You are on page 1of 6

4 Linggo ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN

ARALIN 9
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga ispesipikong panuto bago sagutin ang
mga gawain. Tapusin ang modyul na ito bago o sa eksaktong petsa na Enero 29, 2021. Para sa
online na konsultasyon, isangguni sa nakatakdang iskedyul.

LAYUNIN: Sa katapusan ng araling ito, inaasahang magagawa mong:


1. magamit ang kahusayan sa paglalarawan ng isang kaisipan tungo sa
pagsulat;
Ano ang 2. masuri ang iba’t ibang pahayag na naayon sa uri ng paglalarawan at
kailangan tayutay na ginamit at;
kong
malaman? 3. makasulat ng teksong deskriptibo.

Bago natin ipagpatuloy, subukin natin kung kaya mong sagutin ang gawaing ito.
Alam kong kaya mo! Makatutulong ito upang masuri mo ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang ito. Good luck!

Ano ang aking Panuto: Ipikit ang iyong mga mata. Mag-isip ng isang imahen na sa tingin mo ay
nalalaman? nakaiimpluwensiya ngayon sa pang-araw-araw na pagpopasiya mo sa buhay.
BALIK-ARAL
Ano ang nabuong diwa sa iyong isip? Bakit kaya ganoon? Ano sa tingin mo ang
ibig ipakahulugan nito? Anong katangian ang litaw sa iyong naisip? Anong
kulay ito? May hugis ba? Ilan? Gaano kalaki o kaliit? Maganda ba itong tingnan
o hindi? Ibigay ang mensahe ng imaheng nabuo sa pamamagitan ng pagsulat
ng isang talata sa pormang nasa ibaba.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM 1
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
May mga tekstong kapag binasa, may imahen o larawang nabubuo sa
isipan ng bumabasa. Ganito ang layunin ng Tekstong Deskriptibo. May
natatanging halaga ito bilang isang sanggunian sa pagsusulat ng isang
pananaliksik. Ito ay nakatutulong sa pagpapagalaw ng isip sa pagbuo ng isang
imahen. Gumagamit dito ng mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, lugar,
hayop, pangyayari o sitwasyon, ideya, konsepto o isang kaisipan, at kilos na may
mahalagang bisa sa paghahatid ng makabuluhang mensahe.

ARALIN 9: TEKSTONG DESKRIPTIBO


Ginagamit ang Tekstong Deskriptibo bilang pandagdag o suporta sa mga
impormasyong inilalahad ng Tekstong Impormatibo at sa mga pangyayari o
kaganapang isinasalaysay sa Tekstong Naratibo. Maaaring payak lamang ang
paglalarawan, o kaya ay mas malinaw na nakapupukaw sa ating limang
pandama -- paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at panalat -- upang
maging kongkreto ang paglalarawan sa isip ng mambabasa.

➢ Dalawang paraan/uri ng paglalarawan:

1. Karaniwang Paglalarawan - tahasang inilalarawan ang paksa sa


pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-
uri at pang-abay.
Halimbawa: Sa Tsina, ang malalaking pabrika at gawaing industriyal
ang nagdudulot ng makapal at nakalalasong usok.
2. Masining na Paglalarawan - malikhain ang paggamit ng wika upang
makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong
ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama ang isang bagay,
karanasan, o pangyayari.
Halimbawa: Sa Tsina, kung saan dambuhala at sindami ng kabute
ang mga pabrika na dala ng maunlad nilang industriya,
halos balutan na ng itim at nakalalasong ulap ang buong
siyudad.

➢ Mga Tayutay na kadalasang ginagamit sa Masining na Paglalarawan:

1. Pagtutulad (Simili) - tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang


bagay, tao, lugar, o pangyayari sa pamamagitan ng mga
salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at
katulad.
Halimbawa: A. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.
B. Ang bawat hakbang ng iyong paa ay parang sa isang
higante.

2. Pagwawangis (Metapora) - tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t


hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng
pagkakatulad.
Halimbawa: A. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
B. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.

3. Pagsasatao (Personipikasyon) - tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang


pantao sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa: A. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
B. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating
bansa.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM 2
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
4. Pagmamalabis (Hayperboli) - tumutukoy sa eksaherado o sobrang
paglalarawan kung kaya hindi ito ang literal na
pagpapakahulugan.
Halimbawa: A. Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking
kinakaharap.
B. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito.

5. Paghihimig (Onomatopeya) - tumutukoy sa paggamit ng mga salitang may


pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
Halimbawa: A. Malakas ang dagundong ng kulog.
B. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.

➢ Sa pagsulat ng Tekstong Deskriptibo, maaaring isaalang-alang ang mga


sumusunod:
1. Pumili ng paksa. Magmasid sa paligid. Alin sa mga ito ang nakapupukaw ng
iyong atensyon? Mayroon bang kakaiba sa hitsura o amoy
nito? O baka kaya nakalilikha ng kakaibang tunog?
2. Pumili ng isang pangunahing detalye lamang. Maaaring ang iyong nais
ilarawan ay isang malaking kabuuan. Magiging mas
epektibo ang gagawing paglalarawan kung may iisang
pokus ito. Pumili ng mabuti ng magagandang anggulo o
detalye upang mas maging malinaw sa isip ng babasa ang
larawang nais mong buuin.
3. Siguraduhing organisado ang mga detalye. Pagkatapos matukoy ang
pananaw at imaheng nais palitawin, isaayos ang mga
detalye tungkol dito. Kung ilalarawan ang isang tao,
maaaring simulan sa pisikal na katangian, kasunod ang
kanyang mabuting pag-uugali. Kung ilalarawan ang isang
tahanan, maaaring magsmula sa labas patungo sa loob, o
sa kaliwang bahagi patungo sa kanan. Kung ang
ilalarawan ay isang damdamin tulad ng takot, maaaring
magsimula sa katapusan pabalik sa kung ano ang nagdala
sa iyo sa takot na ito.
4. Maging malikhain sa pagpili ng mga salitang naglalarawan. Masdang
mabuti ang nais ilarawan. Usisain ang bawat detalye --
amuyin, haplusin, pakinggan, at kung kinakailangan,
tikman. Gumamit ng mga salitang naglalarawan.
5. Magbigay ng isang makatuwirang kongklusiyon tungkol sa iyong
inilalarawan. Matapos mong ilarawan ang pisikal na
katangian ng isang tao, tukuyin ang iyong kabuuang
persepsiyon sa kaniya. Matapos mong mailarawan ang
takot na inihatid sa iyo ng isang karanasan, ibahagi ang
naging epekto nito sa iyong pagharap sa buhay o
kasalukuyan.

➢ Ang makapagpapaliwanag ng detalye o kabuuang deskripsiyon ng isang


ideya ang taglay ng isang Tekstong Deskriptibo. Kung gayon, masasabing
ang makabuo ng solidong imahen na maaaring ilagay sa mas detalyadong
pamamaraan ng pagsulat ang layon ng isang Tekstong Deskriptibo.

Bago natin ipagpatuloy, subukin natin kung kaya mong sagutin ang gawaing ito.
Alam kong kaya mo! Makatutulong ito upang masuri mo ang iyong kaalaman
Maikling tungkol sa paksang ito. Good luck!
Pagtataya
ANO PA? Panuto A: Tukuyin kung masining o karaniwan ang paglalarawan na ipinapakita

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM 3
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
ng mga sumusunod na pangungusap.
masining
_________________1. Kahit kailan, talo ang walang paninindigan.

_________________2.
karaniwan Malakas, matipuno, at matikas ang nararapat na katangian
ng isang lalaking haharap sa laban ng boksing.
masining
_________________3. Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng akusado sa isang
krimen.

_________________4.
masining Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng hangin na dala
ng bagyo.

_________________5.
karaniwan Isang bundok ng labada ang hinaharap ni Tiya Berna tuwing
Sabado.

Panuto B: Tukuyin kung anong tayutay ang gamit sa bawat pangugusap.

_________________6.
Paghihimig Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob ng kweba.

_________________7.
Pagmamalabis Bumaha ng tao sa opisina ng KAPA noong isang araw.
Pagwawangis Si Anna ay may matang-hito.
_________________8.

_________________9.
Pagmamalabis Isang bundok ng labada ang hinaharap ni Tiya Berna tuwing
Sabado.

_________________10.
Pagsasatao Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng akusado sa
isang krimen.

Manlalakbay! Subukin natin kung anong natutunan mo sa iyong paglalakbay.


Alam ko na kaya mong gawin ang gawain na kalakip ng bahaging ito. Good
luck!
Panuto: Karaniwan na sa mga akdang pampanitikan ang gumamit ng mga
ANO ANG KAYA tekstong deskriptibo upang makapagpinta sa mambabasa ng mga
KONG GAWIN? imahen. Basahin ang sumusunod na tula ng makatang si Jose Corazon de
Jesus. Ipinta sa isipan ang imaheng nabubuo mo habang binabasa ang
tula. Pagkatapos, subuking iguhit ang imahen sa espasyong laan
pagkatapos ng tula.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM 4
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
Manlalakbay! Subukin natin kung anong natutunan mo sa iyong paglalakbay.
Alam ko na kaya mong sagutin ang mga tanong na ito! Good luck!

Panuto: Alin sa mga magagandang destinasyon sa Pilipinas ang napuntahan


mo na? Ilagay sa nakalaang espasyo ang iyong larawan na kuha sa
LAGUMANG lugar na ito. Maglagay ng caption na naglalarawan upang humikayat
PAGTATAYA sa mga tao na bisitahin ito.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM 5
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
RUBRIK SA PAGBUO NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Pamantayan Puntos Natamong


puntos

Malinaw na nailahad ang layunin sa


pagsulat ng teksto
5

Lantad ang pangunahing ideya na


tatalakayin. Himay-himay na inilahad ang
mga suportang ideya 5

Wastong paggamit ng direkta at masining


na paglalarawan. Akma ang aspekto o
katangiang binigyang-diin sa paglalarawan
upang suportahan ang pangunahing ideya 5

Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa


paglalarawan
5

Kabuuan

Manlalakbay! Maglaan ng oras upang basahin ang mga teksto o panoorin ang
mga bidyo na kalakip sa bahaging ito bago dumako sa susunod na aralin. Pero
sa ngayon, puwede ka munang magpahinga.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagsulat ng isang Liham-


PALAWAKIN
Pangnegosyo, magtungo sa:

Online: http://filipinotagalog.blogspot.com/2011/09/textong

descriptiv.html#.VYujKBuqqko

SUSUNOD NA ARALIN: TEKSTONG NARATIBO O NAGSASALAYSAY

Mga aklat:

Asuncion, A., & Mendoza E. (2017). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto
tungo sa pananaliksik. ABIVA Publishing House, Inc.
SANGGUNIAN

Atanacio, H., Lingat, Y., & Morales, R. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t
ibang teksto tungo sa pananaliksik. C&E Publishing, Inc.

Maranan, M. (2018). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa


pananaliksik. Mindshapers Co., Inc.

Reyes, A., & Reyes M. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo
sa pananaliksik. DIWA Learning Systems, Inc.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM 6
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)

You might also like