You are on page 1of 4

Katuturan: Teorya at Katangian ng Pagbasa

Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na


nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa
pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

*Proseso at Katangian
1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa
pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag
ng simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalaman o karanasan.

*Teorya

1. Teoryang Bottom-up-IBABA-PATAAS

Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang
pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong
teksto.
Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom)
patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down-TAAS-BABA
Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang
pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang
napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating
kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan
sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay
nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil
ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo
sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga
nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang
inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa
pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika
at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-
mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang
direksyon o bi-directional.
Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang
proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima
Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang
mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto
mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang
patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat
baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng
komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong
nabubuo sa isipan ng mambabasa.
Katangian ng Pagbasa-Malakas na Pagbasa- Tahimik na PagbasaMga dapat isaalang alang sa malakas
pagbabasa
-
Tindig
-
Lakas ng tinig
-
Paraan ng pag bigkas
-
Paghawak sa aklat o anumang babasahinMga dapat isaalang alang sa tahimik pagbabasa
-
Pook
-
Tamang posisyon
-
Igalawa ang mga mata at di ang bibig sa pagbabasa nang tahimik
-
Huwag ituturo o susundan ng daliri ang linyang binabasa.
-
Bumasa nang mabilis at may ganap na pag-unawa sa binabasa.Mga katangian ng Pagbasa
-
Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa at pagsulat
-
Lumilinang ng iba’t ibang kakayahan.

You might also like