. Dahil sa lumalakas na kilusang protesta ng panahong nabanggit, ayon kay R. Iglesias (1984), nahubog ang filmmaking bilang isang sining gerilya sa kamay ng mga progresibong artista na nakakapagrekord ng katotohanan sa kanilang mga pelikula at video na nagiging pinakaepektibong propaganda. Ito ang simula ng isang Sineng Bayan may kolektibong tagapagtangkilik. Tampok ang mga likha na Arrogance of Power (1983), No Time for Crying (1986), Beyond the Walls of Prison (1987), Mendiola Massacre (1987), at Isang Munting Lupa (1989), maaarok ang esensiya ng Sineng Bayan sa lapit at perspektiba ng Third Cinema. The Rise of People's Cinema: An Analysis of Selected Political Films by AsiaVisions Media Foundation In the last decade, around 70-80% of films made in the country are considered independent films/indie (Cinemalaya 2010). Seemingly, indie films are now the new mainstream in terms of quantity. However, at the onset, this mainstreaming is already being criticized, particularly the entry of these films to commercial cinemas and the penchant for ticket buyers, the paying audience. Such is far from how indie films were defined before, as alternative films that are free from capital and exist outside mainstream commercial filmmaking. In this light, it is timely to highlight indie films that are at the very essence, as L. Tiongson (1986) pointed out, alternative films that are not for profit, for pure entertainment, or for peddling illusions. A forerunner is AsiaVisions Media Foundation which was founded in the early '80s. This political film group was among the few indie filmmakers of that time who were socially aware and created a People's Cinema to expose the truth suppressed by the then pro-Marcos media. Because of the growing people's protest movement of that time, as stated by R. Iglesias (1984), filmmaking became a guerrila art in the hands of progressive artists who recorded the truth in their videos/films which in turn became very effective for propaganda. This was the start of a People's Cinema with a collective patronage. Focusing on the works Arrogance of Power (1983), No Time for Crying (1986), Beyond the Walls of Prison (1987), Mendiola Massacre (1987), at Isang Munting Lupa (1989), one will grasp the essence of People's Cinema via Solanas and Gettino's (1976) Third Cinema.

47. David Michael M. San Juan Instructor, Filipino Department, De La Salle University-Manila dmmsanjuan@gmail.com

Awitalakay: Estilong Kahulugan, Kasaysayan, Kabuluhan at Kaugnayan (4K) Tungo sa Multisiplinaring Pagtuturo ng/sa Filipino May angking potensiyal ang mga awitin sa pagtuturo ng wika at panitikan. Itinuturing na bukod na literary genre ang mga awit at higit na madaling tandaan ang mga salitang may saliw na himig. Maaari ring gamitin ang mga awit sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Bukod dito, mahalaga rin ang gampanin ng mga awitin sa pagtatala ng kasaysayan ng mga kilusang panlipunan. Bawat panahon sa kontemporaryong kasaysayan ng bansa, mula sa Rebolusyong 1896 hanggang sa mga nagdaang aklasang-bayan sa Edsa (People Power), marami nang awitin ang nilikha upang itala ang kolektibong saloobin, damdamin, tuwa, hinagpis, pag-asa at dalamhati ng sambayanang Pilipino. Ang imahinasyon ng mga komposer ay di maipagkakailang imahe ng nasyon. Samakatwid, may potensyal sa pagtataguyod ng multisidiplinaring pagtuturo ng/sa Filipino ang mga awitin. Sa pangkalahatan, layunin ng papel na ito na gawing accessible at intelligible sa mga kabataang Pilipino ang mga makasaysayan at/o makabuluhang awiting Filipino sa pamamagitan ng estilong Kahulugan, Kasaysayan, Kabuluhan at Kaugnayan (4K) na sasaklaw sa isang bagong-lumang estratehiya sa pagtuturo na iminumungkahing tawaging Awitalakay. Susuriin ng papel na ito ang ilang kontemporaryong awiting magagamit sa pagtuturo ng ibat ibang aralin sa Filipino (wika man o panitikan) sa pamamagitan ng kontekstwalisasyong kahawig ng ginawa ni Dr. Teresita Gimenez-Maceda (1996) sa kanyang disertasyon hinggil sa mga awitin ng Partido Sosyalista ng Pilipinas at ng lumang Partido Komunista ng Pilipinas. Lalapatan ng estilong 4K ang bawat awit upang maging malinaw sa mga guro kung paano gagamitin sa pagtuturo ang mga makasaysayan at/o makabuluhang awiting Filipino. Awitalakay: Meaning, History, Significance and Relevance (4K) Strategy Towards a Multidisciplinary Approach to Teaching of/in Filipino Songs have innate potential in teaching language and literature. Songs are considered as a separate literary genre and their lyrics and tune are easy-to-remember. Songs can be also used in vocabulary development. Moreover, songs play an important role in recording the history of social movements. Every period in the contemporary history of the country, from the 1896 Revolution to the past People Power Uprisings at Edsa, many songs have been created to record the collective emotion, happiness, sadness, hope and lamentation of the Filipino people. The imagination of the composers undeniably mirrors the image of the nation. Thus, songs have a potential in promoting a multidisciplinary approach to teaching in/of Filipino. This paper is aimed at making historical and/or meaningful Filipino songs accessible and intelligible to the Filipino youth through the Kahulugan, Kasaysayan, Kabuluhan at Kaugnayan/4K (Meaning, History, Significance and Relevance) strategy that will encompass an old-new scheme that this researcher proposes to be called as Awitalakay (SongDiscussion). This paper will analyze selected contemporary songs that can be utilized in teaching various lessons in Filipino (language and/or literature) through a contextualization similar to what Dr. Teresita GimenezMaceda (1996) had accomplished in her dissertation on the songs of the Socialist Party of the Philippines and the old Communist Party of the Philippines. The 4K strategy will be applied to every selected song so as to clearly demonstrate how teachers can use this scheme in teaching historical and/or meaningful Filipino songs.

48. Paul Julian Santiago Sub-Topic for Panel Member: Graduate Student, Osaka University paul.santiago@yahoo.com

Pagbuo ng Isang Ideal na Diksyonaryong Hapon-Filipino Ilalahad sa pag-aaral na ito ang ideal na komposisyon ng isang diksyonaryong may layong tulungan ang dayuhang mag-aaral, partikular na ang mga estudyanteng Hapon, sa kanilang pag-aaral ng wikang Filipino. Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga estudyanteng Hapon ng Japanese-English Dictionary at English-Filipino Dictionary kapag nagsasalin ng pangungusap mula sa wikang Hapon tungo sa Filipino. Ang pagdaan sa Ingles sa tuwing nagsasalin ay nagreresulta sa ilang pagkakamali at nangangailangan ng dobleng pagsisikap sa pag-aaral ng Filipino. Samakatuwid ay kailangan ng isang diksyonaryong Hapon-Filipino na dinisenyo para sa mga mag-aaral na dayuhan. Natuklasan sa pananaliksik na ang isang ideal na Filipino Learners Dictionary ay dapat may (1) isang komprehensibong grammar notes sa unang bahagi ng diksyonaryo (2) gramatikal na impormasyon ng bawat entry word na ilalatag sa isang hiwalay na column (3) sapat na halimbawang pangungusap na madalas gamitin sa pangaraw-araw na pakikipag-usap at salin nito sa L1 ng gagamit (4) karagdagang pagpapaliwanag sa mga salita at gramatika kung saan nahihirapan ang mga mag-aaral. Mahalaga ring magkaroon ng malinaw na pamantayan sa pagpili ng mga entry word na isasama sa diksyonaryo at sa pagpapasya ng antas (level) ng bokabularyo batay sa dalas ng paggamit nito. Upang mapatunayan ang kahalagahan at bisa ng mga katangiang ito, nagsagawa ng isang eksperimento na susukat sa kakayahang pangbokabularyo ng mga estudyante. Isang grupo ng mga estudyante ng Philippine Studies Program ng Osaka University ang bumuo ng mga pangungusap sa Filipino at nagsalin sa Filipino, una gamit ang mga diksyonaryong ginagamit nila sa kasalukuyan. Pagkatapos ay uulitin nila ang gawain gamit naman ang isang modelong learners dictionary na aking binuo. Lumilitaw na ang paggamit ng Japanese-Filipino learners dictionary ay nagresulta sa mas wasto at natural na Filipino. Compilation and Composition of an Ideal Japanese-Filipino Learners Dictionary This study presents the ideal composition and structure of a Filipino dictionary which aims to help foreign learners, Japanese learners in particular, improve their acquisition and production of Filipino. Up until now, Japanese students use Japanese-English Dictionary and English-Filipino Dictionary when translating words from their first language (L1) to Filipino. Using English as an intermediary language results to errors and mistranslations and doubles the effort needed when studying the target language; hence the need for a JapaneseFilipino dictionary designed for foreign learners. I will argue that an ideal Filipino Learners Dictionary must have; (1) a comprehensive grammar notes of Filipino at the first part of the dictionary explained in the users L1; (2) grammatical information of entry words provided in a separate column; (3) sufficient sample sentences frequently used in everyday conversation and translating it into the users L1; (4) additional explanation for certain words and grammar points that students find difficult to grasp. It is also important to have clear criteria for choosing the entry words that will be included in a learners dictionary and determine the level of the vocabulary based on the frequency of its usage. To support the importance of these characteristics, an experiment testing grammatical accuracy and semantic-pragmatic appropriateness was conducted. A group of students from the Philippine Studies Program of Osaka University constructed Filipino sentences and translated Japanese sentences into Filipino, first using the dictionaries they have been using in the past and then using a model learners dictionary that I made. The data show that using the Japanese-Filipino learners dictionary reduced grammatical and pragmatic errors and produced sentences that demonstrate actual usage of Filipino language by native speakers. Masanao Oue Osaka University ooue@lang.osaka-u.ac.jp Pagpapahusay ng Pagtuturo ng Filipino sa mga Estudyanteng Hapones

Pokus sa Pagtuturo ng Gramatika Tatalakayin sa papel ang ibat ibang suliranin sa pagtuturo ng wikang Filipino sa mga estudyanteng Hapones, lalo na sa larangan ng gramatika batay sa karanasan ng mananaliksik sa nakaraang mga dalawampung taong pagtuturo sa Osaka University of Foreign Studies at Osaka University at sa mga pagkakamaling nagagawa ng mga estudyante. Sa gramatika ay may mga bagay na mahirap maintindihan para sa mga estudyanteng Hapones tulad ng mga sumusunod: 1. order ng mga enclitic 2. pokus ng pandiwa 3. pagkakaiba ng pandiwang nangangahulugan ng 1) sinadya at hindi sinadya 2) kakayahan at kalagayan, at intransitibo at transitibo 4. mga pangungusap na hindi lumilitaw ang ANG na topic marker tulad ng existential (May, Mayroon, Wala), pseudo verb (Gusto, Ayaw, Kailangan, Kaya at iba pa), adjectival sentence na ginagamitan ng pang-uring kinakabitan ng unlaping NAPAKA-),recent perfective (Ka-), at mga may kinalaman sa panahon (oras at kalagayan ng panahon) 5. pandiwang kausatibo na kinakabitan ng panlaping PA6. mga relative clause tulad ng Ito ang kompyuter na ibinigay sa akin ng lolo ko 7. mga pandamdam (ay, hay naku, aba at iba pa) at mga sentence-final particle tulad ng a, e, o, ha na mahirap makasanayan. Dahil kulang ang mga estudyante sa balik-aral at ensayo, gumawa ng bagong teksbuk na may marami-raming ensayo para hindi lang sila masanay sa mga bagong grammar item kundi mapanatili na rin nila ang kanilang pinag-aralan. Teaching Filipino Grammar to Japanese Students The paper will discuss the problems faced in teaching the Filipino language to Japanese students, especially the grammar, based on the researchers 20- year experience in teaching Filipino in Osaka University of Foreign Studies and Osaka University, and the mistakes that students usually make. Japanese students find it difficult to understand the following:
1. order of enclitics 2. focus of verb 3. difference between (1) volitional and non-volitional verbs, (2) potential and stative verbs and (3) transitive and intransitive verbs; 4. sentences wherein the topic marker ang does not appear, such as existentials (may, mayroon, wala), pseudo-verbs (gusto, ayaw, kailangan, kaya etc), adjectival sentences that have adjectives with the prefix napaka-, recent perfective (ka-), and weather-related sentences (time and weather condition). 5. causative verbs using the affix pa6. relative clauses such as Ito ang kompyuter na ibinigay sa akin ng lolo ko; 7. interjections (ay, hay, naku) and sentence-final particles such as a, e, o, ha, which are difficult to master.

A new textbook that has more exercises for students was developed to let students get accustomed to new grammar items, and retain what they have learned. Dr. Galileo S. Zafra Visiting Professor, Osaka University galileozafra@yahoo.com

Pagtunton sa Karanasan ng mga Estudyanteng Hapon sa Philippine Studies Program: Tuon sa Osaka University Isa sa 22 programang pangwika sa Osaka University ang wikang Filipino. Taon-taon, tumatanggap ng 15 estudyanteng Hapon sa Philippine Studies Program ng Unibersidad. Sa papel na ito, ilalahad ang mga karanasan ng mga estudyanteng kumukuha ng Philippine Studies sa Osaka University. Itutuon ang papel sa bisa ng programa habang nag-aaral at pagkatapos mag-aral ng mga estudyante. Sa panimulang pagsisiyasat, ilang tunguhin ang lumilitaw. Ang mga estudyanteng nag-aaral pa ay nagiging supporter sa mga estudyanteng Filipino na naninirahan na sa Japan. Napakahalaga ng papel ng mga supporter na ito dahil natutulungan nila ang mga estudyanteng Pilipino na umangkop sa kanilang gawain sa eskuwelahan habang hindi pa sila marunong magsalita at magbasa sa wikang Hapon at habang nagsisimula pa lamang silang matutong mamuhay sa Japan. Samantala, ang mga nagtapos na ay nakahanap ng trabaho sa mga kompanyang may kinalaman sa Pilipinas, nagiging tagasalin o interpreter sa korte at sa polisya, o pumapasok sa gradwadong programa na magkakaroon ng kaugnayan sa Pilipinas. Maituturing na pambihira ang mga panimulang naitalang karanasang nabanggit lalot kung iisipin na sa simula ng programa ay halos walang motibasyon ang mga estudyante sa pag-aaral ng Philippine Studies. Kaya para maliwanagan ang pagbabagong ito sa kamalayan ng mga estudyante, lilinawin din sa papel na ito ang mga kontekstong personal, akademiko, panlipunan at pangkasaysayang kinapapalooban ng mga estudyante. Para sa pangunahing layunin ng pag-aaral, ginamit na metodo ng pananaliksik ang interbyu (harapan at online) sa mga estudyanteng Hapones sa nakalipas na tatlong taon, bagaman maaari ring magdagdag ng datos mula sa mas naunang mga estudyanteng nagtapos sa programa. Para sa pagsisiyasat ng konteksto, ininterbyu naman ang mga propesor na Hapones na nagpasimuno at nagdevelop ng Philippine Studies program sa Osaka University of Foreign Studies at Osaka University (simula 2007). Charting the Experience of Japanese Philippine Studies Students: Focus on Osaka University One of the 22 language programs in Osaka University is Filipino. Every year, the University admits 15 Japanese students to the Philippine Studies Program. This paper will relate the experiences of the Philippine Studies majors of Osaka University. Specifically, it will give an account on the impact of the program during and after their studies. From the initial data gathered, several observations can be made. Several students who are currently enrolled in the program served as supporters to Filipino children born in the Philippines and who have moved to Japan. The supporters gave valuable assistance to Filipino children as they try to cope with their studies while learning to speak, write and read in Japanese. Those who have graduated have found jobs in companies that have connections in the Philippines, while some served as translators or court and police interpreters, or enrolled in graduate programs that will allow them to practice their expertise in the Philippines. These initial findings are notable considering that when students enter the program, there is almost no motivation in studying the language. To offer an explanation on the change in attitude towards the program, the paper will shed light to the students personal, academic, social and historical contexts. This ongoing study relies on face-to-face and online interviews with Japanese students for the past three years, as well as from students who have graduated in recent past. Several Japanese professors were also interviewed to provide data on the beginnings and the development of the Philippine Studies Program in Osaka University. 49. Dr. Marilou M. Saong Subject Head, Chemistry Department, University of Baguio, Gen. Luna Rd., Baguio City marilousaong@yahoo.com Dr. Amelia E. Punzalan

Science Education Specialist, UP NISMED, Diliman, Quezon City amy.punzalan@gmail.com Pagkatuto ng Wika sa College Organic Chemistry Ingles ang wikang ginagamit na midyum sa pagtuturo sa halos lahat ng antas ng edukasyon sa Pilipinas lalo na sa mga kolehiyo, subalit wala pa ring sapat na pag-aaral na nagpapatunay na epektibo ang wikang Ingles sa pagkatuto. Malaking hamon sa mga guro ng agham para matutuhan ng mag-aaral ang mga kasanayan at konsepto nito lalo pa ngat wikang Ingles ang gamit na midyum sa pagtuturo at pagkatuto. Kailangan ng mag-aaral ang kasanayan sa Ingles at ang lubos na pagkaunawa sa mga konsepto sa agham. Sa pag-aaral na ito, pinagkompara ang academic achievement ng dalawang seksiyon ng pangkolehiyong organic chemistry; ang rol grupong kontrol ay tinuruan sa Ingles samantalang Filipino naman ang ginamit sa grupong eksperimental. Lumabas sa nadevelop na instrument sa kasanayan sa wika na pantay ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa dalawang seksiyon sa wikang Ingles at Filipino na binubuo ng 29 na mag-aaral sa una, at 27 sa pangalawa. Lumalabas sa pagsusuri ng mga naging resulta ng mga quiz at pagsusulit na significant na mas mataas ang academic achievement ng experimental group na gumamit ng bilinggwal na Filipino at Ingles kaysa sa control group na Ingles lang ang ginamit. Sa experimental group, may pagkakaugnay ang academic achievement at ang kahusayan ng mga bata sa Ingles at Filipino. Samantalang sa isang grupo, sa Ingles lang may kaugnayan ang academic achivement. Higit pa rito, mataas ang pagsuporta ng mga gumamit ng Filipino at Ingles sa dalawang wikang ito bilang midyum ng pagtuturo at pagkatutuo. Napatunayan sa pag-aaral na ito na nagbigay ng malaking kapakinabangan sa mag-aaral ng organic chemistry ang paggamit ng wikang Filipino at Ingles. Effects of Language in Learning College Organic Chemistry English is used as a second language across the Philippine curriculum including the tertiary level but literature still lacks evidence concerning the effectiveness of the use of English in science teaching. Science teachers are faced with a challenge because students who use English as a second language have at least two major tasks to accomplish: 1) they must learn English, and 2) they must learn new knowledge contained in that language. In the light of the ongoing advocacy for bilingual instruction, the study compared the academic achievements of two intact college organic chemistry classes where one was taught using monolingual English instruction (control group), while the other was taught using bilingual instruction (experimental group). Both groups were comparable in their high level of English and Filipino proficiencies before and after the treatment. There were 29 students in the control group and 27 in the experimental. Quantitative and qualitative analyses of quizzes and examinations revealed that majority of the students from the experimental group had shown support to bilingual instruction with the use of Filipino and English languages in teaching organic chemistry. The mean gain scores of the two groups were significantly different, with the experimental group achieving a higher gain. In the experimental group, there were significant positive correlations between academic performance and English and Filipino language proficiencies. While in the control group there were significant positive correlations between academic performance and English language proficiency. The results of the study show that students in the experimental group were not disadvantaged by bilingual teaching instead it resulted in several benefits on the part of the Filipino learner.

50. Crizel Pascual Sicat Senior Lecturer, Miriam College/PhD Student, University of the Philippines-Diliman crizel_sicat@yahoo.com.ph Politika at Ekonomiya ng Wika: Neoliberal na Patakarang Pangwika ng Edukasyon sa Pilipinas

Hindi maihihiwalay ang politika at ekonomiya sa pagsusuri ng kasalukuyang lagay ng wikang Filipino. Palalawigin ang proposisyong nakabatay sa neoliberal na polisiya ng pamahalaan sa ekonomiya at politika ang produksyon at reproduksyon ng lehitimong wika. Nakabatay ito sa pagteteorya ng wika at simbolikong kapangyarihan ni Bourdieu (1991) at kaisipan nina Marx at Engels. Hahalaw ng pagdulog ang pag-aaral na ito sa mga nauna nang iniakda hinggil sa kalikasan ng neoliberalismo sa sector ng edukasyon at komodipikasyon ng wikang Ingles sa neoliberalistang pagpaplanong pangwika. Nakakonteksto ang mga nabanggit na pag-aaral sa nakaraang administrasyong Arroyo. Nilalayon ng panibagong pag-aaral na ito na imapa ang mga panibagong pag-unlad sa patakarang pangwika ng edukasyon sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Aquino at suriin ang ilang kritikal na isyu sa kasalukuyang politikal at ekonomikong kalagayan ng wikang Filipino. Susuriin ang posisyon ng wikang pambansa sa 10-point Basic Education Agenda ni Pangulong Aquino kasabay ng binagong kurikulum ayonb sa K12 at MLE. Politics and Economy of Language: Neoliberal Language Policy of Philippine Education Politics and economy should be both considered in analyzing the current state of the Filipino language. It will elaborate the proposition that production and reproduction of legitimate language is based on the neoliberal policy of the government in economy and politics. This study is based on the theorizing of language and symbolical power by Bourdieu (1991) and the ideologies of Marx and Engels. This study will refer to previous studies about the nature of neoliberalism in the education sector and the commodification of the English language in the neoliberali language planning framework contextualized in the previous Arroyo administration. This new study aims to map the new developments in language policy in Philippine education under the Aquino administration and analyze some criticial issues in the current political and economic states of the Filipino language. It will examine the position of national language in the 10-Point Basic Education Agenda of President Aquino in the time of curriculum revision based on K12 and MLE.

51. Ronald Verzo II and Aidel Paul Belamide Co-adviser and Chair, Board of Directors, Cavite Young Writers Association, Inc. rverzo@gmail.com, psylac_hood@yahoo.com, cavyoung@gmail.com Mga Puwersang Umiiral sa Milieu at Ugnayang Pang-organisasyon:

Ang Karanasan ng Cavite Young Writers Association Ang Cavite Young Writers Association ay isang organisasyon ng malikhaing mga manunulat ng Cavite na community-based at youth-oriented. Sa pagpapahalaga at pagpapaunawa sa mga kalinangan ng Cavite sa paglikha ng panitikan at sa pagpaparami ng available na panitikan ng Cavite, naitataguyod ng CYWA ang mga hangarin at saloobin ng mga kabataan ng Cavite. Nagsasagawa ang organisasyon ng mga palihan, naglilimbag ng mga babasahin, at nagtatanghal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at ibat ibang grupong pansining. Ang grupo ay nasa pamamatnubay ng mga tanyag na manunulat ng Cavite, kabilang na sina Dr. Efren Abueg at Jimmuel Naval at Propesor Eros Atalia. Iginigiit ng pananaliksik na ito na ang mga proyektong pangwika at pampanitikan ay inuugit ng milieu ng lipunan at ng samahan. Ang mga proyekto ay konkretong pagpapahayag ng mga karanasan ng samahan sa lipunan, at ng pag-unawa nito sa kanyang kakayahan at kalagayan. Ang mga iyon ay mga malikhaing pamamaraan ng samahan upang ilantad sa taumbayan ang mga puwersang panlipunan at ang kakayahan nito na tugunan ang mga puwersang ito. Isinusulong din ng pananaliksik na ito na ang pag-unawa sa ugnayan ng lipunan at samahan ay mahalaga sa pagtukoy ng samahan sa mga layunin nito, at sa pagbuo ng mga proyektong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga taong nais nitong paglingkuran. Dynamics of Milieu and Organization Relations: Case of Cavite Young Writers Association The Cavite Young Writers Association (CYWA) is a community-based and youth-oriented literary group in Cavite. It aims to promote the appreciation and understanding of the cultural traditions of Cavite and the production and reproduction of literature as a medium of expression of the interests and aspirations of the youth. It conducts workshops and conferences, publishes literary folios, and stages cultural shows through linkages with the government and other art groups. It is under the guidance of prominent Caviteo writers including Drs. Efren Abueg and Jimmuel Naval and Professor Eros Atalia. This paper asserts that language- and literature-oriented projects are shaped both by the social milieu and by the organization. The projects are concrete expressions of the organizations experiences in its milieu and its understanding of own potentials and positions. The projects are the creative means of the organization to make visible to the public the social forces that affect them and its power as a group in responding to these forces. The paper also contends that understanding the dynamics of the relations between the social milieu and the organization is necessary to enable the organization to determine their objectives clearly and to craft projects that are more responsive to the needs of their clientele.

52. Vasil Agong Victoria Ph.D. Student, DLSU-Manila b_bical@yahoo.com Pagsipat sa Gamit ng Wikang Filipino sa Ibat Ibang Pasulat na Adbertismo Gamit ang Tuntuning Retorika at Ortograpiyang Filipino

Laman ng papel ang pagtalakay sa gamit ng Filipino sa ibat ibang adbertismong nababasa sa ibat ibang lugar sa Maynila. Layunin ng diskurso na: (1) mailarawan at masuri ang gamit ng wikang Filipino sa mga pasulat na adberstismo; (2) maitama ang kamaliang ito sa tulong ng Gabay sa Ortograpiyang ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2009 gayundin ang Wastong Gamit ng Salita upang maging mabisa ang isang pahayag; (3) maisa-isa ang madalas na kamalian sa Filipino at (4) makapagmungkahi ng mga paraan upang labanan o masupil ang ilang paglabag sa mga tuntuning panggramatika at panretorika sa wikang pambansa. Halos 100 adbertismo ang kinunan ng larawan ng mananaliksik. Ipakikita sa aktuwal na presentasyon ang ilang mali sa gamit ng wikang Filipino ayon sa tuntunin ng Retorika o Masining na Pagpapahayag gayundin gamit ang Gabay sa Ortograpiyang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2009. Lumalabas sa pagsusuri ang madalas na kamalian sa wikang Filipino sa ibat ibang adbertsimong pasulat: (1) ang gamit ng gitling; (2) ang gamit ng raw/rito/roon/rin laban sa daw/dito/doon/din; (3) gamit ng ng at nang; (4) ang makabagong ispeling na pinagtitibay ng KWF Gabay 2009 sa mga salitang hango sa Espanyol; (5) pag-uulit ng salita; (6) kung kailan may diptonggong I at U ang isang salita; (7) ang magkakatabing malakas na patinig; (8) ang panghihiram ng mga salitang banyaga; (9) gayundin ang pagpaparami ng pangngalan. Naging kongklusyon ng papel na sa kabila ng patuloy na pagsusumikap na magkaroon ng iisang paraan ng pagsulat sa Filipino, lumalabas na wala pa sa estandardisadong anyo ang pasulat na diskurso sa wikang Filipino sa kasalukuyang konsteksto lalo na sa mga pasulat na adbertismo. Analysis of Advertisements in Filipino This paper discusses the use of Filipino in advertisements spread around Manila. It aims to 1) describe and analyze the use of the Filipino language in written advertisements; 2) correct errors using the Gabay sa Ortograpiya (Guide in Orthography) published by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF-Commission on the Filipino Language) in 2009 as well as the Wastong Gamit ng Salita (Correct Usage of Words) to make discourse more effective; 3) identify the common errors in Filipino and 4) suggest ways to avoid committing grammatical and rhetorical errors in using the national language. The researcher took pictures of almost 100 advertisements. Some errors in the use of the Filipino language will be presented in the actual discussion based on the guidelines in Rhetorics or Creative Expression and with reference to the Gabay sa Ortograpiyang Filipino of the Komisyon sa Wikang Filipino released in 2009. Through the analysis of different written advertisements, the common errors in the use of the language were revealed: 1) use of hyphen; 2) the use of raw/rito/roon/rin as compared to daw/dito/doon/din; 3) the use of ng and nang; 4) the new guidelines for spelling introduced by the 2009 KWF Guide for words derived from Spanish; 5) duplication of words; 6) the presence of the diphthongs I and U in a word; 7) consecutive voiced vowels; 8) loan words from other languages; 9) and the pluralization of nouns. This paper concludes that despite efforts to follow a uniform system of writing, it appears that written discourse in Filipino is not yet in standard form considering the present context especially in written advertisements.

53. Voltaire M. Villanueva DLSU-Manila & UST villanuevavoltaire8@gmail.com Panimulang Pag-aaral sa Varayti ng Tagalog-Pateros sa Domeyn ng Balutan

Sa bayan ng Pateros, ang varayti ng wika sa domeyn ng industriya ng balutan ay magiging kuhanan ng datos upang mailarawan, maugat at masuri ang kahalagahan ng wika. Ang wika ng balutan ang magiging impukan at kuhanan ng mayamang karanasan, kultura at kasaysayan ng bayan ng Pateros. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay masusuri ang kakanyahang Pateros mula sa batis sa industriyal na register o leksikal na aytem ng domeyn ng balutan ng Pateros bilang mahalagang bahagi ng kabuuan at pagkakakilanlan ng munting bayan at pagpapayabong ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtatala ng leksikal aytem ng mga salita sa domeyn ng balutan na mayroong malaking kaugnayan sa pangkalahatang kaakuhan ng Pateros. Ang mga salitang naitala mula sa produksyon, distribusyon, at konsumpsyon sa industriya ng balutan ay makapag-aambag sa pagpapayaman ng wikang pambansa. Gamit ang etnograpikong dulog sa pananaliksik sa pamamagitan ng malalimang pakikipanayam sa taong may kaugnayan sa pagbabalut (may-ari, manggagawa, nagtitinda, mamumulot ng itlog, bumibili). Ang pagtatala at pagsusuri ng mga salita ang ginamit upang tukuyin at suriin ang mga leksikal na aytem mula sa domeyn ng balutan. Natuklasan sa pananaliksik na ang wika sa domeyn ng balutan ay ginagamit, nauunawaan ng mga mamamayan at bahagi ng kaakuhan ng varayti ng Tagalog-Pateros. Tagalog-Pateros Variety in the Domain of Balutan Pateros, as the smallest town in Metro Manila has a distinct industry which has become part of their identity. However, geographical landscape has generally deteriorated. Thus, the language in the domain of balut industry is endangered. In Pateros, the language variety used in the balut industry serves as the foundation that describes, analyze, and evaluate the importance of language. Furthermore, the language in the balut industry will be the repository of the rich experience, culture, and history of the town of Pateros. The distinct identy of Pateros and its language register/ lexical items in the domain of the balut industry will be enhanced and that will lead to the growth of national language. This research aims to identify and list down the lexical items in the balut industry which influence the identy of Pateros. The words that emanate from the production, distribution, and consumption considered as major processes of the industry can contribute to the flourishing of the national language. This study primarily used ethnographic method. Interview with people connected with balut specificall original families connected ( owners, workers, vendors, consumers) were conducted. Transcription and lexical anlysis were used to identified the lexical items and validate their usage. The key finding of the research higlights tha fact that language from the domain of balut industry understood and still used by the townfolks.

54. Leonora Lugtu Yambao Filipino Professor, Angeles University Foundation, Angeles City nhoryambao@yahoo.com Pagsasalin ng Nobelang Kapampangang Lidia ni Crisostomo Soto

Isa sa mga mahahalagang kaalamang dapat pag-ukulan ng pagpapahalaga sa pagsasalin ay ang panitikan na salamin ng nakaraan para sa paghahanda sa kinabukasan. Ang pagsasalin ng mga panitikan sa mga katutubong wika sa Pilipinas ang tanging paraan upang magkaroon ng iisang panitikan ang Pilipinas na kakatawan sa pambansang kultura upang magkakaroon ng pagunawa sa pagkakaiba-iba ng bawat isa na magbubunga ng paggalang at pagkakaisa ng mga Pilipino. Ang pagsasalin ng akdang Kapampangan Lidia, na isinulat ni Si Juan Crisostomo Soto, ay magbibigay ng pagkakataon sa mga hindi Kapampangan na matikman ang kadakilaan ng wikang ito. Natuklasan sa pagsasalin na hindi iisang paraan ang mabisang gamitin sa pagsasalin; mahalagang isaalang-alang ang mahahalagang sangkap ng nobela para sa mabisang pagsasalin; magkatulad ang estruktura ng wikang Kapampangan at Filipino; hindi lubusang matutumbasan sa pagsasalin ang mga pahayag na kabuhol ng kultura; karamihan sa mga idyomatikong pahayag na ginamit ay matutumbasan ng mga idyomatikong Filipino. Batay sa mga natuklasan, ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo: Ang pamamarang ginamit sa pagsasalin ay salita sa salita, transposisyon, kultural na pagtutumbas, modulasyon, pagpapaikli, pagdaragdag o pagpapahaba, leksikal sinonim, adaptasyon , kompensasyon, at pagpapahusay; mabisa ring sundan ang hakbang ni Santiago para sa pagsasalin; mabuting panatilihin ang mga salitang kabuhol ng kultura at mahahalagang salitang kabuhol ng panahon upang magkaroon ng kamalayan ang mga mambabasa sa mga salitang kapampangan na maaring maiambag sa pagpapayaman ng Filipino. Maliban sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa isinagawang pagsasalin. Napakahalaga ring salik sa pagsasalin ang target na mambabasa ng salin. A Translation of Kapampangan Novel Lidia by Crisostomo Soto An important knowledge to consider in translation is literature which mirrors the past in preparation for the future. In the Philippines, translating literary works in the native languages is the sole way to adopt only one literature that will represent our national culture. This will lead to an understanding of the diversity of literature that will yield respect and unity among Filipinos. This study gives an opportunity to non-native Kapampangan to experience the nobility of Kapampangan language. The findings of the study are: there is no one effective procedure to be used in translation, the elements of a novel must be considered for effective translation, the Kapampangan and the Filipino languages have the same structure, native expressions could not be directly translated, andt most idiomatic expressions used have equivalent idioms in Filipino. Based on the findings, the following conclusions were formulated. The procedure in translation includes word for word, transposition, comparison, modulation, shortening, addition or elongation, lexical synonym, adaptation, compensation, and innovation. The procedure in translation proposed by Santiago is effective to use. The words expressing culture and the important terms should be retained to stimulate readers awareness on the Kapampangan words that may contribute towards the enrichment of the Kapampangan language. Aside from acquiring adequate knowledge of the languages involved in the translation, the target readers of the text being translated are indispensible factors in the process.

55. Dr. Fe Aldave Yap Director General (Retired), Komisyon sa Wikang Filipino Email: yapfealdave@yahoo.com Bibliya: Panitikan ng Kabataan

Panitikan ba ang talinghaga ng mustasa sa Bibliya? Ipapaliwanag sa papel na ito kung ano ang panitikan ng kabataan at kung bakit panitikan ang Bibliya ng kabataan. Isinasagawa na ng Department of Education Order No. 74, s. 2009 ang pagtuturo ng panitikan sa batayang edukasyon, na mahalaga sa pagtatamo ng karunungan at sa pagtatanim ng kabutihang-asal at pagpapahalagang Pilipino sa mga kabataan. Nakapaloob sa panitikan ang ibat ibang uri at anyo ng panitikan, kasama na rito ang mga kuwento, parabula, talinghaga, tula, awit, drama, musika, salawikain, sawikain, atbp. Sa DepEd Policy ng Edukasyong Multilinggwal, hinahangad na makabasa ang bawat bata pagkatapos ng Unang Baitang sa pag-aaral. Tugon ang papel na ito sa panawagan ng DepEd na tumulong at suportahan ang implementasyon ng batayang edukasyon: K+12. Kasama sa papel na ito ang proyektong Bibliya: Panitikan ng Kabataan. Sa pagkilala at paghanga sa kontribusyon ng 2009 CNN Hero Efren Peafloridaisang modelong Bahay Kubo-Kariton para sa Bibliya ng Kabataan ang isasagawa at ilulunsad sa isang magandang lugar na tagpuan ng maraming kabataan. At isasalin sa Global Filipino ang mga Bibliya ng Kabataang nasusulat sa English at sa ibat ibang wika sa Pilipinas. Childrens Bible as Literature This paper tells the interesting story of the mustard seed as the smallest seed planted in the garden. But once sown, it grows up and becomes the largest of the plants in the garden and even grows branches so big that the birds can take shelter in its shade. Is this biblical parable literature? This paper defines and describes what childrens literature is and explains why the Bible is literature. The Department of Education Order No. 74, s. 2009 has implemented the teaching of literature in basic education which is important in achieving literacy and in inculcating values education as literature covers literacy genres-- including parables, stories, poems, songs, drama, music, proverbs, sayings, and other types of literature for children. The DepEd Policy of Multilingual Education aims to make every child a reader by the end of Grade 1. This paper is a response to the DepEd call for assistance and support to a successful implementation of basic education: K+12. Expected to come out after this paper presentation is a Concept Project Proposal-- Bibliya: Panitikan ng Kabataan. Recognizing and appreciating the contribution of 2009 CNN Hero Efren Peafloridaa model Bahay Kubo - Kariton para sa Bibliya ng Kabataan, a mobile Nipa Hut - Push Cart for Childrens Biblewill be implemented and launched in an ideal settingperhaps in a selected parish playground, for the less privileged children and other interested young readers who want to be booklovers with Childrens Bible as Literature in any language of our country.

Consortium for the Advancement of Filipino (CAF)


an organization of college teachers of Filipino (Tagalog) in America

Among its goals are to focus on the professionalization of teachers by informing them in a bi-annual newsletter on: What new books and materials are available What critical issues affect the teaching of Filipino What language conferences are relevant for teachers to attend What workshops are relevant for the Tagalog teachers Search for monetary assistance for teachers to get to the workshop site Invite experts of new trends in teaching foreign / second language techniques

CAF is composed of about 40 Filipino programs mostly in colleges. Some of the colleges are as follows: Academia Language School, Brigham Young University, City College of San Francisco, Cornell University, Defense Language Institute, Foreign Service Institute, Kapiolani Community College, Miramar College, New York University, Northern Illinois University, Oakland School District, UC Berkeley, UCLA, UC Long Beach, UC Riverside, University of Hawaii, University of Michigan, University of Pennsylvania, University of San Diego, University of San Francisco, University of Washington, University of Wisconsin-Madison

If interested in joining CAF, send your name, school, courses taught (Filipino language or literature), and email. No fees are required.

Contact Dr. Teresita V. Ramos, CAF Chair Professor Emeritus, Filipino Language and Literature Department of Indo-Pacific Languages and Literature University of Hawaii Email: teresita@hawaii.edu

PAGBATI sa MGA KALAHOK SA KOMPERENSIYA at PAKIKIISA sa ADHIKAING ITAGUYOD ANG WIKANG PAMBANSA MULA SA...

www.actphils.com PAGBATI mula sa...

www.act-teachers.org

ANION A SANITARY NAPKIN THAT RELIEVES: Vaginal problems dysmennorhea UTI menstrual odor Prostate cancer cervical cancer erectile dysfunction For Your Questions, Orders and Free Demo, Free Seminars: Ephree M. Orara dainyle@yahoo.com, 09272646777 St. Louis University, Baguio City School of Teacher Education at Kagawaran ng Filipino May PANAGBENGA AT SEMINAR WORKSYAP SA PEBRERO 2013: INKLUSIBONG PAGTUTURO SA FILIPINO Para sa PANAWAGANG PAPEL : EMAIL: dainyle@yahoo.com Text: 09272646777 KAPISANAN NG MGA TAGAPAGTAGUYOD NG WIKA Inaanyayahan kayo sa Pagpapakilala ng Organisasyon at Pagbibigay ng Kauna-unahang Seminar-Worksyap sa Pagtataguyod at Promosyon ng Wika sa Midya Para sa Panawagang Papel, Pagsasanay at iba pang detalye makipag-ugnayan:kawika.natin@yahoo.com, CP: 09272646777

Email inquiry@corelearningasia.com on how you can discounts for international and national conferences and seminars on Filipino, media literacy, information literacy, standards reform, grading for learning, and assessment for learning. Please include your full name, school and school address, email, contact number, and the subjects you are teaching.

***************************************************************

Greetings from:

la Casita Roja Restaurant


DLSU-Don Enrique M. Razon Sports Complex, Fidel Reyes St. Malate, Manila Tel. 400-0213

Ipinaaabot ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF)

at ng
Global Consortium for the Advancement of Filipino Language and Culture (GLOCAFIL)

ang taos-pusong PASASALAMAT sa lahat ng mga guro, mag-aaral, akademista, mananaliksik, tagapagtaguyod ng wika, ahensya ng pamahalaan, institusyong akademiko at iba pang indibidwal at grupo na nakapag-ambag sa tagumpay ng Ika-3 Pandaigdigang Komperensiya sa Filipino Bilang Wikang Global

MAGKITA-KITA TAYO SA HAWAII, USA sa Ika-4 Pandaigdigang Komperensiya (2014)! Muli, MARAMING - MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. Ang Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF) ay binubuo ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat, at mananaliksik na may malasakit at interes sa pag-aaral at pagtuturo ng/sa wika at literatura, sa layuning mapaunlad at mapalaganap ang wikang Filipino.

www.facebook.com/PSLLF www.linggwistika.batnag.org 0916-3782-823/0915-1289-326 psllf2012@gmail.com

MABUHAY!
Ipinaaabot ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF)

at ng
Global Consortium for the Advancement of Filipino Language and Culture (GLOCAFIL)

ang taos-pusong pagbati sa ika-25 taon ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Sining (National Commission for Culture and the Arts),

at walang hanggang pasasalamat sa suporta ng Komisyon sa


Ika-3 Pandaigdigang Komperensiya sa Filipino

Bilang Wikang Global

GLOCAFIL

You might also like