You are on page 1of 4

Inner Speech

Ang inner speech o panloob na pananalita ay dinamiko, hindi


pirmihan, matatag na inilalarawan bilang sangkap ng berbal na pananalita at
may kalituhan sa salita at kaisipan.

Ang inner speech ay isang uri ng diyalogo o pakikipag-usap sa sarili


sa paraan ng pag-iisip at katahimikan.

Ang salitang inner speech ay ginamit ng isa Russian Psychologist na


si Lev Vygotsky upang mailarawan ang hakbang sa pagsasakatuparan ng
komunikasyon at proseso ng isipan. Ayon sa kanyang konsepto, ang
pagsasalita ay ginagamit bilang midyum ng pag-iisip na nagiging berbal.

Tagalog profanity

Maraming katawagan ang tagalog profanity, sa relihiyoso o pormal na


konteksto ito ay tinatawag na lapastangang pananalita o pag-
alipusta/panlalait. Kabilang rin sa pormal na katawagan ang paghamak
samantalang kabilang naman sa kolokyal na katawagan ang mura at
sumumpa.

Ito ay tumutukoy sa isang malawak na hanay ng mga nakakasakit,


lapastangan, at bawal na salita o mga ekspresyon sa wikang Tagalog.

Ito ay sensitibo sa konteksto: ang mga salita na itinuturing na bastos o


nakakainsulto sa isang konteksto ay madalas na katanggap-tanggap sa iba.

1.Putang Ina Mo
Isang kolokyal na salita na itinuturing na bastos o nakakainsulto.
Ginagamit ito upang ipahayag ang matinding damdamin. Ang “Puta” ay hiram
na salita na nagmula sa mga espanyol at nangangahulugang “bayarang
babae” sa kabuuan kapag binanggit ang putang ina mo, tuwiran mong
sinasabi na bayarang babae ang iyong ina o ang ina ng pinagsabihan mo
nito.
2.Gago
Isang kolokyal na salita na itinuturing na bastos o nakakainsulto.
Ginagamit ito upang ipahayag ang matinding damdamin. Tumutukoy ito sa
pagiging isang hangal o mga kilos na nagpapakita ng kahangalan.

3.Buwisit
Isang kolokyal na salita na itinuturing na bastos o nakakainsulto.
Ginagamit ito upang ipahayag ang matinding pagkainis sa isang tao o bagay.
Ginagamit rin ito kapag ikaw ay nakakaranas ng kamalasan o malas.

4.Leche
Isang kolokyal na salita na nangangahulugang gatas sa espanyol.
Ginagamit ito upang ipahayag ang pagkainis sa isang tao o bagay. Ito rin ay
kolokyal na termino ng tamud.

5.Pakshet
Isang kolokyal na salita na itinuturing na bastos o nakakainsulto.
Ginagamit ito upang ipahayag ang anumang damdamin. Ang salitang ito ay
pinaghalong “fuck” o pagsisiping at “shit” o tae.

6.Walang Hiya
Isang kolokyal na salita na itinuturing na bastos o nakakainsulto.
Ginagamit ito upang ipahayag ang pagkadismaya, pagkapahiya, paninirang-
puri. Tumutukoy rin ito sa kakapalan ng muka.Ang salitang ito ay kabaliktaran
sa ikinukumparang halamang makahiya na napakasensitibo kapag
hinawakan.

7.Ulol
Isang kolokyal na salita na ang ibigsabihin ay wala sa pag-iisip o ulol
na aso. Ito ay nakabatay sa paggamit ng tono o baryasyon at tinatawag rin
minsan ang salitang ito bilang kaululan o kabaliwan.

8. Lintik
Isang kolokyal na salita na ang ibigsabihin ay "kidlat" sa Filipino ngunit
ginagamit ito sa panunumpa ng kapwa. Ito rin ay nagpapahayag na sana
tamaan ng kidlat ang taong kinaiinisan.

9.Punyeta
Isang salita upang ipahayag ang sama ng loob, hindi kasiyahan,
pagkabalisa at pagkadismaya sa isang bagay o tao. Ito ay galing sa salitang
Espanyol na may salitang ugat na "puno" na nangangahulugang kamao.

10.Tarantado
Ito ay isang salita na nagmula sa Filipinong salita na "taranta" o
natataranta na kasingkahulugan ng Gago.

You might also like