You are on page 1of 50

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGRICULTURE 5

Module 1
Quarter 1 Week 1 (Lessons 1,2,3)

Learning Competencies: Nakagagawa ng abonong organiko:


. Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa
paggawa ng abonong organiko

. Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat


sa paggawa ng abonong organiko.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng iyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalamanang gagawing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatututo. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutunan ay gamitin sa pang araw-araw na gawain.
BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan - Ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - Ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw - Ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin - Dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - Dito makikita ang mga pagsasanay na Gawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan - Dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutunan - Dito mapapatunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – Dito masusukat ang iyong antas ng Pagkatuto sa
bagong aralin.
9. Susi sa Pagwawasto – naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.
10. Sanggunian – ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglilikha ng modyul
na ito.
Aralin 1

KAHALAGAHAN NG ABONONG ORGANIKO

INAASAHAN

Sa araling ito ay tatalakayin at matututuhan ang kahalagahan ng abonong


organiko at iba pang kaalamang kaugnay nito.
Layunin:
1. Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong
organiko.
2. Natutukoy ang dalawang pamamaraan ng paggawa ng abonong
organiko.
3. Nasusunod at naisasagawa ang mga pamamaran at
pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.


Isulat ang titik ng wastong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Nakikita mong maraming basura sa inyong paligid at napansin mong kinakalat


lang ito ng iyong mga kapitbahay kung saan-saan. Ang iba naman ay sinu-
sunog ito. Ano ang dapat mong gawin? ________
A. Pumunta sa kapitan ng barangay at hilinging kausapin ang iyong
mga kapitbahay upang ipaliwanag ang benepisyong makukuha
mula sa mga nabubulok na basura.
B. Isumbong sa pulis ang kapitbahay na nagtatapon at nagkakalat ng
basura.
C. Manahimik at pabayaan na lang ang iyong mga kapitbahay.
D. Wala sa nabanggit
2. Ang mga sumusunod ay maaring isama sa paggawa ng abonong organiko o
“compost”. Alin ang hindi nabibilang? ________
A. tuyong damo at dahon C. goma at plastik
B. balat ng prutas at gulay D. dumi ng hayop
3. Mainam gumamit ng “compost” sa pagtatanim. Ano ang kabutihang naidudulot
ng paggamit ng abonong organiko o “compost”? __________
A. Pinalalambot nito at higit na pinatataba ang lupa.
B. Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na
abono.
C. Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono
D. Lahat ay tama.
4. Nais mong gumawa ng abonong organiko ngunit wala kang sapat na lugar. Ano
ang mainam at nararapat mong gamitin upang makagawa nito? ________
A. plastic cup
B. anumang sisidlang may sapat na laki
C. lumang gulong na hindi na ginagamit
D. karton
5. Ang “compost pit” ay isang paraan ng pagbubulok ng basura sa _______.

A. isang kahong sisdlan C. isang basket


B. isang hukay D. Lahat ay tama.
6. Kailangang _________ ang basurang nabubulok at di-nabubulok sa paggawa
ng abonong organiko.
A. paghaluin C. paghiwalayin
B. sunugin D. tunawin
7. Ang “compost pit” ay inilalagay sa medyo mataas na lugar upang __________.
A. madaling makita C. madaling mabulok
B. hindi mapuno ng tubig-baha o ulan D. maging maganda
8. Ang mga organikong sangkap na nagtataglay ng sustansiya upang mapanatili
ang maayos na kondisyon ng lupa ay ___________.
A. protina at “carbohydrates” C. “calcium” at “magnesium”
B. “nitrogen” at “phosphorus” D. “nitrogen”, “phosphorus” at
“potassium”
9. Ito’y isang uri ng organikong abono mula sa mga patapong bahagi ng isda.
_________
A. fish amino acid C. fish meal
B. fishing rod D. fish soup
10. Ano ang dapat ilagay sa mga kamang taniman upang matiyak na lalo pang
maging malulusog ang mga tanim na gulay? _______
A. insecticide C. pesticide
B. tubig D. pataba
11. Upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan sa paghahanda ng
organikong abono, ano ang dapat gawin? ________
A. Gumawa agad-agad.
B. Magtanong sa kaibigan.
C. Sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
paggawa.
D. Maligo agad pagkatapos gumawa.
12. Ang paggawa ng abonong organiko ay nakatutulong dinsa _______.
A. paglala ng polusyon C. kalusugan ng tao
B. pagdami ng basura D. pagdami ng tao
13. Malaki ang __________ kung ikaw na mismo ang gagawa ng abonong organiko.
A. nagagastos C. matitipid
B. nasasayang D. nakikita
14. Alin a ng hindi dapat ihalo sa “basket composting”? _______
A. balat ng gulay C. balat ng prutas
B. buto ng baboy at tinik ng isda D. lupa
15. Ilan ang pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko?
A. isa C. dalawa
B. tatlo D. apat

BALIK-TANAW

Bago natin ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, atin munang alalahanin
ang mga nagdaan nating aralin ukol sa paghahanda ng kamang taniman.
Isa-ayos ang mga hakbang sa paghahanda ng kamang taniman. Isulat sa
kabilang hanay ang wastong pagkakasunod – sunod.
Mga Hakbang sa Paghahanda ng Mga Hakbang sa Paghahanda ng
Kamang Taniman Kamang Taniman

_____Haluing mabuti ang pataba at ang 1.


lupa.
_____Dagdagan ng lupa ang kamang
taniman hanggang sa tamang 2.
taas nito.
_____Magsukat ng 6 na metrong haba
at 1.5 na metrong lapad para sa 3.
gagawing kamang taniman.
_____Buhaghagin ang lupa hanggang
sa lalim na 30 sentimetro. 4.
_____Ilagay sa kamang taniman ang
mga inihandang pataba mula sa
mga nabubulok na basura. 5.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang paggamit ng organikong abono ay ang pinakamainam na paraan. Mula sa


mga nabubulok na basura gaya ng tuyong damo at dahon, mga balat ng prutas at
gulay at dumi ng hayop ay maaring makagawa ng abono. Tinatawag itong abonong
organiko o “compost”.

May mga komersiyal na pataba na mabibili sa iba’t ibang tindahan, ngunit higit
na iminumungkahi ang paggamit ng patabang organiko lalo na sa mga may malalawak
na bakuran. Tinatawag din itong “compost”. Mainam gumamit ng compost, dahil:
• Pinalalambot nito ang lupa. Nagiging maganda ang “texture” at “tilt” ng lupa
kapag gumamit ng compost bilang pataba.
• Hindi mabilis matuyo ang lupa
• Nagiging maluwag ang paghinga ng lupa dahil pinabubuti ang daloy ng hangin
at kapasidad na humawak ng tubig
• Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na abono
• Higit na pinatataba ang lupa
• Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono
May dalawang pamamaran ng Composting na karaniwang ginagamit. Ito ay ang:
1. “Compost Pit” – Paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang hukay sa
isang lugar.
2. “Basket Composting” - Paraan ng pagbubulok ng basura sa isang sisidlan.

UNANG GAWAIN

Panuto: Magmasid sa inyong paligid at suriin ang mga bagay na


nabubulok at di-nabubulok. Itala sa loob ng lata sa ibaba ang
mga bagay na nabubulok na maaaring gawing abonong
organiko.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
PANGALAWANG GAWAIN

Panuto: Iguhit sa papel ang larawan ng dalawang pamamaraan ng ng paggawa


ng abonong organiko na inyong natutunan sa modyul na ito.

TANDAAN

Ang abonong organiko o “compost” ay nakapagpapaganda ng


kalidad ng lupang gagamitin sa pagtatanim. Ito ay isang uri ng pataba mula
sa mga tuyong damo at dahon, balat ng prutas at gulay at mga dumi ng
hayop na binubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar. Tinatawag
namang basket composting ang pagbubulok ng mga basura sa isang
sisidlan.

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Nakikita mong maraming basura sa inyong paligid at napansin mong
kinakalat lang ito ng iyong mga kapitbahay kung saan-saan at ang iba
naman ay sinusunog ito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pumunta sa kapitan ng barangay at hilinging kausapin ang iyong
mga kapitbahay upang ipaliwanag ang benepisyong makukuha
mula sa mga nabubulok na basura.
B. Isumbong sa pulis ang kapitbahay na nagtatapon at nagkakalat ng
basura
C. Manahimik at pabayaan na lang ang iyong mga kapitbahay.
D. Wala sa nabanggit .
2. Ang mga sumusunod ay maaring isama sa paggawa ng abonong
organiko o compost. Alin ang hindi nabibilang?
A. tuyong damo at dahon C. goma at plastik
B. balat ng prutas at gulay D. dumi ng hayop
3. Mainam gumamit ng compost sa pagtatanim. Ano ang kabutihang
naidudulot ng paggamit ng abonong organiko?
A. Pinalalambot nito higit na pinatataba ang lupa.
B. Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na
abono.
C. Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono.
D. Lahat ay tama
4. Nais mong gumawa ng abonong organiko ngunit wala kang sapat na
lugar, ano ang mainam at nararapat mong gamitin upang makagawa?
A. isang sisidlang yari sa kahoy o yero na may sapat na laki at haba
B. basyo ng “mineral bottle”
C. lumang gulong na hindi na ginagamit
D. plastik na itim
5. Ang “compost pit” ay isang paraan ng pagbubulok ng basura sa
_______.
A. isang kahong sisdlan C. isang basket
B. isang hukay D. Lahat ay tama
Sanggunian

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V


Umunlad sa Paggawa
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A.
Arsenue, Catalina R. Ipolan, Ylanda L.Q
Download/Learning Materials/ Division of Cabanatuan City, Ryan V. Masaybing,
Erickson C. Santiago

https://www.google.com/search?q=mga+balat+ng+gulay+at+prutas+para+sa+abono
ng+organiko&rlz=1C1CHBF_enPH833PH834&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=
2ahUKEwjSorSkwLjpAhXAyYsBHYQNCw8Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1093&bih=4
86#imgrc=Gkn1VSfJ8B85yM

https://www.google.com/search?q=kahalagahan+at+pamamaraan+sa+paggawa+ng
+abonong+organiko&rlz=1C1CHBF_enPH833PH834&source=lnms&tbm=isch&sa=X
&ved=2ahUKEwiJkoihxrjpAhUWxosBHZJLAEEQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1093&bi
h=526&dpr=1.25#imgrc=RpTODfiUn8vuxM
Aralin 2 at 3

PAMAMARAAN AT PAG-IINGAT SA PAGGAWA NG ABONONG


ORGANIKO

INAASAHAN

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang wastong pamamaraan sa paggawa ng


abonong organiko. Ikaw din ang mabibigyan ng pagkakataon na maisagawa at
masunod ang mga pamamaran sa paggawa ng abonong organiko upang magamit sa
maunlad na pagtatanim. Bibiyan-diin din ang mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan sa bawat gawain upang maiwasan ang anumang sakuna.

Layunin:

1. Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong


organiko.
2. Natutukoy ang dalawang pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko.
3. Nasusunod at naisasagawa ang mga pamamaraan at pag-iingat sa
paggawa ng abonong organiko.

BALIK-TANAW

Piliin sa ibaba ang mga kabutihang dulot ng abonong organiko. Lagyan ng 


ang tamang sagot.
_______1. Pinalalambot nito ang lupa.
_______2. Nagbibigay ng sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na
abono
_______3. Nagiging mabilis ang pagkatuyo ng lupa.
_______4. Nakatitipid sa gugulin sa pagtustos ng kemikal na abono
_______5. Higit na pinatataba ang lupa.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang pataba ay mahalaga sa amga pananim. Pinagyayaman nito ang lupa


upang maging sapat ang sustansiyang nasisipsip ng mga ugat ng bawat pananim.
Bagamt may mga komersiyal na pataba na maaaring mabili sa iba’t ibang tindahan,
ang paggamit ng abonong organiko ay higit na iminumungkahi lalo na kung ang lugar
ay may malawak na bakuran. Gumagawa ng hukay sa isang bahagi ng bakuran at
dito itinatapon ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba pagkalipas ng ilang
buwan. Ito ng tinatawag na “compost pit”.
Pamamaraan sa paggawa ng “compost pit”.

Naririto ang sunod-sunod na hakbang sa paggawa ng “compost pit”:

1. Humanap ng medyo mataas na lugar sa halamanan.


2. Hukayin ito ng tatlong metro ang haba, isa at kalahating metro ang lapad at
isang metro ang lalim. Patagin ang loob ng hukay at hayaang nakabilad sa araw
upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.
3. Itambak sa loob ng hukay ang mga pinulot na damo, basurang nabubulok at
pinagbalatan ng gulay at prutas hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng manok at baboy hanggang umabot ng
15 sentimetro ang kapal.
5. Sabugan ito ng abo at paibabawan ito ng lupa.
6. Ulitin ang ganitong pagkakasunod-sunod ng damo, nabubulok na basura, dumi
ng hayop, abo at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.
7. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid.
Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging
mabilis ang pagkabulok ng mga basura.
8. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng isang buwan. Haluing
mabuti ang mga pinagsama-samang damo, basurang nabubulok at
pinaggbalatan ng ng gulay at prutas, dumi ng hayop at lupa.
9. Patagalin ng tatlong buwan o higit upang mabulok at ito ay isang murang
organikong pataba. Kung wala namang sapat na lugar ay maari paring gumawa
ng ganitong uri ng pataba sa pamamgitan ng paggamit ng anumang uri ng
sisidlan. Tinatawag itong basket composting kung saan ang mga tuyong dahon
at damo, balat ng prutas at gulay, balat ng itlog, papel at mga dumi ng hayop
ay binubulok sa isang sisidlan na may kasamang lupa. Ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:
1. Maghanda ng isang lalagyang na maaaring iresaykel. Ito ay
maaring lumang kaing o basket, timba, lata at iba.
2. Lagyan ang sisidlan ng lupa sa kapal na 10 sentimetro.
Gamitin ang kahoy na may tinakdang sukat na kailangan sa
bawat hakbang.
3. Patagin ito ng trowel. Latagan ang lupa ng mga dahon, papel
at anumang bagay na nabubulok sa kapal na 3 sentimetro.
4. Ilagay ang dinurog na balat ng itlog sa kapal na 3 sentimetro.
Isunod na ilagay ang dumi ng hayop sa kapal na 3
sentimetro. Sunod na ilagay ang abo ng kahoy at lagyan muli
ng lupa.
5. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan at
diligan ito.
6. Takpan ang sisidlan ng plastic upang hindi langawin,
pamahayan ng anumang uri ng peste at hindi mangamoy.
7. Itusok ang tubong plastic na may mga butas sa tagiliran
upang magsilbi itong singawan. Siguraduhin na ang tubong
ito ay hanggang sa ilalim ng lalagayan.
8. Diligan ang sisidlan araw-araw upang mabilis ang
pagkabulok.
9. Palipasin ang dalawang buwan bago ito gamitin.
UNANG GAWAIN

Panuto: 1. Kung may sapat na lugar gumawa ng compost pit sa inyong bakuran o
sa likod ng inyong bahay sa tulong ng iyong mag-anak at basket
composting kung walang sapat na lugar.

Gamitin ang tseklist upang suriin ang ginawa.


Pamantayan Antas ng Kahusayan
1. Maayos ba ang pagkakagawa? 1 2 3 4
2. Gumamit ba nang angkop na
kagamitan at kasangkapan sa
paggawa?
3. Napanatili ba ang kalinisan sa
Paggawa?
4. Naisagawa ba ng wasto ang mga
hakbang?

Batayan sa Pagmamarka

4 – Napakahusay 2 – Mahusay

3 – Mas Mahusay pa 1 – Pagbutihin pa

2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay gumawa ng basket composting at


ipaliwanag ang kahalagahan nito.

3. Makipanayam sa isang kakilalang naghahalaman sa inyong lugar. Tanungin


ang uri ng patabang ginagamit sa gayundin ang kabutihang dulot nito sa
mga alagang pananim. Isulat nang patalata ang isinagawang
pakikipagpanayam.

4. Gumawa ng sisidlan para sa mga nabubulok na basura at hindi nabubulok na


basura at simulang gamitin ito sa inyong tahanan.
PANGALAWANG GAWAIN

Panuto: Kopyahin ang tsart sa ibaba at sagutan

Abonong
Organiko

Mga pag-iingat sa Mga nabubulok na


Unang 5 hakbang sa paggawa ng abonong
paggawa ng basket bagay na maaring
organiko gawing compost
composting
1. __________________ 1. _________________
1._________________
2._________________ 2. __________________ 2. _________________
3._________________ 3. __________________ 3. _________________
4._________________ 4. __________________ 4. _________________
5._________________ 5. __________________ 5. _________________

Dalawang pamamaraan
ng paggawa ng compost.
1.
__________________
2. __________________
PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto : Isulat sa sagutang papel ang titik T kung tama ang ipinahihiwatig ng
pangungusap at M kung mali.
_______1. Walang ng kapakinabangan ang mga basura sa bahay o paaralan.

_______2. Ang abonong organiko ay maaaring makuha sa madaling panahon.


_______3. Kailangan ihiwalay ang basurang nabubulok at di-nabubulok sa

paggawa ng abonong organiko.

_______4. Ang “compost pit” ay inilalagay sa medyo mataas na lugar upang ito

ay makita.

_______5. Pinagpatung-patong na damo, nabubulok na basura, dumi ng mga

hayop, abo at lupa ang tamang paglalagay sa “compost pit”

Sanggunian

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V


Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A.
Arsenue, Catalina R. Ipolan, Ylanda L.Q pahina 72.
Department of Education
Buruea of Elementary Eduucation
Curriculum Dvelopment Division
Download/Learning Materials/ Division of Cabanatuan City, Ryan V. Masaybing,
Erickson C. Santiago
TANDAAN

May mga pamamaraan na dapat sundin sa paggawa ng abonong organiko.


Ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ay dapat isaalang-
alang sa bawat gawain upang maiwasan ang anumanag sakuna.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ang “composting” ay isang paraan ng pagpapabulok ng basura sa _______.
A. isang kahong sisdlan C. isang basket
B. isang hukay D. Lahat ay tama.
2. Ang mga sumusunod ay maaring isama sa paggawa ng abonong organiko o
“compost”. Alin ang hindi nabibilang? ________
A. tuyong damo at dahon C. goma at plastik
B. balat ng prutas at gulay D. dumi ng hayop
3. Nakikita mong maraming basura sa inyong paligid at napansin mong kinakalat
lang ito ng iyong mga kapitbahay kung saan-saan. Ang iba naman ay
sinusunog ito. Ano ang dapat mong gawin? ________
A. Pumunta sa kapitan ng barangay at hilinging kausapin ang iyong
mga kapitbahay upang ipaliwanag ang benepisyong makukuha mula
sa mga nabubulok na basura.
B. Isumbong sa pulis ang kapitbahay na nagtatapon at nagkakalat ng
basura.
C. Manahimik at pabayaan na lang ang iyong mga kapitbahay.
D. Wala sa nabanggit
4. Kailangang _________ ang basurang nabubulok at di-nabubulok sa paggawa
ng abonong organiko.
A. paghaluin C. paghiwalayin
B. sunugin D. tunawin
. 5. Ang “compost pit” ay inilalagay sa medyo mataas na lugar upang _________.
A. madaling makita C. madaling mabulok
B. hindi mapuno ng tubig-baha o ulan D. maging maganda
6. Ang mga organikong sangkap na nagtataglay ng sustansiya upang mapanatili
ang maayos na kundisyon ng lupa ay ___________.
A. protina at “carbohydrates” C. “calcium” at “magnesium”
B. “nitrogen” at “phosphorus” D. “nitrogen”, “phosphorus” at
“potassium”
7. Mainam gumamit ng “compost” sa pagtatanim. Ano ang kabutihang naidudulot
ng paggamit nito? __________
A. Pinalalambot nito at higit na pinatataba ang lupa.
B. Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na
abono.
C. Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono
D. Lahat ay tama.
8. Nais mong gumawa ng abonong organiko ngunit wala kang sapat na lugar. Ano
ang mainam at nararapat mong gamitin upang makagawa nito? ________
A. plastic cup
B. anumang sisidlang may sapat na laki
C. lumang gulong na hindi na ginagamit
D. karton
9. Upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan sa paghahanda ng
organikong abono, ano ang dapat gawin? ________
A. Gumawa agad-agad.
B. Magtanong sa kaibigan.
C. Sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
paggawa.
D. Maligo agad pagkatapos gumawa.
10. Ito’y isang uri ng organikong abono mula sa mga patapong bahagi ng isda.
_________
A. fish amino acid C. fish meal
B. fishing rod D. fish soup
11. Ano ang dapat ilagay sa mga kamang taniman upang matiyak na lalo pang
maging malulusog ang mga tanim na gulay? _______
A. insecticide C. pesticide
B. tubig D. pataba
12. Ang paggawa ng abonong organiko ay nakatutulong dinsa _______.
A. paglala ng polusyon C. kalusugan ng tao
B. pagdami ng basura D. pagdami ng tao
13. Malaki ang __________ kung ikaw na mismo ang gagawa ng abonong organiko.
A. nagagastos C. matitipid
B. nasasayang D. nakikita
14. Ilan ang pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko?
A. isa B. tatlo C. dalawa D. apat
15. Alin a ng hindi dapat ihalo sa “basket composting”? _______
A. balat ng gulay C. balat ng prutas
B. buto ng baboy at tinik ng isda D. lupa
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGRICULTURE 5

Module 2
Quarter 1 Week 2 (Lessons 4,5,6,7)
Learning Competencies: Naisasagawa ang masistemang
pangangalaga ng tanim na gulay:
. Pagdidilig
. Pagbbubungkal
. Paglalagay ng abonong organiko
Naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at
kulisap ng mga halaman:
. Intercropping
. Paggawa ng organikong pangsugpo sa mga peste at kulisap
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing pag-aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalamanang gagawing ito dahil madali mong

matatandaan ang mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.


4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsususlit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatututo. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdaag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutunan ay gamitin sa pang araw-araw na gawain.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw - ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin - Dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na Gawain mo ng may
kapareha.
6. Tandaan - dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutunan - dito mapapatunayan na natutuhan mo ng
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit - dito masusukat ang iyong antas ng Pagkatuto
sa bagong aralin.
9. Susi sa Pagwawasto - naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
10. Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglilikha ng
modyul na ito.

Aralin 4

MASISTEMANAG PANGANGALAGA NG MGA TANIM NA


GULAY SA PAMAMAGITAN NG PAGGDIDILIG

INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito matutuhan ang mga paraan ng pagdidilig. Pag-


aralang mabuti ang wastong paraang ng pagdidilig upang tumubo nang malulusog at
malalago ang mga tanim na gulay.

Layunin:

1. Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng mga tanim na gulay sa


pamamagitan ng pagdidilig.
2. Naisasagawa ng wasto ang pagdidilig sa mga tanim.
3. Naiingatan ang mga tanim habang ito’y dinidilig.
UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong sa ibaba. Piliin lamang ang titik ng
pinakamalapit na sagot.

1. Sa paghahalaman, binibigyang pansin ang pangngalaga ng tanim upang maging


mabilis at malusog ang pagtubo ng mga ito. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay
sa lupa upang maisakatuparan ito?
A. mga bulok na binhi C. mga kahoy
B. abonong organiko D. mga sirang pagkain
2. Napag-utusan kang maglagay ng pataba sa pananim na gulay. Kailan mo dapat ito
ilalagay sa pananim?
A. habang inihahanda ang taniman C. habang nagtatanim
B. bago magtanim D. Lahat ay tama.
3. Bakit kailangang maghugas ng kamay pagkatapos maglagay ng abono sa
pananim?
A. upang makaiwas sa sakit C. upang maging maganda sa paningin
B. upang mapansin ng iba D. wala sa nabanggit
4. Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan upang makatipid sa gastusin sa
patabang sa kanyang pananim?
A. Bigyan siya ng komersiyal na abono.
B. Turuan siyang gumawa ng abonong organiko.
C. Sabihan siya na bumili ng komersiyal na pataba.
D. Hayaan na lamang siya
5. Mabagal tumubo at payat ang mga halamang tanim na gulay ni Mang Ambo. Ano
ang dapat niyang gawin sa kanyang mga pananim?
A. lagyan ng pataba C. lagyan ng damo
B. lagyan ng buhangin D. lagyan ng bakod
6. Mainam na gawing organikong pamatay peste ang nakatala ibaba maliban sa
________.
A. siling labuyo C. Sampaguita
B. luyang dilaw D. oregano
7. Ang paggamit ng kemikal na pamatay peste sa pananim ay nagdudulot ng
_________.
A. polusyon sa tubig C. pagkasira ng lupang taniman
B. malubhang sakit sa tao D. lahat nang nabanggit
8. Ang “manure tea” ay ginagamit ding pampataba ng halaman. Ito’y isang uri ng likido
na ___________.
A. gamot sa ubo C. galing sa dumi ng hayop
B. iniinom tulad ng kape D. galing galing sa mga halamang
gamut
9. Kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng pananim?
A. hapon C. umaga
B. umaga o hapon D. tanghaling tapat
10. Upang masugpo ang pamiminsala ng mga kulisap at insekto sa mga pananim,
maaari itong ___________.
A. tanggalin sa pamamagitan ng kamay
B. budburan ang mga dahon ng pulbos ng tabako
C. bombahin ng organikong pamatay peste
D. lahat nang nabanggit
11. Mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng pananim upang
_____________.
A. mabawasan ng mga ugat C. makahinga ang mga ugat
B. dumami ang mga ugat D. bumaluktot ang mga ugat
12. Paano maiiwasang mapinsala ng mga ligaw na hayop ang iyong pananim?
A. lagyan ng pataba C. lagyan ng bakod
B. lagyan ng bubong D. lagyan ng karatula
13. Upang maiwasang mapinsala ang mga ugat ng pananim, kailangang gumamit ng
angkop na pambungkal na kasangkapan tulad ng _____________.
A. asarol C. piko
B. trowel o dulos D. pala
14. Ilang beses sa isang lingo dapat bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?
A. isa C. dalawa
B. tatlo D. apat
15. Sa pagdidilig ng halaman, dapat gumamit ng ________ na butas upang
maiwasang mapinsala ang mga bulaklak o bunga ng pananim.
A. maliliit C. malalaki
B. malalalim D. malalapad

BALIK-TANAW

Panuto: Isulat sa notebook ang sunod-sunod na paraan sa paggawa ng abonong


organiko sa paraang compost pit.
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________

4. ________________________________
5. ________________________________
6. ________________________________

7. ________________________________

8. ________________________________

9. ________________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Nasubukan mo na ba ang magtanim ng gulay sa inyong bakuran? Naging


matagumpay ba ang iyong pagtatanim?

Isa sa mga paraan ng pangangalaga ng mga tanim na ginagawa ng lahat ang


pagdidilig. Sa araling ito ay lilinangin ang inyong kaisipan sa masistemang paraan ng
pagdidilig upang higit na mapangalagaan ang mga tanim na gulay. Mabibigyan din
kayo ng pagkakataong maisagawa ito at makagamit ng angkop na kasangkapan
upang higit na maging kawili-wili ang inyong pag- aaral.

Tingnan ang mga larawan ng nasa itaas at suriin. Ano ang pinakikita sa larawan?
Mahalaga ang tubig sa mga tanim. Tumutulong ito upang mas madaling
masipsip ng mga ugat ang sustansiyang taglay ng lupa. Sa pagsasagawa ng
photosynthesis ng mga halamang tanim, ang tubig ang unang elementong kailangan.
At kapag sobrang mainit ang panahon o klima, tubig ang tumutulong upang mapababa
ang temperatura ng halamang tanim. Nakatutulong din ang tubig sa paglaki ng mga
buto ng mga halamang tanim.

Kaugnay nito, makatityak na higit na mapapangalagaan ang mga tanim na gulay


kung maisasagawa nang wasto ang pagdidilig. Naririto ang mga dapat isaalang-alang
sa pagdidilig:

• Diligan ang mga tanim na gulay araw – araw.


• Gawin ang pagdidilig sa umaga o hapon kapag hindi matindi ang sikat ng araw.
• Maging maingat sa pagdidilig upang hindi mapinsala ang mga halamang
tanim.
• Tiyaking hindi malulunod ang mga tanim lalo na ang mga bagong lipat na
punla.
• Upang maiwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig, gumamit ng regaderang
may maliliit na butas.
• Diligin ang lupang nakapaligid sa mga tanim upang mapanatling mamasa-
masa ang lupa.

UNANG GAWAIN

Panuto: 1. Humanap ng basyo ng lumang galon na plastic at gumawa ng


regaderang pandilig mula dito.
2. Gawin ang plano para sa gagawing proyekto bago magsimula at
ipasuri ang natapos na proyekto.
Plano ng Proyekto

Pangalan______________________ Baitang V - _______________

I. Pangalan ng Proyekto
II. Layunin
1.
2.
III. Drawing (larawan ng gagawing Proyekto)
IV. Talaan ng mga materyales

Materyales Dami Halaga Kabuuang


Halaga

V. Pamamaraan sa Paggawa
1.
2.
3.
4.
5.
6.

VI. Mga Kasangkapan


1.
2.
3.
4.
5.

VII. Pagpapahalaga
Batayan Katampatan Bata Guro
1.Kabuuang Anyo 25%
2.Gamit ng proyekto 30%
3.Angkop na 25%
Paggamit ng
kasangkapan
4.Pagkamalikhain 20%
Kabuuan 100%

TANDAAN

May mga dapat isaalang-alang upang maisagawa ang masistemang


pagdidilig ng mga tanim na gulay upang lumaking malulusog at higit na
mapakinabangan ng mag-anak at pamayanan.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung wasto ang sinasaad ng pangungusap

at malungkot na mukha  kung hindi wasto.

_______1. Diligan ang mga tanim na gulay araw – araw.


_______2. Diligan ang mga halamang tanim kapag matindi ang sikat ng araw.
_______3. Maging maingat sa pagdidilig upang hindi mapinsala ang mga halamang
tanim.
_______4. Gumamit ng regaderang may malalaking butas upang madiligan nang
maayos ang mga tanim na gulay.
_______5. Diligan ang lupang nakapaligid sa mga tanim.
Sanggunian

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V


Umunlad sa Paggawa
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A.
Arsenue, Catalina R. Ipolan, Ylanda L.Q
Download/Learning Materials/ Division of Cabanatuan City, Ryan V. Masaybing,
Erickson C. Santiago

Google links:
https://www.google.com/search?q=lugar+na+pagtataniman&rlz=1C1CHBF_enPH833PH834&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=2ahUKEwiBgdiDoeXpAhUac3AKHbG4B0oQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1093&bih=526#imgrc=I4cKh50jSxH-MM

https://play.google.com/store/apps/details?id=com.toonkidsstudio.backyard.garden.maker&hl=fil
Aralin 5

MASISTEMANG PANGANGALAGA NG MGA TANIM NA


GULAY SA PAMAMAGGITAN NG PAGBUBUNGKAL

INAASAHAN

Naglalayon ang modyul na ito na matutuhan ng mga bata ang mga wastong
hakbang sa pagbubungkal ng lupa sa mga tanim na gulay.

Layunin:

1. Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng mga tanim na gulay sa


pamamagitan ng pagbubungkal.
2. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagbubungkal ng lupa sa mga tanim.
3. Naiingatan ang mga tanim habang binubungkal ang lupa sa paligid nito.

BALIK-TANAW

Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung wasto ang sinasaad ng pangungusap

at malungkot na mukha  kung hindi wasto.

_______1. Diligan ang mga tanim na gulay araw – araw.


_______2. Diligan ang mga halamang tanim kapag matindi ang sikat ng araw.
_______3. Maging maingat sa pagdidilig upang hindi mapinsala ang mga halamang
tanim.
_______4. Gumamit ng regaderang may malalaking butas upang madiligan nang
maayos ang mga tanim na gulay.
_______5. Diligan ang lupang nakapaligid sa mga tanim.
P AGPAPAKILALA NG ARALIN

Mahalagang bigyan ng wastong pangangalaga ang mga tanim na gulay.


Maliban sa pagdidilig na ating natutunan sa nagdaang aralin, ay may iba pang
pamamaraan upang higit na mapangalagaan ang mga gulay na tanim at makatiyak sa
masagana at maunlad na ani.

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang isa pang pamamaraan ng pangangalaga


sa mga tanim na gulay, ang pagbubungkal ng lupa. Magiging kawili-wili ang talakayan
sa arling ito dahil mabibigyan kayo ng pagkakataong maisagawa ang wastong
pangangalaga samga tanim na gulay.

Upang makahinga ang mga ugat ng halamang tanim, kailangang bungakalin


ang lupa. Sa pamamagitan nito ay madaling mararating ng tubig ang mga ugat na
nakatutulong upang madaling dumami ang mga ugat ng tanim. Ang halamang
madaming ugat ay higit na malusog. Isa paraan ito upang makapasok din ang hangin
sa mga halamang tanim. Isagawa ang pagbubungkal ng lupa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan:

• Gawin ang pagbubungkal kung ang lupa ay mamasa-masa.


• Dapat bungakiln ang lupa ng Isa hangang dalawang beses sa isang lingo
• Bungkalin ang lupa sa umaga o hapon kapag hindi matindi ang sikat ng
araw.
• Gawing mababaw lamang ang pagbubungkal sa mga halamang gulay na
tanim.
• Bungkalin ang lupa sa paligid ng tanim nang buong pag-iingat upang ndi
mapinsala ang mga ugat ng nakatanim na halaman.
• Gumamit ng angkop na kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa upang higit
na mapangalagaan ang mga halamang tanim.

UNANG GAWAIN

Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng tamang pagbubunkal.

PANGALAWANG GAWAIN

Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang bubuo sa bawat

pangungusap.

1. Bungkalin ang lupa upang makahinga ang mga _________.


2. Gawin ang pagbubungkal ng isa hanggang dalawang beses sa isang
_______.
3. Bungkalin ang lupa sa ________ o ________ kapag hindi ang sikat ng araw.
4. Gumamit ng ______ na kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa upang hindi
mapinsala ang mga tanim na gulay.
5. Bungkalin ang lupa sa paligid ng tanim ng buong _________ upang hindi
mapinsala ang mga tanim na gulay.
K A L A Y K A Y T
U P A H A P O N U
G A U D I I L R B
A T M L U P I M I
T B A A B O N O G
P A G I I D G A T
P E A O R G G S E
A N G K O P O S A

TANDAAN MO

Ang masistemang pamamaraan ng pagbubungkal ng lupa ay makatutulong


upang higit na mapangalagaan ang mga tanim na gulay at maiwasang mapinsala
ang mga ito.

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang ipinahihiwatig ng pangungusap at titik M
kung ito ay mali.
_______ 1. Dapat bungkalin ang lupa ng isa hanggang dalawang beses sa isang
linggo.
_______ 2. Bungkalin ang ugat ng tanim para mabilis itong lumaki.
_______ 3. Bungkalin ang lupa sa umaga o hapon kapag hindi matindi ang sikat ng
araw.
_______ 4. Gawin mababaw lamang ang pagbubungkal sa mga halamang gulay na
tanim.
_______ 5. Bungkalin ang lupa sa paligid ng tanim nang buong pag-iingat upang di
mapinsala ang mga ugat ng nakatanim na halaman.
Sanggunian

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V


Umunlad sa Paggawa
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A.
Arsenue,Catalina R. Ipolan, Ylanda L.Q
Download/Learning Materials/ Division of Cabanatuan City, Ryan V.
Masaybing, EricksonC. Santiago
Google links:

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+mga+kagamitan+sa+pagbub
ungkal+ng+lupa&rlz=1C1CHBF_enPH833PH834&source=lnms&tbm=isch&s
a=X&ved=2ahUKEwjxh-
b_2OXpAhVZ7WEKHbMUBBUQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1093&bih=486
Aralin 6
Pagsasagawa ng Masistemang Pangangalaga ng Tanim sa
Pamamagitan ng Paglalagay ng Abonong Organiko

INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral at matututong maglagay ng


organikong pataba sa mga tanim na gulay.

1. Layunin:
1. Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng paglalagay ng abonong organiko sa
mga tanim na gulay;
2. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalagay ng abonong organiko sa
mga tanim;
3. Nasusunod ang mga pag-iingat sa paglalagay ng abono sa mga pananim.

BALIK-TANAW

Magbigay ng limang kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.

1._______________________
2._______________________
3._______________________
4._______________________
5._______________________
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Sa lupa kumukuha ng pagkain ang mga halaman. Kailangan nila ng matabang


lupa upang bumilis lumaki at higit na malusog. Alam mo ba kung ano ang ginagamit
upang mapataba ang mga tanim na halaman? Sa modyul na ito, matatalakay ang iba’t
ibang paraan ng pagpapataba ng lupa, wasto at ang kahalagahan ng paglalagay ng
pataba sa mga pananim.

Suriin ang nasa larawan. Ano ang ipinakikita sa larawan?

Ang larawan ay nagpapakita ng wastong pangangalaga ng halaman. Anong


paraan kaya ang ginagawa upang maging malusog ang mga pananim? Isa sa mga
paraan upang bumilis at maging malusog ang lupa ay ang paglalagay ng abono.
Nakadaragdag sa sustansiya ng lupa ang paglalagay ng abono. Isa ito sa mga paraan
ng pagpapataba ng halaman. Maaaring gumamit ng abonong organiko o komersiyal.
Ang organikong abono ay maaaring dumi ng hayop o “compost”. Maaari mong gawin
ang sarili mong “compost” o kaya ay bumili ngabonong komersiyal. Hugasang mabuti
ang iyong mga kamay pagkatapos maglagay ng abono.

Ano ang dalawang uri ng abono?

1. Organiko - Ito ang mga sariwa o nabulok na bahagi ng halaman, mga


pinagbalatan sa kusina, dumi ng hayop, abo at natunaw na basura.
2. Di-organiko - Ito ang abonong nabibili sa kalakalan o handa ng gamitin. Ito
ay nagtataglay ng tatlong sangkap na mahalaga sa mga puno, halaman at
bungang kahoy. Ito ay ang mga nitroheno, potasiyum at posporos.

Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o


pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng
pataba ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga. Sa panahong ito, kailangang
– kailangan ng tanim ang sustansya mula sa lupa.

Paraan ng Paglalagay ng Abono

1. Broadcasting Method
Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa. Kadalasang ginagawa ito sa
palayan at maisan.

2. Side Dressing Method

Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman


sa pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito. Ito ay kadalasang ginagawa
sa mga halaman na nakahilera at hindi paisa-isa.

3. Foliar Application Method

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng solusyong


abono sa mga dahon ng halaman.
4. Ring Method ( Paraang Pabilog)

Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang


isang pulgada mula sa puno o tangkay. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay.Takpan
ng lupa ang pataba.

5. Basal Application Method

Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa bago


itanim ang halaman. Kapag ang halaman naman ay itatanim sa paso, ang pataba ay
inihahalo muna sa lupa bago itanim ang halaman.
UNANG GAWAIN

Panuto: Lagyan kung ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng

masistemang pangangalaga ng tanim na halaman o gulay at kung hindi.


_____1. Kailangan ang masusing kaalaman sa pagpili ng pataba o abono na
ilalagay sa mga pananim.
_____2. Ang abono ay mahalaga sa mga pananim.
_____3. May wastong paraan ng paglalagay ng pataba sa pananim.
_____4. Ang paggamit ng di-organikong abono ay higit na iminumungkahi kaysa sa
organikong abono.
_____5. Ang paglalagay ng abono o pataba ay naktutulong upang maging malusog
ang lupa at mga pananim.

PANGALAWANG GAWAIN

1. Gumawa ng flowchart sa tamang hakbang sa paglalagay ng abono sa


halaman.

TANDAAN MO

Ang organikong abono ay mga pataba na katulad ng “compost” na galing sa


mga duming binulok na dahon ng mga halaman at iba pang mga bagay na maaring
matunaw. Samantalang ang di-organikong pataba tulad ng “urea” (46-00) at
“complete fertilizer” (l4-l4-l4) ay inihanda sa prosesong kemikal at mekanikal,
subalit iminumungkahi na huwag masyadong gamitin sapagkat ito ay nakakasira at
hindi ligtas para sa tao.

May limang paraan ng paglalagay ng abono ito ay ang “broadcasting


method”, “side dressing method”, “ring method”, “basal application”, “foliar
application” at “basal application”.
PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


___1. Sa paghahalaman, binigyang pansin ang pangngalaga ng tanim upang maging
mabilis at malusog ang pagtubo ng mga halaman. Alin sa mga sumusunod ang
inilalagay sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang mga pananim?
A. Mga bulok na binhi
B. Abonong organiko
C. Mga kahoy
D. Mga sirang pagkain
___2. Napag-utusan kang maglagay ng pataba sa pananim na gulay. Kailan mo dapat
ito ilalagay sa pananim?
A. pagkatapos magtanim
B. bago magtanim
C. habang nagtatanim
D. Lahat ng sagot ay tama.
___3. Bakit kailangang maghugas ng kamay pagkatapos maglagay ng abono?
A. upang makaiwas sa sakit
B. upang mapansin ng iba
C. upang maging maganda sa paningin
D. wala sa nabanggit
___4. Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan upang makatipid sa patabang sa
kanyang pananim?
A. Bigyan siya ng komersiyal na abono
B. Turuan siyang gumawa ng abonong organiko
C. Sabihan siya na bumili ng komersiyal na pataba
D. Hayaan na lamang siya

___5. Mabagal tumubo at payat ang mga halamang tanim na gulay ni Mang ambo.
Ano ang kanyang dapat gawin? Lagyan niya ng _____
A. pataba
B. buhangin
C. damo
D. langis
Sanggunian

https://blog.leonandgeorge.com/posts/2017/11/30/when-should-you-fertilize-your-plants

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V


Umunlad sa Paggawa
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, Gloria A. Peralta, EdD, et al
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-
aaral Unang Edisyon 2015
Curriculum Guide ph. 19 - EPP5AG-Oc-5
Teachers Guide ph. 50-58

Binabati kita at matagumpay mong natapos

ang araling ito! Maaari mo na ngayong

simulan ang susunod na aralin.


Aralin 7

Pagsasagawa ng Masistemang Pagsugpo ng Peste at Kulisap


sa mga Halaman sa Pamamagitan ng Intercropping

INAASAHAN

Kailangang sugpuin ang mga peste na sumisira sa mga halaman. “Caterpillar”


at “aphid” ang mga pangunahing pesteng lubhang nakapipinsala sa mga ito. Ang
karaniwang paraan ng pagsugpo sa peste ay ang paggamit ng pestisidyong kemikal.
Ipinapayo sa mga magtatanim ng mga halamang gulay na iwasan ang paggamit
ng pestisidyong kemikal na bukod sa may kamahalan ang presyo ay nakakaapekto sa
kalusugan ng tao. Nariyan lamang sa ating kapaligiran ang isang paraan ng pagsugpo
ng peste at kulisap na walang gastos at madaling gawin.
Layunin ng araling ito na matutuhan ng mga mag-aaral ang masistemang
pagsugpo ng peste at kulisap sa mga halaman sa pamamagitan ng “intercropping”.

1. Layunin:
1. Naipaliliwanag ang “intercropping” bilang isa sa paraan ng
masistemang pagsugpo ng peste at kulisap sa mga halaman;
2. Nakagagawa ng plano gamit ang paraan ng “intercropping”;
3. Naisasagawa ang masistemang pagsugpo sa mga peste at kulisap
sa mga halaman sa pamamagitan ng “intercropping”.
BALIK-TANAW

Hanapin sa loob ng kahon ang tamang paraan ng paglalagay ng abono na


inilalarawan ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

Broadcasting method Foliar Application Method

Basal Application Method Ring Method ( Paraang Pabilog)

Side Dressing Method

__________1. Paghuhukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati


hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay.
__________2. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman sa pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
__________3. Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa. Kadalasang ginagawa
ito sa palayan at maisan.
__________4. Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa
lupa bago itanim ang halaman.
__________5. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-i-“spray” ng
solusyong abono sa mga dahon ng halaman.
MAIKLING PAGPAPAKILA NG ARALIN

Alam mo ba na mahalaga ang pag-aaral tungkol sa wastong pagpuksa at pag-


iwas sa mga peste at kulisap na siyang nagiging sanhi ng pagkasira at pagkapinsala
ng mga halaman? Ang mga mapamuksang peste at kulisap ay nagdudulot ng sakit sa
mga halaman.

Sa araling ito, malalaman mo ang wastong pagsasagawa ng masisitemang


pagsugpo sa mga peste at kulisap sa mga halaman sa pamamagitan ng
“intercropping”.

Suriin ang mga larawan ng halaman.

Ano ang mga halaman ang iyong nakikita? Pansinin ang pwesto ng halaman
at pamamaraan ng pagtubo ng mga ito?
Ang mga peste at kulisap katulad ng aphids, caterpillar at beetle ay ilan lamang
sa suliranin na nakasisira sa mga halamanan. Ang mga ito ay nabubuhay sa pagkain
ng mga bahagi ng halaman katulad ng dahon, ugat at malalambot na bahagi ng
bulaklak at prutas. Dahil dito, nararapat lamang na masugpo ang problemang ganito.
Subalit paano ba ito maiiwasan at mapupuksa?

Ang intercropping ay isa sa masistemang paraan ng pagsugpo at pagpuksa


ng peste at kulisap. Ito ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawa o higit pang mga
pananim sa isang lupang taniman. Pinipigilan nito ang peste at kulisap na maminsala
sa mga pananim. Ang mga halamang ornamental ay nakakatulong sa paglayo ng mga
mapaminsalang peste. Ngunit may mga halamang ornamental din na
nakakapanghikayat sa mga kulisap tulad ng ladybug, gagamba at “earwig”.

Ang mga halaman na maaring i-“intercrop” sa halamang gulay bilang panlaban


at nakatutulong na pantaboy sa peste ay ang halamang gamot. Kabilang rin dito ang
mga halamang nakapang-aakit ng mga kaibigang kulisap.

Panlaban sa Pesteng Kulisap

Marigold Neem Bawang Sibuya


Ang “intercropping” ay binubuo ng dalawang uri:
1. “Mixed Intercropping” - pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa
lahat ng bahagi ng lupang taniman.
2. “Row Intercropping” - pagtatanim na may kaayusanat ang bawat
halaman ay nakahanay ayon sa uri.

ANO ANG PAKINABANG NG “INTERCROPPING”?

Nakakatulong ang intercropping sa pangangasiwa ng mga peste. Pinipigilan at


pinoprotektahan ang mga pananim mula sa mga peste maaari nitong mapigilan o
maprotektahan ang mga pananim mula sa mga peste. Ang pagtatanim ng halamang
nagtataboy ng mga kulisap ay nakatutulong din upang makatipid sa pagbili ng
komersiyal na pamatay peste.
Sa ganitong paraan siguradong maraming maitatanim at marami ang maasahang
aanihin.
Mahalaga rin para sa mga magsasaka ang malaman ang kahalagahan ng
intercropping. Ang higit na maraming ani ay nangangahuluguan sa mas malaking
dagdag na kita para sa kanila.

UNANG GAWAIN

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


Ngayon natutunan mo na ang masistemang paraan sa pagsugpo ng peste
at kulisap ng mga halaman gulay, paano mo ito ibabahagi sa inyong mga
kaibigan at kamag-anak ? Bakit kailangan mo ito gawin? Isulat sa papel
ang sagot.
PANGALAWANG GAWAIN

Panuto: Isagawa sa inyong sariling bakuran gamit ang krokis o outline na plano
sa pagsasaayos ng mga halaman sa paraang “intercropping”. Gamitin ang mga
halamang gulay, ornamental, at mahahalimuyak na halaman na matatagpuan sa
likod-bahay.

TANDAAN MO

Ang pagtatanim ng halamang nagtataboy ng mga kulisap ay makakatulong


upang makatipid sa pagbili ng komersiyal na pamatay peste. Mahalagang piliin ang
mga halamang i-“intercrop” dahil maaaring lalong lapitan ng peste ang iyong
halamang gulay kapag hindi wasto ang iyong naitanim.

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Maraming lamok sa inyong paligid. Anong panlaban sa lamok ang ilalagay
mo?
A. bulaklak ng Marigold
B. dahon ng sibuyas
C. dahon ng Neem Tree
D. diknikdik na bawang
_____2. Paano nakatutulong ang “intercropping” sa ating kapaligiran?
A. Higit na magiging marumi ang kapaligiran.
B. Maiiwasan ang polusyon sa hangin.
C. Nakadadagdag tensiyon at suliranin.
D. Hindi ito naktutulong sa kapaligiran.
_____3. Paano nakatutulong ang pag-iintercrop sa ating paghahalaman?
A. Nakalilikha ng perwisyo sa ibang pananim
B. Nakatutulong sa pagpapataba ng mga peste at kulisap
C. Walang kabuthang dulot sa halaman
D. Nakatitipid sa pagbili ng komersiyal na pamatay peste
_____4. Bakit mahalaga ang intercropping?
A. Makatitipid sa pagbili ng komersiyal na pamatay peste
B. Upang hindi lapitan ng mga peste ang mga pananim
C. Nadaragdagan nito ang sustansiya ng lupa
D. Tama ang lahat ng nabanggit
_____5. Paano nakatutulong ang intercropping sa pamumuhay ng mag-anak?
A. Maraming aanihin na pananim at madaragdagan ang kita ng pamilya
B. Higit na lalaki ang gastos sa pagbili ng pamatay peste
C. Nagpapadami ito ng peste sa pananim
D. Walang naitutulong ito sa pamu uhay ng mag-ana

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang


modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang
susunod na modyul.

Sanggunian

https://www.slideshare.net/arnelbautista1428/grade-4-epp-quarter-3-week-1-agriculture-aralin-2-
pagsasagawa-ng-survey-gamit-ang-teknolohiya
https://pagsasaka.info/ano-ang-intercropping/

https://www.google.com/search?q=mga+halamang+pang-
akit+sa+kaibigang+kulisap&rlz=1C1CHBF_enPH833PH834&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=QcOveY
GAZ7UJjM%253A%252CZwOkSm3On0swzM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kR07XiMdLuszSRvG_PFqD5Gt8xEpQ&sa=X&ved=2ahUKEwiiuv-
q_brpAhXPE4gKHTv7B80Q9QEwAHoECAoQBQ#imgrc=QcOveYGAZ7UJjM:

Department of Education
Bureau of Elementary Education
Curriculum Guide ph. 19 - EPP5AG-Oc-6
Teachers Guide ph. 59-61
Learners Material ph. 33-36

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong sa ibaba. Piliin lamang ang titik ng
pinakamalapit na sagot.

1. Mabagal tumubo at payat ang mga halamang tanim na gulay ni Mang Ambo. Ano
ang dapat niyang gawin sa kanyang mga pananim?
A. lagyan ng pataba C. lagyan ng damo
B. lagyan ng buhangin D. lagyan ng bakod
2. Ang paggamit ng kemikal na pamatay peste sa pananim ay nagdudulot ng
_________.
A. polusyon sa tubig C. pagkasira ng lupang taniman
B. malubhang sakit sa tao D. lahat nang nabanggit
3. Paano maiiwasang mapinsala ng mga ligaw na hayop ang iyong pananim?
A. lagyan ng pataba C. lagyan ng bakod
B. lagyan ng bubong D. lagyan ng karatula
4. Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan na makatipid sa gastusin sa
patabang sa kanyang pananim?
A. Bigyan siya ng komersiyal na abono.
B. Turuan siyang gumawa ng abonong organiko.
C. Sabihan siya na bumili ng komersiyal na pataba.
D. Hayaan na lamang siya
5. Ang “manure tea” ay ginagamit ding pampataba ng halaman. Ito’y isang uri ng
likido na ___________.
A. gamot sa ubo C. galing sa dumi ng hayop
B. iniinom tulad ng kape D. galing galing sa mga halamang gamut
6. Ilang beses sa isang lingo dapat bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman?
A. isa C. dalawa
B. tatlo D. apat
7. Sa paghahalaman, binibigyang pansin ang pangngalaga ng tanim upang maging
mabilis at malusog ang pagtubo ng mga ito. Alin sa mga sumusunod ang
inilalagay sa lupa upang maisakatuparan ito?
A. mga bulok na binhi C. mga kahoy
B. abonong organiko D. mga sirang pagkain
8. Upang masugpo ang pamiminsala ng mga kulisap at insekto sa mga pananim,
maaari itong ___________.
A. tanggalin sa pamamagitan ng kamay
B. budburan ang mga dahon ng pulbos ng tabako
C. bombahin ng organikong pamatay peste
D. lahat nang nabanggit
9. Sa pagdidilig ng halaman, dapat gumamit ng ________ na butas upang
maiwasang mapinsala ang mga bulaklak o bunga ng pananim.
A. maliliit C. malalaki
B. malalalim D. malalapad
10. Upang maiwasang mapinsala ang mga ugat ng pananim, kailangang gumamit ng
angkop na pambungkal na kasangkapan tulad ng _____________.
A. asarol C. piko
B. trowel o dulos D. pala
11. Napag-utusan kang maglagay ng pataba sa pananim na gulay. Kailan mo dapat
ito ilalagay sa pananim?
A. habang inihahanda ang taniman C. habang nagtatanim
B. bago magtanim D. Lahat ay tama.

12. Bakit kailangang maghugas ng kamay pagkatapos maglagay ng abono sa


pananim?
A. upang makaiwas sa sakit C. upang maging maganda sa paningin
B. upang mapansin ng iba D. wala sa nabanggit
13. Mainam na gawing organikong pamatay peste ang nasa ibaba maliban sa
________.
A. siling labuyo C. sampaguita
B. luyang dilaw D. oregano
14. Kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng pananim?
A. hapon C. umaga
B. umaga o hapon D. tanghaling tapat
15. Mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng pananim upang
_____________.
A. mabawasan ng mga ugat C. makahinga ang mga ugat
B. dumami ang mga ugat D. bumaluktot ang mga ugat
Acknowledgements:
SUSI SA PAGWAWASTO
Writers:
Maria Gilmina Gapuz-Sotoya,Pangwakas
Unang Pagsubok MT-II (M. Agoncillo Elem. School)
na Pagsusulit
Joel G. Avila, MT-I (Bo. Obrero Elem. School)
1. B Emma E. Ibañez, MT-I (M. Agoncillo1.Elem. A School))
2. D Emilyn E. Martinez, T-II (Laon Laan 2. Elem.
B School)
3. A Renzel Guasch Jarabese, MT-I (F. Balagtas
3. C Elem. School)
4. B Robinson D. Jarabese, MT-I (Benigno Aquino Elem. School)
4. B
5.Editors:
A 5. C
6. C Ariel D. Tosio, Education Program supervisor
6. C (EPS)
7. D Aquilina F. Tiama, Public School District 7. B supervisor (PSDS)
8.Reviewers:
C 8. D
9. B Alizarde B. Lorico, MT-II (Gen. E. Aguinaldo
9. A Integ. Sch., Elem.
Dept.)
10. D 10. B
11. C Jose E. Ecle, MT-II (Jose Rizal Elem.11.School)
D
Management
12. C Team: 12. A
13. B Maria Magdalena M. Lim – Schools Division
13. C Superintendent –
Manila
14. C 14. B
15. A Aida H. Rondilla – Chief Education Supervisor
15. C – Manila
Lucky S. Carpio – Education Program Supervisor (EPS)
Lady Hannah C. Gillo – Librarian II - LRMS

You might also like