You are on page 1of 9

ARALIN 1 RETORIKA:

WIKA:

 Ito ay masistemamng balangkas ng mga tunog na pinili at isinaaayos sa pamaraang arbitraryo


upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
 Sistema ng mga arbitraryong vokal-simbol na ginagamit ng mga miyembro ng isang komunidad
sa kanilang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

RETORIKA:

 Ang retorika ay sining nang maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang
maunawaan, mahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa (Dr. Jose Villa Panganiban)
 Ang retorika ay agham ng paghimok o pagsasang-ayon (Socrates)
 Ang retorika ay “agham ng pagpapahinuhod” (Socrates)
 Ang retorika ay ang kakayahang maanino, mawari, o makilala sa bawat kaso ang makukuha o
magagamit na mga paraan ng paghimok (Aristotle)
 Sabi ni Aristotle “Ang kakayahan ng isip na mabakas ang mga pamamaraan sa paghihikayat na
ginagamit sa isang sitwasyon”

LOGOS – Talino

PATHOS – Emosyon

ETHOS – Karakter

 Ang retorika ay “Ang sining ng argumenta-tibong komposisyon”. (Richard Whatley)


 Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang
pagsasalita at pagsulat. (Tumangan, 1977)
 Nauukol sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag maging ito ma’y pasalita o
pasulat. (Rubin, 1987)
 Isang stratedyik na paggamit ng komunikasyon (The Art of Rhetorical Criticism)
 Ang retorika ay isang sining, praktis at pag-aaral ng komunikasyong pantao. (Andrea Lunsford)

1.) kakayahang gramatika/lingguwistika

2.) kakayahang sosyolingwistik/sosyolingwistiko (setting, participants)

3.) kakayahang istratedyik

Uri ng Komunikasyong Di-verbal

- pictics (expression ng mukha)

- kinesiks (galaw ng katawan)

- oculesiks (galaw ng mata)

- vocalics (boses)
- haptics (haplos)

- chronemics (oras)

Salik sa Retorika

- tamang gamit ng balarila (grammatika)

- lipunan (sosyolingwistik)

- pagmamatwid at katotohanan (istratedyik)

sintaktik

- nilalaman (content words)

statik

- pangkayarian (function words)

ELEMENTO NG MABISANG PAGPAPAHAYAG


1.) Kaayusan ng mga Bahagi

Crowlee at Hawhee

1.) Exordium - panimula na pupukaw sa atensyon ng makikinig

2.) Narratio - aktuwal na paglalatag at pagpapaliwanag ng kaso

3.) Divisio - pagkakahanay ng mga tiyak na argumentong ilalahad upang isulong ang paninindigan

4.) Confirmatio - paglalahad ng mga patunay na lalong magpapatibay sa kaso o argumento.

5.) Confutatio - ang pagsira na agad sa mga posibleng argumentong bigkasin laban sa paninindigan
makaraan itong ialhad

6.) Peroratio - ang paglalagom ng talumpating binigkas sa pamamagitan ng pagbuod sa mga argumento,
paglalagay sa mga kalaban sa masamang kalagayan sa paningin ng madla o paglikom ng simpatya sa
sarili

2.) Estilo

Kawastuhan - pagsunod sa pagpapahayag sa mga tuntunin ng gramatika

Kalinawanan - pagpapahayag gamit ang mga salitang may payak na kahulugan o karaniwang ginagamit
sa araw-araw upang mabisang maisalin ang kaisipan sa mga tagapakinig o mambabasa na parang "sinag
ng araw na tumatagos sa salamin"

Kaangkupan - pagpapahayag nang naayon sa hinihingi ng isang tiyak na sitwasyon o pangyayari

Pagpapalamuti - pambihirang paggamit ng wika sa pagpapahayag, gaya ng pangkasangkapan sa mga


tayutay o patambis na salita

3.) Pinagsasaluhang Kaalaman (shared knowledge) ng tagapagsalita o manunulat at tagapakinig o


mambabasa
May laman o sense, hindi walang kwenta.

4.) Paghahatid ng Mensahe

Lakas - ang diin na inuukol sa mga salitang b inibigkas upang mabigyan ng emphasis ang mahahalagang
kaisipan

Tono - Pagtaas at pagbaba na inuukol sa himig ng pagsasalita

Ritmo - Ang pagbagal o intensidad ng pagpapahayag

5.) Ilang Katangian ng Mabisang Pagpapahayag

a.) kasiningan - mas nagiging masining ang isang bagay kapag may gamit ng tayutay.

b.) kapangyarihang magbigay-saya o lugod – Halimbawa: Sa panahon ng kampanya ay gamit na gamit


ito ng mga politiko sa pagdudulot ng saya o pag-asa sa kanilang panunungkulan o binabalak pang gawain
sakaling muling mahalal.

c.) pagkukunwari o pagmamalabis - isang magandang halimbawa ay mga commercial

d.) kasiningan ng tuluyan (Prosa) na kaiba sa Panulaan -

e.) kaangkupan ng wika sa pagpapahayag - kailangan ang wika ay naiintindihan ng mga tao.

Ang SONA ginawa ng ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III na nasa wikang Filipino
na nauunawaan ng MASANG Filipino

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

GAMIT ng NG
- Ginagamit bilang pananda sa mga tuwirang layon ng pandiwang palipat.

Hal. Naglinis ng sasakyan si Kevin.

- Ginagamit bilang panan ng aktor o tagaganap ng pandiwa.

Hal. Tinulungan ng anak ang kanyang magulang sa pagluluto.

- Kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.

Hal. Ang boses ng bayan ang dapat manaig.

- NG + Pangalan o Panghalip

GAMIT ng NANG

- Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong sa
sugnay.
Hal. Tulog na ang mga anak nang dumating ang kanilang Ama.

- Ginagamit sa gitna ng mga salitang inuulit.

Hal. Tawa nang tawa

- Ginagamit sa pagitan ng pandiwa at panuring nito.

Hal. Nag-aral nang mabuti si Juan.


Nanalangin nang taimtim si Anthony.

NANG + Pandiwa,Pang-uri,Pang-abay

MAY at MAYROON

GAMIT ng MAY

- Ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan.

Hal. May tao sa likod ng sasakyan.

- Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.

Hal. May nararamdaman ako para sa kanya.

- Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.

Hal. May magandang kinabukasang naghihintay sakanya.

- Ginagamit kapag sinusundan ng panghalip Panao sa kaukulang paari.

Hal. Ang mga anak ni Kardo ay may kani-kanila nang pamilya.

Masayang ginugunita ang pasko sa may amin

GAMIT ng MAYROON

- Ginagamit ang mayroon kapag may napapasingit na kataga tulad ng po, pa rin at rin sa salitang
sinusundan nito.

Hal. Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo.

- Ginagamit bilang panagot sa tanong.

Hal. May pero ka ba? Mayroon.

- Ginagamit din kung nangangahulugan ng pagka-maykaya o mayaman sa buhay.


Hal. Ang mga Hemoso ay maroon sa probinsya ng Bulacan.

KUNG at KONG

GAMIT ng KUNG

- Ginagamit kung bilang isang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap, katumbas ng ‘if’ sa
Ingles.

Hal. Kung may problema ka, kumprontahin mo ako.

- Ginagamit din sa mga pangungusap na nagsasaad ng kondisyon.

Hal. Sasama ako kung sasama ka.

GAMIT ng KONG

- Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

Hal. Ang tangi kong hangad ngayong taon ay makapasa sa let.

DIN at RIN/DAW at RAW

DIN at DAW
- Ginagamit ang din at daw kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at
y.

Hal. Hilig daw niyang magturo kaya’t nais din niyang kumuha ng kursong Edukasyon.

RIN at RAW
- Ginagamit ang rin at raw kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig na w at y.

Hal. Tuloy raw ang ating pagsusulit.


Kasama rin ako sa gagawing review.

Ngunit sinasabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa -ri, -ra, -raw, o -ray,
ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw.

Hal.
Maari din – hindi maari rin
Kapara daw – hindi kapara raw
Biray din – hindi biray rin
Araw daw – hindi araw raw

SINA at SILA, KINA at KILA


Ang sina ay panandang pangkayarian sa pangalan. Ang sila naman ay ginagamit bilang panghalip panao;
katumbas ng “they” sa Ingles.

SINA – babanggitin ang mga pangalan.


SILA – Hindi babanggitin ang mga pangalan

GAMIT ng KINA at KILA

Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangalan katulad ng sina. Ang kila ay wala sa balarilang Filipino.
Kamalian ito.

GAMIT ng NINA at NILA


Tulad ng sina at sila.

GAMIT ng IKA at Ika-


- Ginagamit bilang panlapi sa bilang na isinusulat bilang salita.

Hal. Ikasiyam na taon


Ikapitong araw

- Ginagamit ang ginitliang na Ika- bilang panlapi kung mismong bilang ang isusulat.

Hal. Ika-23 ng Disyembre


Ika-3 taon

MAKA at Maka-
- Ginagamit ang maka na walang gitling kung pangalang pambalana ang kasunod na salita.
Hal. Naglunsad ng kilos protesta ang mga makamasa.

MAKA-

- Ginagamit ang may gitling na maka kapag sinusundan ng pangngalang pantangi.

Hagdan (stairs)
Hagdanan (stairway)

Pahirin – nangangahuluguan ng pag-alis o pagtanggal ng isang bagay.

Hal. Pahirin mo ang dumi sa iyong braso.

Pahiran – paglalagay ng isang bagay


Hal. Pahiran mo ng langis.

Operahin/ Operahan

Operahan – tinutukoy ay ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.

Hal. Kasalukuyang inooperahan si Juan sa ospital.


Operahin – tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis.

Hal. Ooperahin bukas ang bukol sa kanyang lalamunan.

SUNDIN AT SUNDAN

Sundin (follow and advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.

Hal. Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang.

Ang sundan (follow where one is going)

Hal. Sundan mo ang demonstrasyon sa youtube kung paano magluto ng embotido.

PUNASIN at PUNASAN

Punasin – ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal.

Hal. Punasin mo ang natapon na tubig sa mesa.

Punasan – ginagamit naman kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.

Hal. Punasan mo ang mesa.

PINTO at PINTUAN

Ang pinto (door) ay ang sinasara at binubukas.

Hal. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang pusa.

Ang pintuan (doorway) ang kinalalagyan ng pinto; ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang
pinto.

Wala sa wikang Filipino ang:


Nalang
Nanaman
Parin
Padin

Na lang
Na naman
Pa rin

ADDITIONAL NOTES:
𝙉𝙂
• Ginagamit kasunod ng mga 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨.
- Bumili ako ng dalawang aklat kahapon.
• Ginagamit sa mga 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯.
- Kumuha ng kumot ang kapatid ko bago siya humiga.

• Ginagamit kapag ang sinusundan na salita ay 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘶𝘳𝘪.


- Nakakita ako ng malaking gagamba sa kusina.

• Ginagamit sa pagsasaad ng pagmamay-ari.


- Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang karapatan ng mga mamamayan.

• Ginagamit upang pananda sa gumaganap ng 𝘱𝘢𝘯𝘥𝘪𝘸𝘢 sa pangungusap.


- Niligpit ng tatay ko ang mga kalat sa aparador.

𝙉𝘼𝙉𝙂
• Ginagamit na kasingkahulugan ng 𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨.
- Napangiti ako nang mabása ko ang mensahe mo.
(Napangiti ako noong mabása ko ang mensahe mo.)

• Ginagamit na kasingkahulugan ng 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢.


- Kumain ka muna nang hindi ka magutom sa klase.
(Kumain ka muna para hindi ka magutom sa klase.)

• Ginagamit bilang katumbas ng pinagsamang 𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘨.


- Ibinato nang guro ang kuwadernong hawak niya dahil sa ingay ng mga mag-aarál.
(Ibinato na ng guro ang kuwadernong hawak niya dahil sa ingay ng mga mag-aarál.)

• Ginagamit bilang katumbas ng pinagsamang 𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘢.


- Kalimutan mo nang sinaktan ka niya.
(Kalimutan mo na na sinaktan ka niya.)

• Ginagamit bilang katumbas ng pinagsamang 𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨.


- Sobra nang pagpapabaya ng pamahalaan.
(Sobra na ang pagpapabaya ng pamahalaan.)

• Ginagamit sa pagsasabi ng paraan o sukat


- Tumakbo nang mabilis ang magnanakaw.
- Bumigat ako nang bahagya dahil sa dalawang buwang ECQ.

• Ginagamit bilang 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘢𝘯𝘨𝘬𝘰𝘱 ng inuulit na salita


- Iyak nang iyak si Lita kanina.
ARALIN 2

Tayutay

 Salita o mga salitang metaling-haga, ang kahulugan ay konotatibo.


 Pahayag na gumagamit ng mga salita sa isang di-pangkaraniwan o hindi literal na paraan upang
mapaigting
MGA URI NG TAYUTAY

 Simile o Pagtutulad – ginagamitan ng mga katagang gaya, tulad, para, tila, kawangis, animo at
kahawig.
 Metapora o Pagwawangis – tahasang paghahambing na hindi na ginagamitan ng mga katagang
gaya, tulad, kawangis, para, tila at animo.
 Personipikasyon – pagbibigay buhay sa mga bagay
 Hayperbole – pagmamalabis
 Metonimiya o Pagpapalit-tawag – Pagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.
 Sinekdoke o Pagpapalit-saklaw – pagbanggit ng isang bahagi ng kaisipan bilang pagtutumbas sa
kabuoan.
 Eupemismo o Paglumanay o Pagpahibas – pinapagaan o pinapaganda ang marahas na salita o
pahayag.
 Tanong Retorikal o Tanong Pasayusay – pagtatanong na walang inaasahang sagot.
 Pagsusukdol o Klaymaks – paghahanay ng mga kaisipang may papataas na antas, tinig, o sidhi.
 Antiklaymaks – pababa ang antas.
 Oksimoron o Pagtatambis – pagsasama ng dalawang salitang magkasalungat
 Ironiya o Pag-uuyam o Parikala o Balintuna – nang-iinsulto
 Paralepsis – ginagamitan ng huwag/hindi pero kunwari lang
 Alusyon o Pagtukoy - pagbanggit ng mga kaisipang unibersal o popular na may tinataglay na
malalim na pagpapakahulugan.
A. Heograpiya
B. Bibliya
C. Mitolohiya
D. Literatura
E. Kulturang Popular
F. Kasaysayan
 Aliterasyon – pag-uulit ng magkakaugnay na tunog-katinig
 Asonansiya – pag-uulit ng magkakaugnay na tunog-patinig
 Onomatopea – ginagaya mga tunog ng bagay
 Anapora – pag-uulit ng salita sa unangbahagi ng pahayag
 Epipora – pag-uulit ng salita sa huling bahagi ng pahayag
 Anadiplosis – parehong salita ang ginagamit sa una at dulong bahagi ng pahayag.
 Apostrope o Pagtawag – kausap ay parang kaharap mo lang pero wala naman.
 Konsonans – tunog-katinig sa hulihan ng salita gaya ng away at hukay; kulog at bubog; apog at
sunog
Ang talinghaga bilang pahiwatig ay hindi basta malalim o maligoy at masalimuot o mabulaklak
na pananalita; ang kapangyarihan ng talinghaga ay nasa hindi sinasabi kaysa tuwirang sinasabi o
kaya naman, ay nasa pagitan ng mga sinasabi… kung balat na maituturing ang tugma at sukat sa
matandang panulaan, ang talinghaga ang katas at lamukot. (Añonuevo, 2003)

You might also like