Professional Documents
Culture Documents
Sa Kinauukulan:
Pauna ang pasasalamat sa inyong pagsusumikap na makabuo ng mga modyul bilang mabisang
kagamitang pampagkatuto. Tunay na malaki ang magiging ambag nito para sa pagpapatuloy ng
edukasyon lalo na sa kalagayan sa kasalukuyan. Tunay na pinahahalagahan ang inyong pagtupad
sa gawaing ito. Mabuhay kayo!
Kaugnay nito, narito ang kalakip na pangkalahatang mungkahi na magiging gabay ninyo habang
nagpapatuloy sa pagsulat. Ang mga pangkalahatang mungkahing ito ay para sa una hanggang
ikaapat na markahan na pagsulat ng modyul, ito ay magsisilbing batayang pamantayan sa inyong
pagsulat. Inaasahan na mailalapat ang mga ito upang lalong maging mabisa at epektibo ang
kagamitan na ating binubuo. Samantala sisikaping tingnan ang bawat modyul na isusumute upang
makapagdagdag pa ng mga mungkahing pagpapaunlad ng kagamitan.
Sumasainyo,
MICHELLE F. TOLENTINO
Senior Education Program Specialist
Pangkalahatang Mungkahi sa Pagsulat ng Modyul para sa Filipino 1-12
ni Michelle F. Tolentino
Senior Education Program Specialist
Bureau of Learning Delivery
Mga Bahagi ng
Modyul Mga dapat tandaan…
Nakapaloob dito ang TARGET na pinakamamahalagang kasanayan na DAPAT
matamo o matutuhan ng mga mag-aaral pagkatapos na mapag-aralan ang mga
nilalaman/kaalamang nasa modyul. Sa pagsusulat ng modyul, lalo na sa
Alamin pagtatapos ng pagsulat ay muling balikan ang mga target at tiyakin na matatamo o
matututuhan ito ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga inihandang mga
Layunin o target na gawain sa modyul.
pinakamahahalagan Halimbawa kung ang target na kasanayan ay: Nakakasagot ng mga tanong
g kasanayang tungkol sa napakinggan/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
lilinangin sa mga impormasyon at usapan – dapat tiyakin na may mga gawaing pagsagot sa mga
mag-aaral tanong tungkol sa napakinggan o nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan. Maaaring pumili lamang ng isa o dalawa sa mga
nabanggit na pakikinggan o babasahin.
Tandaan na dapat matamo ng mga mag-aaral ang mga inaasahang
kasanayan pagkatapos mapag-aralan ang mga nilalamang nakapaloob sa
modyul.
Ito bahaging sisimulan ang paglalahad ng aralin, mahalaga ang bahaging ito dahil
dapat nakapaloob dito ang mga lunsarang pakikinggan/babasahin ng mga mag-
aaral para sa mas malawak na pag-unawa sa paksa.
Sa bahaging ito dapat matiyak na walang magiging pananagutan sa
copyright ang Kagawaran sa anumang gagamiting teksto o lunsarang
babasahin. Tiyakin na may pahintulot ng awtor o sumulat ang anumang
gagamiting akda, larawan, at iba pa na pawang may nagmamay-ari.
Tandaan na nasa bahaging ito ang gawaing lilinang sa pagbasa at pag-unawa ng
Tuklasin mga mag-aaral (lalo na sa mga antas o lebel na nakababasa na ang mga mag-
aaral). Sa mga nasa unang yugto naman o Kto3, sa bahaging ito kailangang
Pagsisimula ng linangin ang pakikinig at pagsasalita ng mga mag-aaral. Bagaman kailangan may
paglalahad ng gawaing pagbasa pa rin na may paggabay ng magulang.
aralin. Para sa Baitang 4-10, na dapat nakababasa na-sa bahaging ito dapat magkaroon
ng paglinang sa komprehensiyon o pag-unawa ng mga mag-aaral. Pagkatapos
ang gawaing pakikinig at pagbasa, nararapat na may gawaing susukat sa pag-
unawa sa napakinggan at nabasa ng mga mag-aaral. Tandaan na dahil sa
bahaging ito ang pakikinig at pagbasa, tiyaking magkaroon ng paglinang sa
talasalitaan sa bahaging ito bago ang gawaing pag-unawa sa binasa/pinakinggan.
Pagkatapos bumuo ng mga gawaing pag-unawa sa napakinggan at nabasa ay
kailangan ding malinaw na maipakita ang magiging kaugnayan ng binasa sa
tatalakaying paksa. Sa gayon, maging malinaw sa mag-aaral na mahalaga ang
kaniyang gawaing pag-unawa sa pinakinggan/binasa para mas epektibong
matutuhan ang aralin.
Kailangang maipakita na bawat bahagi ng modyul ay mahalaga at may kaugnayan
sa bawat isa sa gayon hindi tamarin ang mag-aaral na magpatuloy sa buong
modyul.
Kailangang maramdaman ng mag-aaral ang halaga ng bawat bahagi ng modyul.
Muli, tandaan na sa bahaging ito hindi dapat mawala ang lunsarang
pakikinggan/babasahin ng mag-aaral para sa pag-unawa ng paksang tatalakayin.
Paglalahat o A.
paglalagom ng Punan ang sumusunod na talahanayan.
natutuhan
ANO ANG IYONG MGA GAANO ITO KAHALAGA?
NATUTUHAN?
______________________________________________________________
Isagawa Kaya naman nararapat lamang na sa bahaging ito, tiyakin na ang mga gawain ay
nakatuon sa kung paano ito magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang buhay.
Paglalapat Tinukoy natin na pinakamahahalagang kasanayan ang mga target natin sa
modyul, kung gayon dapat makabuo tayo ng mahalaga at makabuluhang gawaing
magtuturo sa mga mag-aaral kung paano nila ilalapat ang natutuhan sa kanilang
araw-araw na buhay.
Halimbawa pa rin kung ang target na kasanayan ay: Nakakasagot ng mga
tanong tungkol sa napakinggan/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan – ano ang dapat magiging gawaing paglalapat?