You are on page 1of 11

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

FILIPINO 1
(IKALABING DALAWANG LINGGO)

 INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pagsasanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng Wikang Filipino sa
pagtuturo sa elementarya. Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng ponolohiya,
morpolohiya, semantics at sintaks.

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


Ikalawang Bahagi: Makrong Kasanayan para sa Komunikasyong Global

 Kasanayan sa Pagsulat
 Kasanayan sa Panonood

 INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Nabibigyang-pansin ang mga mahahalagang kaalaman na nakapaloob sa kasanayan sa pagsulat at


Kognitibo
panonood.
Naisasabuhay ang mga aral tungkol sa mga pamamaraan upang maging mahusay na manunulat at
Apektibo
mabisang manonood.
Nakabubuo ng sariling konsepto na nagpapakita ng pagiging mahusay na manunulat at mabisang
Psychomotor
manonood batay sa paksang tinalakay o napakinggan.

 PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Ibigay ang sariling kaalaman tungkol sa mga kahalagahan ng pagsusulat at panonood sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal.

 Kahalagahan ng Pagsusulat at Panonood


_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
 MGA ARALIN SA PAGKATUTO
KASANAYAN SA PAGSULAT

 KAHULUGAN NG PAGSULAT
 Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (opinyon man o mga
kaalaman) sa mga mambabaa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa
paghatid ng mensahe.
 Ito ay pagsasatitik sa papel o sa anumang bagay na maaring gamitin na pagsasalitan ng mga ideya, sagisag at
paglalarawan ng isang indibidwal o grupo sa pagnanais na maisiwalat ang kaniya o kanilang naiisip o nadarama.
(Garcia 2008)
 Ayon ka Arapoff, ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili
at pag-oorganisa ng karanasan
 Si Smith ay naniniwalang ang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon. Kung kaya’t kinakailangang pinipili ang
mga salita at isinasaayos ang istruktura upang maging malinaw ang mensahe

 SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW SA PAGSULAT


 Mas madalas kaysa hindi, ang mga manunulat ay hindi pa tiyak sa kung ano ang kanilang isusulat hangga’t hindi pa
sila nagsisimulang sumulat.
 Maituturing din itong isang paglalakbay-isip nang hindi alam ang destinasyon
 Ayon kay Royo, ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao
 Naipaparating niya ang kanyang mithiin, pangarap, damdamin, bungang-isip at mga agam-agam

 DAYAGRAM SA PROSESO NG PAGSULAT

Paggawa ng Burador

Pag-iistruktura Muling Pagtingin Pagfofokus

Paglabas ng Ideya Evalwasyon

 Ang mga gawaing brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi ang nasa
kanyang iskema
 Ang pagfofokus naman tulad ng mabilis na pagsulat ay nauugnay sa pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkol sa
isang paksa
 Ang paggawa ng burador ay transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong para sa mambabasa.
Sa bahaging ito, maraming burador ang maaaring mabuo batay na rin sa gfidbak mula sa mga guro at/o kasama
 Sa pagtataya o evalwasyon, makatutulong ang paggamit ng tseklist upang makakuha ng fidbak at mga puna na
makatutulong upang maisaayos muli ang binuong burador
 Ang muling pagtingin sa teksto ay ginagawa upang matiyak kung tama ang ginawa. Layunin nitong makalikha ng
makabuluhan at mabisang pagsulat na makadedevelop sa kasanayan ng manunulat

 APAT NA PANGUNAHING PUNTO SA PROSESO NG PAGSULAT


 Ang karanasan ang humuhubog sa pagsulat
 Hindi sumusunod sa iisang daan
 Ang anumang gawain ay naghahatid ng naiibang hamon
 Nagkakaiba-iba ang paraan ng bawat manunulat

 LAYUNIN SA PAGSULAT
 Ekspresiv
- pangunahing layunin nito ang maipahayag ang nararamdaman at nasasaloob
- may malayang pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus
minamahalaga ang mailabas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao
- kinapapalooban ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligid
Hal. jornal, talaarawan, personal na liham at mga reaksyon
 Transaksyunal
- sa layuning ito ng pagsulat, nagbibigay ng interpretasyon, nangangatwiran, naghahatid ng impormasyon,
nagsusuri, nanghihikayat o dili kaya’y nakikipagpalitan ng mga ideya sa iba ang manunulat
- Gumagamit ito ng mas formal at kontroladong paraan sapagkat may format o istilo na dapat isaalang-alang
Hal. artikulo, sulating-pananaliksik, editorial, ulat, revyu, sanaysay, dokumentaryo, memorandum

 MGA URI NG PAGSULAT


 Akademik
- formal ang istruktura
- maayos na naihahanay ang mga pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng ideya
- kadalasang seryoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman
- ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal
Hal. pamanahunang- papel, tesis, suring-basa, panunuring pampanitikan, malikhaing pagsulat
 Jornalistik
- ang mga sulating hango sa mga pahayagan gaya ng balita, editorial, lathalain at mga balitang isports ay
halimbawa ng jornalistik na pagsulat
 Referensyal
- ang pagtatala ng mga sangguniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng gagawing
pagsulat
- maaaring ang mga ito’y mula sa mga aklat, pahayagan, polyeto, magazin, brochure, diksyunaryo, jornal, tesis at
disertasyon
Hal.
Aban, E.B. (1999). Pananaliksik: Teorya at Pamamaraan. Komisyon sa Wikang Filipino.
Alcantara, R.B., et al. (2003). Teaching Strategies I. Makati City: Katha Publishing Co., Inc.
Arrogante, J.A. (2006). Malikhaing Pagsulat. Quezon City: Great Books Trading.
Garcia, L.C., et al. (2006). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cabanatuan City, JIMCY Publishing Home.
Raimes, A. (1983). Techniques in Teaching Writing. Oxford: Oxford University Press.

 ISTRATEHIYA SA PAGKUHA NG DATOS


1. Direktang Sipi
- ang mga eksaktong salita o pahayag ng isang awtor
- kinokopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian
- ginagamit ito ng mananaliksikkapag nais niyang:
 idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argumento
 nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argumento ng awtor
 bigyang-diin awainlar ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi
 naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista
Hal.
Sinabi ni Almario (2005):
“Noong araw, inaawit ang tula ng mga Tagalog. Hindi sapagkat iisa ang tula at awit. Ngunit waring
may kalapat na himig ang mga tula o nakalilikha alinsunod sa mga takdang himig. Kaya’t kung sabihin na
may sinaunang tula ukol sa bawat awain at yugto sa buhay ng tao, lumilitaw na may gayon ding bilang at
uri ng sinaunang awit.”
2. Parapreys o Hawig
- nangangahulugan ito ng pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit na sanggunian gamit ang
sariling pangungusap
- maaari itong tingnan bilang transleysyon ng orihinal na pinagmulan ng ideya
- isang pagpapasimple ng tekstong binasa upang mas madaling maunawaan ng babasa
- gumagawa ng pagpaparapreys kapag:
 nais gumamit ng mga impormasyon sa notecard at umiwas sa panggagaya o pangongopya
 nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi
 nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon
Hal.
Orihinal na Teksto
Kung ang lugar o setting ay nakakaapekto sa varayti ng paggamit ng wika sa pagsalita o pagsulat
ng isang komunidad, gayundin ang katangiang personal ng bawat nakikipag komunikeyt
Parapreys
Ang varayti ng pasulat at pasalitang wika ay natutukoy ayon sa kapaligiran at personalidad ng
taong gumagamit nito.
3. Sinopsis o Buod
- pinagsasama-sama ang mga pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap
- ang mga binuod na ideya ay kadalasang hindi ipinipresenta sa paraang tulad sa orihinal.
- mas maikli ito kaysa sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang materyal
- gumagawa ng sinopsis kapag:
 nais magbigay ng background at pananaw hinggil sa isang paksa
 nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa
 nais na madetermina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto.
Hal.
Orihinal na teksto
Ang paglinang ng mga materyales at sangguniang panturo na ginagamit sa iba’t ibang sabjek ay
nangangahulugan lamang ng pangangailangan sa pagsasaling-wika o transleysyon ng mga teksto mula
Ingles tungo sa Filipino. Ayon kina Sibayan at Gonzales (1991), magsisilbing isang pangunahing
pamamaraan ang pagsasaling-wika upang ganap na makamit ang intelektwalisasyon ng wika. Sa madaling
salita, malaki ang tungkulin ng pagsasaling-wika sa pagbuo ng pambansang kamalayan at sa pagsabay sa
makabagong takbo ng buhay sa daigdig.
Sinopsis
Ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales at sangguniang panturo ay isa sa pangunahing
pamamaraang magagamit tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino.
 PROSESO NG PAGSULAT
 May mga lohikal na hakbang na sinusunod ng mga manunulat sa pagbuo ng isang papel
 Isang proseso ang pagsulat
 Prosesong may dalawang direksyon: Una, para tuklasin sa sarili ang kakayahang makapagpahayag ng mga ideya
na ito’y hindi pala isang trabahong mekanikal na basta agarang lalabas ang alam pag gustong sabihin anumang
oras; pangalawa, para makabuo ng sulating naaayon sa tamang pagkakasunud-sunod, at pagkakaugnay-ugnay ng
mga kaisipan
Ang mga Yugto sa Proseso ng Pagsulat
1. Unang yugto - Ang Paghahanda ng Sulatin
a. Paglalagay ng sarili sa isang malinaw na direksyon ng pagsulat ayon sa sumusunod na kaparaanan:
o Pumili ng paksa
- magtala ng marami
- sa mga nakalistang paksa, pumili ng isa o dalawa na inaakalang makatawag pansin at posibleng
sulatin
- isulat ito sa taas ng susulating papel
- simulang magtala
- isipin ang kakailanganing haba ng sulatin at ang panahong gugugulin
- kitiran o mlawakan ang paksa ayon sa tinatayang sukat ng sulatin
- itala ang dinisyunang paksa
o Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito
- Ang matamang pagkakaunawa sa layunin at sa mambabasa ang magpapalinaw sa paksang
tatalakayin
- Ang layunin ng pagsulat ay para makapagpahayag ng kaisipan at damdamin sa mambabasa
- Magkukuwento ka ba ng sariling karanasan? Maglalarawan ka ba ng isang tauhan?
Pangangatwiranan mo ba ang isang isyu? O maglalahad lang ng mga impormasyon
- Laging dalawang panig ang nasasangkot, ang nagbibigay ng impormasyon at ang tumatanggap
ng impormasyon
- Ang tagatanggap ang mambabasa. Sinu-sino ang babasa ng sulatin – estudyante, titser, kaibigan
b. Pangangalap ng materyal at pagsasaayos ng mga kaisipan
o Maraming mapagkukunan ng maisusulat
- sa pagbabasa, sa pagmamasid, sa pakikipag-usap, sa sariling karanasan
o Magtalang mabuti nang tiyak, nang tama
o Pagkatapos, grupu-grupuhin ang mga detalye ayon sa makahulugang pamamaraan
o Para magkaroon ng orihinalidad, tumuklas ng pansariling pamamaraan kung paano lalabas na kaakit-
akit/kawili-wili ang epekto sa mambabasa
2. Ikalawang yugto – Ang pagsulat ng Burador
o Hindi madaling mag-umpisa ng sulatin. Nakaharap ka sa nakaladlad na blankong papel. Naghihintay ka sa
pagdaloy ng isip para lumakad ang nakaumang na pansulat. Sa biglang mauudlot na parang may
bumabara sa bukana ng utak kaya mabagal ang pagbukal ng mga salita, o di kaya’y may sadyang wala,
gayong sa tangka ay punong-puno naman ang isip ng mga diwa
o Ito ang karaniwang nasusumpungan ng karamihan sa pagsisimulang sumulat
o Datapwat, kung natupad ang mga kahilingan sa uanang yugto ng pagsulat, ang nabanggit na sitwasyon ay
maiiwasan
3. Ikatlong yugto – Pagsasaayos ng mga detalye
o Ito ang huling hakbangin para makapagsimulang sumulat
o Maraming paraan sa pagsasaayos ng mga detalye
- pwedeng pakronolohikal, paespesyal, pahambing at pataliwas, paanggulo, patiyak, pasaklaw,
papayak, pasalimuot
KASANAYAN SA PANONOOD

 KAHULUGAN NG PANONOOD
- Sinasabing “Ang ating mga mata ay bintana ng ating kaluluwa.” Mula sa nasasagap ng ating paningin, mga nakikita,
tinitignan at napagmamasdan; sinasalamin ng ating mga mata ang bukal nating pagkatao at kamalayan.
- Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang uri ng visual media upang
magkaroon ng pang unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.
- Pinakamabilis at mabisang paraan ng pagkatuto (Massey, 2002)
- Natutukoy kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa iba’t ibang okasyon, lokasyon at pagakataon (Biagi, 1999)

 URI NG PANONOOD
 Deskriminatibo
- Ito ay ang paggamit ng mga opinyon para sa pagsusuri ng isang palabas
 Kaswal o Panlibang
- Isang impormal na pamamaraan ng panonood at ito ay hindi nagbibigay pokus sa detalye.
 Komprehensibo
- Ito ay isang uri ng panonood kung saan nagpapahalaga lamang sa pinaka-mensahe ng palabas at hindi na sa
ibang detalye.
 Kritikal
- Ito naman ay gumagamit ng pagbubuo ng kinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng isang ganap na pag-
aanalisa o pagsusuri tungkol sa paksa ng pinanood

 MGA URI NG PALABAS:


 Impormatibo
- Ito ay naglalayong magdagdag ng bagong kaalaman sa mga manonood
 Persuasive
- Ito ay nanghihikayat o naghihimok ng pagsang-ayon ng manonood
 Naratibo
- Ito ay nagsasalaysay ng pangyayari o kwento
 Ekspositori
- Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay ng ebidensya
 Argumentatibo
- Ito ay nanghahamon ng paniniwala o pangkalahatang opinyon o ideya.
 Sympathetic
- Ito naman ay pumupukaw ng damdamin

 POSITIBONG EPEKTO NG PANONOOD:


- Nakakapagdulot ng mga bago't maraming kaalaman
- Hindi napag-iiwanan ng panahon
- Panlibangan
- Paraan ng pakikipagtalastasan
- Nakakarelax at nakakatanggal ng stress

 NEGATIBONG EPEKTO NG PANONOOD:


- Nakakapanlabo ng paningin, Obesity at iba pang sakit
- Sagabal sa ibang Gawain
- Masamang impluwensya sa mga manonood
- Hindi angkop ang ibang paksa sa manonood
- Nagiging sanhi ng katamaran
- Nawawalan ng halaga sa aklat

 MGA KAHALAGAHAN SA PANOOD:


Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayan sa panonood ay nakapagdudulot sa isang indibidwal na :
1. Mapaunlad ang kakayahang mag interpreta at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pag-unawa
2. Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay.
3. Mataya ang iba't ibang elemento sa isang produksyon
4. Maging mulat sa katotohanan ng buhay.
5. Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari sa paligid.
6. Magising ang kamalayam ng indibidwal, maaaring maging inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama.
7. Bilang libangan

 HADLANG SA EPEKTIBONG PANOOD:


1. Karamdaman
2. Maling pag-unawa sa Nakita
3. Kapansanan sa mata
4. Kaliwanagan: mas madilim, mas malabo ang imahe
5. kasuotan ng ispiker
6. Di malinaw na tsanel
 GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim
ang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain

Gawain. IBAHAGI ANG KAALAMAN.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
(30 puntos)

1. Bakit mahalaga ang paglilimita ng paksa at pagtiyak ng layunin sa pagsulat? Palawakin ang iyong
kasagutan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________ .

2. Anu-anong mga natatanging kakayahan na dapat taglayin ng isang mambabasa upang magkaroon ng
malalim na pag-unawa sa anumang binasa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________ .

3. Ilahad ang pansariling dahilan kung bakit tayo ay nagsusulat. (10 puntos)
(Sagutin ang tanong sa tulong ng mga salitang makikita sa ibaba.)

Kaalaman mensahe Papel komunikasyon


nagsasalita mahusay damdamin panghihikayat

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________ .

4. Paano nakatutulong ang panonood upang malinang ang kaalaman ng bawat mag-aaral? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________ .

5. Magtala ng limang mga pamamaraan upang maiwasan ang mga hadlang sa panonood,
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
 PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
KASANAYAN SA PAGSULAT

 KAHULUGAN NG PAGSULAT
Sa simpleng pagpapakahulugan, ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (opinyon man o
mga kaalaman) sa mga mambabaa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya
sa paghatid ng mensahe.

 LAYUNIN SA PAGSULAT  MGA URI NG PAGSULAT


- Ekspresiv - Akademik
- Transaksyunal - Jornalistik
- Referensyal
 ISTRATEHIYA SA PAGKUHA NG DATOS
- Direktang Sipi
- Parapreys o Hawig
- Sinopsis o Buod

 PROSESO NG PAGSULAT
1. Ang Paghahanda ng Sulatin
a. Paglalagay ng sarili sa isang malinaw na direksyon ng pagsulat ayon sa sumusunod na kaparaanan:
 Pumili ng paksa
 Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito
b. Pangangalap ng materyal at pagsasaayos ng mga kaisipan
 Maraming mapagkukunan ng maisusulat
 Magtalang mabuti nang tiyak, nang tama
 Pagkatapos, grupu-grupuhin ang mga detalye ayon sa makahulugang pamamaraan
 Para magkaroon ng orihinalidad, tumuklas ng pansariling pamamaraan kung paano lalabas na
kaakit-akit/kawili-wili ang epekto sa mambabasa
2. Ang pagsulat ng Burador
3. Pagsasaayos ng mga detalye

KASANAYAN SA PANONOOD

 KAHULUGAN NG PANONOOD
Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang uri ng visual
media upang magkaroon ng pang unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.

 URI NG PANONOOD  MGA URI NG PALABAS:


- Deskriminatibo - ImpormatiboPer
- Kaswal o Panlibang - Suasive
- Komprehensibo - Naratibo
- Kritikal - Ekspositori
- Argumentatibo
- Sympathetic
b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)

Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na


natutunan? naramdaman? napulot?

 PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Turan ang tinutukoy ng bawat pahayag.

__ Argumentatibo ___ 1. Ito ay nanghahamon ng paniniwala o pangkalahatang opinyon o ideya.


____ Royo _____ 2. Ayon sa kanya ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao
_Parapreys o Hawig __ 3. Isang pamamaraan sa pagkuha ng datos na naglalayong padaliin ang tekstong binasa
upang mas maunawaan ng babasa.
_ Massey, 2002 ___ 4. Ayon sa kanya, ang panonood ay ang pinakamabilis at mabisang paraan ng pagkatuto.
_ Deskriminatibo ___ 5. Ito ay ang paggamit ng mga opinyon para sa pagsusuri ng isang palabas.
______ Smith _______ 6. Naniniwalang siyang ang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon. Kung kaya’t
kinakailangang pinipili ang mga salita at isinasaayos ang istruktura upang maging
malinaw ang mensahe
_____ Ekspresiv _____ 7. Ang pangunahing layunin nito ang maipahayag ang nararamdaman at nasasaloob.
_____Ekspositori_____ 8. Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay ng ebidensya.
____ Kritikal _____ 9. Gumagamit ng pagbubuo ng kinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng isang
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri tungkol sa paksa ng pinanood
____ Persuasive ____ 10. Ito ay nanghihikayat o naghihimok ng pagsang-ayon ng manonood
____ Panonood ____ 11. Proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang uri ng
visual media upang magkaroon ng pang-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating.
____ Sympathetic ____ 12. Ito naman ay pumupukaw ng damdamin ng mga manonood.
___ Arapoff _____ 13. Sinabi niya na ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa
pamamagitan ng mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng karanasan.
______ Akademik _____ 14. Uri ng pagsulat na may formal na istruktura
____ Komprehensibo __ 15. Ito ay isang uri ng panonood kung saan nagpapahalaga lamang sa pinaka-mensahe
ng palabas at hindi na sa ibang detalye.
 TAKDANG-ARALIN / MGA BABASAHIN:
Magsaliksik at Pag-aralan ang tungkol sa Kasanayan sa Pagsulat.

SANGGUNIAN:

 Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore

 Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.

 Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.

 https://www.slideshare.net/iloveyouhtac/pagsasalita

You might also like