You are on page 1of 20

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Disyembre 30, 1937 - ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa

- Ito ay ayon sa Saligang Batas ng 1935 kung saan ang Kongreso ay gagawa ng hakbang sa pagpapaunlad
at pagpapayaman ng wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika. Subalit ang
proklamasyon ay magkakabisa lamang dalawang taon matapos ang pagpapatibay nito.
1940 - ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan sa buong bansa
Hunyo 4, 1946 - nagkaroon ng bisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya
noong Hunyo 7, 1940 kung saan ang wikang opisyal ng bansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino.
1959- ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 ay ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero, Kalihim ng
Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang
mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Batay sa Tagalog”
1987- alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino

- Ito ay hindi batay sa pinaghalo-halong sangkap ng katutubong wika na umiiral sa bansa bagkus ito ay
nucleus ng Filipino at Tagalog.
Artikulo IV Konstitusyong 1987- ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang Pambansa at ang
magkarugtong na gampanin nito bilang wika ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa Pilipinas.
Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat na payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at
Seksyon 9. Dapat magtatag ang kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.
KWF - Komisyon ng Wikang Filipino- itinatag upang magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga
programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad , pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
Wikang Filipino- susi sa mabisang komunikasyon

- daan sa pagkakaisa ng sambayanan


- sagisag nito ang pagiging isang tunay na Pilipino at tatak ng pagkamakabansa
- nagbibigkis sa adhikain ng sambayanang
Pilipino
Sa kabuuan, ito ang wikang nag-uugnay sa iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino at ito rin ang wika ng
pananaliksik para sa pagyabong ng karunungan at karanasan ng mga mamamayang gumagamit nito
Virgilio S. Almario -Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino

FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT/NG PANANALIKSIK


“Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika
ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika”-Manuel L. Quezon
- Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay nagsasaad ng ganito:
- Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino sa Filipino at
Inggles, at dapat naisinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic
at Kastila.
“Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas, sa kaayusan at sa pag-unlad ng lipunan.
(Constantino, n.d.)-Dr. Pamela Constantino
Sinabi ni Vitangcol III (2019) sa kanyang artikulong “ Ano ang Sanaysay ng Wikang Filipino” na kahit ang
dating Pangulong Aquino ay nagsabi na, “imbes na mga galos at pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig,
sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at pusong makabayan. Dagdag pa niya, “Wika ang dapat pagbubuuin
tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin.
Sa panahon ng malawakang pangingibang bansa ng mga Pilipino, wikang Filipino pa rin ang tanging
nagbubuklod sa bawat isa. Wika pa rin ang simbolo ng kulturang pinagmulan na tanging sandata ng mga Pilipino
sa panahon na malayo sila sa kanilang bayan. Sa wikang ito nakaugat ang mga adhikain na nagsisilbi nilang lakas
laban sa mga hamon ng bansang umaalipin sa kanila. Ngayon sa panahon ng pandemya, saan mang sulok ng
mundo ay naipararating ng mga Pilipino sa kinauukulan ang kanilang kalagayan at tulong na inaasam. Gamit ang
sariling wika, malinaw na naisasalaysay ang hinaing ng puso at pangungulila sa abang bayan na pansamantalang
nilisan para sa inaasam na magandang kinabukasan.
Wikang Filipino - wika rin ng edukasyon
Sa paglulunsad ng K to 12 Basic Education Curriculum isinaalang-alang ang pangangailangan ng
lipunan, global at local na pamayanan maging ang kalikasan at ang pangangailangan ng mamamayan. Batay sa
Gabay Pangkurikulum, isasama ang Filipino bilang disiplina sa wika kung saan nilalayon nito ang pagtuturo ng
Filipino upang malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang
pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng
pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Sa kabubuan, sa paglipas ng panahon, napatunayan na:
1. Ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang matanto ng bagong henerasyon ang mga pangyayari at
kasaysayan na naging daan sa inaangking kalayaan.
2. Ito rin ang nagbukas ng marami pang kaalaman sa iba’t ibang larangan at malaking papel ang ginagampanan at
gagampanan pa sa iba’t ibang anyo ng pananaliksik tungo sa mas malawak na pagbabago hindi lamang sa
larangan ng edukasyon kundi pati na rin sa pagbabagong anyo at pagbibihis ng bayang kinagisnan.
FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN
Gonzales (n.d.)-tinalakay nya sa kanyang modyul na may titulong “Ang pagpapayabong at Intelektwalisasyon ng
Wikang Filipino: Mula sa Paninging Teoretikal, Historikal at Sosyolohikal” ang modelo ng paglinang ng wika
ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon (1971) Ayon sa kanila, isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang
elaborasyon o pagpapayabong nito na tinatawag ding intelektwalisasyon. Ang wika ay uunlad kung ito ay
ginagamit bilang kasangkapan ng kultura at mas lalo pang napalalawak kung ginagamit ito sa pagpapahayag ng
mga pagbabago o pag-unlad ng kabihasnan, particular sa mga paksang may kinalaman sa agham at teknolohiya,
sa mga makabagong pangangailangan at Gawain sa pagsulong ng isang bansa tungo sa industriyalismo nito.
Constantino (2015)- sa aklat ni San Juan et al. (2019) ang kahalgahan ng intelektwalisasyon ay ang paggamit ng
Filipino sa iba’t –ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang
Filipino. Ang wika ay mabilis na uunlad kung ito ay ginagamit hindi lang sa tahanan, sa lansangan o pag araw-
araw na buhay kundi isang larangan sa edukasyon at pananaliksik.

Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M. Fernandez (2018), binigyang-diin ni
Virgilio Almario, ang pambansang Alagad ng Sining, na mas magiging epektibo ang saliksik kung ito ay nasa
wikang Filipino. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino, Wika
ng Pananaliksik”. Ang pagdiriwang na ito ay nakatuon sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng
pananaliksik. Mas magiging epektibo ito kung ang bawat unibersidad ay hihikayatin na gawin sa wikang Filipino
ang mga pananaliksik lalo na ang tesis at disertasyon.
Flores (2015) - sa aklat ni San Juan(2019) may dalawang antas ang pagbabagong wika. Ito ay ang:
1. Antas makro sa pagpaplanong wika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo
2. Antas maykro sa pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa
bawat lugar.
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN

YUNIT 1
Konstitusyonal na Batayan ng Pambansang Wika

Sa deskripsyon ng KWF, ipnagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay at dahil nga buhay, ito
ay dinamiko. Ngunit pansinin natin ang proseso nga paglinang ditto ayon sa nakasaad sa resolusyon.
Bigyang-diin natin ang pariralang sa pamaamgitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-
katutubong wika. Totoo namang nanghihiram ang wika natin sa mga di-katutubong wika o mga wikang
dayuhan lalo na para sa mga konseptong walang direktang katumbas sa ating wika. Ngunit kaiba sa
karaniwang panghihiram ng mga bagay, sa panghihiram ng wika ay inaari na rin nating atin ang salitang
ating hiniram na maaaring nang walang pagbabago o may pagbabago sa baybay. Hiram sa Ingles ang
salitang kompyuter, taxi, cellphone at marami pang iba ngunit Filipino na rin ang mga ito. Gayon din
ang tsuper, tsuper mula sa Franses; pansit, siopao, lomi mula sa Intsik; aquarium, gymnasium, modus
operandi mula sa Latin; silya, libro, kubyertos, sibuyas mula sa Kastila. Itinuturing na ring Filipino ang
mga salitang ito at ang marami pang iba. Hindi na natin kailangang ibalik ang mga ito sa wikang ating
pinanghiraman, sapagkat bagamat hiram nga ay atin na rin.
Hindi na rin maitatatwa ang pagpasok sa Filipino ng mga bokabularyong mula sa mga wika sa
ating bansa tulad ng jihad (Muslim), buang (Bisaya), gurang(Bisaya), manong/manang (Ilocano),
pinakbet (Ilocano) at marami pang iba. Sa isa ngang artikulo ni Dr. Virgilio Almario, nabanggit niyang
paborito niyang halimbawa ang salitang katarungan na mula sa salitang taron (Cebuano). Ngunit
mapupuna sa Resolusyon ng KWF ang sinasabing panghihiram bilang proseso ng paglinang sa mga
salitang ito mula sa mga wika sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Hindi natin hinihiram ang anumang
bagay na atin naman. Kung ang salita, kung gayon, ay galing sa Mindanao, Visayas o sa Hilaga o
Katimugang bahagi ng Luzon, hindi iyon hiniram ng Filipino sapagkat atin din naman ang mga wikang
pinagmulan nito. Samakatwid, mas akmang gamitin ang salitang pag-aambag sa halip na panghihiram.
Samakatwid, ang Filipino (1987 Constitution) ay hindi na Pilipino (Kautusang Pangkagawaran
Bilang 7, Kagawaran ng Edukasyon) na batay sa Tagalog. Ngunit kailangang linawin na hindi rin ito ang
ipinanukalang amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas.
Demokratiko man, imposible ang konseptong ito ni Demetrio Aquino Jr. (Almario, sa Bernales, et al.,
2006). Ginawa na ito sa Europa noon pa. lumikha sila roon ng isang artipisyal na wika mula sa
pagsasama-sama ng mga salita ng halos lahat ng wika sa Europa at tinawag nila iyong Esperanto.
Namatay ang wikang ito bago pa man isilang dahil walang tumangkilik o gumamit (Bernales, mula sa
Tumangan, et al., 2000).
Linawin pa natin nang higit ang kaibhan ng Filipino sa Tagalog at Pilipino.
Tagalog ang wika ng Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro,
Marinduque, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Pricesa at maging sa Metro Manila. Kung gayon, ang
Tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong partikular na
wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistik na grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog
(Constantino, sa Bernales, et al., 2002).
Samantala, pumasok ang pangalang Pilipino bilang wikang pambansa noon ngang 1959. Bunga
ito ng kalituhang ibinunga ng pagbatay sa wikang pambansa sa Tagalog noong 1937. Naging madalas
ang pagtukoy sa wikang pambansa mula noon bilang Tagalog na isa ngang pagkakamali. Kaya sa bisa
ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 59, itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino. Ngunit lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa istruktura at nilalaman.
Samakatwid, ang Pilipino ay isang mono-based national language. Wala noong pagkakataon ang mga
di-Tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino. Naging labis na purist rin
ang mga taliba nito. Kaya sa mga eskwelahan noon, mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang-
aralain kaysa asaynment; ang pamantasan kaysa unibersidad; ang dalubhasa kaysa kolehiyo; ang mag-
aaral kaysa estudyante. Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialism na nagbunga ng
mga negatibong reaksyon sa mga di-Tagalog.
Sa kasalukuyan, hindi na tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din. Matagal na itong
nasagot ng mga saliksik sa linggwistika. Wika nga ni Almario (sa Bernales, et al., 2006), hindi lamang
natin iniintinding mabuti. Samantala, may mga miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kailangan
nating linawin. Una, ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi galing sa Ingles na
Filipino na tawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin isang akomodasyong pampulitika
ang pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula Pilipino sa Filipino. Maaaring napahinahon nga
nito ang mga rehiyonalistang anti-Pilipino, pero higit pa roon ang dahilan ng pasyang pagpapalit ng P sa
F. Kinakailangang gawin iyon upang magkaroon ng kongkretong sagisag ng modernisasyong
pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang
paglinang dito salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Mga pagbabago itong
kaiba sa pambansang wikang Pilipino. Sa pamaamgitan ng pagpapalit ng P sa F, nakakaptyur ng Filipino
ang bagong konsepto ng wikang pambansang nililinang salig hindi sa Tagalog lamang kundi maging sa
iba pang mga wikang katutubo, kasama ang Ingles, Kastila at iba pang nakaiimpluwensya sa ating
kabihasnan.
Ano, kung gayon, ang pinakaesensya ng konsepto ng wikang Filipino? Walang iba kundi ang
pagiging pambansang lingua franca nito. Bilang isang lingua franca, ito ang nagsisilbing pangalawang
wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isa’t isa lalo na
sa mga syudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuano,
Ilocano, Pampango, Tausug, Kalinga, at iba pa. Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nabubuo
ang barayti nito bunga ng impluwensya ng ating kani-kaniyang unang wika sa paggamit nito. Mga
barayti itong bunga ng dimensyong heograpiko, kung kaya maaaring magkaroon ng Iloco barayti ng
Filipino, Cebuano barayti, Minanaon barayti at iba pa.
Ang huling talata ng isang artikulo ni Dr. Almario (sa Bernales, 2006) ay isang mahusay na
paglalarawan sa esensya ng wikang Filipino bilang isang pambansang lingua franca:
Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa “sanyata” at “ranggay” ng Iloco, sa
“uswag” at “bihud” ng Visayas, sa “santing” ng Kapampangan, sa “laum” at “magayon” ng
Bicol at kahit sa “buntan” ng Butuan at sa “suyad” ng Manobo. Samantala’y hindi ito
hadlang sa madaliang pagpasok ng “shawarma,” “sashimi,” “glasnost,” “perestroika,”
“shabu,” “megabytes,” “coliform,” “odd-even,” at iba pang idaragsa ng “satelayt” at “fax” ng
globalisasyon.
Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming dayalekto. Sa mahigit na pitong
libong pulo mayrooon tayo, higit sa apat na raang iba’t ibang dayalekto o wikain ang ginagamit. Bawat
rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikain. Dahil dito, naging napakahirap ang pakikipag-
ugnayan natin sa isa’t isa. Nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa pagkakabuklud-buklod at pagkakaisa.
Kung tutuusin, hindi sana tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpung taon aang ating
pagkaalipin kung noon pa mang unanga taon ng pananakop ay may isa nang malawak na wikang
nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino (Bisa, et al., 1983:4).
Ang mga ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit pinagsumikapan ng magigiting nating
ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa at kung bakit ito nilinang at patuloy na nililinang
hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas,
kautusan, proklama, at kautusan na ipinalabas ng iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may
malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa.

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas


Panahon ng Espanyol

Ang ating mga lupain, bago pa man natuklasan ng mga Europeo, ay may sarili nang sibilisasyon.
Mayroon na itong sistemang pampolitika sa anyo ng mga barangay; may konsepto ng mga Diyos na
sinasamba sa pamamagitan ng paganismo; may sariling teknolohiya at mga kasangkapan na gamit sa
iba’t ibang gawain; may ugnayang panlabas; at may panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng kultura
at kasaysayan. Isa pa sa mga dakilang patunay nag sibilisasyon ng ating mga ninuno ay ang
pagkakaroon ng sariling mga wika – buhay, may estruktura, at lubos na pinakikinabangan sa araw-araw

Sa mga wika sa Pilipinas, kahit bago pa man dumating ang mga mananakop, ang maituturing na
pinakamaunlad at nag-aangkin ng pinakamayamang panitikan ay ang Tagalog (San Juan, 1974). Ayon
sa paring Heswita na si Padre Chirino, sa Tagalog niya nakita ang katangian ng apat na pinakadakilang
wika ng daigdig; ang hiwaga at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi ng mga salita ng Griyego lalo na
sa mga pangngalang pantangi, ang o higit pa buo ng kahulugan at pagkaelegante ng Latin, at ang
pagiging sibilisado at magalang ng Espanyol (San Juan, 1974).
Ang sinaunang Tagalog ay isinusulat sa paraang silabiko o pantigan. Mayroon itong 17 titik: 3
patinig at 14 na katinig. Hindi tulad ng alpabetong Romano na magkabukod ang tunog ng patinig at
katinig na nangangailangan ng pagsasama ng dalawa o higit pa upang makabuo ng pantig, ang mga titik
sa baybaying Tagalog ay pinagsama nang katinig at patinig (ganap nang pantig) na nag-iiba-iba lamang
ang bigkas depende sa pagkakaroon ng tuldok at sa posisyon nito.
Ang mga tunog ng patinig ay kinabibilangan ng /a/, /i/ (maaari ring maging /e/), at /u/ (maaari
ring maging /o/). Ang mga tunog ng katinig ay binubuo ng /ba/, /ka/, /da/, /ga/, /nga/, /ha/, /la/, /ma/,
/na/, /pa/, /sa/, /ta/, /wa/, at /ya/.
Kakikitaan din ito ng impluwensyang Tsino, Arabe, at Sanskrit bunsod na rin marahil ng
pakikipag-ugnayan ng ating mga ninuno sa mga lahing nagsasalita ng mga ito. Ilan sa mga dayuhang
salita na nakapasok sa talasalitaang Tagalog ay ang am, ate, batutay, buwisit, at hikaw mula sa Tsino;
hukom at sulat mula sa Arabe; at basa, kati, at dusai mula sa Sanskrit (Sa Juan, 1974). Napalitan lamang
ang silabaryo ng alpabetong Romano sa huling bahagi ng ika-17 siglo dahil sa pagsisikap ng mga
misyonerong Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005).
Nang masakop ng Espanya ang mga pulo sa Pilipinas, isa sa mga naging pangunahing layunin
nito ay ang maipalaganap ang Kristiyanismo. Gayunpanman, naging malaking hadlang ang pagkakaiba-
iba ng mga wika sa pagkakaunawaan. Kaya upang mapadali ang komunikasyon, pinag-aralan ng mga
misyonerong Espanyol ang wika ng mga katutubo at ginamit nila ito sa pakikipag-ugnayan sa kanila.
Hindi naman ito naging mahirap dahil maraming tunog sa Tagalog ang kahawig ng tunog sa Espanyol
(San Juan, 1974). Mas praktikal din ito para sa kanila dahil naging mas madali para sa isang misyonero
ang pag-aralan ang wika ng mga katutubo at gamitin ito kaysa ituro sa lahat ang Espanyol. Mas naging
tumpak at kapani-paniwala din ang pangangaral ng relihiyon dahil nagmula ito mismo sa bibig ng mga
pari at hindi na pinaraan pa sa isang tagasalin o interpreter (Catacataca at Espiritu, 2005).
Dahil sa halaga ng wika sa tagumpay ng kolonisasyon, pana-panahong naglabas ang monarka ng
Espanya ng mga atas na namamahala sa wikang gamit sa mga kolonya. Noong 1550, nagpalabas si
Haring Carlos I (namuno 1516-156) ng isang kautusan na nagtatakda ng pagtuturo ng
pananampalatayang Katoliko sa wikang Espanyol. Iniatas din ang pagtuturo ng pagbasa, pagsulat, at
mga doktrinang Kristyano sa mga nais matuto sa paraang madali at hindi hihingi ng dagdag na bayad.
Itinakda rin ang pagtatalaga ng mga guro, gaya ng mga sacristan, upang tuparin ang mga gawaing ito
(Blair at Robertson, 1907).
Noong Marso 1634, nagpalabas si Haring Felipe IV (namuno 1621-1665) ng isang atas na
muling nagtatakda ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo at hindi na lamang sa mga
nais matuto. Hiniling din sa mga arsobispo at Obispo na atasan ang mga pari at misyonero sa kanilang
nasasakupan na pangunahan ang pagtuturo sa mga katutubo ng wikang Espanyol at ng
pananampalatayang Katoliko.
Sa panahon ni Haring Carlos II (namuno 1665-1700), nagpalabas siya ng isang atas na muling
nagbibigay-daan sa mga atas-pangwika nina Carlos I at Felipe IV at nagtakda pa ng parusa sa mga hindi
susunod dito. Noong Disyembre 1792, naglabas siya naman si Haring Carlos IV (namuno 1788-1808)
ng isang atas na nagtatakda ng pagaggamit sa Espanyol sa mga kumbento monasteryo, lahat ng gawaing
hudisyal at ekstrahudisyal, at mga gawaing pantahanan (Catacataca at Espiritu, 2005).
Nakapaglabas ang mga monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng 14 na antas na
nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo.

Isa sa mga tampok na atas-pangwika na ipinalabas ng monarkiya ng Espanya ay ang Dekretong


Edukasyonal ng 1863 na nag-aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan sa bawat pueblo sa Maynila
upang mabigyan ng edukasyon sa Espanya ang mga anak ng mga katutubo. Itinatakda rin nito na
Espanyol lamang ang gagamiting midyum ng pagtuturo dahil ang pangunahing layunin ng kurikulum ay
ang pagkaakroon ng literasi sa Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005). Isinasaad pa ng dekreto na hindi
pahihintulutang humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga katutubong hindi marunong
magsalita, bumasa, o sumulat sa Espanyol, apat na taon makaraan ang publikasyon ng batas upang
mapilitan ang mga Pilipino na pag-aralan ang wika ng mga mananakop.
Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubo at
maituro sa kanila ang Espanyol, nabigo ito dahil sa paghadlang ng mga prayle. Ayon nga sa bayaning si
Marcelo H. del Pilar, sinabotahe ng mga relihiyoso ang parogramang pangwika at sila ang may
kasalanan kung bakit nanatiling mababa ang kalagayang pang-edukasyon ng Pilipinas. Ito ay dahil
natatakot noon ang mga prayle na maging kolonyang Hispano ang Pilipino sa halip na kolonyang
monastiko (Catacataca at Espiritu, 2005). Gayunman, nanindigan pa rin noon ang mga prayle na hindi
sila ang dapat sisihin sa kabiguan ng mga patakarang pangwika at kalagayang pang-edukasyon, bagkus
ay ang kahinaan ng mga batas. Sinabi pa ng mga prayle na maganda ang layunin ng mga batas pangwika
subalit kapos ang pondo para sa mga guro at sa pagpapatayo ng mga paaralan.
Kung tutuusin, may gumagana nang wika ang mga katutubo bago dumating ang mga
mananakop. Mahusay na ang wikang ito kaya minabuti ng mga misyonero na huwag na itong burahin,
sa halip ay panatilihin at gamitin sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Kung may pamanang
pangwika man na naiwan ang mga Espanyol sa kanilang mahigit 300 taong pananakop, ito ay (1) ang
romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na nagpahintulot ng mas madaling
komunikasyon ng mga Pilipino sa daigdig na gumagamit na rin ng sistemang iyon at (2) ang yaman ng
bokabularyong Espanyol na nakapasok sa talasalitaan ng mga katutubong wika sa Pilipinas.
Hinahadlangan man ng mga misyonero ang ganap na pagkatuto ng mga katutubo ng Espanyol, naging
kapalit naman nito ay ang pananatiling buhay ng mga lokal na wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga
Pilipino hanggang ngayon.
Sa pagtatapos ng kolonisasyon ng Espanya at unti-unti noong pag-usbong ng sariling
pamahalaan ng mga Pilipino, kinilala na ang halaga ng pagkakaroon ng opisyal na wika. Ayon sa
Artikulo VII ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato na inakda ni Felix Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan
noong ika-1 ng Nobyembre, 1897, “Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal ng Republika.”
Dagdag pa, “ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat sa wikang opisyal
na Tagalog, at mga pangunahing simulain ng Ingles. Ang lalong mataas na edukasyon ay bubuuin ng
dalawang kurso ng Ingles at dalawang kurso ng Pranses.” Sinabi rin, “kailanma’t ang Ingles ay sapat
nang malaganap sa buong kapuluan, ito ay ipahahayag na wikang opisyal.”
Sa Konstiitusyon ng Malolos na inakda nina Felipe Calderon at Felipe Buencamino at nilagdaan
noong ika-21 ng Enero, 1899, ibinalik naman ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika
sang-ayon sa Artikulo 93, habang pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging
opisyal na wika.

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas


Panahon ng Amerikano

Nang lagdaan ng mga kinatawang mula sa Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris
noong ika-10 ng Disyembre, 1898 na nagkabisa noong ika-11 ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala
ng Pilipinas mula Espanya tungo sa noon ay umuusbong pa lamang na superpower ng daigdig-ang
Estados Unidos.
Inihayag ni Pangulong William McKinley ang magiging bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa Paris
noong ika-21 ng Disyembre, 1899 sa pamamagitan ng proklamasyon ng Benevolent Assimilation. Ayon
dito, papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang “kaibigang”
mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay, at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino.
Upang mataya ang kalagayan ng bagong teritoryong napasailalim sa kanilang pamamahala, nagpadala si
Pangulong McKinley ng dalawang komisyong mag-aaral dito. Ang unang komisyong binuo noong ika-
20 ng Enero, 1899 ay pinamunuan ni dr Jacob Schurman, noon ay pangulo ng Cornell University,
habang ang ikalawa ay pinamunuan ni William Howard Taft, isang pedereal na hukom sa Ohio na
itinalaga sa katungkulan noong ika-16 ng Marso, 1900.
Ayon sa mga konsultasyon at pagdinig na isinagawa ng komisyong Schurman, napag-alaman
nito na higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong
paaralan kaysa mga wikang katutubo o Espanyol dahil ang Ingles ay “mahigpit na nagbibigkis sa mga
mamamayan at mabisang instrument sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya” (Catacataca
at Espiritu, 2005). Dahil dito, inirekomenda ng komisyon ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga
paaralang primary. Sinusugan ito ng Komisyong Taft na nagrekomenda rin ng pagkakaroon ng isang
wikang gagamiting midyum ng komunikasyon sa bansa gayong may kani-kaniyang wika ang bawat
pangkat sa Pilipinas.
Dahil pinagkalooban ang ikalawang komisyon ng limitadong kapangyarihang bumuo ng batas at
pamahalaan ang bansa, ipinatupad nito ang Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Enero, 1901na nagtatag sa
Department of Public Instruction (ang kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd) na
mangangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon sa bansa. Itinatakda rin nito na hangga’t maaari ay
Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng paaralang bayan. Ayon kay Taft, napili ang Ingles na
maging wikang opisyal sa Pilipinas dahil ito ang wika ng silangan, wika ng isang demokratikong
institusyon, wika ng kabataang Pilipinong hindi marunong ng Espanyol, at wika ng puwersang
namamahala sa Pilipinas. Mas madali rin daw matutuhan ang Ingles kaysa Espanyol (Catacataca at
Espiritu, 2005).

Sang-ayon ito sa nauna nang ulat ni Kap. Albert Todd, pansamantalang tagapamuno ng pagtuturong
publiko sa ilalim ng pamahalaang military, na nagmungkahi ng mga sumusunod:
1. Dapat itaguyod sa lalong madaling panahon ang komprehensibong Sistema ng makabagong
paaralan na magtuturo ng panimulang Ingles, at gawing sapilitan ang pagpasok dito kung
kinakailangan.
2. Dapat magtayo ng mga paaralang pang-industriya na magtuturo ng mga kasanayan sa paggawa
kapag may sapat nang kaalaman sa Ingles ang mga katutubo
3. Dapat gamiting wikang panturo ang Ingles sa mga paaralang nasa ilalim ng pamamahala ng mga
Amerikano at gagamitin lamang sa panahon ng transisyon ang mga wikang katutubo o ang
Espanyol.
4. 4. Dapat magpadala sa Pilipinas ng sapat na guro sa Ingles na bihasa sa pagtuturo sa elementarya
upng pangunahan ang pagtuturo kahit muna sa malalaking bayan.
5. 5. Dapat magtayo ng isang paaralang normal na huhubog ng mga Pilipino na magiging guro ng
Ingles.
Upang lalong mapilitan ang mga Pilipinong mag-aral ng Ingles, nagpatupad si Newton W. Gilbert,
pansamantalang gobernador heneral ng Pilipinas noong 1913, ng isang kautusang tagapagpaganap na
nagbigay-diin sa halaga ng Ingles sa pamahalaan. Ayon sa kanyang kautusan:
1. Ang mga katitikan ng mga pulong ng mga sangguniang pambayan at panlalawigan ay dapat
nakasulat sa Ingles.
2. Ang lahat ng opisyal na korespondensya sa mga naglilingkod man sa pamahalaan o sa mga
pribadong indibidwal ay dapat nakasulat sa Ingles.
3. Uunahing itaas ang ranggo ng mga taong may sapat na kasanayan sa Ingles, parehong sa pasalita
at pasulat na komunikasyon.
Pagsapit ng 1928, naiulat na halos lahat ng sangguniang pambayan at panlalawigan ay nakagagamit
na ng Ingles. Masasabing nagpapatunay ito na nagtagumpay ang mga Amerikano sa pagpapalaganap ng
kanilang wika (Catacataca at Espiritu, 2005).

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas


Panahon ng Komonwelt

Pagkalipas ng mahigit tatlong dekada ng direktang kontrol sa Pilipinas (1901-1935), gumawa na rin
ng malaking hakbang ang Estados Unidos upang maipagkaloob sa mga Pilipino ang ganap na kalayaang
pampolitika at mapamahalaan ang sarili. Pinatunayan ito ng Philippine Independence Act, mas kilala sa
tawag na Batas Tydings-McDuffie (sunod sa pangalan ng mga may-akda nitong sina Senador Millard
Tydings at Kinatawan John McDuffie ng Estados Unidos) na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos at
pinagtibay noong ika-24 ng Marso, 1934.
Ayon sa nasabing batas na pinamagatang “An Act to Provide for the Complete Independence of the
Philippine Islands, to Provide for the Adoption of a Constitution and a Form of Government for the
Philippine Islands, and for Other Purposes,” pinahihintulutan ang Pambansang Asamblea ng Pilipinas
na maghalal ng mga kinatawan sa isang kumbensyong konstitusyonal na mag-aakda ng saligang batas
ng bansa.
Sampung taon makaraang aprobahan ng pangulo ng Estados Unidos ang nasabing konstitusyon at
pagtibayin ng mamamayang Pilipino, lilisanin na ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Pilipinas at
isasalin ang pamamahala nito sa mga halal na opisyal ng bayan. Tatawaging “Pamahalaang Komonwelt”
ang pamumuno sa bansa habang nasa transisyon ng pagiging ganap na malayang bansa. Ayon sa
Seksyon 10(a) ng batas:
“On the 4th day of July immediately following the expiration of a period of ten years from the date of
the inauguration of the new government under the constitution provided for in this Act, the President of
the United States shall by proclamation withdraw and surrender all right of possession, supervision,
jurisdiction, control, or sovereignty then existing and exercised by the United States in and over the
territory and people of the Philippine Islands, including all military and other reservations of the
Government of the United States in the Philippines (except such naval reservations and fueling stations
as are reserved ubder section 5), and on behalf of the United States, shall recognize the independence of
the Philippine Islands as a separate and self-governing nation and acknowledge the authority and
control over the same of the government instituted by the people thereof, under the constitution then in
force.”
Ang Saligang Batas na pinabuo ng Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng Pambansang Asamblea
noong ika-8 ng Pebrero, 1935 at pinagtibay naman ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng isang
plebisito noong ika-14 ng Mayo, 1935. anim na buwan pagkaraang apagtibay ang Saligang Batas ng
1935, inihalal naman ang mga pinuno ng Pamahalaang Komonwelt at nanungkulan sila ng 10 taon. Sila
ay sina Pangulong Manuel L. Quezon at Pangalawang Pangulong Sergio Osmeña na kapwa mula sa
Partido Nacionalista.
Ayon sa Seksyon 2(a)(8) ng Batas Tydings-McDuffie, “Provision shall be made for the
establishment and maintenance of an adequate system of public schools, primarily conducted in the
English language.”

Naging punto ng mainit na pagtatalo ang probisyong ito dahil isinara na nito ang usapin tungkol sa
patakarang pangwika. Sa halip ma mapagtalunan pa ng kumbensyong konstitusyonal, lalo pa at
lumalakas ang argumento tungkol sa paggamit ng unang wikang panturo, tila nagdesisyon na ang mga
nakatataas na Ingles na ang gagamitin at wala nang iba. Gayunpaman, nagkasundo ang mga delegado ng
kumbensyon na ituloy pa rin ang debate tungkol sa pagpili ng pambansang wika dahil ito ang tamang
lugar upang matalakay ang isyu (Catacataca at Espiritu, 2005).
Ayon kay Isidro (1949) na sinipi nina Constantino, et al. (2002), ang mga sumusunod ay mga
argumentong pabor sa paggamit ng Ingles:
1. Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang pagtuturo dahil iba-iba
ang wikang gagamitin sa bawat lalawigan – magiging isang suliranin kapag lumipat na sa
paaralang nasa ibang lalawigan ang isang estudyante.
2. Magbubunsod ng rehinalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga katutubong
wika at magdudulot din ng sentimentalismo ang paggigiit sa mga pangkat sa bansa na
pangibabawan sila ng wika ng ibang pangkat.
3. Magtutulak ng code-switching sa mga estudyante ang sabay na pagtuturo nga dalawang wika
(unang wika at Ingles) na hindi kaaya-ayang pakinggan.
4. Malaki na ang naipamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo ng Ingles na umaabot na sa 500
milyong piso.
5. Itinuturing na Ingles ang susi sa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa na maaaring hindi
matamo kung bibigyang-diin ang iba’t ibang wika.
6. Makatutulong ang pagkatuto ng Ingles kung nais ng Pilipinas na lumahok sa globalisasyon dahil
ito ang gamit sa pandaigdigang kalakalan.
7. Mayaman ang Ingles sa mga katawagang pang-agham at pansining na magpapaunlad sa
kalinangan ng Pilipinas.
8. Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga ng pagkatuto sa Ingles ayon sa mga pag-
aaral dahil ang Estados Unidos man ay natagalan din sa pagtatamo ng bunga sa pag-aaral ng
Ingles.
Ang mga sumusunod naman ay mga argumentong pabor sa katutubong wika sa Pilipinas (Isidro, 1949
na sinipi nina Constantino, 2002):
1. Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil hanggang mababang
paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante; 80% sa kanila ang tumitigil na sa pag-aaral
bago sumapit ang baitang 5 kaya dapat ibuhos na ang lahat ng dapat matutuhan sa katutubong
wika sa sandaling panahong nasa paaralan ang mga estudyante kaysa gugulin pa sa Ingles.
2. Walang laman ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang konspeto kaya upang
maituro ito, kailangan pang ituro muna ang wika (Ingles); kung sa katutubong wika na
magtuturo, nasa kamalayan na agad ng bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto.
3. Kung kailangan talaga ng iisang wikang gagamitin sa buong bansa na binubuo ng iba’t ibang
pulo na may iba’t ibang pangkat at iba’t ibang wika, mas madaling linangin ang Tagalog kaysa
Ingles; 1% lang ng mga Pilipino ang gumagamit ng Ingles sa kanilang mga tahanan.
4. Hindi natutulungan ng Ingles ang mga estudyanteng Pilipino na matutuhang harapin ang pang-
araw-araw na realidad na kanilang nararanasan; ang Ingles ay mapakikinabangan sa hinaharap
lamang kung tutuloy ang mga estudyante sa unibersidad o mangingibang-bansa.

Habang binubuo pa lamang ang Saligang Batas ng 1935, ang mga sumusunod ang naging mga
panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kina Catacataca at Espiritu (2005):
1. Ingles ang dapat na maging wikang opisyal.
2. Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal.
3. Ingles at Espanyol ang dapat na maging pambansang wika.
4. Tagalog ang dapat maging pambansang wika.
5. Dapat itatag ang isang Akademya ng Wikang Pambansa na may mandatong pangunahan ang
pag-aaral at pagrerekomenda ng isang pambansang wika.
6. Dapat magmula ang pambansang wika sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas na pipiliin
sa pamamagitan ng referendum.
7. Dapat bumuo ng isang pambansang wika na nakabatay sa Tagalog.

Matapos mapakinggan ang opinyon ng bawat panig na may kinalaman sa usapin, napagpasyahan ng
Komite sa Opisyal na Wika na ibinatay ang pambansang wika sa isa sa mga katutubong wika sa
Pilipinas at hindi sa isang dayuhang wika, ngunit panatilihin ang Ingles at Espanyol bilang mga wikang
opisyal. Naisatitik ang resolusyong ito sa huling bersyon ng Saligang Batas ng 1935 sa Artikulo XIV,
Seksyon 3 na nagsasaad:
The Congress shall take steps toward the development and adoption of a common national language
based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by laws., English and Spanish
shall continue as official languages.

Ayon kay Roberto Añonuevo (2011), ang nasabing probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay
ipinaglaban ng mga sumusunod na delegadong di-Tagalog sa kumbensyong konstitusyonal: Felipe R.
Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarine Norte), Tomas Confesor (Iloilo),
Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte).
Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng unang sesyon ng Pambansang Asamblea noong ika-16 ng
Hunyo, 1936, muling binigyang-diin ni Pangulong Quezon ang probisyong pangwika ng Saligang Batas
at hiniling sa mga mambabatas na isaalang-alang ito. Aniya:
While it is my hope and conviction that the English language will remain one of the most
generally spoken languages in the Philippines even after independence, nevertheless, we cannot ignore
the injunction of the Constitution that we take steps for the formation of a national language based on
one of the existing native languages…Perhaps a committee may be created to study the question and
make recommendations (Official Gazette, 16 Hun 1936).
Mabilis naman ang naging pagtugon ng Pambansang Asamblea. Limang buwan lamang pagkatapos
ng mensahe ng pangulo, ipinasa agad nito noong ika-13 ng Nobyembre, 1936 ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na pinamagatang “An Act to Establish a National Language Institute and Define Its Powers and
Duties.” Ayon sa Seksyon 5 ng batas, ang pangunahing magiging tungkulin ng National Language
Institute (NLI) o Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay magsagawa ng pag-aaral sa mga wika sa
Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang pauunlarin at kikilalaning pambansang wika. Ilan sa mga
tiyak na tungkulin nito ang mga sumusunod:
1. Suriin ang mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng kahit kalahating milyong Pilipino
man lamang.
2. Tukuyin at ayusin mula sa nasabing mga wika ang mga sumusunod: (a) mga salita o pahayag na
magkakatulad ng tunog at kahulugan, (b) mga salitang magkakatulad ng tunog ngunit
magkakaiba ng kahulugan, at (c) mga salitang magkakalapit ng tunog ngunit magkakatulad o
magkakaiba ng kahulugan.
3. Pag-aralan at tukuyin ang sistema ng ponetika at ortograpiyang Pilipino.
4. Magsagawa ng komparatibong pagsusuri ng mga panlaping Pilipino (unlapi, gitlapi, hulapi)
5. Piling batayan ng pambansang wika ang wikang may pinakamaunlad na estruktura, mekanismo,
at literatura na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino sa panahong iyon.
6. Ayon pa Seksyon 7 ng batas, dapat ihayag ng Surian ang wikang napili nitong pagbabatayan ng
pambansang wika at iharap ang rekomendasyon sa pangulo ng bansa na siyag magpoproklama
naman nito sa pamamagitan ng atas na magkakabisa dalawang taon matapos ang proklamasyon.

Ang SWP ay binuo ng mga kinatawan mula sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Naging
pangulo nito si Jaime C. De Veyra (Bisaya-Samar-Leyte) samantalang ang mga orihinal na kasapi ay
sina Santiago A. Fonacier (Ilikano), Cecilio Lopez (Tagalog), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felimon
Sotto (Bisaya-Cebu), Felix S. Salas Rodriguez (Bisaya-Panay), at Hdji Butu (Muslim). Si Sotto na noon
ay may karamdaman ay pinalitan ni Isidro Abad samantalang si Butu na namatay nang hindi inaasahan
ay pinalitan ng kanyang anak na si Gulamo Rasul. Nadagdag namang mga kasapi sina Lope K. Santos
(Tagalog) at Jose I. Zulueta (Pangasinan) sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 333 na ginawang siyam ang
orihinal na pitong kasapi ng Surian.

Pagkaraan nang mahigit isang taon ng masusing pag-aaral, inirekomenda ng SWP ang Tagalog
bilang batayan ng pambansang wika na nagkabisa salig sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937
na pinamagatang “Proclaiming the National Language of the Philippines Based on the Tagalog
Language“ na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre, 1937.
Ayon sa kautusan, batay sa pagsusuri ng mga ekspertong bumuo sa SWP, ang Tagalog ang
wikang pinakamalapit na nakatutugon sa mga kahingian ng Batas Komonwelt Blg. 184. sinasabing
nagkakaisa rin ang mga Pilipinong iskolar at makabayan, magkakaiba man ang kanilang pinanggalingan
at pinag-aralan, sa pagkapili ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika dahil sinasabing tanggap at
ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga Pilipino bukod pa sa pagpapatotoo ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat. Ang pagpili rin sa Tagalog bilang batayan ng pauunlarin at
kikilalaning pamansang wika ay hindi taliwas sa Batas Tydings-McDuffie na nagtatakda sa Ingles
bilang wikang panturo sa mga paaralang primarya dahil mananatili ito.
Dahil inilabas ni Pangulong Quezon ang proklamasyon kasabay ng pagdiriwang ng ika-41
anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal, bumigkas na rin siya ng isang talumpati sa radyo na
nagbibigay-pugay sa ating bayani at nagpapaliwanag sa ipinalabas niyang kautusan. Aniya, ang
pagpapatibay ng isang pambansang wika na pinili mula sa iba’t ibang wikang sinasalita sa Pilipinas, lalo
na sa Tagalog na siyang katutubong wika ni Rizal at siyang pinakamaunlad sa lahat ng umiiral na wika
sa bansa, ay nagsasakatuparan ng isa sa mga mithiin ng ating bayani. Bilang pinakamataas na pinuno ng
bansa, sinabi ni Pangulong Quezon na ilang ulit na siyang nakadama ng malaking kahihian dahil kapag
nagpupunta siya sa mga lalawigan ang unag wika ay Ilokano, Bisaya, Kapampangan, o Bikol,
kinakailangan pa niyang kumuha ng isang tagasalin makausap lamang ang mga tao roon. Dagdag pa
niyang paagtatanggol sa kapasyahang magtalaga ng isang pambansang wika:
…Kalabisan na sa aking ilarawan pa kung gaano kahalaga sa ating bayan ang
pagkakaroon ng isang wika na magagamit ng lahat sa kanilang pag-uusap araw-araw. Hindi maaaring
Ingles o Kastila, maliban na lamang marahil, kung bagaman, kung makaraan na ang maraming
henerasyon at sa lalong madaling panahon ay makapag-usap tayo nang tuwiran sa pamamagitan ng
iisang wika. Kailangan natin ang kanyang lakas upang lubusang mabigkis tayo sa iisang pagka-bansa
na malakas at matibay. Makapagbibigay ito ng inspirasyon at sigla sa ating kilusang bayan at
magdudulot sa ating pagka-bansa ng isang bagong kahulugan na hindi natin kailan man naipahayag
nang sapat at lubusan (Oficial Gazette, 30 Dis 1937).

Nagkabisa lamang ang batas na nagdeklara sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika,
dalawang taon makaraan itong maipatupad kaya naging epektibo lamang ang Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 134 noong ika-30 ng Disyembre 1939. Samantala, pagsapit ng ika-1 ng Abril
1940, ipinalabas naman ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, s. 1940 na
pinamagatang “Authorizing the Printing of the Dictionary and Grammar of the National Language, and
Fixing the Day from Which Said Language Shall Be Used and Taught in the Public and Private Schools
of the Philippines.”
Ayon sa atas, pinahihintulutan ng Pangulo ang paglilimbag ng dalawang publikasyon na
nagsisilbing kodipikasyon ng pambansang wika – ang A Tagalog-English Vocabulary at Ang Balarila
ng Wikang Pambansa. Simula din ika-19 ng Hunyo, 1940, iniatas ang pagtuturo ng pambansang wika sa
lahat ng paaralang publiko at pribado sa bansa. Inatasan din ang kalihim ng Pagtuturong Publiko na
maghanda ng mga alituntuning magsasakatuparan ng atas.

Hindi pa man nakokompleto ng Pilipinas ang 10 taong transisyonal na pamamahala ng


Pamahalaang Komonwelt na dapat sana ay magtatapos noong 1945, naantala na ito ng biglaang
pagpasok ng mga pwersang Hapones bunsod ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong
ika-7 ng Disyembre, 1941, binomba ng Hapon ang base-militar ng Estados Unidos sa Pearl harbor,
Hawaii na nagpasimula ng digmaan ng dalawang bansa na bahagi ng mas malawak na Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas


Panahon ng Hapones
Ang tunay na layunin ng hapon sa pagpapasiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya ay
ang pagsusulong ng Greater East Asia C-Prosperity Sphere, isang rehiyon ng mga bansa sa Silangang
Asya na mapagkukunan ng Hapon ng mga hilaw na sangkap at mapagluluwasan nito ng mga produkto.
Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, na pinamumunuan ng Imperyong Hapones, ay isa ring
ideolohiyang naglalayong gawing nakapagsasariling rehiyon ang Silangang Asya, nagtatamasa ng
pantay na kasaganaan, at malaya sa anumang impluwensya ng Amerika at Europa (Duiker at Spielvogel,
2006).
Bunsod ng ideolihiyang isinusulong ng Hapon, nangyari ang puspusang pagbubura ng kulturang
Amerikano sa kamalayang Pilipino. Kung ginagarantiyahan ng Batas Tydings-McDuffie ang paggamit
ng Ingles bilang wikang panturo sa mababang paaralan na pinananatili ng Pangulong Quezon (kahit
nakapagpalabas na ang Pangulo ng mga Kautusang Tagapagpaganap na kumikilala sa Tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa), unti-untin namang binura ng mga pwersang Hapones ang anumang
impluwensya ng wikang pamana ng Estados Unidos.
Ayon sa Ordinansa Militar Blg. 13 na ipinalabas noong ika-24 ng Hulyo, 1942 ng Philippine
Executive Commission na pinamumunuan ni Jose B. Vargas, ang Tagalog at Nipponggo ang magiging
opisyal na mga wika sa Pilipinas. Gagamitin lamang ang Ingles na pansamantalang wika habang
tumutungo ang mga Pilipino sa masteri ng Tagalog at Niponggo.
Nagpatuloy ang pagtatakwil sa kulturang Kanluranin maging sa Saligang Batas ng 1943. Ayon sa
Artikulo IX, Seksyon 2, “dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaaan tungo sa pagpapaunlad
at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.” Sang-ayon ito sa isa sa mga propaganda ni
Pangulong Laurel na “Isang watawat, isang bansa, isang wika.”
Noong ika-30 ng Nobyembre 1943, inilabas ni Pangulong Laurel ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 10 na nagtatakda ng pagtuturo sa pambansang wika. Pinalawak nito ang dating probisyon ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagtatakda ng pagtuturo ng pambansang wika sa mga paaralang
publiko at pribado sa bansa dahil sinaklaw na rin nito maging ang mga kolehiyo at unibersidad. Itinakda
rin nito ang kagyat na pagsisimula ng pagsasanay sa mga guro sa pambansangwika simula Taong
Pampaaralan 1944-1945 at ang pagsisikap upang mabilis na mapalaganap ang paggamit ng pambansang
wika bilang pangunahing wikang panturo sa lahat ng paaralan, at hangga’t maaari, pati sa mga kurso sa
kolehiyo.
Pinabuksan din noong ika-3 ng Enero, 1944 ang isang Surian ng Tagalog, gaya ng Surian ng
Nipponggo, upang ituro ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog na pagkaraan ay ipadadala sa mga
lalawigan upang magturo ng pambansang wika (Catacataca at Epiritu, 2005).
Ang mga pinunong militar ng pwersang Hapones ang naging mga tagapagtuo ng Nipponggo.
Binigyan din naman ng katibayan ang mga nagsipagtapos: junior, intemediate, at superior (Constantino,
et al., 2002). Dahil din sa pangkulturang paglilinis na isinulong sa panahon ng mga Hapones, kahit ang
mga manunulat na dati nang nagsusulat sa Ingles ay napilitang magsulat sa Tagalog, gaya nina N.V.M
Gonzales, Narciso Reyes, at iba pa (Constantino, et al., 2002).

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas


Panahon ng Ikatlong Republika Hanggang
sa Kasalukuyang Panahon

Isang hindi malilimutang araw sa kasaysayan ng Pilipinas ang ika-4 ng Hulyo, 1946 dahil kasabay
ng pagdiriwang ng Estados Unidos ng sarili nitong Araw ng Kasarinlan, idineklara rin ang kalayaan ng
Pilipinas mula sa kanila. Isinilang ang bagong Republika ng Pilipinas na tumapos sa 48 taong (1898-
1946) pamamahala ng Estados Unidos.
Ginanap ang makasaysayang pagsasalin ng kapangyarihan sa Luneta na pinangunahan nina
Manuel A. Roxas, huling pangulo ng Pamahalaamg Komonwelt at unang pangulo ng Ikatlong
Republika, at Paul V. McNutt, mataas na komisyoner ng Estados Unidos sa Pilipinas. Bilang simbolo ng
pagkilala sa Pilipinas bilang bago at nagsasariling bansa, ibinaba ang watawat ng Estados Unidos
kasabay nang pagtataas ng watawat ng Pilipinas.
Dahil mismong ang mga Pilipino na ang may hawak ng pamahalaan, nabigyan ng higit na
pagkakataon ang mga opisyal ng bayan na pag-aralan ang kalagayan ng pambansang wika at
magpatupad ng mga batas na magsusulong nito. Bukod sa mga pinagdaanang probisyon at kautusan
upang bumuo ng pambansang wika na tinalakay na, marami pang batas ang ipinatupad na nagpayabong,
nagpayaman, at nangalaga sa pambansang wika.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
• Proklamasyon Blg. 12, s. 1954 – ipinalabas ni Pangulong Magsaysay noong ika-26 ng Marso,
1946 na nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso
hanggang ika-4 ng Abril taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas (ika-2 ng
Abril, 1788), may-akda ng Florante at Laura, komedyang Orosman at Zafira, sayneteng La
India Elegante y el Negrito Amante, at iba pa at kinikilalang “Prinsipe ng mga Makatang
Tagalog.” Inaatasan ng proklamasyon ang mga paaralang bayan, mga dalubhasaan at
pamantasan, at mga ahensyang pangkalinangan ng pamahalaan upang manguna sa pagdiriwang
upang mapalaganap ang pambansang wika.
• Proklamasyon Blg. 186, s. 1955 – ipinalabas ni Pangulong Magsaysay noong ika-23 ng
Setyembre, 1955 na sumususog sa naunang proklamasyon. Inilipat ang petsa ng Linggo ng
Wikang Pambansa sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggunita sa kapanganakan ni
Pang. Manuel L. Quezon na kinikilalang “Ama ng Pambansang Wika.”
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963 – ipinatupad ni Pangulong Diosdado Macapagal
noong ika-19 ng Disyembre, 1963 na nagtatakda ng pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas
sa Pilipino sa alinmang pagkakataon sa loob at labas ng bansa. Ito ay sa dahilang lubha umanong
kapansin-pansin at hindi naaayon sa diwa ng pagkabansa ang pag-awit ng pambansang awit sa
wikang banyaga.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967 – ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
noong ika-29 ng Oktubre, 1967 na nagtatakda ng pagpapangalan sa Pilipino ng lahat ng edipisyo,
gusali, at ahensya ng pamahalaan.
• Memorandum Sirkular Blg. 172, s. 1968 – ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M.
Salas noong ika-27 ng Marso, 1968 na nag-aatas ng mahigpit na pagsunod sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96. Iniaatas din nito ang pagbigkas sa Pilipino ng panunumpa sa tungkulin
ng lahat ng opisyal ng pamahalaan at ang paglalagay ng salin sa Pilipino ng mga katawagang
Ingles na nasa opisyal na letterhead ng mga kagawaran, tanggapan, at ahensya ng pamahalaan.
Inilakip sa memorandum ang tamang salin ng mga panunumpa sa tungkulin at pangalan ng mga
tanggapan at ahensya na inihanda ng SWP.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 – ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-6
ng Agosto, 1960 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa
at sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
• Memorandum Sirkular Blg. 277, s. 1969 – ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M.
Maceda noong ika-7 ng Agosto, 1969 na nagpapahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang
pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod sa bansa, maging
sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan, upang paigtingin ang kamalayang maka-
Pilipino ng mamamayan. Magpapatuloy ito hanggang masaklaw na ng kampanya ang buong
bansa.
• Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970 – ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro
Melchor noong ika-17 ng Agosto, 1970 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, iba pang sangay ng pamahalaan, at korporasyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan
ng pamahalaan na magtalaga ng kaukulang kawaning mangangasiwa ng lahat ng komunikasyon
at transaksyon sa wikang Pilipino. Ito ay bilang pagpapaigting ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 187, s. 1969.
• Memorandum Sirkular Blg. 386, s. 1970 – ipinalabas ni Pansamantalang Kalihim
Tagapagaganap Ponciano G. A. Mathay noong ika-2 ng Hulyo, 1970 na nag-aatas sa lahat ng
pinuno ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang pambansa at
local, sampu ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa Pilipino kahit 30 minuto lamang sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang
Pambansa. Ang paksa ng pagdiriwang ay “Magkaisa sa Pagbabago” bilang pagkilala sa
pambansang wika na susi sa pagkamit ng tunay na diwang Makabayan.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, s. 1971 – ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-16
ng Marso, 1971 na bumabago sa komposisyon ng SWP. Upang matulungan ang SWP na lalong
mapaunlad at mapalaganap ang pambansang wika, gayundin maisangkot ang lahat ng pangkat-
lingguwistiko sa Pilipinas, minabuting baguhin ang komposisyon nito na kinabibilangan na ng
mga kinatawan mula sa wikang Bicol, Cebuano, mga wika ng mga pamayanang cultural
(cultural community), Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinan, Samar-Leyte, at Tagalog.
Idinagdag din ang mga sumusunod na tungkulin: (1) magpatupad ng mga kinakailangang
tuntunin at regulasyong magpapalawak at magpapalakas sa pambansang wika, sang-ayon sa mga
dati nang umiiral na pamantayan at sa mga bagong kalakaran sa agham-lingguwistiko;
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, s. 1971 – (2) i-update ang balarila ng pambansang
wika; (3) bumalangkas ng mga diksyunaryo, tesawro, ensiklopedya, o anumang kagamitang
lingguwistiko, sunod sa mga bagong kalakaran sa leksikograpiya, pilolohiya, at paggawa ng
ensiklopedya; (4) bumalangkas at magpatupad ng mga polisiyang pangwika na mag-aambag sa
kaunlarang edukasyonal, cultural, sosyal, at ekonomiko ng bansa; (5) pag-aralan at pagpasyahan
ang mga isyu tungkol sa pambansang wika;

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, s. 1971 – (6) bumalangkas ng mga polisiya sa


malawakang paglilimbag ng mga aklat, polyeto, at mga katulad na babasahin tungkol sa
pambansang wika, kapwa orihinal at gawaing-salin; at (7) isakatuparan ang iba pang tungkulin
na kalapit ng mga nauna. Ang bagong SWP ay binuo nina Dr. Ponciano B. P. Pineda (Tagalog)
bilang tagapangulo; Dr. Lino Q. Arquiza (Cebuano), Dr. Nelia G. Casambre (Hiligaynon), Dr.
Lorenzo Ga. Cesar (Samar-Leyte), Dr. Ernesto Constantino (Ilocano), Dr. Clodualdo H.
Loocadio (Bikol), Dr. Juan Manuel (Pangasinan), Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango), Dr.
Mauyag M. Tamano (Tausug; mga wika ng mga pamayanang kultural) bilang mga kasapi; at Dr.
Fe Aldave-Yap bilang kalihim tagapagpaganap.

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, s. 1987 – ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino


noong ika-30 ng Enero, 1987 na nag-aatas ng reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura, at Isports (DECS, Department of Education, Culture, and Sports). Ayon sa Seksyon 17
nito, ang SWP ay kikilalanin bilang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) o Institute of
Philippine Languages sa ilalim ng kagawaran.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 ng DECS – ipinalabas ni Kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng DECS noong ika-12 ng Marso, 1987 na nagtatakda ng paggamit ng salitang
“Filipino” kailanman tutukuyin ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ay pagsunod sa isinasaad
sa Artikulo X1V Seksyon 6-7 ng Saligang Batas ng 1987 na ang pambansang wika ng Pilipinas
ay Filipino at dapat magsagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang ilunsad at panatilihin
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo
sa sistemang pang-edukasyon.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS – ipinalabas ni Kalihim Quisumbing na
nagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na binuo ng LWP.
Ayon sa dokumento, ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik na ganito ang ayos: A, B, C,
D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. May dagdag itong 8 hiram na
titik sa mga dayuhang wika kompara sa “Balarila ng Wikang Pambansa” ni Lope K. Santos na
mayroon lamang 20.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS – Pa-Ingles ang pagbigkas sa mga titik
ng bagong alpabeto, maliban sa Ñ na bigkas-Espanyo. Nilalaman din ng dokumento ang mga
tuntuning kaugnay ng pabigkas na pagbaybay, pasulat na pagbaybay, pagtutumbas sa mga hiram
na salita, mga salitang may magkasunod na patinig, pagpapantig, paggamit ng gitling, paggamit
ng kudlit, at paggamit ng tuldik.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 – ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino
noong ika-25 ng Agosto, 1988 na nag-atas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan,
ahensya at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa ng mga hakbang sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensya upang lalo umanong
maintindihan at mapahalagahan ng mga Pilipino ang mga programa, proyekto, at gawain ng
pamahalaan para sa pambansang pagkakaisa at kapayapaan. Partikular na itinatakda ang mga
sumusunod: (1) magsagawa ng mga hakbang na lilinang sa paggamit ng Filipino sa lahat ng
opisyal na komunikasyon, transaksyon, korespondensya sa mga tanggapan, pambansa man o
local;
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 – (2) magtalaga ng isa o higit pang kawani sa
bawat tanggapan na mamamahala sa lahat ng komunikasyon at korespondensyang nakasulat sa
Filipino; (3) magsalin sa Filipino ng lahat ng pangalan ng mga tanggapan, gusali, katungkulan, at
paskil sa lahat ng opisina, dibisyon at iba pang sangay, at kung nanaisin, maaari ding maglagay
ng katumbas sa Ingles na nasa maliliit na titik; (4) maisa-Filipino ang panunumpa sa tungkulin
ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan; at (5) maging bahagi ng pagsasanay sa mga kawani sa
bawat tanggapan ang kasanayan sa Filipino.
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 – Upang maisakatuparan ang mga ito, inaatasan
din ang LWP na bumuo at magpatupad ng mgaprograma at proyektong kinabibilangan ng mga
sumusunod: (1) kampanya upang palaganapin ang impormasyon na ang Filipino ay mahalaga at
kailangan sa pagtatamo ng pambansang pagkakaisa at kapayapaan; (2) pagsasalin sa Filipino ng
mga terminong pampamahalaan na gagamitin ng iba’t ibang tanggapan; (3) pagsasanay sa lahat
ng opisyal at kawani ng pamahalaan sa paggamit ng Filipino;
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 – (4) pagmomonitor sa implementasyon ng
kautusang ito at pagsusumite ng ulat sa Tanggapan ng Pangulo ; at (5) pagsasagawa ng iba pang
estratehiya upang maisakatuparan ang mga layunin ng kautusan. Pinahihintulutan din ang LWP
na makipag-ugnayan at humingi ng suporta sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan,
ahensya, at iba pang sangay ng ehekutibo, pambansa man o lokal, sa pagsasakatuparan ng
kautusan. Hinahalilihan ng kautusan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969.
• Batas Republika Blg. 7104 – ipinasa ng Kongreso at ipinatupad noong ika-14 ng Agosto, 1991
na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ayon sa batas, ang KWF ay dapat buuin
ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang pangkat-etnolinggwistiko sa bansa at mula sa iba’t ibang
disiplinang may pangunahing mandating magsagawa, mag-ugnay, at magsulong ng mga
pananaliksik para sa pagpapayabong, pagpapalaganap, at pangangalaga ng Filipino at ng iba
pang wika sa Pilipinas.
• Batas Republika Blg. 7104 – Nasa ilalim ito ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at bubuuin
ng isang Tagapangulo, dalawang full-time na komisyoner at walong part-time na komisyoner.
Dapat katawanin ng nasabing mga komisyoner ang mga sususunod na wika: Tagalog, Cebuano,
Ilokano, Hiligaynon, mga pangunahing wika ng Muslim Mindanao, mga pangunahing wika ng
mga pamayanang kultural sa Hilagang Pilipinas, mga pangunahing wika ng mga pamayanang
kultural sa Timog Pilipinas, at iba pang wika sa Pilipinas o mga wika ng mga rehiyon na
mapagpapasyahan ng Komisyon.
• Batas Republika Blg. 7104 – Ang mga sumusunod naman ang mga tungkulin ng KWF na
nauukol sa wika: (1) bumuo ng mga polisiya, plano, at programang titiyak ng higit na paglago,
pagyaman, paglaganap, at pag-iingat ng Filipino at ng iba pang wika sa Pilipinas; (2) magsagawa
o mangomisyon ng mga saliksik at iba pang pag-aaral na magsusulong ng ebolusyon, pag-unlad,
pagyaman, at estandardisasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas, kasama na ang
pagtitipon ng mga akdang posibleng maisama sa isang diksyonaryong multilingguwal ng mga
salita, pahayag, idyoma, kasabihan, at iba pang bukambibig;
• Batas Republika Blg. 7104 – (3) magpanukala ng mga gabay at pamantayang pangwikang
magagamit sa lahat ng opisyal na komunikasyon, publikasyon, batayang aklat, at iba pang
babasahin at materyales panturo; (4) hikayatin at isulong, sa pamamagitan ng isang sistema ng
paggagantimpala, pagpopondo, o pagpaparangal, ang pagsulat at publikasyon sa Filipino o sa iba
pang wika ng mga orihinal na akda, kasama na ang batayang aklat sa iba’t ibang disiplina;
• Batas Republika Blg. 7104 – (5) magsagawa at puspusang suportahan ang pagsasalin sa
Filipino at sa iba pang wika sa Pilipinas ng mahahalagang akdang pangkasaysayan at tradisyong
kultural ng mga pangkat-etnolingguwistiko, mga batas, mga resolusyon at iba pang pagpapatibay
ng Kongreso, mga dokumentong ipinalabas ng ehekutibo, mga polisiya at iba pang opisyal na
dokumento ng pamahalaan, mga batayang aklat at iba pang sangguniang aklat sa iba’t ibang
disiplina, at iba pang akdang nasa dayuhang wika na sa palagay ng Komisyon ay kinakailangan
sa edukasyon at iba pang katulad na layunin; at (6) magsagawa ng mga publikong pagdinig,
kumperensya, seminar, at iba pang pangkatang talakayan, sa antas na pambansa, rehiyonal, at
local na makatutulong sa pagtukoy at paglutas ng mga suliranin at isyung may kinalaman sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pag-iingat ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
• Proklamasyon Blg. 10, s. 1997 – ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos noong ika-15 ng
Hulyo, 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika tuwing
Agosto. Ito ay pagpupugay pa rin sa kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa” na si Manuel L.
Quezon na isinilang noong ika-19 ng Agosto, 1878. Pagpapahalaga rin ito sa pambansang wika
at pagkilala sa mahalagang papel nito sa Himagsikan ng 1896 tungo sa kasarinlan.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 ng DECS – ipinalabas ni Pangalawang Kalihim
Isagani R. Cruz na nagpapakilala sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino at nagtatakda ng pagamit dito bilang gabay sa pagtuturo, pagsulat ng batayang
aklat, korespondensya opisyal, at iba pang gawain ng kagawaran. Inihanda ng KWF ang
dokumento bilang tugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad, at paglaganap ng pambansang
wika.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 ng DECS –Ayon sa praymer ng 2001 Revisyon,
kinikilala nito na ang 1987 Patnubay sa Ispeling ay napakahigpit upang tumugon sa
pangangailangan ng mga Pilipinong may kakayahan kapwa sa katutubo at banyagang wika na
nagresulta sa papalit-palit na gamit ng mga wikang ito. Upang matugunan ito, pinaluwag ng
bagong tuntunin ang paggamit ng walong hiram na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) at ipinagamit na
rin ang mga ito sa pagbaybay ng lahat ng hiram na salita, anuman ang varayti (mga karaniwang
salita). Halimbawa, kahit karaniwang salita lang ang soldier sa Ingles, papayagan na ring
magamit ang /j/ sa pagtutumbas nito sa Filipino, kaya magiging soljer.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 ng DepEd – ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus
noong ika-9 ng Oktubre, 2006 na nagpapabatid ng ginagawang pagrerebyu ng KWF sa 2001
Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino dahil sa negatibong feedback
dito ng mga guro, estudyante, magulang, at iba pang tagagamit ng wika. Itinatagubilin din na
itigil muna ang implementasyon nito habang nirerebyu at sumangguni muna sa 1987 Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling para sa paghahanda o pagsulat ng mga sangguniang kagamitan sa pagtuturo
at sa mga opisyal na korespondensya.
• Kautusang Pangkagawarang Blg. 34, s. 2013 ng DepEd – ipinalabas ni Kalihim Br. Armin A.
Luistro, FSC noong ika-14 ng Agosto, 2013 na nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa, ang
binagong gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino na binuo ng KWF makaraan ang masusing
pag-aaral ng mga nagdaang ortograpiya ng pambansang wika. Ayon sa kautusan, ang
Ortograpiyang Pambansa ay isang paglingon sa kasaysayan ng ortograpiyang Filipino,
pagpapanatili ng mainam na gabay sa ortograpiya, at pagsasaalang-alang sa katutubong wika sa
Pilipinas sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tunog ng schwa mula sa Ibaloy, Pangasinan,
Mëranaw at iba pa na kakatawanin ng titik Ё at ang aspirasyon mula sa Mëranaw.
• Kautusang Pangkagawarang Blg. 34, s. 2013 ng DepEd –Layunin din ng bagong ortograpiya
na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika tungo sa estandardisadong
ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas. Magiging mainam na
ambag ito sa pagbuo ng mga kagamitang panturo ng mga guro at pagpapahusay ng mga akda,
dokumento, komunikasyon, at iba pa ng pamahalaan, ng media, at ng mga palimbagan.
• Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF – ipinasa ni Tagapangulo Virgilio S. Almario noong
ika-12 ng Abril, 2013 na nagpapasya ng pagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa mula
“Pilipinas” tungong “Filipinas” at pagpapatigil sa paggamit ng una upang mapalaganap ang
opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng
pagkabansa nito.
• Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF – Ipinasya rin ng resolusyon ang unti-unting
pagbabago sa baybay ng mga selyo, letterhead, notepad, at iba pang kasangkapang may tatak na
“Pilipinas” tungo sa “Filipinas.” Ipinasya ring himuking baguhin ang opisyal na pangalan ng
mga institusyon at kapisanang may “Pilipinas” ngunit hindi sapilitan lalo na sa mga entidad na
naitatag sa panahong wala pang “F” sa alpabetong Filipino, habang ipinatutupad ang
pagpapagamit ng “Filipinas” sa lahat ng itatatag na organisasyon pagkatapos pagtibayin at
palaganapin ang mungkahi ng resolusyon.
• Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF – Ayon kay Almario, sa isang panayam sa pahayagan
(Philippine Star, 11 Hulyo 2013), hindi umano labag sa batas ang resolusyon at hindi na rin
nangangailangan ng bagong lehislasyon mula sa Kongreso dahil wala namang batas na
nagsasabing “Pilipinas” ang pangalan ng bansa. “Filipinas” umano ang pangalan ng nasyon
hanggang sa katapusan ng ika-19 na siglo, gaya ng paggamit dito ni Jose Rizal sa kaniyang mga
akda at ni Andres Bonifacio sa kaniyang tulang “Katapusang Hibik ng Filipina.” Napalitan
lamang ng P ang F nang gawin ni Lope K. Santos ang “Balarila ng Wikang Pambansa” noong
1940 na nag paglalathala ay pinahintulutan ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134. Sa balarila ni Santos, 20 lamang ang titik at wala ang C, F, J, Ñ, Q, V,
X, at Z.
• Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF – Naging kontrobersyal ang Resolusyon Blg. 13-19, s.
2013 at bagaman hindi naman ito binawi ng KWF, hindi rin naman ito laganap na sinunod sa
bansa maging ng mismong pamahalaan.

You might also like