You are on page 1of 16

5

EPP Agriculture
Modyul 2:
Mga Pamamaraan at Pag-iingat
sa Paggawa ng Abonong Organiko
EPP Agriculture – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 2: Mga Pamamaraan at Pag-iingat sa Paggawa ng Abonong Organiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Rosemarie G. Agustin
Co-Awtor - Content Editor : Noel T. Lagman
Co-Awtor - Language Reviewer : Noel T. Lagman
Co-Awtor - Illustrator : Mary Grace V. Gabay
Co-Awtor - Layout Artist : Rosemarie G. Agustin

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
District Lead Book Designer : Rosemarie G. Agustin
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Noel T. Lagman
School LRMDS Coordinator : Jeremia Myrtle M. Borja
School Principal, EPP/TLE : Leonila Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Fernalyn C. Magpoc
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Mary Grace V. Gabay
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Noel T. Lagman

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE : Evelyn V. Mendoza
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

EPP Agriculture
Modyul 2:
Mga Pamamaraan at Pag-iingat
sa Paggawa ng Abonong Organiko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang masusunod


ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko sa araw- araw
na iyong gawain sa pagtatanim.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong


organiko. (EPP5AG-0b-4)

Aralin Mga Pamamaraan at


1 Pagiingat sa Paggawa ng
Abonong Organiko
Mahalagang maihanda ang lupa bago pagtaniman. Sa paghahalaman dapat ay may
sapat na sustansya ang lupang ating pagtataniman upang lumaking malusog ang
ating mga halaman. Maaari tayong gumawa ng abonong organiko upang lubos na
gumanda ang ating mga pananim. Ito ay malaking tulong sa atin upang tayo ay
makatipid at mapapakinabangan pa natin ang mga basurang nabubulok tulad ng
mga balat ng gulay at prutas, mga damo at dahon at dumi ng hayop. Ang mga
nabubulok na basura tulad ng mga balat ng prutas at gulay, mga tuyong dahon at
mga tirang pagkain ay maaring pang gamitin sa mas kapakipakinabang na paraan.
Kaya nararapat na magkaroon tayo ng kaalaman sa paggawang organikong pataba
sa pamamagitan ng paggawa ng compost.

1
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
masunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng
abonong organiko.
Ang pataba ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman nito
ang lupa upang maging sapat ang sustansiyang nasisipsip ng
mga ugat ng bawat pananim. Sa likod ng bakuran o sa isang
lugar, maaaring gumawa ng hukay o balon na kung saan
pinagsasama- sama ang lahat ng nabubulok na balat ng prutas
at gulay, dumi ng hayop, damo at dahon na kung tawagin ay
compost pit. Kung walang bakanteng lugar, maaaring gumamit
ng sisidlan na bahagyang nakabaon sa lupa at dito inilalagay ang
mga nabubulok na kalat tulad ng balat ng prutas at gulay, tuyong
dahon at damo, at mga dumi ng hayop, Basket composting
naman ang tawag sa pamamaraan na ito.

Tuklasin

Basahin at unawain ang ating tula. Sagutin ang mga katungan sa ibaba.

Kabutihang Dulot ng Organikong Pataba

Organikong pataba ay mainam,


Makabubuti sa paglago ng halaman,
Ito’y matatagpuan sa ating kapaligiran;
Hindi na kailangan ng kabayaran.

Sa paggawa materyales ay ihanda,


Siguraduhing kagamita’y hindi sira’
Matutulis na kagamita’y gamitin ng tama
Upang hindi masugatan sa paggawa.

2
Mga nabubulok na dumi ng hayop at halaman
Ilagay ng tama at maayos sa sisidlan,
Gwantes at face mask ay kailangan
Bilang pag-iingat sa kalusugan.

Iligpit ang kasangkapan pagkatapos gamitin.


Lugar at katawan ay linisin pagkatapos ng gawain
Mga pamantayan ay laging sundin
Upang maging maayos ang gawain.

Mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Saan matatagpuan ang mga organikong pataba?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat nating ilagay sa isang sisidlan?
4. Ano ang ating kailangan bilang pag-iingat sa ating kalusugan?
5. Bilang mag-aaral ginagawa mo ba ang mga pamamaraan na dapat sundin.
Bakit?

Suriin

Kung walang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, maaari pa ring magkaroon
ng sariling pataba sa pamamagitan ng basket composting.

Basket composting ito ay ang


pinagsama-samang mga tuyong dahon
at damo, balat ng gulay at prutas at
mga dumi ng hayop na binubulok sa
isang sisidlan na may kasamang lupa
kung walang bakanteng lote na
maaaring paglagyan.

Mga Kagamitan sa Paggawa ng Basket Composting

Yero kahoy apog


Abo kawayan damo/sanga/dahon
Lupa dahon ng saging balat ng prutas/gulay
tubig

3
Paraan ng Paggawa ng Basket Composting

1. Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at haba. Ito ay maaaring


yari sa kahoy o yero na may isang metro ang lalim.

2. Magtipon ng mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng gulay at prutas,


tuyo at bagong lagas na dahon at damo, dumi ng hayop, abo at apog.
Pagpatungpatungin ang mga ito sa inihandang sisidlan hanggang sa mapuno
at lagyan ito ng lupa. Tiyaking pantay ang pagkakalagay ng mga basura.

3. Lagyan ng pasingawang kawayan at diligan ito araw-araw upang maging


mabilis ang pagkakabulok.

4. Takpan din ng ilang piraso ng dahon ng saging o kahit na anong uri ng


pantakip upang hindi langawin at pamahayan ng anumang uri ng peste.

4
5. Haluin ding mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas ng dalawang
buwan o higit pa ay maaari nang gamiting pataba.

Mahalagang sundin ang tamang proseso at maging maingat sa paggawa ng


organikong abono. Kung tama at maayos ang proseso, magiging maganda at ligtas
mula sa mga organismong makasasama sa mga halamang gulay ng produkto. Kung
hindi naman husto ang pagkakabulok ang mga organikong materyal, ang abono ay
may malilikhang asido na mapanganib sa mga ugat ng halaman. Maaapektuhan ang
paglaki at pagtubo ng pananim kapag nangyari ito.

5
Pagyamanin

Panuto I: Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay tama at kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Ang basket composting ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong
damo o dahon na ginagawa kung walang masyadong malawak na
ispasyo.
_______2. Dapat sundin ang tamang proseso at maging maingat sa paggawa
ng organikong abono.
_______3. Ang mga dahon at damo, balat ng prutas at gulay, at dumi ng hayop
ay ilan lamang sa mga halimbawa ng nabubulok na basura.
_______4. Ang paggawa ng basket composting ay maaaring yari sa kahoy o
yero.
_______5. Maglagay ng pasingawang kawayan at diligan ito araw-araw upang
maging mabilis ang pagkakabulok.
_______6. Haluing mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas ng limang
araw o sampung araw ay maari nang gamiting pataba.
_______7. Ang balat ng kendi, mga papel at plastic ay maaaring isama sa
hanay ng mga nabubulok
_______8. Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at
malago ang ating mga pananim.
_______9. Ang paggawa ng organikong abono ay malaking tulong upang tayo
ay makatipid.
______10. Ang abonong organiko ay hindi nakakatulong sa paglago at paglaki
ng ating mga pananim.

Panuto II: Gamit ang graphic organizer itala sa loob ng bilog ang mahalagang
kagamitan/sangkap sa paggawa ng abonong organiko (basket composting). Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

6
Isaisip

Ang lupang taniman ay dapat magtaglay ng mga sustansiyang kailangan ng


pananim. Ang paglalagay ng abonong organiko o pataba ay malaking tulong para
sa ating mga pananim.

Ang basket composting ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo at
dahon, mga balat ng mga prutas at gulay, at dumi ng hayop na binubulok sa
isang lalagyan na maaaring yari sa yero o kahoy, Ito ay ginagawa kung walang
masyadong malawak na ispasyo.

Napakahalaga ding sundin natin ang tamang proseso at maging maingat tayo sa
paggawa ng organikong abono. Kung tayo ay susunod sa tamang proseso ng
maayos, magiging maganda at ligtas ang ating tanim na halaman. Kung hindi
magiging maayos ang pagkakabulok nito, ito ay magiging lubhang mapanganib
sa ating halamang gulay maging sa paglaki at pagtubo nito.

Isagawa

Panuto A: Bilugan ang mga salita na may kinalaman sa aralin. Hanapin ang mga
kagamitan, pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

7
Tayahin

Panuto I. Pagsunud sunurin ang mga hakbang sa pamamaraan ng paggawa ng


organikong abono. Ilagay ang numerong 1-5 sa nakalaang espasyo.
________ 1. Lagyan ng pasingawang kawayan at diligan ito araw- araw upang
maging mabilis ang pagkabulok.

________ 2. Takpan din ng ilang piraso ng dahon ng saging o kahit na anong


uri ng pantakip upang hindi langawin at pamahayan ng anumang
uri ng peste.

________ 3. Haluin ding mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas ng


dalawang buwan o higit pa ay maari nang gamiting pataba.

________ 4. Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at haba.Ito at


maaaring yari sa kahoy o yero na may isang metro ang lalim

________ 5. Mag tipon ng mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng


gulay, prutas, dahon, dumi ng hayop at iba pa. Pagpatung-
patungin ang mga ito sa inihandang sisidlan hanggang sa
mapuno at lagyan ito ng lupa. Tiyaking pantay ang pagkakalagay
ng basura.

Panuto II: Isulat ang salitang HEPHEP kung tama ang pahayag at HOORAY kung
mali ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________ 1. Ang abono ay may malilikhang asido na mapanganib sa mga ugat


ng halaman.

________ 2. Ang paghuhukay ng balon ay tinatawag na basket composting.

________ 3. Huwag takpan at hayaang langawin at pamahayan ng anumang


uri ng peste.

________4. Walang magandang maidudulot o pakinabang ang paggawa ng


abonong organiko

________ 5. Tiyakin pantay ang pagkakalagay ng basura sa loob ng kahoy o


yero.

8
Karagdagang Gawain

Magbigay ng paliwanag o opinion sa mga sumusunod.

9
Susi sa Pagwawasto

10
Sanggunian
DepEd. (2016). "K to 12 Curriculum Guide Edukasyong Pantahan at
Pangkabuhayan Grade 5."

DepEd. (2016). "Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 5. Patnubay Ng Guro


(Tagalog). First Edition."

DepEd. (2016). "Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 5. Kagamitan Ng


MagAaral (Tagalog). First Edition."

DepEd. 2020. "K To 12 Most Essential Learning Competencies With


Corresponding CG Codes. Edukasyong Pantahan At Pangkabuhayan-
Ikalimang Baitang."

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like