You are on page 1of 4

PAGBABALANGKAS AT PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

PAGBABALANGKAS
 Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang
ugnayan.
 Tinutukoy bilang gulugod ng isang papel sapagkat nasasalamin sa isang mahusay na
papel ang masinop at masinsing pagbabalangkas ng mga ideya
 Sa pangkalahatan, nakikilala ang balangkas sa lalong popular na kaayusan nitong may
mga partikular na ideyang nasa ilalim ng higit na malawak na ideya at may punong-ideya
o panimulang hakang ginagamit na gabay sa pagtitiyak ng kahustuhan ng hanayan ng
mga ideya
Maaari itong makilala sa ganitong anyo.
Pamagat ng Pananaliksik/ Papel
Punong-ideya o Panimulang Haka
Balangkas :
I. (Unang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
B. . (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
B. . (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
ULO NG BALANGKAS
 Tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik.
 Tinutukoy itong introduksyon, katawan ng papel at pagkatapos/konklusyon ng
pananaliksik.
 Gayon pa man, hindi ito inilalagay bilang ulo ng balangkas. Sa halip, ang inilalagay ay ang
konsepto o paksaing nilalaman ng introduksyon, katawan ng papel at kongklusyon ng
papel.
 Mangyari, maaaring maging higit pa sa tatlong bahagi ang balangkas, depende sa dami
ng pangungahing konseptong matutukoy sa pananaliksik. Ang mahalaga ay mailagay sa
ulo ng balangkas kung tungkol saan ang mga bahaging ito upang maging tiyak din ang
suportang ideya at ang kaugnay na ideyang kasunod.
 Sa paghahanay ng ulo ng balangkas, isinasaalang-alang na ito ang pinakamalawak o
pangunahing konseptong bahagi ng pananaliksik kaya’t nasa bahagi itong maaari pang
lagyan ng suporta at kaugnay na ideya.
 Ang suportang ideya at kaugnay na ideya ay laging dalawa pagkat kung isa lamang ang
suportang ideya o kaugnay na ideya ay mangangahulugang hindi ito sing-lawak o sing-
halaga upang maging ulo ng balangkas.
BALANGKAS NA TALATA
 Paghahanay nang isa-isang mga ideya
 Iniisa-isa lamang ang mga ideya at walang gasinong pansing ibinibigay sa ugnayan at
isang ideya sa kasunod pa
 Makikilala ito sa anyong paghahanay at pag-iisa-isa ayon sa bilang.
 Hindi sumusunod sa karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng kung ilang antas
at kung ilang suson ang ugnayan ng mga ideya na inihahanay lamang sa pamamagitan
ng mga buong pangungusap na nasa anyong pasalaysay (deklaratib)
BALANGKAS NA PAKSA
 Gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng antas at suson mng
ugnayan ng mga ideya
 Makikilala ito sa gamit ng mga salita o parirala sa paghahanay ng mga datos at konsepto.
 Katulad ng karaniwang pangungusap, ang mga salita, parirala ay nagsisimula sa malaking
titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng talata
BALANGKAS NA PANGUNGUSAP
 Gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng antas at suson mng
ugnayan ng mga ideya
 Makikilala ito sa gamit ng mga salita o parirala sa paghahanay ng mga datos at konsepto
sa balangkas.
 Maaaring gumamit ng pangungusap na pasalaysay, kung tiyak na ang datos na ilalagay o
di kaya ay pangungusap na patanong, kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga
datos na nais kalapin.
 Kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap, magawang parallel ang
pormulasyon ng pangungusap at maipakita ang wastong gamit ng bantas
F. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL
 Mahalagang magsimula ang paggawa ng pananaliksik sa pagbuo ng isang konseptong
papel o concept paper.
 Dito nakasaad ang pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik
 Nakalahad dito ang pangkalahatang larangan ng paksaing nais talakayin, ang tulak o
rasyonal ng papel na nais isagawa, ang layuning nais tugunan ng pagtalakay, ang
pamamaraan o metodolohiya ng pagsisiyasat na nais isagawa, ang inaasahang maging
resulta ng isasagawang pananaliksik at panimulang sarbey ng sanggunian at kaugnay na
pag-aaral.
 Maikli lamang-dalawa hanggang tatlong pahina lamang.
PANGUNAHING BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL
1. TIYAK NA PAKSA
 Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtitiyak ng
paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.
 Pinipili ng isang nagsasaliksik ang larangan ng kaalamang nais niyang siyasatin.
 Bukod pa rito, higit pang ginagawang particular ang paksain upang higit na maging
masinop ang isasagawang pagsisiyasat.
 Sa pagtitiyak ng paksa, makatutulong ang panimulang pagbabasa ukol sa larangang nais
tuklasin.
 Ang pagbabasang ito ng mga kaugnay na paksa ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa
isang mananaliksik na masarbey ang lawak ng larangang nais talakayin.
 Nakapagbibigay din ito ng pagkakataong makatukoy at makaisip ng mga paksang nais
saliksikin (areas of inquiry).
 Makakatulong ang pagbabasa ng mga introduksyon ng mga aklat na may kaugnay na
paksa at ang paggawa ng panimulang katanungan mula sa mga nabasa.
 Maaari rin gumawa ng anotasyon ng mga nabasang aklat ukol sa paksa bilang
pagsasanay sa pagsasarbey ng mga kaugnay na pag-aaral ukol sa paksang sasaliksikin.
Ang tawag dito ay annotated bibliography. Maaari rin itong gawin kapag nakapili na ng
tiyak na paksa bilang simula sa pagsisiyasat ng mga sanggunian ukol sa paksa.
2. RASYONAL
 Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksang
nais siyasatin, mangyayaring maihahanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak
sa pagtatangi ng napiling paksain.
 Ano ang dahilan at napili ang paksain? Ano ang mga karanasan at pangyayari ang
nagtulak sa pagpili ng paksang ito?
 Ang pagtukoy ng pinagmulang motibasoyn o inspirasyon ng pagsisiyasat ang pagtukoy ng
tinatawag na rasyonal ng pag-aaral.
 Ang rasyonal o pinagmulang tulak ng pagsisiyasat ay maaaring maging isang karanasang
tuwirang nasaksihan ng nagsasagawa ng pag-aaral o di kaya ay isang konsepto, bagay o
ideya na nakapukaw ng kanyang pansin at nakapag-iwan ng malalim nab akas ng
pagtuklas na nais tuntunin ng nagsusulat ng akademikong papel.
3. LAYUNIN
 Sa pagtiyak ng paksa, halos kasunod na rin ang pagtitiyak ng layunin ng pagsisiyasat at
pananaliksik.
 Ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng
isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
 Halimbawa ay ang mga katanungang ano, sino, saan, kalian at bakit . Bawat isang
katanungan ay nagtatakda na rin ng isang antas ng lalim ng pagsusuring nais isagawa ng
nagsisiyasat. Halimbawa, maaaring ang pagtatanong ay nasa antas ng ano kung ang nais
siyasatin ay ang mga larangang may kinalaman sa paglalahad ng isang bagay o
pangyayari.
 Sa antas ng pagsisiyasat na ito, nasasakop ang mga pagsisiyasat na may kinalaman sa
paghahantad ng depinisyon at pagbibigay-linaw ukol sa isang bagay o pangyayari.
4. PANIMULANG HAKA
 Sa paghahanay ng matalas at tiyak na suliranin para sa paksa, maaaring maghanay ng
panimulang haka sa pag-aaral.
 Ang panimulang haka ay pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin.
 Nakabatay ito sa panimulang sarbey ng mga babasahing isinagawa bago pa man
makabuo ng isang tiyak na suliranin sa pag-aaral.
 Ang panimulang haka ay hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang
sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
 Ang panimulang haka ay paglalatag ng isang pangkalahatang inaasahang resulta ng
pananaliksik kaya’t mahalagang batay sa panimulang pagbabasa at pagsarbey ng mga
kaugnay ng babasahin at paksain.
 Maaari itong mabago sa bandang huli, matapos makapangalap ng mga datos at
obserbasyon.
 Ang panimulang haka ang tantyadong tugon sa inaasahang resulta ng pagsisiyasat kaya’t
kailangang bukas sa posibilidad na mabago, mapatunayang hindi totoo o hindi aplikable o
di kaya ay makapagbukas ng panibagong larangan ng pag-aaral matapos ng
pagsisiyasat.
5. SARBEY NG MGA SANGGUNIAN
 Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliograpikal
ng mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat. Maaari itong buuin
ng lima hanggang walong babasahing nabasa ng mananaliksik at nakatulong sa
pagsisinop at pagpapatalas ng kanyang suliranin at pananaliksik.
 Ang panimulang sarbey na ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at
pananaliksik ay nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga
kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.
 Isinusulat ang mga ito sa akmang anyo ng sanggunian.
 Ang mga sangguniang ito ay dapat na madagdagan at mapalawak habang isinasagawa
ang pananaliksik.
 Maaaring may mga sanggunian na makikitang hindi na magagamit sa pananaliksik.
 Mayroon din naming madadagdag na bago.
 Maaaring gumamit ng ng pormat ng APA, MLA, The Chicago Manual of Style o di kaya ay
ang A Manual for Writers ni Kate Turabian.
 Alin man ang gamitin, mahalagang maging konsistent sa pormat na pipiliing gamitin.
6. METODOLOHIYA O PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
 Ang metodolohiya o pamamaraan ng pagsisiyasat at pananaliksik ang mga balak na
hakbang sa pangangalap ng datos at ng pag-iimbestiga ukol sa napiling paksa.
 Sa paglalatag ng suliranin at panimulang haka sa pagsisiyasat at pananaliksik nakabatay
ang mabubuong pamamaraan ng pananaliksik.
 Sa pangkalahatan, maaaring ipag-uri ang mga metodo ng pananaliksik sa ilang
pangunahing pamamaraang ginagamit - ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, ang
pagsasagawa ng field work, pag-eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong
espasyo.
 Sakop ng pananaliksik sa mga aklatan at arkibya ang paggamit ng nalathala (aklat,
dyornal, dyaryo, magasin, newsletter at iba pang lathalain) at ‘di nalalathalang
kasulatan( tisis / disertasyon, manuskrito, katitikan, sulat – ugnayan, mapa, larawan, guhit
at iba pang mga personal na dokumento)
 Ang mga dokumentong ito ay maaaring nasa pag-iingat ng mga aklatan o ‘di kaya ay nasa
mga pribadong koleksyon ng mga indibidwal.
 Sakop naman ng pamamaraang field work ang mga pamamaraang tulad ng
pakikipanayam, sarbey gamit ang mga pormularyo o questionnaire , participant –
observation, pagmamapa at iba pang mga pamamaraang mangangailangan ng pagpunta
sa isang lugar at pakikisalamuha sa mga tao.
 Ang pamamaraang nangangailangan ng eksperimento sa isang laboratoryo o isang
kontroladong lugar ay kadalasang ginagawa sa mga pagsisiyasat sa agham tulad ng mga
eksperimento sa biyolohiya, kimika, at iba pang sangay ng agham.

You might also like