You are on page 1of 15

11

FILIPINO
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 5:


Kakayahang Pangkomunikatibo
ng mga Pilipino:Diskorsal
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Karapatang-sipi ©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video, nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang
sariling-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto


Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol.

May-akda: Zenas P. Boyles


Mga Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos, RL

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Zenas P. Boyles
Tagasuri: Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V


Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, PhD
OIC – CID Chief
Josephine D. Eronico, PhD
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, PhD
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education – Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412 – 4938 (038) 411 – 2544 (038) 501 – 7550
Telefax: (038) 501 – 7550
E-mailAddress: deped.bohol@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 5:


Kakayahang Pangkomunikatibo
ng mga Pilipino: Diskorsal

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling “Kakayahang Pangkomunikatibo ng
mga Pilipino:Diskorsal”.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang magabayan at
matulungan na makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, pamilya at
pamayanang hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 na siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “
Kakayahang Pangkomunikatibo:Diskorsal”.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhng kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan
at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng
konsepto ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano
sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa
pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo
at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong
pamantayan.

Ang modyul na ito ay may aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa ikalimang linggo ng
Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 5: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Diskorsal
 Unang Araw: Kahulugan ng Kakayahang Diskorsal
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang -kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan (F11PT-IIe-87)
 Ikalawang Araw: Uri ng Kakayahang Diskorsal
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita (F11WG-II f-88)
 Ikatlong Araw: Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-usapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.

 Ikaapat na Araw: Pagsulat ng Sanaysay/Talumpati


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay/talumpati ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit
ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas (F11EP-IIf-34)

Subukin

(Panimulang Pagtataya)

Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pahayag batay sa nakalahad na kahulugan. Piliin ang
sagot sa mga salitang napapaloob sa kahon Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamamahala sa pag-uusap Pagkapukaw-damdamin


Paglahok sap ag-uusap Bisa kakayahang diskorsal
Pakikibagay Kaangkupan
Kakayahang tekstwal Kakayahang retorikal
Kaugnayan Kaisahan

1. Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang


teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyunal, transkripsiyo, at iba pang
pasulat na komunikasyon.
2. Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag
sa paraang passalita o pasulat.
3. Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal na makibahagi sa kumbersasyon.Kasama
rito ang kakayahng unawain ang iba’t ibang tahapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
4. Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan,
5. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap . Kinokontrol nito
ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
6. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
7. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao.
8. Ang pamantayang ito ang nagpapakita na kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na
pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
9. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang pag-uugali at
layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan
10. Tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Aralin
Kakayahang Pangkomunikatibo
5
Ikalimang Linggo
(Kakayahang Diskorsal)

Balikan
Ang mga pahayag sa ibaba ay bahagi ng pabulang Pagong at Matsing. Lagyan ng bilang 1
( pinakauna) hanggang 15 ( pinakahuli) ang patlang sa unahan ng bawat pahayag upang mabuo
ang kuwento.
_____A. Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.
_____ B.Isang araw namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at Matsing.
_____ C.Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero
itinapon parin siya ni Pagong.
_____ D.Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
_____ E. Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kanyang saging, nakipagsundo siya kay Matsing na
siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga.
_____ F. Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan.
_____G.Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto ay gaganda ang kaniyang balat.
_____ H.Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
_____ I. Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.
_____ J Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa
naman niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama.
_____ K. Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing-ilog.
_____ L. Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.
_____ M.Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesiyunan ni Matsing na itapon na lang
si Pagong sa ilog upang malunod.
_____ N .Nilagyan ni Pagong ang tinik ng bababaan ni Matsing kaya natinik ito at nasaktan.
_____ O .Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si Matsing.

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang inyong


tamang sagot.

Tuklasin
1. May napansin ka bang pagkahawig nito sa isang popular na paraan ng pakikipag-
ugnayan natin ngayon? Kung Oo ang iyong sagot, tukuyin kung anong paraan ito ng
pakikipag-ugnayan at ipaliwanag ang pagkakatulad nila.
2. Ano sa palagay mo ang mga kabutihang naidulot ng telegrama noong unang
panahon?
3. Ano naman ang mga hindi magandang naidulot nito?

Suriin
Alam mo ba……….

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng pagsasama-sama at


pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag. Maaaring ang mga
pahayag ay naipapamalas sa ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring
magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga interbyu, talumpati, o pagkukuwento. Samakatuwid,
ang mataas na kasanayan sa wika ng isang tao ay pinatutunayan din sa kaniyang kapasidad na
makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.
Ang kakayahang diskorsal ay nagangahulugang” pag-uusap at palitan ng kuro”. Ito ay
tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika. May dalawang
uri ang kakayahang diskorsal; ang kakayahang tekstuwal at kakayahang retorikal.Ang
kakayahang tekstuwal ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal sa pagbasa at pag-
unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyunal,
transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon. Ang kakayahang retorikal naman ay
tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal na makibahagi sa kumbersasyon. Ksama rito ang
kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw at opinyon.
Ayon kay Grice 1957,1975; (sipi kay Hoff 2001), may dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag. Ang
ikalawa naman ay ang pakikiisa, na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad,
kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon.

Panuntunan sa Kumbersasyon ( Grice 1957, 1975)


Kantidad Gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa hinihingi
ng pag-uusap- hindi lubhang kaunti o lubhang daming impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag ;iwasang magsabi ng
kasinungalingan o anomang walang sapat na batayan.
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin
Paraan Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang mahaba ang sasabihin
Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa paglikha ng mga
pahayag ang kaugnayan at kaisahan. Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung paanong
napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o
pasulat.Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
lingguwistikong paraan.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo


1. Pakikibagay (Adaptability)- ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod;
a. Pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. Pagpapakita ng pagiging kalamado sa pakikisalamuha sa iba
c. Kakayahang ihayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)- may kakayahan ang isang taong
gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod;
a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. Kakayahang making at magpokus sa kaussap
3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)-tumutukoy ito sa kakayahan ng
isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol niya ang daloy ng usapan at kung
paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)- ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan
kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)- tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahalagang pamantayan upng mataya
ang kakayahang pangkomunikatibo- ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap.
Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang magisip kung ang
kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.
6. Kaangkupan (Appropriateness)- maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang
mataya ang kakayahang pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika.
Kung angisang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya ang
kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinagyarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Pagyamanin
1. Ipaliwanag ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng sumusunod:

Kakayahang Tekstuwal at Kakayahang Retorikal

Kantidad at Kalidad

Kaugnayan at Kaisahan

Isaisip
1. Bakit kailangang taglayin ng isang tao ang lahat ng salik ng kakayahang
pangkomunikatibo upang masabing epektibo siyang komyunikeytor?

Isagawa
Batay sa mga komponent ng kakayahang pangkomunikatibong tinalakay, bubuo
ng isang modelong sumisimbolo sa isang mahusay na komyunikeytor. Isulat sa
loob ng katawan ng tao ang mga kakayahang taglay niya kaya siya ay tinaguriang
epektibong komyunikeytor. Sa mga patlang ay ipaliwanag ang modelong ginawa.
________________________________________

Tayahin
Basahin ang isang pabatid mula sa Kagawaran ng Kalusugan hinggil sa Ebola
Virus Disease. Subukin natin ang iyong kakayahang tekstwal. Basahin ang mga
pahayag na makikita sa ibaba at tukuyin kung ang mga ito ay Tama o Mali. Kung
Mali, ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungussap kung bakit.
Tama o Mali?

1. Nakahahawang sakit ang Ebola virus.


2. Maaaring mahahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng may sintomas
nito.
3. Ang mga sintomas ng Ebola gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo ng ilong ay
posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito kalahating buwan matapos
makasalamuha ang may sakit.
4. Talamak ang Ebola sa kontinente ng Aprika.
5. Wala pang lunas sa Ebola bagama’t makatutulong na panatilihing malinis ang katawan.
6. Kung makararamdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa apektadong bansa, agad
na makipag-ugnayan sa mga airport quarantine officers.
7. Mahalagang maibigay ang health information checklist ng mga pasaherong bumiyahe sa
loob ng Pilipinas.
8. Nararapat na kaagad na maibubukod sa ibang tao ang sinomang kakikitaan ng sintomas
ng Ebola.
9. Susi sa paggaling ng Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit.
10. Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
(Department of Foreign Affairs) upang maiwasa ang Ebola.

Karagdagang Gawain
 Ngayong batid mo na ang lahat ng komponent ng kakayahang komunikatibo ay mas
malilinang mo na ang mga ito upang maging isa kang epektibong komyunikeytor. Dapat
tandaan na upang makamit ang mithiing ito, kailangang gamitin nang wasto ang wikang
Filipino sa iba’t ibang konteksto. Ngunit hindi rito nagtatapos ang lahat, bilang isang
Pilipino ay tungkulin mo ring hikayatin ang kapwa mo Pilipino upang lumago sa
paggamit ng wikang Filipino.Ikaw ngayon ay sumulat ng maikling sanaysay/talumpati.
Pumili ng isang paksa sa ibaba .

1. Paglalaan ng Maraming Oras ng mga Estudyante sa Online games


2. Paakikipagrelasyon ng mga Kabataan
3. Nightlife o Paglilibang sa Gabi

_____________________________________________________
Pamagat

_____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________
_____________________________________________________
(Pangwakas na Pagtataya)

Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pahayag batay sa nakalahad na kahulugan. Piliin ang
sagot sa mga salitang napapaloob sa kahon Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamamahala sa pag-uusap Pagkapukaw-damdamin


Paglahok sap ag-uusap Bisa kakayahang diskorsal
Pakikibagay Kaangkupan
Kakayahang tekstwal Kakayahang retorikal
Kaugnayan Kaisahan

1. Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang


teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyunal, transkripsiyo, at iba pang
pasulat na komunikasyon.
2. Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag
sa paraang passalita o pasulat.
3. Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal na makibahagi sa kumbersasyon.Kasama
rito ang kakayahng unawain ang iba’t ibang tahapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
4. Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan,
5. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap . Kinokontrol nito
ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
6. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
7. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao.
8. Ang pamantayang ito ang nagpapakita na kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na
pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
9. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang pag-uugali at
layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan
10. Tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Susi ng Pagwawasto
Panimulang Pagtataya/Pangwakas na pagtataya

1. Kakayahang tekstuwal
2. Kaugnayan
3. Retorikal
4. Kaisahan
5. Pamamahala sap ag-uusap
6. Paglahok sap ag-uusap
7. Pagkapukaw-damdamin
8. Kaangkupan
9. Pakikibagay
10. Kakayahang diskorsal

Balikan

__3__.A
__1__B.
__14_C.
__10_D.
__7__E.
__4__F.
__11_G.
__2__H.
__8__I.
__12_J.
__5__K.
__6__L.
__13_M.
__9__N.
__15_O.

Tayahin

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali- Ang mga sintomas ng Ebola ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa rito
pagkalipas ng 2-21 araw matapos makasalamuha ng may sakit
5. Tama
6. Tama
7. Mali- Tanging ang mga pasahero mula sa ibang bansa ang magbibigay ng health
information checklist
8. Tama
9. Mali-Batay sa aking nabasa, wala pang bakuna kontra Ebola
10. Tama

Sanggunian

Dayag, Alma M., et al.2016. Pinagyamang Pluma. Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino.Quezon City. Phoenix Publishing Inc.
Taylan, Dolores R..et al .2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Quezon City. Rex Book Store.
https://bit.ly/36vkKbc
https://bit.ly/2GZ6azV

You might also like