You are on page 1of 32

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 8:
Pag-aalaga ng Hayop
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 8: Pag-aalaga ng Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Isidro V. Larida, Jr., Virgilio A. Valencia, Jr., Jeriel B. Caracol,
Myrna C. Cantor, Richiel E. Barrios, Joy Marimer L. Sumalinog,
Kristine F. Balongo, Fe B. Cargason, Jean G. Pagayon, Vaneza J.
Andone
Editor: Beverly B. Abad
Tagasuri: Lorna T. Padua, Lerma C. Aron, Jay Sheen A. Molina
Tagaguhit: Tracy Joy D. Palmares, Jobert C. Espino
Tagalapat: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS TLE/EPP

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4
EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 8:
Pag-aalaga ng Hayop
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Baitang 4 ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling Pag-aalaga
ng Hayop.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang 4
ng Self-Learning Module ukol sa Pag-aalaga ng Hayop.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay


magagabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang
matutunan mo ng lubos ang tungkol sa pag-aalaga ng hayop.
Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop gamitin sa iba’t-
ibang sitwasyon. Iniakma rin sa kakayahan mo bilang mag-aaral
ang wikang ginamit dito para lubos mo itong mauunawaan.
Ang mga aralin ay inayos mula sa simple o payak patungo sa
paksang nangangailangan ng mataas na pang-unawa subalit
pwede mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng bawat paksa
sa pagbabasa o pagsagot ng mga gawain batay sa aklat na iyong
ginagamit sa kasalukuyan.
Ang modyul na ito ay binubuo ng limang mga aralin:
• Aralin 1: Mga Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop
• Aralin 2: Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa Tahanan
• Aralin 3: Maayos na Pag-aalaga ng Hayop
• Aralin 4: Ligtas na Tirahan ng mga Alagang Hayop
• Aralin 5: Pagpapakain at Paglilinis ng Tirahan ng Alagang
Hayop
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:
1. Naiisa-isa ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop.
2. Nasusulat ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop.
3. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa
tahanan.
4. Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng
hayop.
5. Napahahalagahan ang mga bagay na dapat gawin sa pag-
aalaga ng hayop.
6. Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng
hayop.
7. Nakagagawa ng sariling hakbang para sa maayos na pag-
aalaga ng hayop.
8. Naiisa-isa ang mga katangian ng maayos na lugar o tirahan
para sa alagang hayop.

1
9. Nakaguguhit ng angkop na lugar o tirahan ng aalagaang
hayop.
10. Natutukoy ang mga paraan ng wastong pagpapakain ng
mga alagang hayop.
11. Natutukoy ang mga paraan ng wastong pagpapakain ng
mga alagang hayop.
12. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng paglilinis ng tirahan ng
mga alagang hayop.
13. Nakagagawa ng talatakdaan sa pagpapakain at paglilinis ng
tirahan ng mga alagang hayop.

Subukin

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong pagpapahalaga sa
alagang hayop?
a. Pagpapakain sa oras.
b. Pag-aalaga nang maayos.
c. Pabayaan na lamang sa bakuran.
d. Pagbibigay ng maayos na tirahan.
2. Ang ____________ ay isang dulot ng pag-aalaga ng hayop na kung
saan maaari mong ibenta ang mga alagang hayop.
a. Libangan c. Napagkakakitaan
b. Napaglalaruan d. Nagbibigay pagkain
3. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa
tahanan?
a. Tigre b. Leon c. Manok d. Elepante
4. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
a. Nagbibigay ito ng itlog. c. Nagbibigay ito ng karne.
b. Magaling humuli ng daga. d. Mainam na bantay sa bahay.
5. Ang sumusunod ay mga dapat tandaan sa maayos na pag-
aalaga ng hayop, maliban sa:
a. Linisin nang mabuti ang tirahan o kulungan.

2
b. Bigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig.
c. Ang bitamina at gamot ay hindi na kinakailangan ng alagang
hayop.
d. Dapat ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote
o sa likod bahay.
6. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa alagang
hayop, maliban sa:
a. Pagkain at tubig
b. Malinis na hangin
c. Bitamina at gamot
d. Matibay ngunit maruming tirahan o kulungan.
7. Mainam na may puno sa tabi ng kulungan ng hayop upang may
____________.
a. Sapat na suplay ng hangin.
b. Mapagkukunan ng panggatong.
c. Panangga sa sobrang init at ulan.
d. Mapagtatalian sa mga alagang hayop.
8. Ang iyong tatay ay gagawa ng kulungan ng iyong alagang aso.
Alin sa mga sumusunod ang angkop na lugar para sa kanyang
kulungan?
a. Walang kanal c. Malapit sa bahay
b. Nakaangat sa lupa d. Sa makitid na lugar
9. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng wastong pagpapakain sa mga
alagang hayop?
a. Malalaman ang kaukulang kita.
b. Matiyak ang paglaki ng mga alagang hayop.
c. Maipakita ang kagalingan sa pag-alaga ng hayop.
d. Maipahayag ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop.
10. Paano maiiwasan ang hawaan at kontaminasyon ng sakit ng
mga alagang hayop?
a. Paglilinis ng paligid ng bahay.
b. Ipagbibili ang may sakit na mga hayop.
c. Hindi paglilinis ng tirahan ng mga hayop.
d. Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop araw-araw.
Aralin
Mga Kabutihang Dulot ng
1 Pag-aalaga ng Hayop

3
Mga Layunin:
1. Naisa-isa ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop; at
2. Nasusulat ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop.

Balikan

Isang mapagpalang araw sa iyo aming minamahal na mag-


aaral. Ito ang unang Aralin sa Modyul na ito. Alam kong marami
kang natutunan sa nakaraang aralin hinggil sa paghahalaman.
Ano-ano bang mga halaman ang natalakay roon? Di mawawala
ang mga halamang ornamental na siyang karamihan sa ating
bahay makikita.
Hindi lang sa paghahalaman ang hatid namin sa iyo, dahil
sa modyul na ito pag-aaralan naman natin ang Pag-aalaga ng
Hayop. Sa aralin na ito ay matutunan mo ng mga kabutihang
maidudulot ng pag-aalaga ng hayop. Alam kong may mga
nakaimbak ka nang kaalam hinggil sa pag-aalaga ng hayop.
Handa ka na ba sa araling ito? Halina’t mag-aral at matuto
ng mga panibagong kaalaman. Ngumiti at maghanda pagka’t ikaw
ang bida sa araling ito.

Tuklasin

Panuto: Isulat sa nakalaang bakanteng kahon ang mga


kabutihang naidulot sa iyo at sa iyong pamilya ng pag-aalaga ng
hayop.

KABUTIHANG
DULOT NG PAG-
AALAGA NG HAYOP

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

4
1. Nahirapan ka ba sa pagsagot? Bakit?
2. Ano-ano ang mga hayop na nakapagbibigay ng libangan,
pagkain, at kita sa iyong pamilya?
Maraming maidudulot na kabutihan ang pag-aalaga ng
hayop. Marami sa atin, lalong-lalo na sa probinsiya ay nag-aalaga
ng hayop sa iba’t-ibang dahilan.
Bahagi ng agrikultura ang pag-aalaga ng hayop. Ito ay isa sa
mga ginugugulan ng pansin ng mga tao. Karamihan sa mga nag-
aalaga ng hayop ay ang mga Pilipinong nakatira sa probinsya sa
kadahilanang malapad ang ispasyo at maraming pagkukunan ng
pagkain. Maaring ilagay mo lamang ang iyong alagang hayop sa
bakanteng lote katabi ng iyong bahay. Malayang nakakaikot ang
mga alagang hayop upang maghanap ng makakain. Minsan
naman ay ipinapastol ito sa mga damuhang bahagi ng lupa.
Halimbawa na lamang kung may alaga kang itik o bibe at
kailangan mo lamang magkaroon ng bakanteng lugar na may
tubig na umaagos. Ito ay napakagandang lugar sa pag-aalaga at
pagpapadami ng alagang itik o bibe. Kung ang pag-uusapan
naman ay ang mga alagang baka at kalabaw, kinakailangan
lamang na maghanap ka ng madamong lugar na pagpastulan.
Malaki ang tulong na ibinibigay sa atin ng pag-aalaga ng
hayop hindi lamang sa indibidwal na tao ngunit pati na rin sa
buong pamilya. Narito ang mga kabutihang maidudulot ng pag-
aalaga ng hayop.
1. LIBANGAN NG PAMILYA
Isa sa kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop ay ang
libangan ng pamilya. Marami tayong nasasayang na oras araw-
araw, wala tayong ginagawa kundi kumain at matulog lamang.
Ngunit kung ikaw ay may-alagang hayop, magdudulot ito sa iyo ng
kasiyahan at libang.
2. NAGBIBIGAY PAGKAIN
Ang mga alaga nating hayop ay nagbibigay ng maraming
pagkain sa atin. Maari natin itong pagkunan ng pang-araw-araw
na ulam. Halimbawa na lamang kung may alaga tayong itik o bibe,
ito ay mga alagang hayop na nangingitlog. Ang mga itlog nito ay
maari nating gawing ulam katulad na lamang ng paborito nating
agahan na tortang itlog. Maari rin nating gawing pagkain ang

5
laman o karne ng alagang hayop katulad na lamang ng manok,
itik o bibe, kalabaw o maging ang alaga nating baka.
3. NAPAGKAKIKITAAN
Hindi lamang simpleng libangan ang pag-aalaga ng hayop.
Maari rin itong pagkakakitaan. Tandaan natin na pinagkukunan
ng pagkain ang hayop. Kung marami na ang inaalagaang hayop,
maari natin itong ibenta.

Pagyamanin

Gawain 1.1
Panuto: Itala sa inilaang ispasyo ang mga kahalagahan ng bawat
alagang hayop na iyong makikita sa ibaba.

Isaisip

Gawain 1.2
Panuto: Buuin ang maikling talata sa pamamagitan ng pagpupuno sa
mga patlang. Piliin ang wastong salita o mga salita sa loob ng kahon.

6
agrikultura damuhang nakakaikot hayop
probinsiya tubig alagang pagpastulan
lote tulong

Bahagi ng 1. _______ ang pag-aalaga ng 2. ________. Ito ay isa


sa mga ginugulan ng pansin ng mga tao. Karamihan sa mga nag-
aalaga ng hayop ay ang mga Pilipinong nakatira sa 3. ________ sa
kadahilang malapad ang ispasyo at maraming pagkukukunan ng
pagkain. Maaring ilagay mo lamang ang iyong 4. _________ hayop
sa bakanteng 5. ________ katabi ng iyong bahay. Malayang 6.
________ ang mga alagang hayop upang maghanap ng makakain.
Minsan naman ay ipinapastol ito sa mga 7. _________ bahagi ng
lupa. Halimbawa na lamang ay kung may alaga kang itik o bibe at
kailangan mo lamang magkaroon ng bakanteng lugar na may 8.
_________ na umaagos. Ito marahil ay napakagandang lugar sa
pag-aalaga at pagpapadami ng alagang itik o bibe. Kung ang pag-
uusapan naman ay ang mga alagang baka at kalabaw,
kinakailangan lamang na maghanap ka ng madamong lugar
upang 9. ___________.
Malaki ang 10. _________ na ibinibigay sa atin ng pag-aalaga
ng hayop hindi lamang sa indibidwal na tao ngunit pati na rin sa
buong pamilya.

Isagawa

Gawain 1.3
Panuto: Ilahadkung paano ba papahalagahan ang pag-aalaga ng
hayop. Ano-ano ba ang dapat gawin sa mga alagang hayop? Paano
mo ipapakita ang pagpapahalaga sa alagang hayop?

Aralin
Mga Hayop na Maaaring
2 Alagaan sa Tahanan
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa
tahanan;

7
2. Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng
hayop; at
3. Napahahalagahan ang mga bagay na dapat gawin sa pag-
aalaga ng hayop.

Balikan

Magandang araw! Binabati kita sa ipinakikita mong


kakayahan at kagalakan sa pamamagitan ng paggamit at pagsagot
sa lahat na pagsasanay sa Aralin 1, Kabutihang Dulot ng Pag-
aalaga ng Hayop, sa modyul na ito. Higit akong umaasa na taglay
mo na ang sapat na kaalaman na may kinalaman sa mga
kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop. Kabilang na dito ang
mga sumusunod: maraming pamilya ang nag-aalaga ng hayop
para sa pang-araw-araw na pangangailangan, nakatutulong ang
pag-aalaga ng hayop upang maiwasan ang stress at ang pag-
aalaga ng hayop ay isang kawili-wili at malusog na libangan.
Sa pagkakataong ito, panibago na namang kasanayan ang
dapat mong alamin habang ginagamit mo ang modyul na ito.
Sa modyul na ito, “Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa
Tahanan”, ikaw ay mabibigyan ng sapat na kaalaman at
kasanayan na kinakailangan mo sa pang-araw-araw na
pamumuhay at hindi mo na kailangan pang hilingin ang lubos na
gabay ng iyong guro.
Basahin mong maigi ang mga nilalaman ng modyul na ito
upang makamit mo ang mga kasanayan na dapat ay taglayin mo.
Sa mga bahaging hindi mo maintindihan, maaaring sumangguni
sa iyong guro para ikaw ay magagabayan. Ikinagagalak palagi ng
iyong guro na ikaw ay matulungan.

8
Tuklasin

Panuto: Sa puzzle o palaisipang ito ay may walong nakatagong


mga salita na tumutukoy sa mga hayop na maaaring alagaan sa
tahanan. Hanapin at isulat ang mga ito sa sagutang papel. Ang
mga salitang ito ay naka-posisyon sa lahat na direksiyon,
maaaring nakasulat mula sa kanan-pakaliwa, kaliwa-pakanan,
pahalang, patayo at pahilis. Ngunit, lahat ng ito ay dapat nasa
tuwid na guhit.
D K D J K U C U E N A Z D N M
L Z V Z I L S D B P F H J H Q
H S C P E H G V I X O Y M W E
X T N R U J Z P B A S U P L H
N P M P W Y S A H A I B A K A
M A V B O Q G K Q U E H T C U
N C D G K N O D X F S Q J O Q
M Z G E I N E J C I G W S G M
C N F B A B M L H M S A E K J
U W M M S Q L W E Z B D A G H
Q A S E T E B I J P T L A I C
K T R I O A J B U W A Y A N J
F P G N B M T E S B F N D G Q
U R S O Q G I P A H Z I T H B
E A Y L X Y K W N D J U F E Z

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papel.
1. Gusto mo rin bang magkaroon ng mga alagang hayop sa
inyong tahanan? Bakit? Ibahagi ang iyong sagot.
2. Bilang mag-aaral, bakit kailangang mahikayat mo rin ang iba
lalo na ang mga kasama mo sa bahay para mag-alaga rin ng
hayop?
3. Ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pag-aalaga
ng hayop?

9
MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN SA TAHANAN
Ang hayop ay isang espesyal na organismo na nabubuhay sa
mundo kung saan malaya silang nakagagalaw. Maaaring sa lupa
o sa tubig nabubuhay ang mga ito. Ang mga hayop ay may buhay
din kagaya ng tao kaya kailangan din natin silang alagaan at
mahalin katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili at sa ating
kapwa.
Maraming uri ng hayop ang maaari nating alagaan sa
tahanan. Halimbawa ng mga ito ay ang aso, pusa, kambing, isda,
manok, bibe o pato, kuneho, at kalapati.
Aso - Nakakatulong ito sa paglalakad at maging bantay ng ating
mga tahanan.
Pusa - Ito ay magaling manghuli ng daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.
Kambing - Bukod sa kanilang gatas na ibinibigay, mainam din
ang kanilang karne, buhok at katad.
Isda - Nabubuhay ito sa tubig at tulad ng tao, kailangan din
nila ng sapat na oksiheno upang mabuhay.
Manok - Ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak
dahil nagbibigay ito ng itlog at karne.
Bibe o Pato - Ito ay mainam na pagkukunan ng itlog na balut
at penoy.
Kuneho - Nagbibigay ito ng masustansiyang karne at hindi
madaling dapuan ng sakit. Hindi ito maselan sa
pagkain.
Kalapati - Gustong-gusto nilang tumira sa puno. Kailangang
mataas ang bahay ng alagang kalapati upang ligtas
sa daga at pusa.
Ang pag-aalaga ng mga piling hayop na ito ay hindi lamang
bilang pet o pansariling alaga bagkus maaari rin itong paramihin
at pagkakikitaan. Mahalaga ang pag-aalaga ng hayop sa
pamumuhay ng mag-anak at pamayanan. Maraming pamilya ang
nag-aalaga ng hayop para sa sariling pangangailangan.
Gayunpaman, kinakailangan ang ibayong pag-aalaga sa mga
hayop para matiyak na malusog, malinis at ligtas na kainin.

10
Pagyamanin

Gawain 2.1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng hayop ang maaaring alagaan
batay sa larawan. Idugtong sa pamamagitan ng guhit ang
tinutukoy ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Mainam na pagkukunan ng
itlog na balut at penoy.
A
2. Nabubuhay ito sa tubig.
Kailangan din nila ng sapat
na oksiheno upang
mabuhay.
B

3. Nakakatulong ito sa
paglalakad at maging
bantay ng tahanan.

C
4. Nagbibigay ng karagdagang
kita sa mag-anak dahil
nagbibigay ito ng itlog at
karne.
D
5. Bukod sa ito’y taga-huli ng
daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.
E

11
Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Buuin ang maikling talata sa pamamagitan ng
pagpupuno sa mga patlang. Piliin ang wastong salita o mga salita
sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
hayop katangian bibe pamilya manok
aso pag-ingatan isda pag-aalaga pusa

Bawat alagang hayop ay may kanya-kanyang 1. _______ at


paraan ng pag-aalaga. Ang 2. ______ ay mainam na pagkukunan
ng itlog na balut at penoy. Nagbibigay naman ng karagdagang kita
ang mga alagang 3. _______ dahil sa itlog at karne nito. Mainam
din na alagaan ang 4. _______ dahil nakatutulong ito sa paglalakad
at magiting na bantay ng tahanan. Ang mga 5. ______ naman ay
nabubuhay sa tubig at tulad ng tao, kailangan din nila ng sapat
na oksiheno upang mabuhay. Mahusay rin na alagaan ang mga 6.
_______ dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.
Nakapagdudulot ng kasiyahan ang 7. _________ ng mga piling
hayop. Maraming 8. __________ ang nag-aalaga ng hayop para sa
pang-araw-araw na pangangailangan.
Gayunpaman, kailangan din nating 9. __________ ang mga
hayop na ating inaalagaan. Dapat na mabigyan natin sila ng sapat
na tubig, pagkain, liwanag, bentilasyon, at maging ang kanilang
mga tirahan.
Kailangan ang ibayong pag-aalaga sa mga 10. ________ para
matiyak na malusog, malinis at ligtas na kainin.

Isagawa

Gawain 2.3
Panuto: Ipakilala mo ang iyong alagang hayop o di kaya ay
pumiling mga aalagaang hayop at iguhit ito sa papel. Lagyan ito
ng pangalan at sabihin kung bakit mo ito napili o nagustuhan.
Binabati kita! Ikinagagalak ko ang kahandaan mo sa
susunod na aralin. Ang galing mo!

12
Aralin
Maayos na Pag-aalaga ng
3 Hayop
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng
hayop; at
2. Nakagagawa ng sariling hakbang para sa maayos na pag-
aalaga ng hayop.

Balikan

Magandang araw! Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Batid


kong nagawa mo nang maayos ang pagsagot sa nakaraang aralin
tungkol sa mga hayop na maaaring alagaan sa bahay. Sa araw na
ito, may panibagong aralin ka namang matututunan.
Ito ay may pamagat na “Wastong Pag-aalaga ng Hayop”. Iyong
matutunan kung ano ang mga hakbang sa maayos na pag-aalaga
ng mga hayop.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1 2 3

Suriin

Ano-ano ang iyong mga nalalaman tungkol sa pag-aalaga ng


hayop? Anong mga hakbang o pamamaraan ang iyong ginagawa
sa pag-aalaga ng hayop? Patuloy sa pagbabasa at maging handa
sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain.
Ang pag-aalaga ng hayop ay napakahalagang usapin. May
mga pamamaraan o hakbang sa maayos na pag-aalaga ng hayop.

13
Mga dapat tandaan sa maayos na pag-alaga ng hayop:
1. Ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote o sa
likod bahay.
2. Linisan nang mabuti ang tirahan o kulungan at lagyan ng
kanal ang paligid nito upang daluyan ng tubig.
3. Bigyan ng sapat na pagkain, bitamina at gamot upang sila ay
lumaki nang malusog at produktibo.
Mga bagay na dapat ibigay sa alagang hayop:
1. Tirahan o kulungan 2. Tubig at Pagkain 3.Malinis na hangin

Pagyamanin

Gawain 3.1
Panuto: Ibigay ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Mga dapat tandaan sa maayos na pag-alaga ng hayop.
2. Mga bagay na dapat ibigay sa alagang hayop.

Isaisip

Gawain 3.2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Paano mo masasabi na wasto ang pag-aalaga mo ng hayop?
2. Bakit mahalagang sundin ang mga wastong hakbang sa pag-
aalaga ng hayop?

Isagawa

Gawain 3.3
Panuto: Itala ang iyong sariling pamamaraan o hakbang at
bagay na dapat ibigay sa hayop na makikita sa bawat larawan.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

14
Aralin
Ligtas na Tirahan ng mga
4 Alagang Hayop
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga katangian ng maayos na lugar o tirahan
para sa alagang hayop; at
2. Nakaguguhit ng angkop na lugar o tirahan ng aalagaang
hayop.

Balikan

Magandang araw mga bata! Kumusta?


Madali ba para sa iyo ang pagsagot sa mga gawain ng mga
naunang aralin? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa at pagtuklas
ng mga bagong kaalaman sa modyul na ito at tiyak na marami
kang matututunan.
Ibabahagi ko sa iyo ngayon ang tungkol sa, “Ligtas na
Tirahan ng mga Alagang Hayop,” Handa ka na ba? Tara na!
Ang pag-aalaga ng hayop ay nangangailangan ng panahon at
oras. Tulad nating mga tao, sila rin ay may mga pangangailangan.
Ano- ano ang mga ito? Ito ay ang tirahan, pagkain, at nararapat
na gamot para lumaki silang malusog.

Tuklasin

Sa susunod na gawain, makikita ang mga katangian ng angkop


na lugar o tirahan para sa mga alagang hayop.
Panuto: Pag-aralan ang bawat tirahan o lugar ng mga alagang
hayop na makikita sa ibaba at ilarawan ang bawat isa. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

15
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano- ano ang mga hakbang para mapanatiling malinis ang
kulungan ng mga alagang hayop?
2. Ano- ano ang mga katangian ng tirahan o kulungan ng mga
alagang hayop?
3. Ibigay ang kabutihang maidudulot sa hayop ng mga katangiang
ito?
Ngayong nakita mo na kung ano ang mga angkop na tirahan
para sa iyong alagang hayop, sigurado akong handa ka ng matuto
para sa susunod na bahagi ng araling ito.
Para matiyak ang kalusugan ng ating mga alagang hayop,
mainam na maibigay natin ang angkop na tirahan para sa kanila.
1. Sa paghahanda ng tirahan dapat na ito ay nakaangat sa lupa
para sa maayos na paghiga o pagtulog ng iyong alaga.
2. Mayroong sapat at malinis na inuming tubig.
3. Lantad sa sikat ng araw para hindi lamigin ang alagang
hayop at para rin madaling matuyo ang paligid ng kulungan
sakaling ito ay mabasa ng ulan.
4. Maayos na daluyan ng tubig o kanal sa paligid ng kulungan
para hindi tumambay ang tubig sakaling umulan nang
malakas.
5. Ito ay dapat na may tamang layo sa bahay ng mga tao para
maiwasan ang kontaminasyon o anumang sakit dulot ng
hayop.
6. Mahalaga ring may puno sa tabi ng kulungan para may
panangga sa sobrang init at ulan.
7. Kailangan din ang malawak na lugar para sa malinis na
simoy ng hangin.
Sa ganitong mga katangian ng tirahan o kulungan ng ating
mga alagang hayop, tiyak na magiging maaliwalas ang kanilang
kapaligiran na hahantong sa mabilis na paglaki, malusog na
pangangatawan, hindi sakitin, at nagbabadya ng malaking kita o
produksiyon.
Tulad nating mga tao, ang mga hayop ay may karapatan ding
mamuhay ng kaaya- aya at matiwasay para maranasan din nila
kung gaano kasaya ang mabuhay sa mundong ibabaw.

16
Pagyamanin

Gawain 4.1
Batay sa naitalang mga katangian ng tirahan ng mga alagang
hayop, pagtugmain ang mga katangian sa angkop na larawan.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B

1. May maayos na kanal o daluyan


ng tubig
A.

2. Tama ang layo sa bahay


B.

3. Nasisikatan ng araw
C.

4. May sapat at malinis na tubig.

D.
5. Nakaangat sa lupa

6. May malinis na simoy ng hangin E.

7. May lilim na panangga sa sobrang


init at ulan F.

G.

17
Isaisip

Gawain 4.2
Panuto: Buuin ang parirala sa pamamagitan ng pagpuno sa
patlang ng mga angkop na salita mula sa kahon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

maayos lilim makapagbigay silang nakaangat

Ang hayop ay tulad din ng tao na may pangangailangan.


Dapat 1. _______ bigyan ng maayos na tirahan para matiyak ang
kanilang kaligtasan at tuloy 2. ________ nang mataas na
produksiyon.
Sa paghahanda ng tirahan ng mga alagang hayop, dapat itong
3. ________ sa lupa, may sapat at malinis na tubig, nasisikatan ng
araw, may 4. ________ na daanan ng tubig o kanal, tama ang layo
sa bahay, may 5. ______ na panangga sa sobrang init at ulan, at
may malinis na simoy ng hangin.

Isagawa

Gawain 4.3
Panuto: Pagsama-samahin ang mga katangian ng lugar o tirahan
ng alagang hayop at ipakita ang iyong ideya o konsepto sa
pamamagitan ng isang ilustrasyon. Gumamit ng isang buong
papel.

Magaling! Handang- handa ka na nga sa susunod na aralin.

18
Aralin
Pagpapakain at Paglilinis ng
5 Tirahan ng Alagang Hayop
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga paraan ng wastong pagpapakain ng
mga alagang hayop;
2. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng paglilinis ng tirahan
ng mga alagang hayop; at
3. Nakagagawa ng talatakdaan sa pagpapakain at paglilinis
ng tirahan ng mga alagang hayop.

Balikan

Magandang araw! Kumusta mga bata?


Magkakaroon tayo ng panibagong aralin tungkol na tiyak na
makapaglilinang sa inyong kaalaman.
Batid kong malawak na ang iyong matututunan sa pag-aaral
at paggamit ng modyul na ito.
Ang araling ito ay magtatalakay ng mga kaalaman tungkol sa
wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.
Halina, basahin at gawin nang matuto at maging isang
mabuting tagapag-alaga ng hayop.

Tuklasin

Maraming pakinabang ang maidudulot ng pag-aalaga ng


hayop. Kaakibat nito ang pagbibigay ng wastong pagkain at
malinis na tirahan.
Sa mga sumusunod na larawan, ipinapakita ang mga hayop
na malulusog ang pangangatawan at hayop na payat o sakitin.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) sa ibabaw ng mga larawang nagpapakita
ng pagiging malusog ng mga alagang hayop at ekis (x) naman kung
hindi.
1 2 3 4 5
. . . . .

19
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano matutukoy kung malusog ang alaga mong hayop?
2. Paano mapapananatili ang kalusugan ng mga alagang hayop?
3. Ano-ano ang mga kabutihang maidudulot ng pagbibigay ng
wastong pagkain at malinis na tirahan sa mga alagang hayop?
Kaakibat ng pag-aalaga ng hayop ay mga tungkulin na dapat
isaalang- alang. Ito ay ang mga sumusunod:
Pagpapakain sa alagang hayop. Tiyaking wasto ang
ibinibigay na pagkain sa mga hayop dahil ito ay maaaring
makaaapekto sa kanilang kalusugan. Ang pagbibigay ng pagkain
ay nakabatay sa uri ng hayop at uri ng kanilang kinakain,
gayundin ang mga sumusunod:
1. Alamin ang kabuuang pangangailangan ng mga alagang
hayop.
2. Suriin ang pagkain ng mga hayop ayon sa kanilang edad.
3. Suriin ang kondisyon at kalidad ng pagkaing ibibigay.
4. Siguraduhing malinis ang paglalagyan ng pagkain.
5. Panatilihing mayroong malinis na inuming tubig.
6. Tiyakin na may talatakdaan sa pagpapakain.
7. Kumunsulta sa isang propesyonal tungkol sa epektibong
kaalaman sa pagpapakain.
Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop. Panatilihing
malinis ang tirahan ng mga alagang hayop dahil ang maruming
kapaligiran ay maaaring makapagdulot ng sakit sa mga ito. Ang
kahalagahan ng kalinisan ay makapagbibigay ng mga
sumusunod:
1. Maiiwasan ang anumang sakuna na maaaring maging
dahilan ng pagkamatay ng mga alagang hayop.
2. Maiiwasan ang hawaan o kontaminasyon ng sakit.
3. Malinis ang kapaligiran.
4. Mabilis ang paglaki.
5. Hindi makapagdudulot ng sakit sa tao.

20
Pagyamanin

Gawain 5.1
Panuto: Magtala ng limang (5) kanais- nais na katangian ng isang
tagapag-alaga ng hayop. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isaisip

Gawain 5.2
Panuto: Magbigay ng tatlong pariralang nagpapahayag ng
kaisipan tungkol sa wastong pagpapakain at paglilinis ng tirahan
ng mga alagang hayop. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Gawain 5.3
Panuto: Pumili ng aalagang hayop at gumawa ng isang linggong
talatakdaan ng pagpapakain nito at paglilinis ng kanilang tirahan.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang galing-galing mo naman! Binabati kita sa iyong


matagumpay na pag-aaral at pagsagot sa mga gawain sa Modyul
8. Tiyak na handang-handa ka na sa pagsagot sa mga
katanungang makikita sa pangkalahatang pagtataya ng Modyul
na ito. Panatilihin ang sikhay sa pag-aaral at laging tandaan:
Mahal kita, aking mag-aaral!

21
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa
tahanan?
a. Leon
b. Tigre
c. Manok
d. Elepante
2. Ang ____________ ay isang dulot ng pag-aalaga ng hayop na kung
saan maaari mong ibenta ang mga alagang hayop.
a. Libangan
b. Napaglalaruan
c. Napagkakakitaan
d. Nagbibigay pagkain
3. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
a. Nagbibigay ito ng itlog.
b. Nagbibigay ito ng karne.
c. Magaling humuli ng daga.
d. Mainam na bantay sa bahay
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang pagpapahalaga sa
alagang hayop?
a. Pagpapakain sa oras.
b. Pag-aalaga nang maayos.
c. Pabayaan na lamang sa bakuran.
d. Pagbibigay ng maayos na tirahan.
5. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa alagang
hayop, maliban sa:
a. Pagkain at tubig
b. Malinis na hangin
c. Bitamina at gamot
d. Matibay ngunit maruming tirahan

22
6. Ang sumusunod ay mga dapat tandaan sa maayos na pag-
aalaga ng hayop, maliban sa:
a. Linisin nang mabuti ang tirahan o kulungan.
b. Bigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig.
c. Ang bitamina at gamot ay hindi na kinakailangan ng alagang
hayop.
d. Dapat ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote
o sa likod bahay.
7. Ano ang angkop na tirahan kung aso ang alaga mong hayop?
a. Walang kanal
b. Malapit sa bahay
c. Nakaangat sa lupa
d. Sa makitid na lugar
8. Mainam na may puno sa tabi ng kulungan ng hayop upang __.
a. Sapat na suplay ng hangin.
b. Mapagkukunan ng panggatong.
c. Panangga sa sobrang init at ulan.
d. Mapagtatalian sa mga alagang hayop.
9. Paano maiiwasan ang hawaan at kontaminasyon ng sakit ng
mga alagang hayop?
a. Paglilinis ng paligid ng bahay.
b. Ipagbibili ang may sakit na mga hayop.
c. Hindi paglilinis ng tirahan ng mga hayop.
d. Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop araw-araw
10. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng wastong pagpapakain sa
mga alagang hayop?
a. Malalaman ang kaukulang kita.
b. Matiyak ang paglaki ng mga alagang hayop.
c. Maipakita ang kagalingan sa pag-alaga ng hayop.
d. Maipahayag ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng isang sanaysay


tungkol sa iyong karanasan sa pag-aalaga ng mga hayop.

23
24
TAYAHIN
Pangwakas na Pagtataya
1. c 2. c 3. d 4. c 5. d 6. c 7. b 8. c 9. d 10. b
GAWAIN 4.2
1. silang 2. makapagbigay 3. nakaangat 4. maayos 5. lilim
GAWAIN 4.1
1. d 2. g 3. c 4. b 5. a 6. f 7. e
GAWAIN 2.2
1. katangian 2. bibe 3. manok 4. aso 5. isda
6. pusa 7. pag-aalaga 8. pamilya 9. pag-ingatan 10. hayop
GAWAIN 2.1
1. b 2. d 3. e 4. c 5. a
GAWAIN 1.2
1. agrikultura 2. hayop 3. probinsiya 4. alagang 5. lote
6. nakakaikot 7. damuhang 8. tulong 9. pagpastulan 10. tulong
GAWAIN 1.1, 1.3, 2.3, 3.1, 3.2, 3.3, 4.3, 5.1, 5.2, 5.3
Mga Pamantayan 4 3 2 1 Puntos
1 Organisado at may kabuluhan ang inilahad at pagkakaugnay ng detalye.
2 Malinaw ang layunin at nasa pokus.
3 Gumamit ng payak at angkop na mga salita at lubos na nauunawaan.
4 Ginamit ang wastong mekaniks sa pagsulat (titik, bantas, baybay ng mga salita at iba pa).
Conversion Table
Kabuuang Puntos Bahagdan Pagpapakahulugan
16 100 Napakahusay
11 - 15 95 Mahusay
5 - 10 90 Mahusay-husay
4 80 Kailangan pang paghusayin
SUBUKIN
Paunang Pagtataya
1. c 2. c 3. c 4. d 5. c 6. d 7. c 8. b 9. b 10. d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J. 2015.
Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan IV. Vibal Group, Inc.

25
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like